I Am Secretly Married To My H...

By Ms_Sapphire07

55K 1K 79

"WARNING!!PLAGIARISM IS A CRIME!!! This story may contain grammatical errors, typos, misspelled words, and ot... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
CHAPTER 3 (SPG)
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
Chapter32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 11

1.4K 37 0
By Ms_Sapphire07

BEATRIX' POV

Matapos naming kumain, napagpasyahan muna namin na dumito muna sa swimming pool bago umakyat sa aming kwarto

Sa katunayan, siya ang may gusto na manatili muna kami dito para 'daw' mapagmasdan ang mga nagkikislapang mga bituin sa madilim na kalangitan. Nagtataka man, subalit pinagbigyan ko na lamang, gusto ko din namang mapagmasdan ang mga bituin na naging saksi ng mga naging luha at lungkot na naramdaman ko noong bagong kasal pa lamang kami at no'ng nama---

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah." kuha nito sa atensiyon ko, nakaupo siya ngayon sa tabi ko at parehong nakalublob ang aming mga paa sa tubig at nakakagaan ito sa pakiramdam.

Napatingin naman ako sa kanya at tipid na ngumiti.

"Hindi naman, may naalala lang." mahinang sambit ko at muling ibinalik ang aking tingin sa kalangitan.

Ang ganda

Napakaraming mga bituin at dumagdag pa ang  napakaliwanag na buwan, na siyang nagbibigay liwanag sa madilim at mapayapang gabi.

"Ano namang naaalala mo?" kuryosong tanong nito.

'Marami. Lahat ng mga sakit, lungkot at pagdurusang pinaranas at pinaramdam mo lahat yun inaalala ko, kasi iyon lamang ang mga ala-alang meron ako.'

"Wala." tanging sagot ko na lamang, kahit na ang dami kong gustong sabihin sa kaniya na sa tanging isipan ko nalang nasasabi. I don't want to ruin this night. This peaceful night.

"You're lying.." he stated.  Napatingin akong muli sa kaniya at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"..pero, ano nga bang karapatan kong magtanong sa'yo kung ano ang mga inaalala at iniisip mo?"

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin at ibinaling ang tingin sa mga paa nitong nakalublob sa tubig.

"..kung pwede ko lang pasukin ang isip mo, ginawa ko na.. pero natatakot akong malaman ito dahil..."

Pinutol nito ang sinasabi at tumungo, marahil hindi niya mahanap ang tamang salita para sabihin ang gusto niyang sabihin o kaya dahil ayaw niya lang talagang sabihin ito..

Napailing nalang ako at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan

"Dahil natatakot kang makita ang mga hinanakit at lungkot sa isipan ko..?" i continued his sentences,  not realizing what I have said, kusa na lamang itong lumabas sa bibig ko.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na lumingon ito sa akin at umiling.

"Hindi.. N-natatakot akong malaman na.. B-Baka isinusumpa mo na ako diyan sa isipan mo." mahinang usal nito.

Pagak naman akong napatawa sa kaniyang tinuran at pasulyap siyang tiningnan.

"Ba't ka naman matatakot? Natatakot ka bang magkatotoo kung sakali man?" madiin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi at pasimpleng tumingala upang pigilan ang pagtulo ng aking luha.

Natahimik naman ito, kaya naman muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kailanman, hindi ko naisip ang bagay na iyan.. P-pero.." mahinang saad ko at malalim na napabuntong hininga.

"...s-sana nga madali lang para sa akin ang pag isipan ka ng ganoon, kaso hindi ko kaya— a-ayokong gawin kasi alam kong hindi iyon tama at hindi iyon ang paraan para makabawi ako sa mga pananakit mo."

'kasi umaasa akong magbabago pa ang tingin mo sa'kin, na magbabago pa ang trato mo sa akin,  kahit na alam kong malabo iyong mangyari.'

Natahimik  ito, kaya naman nilingon ko ito at nakita itong nakatungo  habang tinitingnan ang wedding ring namin na siyang nakasuot sa daliri nito

'hindi niya pa pala natatanggal.'

"Beatrix, aren't you curious why I am already wearing this wedding ring?" tanong niya.

Ibinaling ko ang aking tingin sa aking sinsing at napangiti nang maalala ang araw na isinuot niya ito sa daliri ko, noong araw ng kasal namin.

Tandang-tanda ko pa kung paano siya mag-alinlangan na isuot sakin ang singsing na 'to sa aking kamay na tila ayaw niya talagang matali o makasal sa akin pero..

..he have no choice, we have no choice, rather.

We have no choice but to say 'i do' to each other para sa taong mahal naming pareho.

"Hey Beatrix, you hear me?"

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin ito sa akin.

"You saying?" nagtatakang tanong ko.

"Do you hear what I've been saying here? Kanina pa ako nagsasalita." he stated, his eyebrows tugged up,  getting annoyed a little.

"What is that?"  kuryuso kong tanong.

Napasimangot naman siya at tumingin sa pool.

"Psh, never mind." nakapout na aniya.

cute!

"Maybe it's not the right time for you to know the reason behind it." mahinang bulong niya pa sa hangin.

Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko masyadong nadinig ang sinasabi nito.

"Ano 'yong sinasabi mo kanina, Xander?" pagpapa-ulit ko

"psh, wala. Ang lalim naman kasi ng iniisip mo." aniya.

Ako naman ang napasimangot sa sinabi niya.

"Ano nga kasi, sabihin mo na."  pangungulit ko pa.

"Wala! . 'Wag ka nga mag-pout diyan kung ayaw mo na namang mapagod ngayong gabi." nakangisi nitong saad habang nakatitig sa labi ko, pero agad ding nag-iwas ng tingin.

Anong ibig niyang sabihin?Mapagod? Saan naman ako mapapagod?

Kahit nagtataka, napakibit-balikat na lang ako sa sinabi nito at muling ibinaling ang tingin sa kalangitan.

Nakakagaan ng loob na pagmasdan ang mga nagkikislapang mga bituin, nananatili pa din ito sa pagningning kahit na dilim ang bumabalot sa kanila.

I just sighed and stared at the brightest star at the night sky.

'I hope you're happy there.'  saad ko sa aking isipan habang nakatingin doon.

Marahan akong napabuntong-hininga at wala sa sariling napadako ang kamay sa aking tiyan at pasimpleng hinaplos ito ng marahan.

Hindi ko pa pala nasasabi sa ama mo ang tungkol sa'yo baby. Maybe this would be the right time to tell about your existence to your father.

Sandali muna akong humugot ng lakas ng loob tsaka bumaling sa kan'ya, nakatingin ito sa paa ko na bakas sa mukha ang pag-aalala..

..pero binalewala ko lamang iyon at akmang magsasalita.

"Xander..I'm pr---."

Naputol ang salitang sinasabi ko nang bigla itong tumayo at marahan akong pinangko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan ng magsimula itong lumakad papasok sa loob ng kabahayan at agad na pinaupo sa isang couch.

Ano bang nangyayari sa kan'ya? Bakit parang alalang-alala siya, habang nakatingin sa mga paa ko?

Dahil sa kuryusidad,  wala sa sariling ibinaling ko ang aking mga mata sa aking paa, at napaawang ang mga labi ko sa gulat ng makita itong dumudugo.

Gosh, bakit hindi ko man lang namalayang dumudugo na pala ito.

Umalis siya sa aking harapan at dali-daling nagtungo sa kusina, marahil kukuhanin nito ang first aid kit sa isang cabinet doon.

Kitang-kita ko ang pag alala sa mukha nito kahit 'di niya sabihing nag aalala siya para sakin.

Umupo siya sa may paanan ko tsaka ito maingat na iniangat ang aking kanang binti na siyang nagdurugo at maingat na ipinatong ito sa hita niya.

Agad niya itong nilinis gamit ang bulak at alcohol at tahimik na ginamot ito, ramdam ko ang pag-iingat sa mga galaw nito at hindi ko mapigilan ang mapangiti sa ikinikilos niya.

He seemed so worried about me.

Tahimik kong pinagmasdan ang kabuoan ng gwapo nitong mukha at hindi ko maiwasang humanga sa kagwapuhan nitong taglay. Magkadikit ang mga mapupula at maninipis nitong mga labi at seryosong nakatuon ang kulay asul nitong mga mata sa sugat ko at bahagya pang magkadikit ang mga organisado at makakapal nitong kilay. Kahit saang anggulo masasabi mong gwapo ito dahil sa napakaperpekto nitong mukha,  mapa-side view man o nakaharap. Wala kang maipipintas sa kaniya dahil napakaperpekto ito pagdating sa pisikial na anyo

'Napakagwapo ng asawa ko.'

Napaigik ako sa sakit, ng hindi sinasadyang nadampi niya ng madiin ang bulak na may alcohol sa sugat ko, kaya naman dali-dali niya itong hinipan at nag-aalalang tumingin sa'kin.

"Does it hurts?" tanong nito. Umiling lang ako sa kan'ya at ngumiti.

"Not really."

"I'm sorry." nakatungong sambit niya.

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

I heard it correctly right? Did he just say 'sorry' at me?

'eto lang ang unang beses na nagsorry siya sa akin, at hindi ko maitatangging napakasarap sa pakiramdam na marinig ang mga salitang iyon galing sa kanya.

Malawak akong napangiti, tsaka inabot ang mga pisnge nito at marahan itong hinaplos.

"It's okay, pumayag naman akong ilublob ang mga paa ko sa tubig e,  dahil akala ko ayos na itong sugat ko."

"Pero ako pa din ang dahilan kung ba't ka nasugatan ng ganito, at ako din ang nagpilit sayo. Sana pala 'di na lang kita pinilit." aniya na parang nagsisi sa nagawa niyang paghagis ng baso ng alak sa paanan ko at ang pamimilit nito sa akin kanina.

Bahagya naman akong natawa at sinuklay ang buhok nito gamit ang aking daliri.

"Tapos na yun, e." pagpapagaan ko sa loob niya.

Ngumiti naman ito ng bahagya at muli ng ipinagpatuloy ang paggagamot sa sugat ko.

I'm happy na nakakausap ko na siya ng ganito ngayon, yung tipong,  parang napaka normal lang ang lahat. 'Yong parang walang nasaktan at nanakit.

How I wish this would never end, this moment that we have right now.

"Xander?" tawag ko sa pangalan niya, hindi inaalis ang tingin sa ginagawang paglalagay ng gauze sa paa ko.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at taka akong tiningnan.

"Yes?" tanong nito at sakto namang natapos na nito ang paglalagay ng gauze sa paa at binti ko.

"Thank you." nakangiting sambit ko,  napakunot noo naman ito.

"What's that for?" takang tanong naman niya, pero tanging ngiti lang ang itinugon ko dito.

'Thankyou for making me happy for this day, Xander.'

Napailing na lamang ito ng wala siyang nakuhang sagot mula sa akin.

"Let's sleep." aniya at tumayo na sa paanan ko, inilahad nito sakin ang dalawang kamay niya na parang ipinapahiwatig nito na bubuhatin na naman niya ako.

Bahagya naman akong natawa tsaka nangingiting inabot ang kamay nito. Binuhat niya ako paharap sa kanya at nagsimula ng maglakad paakyat sa hagdan.

Maybe this woud be the end of my 'for the mean time happines'..

"Good night, honey."  mahinang sambit nito at iniyakap ang mga kamay nito sa tiyan ko.

Mapait naman akong napangiti at nanatiling nakatihaya sa tabi niya, napahawak ako sa aking maliit na tiyan at napapikit.

Hindi ko pa pala nasasabi ang tungkol sa iyo baby, siguro this is not the right time to tell 'bout you from your father..

I'm sorry sweetie, I did try to tell him, but fate won't let me.'

Maybe, this is a sign for me to not tell you about our baby, Xander.

Napabuntong hininga na lamang ako at marahang humarap sa kanya, nakapikit na ang mga mata nito ngunit nasisiguro kong ito'y gising pa dahil hindi pa gaanong kakalma ang mga paghinga nito.

Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok nito pababa sa napakaamong mukha nito.

"Thank you for making me happy ,Xander. Even if just for a while." mahinang bulong ko sa tapat ng mukha nito tsaka ipinikit na ang aking mga mata.

Sa totoo lang ayoko ng matulog pa, dahil natatakot akong baka paggising ko bukas, ibang Xander na ulit ang kaharap ko.

I am afraid that he'll become heartless to me again.

Inaamin ko, umaasa akong 'sana' hindi na babalik pa ang dating Xander, 'yong Xander na walang ginawa kung hindi ang saktan ako, 'yong dating Xander na halos isumpa na ako dahil sa pagkamuhi sa akin.

Pero sinong niloloko ko?

Niloloko at sinasaktan ko lamang ang aking sarili kapag patuloy akong umasa sa napakalabong mangyari.

Napahikab ako ng makaramdam ng antok, kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na makatulog, habang tahimik na nagdadasal na sana'y hindi panaginip ang nangyaring kasiyahan ko ngayong araw.

>>F_A_S_T_F_O_R_W_A_R_D

Tanghali na ako nagising kinabukasan, kaya naman hindi ko na nagisnan o naabutan pa si Xander, siguro ay pumasok na ito sa kompaniya nila.

Actually, hindi ko alam kung ano na siya ngayon. Kung bumalik na ba siya sa dati o ganun parin siya tulad ng kagabi, pero siguro ay bumalik na siya sa dati.

Ang hirap naman kasi niyang basahin at intindihin eh..

ang hirap din niyang mahalin.

Maganda ang naging gising ko ngayon dahil hindi ako nagsuka at nahilo ngayong araw na 'to,

Siguro, alam ni baby na nahihirapan na ako, kaya binawasan niya muna ang paghihirap ko pero, nagcrecrave parin ako ng mga pagkain. Tulad na lang ngayon, nagluto ako ng noodles pero tinatanggal ko yung noodles at tanging yung sabaw lang ang gusto kong kainin...

It's  kinda weird but I'd love it!

Nang matapos kong iprepare ang pagkain ko, umupo na ako at nagsimulang kumain, pero napatigil din agad nang may mag door bell mula sa labas, kaya naman tinakpan ko muna ang kinakain ko para walang dadapong langaw at naglakad papunta sa pinto upang pagbuksan kung sino man ang nagdodoor bell.

'tsk, sino naman kaya ito? Imposible namang si Xander, eh nasa opisina pa yun ngayon.'

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang isang sopistikadang babae na siyang nakatayo sa aking harapan. Taka ko itong tiningnan pero ngumiti din kalaunan.

"Sino ho sila?" magalang kong tanong.

"I'm Kloeh, is Xander there?" maarteng saad nito.

Natulos ako sa aking kinatatayuan at napatitig sa babaeng kaharap ko ngayon.

'eto pala yung Kloeh na siyang kasintahan ni Xander.

She's a beauty, napakastraight ang kulay blonde nitong buhok at napaka sopistikada niya manamit, na sa isang tingin pa lamang masasabi mo ng mayaman ito at aakalain mong  isa itong artista o model dahil sa slim nitong katawan. Napakaamo din ng mukha niya at para siyang isang babaeng hindi makabasag pinggan kong ito ay ilarawan.

Bigla naman akong nanliit sa sarili ko dahil sa kanya.

'haist, ganito pala ang mga tipo ni Xander.'

Kung ipagkokompera mo kaming dalawa, wala na akong binatbat pa, sa pag aayos pa lamang ng sarili talo na ako.,

What more kung sa puso pa ni Xander.

"Hey, you stvpid maid, I'm asking you, where is Xander?" magaspang na tanong nito na siyang dahilan para madaling uminit ang ulo ko.

"Wala! hindi ko alam! Ba't sa akin mo hinahanap 'yang taong yan?! Hanapan ba ako ng nawawalang tao, hah?! Tsaka boyfriend mo di mo alam kung nasaan?! hanapin mo diyan sa maikli mong skirt baka diyan mo mahahanap! bwiset!" inis na saad ko, napataas naman ang peke nitong kilay,  gulat sa ginawa kong pagsagot sa kaniya

kingina niya! makastupid siya wagas e, nagtatanong lang naman. Nakakabwisit siya to the highest level!, kung gaano kaganda ang mukha niya, ganun namang kapangit at kagaspang ng ugali niya, psh!

"how dare you answer me like that! You're just a fvcking maid you b!tch!" sigaw niya sa mukha ko tsaka ako sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko, damn ang sakit.

tang¡na wag ako ang binubwisit niya!
gutom na kami ng baby ko!

Sinamaan ko siya ng tingin tsaka malakas siyang sinampal, mas malakas sa pagkamasampal niya sakin.  Anong alam niya siya lang may alam manampal?!  Heh, neknek niya!

"and how dare you slap me like that huh?! where did you get the priviledge to hurt me in our hom--i mean in my boss home?!" galit din na saad ko, at matalim siyang tiningnan. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa 'to nakahandusay diyan.

Tangna muntik ko pang masabi na bahay namin to, edi nagduda pa ang tanga, psh.

Napangisi naman ako ng mapansing parang nagulat siya sa ginawa kong pagsampal sa napakagaspang niyang mukha dahil nakatingin lang siya sakin na parang hindi makapaniwala habang hawak-hawak ang kaniyang pisnging nasampal.

'tss. serves you right b!tch.'

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla niyang iniharang ang kaniyang kamay upang pigilan ang pagsara nito pero hindi nasasadyang napalakas ang pagsara ko ng pinto at naipit ang daliri nito sa hamba ng pinto.

"ouch! my hand, huhuhu! its hurts..." maarteng aniya tsaka hinipan ang kamay nito habang masama ang tinging pinupukol sakin.

psh, sino ba naman matinong tao ang ihaharang ang kamay sa gilid ng pinto.

Tamad ko naman siyang tiningnan tsaka walang ganang nagsalita.

"malayo yan sa bituka." nangingiting saad ko upang inisin siya, at nagtagumpay naman ako dahil halos umusok na ang ilong nito sa galit.

ampangit din pala to pag nagagalit, pucha!

"pagsisihan mo tong ginawa mo sakin, you pathetic b!tch!" pagbabanta niya, pero nagkibit-balikat lang ako.

"sheez, I'm scared." kunwaring takot na saad ko at humalukipkip pa na parang nilalamig.

sarap asarin tong babaeng 'to, sana lang di ko paglihian.!

Mas lalo naman siyang nagalit at akmang susugudin na ako pero mabilis kong hinarang ang dalawang kamay ko sa harap niya.

"opps! opps! stay there!" pagpapatigil ko sa kanya at tumigil naman siya, siraulo.

"good dog." ngising saad ko at humagalpak na ng tawa.

pucha ang epic ng mukha niya, alam mo yung parang gustong-gusto niyang gumanti pero di niya magawa? ganon yung mukha niya.

"arrgh! I'm not a dog!" galit na aniya pero tinawanan ko lang ulit..

"e ano?  Aso lang?" sumama naman ang tingin nito sakin at mariing kinuyom ang mga kamay nito, nagtitimpi sa galit.

"i'll tell you, you gonna regret this." pagbabanta niya ulit sakin.

"ha.ha.ha. blah, blah, blah" kunwaring di interesadong saad ko pero ang totoo may kung anong takot ang namuo sa puso ko dahil sa banta niya.

masama parin ang tinging pinupukol nito sakin at hindi pa siya umaalis, kaya naman kunwaring tiningnan ko siya na parang takot at kinakabahan.

"makakaalis na po kayo miss kloeh, natatakot na po ako sa inyo huhuhu." sarkastiko ngunit nangingiti paring saad ko habang nakatingin sa mga mata niyang galit at naaasar sakin.

Napataas naman ang kilay ko nang bigla itong ngumisi.

"You should be scared, you stupid b!tch!"
Luh?  Di niya ba alam ang salitang sarcastic?  Pinatos niya yung sinabi ko?  Ayy tanga!

"Anyway, I'll going to Xander's office and tell him, that his stupid maid ...hurt me.." maarteng bulong niya at itinabingi pa ang ulo habang papikit-pikit pa na animoy parang nagpapa-cute amp.

di bagay sayo leche ka!

dahan-dahan naman akong humakbang palapit sa kanya tsaka tumingkayad ng konti para magpantay ang mukha namin.

Langya! para naman akong naging pandak dito dahil sa taas ng heels nito.

psh! matapilok sana siya mamaya!

"tsk,tsk.. pwedeng pakihanap ng pake ko?" bulong ko sa tenga niya tsaka tinalikuran siya at naglakad na pabalik sa pinto, pero papasok na sana ako sa loob ng bigla iting magsalita na siyang nakapagpatigil sakin.

"Let us see who gonna suffer when MY BOYFRIEND know about this bwahahaha." nakangising aniya at tumawa pa na parang isang baliw.

Gosh she's scary!

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob at mabilis na isinara ang pinto. Nanghihina  akong napasandal sa pinto at huminga ng malalim.

Sa totoo lang naduduwag at natatakot na ako sa mga banta niya. Oo, sinagot sagot ko siya kanina pero ang totoo natatakot at nanghihina ako habang kaharap siya. Natatakot ako na baka totohanin niya ang banta at mga sinabi niya na magsusumbong siya kay Xander.

Siguradong papaniwalaan siya nito dahil girlfriend at mahal niya ito at natatakot akong pagbuhatan na naman niya ako ng kamay dahil sa iniasta ko sa girlfriend niya, pero kasalanan ko ba kung nainis lang ako sa kanya?

Tsaka hindi naman ako ang nagsimula ah. Siya 'tong unang nagsabi sakin ng stvpid at siya ang unang sumampal sakin.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko nang makaramdam ng kaunting kirot sa puso ko, dahil sa isiping mahal ito ni Xander at hindi niya ito magawang saktan tulad ng pananakit nito sakin.

'sinasaktan mo na naman ang sarili mo Beatrix, 'wag mong sabihing mahal mo na naman ang asawa mo dahil lang sa pinagsamahan niyo kahapon? Wag ka ngang marupok!'
galit na saad ng isipan ko.

napailing nalang ako sa naisip.

'no. i do not love him.. I'm already done of loving him, and i was hurt... so i won't commit the same pain to my self, specifically to my heart again.'

napapikit na lamang ako tsaka tumingala upang pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

"Huwag kang iiyak Beatrix... be strong.. for your baby.." pagpapagaan ko sa loob ko tsaka huminga na ng malalim at tahimik na nagtungo sa kusina upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagkain kanina.

i think, its better to shove away those threats and fears in my mind, and just think my baby.

And what's new, if Xander will make me suffer again.? tsk, I'm already used on that...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...