Sapphire Diamond Academy 2: T...

By Sorraya_angel

111K 3.7K 258

The new Legendary twin.. The son and daughter of the long lost princess and now the new Queen Czaquia Dannaya... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Author's Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Author's note
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note!!!
Chapter 18
Characters
Chapter 19
Chapter 20
Announcement?!!
Attention!!!
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note

Chapter 26

1.7K 78 5
By Sorraya_angel

Chapter 26: Bonding

'Cristel's pov'

Iniwan ko muna si Enna sa aking silid natutulog na kasi siya at hindi pa naman ako dinalaw ng antok kaya napagpasyahan ko na tumambay muna sa garden. Hays.. Sana matapos na ito. Kapagod na eh.

Tahimik na ang buong palasyo baka tulog na sila. Pinili ko ang may fountain na bahagi sa garden. Natural lang ito at may maliliit na pixies pa ang nagliliparan na siyang dahilan kung bakit maliwanag ang buong fountain.

Agad akong umupo sa malaking bato. Nakakalungkot ang katahimikan. Dati kapag nandito ako sa garden agad sumunod si mom sa akin. Ngunit ngayon wala na. Sana bumalik ka na sa amin mom.

"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?"- bahagya pa akong nagulat sa nagsalita sa aking likuran.

"Hindi pa ako inaantok."- malamig kong turan sa kanya.

"Galit ka pa rin sa akin?"- tsk. Kapal.

"Tsk. Ewan ko sa'yo."- pabulong kong sita sa kanya.

"Hindi naman pala kayo pwede ni Knight. So pwede na akong manligaw sayo."- sabi niya kaya nilingon ko siya at tiningnan ng matalim.

"Huwag mo akong biruin,Blaze. Hindi porket magpinsan kami ni Knight ay pwede mo na akong ligawan. Hmm baka nakalimutan mo ang mga ginawa mo sa akin, Blaze. Ipaalala ko ba sayo? Isa isa?"- nangungutyang tanong ko sa kanya ngunit hindi naman natinag ang loko.

"Alam ko na nasaktan kita, Cristel, kaya i'm sorry."- kapal. 'Tsk. Tsk. Tsk. Cristel. Cristel. Cristel. Kunwari ka pa. Kinilig ka naman.' panirang utak to oh! Argh!

"Bahala ka sa buhay mo, Blaze."- sabi ko na lang. Tahimik naman siyang umupo sa aking tabi.

Bahagya naman akong napaigtad ng pumulupot sa aking bewang ang kanyang mga braso.

"Blaze, let me go. Diba mahal mo si Zale? Eh bakit ka yakap ng yakap sa akin. W-wala pang isang taon simula ng na m-matay siya ah."- sh*t talaga. Nauutal pa ako. Argh kahiya baka akalain niya na apektado pa ako sa kanya!

'Bakit hindi ba?' argh! F*ck

"Di ba sabi mo bahala ako sa buhay ko? So i assume that you don't mind if i'll do this and this."- nanigas ako sa aking kinauupuan ng biglang sakupin ni Blaze ang aking labi. He pressed his lips against mine and bit my lower lip to give him more access but hell i will not let him! Kaya tinulak ko siya at sinampal.

"Why you do that?- gulat niyang tanong sa akin habang hawak ang pisngi niya na sinampal ko.

"Really, Blaze? Ako dapat mag tanong niyan! Bakit mo yun ginawa? I thought you hate me? Then why you kissed me two times? Huh?"- nakataas kilay kong tanong sa kanya. Argh! The nerve of this man!

"Nope! Nadala lang ako sa aking emosyon noon. But i'm awake now."- huh! Awake your ass!

"Well you're late! Because i don't love you anymore!"- liar!

"Oh? Really? Well, i'll make sure you'll  fall in love with me again." - he said with full of confidence.

"Oh? Okay."- sabi ko at nginitian siya. Kinilabutan naman ako ng bigla siyang ngumisi. Eww. Parang demonyo. Hahaha joke gwapo kaya niya..

"Hmm, okay. Matulog ka na. May bonding pa tayo bukas."- malumanay niyang sabi at tumayo. Inilahad niya naman ang kamay niya sa akin. Kaya tinanggap ko ito. But that was a wrong move dahil nilakasan niya ang pag hila sa akin kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib. Bahagya naman siyang natawa.
So i glared him.

"Mmm, feel good. Yeah?"- natatawang aniya.

"Haha hanep sa pagbuhat ng sariling bangko ah. Tsk. Diyan kana."- nasabi ko na lang para itago ang pamumula sa aking mukha.

"You're blushing. Beautiful."- tudyo niya sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama at dali-daling pumasok sa palasyo.

Nasa hallway na ako patungo sa aking kwarto ng may magsalita sa aking likuran.

"You already forgave him?"- nilingon ko si Knight at nginitian siya. Ngiti na walang buhay.

"No."- sagot ko.

"I saw him. Kissed you."- bulong nito. Tila ba nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Well i'm not mad at you Knight. Wala lang talaga ako sa mood.

"Yeah. But it doesn't mean that i already forgave him. He said he will court me. Whether i like it or not."- sabi ko sa kanya.

"Galit ka... Sa akin?"- alanganing tanong niya.

"Hindi. Sige ha. Matulog na ako. May lakad pa tayo bukas eh."- sabi ko at tinalikuran siya.

Naglinis muna ako ng katawan bago humiga sa kama. Agad naman akong dinalaw ng antok.

'Czaquenna's pov'

Maaga akong nagising dahil siguro maaga rin akong nakatulog. Hindi ko naman sinasadya na mag emote no. Sadyang nagtatampo lang talaga ako.

Wala na si Cristel sa aking tabi. Una siyang nagising sa akin. Excited lang? Hays. Pumasok naman ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagsuot ako ng roba. Dahil wala naman akong damit dito sa kwarto ni Cristel.

Lumabas na ako sa silid ni Cristel at tinahak ko ang daan patungo sa aking silid. Pipihitin ko na sana pabukas ang aking pintuan ng may sumitsit sa akin kaya nilingon ko ito. Bahagya pang nang laki ang aking mga mata ng makita ko si Hero na nakatayo sa may hagdan habang nakangising nakatingin sa akin.

"Sexy."- agad namang nag init ang aking pisngi sa sinabi niya kaya pinandilatan ko siya.

"Pervert!"- sigaw ko at binalibag ko pabukas ang aking pintuan.

Pagpasok ko agad akong nagbihis at sinuklay ang pula na mahaba kong buhok bago bumaba.

Nakaupo na silang lahat. Ako na nalng yata ang hinintay nila.

"Morning."- bati nila sa akin. Hmm awkward.

"Mm."- tanging na sabi ko lang.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik ang bawat isa tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Hanggang sa binasag ito ni Tito Criver ang katahimikan sa loob ng dining area.

"Saan kayo mamasyal, anak?"- tanong ni tito kina Cristel at Cristan.

"Sa batis po, Dad."- sagot ni Cristan habang tahimik lang si Cristel. What's wrong with her?

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nagpapaalam sa aming mga magulang at naglakad na papunta sa batis na aming tambayan mula pa noon.

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin habang naglalakad kaya nilingon ko ito. Si kuya Knight lang pala.

"Galit ka sa akin?"- tanong niya agad naman akong umiling.

"Hindi, Kuya."- sabi ko. Ngumiti naman siya at hinawakan ang aking kamay.

Pagdating namin sa batis ay agad bumitaw si kuya sa akin at namamangha na nilibot niya ang kanyang paningin.

"This is a paradise."- sabi niya kaya bahagya naman kaming natawa. First time niya pala. Dahil hindi siya dito lumaki.

"Yeah. And dito rin ako nahiwalay sa kanila."- sagot ni Shine. Kaya nilapitan ito nina Blaze at Stone at pinagitnaan. Tumingin naman si Kuya sa gawi ni Shine. Hmm i smell something fishy. The way he look at her i can say... He's already attracted. Oh my... Mapaglaro ka talaga tadhana.

"Kuya, baka matunaw."- bulong ko. Napaigtad naman siya hahaha and he glared at me.

"Shut up!"- he hissed at me.

"Hahaha why? Kuya? Napana na ba?"- asar ko sa kanya.

Hahahaha agad naman siyang namula. Tumingin naman sa aming gawi ang aming mga kasamahan dahil sa aking pagtawa. At bago pa nakaiwas si kuya ay nakita na nila ang pamumula ng pisngi niya.

"What happened to you, Knight?"- nanunuksong tanong ni Cristel. Isa pa ito halata na may iniiwasan. Hmp!

'Like you?'  tsk.

"W-wala mainit lang."- tumaas naman ang kilay ni Icey

"Talaga, Knight? Hindi naman mainit ah."- naguguluhan na sabi ni Icey. Pinisil naman ni Ice ang pisngi ng kakambal hahaha tiyak na gets niya si Kuya.

"Palusot.com. hindi ba, Kuya?"- nang-aasar na tanong ni Autumn.

"Di ah."- defensive na sabi ni kuya kaya di ko na pigilan ang pag tawa.

"Shut up, little sis."- bulong ni kuya at agad na naglakad palayo. Hahahaha pikon.

Nagsimula na ang iba naming kasamahan sa pag lusong sa falls. Ang iba naman kagaya namin ni Cristel, Icey at ako ay naka upo sa malaking bato.

"Hindi pa kayo lalangoy?"- tanong ni Icey.

"Mamaya na. Busog pa ako."- sagot naman ni Cristel.

"Ikaw, Enna?"- baling ni Icey sa akin.

"Mamaya na rin."- sabi ko. Tumango naman siya.

Kitang kita dito sa aming kinauupuan ang ginagawa ng aming mga kasamahan. Nakita naman namin na nilapitan at niyapos ni Ice si Autumn. Kaya kunot ang noo ni Hero na lumapit sa amin.

"Icey, nakita mo ba ang ginawa ni Ice sa pinsan ko.?"- kunot noo na tanong nito.

"Yeah. Hindi naman ako bulag, Hero."- sagot ni Icey kaya natawa ako. Pinukol niya naman akong ng masama na tingin. Kaya napa iling iling ako.

"Pikon ka talaga kahit kailan, Hero."- natatawang ani ko sa kanya.

Natatawa namang umalis sina Icey at Cristel sa aking tabi. At humaba naman ang nguso ni Hero. Kaya mas lalo akong natawa.

"Para kang pato."- sabi ko. Napatili naman ako ng hinawakan niya ako sa kamay at hinila patayo kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Kinumpas niya naman ang kanyang mga kamay. And i know ginamit niya ang invisibility na ability niya.

"W-what are you doing?"- pilit kong pinatatag ang aking boses kahit ang totoo ay nanghihina ang aking tuhod! Sh*t ka Hero. At maghunos-dili ka self! Masaktan ka lang.

"Paparusahan kita."- bulong niya sa aking tainga. Nanayo ang balahibo sa aking batok dahil tumama ang mainit na hininga ni Hero dito.

"Wala naman akong ginawa ah."- sabi ko. Naramdaman ko naman na ngumisi siya.

"Wala? Pinagtawanan mo lang naman ako, babe."- bulong niya ulit. Argh! Pikon talaga.

"Pikon ka lang talaga. Bitiwan mo nga ako."- sabi ko. Pilit kong iwinaksi ang kanyang mga braso ngunit sadyang malakas siya. I'm powerful at kaya kaya kong balibagin siya pero bakit hindi ko magawa? Isa kang dakilang marupok Czaquenna!

"Don't worry. Bibitawan kita pagkatapos ko itong gawin."- naguguluhan ako sa mga sinabi niya.

"Ano-"- hindi ko na naituloy ang aking sinasabi dahil bigla na lang niya akong siniil ng halik.

Naglapat ng ilang sigundo ang aming mga labi bago niya ako binitawan. Kaya sinampal ko siya.

"Mapapatay talaga kita, Hero, kapag inulit mo pa yun! Bakit hindi ka sa haliparot na yun humalik ha?"- sigaw ko.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na walang namamagitan sa amin ng babae na yun?"- frustrated na bulong niya.

"And i don't care."- sabi ko.

"Zen. I love you."- agad akong napalingon sa kanya. Pinaglaruan ba ako ng aking pandinig?

"Anong sabi mo?"- tanong ko ulit.

"I love you."- oh my god!

"Nagbibiro ka lang diba? Tsk. I know you, Hero, Biro lang sa iyo ang lahat."- nakayukong sabi ko. Inangat niya naman ang aking mukha.

"Tignan mo ako sa mata. Kung nagbibiro ba ako."- bahagya akong napaatras ng tiningnan ko ang kanyang asul na mga mata at mabasa ang emosyon na nakapaloob doon.

"H-hindi ka nag bibiro?"- shunga nakita mo na nga!

"Hindi."- sagot niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"So?"- tanong niya.

"I love you too."- bulong ko. Naramdaman ko naman na nanigas siya at gulat na nakatingin sa akin.

"H-hoy! Huminga ka nga! Ano bang nangyari sa iyo?"- sabi ko sabay tampal sa dibdib niya ramdam ko pa ang bilis ng pintig sa kanyang puso.

"God! I'm so whipped."- bulong niya. Natawa naman ako.

'Knight's pov'

Hindi ko na nakita ang pasaway kong kapatid na si Zenna. Saan naman kaya nag tungo yun? Busy naman ang aming mga kasamahan. Lalo na yung may mga jowa at nanliligaw pa. Nakita ko naman na nakasimangot si Cristel sa pangungulit ni Blaze. Tsk. Tsk. Tsk. Blaze. Siguraduhin mo lang na mahal mo na talaga yang pinsan ko dahil pag yan umiyak ulit lintik ka talaga sa akin.

"Hey, ayos ka lang ba?"- agad namang sumikdo ang mabilis na pintig sa aking dibdib ng marinig ko ang pamilyar na tinig. kaya nilingon ko ito.

"Yeah."- sagot ko  kay Shine.

"Ahm look. I'm sorry about yesterday. Hindi ko kasi alam na. You know. Hindi pala alam ni Zenna na magkapatid kayo."- mahinang sabi niya at yumuko. Cute. Bahagya pa akong natawa. Kaya bumalik ang tingin niya sa akin.

"Hindi ako galit. Okay? And thank you. Hindi ko na kailangan pang mag panggap."- sabi ko.

"Thanks god! Akala ko galit ka. By the way i'm Shiney."- sabi niya sabay lahad ng kamay.

"I'm Knight."- sabi ko at tinanggap ang kamay niya at bahagya ko itong pinisil.

"Hey! Knight! Lumayo ka sa kapatid ko!"- sigaw ni Blaze.

"Lumayo ka rin sa pinsan ko!"- balik kong sigaw. Napalingon ulit ako kay Shiney ng marinig ko na mahina itong natawa.

"Hmm parang galit kayo kay Kuya Blaze?"- tanong niya.

"Hindi naman. Mmm minsan na kasi niyang nasaktan si Cristel."- sabi ko. Nagulat naman si Shine sa narinig. Hindi pa niya kaya alam?

"Ha? Eh simula pa noon. In love na si Kuya kay Cristel. Hindi lang makalapit dahil sobra kung maka bakod si Cristan."- sagot nito.

"May nangyari kasi. Hayaan mo na matagal na rin yun."- sabi ko. Pilit ko naman na pina casual ang boses ko kahit ang totoo ay nanginginig ako. Shit bading lang?

"Napatawad niyo na ba siya?"- tanong nito.

"Oo."- sagot ko.

"Salamat naman."- sambit nito.

Natahimik naman kami at pinakiramdaman ang isa't isa. Tsss.. Na love at first sight kaya ako sa kanya?

"Naniwala ka ba sa love at first sight?"- tanong niya. Nabasa kaya niya ang aking isip? Pero sinara ko ito.

"Oo naman. Bakit?"- tanong ko. Pilit pinakalma ang sarili.

"Wala naman."- sagot niya at yumuko. Nakita ko naman na bahagyang namula ang kanyang pisngi. Hmm mukhang hindi lang ako ang natamaan. Hahaha...

'Icey's pov'

For the first time na kompleto kaming lahat. Hay ang saya.

"Hey."- nilingon ko ang mapangahas na lumapit sa akin ng makita ko na si Phoenix ito ay umayos ako ng upo. Gosh! Si Crush.

'Icey, baby behave.' usap sa akin ni Kuya thru telepathy.

'Hmp!' singhal ko. eh busy nga rin siya kay Autumn eh.

"Hi."- bati ko rin.

"Mukhang busy ang kuya mo."- aniya.

"Oo nga eh. Ahm huwag ka masyadong lumapit baka ma yelo ka ni kuya haha."- sabi ko at binuntutan pa ng tawa. Tumitig naman si Phoenix sa akin.

"A-ahm bakit ka ganyan makatitig?"- tanong ko. Naiilang ako eh.

"Wala naman."- aniya at umupo sa aking tabi.

Nang sumapit na ang tanghalian ay umahon na sa tubig ang aming mga kasamahan at lumapit sa amin. Upang mananghalian na.

Nang makaupo kami lahat at nagsimula ng kumain ay biglang nagsalita si Knight.

"Bakit parang dikit ka ng dikit sa kapatid ko, Hero?"- kaya napalingon kami sa gawi ni Zenna. Hmm nagdadalaga na ah. Hahaha...

"Shut up, Kuya. Baka gusto mo na isabi ko sa kanya."- hamon ni Zenna. Tsk. Ng blackmail pa.

"Tsk. Siguraduhin mo lang na hindi yan umiyak dahil sa'yo, Hero. Dahil kung si Blaze noon na hindi ko nabugbog. Ikaw dila lang ang walang pasa sa iyo sa oras na umiyak yang kapatid ko."- mahabang litanya ni Knight. Hmm hindi ko siya masisisi ganyan rin si Kuya eh.

"Don't worry, Knight. Hindi naman ako si Blaze."- sabi ni Hero kaya natawa kami.

"Bakit ba ako na lang ang palagi niyong nakikita?"- pagdadrama ni Blaze. Kaya lalo kaming natawa.

"Tss. Totoo naman kasi."- singhal ni Cristel.

"Hey! Nagbago na ako oy! Ikaw na ang mahal ko. Tsk. Hindi naman yun na wala."- sabi niya. Kaya pinukol siya ni Cristel ng nakakamatay na tingin hahaha kaya natahimik siya.

Pagkatapos naming kumain ay umupo kaming lahat ng pabilog. Una namang nagsalita si Cristel.

"Kamusta ang love life niyo, Kuya?"- tanong nito sa kapatid. Ngumiti naman si Cristan halatang in love.

"Going stronger."- sabay na sagot ng dalawa.

"Sana all!"- sigaw namin kaya nagtawanan na naman kami.

Ilang oras pa na nanatili kami sa batis at hapon na nag desisyon kaming umuwi. Bukas babalik na kami sa academy.

"Shine? Papasok ka na ba bukas?"- tanong ko kay Shine habang papasok kami sa palasyo.

"Oo. Excited na nga ako eh."- nakangiting aniya. Kaya napangiti rin kami.

"Ayos. Sige ha. Mauna na ako. Bye kuya."- sabi ko at hinalikan si kuya.

Pagpasok ko sa aking silid agad akong dumeretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ay agad akong nagbihis at humiga sa kama. Nakakapagod ngunit masaya rin. Hays. Ipikit ko na sana ang aking mga mata ng may kumatok kaya napilitan akong bumangon at binuksan ito.

"Anong kailangan mo?"- tanong ko kay Phoenix. Yeah he is.

"Wala. Ahm i just wanna say good night and give you this."- sabi nito at mabilis akong hinalikan sa gilid ng aking labi at biglang nawala sa aking harapan.

"Woah. What was that?"- manghang bulong ko.

Sinarado ko na ang aking pintuan at bumalik sa kama at humiga at nagpatangay sa antok.

'Dannaya's pov'

Malapit ng kumilos si Hades. Kaya kailangannna rin naming maghanda. Buti na lang at hindi siya naghinala sa clone ni Shine kaya wala kaming problema. Ay meron pala. Ang damdamin ni Eury. But gagawin ko ang lahat upang maging masaya si Eury.

Malalim na ang gabi at natutulog na ang lahat. Naramdaman ko na naman ang pangulila ko sa aking pamilya. Sa oras na matapos ang lahat ng ito. Sisiguraduhin ko na maging masaya ang buong Sapphire.

'Hades's pov'

Hahahahaha!!!! Malapit na malapit na!!! Hindi magtatagal ako na ang maghahari sa buong Sapphirian!!! At si Dannaya ang aking reyna.

Pero bakit ganito? Parang may kulang sa akin na hindi ko mawari kong ano? Sa lahat ng aking naging desisyon kailanman ay hindi ako nag atubili. Pero bakit ngayon? May kakaiba akong naramdaman?

Hindi! Hindi maaari kailangan ko ng kumilos bago pa ako traydorin sa aking sarili.

"Kawal!!!"

"Kamahalan? Bakit po?"- natatarantang tanong nito. Magaling! Matakot talaga kayo sa akin!

"Bukas na bukas rin. Magpadala kayo ng mga higante sa paaralan ng mga Light Sapphirian! Kailangang mahina sila at mawalan ng enerhiya para sa aking paglusob ay sigurado tayong matapos na sila!"- utos ko sa kawal na agad naman tumalima.

Pumasok na ako sa silid at nakita ko si Dannaya. Sumikdo naman ang aking puso. Mahal ko talaga siya.

"Mahal, malapit na tayong mag hari sa buong sapphire. Bukas may ipapadala akong mga higante upang lumusob sa paaralan."- sabi ko dito. Hindi ko alam kong maririnig ba niya ako.

Lumabas na ako sa silid at tinungo ko ang silid kong saan ako namamalagi.

Agad akong humiga sa kama at pinikit ko ang aking mga mata at may nakita akong masayang pamilya. Agad akong napadilat at naramdaman ko ang sakit na pintig sa aking puso. Bakit? Sino ba yun?

---------
End of Chapter 26.

Pasensya sa typos guys.. Hindi pa ito na edit eh..

Love yah all..

Sorraya_angel

Continue Reading

You'll Also Like

157K 9.9K 45
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...
842K 29.2K 104
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
1.4M 96.2K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
344K 10.4K 51
•this is the story of the girl who learns to live from the boy who learns to love• fred weasley x oc completed