Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Five

461 21 0
By Haaadeez

Vince

"Tangina, Vince! I didn't expect you'll do this. Take note, hindi 'to para kay Vien. First time, huh?" I rolled my eyes and slouched at the sofa while hearing Geo's accusations.

One of my friends. The most annoying one.

"Oh, shut up, Geo." I said as I closed my eyes.

"Seryoso? Damn, seryoso ka talaga?" my brows furrowed and opened my eyes, tilting my head to his direction.

"What? Tumutulong lang ako, there's nothing wrong with it." I shrugged.

Is helping a big deal now? I wasn't doing anything.

"First, you fired all your maids because you hired a kid-"

"Damn, she's not a kid!" I cut him off.

I rolled my eyes, we're talking about Pauline, the janitress?

I was just trying to help her. You know, just trying to be a good boss?

Masyado siyang maputla at pumapayat, I'm not observing her, well I just noticed.

"Oh, whatever, second, you want me to hire those maids as our maids, third, sa lahat ng tao bakit siya? And lastly, akala ko ba loyal ka kay Vien. Do you know that's infidelity." I gave him a bored look.

The fuck is he talking about?

"Infidelity my ass." I once again closed my eyes, resting my head at the headrest.

"Ay, oo pala, hindi ka nga pala boyfriend." I looked at him.

This damn baby sitter is really annoying. Nakakagago ampota.

"You know, Geo, I wasn't sticking my nose on your complicated relationship, do the same with me." I blurted out.

He held his chest as if he was hurt with what I said.

"Tsk, don't include my relationship here. I am not yet done taming that kid." he said, seriously talking like an old professor.

"You sounds like an old hag taming his daughter." I laughed.

"Gago. Oh, look who's here." He said while looking at the window.

We're here in my house, by the way.

"Umalis ka na nga." I shoo him away when I noticed it was Pauline, who's holding a black bag, curiously looking around while walking towards the main door.

"Nah, I want to stay." sabi niya at itinaas pa ang mga paa sa ibabaw ng glass table.

"Fucker, you better get out now." I stood up and started walking towards the door when I heard a knock.

"Tsk, but I will not hire those maids. 'Di ko kailangan iyon, my wife can do the chores," he followed me.

"That's your wife, not your maid, fucker." I rolled my eyes.

"Believe me, looking at her doing the chores is satisfying." he laughed.

Hindi na ako nagsalita, siraulo talaga ‘tong isang ‘to e.

"Hi po," Pauline greeted when I opened the door.

She smiled shyly when she noticed that there's someone at my back.

"Oh, you're the kid." Geo greeted her.

I rolled my eyes and slid my hands on my pockets. Sumandal ako sa hamba ng pinto saka tumingin sa kaniya.

I am getting nervous again. Damn it.

"P-po? 23 na po ako." she answered.

My gaze lowered at her black bag, it's quite old. Nasisira pa nga ang handle.

Ganoon lang ba kakonti ang mga gamit niya?

"Really? You literally looks 15." Geo chuckled.

I suddenly feels uneasy while looking at them smiling at each other.

"Get out now." I stood up straight and slightly punched Geo's arm.

"Okay, okay na, hindi pala child abuse." he looked at me and whispered.

"Tarantado!" I poked him and he started walking out the house.

I face Pauline who's looking at Geo's back.

I brows furrowed as I cross my arms.

Pauline's POV

"Don't look at him like that, may asawa na siya." bahagya pa akong napatalon nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

"P-po?" hinarap ko siya. Nakatingin kasi ako sa nakatalikod niyang kaibigan.

Natatandaan ko siya, siya iyong isang lalaki noon sa night club na kasama ni Sir Vince.

Seryoso namang nakatingin sa 'kin si Sir habang nakakrus ang mga braso.

"May asawa na siya." ulit niya kaya't napakunot ang aking noo.

Ano ba ang sinasabi niya?

"A-ano pong ibig niyong sabihin." lakas loob kong tanong kahit na nababakas ang iritasyon sa kaniyang mukha.

Ngunit saan nga ba nagmumula ang iritasyon niya? Wala naman akong ginagawa.

Inirapan niya lang ako saka dumiretso pataas ng hagdan.

Napakurap naman ako sa naging kilos niya.

Umiling nalang ako at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay.

Malaki siya at dalawang palapag ang bahay niya.

Malinis ang bahay nang mag ikot ako. Ngunit sabi niya ay wala siyang katulong, ibig bang sabihin noon ay siya ang naglilinis?

Wala naman sa hitsura niya ang ganoon. Kahit na gaano kalaki ang bahay ay hindi ko pa rin mapagtanto kung bakit ganoon na lamang kalaki ang halagang ibabayad niya sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at umakyat sa ikalawang palapag.

"Sir?" katok ko. Wala akong marinig. Tama ba itong kinakatok ko?

Anong gagawin ko? Wala pa naman siyang ipinag uutos. Ayoko naman na umupo lang at walang gawin lalo na't ganoon kalaki ang sweldo ko.

Nakakakonsensya naman iyon.

Muli akong kumatok, ngunit walang tao.

Mali siguro, pagkatalikod ko ay agad akong napatalon at muntik pang mahulog kung hindi lang nahawakan ni sir ang baywang ko.

Napalunok naman akong napatingin sa kaniya. Sa ilang sandali ay natulala ako sa kaniyang hitsura, gwapo si Sir ngunit mas gwapo pa siya sa malapitan.

Bago pa man ako mapahiya sa aking ginagawang paninitig ay agad na akong kumawala at umayos ng tayo.

"S-sir..." nakayukong ani ko at inayos ang aking blusa.

"Why are you knocking at that door?" kunot noong aniya.

"A-akala ko po kasi ay ito ang kwarto niyo." amin ko.

"No, there, that's my room." tinuro niya ang isang kwarto sa pinakadulo.

"Sorry po," napanguso naman ako. Bakit ba naman kasi mag isa lamang siya rito ngunit napakarami niya namang kwarto.

"What do you need?"

"Po?"

"You said you're knocking my door so I assume you're looking for me." napatango naman ako.

"Ah, opo, gusto ko pa sanang malaman kung anong gagawin ko." tanong ko. Tinaasan niya naman ako kilay at nakapamewang na tumayong tuwid sa harap ko.

"Am I your secretary?" rinig ang sarkasmo sa kaniyang tinig.

"P-po?"

"Why are you asking me what you're going to do. Kailangan ba alam ko?" doon na talaga initantad ang kaniyang pagiging sarkastiko.

Lihim akong napahinga ng malalim. "H-hindi po, malinis po kasi ang bahay niyo kaya't wala naman akong malilinis."

Walang salitang tinalikuran niya ako. Sumunod na lamang ako dahil wala naman akong gagawin.

"Here, clean it. Para may magawa ka." sarkastikong aniya at tinapunan ng tubig ang sahig sa kusina.

Napatingin ako sa kaniya. Bumaba naman ang tingin ko sa sahig.

"O-opo..." agad ko namang kinuha ang panglinis.

"You move so slow. Did you even eat your breakfast?" nakakunot ang noo niya at nakasandal sa counter table rito sa kusina.

"O-opo." sagot ko at pinunasan ang sahig.

Lumuhod pa ako.

"Bakit ang bagal mong kumilos? Anyway, aside from my maid, you'll be my secretary. I don't need a secretary but since your salary is too big... you don't have a choice." napatingin naman ako sa kaniya.

Tama lang naman 'yon.

"Ayos lang po iyon." tango ko.

Oo nga naman masyadong malaki ang halagang iyon para lang maging isang katulong.

"After you clean that, clean this." nanlaki ang mga mata ko nang itinapon niya ang balde ng pinagpigian ko ng tubig na itinapon niya. "And this," inilagay niya ang mga malilinis na plato sa lababo. "And this, and this, and this. Goodluck." pinonood ko lang siya habang ikinakalat ang mga gamit.

Gwapo nga, masama naman ang ugali. Napapailing na lamang ako, tama nga sila dapat lang na paghirapan mo ang bagay na ginagawa mo.

Napasimangot ako nang bumaba siya galing sa ikalawang palapag.

Hindi ko alam na marami pala siyang ginulong gamit. Unti unti namang namuo ang inis sa dibdib ko.

Napakasama niya. Pati pala ang katulad niyang mayaman at isang sikat na businessman ay isip bata.

Umiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa direksiyon ko.

Nagpatuloy ako sa pagpulot ng mga bubog. Nakakainis ang lalaking iyon, ihulog ba naman ang isang mamahaling vase.

Parang wala siyang pakealam sa mga gamit niya.

"What are you doing?" Hindi ko siya tinignan ngunit naaninag kong umupo siya sa sofa.

"Naglilinis po." sagot ko at nagpatuloy ako sa pagpupulot ng bubog.

"Why the fuck are you picking those?" Tinayo niya ako ngunit sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Ano pong gusto niyong gawin ko, dilaan ko?" Dala ng inis ay 'yon ang nasabi ko.

"There's a thing called walis, you know you can use it." sarkastikong ani niya.

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak niya at muling umupo.

Naiinis ako sa kaniya. Para siyang may pake sa kin ha, e kanila lang gustong gusto niya ako pahirapan.

"Hindi na po. May kailangan pa po ba kayo Sir?"

Umirap siya at tumalikod na. Ang hilig niya namang umirap.

Ipinagpatuloy ko ang pagpupulot ng bubog hanggang sa may nararamdaman akong hapdi. Hindi ko naman kasi alam na may walis siya dito, vacuum ang nakita ko, hindi ko naman ‘yon alam gamitin.

Napahinga na lang ako ng malalim habang may tumutulong dugo, tiniis ko na lamang ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Kaya ko pa naman ang sakit.

Nang matapos ako ay inilabas ko na ang bubog, sakto naman ang pagdaan ni Sir.

Tinaasan niya ako ng kilay ngunit kumunot ang noo nang mapansing pulos dugo ang aking kamay.

"What happened to you?" tanong niya umiwas ako ng tingin at bahagyang ipinunta ang kamay ko sa likuran.

"Wala po,"

"Oh, so I assume you murdered someone." sarkastiko nanaman niyang saad.

Bakit ba napaka sarkastiko niyang tao.

Napahinga ako ng malalim, ginagawa ang lahat upang hindi siya singahalan.

"Nabubog lang po." mahinang ani ko.

Unang araw ko pa lamang ay nakikita ko na ang sama ng kaniyang ugali.

Paano pa kaya sa mga susunod na araw?

"Why didn't you clean it." iritang aniya.

"Itatapon ko lang po ito at huhugasan ko na po ang sugat ko." sa inis ko'y nairapan ko siya at masungit ang pagkakasagot ko.

Tinitigan niya ako, hindi makapaniwalang nairapan ko.

Siya lamang ang nakapagpalabas ng aking masamang ugali.

Kinuha niya ang plastik na naglalaman ng bubog at ibinagsak iyon sa sahig. Bago ako hinila sa kusina.

Binuksan niya ang gripo at itinapat doon ang kamay ko.

"You, woman, why are you like that?"

Hindi na lang ako nagsalita dahil bumibilis ang tibok ng puso habang hinuhugasan niya ang kamay ko.

Napalunok naman ako nang mabagal at dahan dahan niyang sinasabon iyon.

Patuloy pa rin siyang nagsasalita ngunit nakatitig lang ako sakaniya.

Nang mapansin niyang nakatitig ako ay agad niya akong binitawan.

"Aray." mahinang daing ko. Nakakainis talaga siya.

"Tsk"

Tumalikod nanaman siya.

Wala ba siyang kahit kaunti lamang na kagandahang asal?

Nakakainis talaga siya!

Continue Reading

You'll Also Like

869K 72.3K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
289K 33.3K 84
#Book-2 of Hidden Marriage Series. ๐Ÿ”ฅโค๏ธ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
1.3M 69.2K 59
๐’๐œ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐จ๐ฏ๐žใ€ข๐๐ฒ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ใ€ˆ๐›๐จ๐จ๐ค 1ใ€‰ ๐‘ถ๐’‘๐’‘๐’๐’”๐’Š๐’•๐’†๐’” ๐’‚๐’“๐’† ๐’‡๐’‚๐’•๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐’‚๐’•๐’•๐’“๐’‚๐’„๐’• โœฐ|| ๐‘บ๐’•๐’†๐’๐’๐’‚ ๐‘ด๏ฟฝ...