Last Day at St. Louie

By scitusnim

37.7K 2.8K 1.7K

The pandemic is over and the quarantine is now lifted. Almost a year after their supposed graduation day, St... More

Last Day at St. Louie
1 - Something's off
2 - The Challengers
3 - Smokescreen
4 - Tainting Purity
5 - Eye to Eye
6 - Wits for Life (Part 1)
7 - Wits for Life (Part 2)
8 - Wits for Life (The Reason Behind)
9 - Wits for Life (Part 4)
10 - Wits for Life (Last Part)
11 - The Hendecagon
12 - Three, Nine, Twenty
13 - The Transferee & the One who Failed
14 - Stepbrothers
15 - The Bully & the Innocent
16 - The Dead Man's Journal
17 - More and More
18 - The Clueless Ones
20 - The New King
21 - Not Over Yet
22 - A Little Chitchat
23 - Russian Louie
24 - Welcome to the Chaotic Mind of Allysa Santino
25 - Two Years Later

19 - The DIY Weapon

1K 101 19
By scitusnim

19 - The DIY Weapon



"The main fuse connecting the electrical meters to the line from the street is located on the supply pole outside the campus," ani Felicity matapos ipaliwanag ng mga kabataan ang kanilang gagawin. Mahina lamang ang kanilang mga boses, umaasang walang ibang makakarinig sa kanilang usapan. "Kakailanganing lumabas. Isa pa, hindi basta-basta ang pagpuputol ng kuryente. Kailangan ng authorized person na gagawa."



Pabirong tinignan ni Arkin ang lahat ng kasama niya habang nakataas pa ang isang hintuturo. "Aww, sayang. Wala akong nakikitang authorized person dito."



Inis na bumuntong hininga ang babaeng pulis. "Arkin—"



"If you want, officer, you may try to go out and ask for help," sabi naman ni Kingsley. "Call any authorized person or your friends from the police, while we search for Noah and Allysa."



"I agree," pagsang-ayon ni Paul. "With the twisted mind of whoever's behind this, your life might be spared."



"Sinabi ko ng hindi ko kayo iiwan dito," kunot ang noo at madiin na sabi ni Felicity.



"Aww, walang lalabas," bulong ni Arkin sa parehong pabirong malungkot na tono. Ngumisi siya. "There's an electrical meter for every college. We can only cut one so we could have time to plan and gear up."



"I say we cut the meter at the College of Agriculture," suhestiyon ni Lia na naging dahilan ng paglingon ng lahat sa kanya. "May mga itak sila doon. Where else can we find weapons?"



"I say you all go out and I'll find the other two," pagpilit muli ng babaeng pulis.



"The College of Physical Education has Arnis sticks," kibit balikat na sabi ni Hailey, hindi pinapansin ang sinabi ni Felicity.



"College of Agriculture it is," ani Paul.



"No." Umiling si Kingsley. "We'll go for CEIT."



"Why? Because it's our college and we have memories there?" natatawang tanong ni Arkin.



Bumubuntong hininga na sinamaan na lamang ni Kingsley ng tingin ang binatang inaalalayan nina Hailey at Paul. "Trust me."



Sandaling binalot ng katahimikan ang anim, nagkakatinginan at nagpapakiramdaman.



"I trust you." Si Hailey ang naunang sumagot, ipinaparating ang kanyang pagsang-ayon.



Wala ng ibang nagsalita kaya bumuntong hininga si Arkin. "Okay. CEIT it is."



"I still vote for exiting the campus while I search for your friends," pagdidiin ni Felicity noong nagsimula ng maglakad ang mga kabataang kasama niya.



"May naririnig ba kayo?" pang-aasar pa ni Arkin. Siya lamang ang natawa. "Officer, it's not that we don't respect you. We just don't want anyone to die anymore. Not today."



Naging tahimik ang paglalakad ng grupo. Nakataas ang baril na hawak ni Felicity, handang lumaban kung sakaling may sumugod sa kanila.



"I don't feel good," kinakabahang bulong ni Hailey. Inayos niya ang pagkakahawak sa kanang braso ng inaalalayang si Arkin. "If they are watching us, bakit hinahayaan lang nila tayong maglakad-lakad dito sa campus."



"Maybe, they're thinking of more creative ways to kill us," kaswal na sabi ni Arkin.



Agad na inirapan ni Hailey ang binata. "That didn't help, jerk."



"Let's just be thankful," sabi na lamang ni Paul na siyang nakahawak sa kabilang braso ni Arkin. "Though I'm also thinking that this might be the calm before the storm."



"Paul!" pabulong na asik ng dating Student Council Secretary. "Akala ko ba magaling kang magpagaan ng loob? Bakit ganyan ang mga sinasabi mo?"



"Oo nga," painosenteng pagsang-ayon ni Arkin.



"I didn't train for this," nakasimangot na depensa ni Paul sa sarili.



"It's here!" anunsyo ni Kingsley noong makita ang electrical meter na naka-kabit sa gilid ng Civil Engineering building kung saan natatanaw din nilang nakabukas ang mga ilaw sa mga hallways. Lumapit doon ang lahat.



"I've watched a lineman from a power company cut the drop line to our house before, with heavy rubber gloves, pruning loppers with two foot fiberglass handles, and a face shield..." Nilingon ni Lia ang mga kasama habang nagsasalita. "...in a cherry picker bucket lift truck. How are we supposed to deal with two hundred forty volts?"



"Nasa labas naman ang electric meter, pwedeng hugutin lang sa box para madisconnect ang mga building," seryosong sabi ni Paul. Bahagya siyang napaatras noong bawiin ni Arkin ang braso nito mula kay Hailey, dahilan para sa kanya mapunta ang buong bigat nito.



"I'll still do the honor," ani Arkin habang nakataas ang kanang kamay.



"Wala tayong rubber gloves!" ani Hailey.



"Ako na lang," pagpiprisinta ni Felicity. "Ayaw ninyong may mamatay pa na isa sa inyo, diba?"



"Kasali ka don, officer," seryoso ng sabi ni Arkin. "Putol na ang isa kong binti at madami ng dugo ang nawala sakin. Mas maputla pa nga kay Paul tong labi ko ngayon. Ako na."



"Bakit parang sinasabi mong hindi ka na tatagal?!" panenermon muli ni Hailey sa binata.



Habang nagtatalo-talo ang iba, pasimple ng tinanggal ni Kingsley ang seal sa electric meter. Tanging si Lia ang nakapansin sa kanya at tahimik din lamang ito na lumapit.



"Seriously, Kingsley? With your bare hands?" nag-aalalang bulong ni Lia. Tinignan lamang siya ng dating Student Council President na para bang ipinaparating na wala na itong pakialam sa panganib, saka nito muling ibinalik ang tingin sa electric meter. Pinwersa nitong tanggalin ang retaining ring.



"Aww!" hindi napigilang sigaw ni Kingsley noong mahiwa ang hintuturo niya sa matalas na gilid ng ring. Napalingon sa kanila ni Lia ang iba pa nilang mga kasama.



"What the hell are you doing?!" halos magkasabay na sigaw nina Hailey at Felicity.



Bago pa makalapit ang mga ito, mabilis na hinila ng dating Student Council President ang mismong electric meter mula sa socket.



Napatigil ang lahat, hinihingal kahit nananatili lamang sa kinatatayuan. Labis ang pagkabigla nila sa ginawa ni Kingsley at hindi agad sila nakapag-react.



"N-Nothing happened." Halos walang boses na lumabas mula sa bibig ni Paul.



Tila doon din lamang natauhan si Kingsley at mabilis na nabitawan ang electric meter. Bumubuntong hininga na inayos niya ang pagkakasuot ng kanyang salamin.



"Okay, I'll let this pass because you are alive," ani Hailey, hindi pinapansin si Arkin na umaangal na sa humihigpit niyang kapit sa braso nito. "The next time, Kingsley Rivero, I swear..."



"Okay, calm down." Tumayo si Felicity sa gitna ng limang kabataan, kinukuha ang atensyon ng lahat. Itinuro niya ang mga fluorescent bulb sa Civil Engineering building na ngayon ay nakapatay na. "You've cut the power off. We're out of surveillance. Now what?"



Muling inilibot ni Kingsley ang tingin sa mga kasama. Seryoso siyang nagsalita. "We are going to our building."



"Anong meron sa Mechanical Engineering building?" tanong ni Arkin.



Muli, seryosong nagsalita ang dating Student Council President. "We'll make our weapons."



*****



"Clear," ani Noah saka muling lumingon sa pintuan ng Computer Lab 1 kung saan nakatayo si Ally. Sinenyasan niya itong lumabas na.



"It's weird," kunot noong sabi ng dalaga. Nagsimula na silang maglakad patungo sa hagdan, si Noah ang nauuna. "If I'm the person behind this and I suddenly lose the means to watch my hostages, the first thing I'd do is to send someone to where they are."



"Then we're lucky, whoever's behind this doesn't think like you." Bahagyang nilingon ni Noah ang dalaga habang patuloy sila sa paglalakad. Napabuntong hininga siya noong hindi man lang ito nagpakita ng kahit na anong reaksyon sa kanyang sinabi. "You don't believe in luck, do you?"



"It just doesn't make any sense," ani Ally saka awtomatikong napatigil sa paglalakad dahil itinaas ng binata ang kanang kamay nito. Doon niya lamang napansin na narating na nila ang hagdan. "Why?"



"Ako muna ang sisilip," seryosong bulong ni Noah at akmang bababa na noong hilahin ng dalaga ang sleeves ng suot niyang itim na pullover. Nilingon niya ito.



"And if there's someone with a gun waiting for us?"



"Kaya nga ako muna."



Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Ally. "And if they kill you?"



"You run?"



"Do you think I'll survive just like that?"



Napatitig muli si Noah sa mga mata ng dalaga. Maya-maya ay napapailing siyang napangiti. Inilahad niya ang isang kamay sa harapan nito. "Alright."



Tinitigan lamang ni Ally ang kamay ng binata. "Alright what?"



"Let's go." Mas itinaas pa ni Noah ang kanyang kamay. "Together."



Nagdadalawang isip pa si Ally noong ang binata na mismo ang kumuha sa kaliwa niyang kamay. Nagpahila na lamang siya hanggang sa makababa sila unang palapag ng IT building.



"Okay. This really is weird," ani Noah noong makitang walang katao-tao maging sa labas na natatanaw niya mula sa nakabukas na pinto.



"Let's go." Sa pagkakataong ito, si Ally naman ang humila sa binata palabas ng building. Mabilis silang pumihit patungo sa kalsada, walang ka-alam alam na isang building lamang ang pagitan nila at ng iba pang natitirang buhay.



*****



"How sure are we that whoever's behind this won't send an army to kill us after they lost sight of us?" naniningkit ang mga matang tanong ni Lia.



"Oo nga. Imposible namang noong namatay ang mga camera na ginagamit nila para masubaybayan tayo, sumuko na sila sa pagpatay satin," dagdag ni Paul.



"Yeah..." ani Kingsley habang dire-diretsong bumababa ng hagdan patungo sa basement ng ME building. Pabilis ng pabilis ang bawat hakbang niya at nahihirapang sumunod ang iba, lalo na sina Hailey at Paul na naka-alalay kay Arkin.



"Anong yeah?" kunot noong tanong ni Arkin.



"They might come at any minute now," nagmamadaling sabi ni Kingsley saka binuksan ang isang pinto. Tumambad sa kanila ang tatlong mahahabang mesa na napapaligiran ng mga estante, lahat ay punong puno ng mga kagamitan. "That's why we need to move quick."



"Dito ba kayo nagta-transform into taong grasa?" Hindi napigilan ni Hailey na magtanong. Noong binigyan siya ng nagtatakang tingin ng iba ay itinaas niya ang isang kilay. "What? Kingsley would go to our office with grease all ove his clothes after their practical activities."



Bumuntong hininga lamang ang tinutukoy na binata saka inayos ang pagkakatupi ng sleeves ng kanyang polo. Lumapit siya sa pinakadulo ng silid at lumuhod sa harapan ng pinakahuling estante. "Help me pull this out."



Mabilis na lumapit si Paul para tumulong. Hirap na hirap nilang hinila ang isang kahon na gawa sa bakal at kapwa pa sila napaupo noong tuluyan iyong mailabas. "What's inside this thing?"



Hindi nagsalita si Kingsley at binuksan lamang ang kahon. Tumambad sa kanila ang maliliit na bakal na may cylindrical na hugis. Tila mga bala ng baril. "My classmates have been creating these using the spare parts we have after every activity."



"And what exactly are those?" tanong ni Felicity.



"Bullets." Tumayo muli si Kingsley at pumwesto sa gilid ng gitnang mesa. "Everybody around the table please."



Nagkatinginan pa muna ang iba bago sumunod. Muling lumapit si Paul kay Hailey para tulungan itong alalayan si Arkin. Naghila sila ng isang upuan para may mapuwestuhan ito.



"A-Are we going to make guns?" mahinang tanong ni Lia. Lahat sila ay nakatingin kay Kingsley, ang nag-iisang Mechanical Engineering graduate sa kanilang lahat.



"Everybody find a regular barrel like this one." Hindi pinansin ng dating Student Council President ang tanong at itinaas lamang ang isang bakal na tubo mula sa mesa. "And a black iron pipe like this."



"K-Kingsley..." Napakurap-kurap si Hailey. "Are we really gonna make guns?"



"We need weapons." Iyon lamang ang isinagot ang binata.



"Officer Soriano has a gun," paalala ni Arkin.



"More weapons," walang lingon na sabi ni Kingsley habang lumalapit sa isa sa mga estante. Kumuha siya ng isang maliit na kahon na gawa sa kariton at inilapag iyon sa lamesa. "We need these bolts and springs."



Walang ibang nagsasalita. Lahat ay pinapanood lamang ang dating Student Council President na nagpapabalik-balik sa mga estante at lamesa.



"I remember they also formed some triggers... Found it." Tila sarili ang kausap ni Kingsley habang iniisa-isa ang mga drawer. Noong makuha ang mga kailangang materyales ay bumalik na siya sa lamesa. "We're lucky the welding machine here is battery powered."



"Welding...machine?" mabagal na tanong ni Hailey, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Kingsley, mamamatay na tayo sinasabi mo bang kailangan pa nating mag-welding?!"



*****



"It's also odd that every building is open," komento ni Ally noong marating nila ang library.



"It might be a trap," sabi naman ni Noah. "I really think we should find the others."



Seryosong tinignan ni Ally ang binata. "We have to know the truth behind this if we want to save them."



"Are you sure it's not just the challenged you speaking?"



Papasok na sana sa pinto ng library ay napatigil pa ang dalaga dahil sa narinig. "If you want, you can go and find them. I'm going in."



"Ally—" Napabuntong hininga na lamang si Noah noong dire-diretso ng pumasok ang dalaga. Inilibot niya muna ang tingin sa labas, tila nagda-dalawang isip, ngunit sa huli ay sumunod din siya sa loob ng library. Saglit lamang ay naabutan niya ang dalaga. "The employees' profiles are in St. Louie's website and there's no electricity."



"Have you never been in the restricted section?" mahinang tanong ng dalaga, sanay sa ganoong volume ng boses sa tuwing nasa library.



"It's called restricted for a reason."



Muling tumigil ni Ally sa paglalakad at humarap sa binata. "There's a laptop placed in there for situations like this."



"I...never heard about that." Kunot-noong hinabol ni Noah ang dalaga na tumalikod na agad matapos magsalita. Mukhang hindi nga iyon ang unang beses nito sa restricted section dahil alam na alam nito kung saan dadaan habang siya ay tahimik lamang na nakasunod at nagmamasid sa lugar na ngayon niya lamang napuntahan.



"It's here," ani Ally saka umupo sa harapan ng isang table kung saan nakapatong ang laptop. "And it looks like it hasn't been used for ages."



"It's been almost a year since the library was filled with students." Pinanood ni Noah na pindutin ng dalaga ang power button. Naghintay sila ng sampung segundo ngunit hindi umilaw ang screen. Maging ang power indicating light ay nananatiling patay. "See, we should've just searched for the others."



Hindi nagsalita si Ally at tinanggal lamang ang pagkakasukbit ng kanyang bag na mula kanina ay hindi niya tinatanggal sa kanyang likuran. Binuksan niyang maliit na bulsa sa unahan at naglabas ng screw driver.



"You have a screw driver all this time?" nagtatakang tanong ni Noah.



Walang sabi-sabing itinaob ni Ally ang laptop bago lumingon sa binata. "I'm a Computer Engineer, Noah."



*****



"Holy freaking shit!" gigil na sigaw ni Hailey habang nakatakip ang magkabilang kamay sa kanyang mga tainga. Hindi niya nagugustuhan ang malakas na tunog ng pagwewelding.



Natatawang iginalaw ni Arkin ang kanyang mga labi na tila nagsasalita ngunit sinasadyang walang boses na lumabas mula sa kanyang bibig. Lalo siyang natawa noong makita ang pagkunot ng noo ni Hailey.



"Ano?!" sigaw ng dating Student Council Secretary, umaasang matatalo ng lakas ng boses niya ang ingay ng makina. Ilang ulit pa siyang sumigaw hanggang sa mapagtanto niyang pinagtatawanan lang siya ni Arkin. "You stupid jerk! Pasalamat ka talaga..."



"What?!" painosenteng sigaw ni Arkin. Sumenyas pa siya na wala siyang naririnig.



"Wanna switch?!" alok naman ni Paul kay Kingsley na siyang nagwe-welding ng mga bakal.



Tumango ang dating Student Council President at tinanggal ang face shield saka ipinasa ang equipment kay Paul. Tumayo siya at dinampot ang isa sa mga natapos niyang i-welding. Muli siyang lumapit sa mesa at ini-assemble ang baril.



Noong makitang nag-pormang baril na talaga ang hawak ni Kingsley, lumapit si Lia at inabutan ang binata ng isang bullet. Hinila nito ang bolt at siya mismo ang nag-karga ng bala.



"Officer," tawag ni Kingsley saka iniabot ang ginawang baril kay Felicity. "Try it."



Bahagyang naka-kunot ang noo, itinapat ni Felicity ang bala sa direksyong wala siyang matatamaang tao, at sigurado niyang hindi babanda ang bala. Sa parehong tindig at higpit ng kapit na ginagawa niya sa isang tunay na baril, kinalabit niya ang gatilyo.



"Oh my God!" Napasapo si Hailey sa kanyang dibdib.



Si Paul na nagwe-welding ay napatigil din sa ginagawa. Si Lia ay bahagyang napa-atras. Sumilay ang isang proud na ngiti sa mga labi ni Kingsley.



Lahat ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa baril na hawak ni Felicity.



Samantala, hindi napigilan ni Arkin na mapatawa dahil sa sobrang pagkamangha. "I thank God for Mechanical Engineers."

;























Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 492K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
691K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
184K 5.2K 34
A Tantei High Fanfiction Started: May 08, 2015 Finished: April 11, 2016 [11:54 P.M.]