Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Eight

413 16 0
By Haaadeez

Nakangiwing inabot sa akin ng isang kasamahan kong nakauniporme pa ng pang kasamabahay ang isang pamunas.

Ngumiti naman ako sakaniya kaya't nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa.

Nagpatuloy nalang ako sa pagpupunas ng lamesa habang 'di sinasadyang marinig ang away ng mag-asawa.

"You hired ten maids and then you will hire one more?! Are you kidding me Argeo Luis?" impit na hiyaw ni ma'am Heather, ang asawa ni sir Geo.

Argeo Luis pala ang tunay niyang pangalan.

"Wag ka nga d'yan, dapat mga trabaho mo yan e pero kita mo naman how good husband I am."kalmadong sabi naman ni sir Geo, tila'y nagyayabang dahil ngumisi pa at sinulyapan kaming apat, kasama ko ang tatlong kasambahay na naglilinis dito sa kusina.

Nag aaway kasi silang mag asawa simula kagabi-simula nung dumating ako.

Umiwas na lamang ako ng tingin sa gawi nila nang makitang papalapit na sila rito sa kusina.

"It's not my job, dumbass" sumbat naman ni ma'am Heather. "And we don't need them"

Masama ang tingin niya kay Sir Geo at nangingiwing tumingin sa amin.

Maganda si ma'am Heather, may porselanang kutis, may kaliitan ngunit bumawi naman sa ganda ng mukha.

May singkit na mga mata at kulot na buhok na bumagay naman sa maliit niyang mukha.

Sumimangot si sir Geo, kami naman ay binilisan ang paglilinis upang hindi na madinig ang away nilang mag-asawa.

Alam kong ayaw sa amin ni ma'am Heather pero kahit na ganoon ay tinitiis namin dahil may binubuhay kaming anak at pamilya.

"And why is that? You don't even know how to clean. We've been together for 4 years now and still you didn't learn how to wipe this floor" nakangusong itinuro ni sir Geo sa puting tiles.

Kumunot ang noo ni ma'am Heather at sinamaan ng tingin ang asawa.

"I'm born to be an heiress, not to be a floor wiper, for so you know, and we're not together in those years" masungit na aniya at mas lalong sumingkit ang mga mata.

"But still, Ressy!"

Napakamot na lamang ako sa batok at mas lalong binilisan ang kilos.

Paano nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon?

"Do I need to clean to be your wife, my unwanted husband?" nanlaki ang mga mata ni sir Geo at ilang beses na kumurap.

"Hoy foul na 'yon, bata--"

"How many times will I have to say that I'm not a kid anymore"huling sabi niya ni ma'am bago kami sulyapan at irapan.

Sinamaan niya muna ng tingin si sir Geo bago padabog na umakyat ng ikalawang palapag, kung saan naroon ang kwarto nila.

"Psh, toyoin. Bago ako umalis kagabi ang bait sa akin, pag uwi ko galit na. Pag gising galit pa rin?" parang batang pabulong bulong ni sir at sumunod sa asawa.

Napahinga nalang ako ng malalim bago inalala kung bakit nga ba ako nandito.

"Where are you going?" nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si sir Geo.

"S-Sir Geo" nakayukong bati ko sakaniya.

Ngumiti naman siya ngunit nauwi iyon sa ngiwi.

"Saan ka pupunta? 7pm na ah, may inutos sa'yo yung-- Oh, why are you bringing your luggage?" bumaba ang tingin nito sa hawak kong bag.

Napakagat ako sa labi at bahagyang umiling.

"Uhm, hindi na po ako nagtatrabaho dito" ani ko.

Kailan ko nang maghanap ng mapapasukan.

"Why?" kuryusong tanong ni sir Geo.

Sasagot na sana ako nang biglang makarinig ng tinig mula sa likod ko.

"What brings you here, Geo?" si sir Vince iyon.

"Dre" nakangiting bati ni sir Vince at iwinaygay ang hawak hawak na folder.

"What are you doing here?" Nakataas ang kilay na tanong ni sir Vince at humilig pa sa hamba ng kaniyang pinto.

"Ay, hindi ba ako welcome rito?" napangiwi naman ako nang pumunta siya sa harap ni sir Vince at bahagyang ngumuso.

Sumulyap muna sa akin si sir Vince bago umirap sa kaibigan. "Tsk, come in"

"Ah, oo nga, bakit hindi na nagtatrabaho si Pauline dito?" Baling nito sa akin.

"That's what she likes" sumulyap siya sa akin bago sarkastikong ngumisi. "She wanted to resign"

"Why? Are you harassing her,  Alvarez?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay sir Geo.

"What?!" pati si sir Vince ay nagulat ron.

"You see, she seems so workaholic and loves her job so much. Feeling ko hindi siya aalis kung wala kang ginawa" tumaas ang mga kilay nito at ipagkrus ang mga braso.

"Really? Pinagbibintangan mo'ko? Kung may mamanyakin man ako hindi siya 'yon"sabay irap niya sa akin.

Hindi raw mamanyakin pero ninakawan ako ng halik.

Napasimangot ako at bumaba ng tingin.

"Whatever... So, Pauline, what's your plan?" napataas ako ng tingin at umiling.

Ang totoo wala pa akong naiisip, maghahanap nanaman ng tatlong trabaho?

"Hahanap po ng b-bagong papasukan" lihim akong napabuntong hininga.

"Where?"

"Kung saan po pupwede" mahinang sagot ko.

Nanliit ang mga mata ni sir Geo at binalingan si sir Vince.

Napatingin ako kar sir Vince ngunit parang wala siyang pakialam na nakataas ang kilay sa akin.

"Tsk, heartless" bulong ni sir Geo nang hindi man lang gumalaw si sir Vince at bumaling sa akin. "Come with me, I'll hire you"








Matapos ang trabaho ko sa mga Jardinez ay umuwi na ako.

Sinabi ko kasi kay sir Geo ang dahilan kung bakit ako natanggal sa trabaho kaya't pinayagan niya na akong makauwi kay Xyphere.

Dumaan muna ako sa isang cafe, sa bakery lang sana ako bibili ng tinapay ngunit sarado na, ito nalang ang bukas.

" Sweet Kisses Cafe "

Isang magandang babae ang bumati sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at bumili na ng tinapay, magaganda ang hitsura ng mga tinapay nila.

Mukhang mamahalin ngunit nang tingnan ko ang presyo ay mura lamang ito.

"Thank you! Please come again" nakangiting sabi ng nagbabantay, nagpasalamat din ako atsaka ngumiti.

Naglalakad na ako pauwi nang makita si sir Vince kasama ang isang babae.

Pilit kong inaninag kung siya nga iyon. Siya nga.

Iyon ba ang Vienna na sinasabing nobya niya? Nagtago ako sa isang sasakyan upang hindi nila ako makita, naroon kasi sila sa harap ng isang bahay.

Hindi siya si Vienna!

Bakit parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makitang umangkla ang babae sa leeg ni sir Vince.

Bago ko pa man makita ang pagtatagpo ng mga labi nila ay umalis na ako.

Nakayukong naglakad ako sa sakayan ng dyip at nahulog sa malalim na pag-iisip.

Nobya niya si Vienna, hindi ba? Ngunit sino ang babaeng iyon kanina?

Bakit ako ang nasasaktan? Niloloko niya ba ang nobya niya?

At hindi ba isang panloloko na rin ang ginawa niyang paghalik sa akin?

Nagtaksil na siya sa nobya niya kasama ako.

Masama na ba akong tao?

"Miss hindi ka ba bababa? Turning point na kasi ito" tawag sa akin ng drayber ng dyip.

"Ah, pasensiya na po, dito na po ako"nakayukong ani ko bago bumaba.

Nalagpasan ko na ang bahay ni Nelson!




"Shet, for the first time in forever" Nelson, nang agad kong binuhat si Xyphere mula sa kaniyang pagkakahiga.

Dahil sa sobrang pagka-miss kay Xyphere ay niyakap ko siyang napakahigpit at hinalikhalikan ang kaniyang noo.

Isang linggo, isang linggo ko siyang hindi nakita.

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko.

Gumalaw siya kaya napatingin ako sa kaniyang mukha.

Nakakunot ang noo niya at mukhang minumukhaan pa ako.

Nang makilala niya ako ay agad siyang umangkla sa aking leeg.

"M..mam..ma" napangiti ako nang marinig ang boses niya.

"Xyphere" bulong ko.

"Ay taray, may pa reunion kayo ah" umupo naman si Nelson sa dulo ng kamang hinihigaan ni Xyphere kanina at tinitigan kaming mag-ina.

"Buti pinayagan ka ni sir Vince na mag day off, bakit ngayon ka lang?"

"Ah, hindi na ako nagtatrabaho sa kaniya"mahinang sagot ko at hindi maalis ang tingin kay Xyphere.

Bakit parang nagiging kamukha niya niya si sir Vince? Namamalik-mata lang ba ako? O dahil lamang si Vince ang lagi kong nakikita buong araw sa isang linggo?

"Ha? Bakit?"patihayang humiga si Nelson ay tumingin sa amin.

"Kapag daw kasi nag-day-off ako mawawalan na ako ng trabaho, hindi ko na kaya ang isang araw na hindi makita ang anak ko, Nel"paliwanag ko.

Kumunot ang noo niya at nagulat pa sa sinabi ko.

"Ay? Why naman gano'n?" marahil nagugulat din siya, sino ba namang boss ang may ganoong pag iisip?

"Ayos na sa akin iyon, basta nakita ko uli si Xy" napabuntong hininga na lamang ako.

"So, maghahanap ka ng new job gano'n?"

Umiling ako sa kaniya.

"Ah, hindi kinuha ako ni Sir Geo, isa sa mga kaibigan ni Sir Vince, bilang isang katulong"

Tumango tango naman siya. "So, hindi ka na stay-in?"

Tango ko bago napabuntong hininga at napunta sa kawalan ang aking tingin.

Nakuha ko nga ang sweldo ko ngunit di naman yon sapat para sa chemo ni Xy.

Kapag kase inatake si Xy ay kailan ko na siyang ipagamot agad.

Makaipon lang ako ay ipapaconfine ko na siya, mas panatag ang loob ko kung nasa ospital siya dahil na oobserbahan siya ng mga doktor.

Muli kong niyakap si Xy bago pinunasan ang luhang tumakas sa mata ko.

Nakita ako ni Nel pero di na siya nagsalita at hinayaan nalang akong umiyak.

"Kamusta ang pamilya mo?"ngumiti naman ako kay Sir Geo.

"Ayos lang po"tugon ko.

"That's good. Kapag hihingi ka ng day-off sabihin mo lang ah, hindi ako kagaya nung tukmol na'yon. May topak kasi 'yon." mahina akong napatawa. Si sir Vince ang tinutukoy niya.

"Salamat sir" sa huli'y ngiti ko.

"Geo nalang, sige Pauline, I'll get going"tinapik nito ang balikat ko saka tumango.

"Sige, Geo, salamat" Ngumiti siya muli bago ako tinalikuran.

Napabuntong hininga ako at inisip kung saan nanaman ako hahanap ng isa pang trabaho.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 35.1K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
4.6M 292K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
425K 12.8K 37
The Sokolov brothers are everything most girls want. Intimidating, tall, broody, they are everything to lust after. Not that they... particularly car...
1.6M 119K 44
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...