The Billionaire's Queen

By MoonLightPurple

61.1M 943K 56.3K

(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED... More

The Billionaire's Queen
Chapter 1: Dinner
Chapter 2: Condition
Chapter 3: Bar 1
Chapter 4: Bar 2
Chapter 5: Baby
Chapter 6: Mine
Chapter 7: The Game
Chapter 8: Imagination
Chapter 9: House
Chapter 10: Next Time
Chapter 11: Oh no...
Chapter 12: Accident
Chapter 13: Father
AUTHOR'S NOTE (NOT AN UPDATE)
Chapter 14: Smile
Chapter 15: His Condition and intention
Chapter 16: Feelings
Chapter 17: Patience
Chapter 18: Last Minute
Chapter 19: Beautiful In White
Chapter 20: Hot
Author's Note (NOT AN UPDATE)
Chapter 21: Party
Chapter 22: Anger
Chapter 23: Hatred
Chapter 24: Moments
Chapter 25: Someone
Chapter 26: Realization
Chapter 27: Clash
Chapter 28: Party Crashers
Chapter 29: Hurt Hearts
Chapter 30: Siblings
AUTHOR'S NOTE (DEFINITELY NOT AN UPDATE)
Chapter 31: Anderson Family
Chapter 32: Dark
Chapter 33: Never Mess with His Queen
Chapter 34: Winner
Chapter 35: Kaylee Vienne Anderson Part 1
Chapter 36: Kaylee Vienne Anderson Part 2
Chapter 37: Kyle Dale Anderson
AUTHOR'S NOTE AGAIN
Chapter 38: Wake Up
Chapter 39: In Time
AUTHOR'S NOTE (Wag kang umasang UD toh, AUTHOR'S NOTE NGA E)
Chapter 40: Cherish
Chapter 41: Happiness
Chapter 42: His Queen
Chapter 43: Surprises
Chapter 44: Betrayed
Chapter 45: Truth and Lies
Chapter 46: The Woman He Loves The Most
Chapter 47: Too Much
Chapter 48: Unnoticed
Chapter 49: Mother's Love
Chapter 50: His Princess
Chapter 51: Holding on and Letting go
Chapter 52: Heaven Knows
Chapter 53: Perfect
FINAL MESSAGE
Special Chapter
Special Chapter 2
HI!
Side Story

EPILOGUE

1.1M 16.7K 2.7K
By MoonLightPurple

A/N: Pinost ko na kasi magiging busy na ako sa mga susunod na araw. Baka wala na akong time gawin ito kaya tinapos ko na ngayon.

Anyways... Heto na, heto na! Before anything else I would like to THANK ALL YOU sa support na binigay niyo sa akin and sa story kong toh. THANK YOU VERY MUCH! The story would not be that successful kung wala yung suporta niyo! THANK YOU AGAIN SO MUCH!

Labyu all! And enjoy!

Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story :) You can FOLLOW ME if you want to :)

See EXTERNAL LINK for the other picture -- >

=======================

(Valerie's P.O.V)

Naka-upo naman ako sa harap ng tokador ko rito sa kwarto namin ni Kevin at nakatingin lang ako sa reflection ko sa salamin.


I can see an unfamiliar woman.


Yes, I'm seeing myself from the mirror but at the same time... that woman is not me.


Right now, I'm seeing the woman who had taken possession of myself for years now. The woman who is hated by many. The woman who is full of hatred, pain, and jealousy in her heart...


The woman who inflicted so much pain on my beloved little sister and to others.


"Bakit ka ba naging ganyan?", tanong ko naman habang nakatingin sa sarili ko sa salamin.


Kung hindi lang dahil sa mga sinabi ni Kyle, baka hindi na ako tuluyang magigising sa katangahan at kasamaang pinaggagawa ko...


I still remember what Kyle told me that night at the bar... nung gabing naglasing siya dahil kay Violet.


"Why can't you love me again Kyle? You loved me before right? Why can't you love me again? Why do you hate me now?"

"Hate?", he said in a sarcastic stone then looked me straight in the eyes. "I don't hate you Valerie, I despise you to hell!", he said to me and I can see so much hatred in his eyes as he stare at me. "And meeting you was the biggest mistake in my life. You ruined my life. And loving you? How can I love the woman I despise the most? If I could change something from my past, I would have not let myself be able to meet you."

Matagal ng pinaparamdam sa akin ni Kyle na hindi niya ako mahal pero hindi ko pa rin siya sinukuan...


Pero bakit nung sinabi niya yung mga yun sa akin, parang doon lang talaga pumasok sa akin na hindi niya ako mahal? Na kahit kailan ay di niya ako minahal.


His words was like a wake-up call for me.


Bakit nga ba? Bakit nga ba binalot ng galit at inggit ang puso ko?


Ano bang nangyari sa totoong ako?


Anong nangyari sa dating Valerie?


Bakit nga ba ako nagbago?


Napatingin naman ako sa papel at ballpen na nasa gilid lang. Kinuha ko naman iyon at nagsimulang magsulat...

(Violet's P.O.V)

Naramdaman ko naman ang lamig kaya nagising ako. Napatingin naman ako kay Kyle na yakap yakap ako habang nakahiga kami ngayon sa kama.


It's already 3 in the morning but he's still awake.


"Why aren't you still sleeping?", I asked him.

He caressed my cheek gently.


"I'm scared.", Kyle


Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako or what. "Of what?", I asked him.


"That I won't be able to see you again in the morning the moment I open my eyes.", Kyle


Naguilty naman ako. He's scared I might leave him again.


I sighed.


"I won't leave you again, I promise you.", I told him and he just smiled at me.


Tahimik lang naman kaming dalawa pero alam kong di pa rin siya natutulog.


"Kyle...", I called him.


"Hmmm?", Kyle


"B-Bakit sinabi ni ate Valerie sa'yo yung tungkol sa deal namin?", nagtataka namang tanong ko.


Iniwan ko si Kyle gaya ng sabi niya kapalit ng pagbigay niya ng bone marrow kay Kaylee. Me, leaving Kyle would give her opportunity to get closer to him again but what made her change her mind? Akala ko ba gusto niyang maghiwalay kami ng tuluyan ni Kyle pero bakit niya sinabi kay Kyle yung tungkol sa deal namin? At bakit niya binawi ang hiling niya sa akin?


Hindi naman sumagot si Kyle kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. Maya-maya lang ay tumayo siya at may kinuhang isang sulat sa drawer saka inabot sa akin yun.


"She wants me to give this to you.", Kyle


Napa-upo naman ako at sumandal sa headboard ng kama. Tumabi naman sa akin si Kyle at inakbayan ako. Binuksan ko naman yung envelop at binasa yung sulat.


Dear Let-Let...

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti nang mabasa ang pangalan na yun. Iyon ang tawag sa akin ni ate Valerie nung mga bata pa kami at nung sobrang close pa naming dalawa...


Tagal na rin na di niya ako tinatawag sa palayaw kong yun. Ngayon lang ulit dito sa sulat niya.


"I know the words 'I'm sorry' would not be enough for all the things I've done and for all the pains I've inflicted to you. And I understand if you hate me so much and if you won't be able to forgive me for all the things I've done. But still, I still want to apologize to you. I'm sorry baby sister, for hurting you... Kung dati ako ang nagtatanggol sa'yo sa mga taong nananakit sa'yo, pero heto at ako ang sobrang nanakit pala sa'yo and I really hate myself for it. I'm sorry Let-Let. Di ko rin alam kung anong nangyari sa akin at naging ganito ako. Isang taong binabalutan ng galit at inggit. Pero siguro ang nagtulak sa akin para maging ibang tao ay yung mga pasakit na naranasan ko noon. Hindi ko sinabi ang mga naging problema ko sa'yo noon dahil ayaw kong madamay ka pa at masaktan din. Ang totoo kasi niyan Let-Let... hindi naman talaga ikaw ang ampon sa ating dalawa."

That sentence got my attention? What does she mean by that? Sina daddy at mommy nga mismo ang nagsabi sa akin na ampon ako.


"Pinalabas lang nina daddy at mommy na ikaw ang ampon dahil ayaw nila akong masaktan. Alam nilang di ko matatanggap yun kaya ang tunay nilang anak ang pinalabas nilang ampon at ako ang pinalabas nilang tunay nilang anak. Pero nagkamali sila... kasi mas masakit pa rin yung panlilinlang na ginawa nila. Ayos lang sa akin na ako yung masaktan pero yung dinamay ka pa nila noon, doon ako sobrang nagalit. Naging saksi sila kung paano halos maligaw ka na ng landas dahil sa ginawa nilang panloloko pero di pa rin nila sinabi sa'yo at sa akin ang totoo. Nalaman ko lang yun nung aksidenteng narinig ko silang pinag-uusapan yun sa kwarto nila. Iyon ang rason kaya sobrang nagalit ako sa kanila. Kasi nilinlang nila tayo at sinaktan ka nila ng sobra. Gustong-gusto kong sabihin sa'yo ang tungkol sa nalaman ko noon pero natakot akong baka hindi na naman maging maganda ang epekto nun sa'yo. Sinasabi ko ito ngayon sa'yo hindi para magalit ka sa magulang mo... gusto ko lang malaman mo ang totoo."

Tama si ate Valerie. Halos maligaw ako ng landas noon dahil sa sakit na naramdaman ko nung nalaman kong ampon ako. Masakit kasi na malaman na yung kinikilala mong mga magulang mo e hindi ka pala totoong anak at yung ate mo, hindi mo naman pala talaga siya ate. Nagkaroon ako ng bisyo at nag rebelde ako sa magulang ko noon dahil dun sa nalaman kong ampon ako at kung hindi dahil kay ate Valerie, hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin noon. Kung wala siya sa tabi ko noon at pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal kahit hindi kami tunay na magkapatid, baka kung ano na ang kinahantungan ko sa buhay.


May mga namumuong mga luha sa mata ko dahil parang naramdaman ko ang sakit na naramdaman ni ate Valerie nung nalaman niya ang totoo. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya, baka magagalit din ako sa ginawa nilang panlilinlang sa amin ni ate Valerie. At dinala lahat ni ate mag-isa ang sakit na iyon at di na sinabi pa sa akin para protektahan na naman ako sa sakit na magiging dulot ng katotohanan na yun.

"Tanda mo rin ba yung palagi nating sinasabi noon? Yung ate Val and baby Let-Let against the world? Sobrang close natin noon. Di lang tayo magkapatid pero para na rin tayong mag best friends noon. Dahil din siguro roon kaya nagsimula na akong magtampo sa'yo noon nung hindi mo na ako napapansin simula ng dumating si Kyle sa buhay mo. Dati kasi, palagi tayong nandyan na dalawa para sa isa't-isa pero simula ng dumating si Kyle naging masaya ka na at hindi mo na ako napapansin. Naaalala mo ba si Nathaniel Salvador?"

Si kuya Nathan? Oo, naaalala ko pa rin siya. Siya yung first boyfriend ni ate Valerie na sobrang mahal na mahal niya. Pero di ko alam kung anong nangyari at bigla na lang itong nawala at di na nagpakita pa kahit kailan. Di ko rin nagawang tanungin si ate noon kasi nagsimula ng lumayo ang loob niya sa akin. Pero ano bang nangyari talaga kay kuya Nathan?


"The truth is, he died. He died in an accident. At yung pagkamatay niyang iyon ang naging turning point kaya naging iba na akong tao... naging si Valerie ako na hindi ko kilala. Yung pagtatampo ko sa'yo ay naging inggit dahil nakikita kitang masaya at ginusto kong maging malungkot ka rin gaya ko... hanggang yung inggit na yun naging galit dahil para sa akin inagaw mo si Kyle sa akin. Kay Kyle ko kasi nakita si Nathaniel. Simula ng tulungan ako ni Kyle noon sa bar, doon nagsimulang nakita ko siya bilang si Nathaniel. At noong gabing sinabihan ako ni Kyle kung gaano niya ako kinamumuhian ng sobra, doon ko lang na realize na hindi pala siya si Nathaniel dahil kahit kailan di yun sasabihin sa akin ni Nathaniel. At noong gabi lang na yun na realize kong minahal ko lang pala si Kyle dahil nakikita ko sa kanya si Nathaniel. I cling to him so much because of the idea that he's Nathaniel. I loved Nathaniel so much and the pain of losing him was excruciating. I can't imagine living a life without Nathaniel by my side kaya siguro kinailangan ko ulit siyang buhayin sa ibang katauhan at iyon ay kay Kyle. Pero mali pala na ginawa kong yun dahil matagal ng wala sa akin si Nathaniel at hinding-hindi na siya babalik pa... kahit sa ibang katauhan. Yung naramdaman ko kay Kyle, ganun din yung naramdaman niya sa akin. Yung akala niya mahal niya ako pero yun lang pala ay dahil nakikita ka niya sa akin. I know I should not be saying those moments when we were together and we were hurting you back then but I just want you to know that all of those time he was with me, he unconsciously always say how much he loves you. Noon pa man ikaw na ang mahal niya Let-Let at hanggang ngayon ikaw pa rin. Kung hindi lang dahil sa mga kasamaang pinaggagawa ko dahil sa paglamon sa akin ng lungkot at sakit na nararamdaman ko, hindi ka niya masasaktan ng ganun. You have always been the Queen of his heart Let-Let and not me. I'm sorry again baby sister... You had always been the most important person to me but I lost you because I was weak enough. Hinayaan kong lamunin ako ng lungkot at sakit... And I'm sorry kung sa sulat ako nagsosorry sa'yo at hindi sa personal. Nahihiya kasi ako dahil sa mga ginawa ko. Maybe in time, I'll be apologizing personally to you but not now... hindi pa akong handang harapin ka at yung iba pang mga taong nasaktan ko ng sobra. Aalis na ako at magpapakalayo-layo para hanapin ulit yung sarili ko. I love you Let-Let... and I'm sorry again. I just hope someday, we can return the relationship we had before because I missed you so much Let-Let. But for now, it's time for me to say goodbye.

Love,

Ate Val

Hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa pinupunasan ni Kyle ang mga luha ko. At mas lalo akong napa-iyak sa isang litrato na nasa loob ng envelop.


Picture namin ni ate Valerie nung mga bata pa kami... nung mga panahon na ang motto naming dalawa ay 'ate Val and baby Let-Let against the world'.


Palagi kong tinatanong noon kung anong nangyari at biglang nagbago si ate Valerie. Palagi kong iniisip kung sino ang naging dahilan at naging ganun ang ugali niya. Pero yun pala, ako lang ang dahilan. Kung sana napansin ko lang noon na hindi okay si ate Valerie... kung sana andun ako sa tabi niya nung mga panahon na kailangan niya ako siguro hindi lahat toh nangyari.


Maraming nag-iisip na sobrang sama ng kapatid ko pero ang totoo niyan... ako itong sobrang sama dahil ako ang dahilan kung bakit siya naging ganun. Palaging nasa tabi ko si ate Valerie sa tuwing malungkot ako at may problema. At kahit di ko sabihin sa kanya, alam niya kaagad kung may problema ako pero ako? Ang sama kong kapatid. Wala akong kwentang kapatid dahil hindi ko napansin na sobrang nalulungkot at nasasaktan na pala noon si ate Valerie.


"It's all my fault... from the very start, it's all my fault...", hindi ko naman mapigilang sabihin.


Akala ko, sa lahat ng mga nangyari sa akin noon... ako yung pinaka nasaktan sa lahat. Yun pala, hindi lang ako...


Hindi lang ako yung nasasaktan. Nasaktan din pala si ate at alam kong maging si Kyle, nasaktan din. I was busy hurting that it didn't crossed my mind that they might be hurting as well... that they might be hurting more than me.


"Baby... don't blame yourself.", Kyle said while he's still wiping my tears.


"But it is... kung sana napansin kong may problema lang si ate noon, hindi siya sana naging ganun. Hindi sana tayo umabot lahat sa ganito na nagkasakitan tayong lahat..."

"Baby, hindi mo napansin kasi hindi yun hinayaan ni Valerie kasi ayaw niyang mag-alala pa...na madamay ka pa pero siguro, mali rin yung desisyon niyang yun kasi hindi niya nakayanan yung sakit na nararamdaman niya at nilamon siya lahat ng emosyon niya... At baby, hindi mo kasalanan yun. At ang importante naman ngayon, bumalik na si Valerie... ang dating Valerie na kilala mo. We all make mistakes but the important thing is we admit all those mistakes and be sorry for it... then learn from all those mistakes.", Kyle


Napatingin naman ako kay Kyle.


He's right. Ang importante ngayon ay bumalik na ang ate Valerie ko... at natuto na kami sa lahat ng mga nangyari sa amin...


Sa susunod na magkikita ulit kami ng ate ko, sisiguraduhin kong mararamdaman niyang palagi akong nasa tabi niya kagaya na lang ng ginawa niya para sa akin noon...


I know, babalik din ang dating relasyon namin. Pero sa ngayon, hahayaan ko muna siyang hanapin ang sarili niya...


I know she needs time...


Siguro nga maraming ginawang mali ang kapatid ko sa akin. Mga bagay na nakasakit sa akin ng sobra... pero nasaktan ko rin naman siya ng sobra...


And the only thing that can erase all those pains we've inflicted on each other is forgiveness...


Ang pagtanggap sa sarili namin sa mga kasalanang ginawa namin at ang pagpapatawad sa sarili rin namin... at siyempre, ang pagpapatawad sa isa't-isa.


Forgiveness gives us a new start and at the same time it also leaves a lot of learnings from all that had happened.


At wala akong karapatan na hindi ibigay ang pagpapatawad na iyon sa ate ko dahil kahit siya ang nakasakit sa akin ng sobra, isa rin siya sa mga taong sobrang nagmahal sa akin...


"C'mon, you need to sleep now baby...", sabi naman ni Kyle na hinila ako palapit sa kanya.


I rested my head on his chest...


Being in Kyle's arms feels so perfect and right.


I feel like it is where I really belong.



(Kyle's P.O.V)

Months later...

["Kyle... uwi ka na... please, uwi ka na... I want to see you already..."], umiiyak namang paki-usap sa akin ng asawa ko sa kabilang linya.


Napahinga naman ako ng malalim at hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti.


Narito kasi ako ngayon sa Cebu for a business trip. 3 days ako rito sa Cebu pero isang day lang akong wala pero pinapa-uwi na ako ng asawa ko.


Maybe it's a pregnancy thing. At mukhang pinaglilihian pa rin ako ng asawa ko kahit kabuwanan na niya.


Kahit nung nasa Manila kasi ako, ayaw na ayaw ni Shanelle na magkahiwalay kami. Kaya kahit sa opisina ay sinasama ko siya.


["AH! Aww..."], I heard Shanelle gasp from the other line.


Napakunot noo naman ako.


"Baby, what's wrong? Are you okay?", nag-aalala namang tanong ko sa kanya.


["I-I'm fine... Your son just gave me an uncomfortable kick. Baby, uwi ka na..."], nahihirapang sabi naman ni Shanelle.


Shanelle and I are gonna have a baby boy, that's for sure already. Mukha talagang nasunod yung wish ng baby girl namin.


"Okay, I will... Si Gareth na lang muna ang bahala rito sa Cebu.", sabi ko naman sa kanya

Ayoko rin namang iwan ang asawa ko lalo na at kabuwanan na nga nito.


["YEY! I'll see you soon then. Take care. I love you!"], masiglang sabi naman ni Shanelle sa kabilang linya na nakapagpangiti pa lalo sa akin.


"I love you too baby."

Nang matapos naman ang tawagan namin ni Shanelle ay tinawagan ko ang pilot ng private jet na pagmamay-ari ko para maghanda na sa pag-alis ko maya-maya lang.


Sinabihan ko na rin si Gareth na siya muna ang bahala sa lahat ng iiwan ko rito sa Cebu.



*****

"KYLE!.", malakas na sigaw ni Shanelle na tumigil sa pagbaba ng hagdan at nakatingin ngayon sa akin na bagong pasok lang sa bahay namin. Kararating ko lang kasi. "I think my water just broke."

Hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at parang ang tagal mag sink-in sa akin ang sinabi ni Shanelle.


What the f-! Did she just say...?


"KYLE DALE ANDERSON! NARINIG MO BA ANG SINABI KO?! SABI KO LALABAS NA TONG ANAK MO! KUNG AYAW MONG IKAW ANG MAGPAANAK SA AKIN DITO, DALHIN MO NA AKO SA HOSPITAL NGAYON DIN!", malakas na sigaw naman ulit ni Shanelle na siyang nakapagpagising sa akin mula sa pagkatulala ko.


Dali-dali naman akong lumapit sa kanya at binuhat siya papunta sa nakahandang sasakyan. Sumama naman si Manang Lourdes na siyang umaalalay sa akin kay Shanelle.


Buti na lang na kina daddy at kuya si Kaylee ngayon.


Pagdating namin sa hospital ay sinalubong kami ng mga nurses na may dalawang stetcher. Sa delivery room naman diniretso si Shanelle.


All throughout the process of giving birth to our son, I was beside her for moral support. At dahil wala naman ako sa tabi ni Shanelle nung pinapanganak niya si Kaylee, di ko alam na ganito pala ka intense sa loob ng delivery room.


Parang hihimatayin ako habang nakatingin ngayon sa asawa kong hirap na hirap ilabas ang baby namin.


"Misis... push... push pa...", sabi naman ng doctora sa kanya.


"AAAAHHHH! DAMMIT! KYLE YOU B*STARD! HINDING-HINDI MO NA TALAGA AKO MAANAKAN PA ULIT! I WON'T LET YOU HAVE S*X WITH ME AGAIN!", sabi naman ni Shanelle na sobrang higpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.


Hindi ko naman napigilang hindi mapasimangot sa huling sinabi ng asawa ko. "Baby naman..."

"MUKHA MO! WAG KANG MAGPA CUTE RIYAN!! NAKAKA-IRITA!!!", Shanelle


"Misis... hinga lang po tayo. Kaya niyo po yan.... Push lang po misis at malapit na ring lumabas si baby."

"Huuuuuuu.... Huuuuu.....", Shanelle


"Baby, kaya mo yan. Kaunti na lang lalabas na si baby."


Pinunasan ko naman ang luha niya. Seeing my wife right now, I just can't imagine the excruciating pain she's going through just to deliver our son. This made me realize how strong women are... just like my wife right now.


"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!", Shanelle


Then the next thing we heard aside from Shanelle's fast breathing is our baby's cry...


At last, our baby...


Our son...





(Violet's P.O.V)

Unti-unti naman akong nagmulat ng mata at ang teary eyed na mukha ni Kyle ang unang sumalubong kaagad sa akin.


"H-Hi...", medyo groggy pa rin na bati ko sa kanya.


"Hi baby...", nakangiting bati pabalik naman sa akin ni Kyle.


Hinaplos ko naman sa mukha niya si Kyle para punasan ang luha niya. He's crying.


"What's wrong? Why are you crying?", I asked him.


"Nothing baby. I'm just happy right now... I'm happy that you're okay now. You were in so much pain earlier. And I'm happy I got the chance to be beside you when you delivered our son. And I'm happy that I'm a father again...", Kyle answered.


Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi ni Kyle.


He bent down his head and gave me a passionate kiss in the lips. Pero tumigil din kami nang bumukas ang pintuan ng kwarto na kinaroroonan ko at doon ay pumasok ang isang nurse na hawak ang baby namin. Kasunod naman ng nurse ay ang parents ko, si daddy Karl, si kuya Kevin, si Celine, si Hazel, si Lauren na buhat buhat ang baby girl niyang si baby Brianna, si Brian, si Lucas, at ang tatlong na chikiting na sina Hans, Bryner, at ang big sister ngayong si Kaylee.


Iniabot naman sa akin ng nurse ang baby ko.


Hindi ko naman mapigilang hindi maluha habang nakatingin ngayon sa natutulog na baby namin ni Kyle sa braso ko...


Naramdaman ko ulit yung kakaibang sayang naramdaman ko nung pinanganak ko si Kaylee noon. That feeling that no words can describe. Kahit gaano kahirap at kasakit yung panganganak, sobrang worth it naman yung hirap at sakit na iyon lalo na pag nakita mo na yung baby na ilang months din na nasa tiyan mo.


"Hi baby boy... I'm your momma...", sabi ko naman sa baby ko habang nakangiti at the same time ay lumuluha.


I look at Kyle who is staring at me and our baby with so much love in his eyes.


"Can I hold him?", alanganing tanong naman niya sa akin.


"Of course.", nakangiting sagot ko naman at iniabot sa kanya ang baby namin.


And again, tears fell down from his eyes as he stare at our baby boy. Looking at him right now, I know he's gonna be a wonderful father to our son like how he is to our daughter.


Kung sino man ang makakakita ngayon kay Kyle, hindi nila aakalain na isa itong playboy noon na walang kaplano-planong magpatali at magkaroon ng sariling pamilya. Noon kasi, kabi-kabilaan ang babae ni Kyle. He's not into serious relationship. Commitment was never in his dictionary.


Pero kung titignan siya ngayon, sobrang saya niya bilang isang ama sa baby Kaylee namin at sa baby boy namin.


"Momma, I already have a name for my baby brother.", biglang sabi naman ni Kaylee kaya napatigil ako sa pagmumuni-muni at tumingin sa anak kong nasa tabi ko na naka-upo sa lap ng lola niya.


"Really? What is it baby?", I asked her.


"Kysler Shawn Villanueva Anderson. I want his name to start with little K just like mine, momma.", Kaylee said.


"Kysler Shawn... okay baby. I love it.", nakangiting sabi ko naman kay Kaylee.


"YEHEY!", tuwang-tuwa naman si Kaylee dahil gagamitin namin ang pangalang naisip niya para sa baby brother niya.


And how could I even say no to my daughter? E siya ang humiling sa amin ng baby brother. Besides, I also like the name she wants for her baby brother.


Umupo naman si Kyle sa tabi ni mommy para makita ni Kaylee ang baby brother niya.


"Hi baby Kysler. I'm your ate Kaylee and I'm gonna take care of you and protect you from now on until you grow up.", Kaylee said to her little brother.


"And I'm gonna give you the world son. Both to you and to your ate Kaylee.", nakangiting pangako naman ni Kyle sa baby Kysler namin.


And hearing him say it, I don't doubt his word.


Alam kong tutuparin niya ang pangako niyang iyon.


Sobrang saya ko naman ngayon habang nakatingin sa mag-ama ko at ang iba pang mahal ko sa buhay na naririto ngayon na masayang nakatingin sa baby Kysler namin.






After 3 years...

"You may now kiss the bride.", the priest said.


Tinaas naman ng groom ang veil ng bride then he gently cupped the bride's face then kissed her passionately.


All of the guest here in the church, including us of course, applauded.


After the kiss, kuya Kevin and Celine faced us all then both of them smiled.


Yes, today is their wedding day. After how many months ng panliligaw ni kuya Kevin kay Celine simula nang mapawalang bisa ang kasal ni kuya Kevin kay ate ay sinagot na rin siya ni Celine. They even had twins. Parehas na babae. Name nila? They named the twins Jessica Kayl and Patricia Keanna. At 1 year old na silang dalawa. Sila nga ang naging flower girls dito lang sa katatapos na kasal ng parents nila. Ngayon lang sila nagpakasal dahil hinintay muna nilang lumabas yung mga babies.


Sa wakas, may happy ending na rin sina kuya Kevin at Celine. They deserve to be happy as well together with their twins.


At kagaya namin ni ate Valerie, nagkapatawaran na rin sina kuya Kevin at ate. Pati na rin sila ni Celine. All the things that had happened from the past, we all left it there in the past.


Si ate Valerie, she's happily living in the United States together with her own family now. May asawa na si ate na isang Amerikano at may dalawang anak na sila.


Hindi pa rin kami nagkikita in person ni ate after 3 years pero nagkaka-usap naman na kami sa telepono. At first medyo awkward pero ngayon ayos naman na. Maayos na rin ulit ang relationship ni ate kina mommy at daddy.


Kami naman ni Kyle? Well, our relationship remains stronger than ever. We're happily living with our two babies's Kaylee and Kysler. Kaylee just turned 8 years old 6 months while Kysler will be turning 3 next month. Ang bilis lang din talaga ng oras.


And remembering everything we've been through, sinong mag-aakala na darating kami sa puntong ito ng buhay namin... yung sobrang saya naming lahat na.


We experienced love and the pains underneath it. We got betrayed. We lived with so much pain and hatred in our hearts. We kept on hurting each other and we all lost hope that the moment of just happiness would come to our lives.


Pero heto at naririto na kami sa moment na yun na akala naming hindi na namin makakamit. Sa moment na akala namin ay hindi na darating pa sa amin.


Naririto kami ngayon sa puntong ito ng buhay namin dahil nagawa naming humingi ng tawad at magpatawad.


Kung hindi ko nagawang patawarin noon si Kyle sa ginawa niya at di ko siya hinayaang mabigyan ng second chance, baka hindi na kami ganito kasaya ngayon.


I'm not saying that all people who gives second chances to others who had hurt them so much before would end up happily like me and Kyle. And I'm not also saying that we should always give second chances to people who hurted us so much. Nasa tao pa rin naman kasi yun kung bibigyan niya pa rin ng chance yung taong nakasakit sa kanya. All I'm saying is that, if you think that that person deserve that second chance... then try giving it to them. You might not know, it's all worth it in the end. And kung hindi man nag work out, at least you've tried right? No regrets.


"Baby...", I heard Kyle say so I turned to face him. He's smiling as he stares at me. "Let's go, time for a family picture with the newly wed.", he said.


Ngumiti naman ako at tumayo na rin. Hawak ko naman sa isang kamay niya si Kaylee habang papunta kami sa harapan. Si Kyle naman, buhat sa isang kamay niya Kysler habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko at inaaalalayan ako.


Oh! Did I forgot to mention that I'm pregnant again?


Yes, Kyle and I our expecting our third baby again. Kung gaano kasi kasipag si Kyle na palaguin pa rin ang business empire niya, ganun din siya kasipag sa paggawa ng baby. Not that I'm complaining, except siguro pag nasa process ako ng panganganak kagaya na lang nung pinanganak ko si Kysler noon. Masakit kaya, pero worth it naman pag nakita mo na ang baby mo at hawak mo siya sa braso mo.


Kagaya na lang lahat ng sakit na pinagdaanan namin ni Kyle. They were all worth it. Bakit?


Dahil yung mga karanasan namin noon ang mas lalong nagpapatibay sa relasyon namin ngayon ni Kyle. Hindi na madaling masisira ng kahit sino man ang relasyon namin ni Kyle at dahil yung sa lahat ng pinagdaanan namin.


Kahit siguro may isang babae na maghubad sa harapan ni Kyle, alam kong iisnabin lang siya ng asawa ko.


Kung noon, pinagdududahan ko ang pagmamahal sa akin ni Kyle at ang loyalty niya dahil sa lahat ng nangyari sa amin...


Ngayon naman, kahit kaunting doubt ay wala na...


Because I know and I'm very sure of one thing...


I AM THE PLAYBOY BILLIONAIRE'S QUEEN.


But of course, he's a playboy no more.


He just love me and only me... HIS QUEEN.


And in return, I love him and only him... MY KING.





And this is our story.

=======================

And that's the end everyone. T_T OMG! Naiiyak na talaga ako habang sinusulat tong epilogue. I'm really gonna miss this story. But I'm so happy na natapos ko rin. First story ever na nagawa kong tapusin. :)


Again, I would like to THANK all of my readers (silent readers and active readers) sa suportang binigay nila sa story na toh. THANK YOU, THANK YOU!


Special announcement pala, may gagawin akong isang special chapter. Wait for it. :) Sa mga nag-apply na ninang, doon po kayo bibida. HAHAHA.


Again, THANK YOU ALL SO MUCH! And I hope mabasa niyo rin ang iba pang mga stories ko :)


Love,

MoonLightPurple

©2014 MoonLightPurple

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.1K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
320K 7K 47
Being a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...