Kristine Series 18, One Wish...

By MarthaCecilia_PHR

597K 19.9K 1.8K

"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinukso... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
Epilogue

32

17.4K 534 40
By MarthaCecilia_PHR


"SEE FOR yourself," ani Iris kay Karl at itinuro ang mga larawang kuha ni Lora dito at sa yate nito. Humugot ng malalim na paghinga si Karl nang mapagmasdan ang mga larawan. Magkahalong pananabik at galit ang nag-uunahan sa dibdib niya. The photos reminded him of the way Lora made him looked like a fool. Subalit sa kabila ng lahat ng damdamin ay sumisingit ang paghanga sa mga gawa ng dalaga. She was very good.

"If only I could capture her on film. She would be my masterpiece!"

Masterpiece, yes. The ship was also his masterpiece. His pride and joy. Wala pa iyong isang taon mula nang matapos. He helped build the ship... designing her. And he haven't even thought of the name he would give her.

Subalit mula nang matuklasan niyang walang ipinagkaiba si Lora sa ibang mga babaeng nakilala nito ay hindi na siya muling tumuntong pa sa yate. Hindi niya kayang sumakay na muli at maglayag. Now the ship was anchored for more than three months now somewhere in the waters of Paso de Blas.

"Kung hindi mo sinabi ang tungkol sa pagkuha niya ng litrato sa yate ay hindi ko makikilalang ikaw ang mga iyan, Karl." Iris' voice drifted into his thoughts. "She was fantastic! And look at your ship. Traditionally, a ship is referred to as 'she.' Pero tingnan mo kung paano niya kinunan ng larawan? There was a masculine potency in the picture. At hindi lang niya basta kinunan ng larawan ang yate, Karl. Lora photographed your very soul!"

Tumiim ang mga bagang ni Karl. Pain and yearning sliced through his heart. Sa loob ng tatlong buwan, Lora haunted him. Walang gabing hindi nito inokupa ang buong pag-iisip niya. Walang umagang hindi ito ang unang pumapasok sa isip niya sa tuwing nagigising siya. If he ever had gotten a good night sleep.

Sa naniningkit na mga mata ay nilinga niya si Iris. "Damn it, Iris! Ito lang ba ang dahilan kung bakit kailangang sumuong ako sa traffic at mahuli sa meeting?" he asked angrily. Bumati si Lynette. Sandaling kumunot ang noo at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga photo at kay Karl.

Bahagya lang nginitian ni Iris si Lynette at humakbang papasok sa sulok ng booth habang hawak sa braso si Karl. "Look at that, Karl?" Itinuro nito ang isang kuwadradong salamin. At sa loob niyon ay ang botelya ng Chardonnay. Inside was its label and Karl's calling card.

Karl stiffened. "Iyan ang—"

"Precisely," sagot ni Iris. Nilingon si Lynette. "Nasaan si Lora? Sa kanya ang mga photograph na ito, hindi ba?"

"Yes, ma'am. Umalis ho sandali. She went out for lunch." Ngayo'y natiyak ni Lynette na si Karl ang modelo ng mga larawan. Tiningala nito ang binata. "You must be Karl," lakas-loob nitong sabi.

Karl turned to her. Surprised by the animosity in her voice. At bago pa siya makasagot ay dinugtungan ni Lynette ang sinabi.

"Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo rito. Unti-unti nang nakaka-recover si Lora sa ginawa mo sa kanya. I hope you will leave bago siya magbalik at makagawa ka ng panibagong damage sa damdamin niya..."

Tumikhim si Iris at nginitian si Lynette. "I understand your concern, Miss. Pero gusto kong itanong kung kanino ang laman ng glass na ito? This wine bottle and its contents?"

Karl waited impatiently for Lynette's answer. His heart hammered on his chest violently. Nagkamali ba siya ng pag-aakusa rito?

Tumingala si Lynette kay Karl at tumitig dito nang deretso. "My friend found that stupid bottle while fishing. Kept it and had met you at the same time. Never knowing that the man who owned the calling card was the same wrong man she fell in love with. She had six hours to kill before meeting you. Ang kuryosidad niya sa calling card at sa mensahe ang nagtulak sa kanyang palipasin ang anim na oras at magtungo sa opisina mo..."

"Oh, god!" Nanlumong napaatras sa dingding ng booth si Karl. Closed his eyes so tightly. Raised his head and groaned.

Namangha si Lynette sa nakikitang anyo ni Karl. Had there been a misunderstanding?


Si Iris ay gustong mabiyak ng dibdib. Both for Karl and Lora. She took a handkerchief from her purse, kasabay ng pag-ring ng cell phone na nakasabit sa slacks ni Karl. Nang hindi ito kumikilos para sagutin ang CP ay si Iris na mismo ang kumuha niyon mula sa pagkakasabit sa pantalon ng binata. She was certain it was Nathaniel at kasalukuyang naghihintay kay Karl para sa meeting.

"Hello..." ani Iris. Bukas ang linya subalit walang sumasagot. "Hello..." Idinikit niya nang husto sa tainga ang telepono. Malayong tinig ang naririnig nito sa kabilang linya. Ang tinig ay nalulunod sa tunog ng... ng motor?

Nilingon ni Iris si Karl. "Karl?"

"SAAN ba talaga tayo pupunta, Nelson?" si Lora. Nagsisikap na huwag maputol ang pag-uusap nila. Higit na nilakasan ang tinig. "Ano ang gagawin mo sa akin? Please, ibalik mo na ako sa amin. Hindi ako pakakasal sa iyo..."

"Shut up! Paulit-ulit iyang sinasabi mo. Para kang sirang plaka."

"Labag sa batas ang ginagawa mo. This is kidnapping!"

"I'll marry you. There will be no scandal. Titiyakin iyon ng tatay mo. Hindi siya papayag na masira ang pangalan ninyo, lalo na sa posisyon niya. Besides, bahala si Daddy sa legal na aspeto."

"KARL, listen to this, please..." pakiusap ni Iris. "Lagaslas ng tubig, motor at mga tinig ang naririnig ko..."

Subalit hindi tumitinag sa kinatatayuan si Karl. If he'd die that moment, mamatamisin niya.

Nilingon ni Iris si Lynette na naupo sa isang silya. "Where's Lora? Who was she with?" "K-kasama siya ng... ex-boyfriend niya. Bigla na lang lumitaw rito at niyaya siyang kumain. Hindi sana gustong sumama ni Lora but I... I urged her to—" Hindi nito natapos ang pagsasalita. Karl moved and snatched the phone from Iris.

"Hello! Hello...!"

SI LORA nang mga sandaling iyon ay palihim na inilalabas ang telepono habang patuloy na nagsasalita at pasulyap-sulyap kay Nelson. Sinulyapan niya ang telepono at alam niyang may sumagot na sa kabilang linya.

Gustong sumabog ng dibdib niya sa matinding kaba. Mabilis niyang idinikit sa tainga ang telepono. Kasabay ng pagkarinig niya sa tinig sa kabilang linya ay hustong lumingon si Nelson na nanlaki ang mga mata. Binitiwan ang manibela.

"Help me! Oh, please help me! Nasa—" Subalit hindi niya natapos ang sasabihin. Nasa harap na niya si Nelson at hinablot sa kanya ang cell phone at inihagis iyon sa dagat. At bago pa malaman ni Lora ang susunod na mangyayari ay malakas na sampal ang dumapo sa kanya.

"HELLO... Lora, is it you? Hello!" A whizz of wind or water... and then nothing. Karl stared at the phone with wide eyes. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi. Magulo ang paligid. I couldn't be sure if it was Lora..."

Napatayo sa kinauupuan si Lynette. "Call her, Karl," she urged. "She has your phone. Hindi niya inihihiwalay iyon sa kanya. Hoping day after day that you would call..." Lynette said the last sentence softly, accusingly.

Pain, such as he never felt before sliced through him that he felt like weeping. He was a bastard. Literally... figuratively.

He punched his cell phone number. Listen. Voice tape ang naririnig niya—subscriber cannot be reached. Redial again. Same voice tape. He fought the urge to smash his cell phone. Wide-eyed, pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang babae na nakatitig din sa kanya.

"Y-you... you don't think she's in trouble, do you?" nababahalang tanong ni Lynette. Hindi malaman kung kanino itutuon ang tingin. Kung kay Karl o kay Iris. "Maraming kainan sa ibaba. At kahit pa sa Shangri-La sila kumain, dapat ay narito na sila kanina pa. Hindi ako iiwan ni Lora nang nag-iisa rito dahil alam niyang hindi pa rin ako kumakain."

"I heard the sound of an engine motor, Karl..." si Iris. Iyon din ang narinig ni Karl. At isang malabo subalit sumisigaw na tinig. Suddenly a great hand seemed to reach into his chest and squeezed his heart to near bursting.

He turned to Iris. "Call the office and get the chopper here... sa rooftop ng mall! Tutuloy ako sa office ni Mr. Sy and ask permission to land!" Ang tinutukoy nito'y ang may-ari ng chain of department stores at kaibigan ng ama at Uncle Bernard niya.

Tinakbo ni Karl pababa ang escalator. Sumunod si Iris na hindi malaman ang gagawin. Bago dumating sa exit ng exhibit floor, he again turned to Iris to give more instructions. "Alert the Palawan and Batangas coast guards! Call Uncle Bernard! Oh, lord, Iris... pull some strings!" Nararamdaman niyang gustong sumabog ang dibdib niya ano mang oras sa matinding kaba at takot. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari kay Lora.

MAY ILANG sandaling hindi kumikilos si Lora sa pagkakahiga sa sahig ng speedboat. Umikot ang paningin niya sa sampal ni Nelson. Dinama niya ang nananakit na pisngi.

Si Nelson ay binalikan ang manibela na nawalan ng kontrol at pinatay ang makina ng speedboat. Pagkatapos ay nilapitan si Lora. "Sino ang tinawagan mo? Sino?" galit nitong tanong.

Nang manatiling hindi sumasagot si Lora ay hinugot ni Nelson ang baril sa baywang at itinutok 

sa kanya.

"Hindi ko alam!" she cried. "Hindi ko alam kung sino ang nasa linya. I never had the chance to know!"

His nose flared. Hinawakan sa mukha si Lora at iniharap dito. "Kung inaakala mong may tutulong sa iyo'y nagkakamali ka, Lora! Malayo na tayo para mahabol nila. Bukas ka na nila matatagpuan... at magdamag na kitang naangkin! At wala kang mapagpilian kundi pakasal sa akin!" Pagkasabi niyon ay tumayo mula sa pagkakatalungko sa harap niya si Nelson. Binalikan ang manibela at pinaandar na uli ang speedboat.

Napaiyak si Lora. Tinig ni Karl ang nasa kabilang linya. Natitiyak niya iyon. Pero paano kung hindi naintindihan ni Karl ang sinasabi niya? Paano kung hindi nito gustong intindihin ang sinasabi niya dahil galit ito sa kanya?

Lalo siyang napahagulhol sa kaisipang iyon. Umangat ang katawan niya mula sa sahig ng speedboat at tinanaw ang dagat. Napakadali para sa kanya ang tumalon sa tubig. Magagawa niya iyon sa sandaling may matanaw siyang isla. Kaya niyang sumisid pailalim bago pa siya mabaril ni Nelson.

She could take her chance underwater. She's a good swimmer. Pero paano naman ang tatay niya? 




**********************Grabe naman mga ganap ngayon huhuhuhu :( Be safe Lora kahit ayaw ko sa'yo kasi gusto ko akin lng si bebe Karl ay ayaw kong mapahamak ka. -Admin A ********************

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 30K 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyan...
653K 16.1K 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, ma...
648K 18.3K 38
"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in h...
876K 39.8K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.