Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Four

436 21 0
By Haaadeez

"M-ma.." dinig ko ang mahinang pag iyak ni Xyphere sa tabi ko.

Alas sinco na ng madaling araw. Dadalhin ko pa siya sa bahay nila Nelson, may magbabantay kasi sakaniya doon.

Sa kanila ko iniiwan si Xy, mapagkakatiwalaan naman sila. Ilang beses ko nang napatunayan iyan.

"Hmm? Anong kailangan ng baby na 'yan?"mahinang tanong ko. Sumiksik siya sa leeg ko at pumunta sa itaas ko.

"Hug" mahina akong napatawa. Nagpapalambing nanaman kasi.

Hinaplos ko ang likod niya at saka hinalik halikan ko ang kaniyang buhok.

Nakapikit siya atsaka sinusubukang makatulog muli. Ganito siya palagi kapag hindi niya ako nakikita ng mahabang oras

Napabuntong hininga ako.

Nagpapasalamat akong kahit papaano ay hindi naman lumalala ang mga simtomas ng sakit niya.

Ilang araw ang lumipas. Araw araw hinahanda ko ang sarili ko kung sakaling tatawagin ako ni Sir Vince.

Hindi niya kasi ako kinausap noong huli.

Madalas siyang tumingin sa akin ngunit wala namang sinasabi.

Araw araw ay bumubuti ang pakiramdam ni Xyphere.

Araw ng linggo at isasama ko si Xy sa pagsisimba. Nakagawian na namin ito, lalo na't tumuloy kami sa simbahan noon.

Kaming dalawa lang ang magkasama. Natawa pa ako kay Xy nang gayahin niya ang ginawa kong pagluhod. Ipinagdaop ko ang mga palad namin at saka pumikit.

Panginoon, maraming salamat sa araw araw na ipinagkaloob niyo sa amin. Maraming salamat dahil patuloy ang pag ayos ng pakiramdam ni Xy. Huwag po sanang lumala ito, huwag niyo po sanang hayaang may mangyaring masama sa kaniya. Nawa'y patuloy niyo kaming gabayan. Ipinagdarasal ko din ko po na sana ay bumalik na ang ala ala ko.

Marami pa akong ipinalangin at ipinagpasalamat sa Kaniya.

Nang matapos ang misa ay huli kaming lumabas ni Xyphere upang hindi siksikan at hindi siya maipit.

Bumaling ako sa kaniya nang unti unti siyang sumandal sa balikat ko.

Napangiti ako at inayos ang ulo niya.

Ipinasyal ko na muna si Xyphere sa isang parke. Tuwang tuwa siya, hindi masyadong mainit ngayon kaya't naigala ko siya.

Kinahapunan ay ipinunta ko si Xyphere kay Nelson. Day off ng lahat ngayon. Sarado ang buong kompanya sa araw na ito.

"Oh, nandiyan na pala kayo" salubong sa amin ni Nelson ay kinuha ang maliit na bag ko na naglalaman ng sobrang damit ng anak ko at bote ng gatas niya.

"Ah, oo, iiwan ko nanaman ang anak ko, pupwede ba?"paki usap ko sakaniya.

Pabirong kinurot niya ako sa braso saka umiling.

"Haynako, babae, hindi pa rin talaga nawawala ang hiya mo"

Ngumiti na lamang ako. Naisipan ko na ring maghanap ng kasambahay pero natatakot ako, marami nang nababalitang iba't ibang modus. Hindi ko kayang mapahamak ang anak ko.

Maingat kong pinupunasan ang mahabang lamesa rito sa conference room nang biglang may pumasok.

Agad akong napayuko at binilisan ang aking ginagawa.

Si Sir Vince kasi iyon.

Tahimik lang siya kaya mas lalo kong binilisan ang aking ginagawa.

Sinigurado ko ring walang mahuhulog at mababasag dahil baka sigawan nanaman niya ako.

Tumikhim siya kaya't dali dali kong binitbit ang mga gamit panglinis ko upang lumabas na ng conference room.

Napapitlag naman ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Did I tell you to go?" seryosong aniya ngunit hindi pa rin binibitawan ang braso ko.

"Pasensya na po. M-May kailangan po ba kayo, sir?"magalang na tanong ko sakaniya.

Sinipat niya ng tingin ang kabuuan ko at hindi ko maiwasang pamulahan sa paraan niya ng pagtingin.

"You look pale."

"A-ah, pagod lang po"iwas ko ng tingin.

"You're just cleaning one floor, bakit sobrang pagod ka naman yata? Hindi naman ganiyan ang mga kasamahan mo" iritang aniya kaya't napatingin ako sa kaniya. Umirap siya ng mapansin ang naging reaksiyon ko. "Tsk, don't get me wrong, I'm just asking not because I'm concern, I'm asking because I should do so, I'm your employer."

Wala pa naman akong sinasabi.

"T-Tatlo po kasi ang trabaho ko" sabi ko na lamang at bahagya pang napayuko. Bakit naman sinabi mo pa, Pauline.

"What?"

"Nagtatrabaho po ako gabi hanggang madaling araw" paliwanag ko.

"Is your salary not enough? I doubt that, pantay ang pasahod ko sa lahat ng staff ko. Malaki ang pasweldo ko."napatingin ako sakaniya.

Nag aalangan pa ako kung sasabihin ko ba.

Hindi ko naman ikinakahiya si Xy, ang akin lang ay hindi pa naman kailangan sabihin iyon lalo na sa hindi ko lubos na kilala.

"May binubuhay po ako"simpleng sagot ko.

"Oh, I get it, you're a bread winner?"

Napatango na lamang ako.

"P-Parang ganoon po"

Matagal siyang nakatitig sa akin.

"Work for me"turan niya kaya napatitig ako sakaniya.

"P-po?"

"I said work for me."ulit niya pa.

"Nagtatrabaho naman po ako sa inyo" takhang tanong ko, nagugulahan sa sinasabi niya.

"As my maid" hindi kaagad ako nakapagsalita. "I could tripple your salary here and in your other jobs. "halos lumuwa ang mga mata ko at napa awang ang mga labi sa sinabi niyang halaga.

Napakalaki naman ng halagang iyon para lang sa isang hamak na katulong.

Ngunit kung tatanggapin ko ang alok niyang iyon ay makakaipon ako kaagad at mapapabilis ang transplant ni Xyphere.

"B-Bakit po?"hindi ko maiwasang maitanong. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tumingin ito diretso sa mga mata ko.

"Because I don't have a maid. And as of now, you're the most hardworking employee here"napakunot ang noo ko. Ako? Eh halos ako ang may pinakamaraming pagkakamali at nasigawan niya pa ako noon dahil sa aking nagawa.

"But, you'll be stay in"dugtong niya.

"Po?"

"Stay in ka. Doon ka sa bahay ko titira"iritang aniya na parang nakukulitan na rin sa akin.

"Hindi!" Agad kong iling. Napakunot ang noo niya."Uhm, h-hindi po pwede"

"Are you rejecting my offer?"kunot noong tanong niya at ipinag krus ang mga braso.

"H-hindi naman po sa ganoon. Maaari ko po ba munang p-pag-isipan?"mahinang tanong ko.

Tumaas ang isang kilay niya at mapanuyang tumingin sa akin."It's a one time offer. Take it or leave it?"

"H-hindi po talaga pwede. Salamat po sa pag aalok"muling tanggi ko.

Bahala na, mas pipiliin ko si Xyphere.

Hindi pakapaniwalang tumingin siya sa saka ako kunot noong tinalikuran.

"Gaga! Bakit hindi mo tinanggap?!" singhal sa akin ni Nelson at kinurot pa ang braso ko.

Ikinuwento ko kasi sakaniya ang pag uusap namin ni Sir Vincent.

"Stay in nga ako doon, mas gugustuhin ko nang mapagod gabi gabi huwag lang malayo sa anak ko"paliwanag ko.

Sumimangot sa akin si Brenna at sisinghalan na rin sana ako nang unahan siya ni Nelson.

"At sino namang nagsabing lalayo ka?!Ganoon din naman iyon diba? Halos wala sa umaga, tapos aalis ka hanggang madaling araw."

"Pero iba pa rin iyong uuwi ako sa anak ko. Nakakawala ng pagod iyon"paliwanag ko nanaman.

Hindi ba nila maintindihan iyon?Napanguso ako nang muling kurutin ni Nelson ang braso ko.

"Hay nako ewan ko sa'yo. Pera na naging putik pa"

"Grabe ka naman sa putik"muling nguso ko.

"Oh, bakit totoo naman. You know, swerte ka pa nga. Mismong si Sir ang nag alok sa'yo. Sana all"

Napailing nalang ako at nahulog sa malalim na pag iisip.

Kung tatanggapin ko iyon, malalayo ako sa anak ko pero mapapabilis ang operasyon niya.

Pero kung sakaling magbago ang isip ko, hindi naman na pwede dahil one time offer lang naman daw iyon.

Napabuga ako ng hangin.

"Girl, don't tell me, dito na kayo titira?"nanlalaking matang tanong ni Nelson nang makitang dala ko ang isang malaking maleta na naglalaman ng damit naming dalawa ni Xyphere.

Wala naman kaming masyadong gamit sa bahay. Nang lumuwas kami ay ang dinala lang namin ay ang mga importanteng gamit.

Napabuntong hininga ako, umalis kami doon sa tinutuluyan namin dahil may isang grupo ng kalalakihan na lumipat doon. Malakas ang patugtog nila at dinig na dinig ang pinaggagawa nila.

Hindi na nakakatulog nang maayos si Xy kaya't minabuti kong umalis nalang.

"N-ngayong gabi lang. H-hahanap din ako ng ibang matutuluyan bukas--"

"Wag mo munang isipin iyon, hala, pasok"putol niya sa sinasabi ko.

"Salamat talaga, Nelson"

"Isa pang Nelson mo, itatali ko patiwarik iyang anak mo"

Napatawa naman ako at inilayo si Xyphere sakaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi na nagsalita.







"Kulang ang waitress natin, ikaw na muna ang i-a-assign ko doon."sabi agad ng boss ko nang makapasok na ako sa night club.

"Opo" ipinagsuot niya ako ng uniform ng waitress bago ipinalabas ng staff room.

"So, you work here?"pasimple akong napalunok nang tanungin niya ako.

"O-opo"hindi ako makatingin nang maayos sa kaniya.

Ipinatong ni Sir Vince ang kaniyang siko sa binti at nakakalumbabang itinaas ang tingin sa akin.

Bakit naman kasi ngayon pa kami kinulang ng waitress kung kailan mayroon si Sir?

"Resign here and work for me"seryosong aniya.

Nakangising nakamatyag lang sa amin ang dalawang lalaking kasamahan niyang umiinom.

"Po?"

"I said, resign here and work for me"ulit niya. Mahigpit kong hinawakan ang maliit na notebook at ballpen na hawak ko.

Umiling ako, ano tatanggi nanaman ba ako? Papalampasin ko nanaman ba ang pagkakataong ito?

"What? Ms. Flores, you're lucky, I'm giving you a second chance"tumayo siya at bumulong.

Dinig ko ang mga dalawang lalaking nagtawanan, hindi naman iyon pinansin ni Sir Vince.

"H-hindi po talaga"tanggi ko at nakayukong tinalikuran na sila.

Lumipat ako sa kabilang mesa saka itinuon ang sarili sa trabaho.

"I'm sorry, Pauline."nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ng boss ko.

"Po? Bakit po?"naguguluhang tanong ko. Anong ibig sabihin noon?

"Tanggal ka na"

"A-ano pong nagawa ko?"napakunot ang noo ko.

Wala naman akong nagawa,hindi ba?

"You're insufficient for the job"pandidiretso nito sa akin.

"Po? Nagtatrabaho naman po ako ng mabuti"giit ko. Hindi ako maaaring mawalan ng trabaho.

"May nagreklamo kagabi, sorry but our customer will always be our priority. I'm sorry"mapait siyang napangiti bago ako tinalikuran.

Malungkot akong umuwi, sino naman kaya ang customer na iyon?

Wala naman akong nagawang mali eh.

Ilang beses akong napabuntong hininga saka mabagal na naglakad pauwi.

Ano nang gagawin ko? Wala na rin naman akong trabaho sa night market dahil ipinaayos ang stall na pinagtatrabahuhan ko doon.

Hindi naman sapat ang sahod ko sa kompanya ng mga Alvares.

Naiiyak ako sa nangyayaring ito.


Kinaumagahan ay nagulat ako nang may tumikhim sa likod ko.

Malalim akong nag iisip habang nagmomop ng sahig.

"Sir?"

"Still not accepting my offer?"nakapamulsang tanong niya.

Napanguso ako, hindi kaya siya ang customer na sinasabi ng boss ko kagabi?  Pero bakit niya naman iyon gagawin?

Wala naman akong ginawa sakaniya.

Ilang segundo akong natahimik bago tumango.

"Payag na po ako, Sir Vince"

Continue Reading

You'll Also Like

291K 33.7K 84
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.4M 35.4K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.8M 161K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...