Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Seven

438 21 0
By Haaadeez

"I didn't drink the coffee but why am I feeling the urge to own you"

"... to own you"

"... to own you"

"Aray ko naman!" nakangusong binalingan ko ng tingin si Nelson.

Binato niya kasi ako ng plastic spoon.

"Anong trip mo girl? Ilang araw kang nakatulaley diyan" napalunok ako at napaiwas nang tingin.

Ramdam kong uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari 5 araw na ang nakalilipas.

Ang halik na yon!

"W-Wala. Huwag mo na nga akong pansinin" iwas ko ng tingin saka bahagyang napailing.

Limang araw na ang nakalipas ngunit sariwa pa din sa isip ko.

"May ginawa si Sir sa'yo 'no?" nanlalaki ang mga matang akusa sa akin ni Nelson.

"H-Ha?"

"What did that demonyong sir do to you?" biglang sulpot ni Brenna mula sa isang gilid.

"W-Wala" napalunok ako bago umiwas ng tingin. "Si Xyphere?" pang iiba ko sa usapan.

"Ayon medyo nasasanay nang wala ka" nagkibit balikat si Nelson, si Brenna naman ay agad na umangkla sa braso ni Nelson.

Nalungkot naman ako sa sinabi niyang iyon. Ayokong masanay ang anak ko na wala ako.

"Lagi mo bang ipinapakita ang litrato ko?" tanong ko na lamang.

"Hindi araw araw uto-uto 'yang anak mo,  girl" ngiwi ni Brenna sa akin.

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko ng makita si Xyphere, oo nga't lagi kong naiisip ang gabing iyon ngunit hindi naman nawawala sa isip ko ang anak ko.

"Kakausapin ko si Sir Vince, hihingi ako ng day-off. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita" nakapalumbaba ako habang pinaglalaruan ang pagkain.

Lagi naman akong nila akong sinasabihan at kinukwentuhan tungkol kay Xy pero iba pa rin yung nakikita ko siya.

"Dapat lang ano! Huwag kang masiyadong mag-enjoy doon kay Sir, may anak ka" napakurap ako sa singhal ni Nelson na iyon.

"Alam ko iyon, at hindi ako nag-eenjoy kasama si Sir Vince. Wala namang nakakatuwa sa kaniya" sagot ko.

Totoo naman iyon. Hindi ako natutuwa sa kaniya.

Sa twing makikita niya ako ay bigla siyang ngingisi minsan naman ay iirapan ako.

Napakawirdo niya sa totoo lang.

"Weh? Eh bakit tulala ka ng ilang araw tapos namumula ka pa palagi?"

"May mali ba roon?" umakto akong walang alam saka umayos ng upo.

"Ay ewan ko sa'yo"


"Hmm-mm, and then what happened?" ilang sandali ay tumigil siya sa pagsasalita. "Yeah, I'll just finish my errands here then I'll go back to Canada..."

Hindi ko man gustong makinig ay naririnig ko ang boses niya.

Nasa sasakyan kami at pauwi na nang may tumawag sa kaniya.

Para namang may kung anong mabigat na dumagan sa dibdib ko. Babalik siya ng Canada?

Malamang, Pauline, naroon ang nobya niya.

"...Hmm, yes, baby"

Bakit ganoon kalambing ang boses niya?Hindi ko pa siya narinig na makipag usap nang ganyan kalambing sa kahit na sino, doon lamang sa babaeng nagngangalang Vienna.

Napailing at napabuntong hininga na lang ako at napaisip.

Bakit ko ba pinapakealaman ang relasyon niya.

Trabaho lang 'to, kung bakit ako nandito,  trabaho lang.

Ngunit, may gusto ba ako sa kaniya?

Tumigil ka, Pauline, may anak ka na! Tama, may anak akong kailangang buhayin at ipagamot.

Dapat wala iyan sa utak ko. May importante si Xyphere sa kahit na ano.

At hangga't hindi ko pa lubos na kilala ang sarili ko dahil sa hindi pa bumabalik ang ala-ala ko ay hindi na muna ako magpapapasok ng kahit na sino sa buhay ko.

"Why do you keep on sighing there?" napaigtad naman ako nang magsalita siya sa gilid ko.

"W-wala" doon ko lang napansin na naka park na pala ang kotse niya sa bahay niya.

"Oh, before I forgot, I'd like to set an appointment with Mr. Ivan Santos, tomorrow" aniya habang tinatanggal ang seat belt niya.

Ivan Santos? Si Sir Ivan?

Tumango na lamang ako sakaniya bago lumabas ng kotse.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kaagad akong nakatulog. Hindi na rin naman kami nakapag usap ni sir Vince.








"Mr. Santos, it was nice to finally meet you" nakangiting bati ni Sir Vince kay Sir Ivan at nakipagkamay pa nang makarating kami rito sa isang cafe kung saan sila mag uusap.

Nakatayo lamang ako sa gilid ni Sir Vince.

"The pleasure is mine, Mr. Alvares and... Oh, Pauline" dumako ang tingin ni sir Ivan sa akin kaya nginitian ko siya.

"Sir Ivan" balik kong bati.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin.

"So, dito ka pala nagtatrabaho. Ang layo ng narating mo ah" nakangiting aniya.

"Kailangan po eh"

"So, how's Xyphere?" ipinaghugot niya ako ng upuan.

Bigla naman akong kinabahan nang banggitin niya si Xyphere, buong casa noon ay alam na may anak ako.

"M-mabuti po--"

"If you're just going to chitchat there, am I free to take my leave now, then?" putol ni sir Vince sa usapan namin ni Sir Ivan.

Napayuko na lamang ako, mali nga ang ginawa kong pakikipagkwentuhan.

"Oh, no, I'm sorry Mr. Alvares, I was just happy seeing Pauline here" muli niya akong nginitian kaya naiilang na ngumiti ako pabalik.

"I'm going to be straight to point, Mr. Santos. I want to buy Casa Zeandro" nanlaki ang mga mata ko kasabay ng biglang pagtayo ni sir Ivan.

"I'm not going to sell it, Mr. Alvares" agad na alma ni Sir Ivan.

"Not as if I need your permission. I want it so it will be mine" sumulyap ito sa akin bago kalmadong uminom ng tsaa.

"Mr. Alvares, my Casa is under renovation and--"

"It is destroyed, isn't it?" kalmado pa ring saad ni Sir Vince.

"Yes, but I'm fixing it"

"Just give me a prize and I'll handle it"

"Mr. , that Casa is very important to me!" napabaling ako kay Sir Ivan nang biglang lumakas ang kaniyang boses.

"And? Do I look I care? "ipinagkrus ni Sir Vince ang kaniyang braso sa harap ng kaniyang dibdib.

"No, I will not sell the Casa" matigas na saad ni sir Ivan.

Hindi naman nagpatinag si Sir Vince at ngumisi pa.

"Continue saying no 'til nothing will left to you"

"W-why do you want it?" lumungkot ang boses ni Sir Ivan ngunit nagtatagis naman ang mga bagang na tumingin ng diretso kay Vince.

"The place is beautiful and I want to put my mall there. I'm just letting you know, wheter you agree or not, I really won't care" mapanuyang saad ni sir Vince at diretsong tumingin sa mata ni sir Ivan.

Napakurap ako nang biglang naglakad paalis si sir Ivan.

"Sir Ivan!" Tawag ko sakaniya ngunit hindi siya lumingon. "Sir Vince, bakit naman ganoon?"

"What? It's business" kalmadong sagot niya sa akin habang nakakrus ang mga braso.

"Sir, sinabi naman na niyang importante sakaniya iyon" hindi ko mapigilang makaramdam ng galit.

"So? Don't bring your personal life to your work, Pauline" nabakasan na ng iritasyon ang kaniyang mukha.

"Pero sir--"

"You don't know anything, Pauline, so shut up" mariing sabi niya sabay tayo at nauna nang lumabas ng cafe.

Nakababa na ako ng sasakyan ay papasok na sana sa bahay ni Sir Vince nang may maalala ako at nagpatigil sa paglalakad.

Kailangan ko na nga palang ipagpaalam ang day off ko.

"Why?" hinarap ko si sir na nasa likod ko na pala.

"Ah, sir... P-pwede po bang makahingi ng day-off?" sumeryoso naman ang mukha niya at tumingin sa akin.

"Why? Masyado ka bang napagod?" monotonong boses niya.

"Hindi po, kailangan ko pa kasing umuwi kay--s-sa pamilya ko" muntik ko nang masabi ang pangalan ni Xy.

"No" kaagad niyang sagot kaya't napakunot ang noo ko.

"Sir?"

"I said no" ulit niya.

"Bakit po?"

"If I said no, no, understand?" nauna na siyang pumasok sa bahay niya.

Ako naman ay sumunod lamang at hindi na napigilan ang pagtaas ng boses.

"Pamilya ko po 'yon!" umalingawngaw ang boses ko sa buong kabahayan.

Napahinga ako ng malalim, ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko kasi mapigilan ang iritasyon ko.

"Your work or your day off? If you choose your day off, sorry to say but I need to get another maid" tinaasan niya ako ng kilay.

Para naman akong binagsakan ng langit at lupa doon.

Bakit naman ganoon? Day off lang naman ang hinihingi ko.

Ilang minutong tahimik ako bago napapikit ng mariin.

"Day off po sir" labag sa loob kong pagpili.

Hindi ko na kakayanin ang isang araw na hindi makikita si Xy.

Napatitig siya sa akin bago sarkastikong ngumisi.

"Okay, get all your things now and leave my house" madilim na mukang aniya bago ako tinalikuran.

Natulala lang ako nang talikuran niya ako.

Bakit parang ang sakit na hinayaan niya lang ako, bakit umasa akong pipigilan niya ako?

Naiiyak na ako at napasabunit sa buhok ko.

Nang tumaas na ako sa ikalawang palapag ay napatingin ako sa pinto ng silid niya.

Tahimik ang buong bahay. Aakalain mong walang tao dahil sa katahimikang lumulukob dito.

Napailing nalang ako at tuluyan nang pumasok sa aking silid upang kuhanin ang aking mga gamit.

Ang pinoproblema ko ay si Xy, ngayong wala nanaman akong trabaho paano ako makakapag ipon?

Hahanap nanaman ako ng tatlong trabaho dahil sigurado akong pati sa kompanya niya ay tanggal na din ako.

Matapos kong ayusin ang gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto. Sa isang linggong pananatili ko dito ay di ko inaasahang mapapalapit ako dito.

Napatingin naman ako kay Vince nang makita ko siyang nakatayo sa kaniyang pinto.

"Here, 70k in cash" may inabot siya saking puting envelope, mabigat iyon.

"S-salamat, sir" agad niya akong tinalikuran at sinaraduhan ng pinto hindi pa man ako nakakapag paalam ng maayos.

Napabuntong hininga na lang ako at tahimik na lumabas ng bahay niya.

Napaigtad naman ako nang may biglang humarang sa harap ko.

"Where are you going?"

Continue Reading

You'll Also Like

284K 32.7K 82
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
2.8M 159K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
264K 25.7K 62
Ryan and Aaruhi The story of two innocent hearts and their pious love. The story of one sided love. The story of heartbreak. The story of longing a...
864K 72K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...