Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Nineteen

381 11 0
By Haaadeez

Malamig na hangin ang unang naramdaman ko nang makalabas na kami sa hotel.

Napatingin ako sa kamay ko nang hablutin 'yon ni Vince, magaan lamang 'yon. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at ipinasok 'yon sa bulsa ng jacket niya.

Nangingiti naman akong umiwas ng tingin.

Gabi na at balak naming maranasan ang night market dito.

Napagdesisyonan naming 'wag na magdala ng sasakyan dahil nagiging food court sa gabi ang parking lot sa bayan nila.

Magkahawak kamay kami sa bulsa niya, hindi na ganoon kalamig dahil don.

Nang makarating kami doon ay tumambad sa amin ang napakaraming stall, hindi ito makalat dahil puro mga nakahelera. Ang isang kalsada lang ang naokupahan.

Binitawan na ni Vince ang kamay ko kaya nailabas ko na ulit ang kamay, napanguso naman ako dahil gusto kong hawak niya lang 'to.

"Don't pout, babe." Tawa nito at inakbayan ako. "Nakita ko 'yong nagtitinda ng mga libro doon." tumingin naman ako sa tinuro niya, stall 'yon na puro libro ang ibenibenta.

Tumango naman ako at naglakad na kami papunta doon.

"H'wag 'yan, ano ka ba Vince." Suway ko rito nang nakangiting hawakan niya ang Fifty Shades of Gray na libro.

Nanlaki ang mga mata niya sa reaksyon ko, " How do you know its content, hmm? Pauline? I thought you're my innocent baby." Pag aakusa nito sa akin.

Napakagat labi ako dahil maraming naikukwento si Nel na tungkol sa mga ganto.

Namumula ako at nagtingin na lang sa ibang librong pambata. Hindi ko pinansin ang pang aasar niya sa likuran ko. Panay pa ang tawa niya, epal.

"I observed that he likes watching and reading mystery stories. I saw him reading Flynn's book."

"Pero hindi pa naman siya ganoon kagaling magbasa."

"He's a genius, cupcake. Well, maybe because I was his father. " Ngumisi siya at rinig na rinig ang kayabangan sa boses niya, umiwas ako ng tingin.

Nakapag usap kami kahapon dahil sa sinabi niyang anak niya si Xyphere.

"Anong ibig mong sabihin, Vincent?" Naguguluhang tanong ko dito, hindi kasi makita ang pagbibiro sa kaniya, sinsero siyang nakatingin sa mga mata ko.

"I am his father, Pauline." Nanatiling nakakunot ang noo ko, naguguluhan sa sinasabi niya at hindi pumapasok sa utak ko. Siya ang ama ni Xy?

"P-paano mo nasasabi 'yan?" Mahinang tanong ko, huminga siya nang malalim at lumabas muna sa chapel. May bleachers sa labas kaya roon niya ako dinala.

Hawak niya ang dalawang kamay ko bago nagsalita.

"5 years ago, I met a girl in the club, we, uhmm, did a one night stand. She's from La Union also and she looks like you but a little bit younger. That guy from yesterday, he's Exton's friend, ex ni Vienna, the girl you thought my girlfriend. He confirmed that it's really you, Pauline. You're that girl." Malalim ang mga mata niya, para bang inoobserbahan ang magiging reaksyon ko.

" Paano kung mayroon pa akong ibang n-naka-ano." Umiwas ako ng tingin, hindi ko alam, paano kung mayroon naman talagang iba, wala akong naalala kahit na ano, kahit sino.

" Xyphere is a child version of me, no doubt that I'm his biological father and I am the one who took your virginity, cupcake. " Aniya, nakapatingin ako sa kaniya, madilim ang mukha nito pero agad naman siyang ngumisi sa huli niyang sinabi.

" T-totoo? " Nanlalaking matang tanong ko.

At hindi ko rin maintindihan bakit dito pa simbahan namin naisipang pag usapan ang bagay na ‘to.

Ngumisi naman siya agad at mas humigpit ang hawak sa akin.

" Yes and I can't believe you ran away after we that day. " Tumawa ito, napangiti naman ako kahit na walang naalala. Tumikhim naman siya bago muling nagsalita, " But if you want, we can have a DNA test, just tell me, Pauline. "

Tumango ako, kahit na halata namang siya ang ama gusto ko pa ring maging sigurado.

Binili namin ‘yong mga libro, may pambata, mayroong mga mystery stories. Humawak sa kamay ko Vince, inilagay niya naman ‘yon sa bulsa niya.

"Parang ang ganda nito." Gamit ang isang kamay, hinawakan ko ‘yong fur jacket.

Tumalima naman siya at agad na tinanong kung magkano. Nangunot ang noo ko nang hindi pa tapos magsalita ang tindero ay nagbigay na siya ng isang libo.

"S-sandali naman!" Pigil ko sa kaniya pero naibalot na ‘yon ng tindero.

Hiya akong napatingin nang itinigil niya, "S-sige na po." Inabot ko naman ‘yong paper bag kung saan niya ‘yon inilagay.

"What? You don't like it? Do you want me to take it back?" Tanong ni Vince nang makaalis na kami.

Napatawa naman ako sa isip ko dahil ngayon niya lang natanong kung ayaw kung kailan nakaalis na kami.

"Sinabi ko lang naman na maganda ‘yon, binili mo na agad." Tawa ko rito.

"Oh, hehe." Napapahiyang kumamot siya sa batok niya.

"Isusuot ko na lang." Saad ko para naman hindi siya napapahiya, wala namang nakakahiya doon, natuwa pa nga ako.

"No, that's unwashed. Baka madumi ‘yan. Don't worry, you'll wear that tomorrow." Pigil niya sa akin, siya na ang naghawak ng paperbag.

Nakangiti akong tumatango, naglakad na naman kami, hanggang sa tumigil siya sa bilihan ng mga accessories.

Napabitaw ako dahil may dumaan sa gitna namin.

"Sorry po." Paumanhin nito kaya nginitian ko na lamang siya.

Paglingon ko ay hindi ko na nakita si Vincent. Marami kasing tao, kahit na matangkad siya ay hindi ko pa rin makita dahil naiipit ako sa mga dumadaan.

Bago pa man ako makakilos ay may humila sa akin.

"You're like dwende kasi ‘no." Tawa nito, inirapan ko naman siya pero agad niya akong hinila papunta sa gilid.

Sinoutan niya ako ng bracelet. May mga beads yon, sa gitna ay may letter A.

"Bakit A?" Napatitig ako sa bracelets, mukha siyang pambatang porselas.

"Alvarez," Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. Tila tumalon ang puso ko sa sinabi niya. "You got my last name already, cupcake."

"A lang naman ‘yon, mamaya ibang pangalan ang mapagkamalan d‘yan." Mahinang natawa ako, umirap siya at binigyan ako ng singsing.

"Para saan naman ‘to?" Sinuotan niya naman ako ng singsing.

Napatitig ako sa ganda non, kalahating pacurve ito na parang bumubuo ng heart. May kalahating maliit na bato naman sa ibaba nito. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko malaman ang disensyo nito.

"Para malaman nilang akin ka na." Natigilan ako sa sinabi niya. "Look, I have mine too." Nakangiti siya sa akin habang pinapakita ang ring finger niya kung saan nakasuot ang kaparehas kong singsing, mas malaki nga lang.

Ipinagdikit niya ang kamay namin at doon ko lang nalaman ang disensyo nito. Bumubuo siya ng hugis puso at sa bandang itaas naman ang maliit na bato sa kaniya. Ang pa curve na linya ay pataas din.

Napatitig ako sa kamay naming dalawa. Mukha iyong wedding ring, kulay ginto at mukhang totoo.

"It's a promise ring, Pauline." Umangat ang tingin ko sa kaniya, napatitig ako sa mga mata niya. Matiim niya akong tinignan saka nginitian.

"Promise ring?" Mahinang tanong ko, ngumiti siya at saka tumango.

"Yeah, I promise to forever be on your side."

"Wala namang forever e." Mahinang tawa ko sa pagkontra sa sinabi niya. Ngumisi naman siya.

"Edi, until my last breathe." Napakagat ako labi ko para supilin ang ngiti ko pero hindi ko naman napigilan.

Napatitig siya sa labi ko bago halikan ang noo ko.

"Let's go?" Malambing na tanong niya, nakangiting tumango ako, pinagsiklop niya ulit ang mga kamay namin, kinikilig ako!




"How much is this circle waffles?"

Tumawa naman ako nang kumunot ang noo ng tindera sa sinabi ni Vince.

"Kwek-kwek ang tawag diyan, Vincent." Natatawang ani ko, inirapan niya ako saka hunarap sa tindera.

" Quick-quick po dalawang stick. " Napaiwas ako ng tingin dahil gusto ko nang tumawa, quick-quick?

"Stop laughing at me, Pauline. What do you want? " Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilan ang tawa ko. Nagkunwari naman akong nagtingin tingin.

" Isaw po sa akin, ate, 3 na sticks po. "

" What's isaw?" Bulong niya sa akin. Napapailing naman ako, hindi ba niya naranasang makakain ng street foods.

Kumuha ng tatlong isaw ang tindera, napatingin naman ako kay Vince dahil nakatitig lang siya roon habang piniprito ‘yon.

"That's isaw? Fried coated intestine? " Nakakunot ang noo niya, tinignan niya naman at parang hinusgahan ang pagkatao ko. "You're eating intestine?" Tanong niya sa akin, nakakurap ako sa sinabi niya bago natawa.

"Isaw ng manok ‘yan. Masarap ‘yan ano ka ba." Pang eengganyo ko sa kaniya.

Nang maluto na ay binigay na sa amin nang nakabaso. Nilagyan ko ng sauce ang sa akin, siya naman ay nakatayo lang.

Mahina nanaman akong natawa bago kunin ang order niya at nilagyan ng sauce.

"Anong gusto mong sauce, Vince?" Tinignan niya ang mga lagayan ng sauce.

"Uhm, I want the white vinegar."

Tumingin ako sa mga lagayan ng sauce. Agad na kumunot ang noo ko, wala namang white vinegar dito.

"Walang puting suka dito."

"That one, oh!" Tinuro niya pa. May sweet sauce, hot sauce at ang sukang may mga sibuyas at iba pang timpla, pero hindi naman ‘yon kulay puti, napatingin ako sa isa...

"Babaran ng sandok ‘yan!" Malakas akong natawa, pati ang tindera ay napatawa na rin.

Agad na napanguso ni Vince, sumasakit na ang tiyan ko kakatawa. White vinegar daw?

Naglagay siya ng sweet sauce sa baso niya at iniwan ako.

Natatawang sinundan ko siya.

"S-sorry na." Napakagat ako ng labi nang hawakan ko ang dulo ng jacket niya, natatawa pa rin pero kailangan kong pigilan na.

Masamang tingin ang iginawad niya sa akin bago ako irapan. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ngumiti sa kaniya, napatigil siya bago ngumisi.

"K, apology accepted." Ngumiti ako.

Naghanap hanap muna kami ng pagkain, bumili kami ni mami, dynamite, dumplings at buko juice. Bitbit naming dalawa ‘yon at naglakad sa gilid ng Burnham Lake, may mga upuan kasi doon.

Wala ng katao tao dahil 12 am na. Ipinatong namin ‘yong mga pagkain sa gitna namin saka umupo.

"Tikman mo ‘tong dynamite." Sinubuan ko siya nito.

"What's that?" Tanong niya pero bago pa man ako sumagot ay kumagat na siya.

"Siling haba ‘yan, ‘yong green na sili, may laman ‘to na cheese at ham sa loob." Sagot ko sa tanong niya.

Tumango tango siya.

"Mhm, it's good, I thought it's spicy."

"‘Yong iba maanghang, ‘yong iba hindi, depende pa rin naman sili." Sabi ko kinagatan ang dynamite na hawak ko.

Nagkwentuhan kami tungkol sa ibang bagay.

"Flynn is my only brother, he's gay. Well, it's okay, I don't see anything wrong with that as long as he's happy. " Nakatitig lang siya sa kumikinang na tubig ng lake dahil sa mga ilaw.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. " Ako kaya, may kapatid kaya ako? "

" You you want me to investigate about your family? " Napatingin ako sa kaniya.

" Sa susunod. " Umiling ako pero mukha siyang nag aalala kaya natawa ako at pinakain sa kaniya ang hawak kong dumpling.




"Did I make you happy?" Ilang beses ang tumango sa tanong niya.

"Oo naman, salamat dinala mo ‘ko rito." Ako naman ang humawak sa kamay niya.

"Gusto kong magrelax ka, you're going through so much, I'm sorry, I didn't know I have a child. Sana, hindi kayo naghirap. " Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago ako niyakap, awtomatikong yumakap naman ako pabalik tsaka pumikit.

" Ayos lang, wala kang kasalanan, sabi mo ako ‘yong tumakbo, tinakbuhan kita."  Nakapikit akong nagsalita.

"I'll make it up to you, okay? To our Xyphere Kale."

Tumango naman ako kahit na hindi naman niya nakikita, para kaming magnobya dahil nakayakap kaming dalawa sa ilalim ng maliwanag na buwan at sa kumikinang na tubig ng lawa, hindi nakakailang parang sobrang komportable ako sa kaniya, sobrang saya ko na kasama ko siya.

Mahal na ata talaga kita, Vincent.



Continue Reading

You'll Also Like

293K 33.9K 85
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
10.1M 304K 53
Anna Krause is in her senior year and more than ready to leave high school behind and start a new, fresh life without homework. What she didn't expec...
507K 1.5K 11
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...