Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Fourteen

407 14 0
By Haaadeez

"Pasok ka, Vince." Ngumiti ako sa kaniya at pinagbuksan siya ng pinto.

Nauna ako rito sa ospital pero halos kakapasok ko lang din ng kwarto ni Xy dahil bumili ako sa cafeteria ng pagkain.

Gustong pumunta ni Vince dito at makilala ang anak ko pero hindi niya alam bakit nandito si Xy. Hindi ko pa nasasabi.

Nauna na ako rito dahil sabi niya may bibilhin pa siya bago pumunta rito.

"May bisita ka, Xy." Nagpakita ang lalaki sa anak ko, may dala pa siyang isang basket ng mga prutas at isang paper bag na hindi ko alam ang laman.

Lumapit siya roon. Sa unang tingin ko pa lang sa kanila ay lumakas ang kalabog ng dibdib ko.

"Papa?" Inosenteng ani ng bata at madaling yinakap si Vince.

Napaubo ako at pipigilan ko na sana nang itaas ni Vince ang kamay niya, sinasabing hayaan ko lang sila.

"How are you?" Yinakap pabalik ni Vince ang anak ko atsaka matamis na ngumiti.

Bumitaw si Xy at umupo nang maayos. Inalalayan naman siya ng lalaki.

"A-ayos lang po, p-papa." Ngumiti si Xy, kakaiba ang ngiti niya. Alam kong isa ito sa mga gusto niya, ang may matawag na papa. Kahit kasi na bata pa ito ay nakakaramdam siya ng lungkot dahil ako lang ang mayroon dito.

"Anak, hindi siya ang papa mo-" Saway ko sana pero pinigilan agad ako ni Vince.

"Pauline, it's okay." Ngumiti ito sa akin atsaka bumaling sa anak ko. "You can call me daddy, Kale." Napangiti ako nang banggitin niya ang pangalawang pangalan ni Xy. Kumuha ng upuan si Vince sa tabi ng kama no Xy at binuksan na ang hawak niya kaninang paper bag. "Oh, look! I have something for you."

"Balil!" Natutuwang hinawakan ni Xy ang toy gun. Pang bata ang laruang ito dahil plastik lang siya at makulay pa.

"Yes, it's baril." Tawa ni Vince, dalawa ang laruang baril na nilabas niya, ang isa'y kay Xy at kaniya ang isa.

"Here look at this, ang astig 'no?" Itinutok niya ang baril sa dingding at may lumabas doon na mga laruan.

Maliliit na laruan lang 'yon.

Hindi ko alam na may ganyang toy gun.

"Opo!" Si Xy naman ang sumubok at tuwang tuwa siya nang may lumabas na kulay green na sundalong laruan na maliit.

"Marami pa rito, pumili ka lang dyan. Sa 'yo 'yan lahat." Inilagay niya ang paper bag sa kama ni Xy para makita nito ang nasa loob ng paper bag.

"Totoo po?" Lumiwag ang mga mata niya sa narinig.

Nangingiti lang akong nakikinig at pinapanood sila.

Maraming laruan nga na bago sa paper bag. Lahat nakabalot pa kaya alam kong kakabili lang ng mga ito. Ito siguro ang mga binili niya kaya siya nagpahuli.

"Yes, may iba ka pa bang gustong laruan? I'll buy whatever you like." Ginulo niya ang buhok ng bata at ngumiti.

"B-books po." Nahihiyang tugon naman ng anak ko.

Napangiti si Vince, at ako rin. Napapansin ko rin kasing gusto niya ng mga libro. Binilhan ko siya ng librong pambata at nakikita ko namang binabasa niya ito.

"Gusto mo ng books?" Nakangiting tumngo siya kaya lumawak ang ngiti ni Vince. "I'll buy you plenty of books, pero ngayon, let's play muna ha."

Nakahamba lang ako sa pinto habang naglalaro silang dalawa.

Mukha talaga silang mag ama. Magkamukhang magkamukha, kahit na hindi pa hinog ang itsura ni Xy dahil bata pa, hindi mo maipagkakailang napakagwapo niyang bata, parang si Vince.

Tumingin sa akin si Vince pero sumenyas lamang ako na lalabas ako.

Ngumiti naman siya at tumango.

"Hoy bakla, bakit nandito si Sir Vince ha?" Salubong sa akin ni Nel.

Kanina pa pala siya nandito sa labas, sinabi niya.

Umupo ako at tinignan ang dalawa mula sa maliit na bintana rito sa labas.

"Gusto niya bisitahin ang anak ko." Nakangiting sagot ko. Naramdaman kong umupo siya sa gilid ko.

"May gusto ka na don 'no?! Malandi ka!" Nanlalaking matang napatingin ako sa kaniya.

"H-hindi ah!" Utal kong sagot at umiwas ng tingin.

Naalala ko kasi ang mga ginawa namin at ang pag amin ni sir Vince.

"Nagsisinungaling ka na pala sa 'kin. Nag iba ka na talaga, Pau. 'Di na ikaw ang kilala kong Pauline-"

"N-nagkakamabutihan na. Maayos na ang pakikitungo niya sa akin." Putol ko sa sinasabi niya.

"May gusto ka na ba sa kaniya, girl? Okay lang din, aahon ka na sa hirap." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Alam kong nagbibiro lang siya kaya naman natatawa akong inirapan siya.

"Mukha talaga silang mag ama no? Shet, sure na ako siya ang tatay." Ngumuso ako at kahit itanggi ko man, parang natutuwa ako sa ideyang siya ang ama ni Xy.

"Magkamukha lang sila." Sagot ko pa rin.

"Tignan mo nga, pati ang moves nila parehas. Ay jusko, kung ako sa yo ipapa DNA test ko na yan. Beh, ang gwapo at yaman ng nakabuntis sayo kung si Sir Vince nga."

Natatawa na lang ako sa kaniya. Ang dami niya pang sinabi hanggang sa nagutom siya at nagpaalam na uuwi muna siya at babalik na lang bukas. Isasama niya pa ata si Brenna.

Pinapanood ko pa rin ang dalawa hanggang sa umayos na ng higa si Xy.

Tumayo naman ako at pumasok sa loob.

"Inaantok na siya, Vincent?" Tinignan niya ako.

Inaayos niya ang kumot ni Xy na ngayon ay pumipikit na. Antok na nga siya.

"Yeah. Come here, Pauline." Tumango ako at lumapit sa kaniya, hindi pa pala naayos ang mga laruan, mayroon pa sa baba ng kama.

"Ako na ang magtatabi nito, salamat sa pagiging mabait sa kaniya, Vince." Niligpit ko ang mga laruan at ngumiti kay Vince.

Hindi niya alam kung gaano ako napasaya sa simpleng pagtanggap niya sa anak ko.

"He's like my own. Hindi ko alam, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya." Sinasaad niya ito habang nakatingin sa tulog kong anak.

Tila may humaplos sa puso ko sa kinikilos niya.

"Gusto ko ng makaalala. Gusto kong malaman kung sino ang tatay niya." Wala sa sariling ani ko.

Natigilan siya at napaisip.

"What if, he'll find you? Sasama ba kayo sa kaniya?" Mula sa pagliligpit ko ay dumako ang tingin ko sa kaniya. Nag iba ang timpla ng mukha niya at alam kong dahil 'yon sa sinabi ko.

"Para sa anak ko. Kailangan niya ng sustento mula sa tatay niya. Hindi ko na kinakaya na ako lang mag isa, Vince." Lumungkot ako dahil kahit ano pang pagpapatatag na ginagawa ko sa sarili ko, alam kong hindi ko talaga kinakaya. Alam kong hindi ko kayang ibigay ang lahat sa kaniya, tanging pagmamahal ko lang sa kaniya ang sigurado ako.

"I-I can provide. I can be his father, Pauline." Matagal bago siya sumagot.

"Nakakahiya na 'yon masyado." Ngiti ko, nahihiya na rin.

"No, I want to be his father. Sagot ko na ang bills dito." Nanlaki ang mga mata ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Hoy, naku, 'wag na." Tanggap ko pa kasi ang tutulong siya, ngunit siya ang magbabayad ng lahat?

"I insist, Pauline. Can you tell me his condition?" Hinalikan niya ang kamay ko. Napatingin ako ron. Hindi niya naman inalis ang hawak sa akin.

Bago ako magsimulang magkwento ay binaba  na niya ang kurtina ng bintana atsaka muling inayos ang kumot ni Xy.

"Nawalan ako ng trabaho sa Bataan, sa Casa Zeandro." Nagsasalita ako habang nililigpit ang mga kalat.

"Casa Zeandro?" Matagal naman siya bago nagsalita, nakatalikod ako sa kaniya kaya nilingon ko siya at tumango.

"Apat na taon akong nagtrabaho ron pero ipinasara doon na nagsimula, nagparamdam ang sakit ng anak ko."

Hindi naman na siya nagsalita kaya nagpatuloy akong magkwento. Alam ko namang nakikinig siya dahil lumilingon ako sa kaniya at nasa akin lang ang tingin niya.

Nararamdaman ko na rin ang pagbabadya ng mga luha ko nang dumako na ang kwento ko sa paghihirap ni Xy, ang sakit niya.

Nagulat ako nang yakapin niya ang bewang ko. Nakaupo siya samantalang ako ay nakatayo sa harap niya.

"Gagaling siya, okay? I know he'll get through this, he's such a brave boy." Tango lang ako ng tango, sumasang ayon sa kaniya. Malakas ang anak ko at kaya niya ang mga ito.

Tumayo siya at yinakap na ako ng tuluyan, isinubsob ko sa dibdib niya ang mukha ko.

"Cry all you want, Pauline. Iiyak mo lang 'yan, it's okay to be weak sometimes but after this promise me to be strong again, hmmkay?" Anito habang pinapakalma ako. Hindi ako umalis sa pagkakasubsob sa dibdib niya.

Gumaan ang pakiramdam ko, ngayon kasi parang nagkaroon ako ng katuwang.

"Natakot ako na... na baka 'pag nalaman mong may anak ako, kung ano ano ang sasabihin mo." Saad ko at huminga nang malalim.

Hinawakan niya ang dalawang braso at pinaharap ako sa kaniya. Hinalikan niya ang noo at parang nahulog na ako nang tuluyan sa sinabi niya.

"Your son is a blessing, Pauline. I won't judge you for being a single mom, walang nakakahiya sa pagiging single mom, okay? You are so brave to face all of those, all by yourself. I am so proud of you and I adore you so much for surviving."



Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 34.2K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
567K 46.7K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
1.4M 109K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
4M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...