ENCANTADIA Season 2 - The Win...

Από BenificentGirl

29.9K 1.3K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... Περισσότερα

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
PART VIII | Trahedyang Naganap
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal

861 29 74
Από BenificentGirl

Tapos na ang laban ng mga Diwata laban sa masamang kakambal ng Bathalumang Cassiopeia at nagpapasalamat silang nabawi na rin nila sa wakas si Cassandra na matagal ng pinahihirapan ni Casilda sa kanyang kaharian. Nakauwi na ng Encantadia ng ligtas ang laha maliban kay Lira na natamaan ng kapangyarihan ni Casilda dahil sa pagliligtas nya sa kanyang anak kahit hindi nya man ito naaalala, kaya pagkarating ng pagkarating nila sa Lireo ay ipinadala na muna sya sa kanyang silid upang makapagpahinga at magamot ni Danaya at laking pasalamat naman ng lahat sapagkat nagmulat na si Lira matapos ng nangyari sa kanya, na agad naman syang dinalaw ng kanyang mga magulang sa kanyang silid. Ngunit habang nagpapahinga si Lira, ay nagulat ito ng mag-Ivictus sa kanyang silid ang kanyang Ashti Hara Alena upang kamustahin rin ang kanyang kalagayan.


Alena:*nag-Ivictus**smiles* Lira, mabuti naman at nagmulat ka na, nag-alala kaming lahat sa iyo.*sit besides Lira's bed*

Lira:*holds her chest**shocked* Grabe kayo ashti muntik nako mapatalon sa higaan ko, para kayong kabute bigla nalang susulpot kalurkie.

Alena:*small laugh* Agape Ave, Lira kung nagulat man kita.

Lira: Oks lang po ashti, salamat nga po pala dahil dinalaw nyo po ako dito. Paano nyo nga po pala nalaman na tapos na pagiging sleeping beauty ko—ay este paano nyo po nalaman na gising nako?

Alena: Nagsabi sa akin ang mga Dama kanina lamang, at napag-alaman ko na rin na nadalaw ka na ng iyong mga magulang kanina, tama ba?

Lira: Korak ka jan ashti, eh ayun lumabas muna po sila dahil gusto nilang makapagpahinga na ako eh, ang cute nga po nila pag magkasama po sila.*laughs**frowns*Pero sayang hindi ko po sila masiset-up sa mga dates kasi boyfie nyo po pala yung itay ko.

Alena: B-boyfie?

Lira: Opo, boyfie as in boyfriend, jowabels, teka pano ko ba ieexplain sa'yo.*thinks* AH! Magkasintahan, yun.

Alena: Hindi kami magkasintahan ng iyong ama, Lira. At isa pa, labag sa aming mga diwatang matataas ang katungkulan kagaya ng reyna na magkaroon ng kasintahan at makakatuluyan dahil ang Lireo at ang nasasakupan nito ang dapat lang naming pagkaabalahan.

Lira:*confused* Eh Ashti ang sabi po sa amin ni itay na ikaw napo ang mahal nya, hindi po ba talaga kayo? Ang gulo po huh.*scratched her head*

Alena:*holds Lira's hand**looks at Lira seriously* Lira makinig ka, lahat ng sinasabi sa inyo ng iyong ama ay walang katotohanan at batid ko na hindi nya iyon alam at ginugusto. Kaya sana'y huwag ka ng magalit sa kanya pagkat hindi nya alam ang kanyang ginagawa kay Amihan. At kilala ko si Ybarro, kung masasaktan si Amihan hindi nya iyon pahihintulutan.

Lira:*confused* Bakit mo po nasabing hindi nya po alam ang pinaggagagawa nya ashti? Pwede po ba yun na hindi nya alam ang ginagawa nya, krung krung lang ganon?

Alena: Mahirap mang paniwalaan Lira, ngunit kaya nagkakaganon ang iyong ama sapagkat iyon ay epekto ng sumpa ni Casilda na inilagay nya sa aking mga mata at nung nakita ako ng iyong ama ay bigla na lamang sya nagkaganyan. Mahal talaga ng iyong ama si Amihan Lira, at hindi ako.

Lira: Sumpa? So ibig sabihin po hindi po totoong hindi love ni itay si inay ko ganon po ba yun?

Alena:*understands what Lira said* Oo aking Hadia, kaya sana wag ka ng magalit sa iyong ama kung sinaktan man nya si Amihan, hindi nya ibig na gawin iyon.

Lira:*hinawakan ang sintido* Kaloka talaga yang kakambal ni tita model, kung sino sino na lang pinag titripan paano kasi walang love life jusko. Nako talaga, pag nagkita ko talaga ulit yun bibigyan ko na yan ng Jack Frost si lola Elsa pag may time, hindi kung sino sino pinag-iinitan nya kahit malamig sya, nakaka sira kaya ng ulo at nakakabukas ng pores!*jokingly said*

Alena:*laughs* Nakakaaliw ka talaga kahit kailan Lira, kahit hindi ko man maunawaan ang iba mong mga sinasabi. Ngunit sana'y tandaan mo ang tinuran ko sa iyo ngayon huh? Wag ka ng magalit kay Ybarro patawarin mo na sya, at sana'y may magawa akong paraan upang mawala na ang sumpang ikinabit ni Casilda sa iyong ama.*smiles*

Lira: Pero Ashti matanong ko lang po, mahal mo ba ang itay ko?

Alena:*pause for a moment then looked at Lira**touches Lira's head then smiles* Oo naman Lira at hindi naman nawala iyon kahit noon pa man. At gagamitin ko ang pagmamahal na ito upang magawa ang tama at para na rin maging masaya na sya sa piling ni Amihan.

Lira: Ang sweet naman ng Ashti ko nakakatouch po yung mga sinabi nyo, at may pagkamartyr ng beri beri light, bibigyan na kita ng award for "Ulirang Reyna ng Lireo" at "Mapagparaya Award of the Year" sa mga ginagawa mo para kina inay at itay. Pero ashti, hindi ka man lang ba naging masaya sa curse o sumpa ni lola Casilda sa'yo at kay itay? Kasi dahil po don mahal ka ni itay tapos mahal mo sya, edi quits na kayo. Pwedeng pwede na maging lovebirds kahit di kayo birds.

Alena:*sighs* Lira itong tatandaan mo, walang saysay ang pagmamahal na iyon ni Ybarro sa akin kung hindi naman bukal sa kanyang kalooban, at kahit kailan ay hindi mo matatawag na pagmamahal ang isang pusong dinaraya ang kanyang tunay na damdamin dahil lamang sa mga sumpa, encantasyon, o kahit ano mang mahika. Parang niloloko lamang namin ang aming sarili kung ganon. Hindi ka rin magiging masaya kung huwad na pagmamahal ay ipinapakita sa iyo.



Habang nag-uusap sina Lira at Alena ay bigla ring nag-Ivictus sa silid si Cassiopeia na mayroong dalang ngiti sa kanyang mga labi. Kaya kinausap ni Alena ang Bathaluman patungkol sa kanyang ipinapakitang ekspresyon.


Alena: Bathalumang Cassiopeia, napadalaw ka. Ngunit bakit tila napakasaya mo ngayon, anong mayroon?

Lira: Pati ba naman yan ashti tatanungin mo pa, eh baka sinagot na sya ng crush nya, yun ba yun tita model?*taas baba ang kilay**kinikilig*

Cassiopea:*smiles then speaks* Reserti elde(magaganap na), Alena.

Alena:*confused* Anong ibig mong sabihin Bathaluman? Ano na ang magaganap?

Cassiopeia:*smiles then speaks* Ivte asiler etlar awne, daote iserdi corra avisnam ivi e correi dega muske marteya etlar de-jar Encantado(isang sumpa ang ibinigay, ngunit mayroong pusong gagamitin ang pag-ibig para maging malaya  ang isinumpang Encantado).

Alena:*shocked* Mawawala na ang sumpa kay Ybarro, Bathaluman? Ngunit papaano mangyayari iyon Cassiopeia? At sinong gagamit sa kanyang puso upang maging instrumento ng pagkawala ng sumpa kay Ybarro?

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead**smiles* Kilala mo sya, Alena. At kung ang sumpang ibinigay ng aking kakambal ay nagmula sa poot at pighati, ang kabaliktaran nitong tunay na pagmamahal ay syang tangi lunas sa sumpang ikinabit ni Casilda sa Rama ng Sapiro. Dahil ang pusong puno ng poot ay talo ng pusong puno ng pagmamahal. Kaya Alena, nais kong hanapin mo si Ybrahim.

Alena: Ngunit saan ko matatagpuan si Ybarro Bathaluman?

Lira:*sumingit sa usapan* Ashti try nyo po hanapin sa labas ng silid ko, sure akong hindi papo yun nakakalayo, dahil ang alam ko po kakausapin ni inay si itay eh. Ewan ko lang po kung anong topic nila.

Alena: Avisala Eshma, Lira.

Kaya agad na tumayo si Alena sa kanyang pagkakaupo sa kama at mabilis na lumabas ng silid ni Lira upang hanapin si Ybrahim na sinabi sa kanya ni Cassiopeia na kanyang gawin. 



*******************************



= SA KAHARIAN NG EIRANIA =



Pagkaalis na pagkaalis ng mga diwata ay apahiyaw sa galit si Casilda dahil naisahan sya ngayon ng mga diwata. Nahanap ang kanyang pinakatatagong kaharian, nakuha ang binihag nyang alas at diwani ng Encantadia, at ang brilyante ng hangin na kinuha nya kay Lira na sya ring nakabawi sa kanya nito.

Casilda: TANAK'RESHNA!!!! PAPAANO NAHANAP NG MGA PASHNEANG DIWATA ANG AKING KAHARIAN?! MAGBABAYAD SILA!

Castrell: Malamang ay dahil sa iyong kakambal mahal na reyna, dahil kay Cassiopeia lang sila palagi nakakahingi ng tulong at kasagutan.*in pain*

Casilda: PASHNEA TALAGA IYANG PESTENG BATHALUMAN NA YAN! MAGING ANG BRILYANTE NG HANGIN AY NAWALA SA AKIN! KAILANGAN KO SILANG MAGANTIHAN SA LAHAT NG GINAWA NILA SA AKIN! LALONG LALO NA IYANG LUNTAIE(reffering to Lira) NA YAN!*smirks* Mabuti na lamang ay nagamitan ko sya ng aking kapangyarihan, kaya luhaan pa rin ang lahat sa Lireo.

Castrell: Ngunit mahal na reyna hindi nyo ba nakikita ang iyong setro na nagising na ang Luntaie?

Agad na napatingin si Casilda sa kanyang setro, nakikita na masaya at gising na si Lira kahit pa natamaan ito ng kapangyarihan ni Casilda. Nagpapagaling at kausap ang kanyang mga magulang ang nakita nya na nasa setro, ng makita nya iyon ay lalo pang nag-init ang kanyang ulo sapagkat inakala nya na hindi magmumulat ang Sang'gre dahil sa kanyang itinamang kapangyarihan.

Casilda: WENU'VESHKA!(Walanghiya!)

Castrell: Mahal na reyna wag nyo munang balakin ang paghihiganti sa mga diwata, mahina ka gawa ng kanilang paglusob. Magpalakas ka muna.

Casilda:*angry* Humanda sila sa akin paghihiganti, sapagkat hindi ko na palalampasin ang pagkakataong MAUBOS SILANG LAHAT!*shouts*

Castrell: Anong plano mo mahal na reyna?*still in pain*

Casilda: Hindi ko muna sasabihin sa iyo Mashna, ngunit nasisiguro kong masisindak sila sa aking gagawin sa Encantadia.



= SA SILID SAMBAHAN NG LIREO =



Nagsilapitan sina Fauna, Adamus at Aliyah sa halos matagal na pagkawalay sa kanila ng kanilang hadia na si Cassandra na umiiyak pa rin dahil sa nakita nyang nangyari sa kanyang ina at hindi pa nito alam na nasa maayos ng kalagayan at nagmulat na si Lira kaya hanggang ngayon ay nananalangin si Cassandra kay Emre habang umiiyak ito.

 Cassandra:*crying**praying*Mahal na Emre, pagalingin nyo napo ang inay Lira ko. Kasi po niligtas nya ako mula kay ice lola. Please po Emre, nasaktan po sya ng dahil sa akin kaya dapat lang po syang gumaling, hindi ko po kayang mawala sa akin si ada Lira.

Aliyah:*hinagod ang likod ni Cassandra* Wag kang mag-alala Cassandra, panigurado ay narinig na ng mahal na Emre ang iyong panalangin para sa iyong ina.

Adamus: Oo nga, at tiyak ako nung mga sandaling sinabi mo iyon ay pinagaling na nya ang iyong ina.*smiles*

Fauna: Tama si Adamus, Cassandra. Magtiwala na lamang tayo sa mahal na Emre, at sigurado ako maya maya lamang ay hahanapin ka na ni ate Lira.

Marahang pinalo ni Aliyah ang balikat ni Fauna upang paalalahanan ito kung anong mayroon kay Lira ngayon.

Aliyah:*gently taps Fauna's shoulders* Fauna, nakakalimutan mo na bang walang maalala sa kanyang nakaraan si ate Lira?

Cassandra:*shocked* Anong sinabi mo Aliyah? Walang naalala si inay Lira sa kanyang nakaraan?

Aliyah:*sad* Oo eh, hindi rin alam ng lahat kung bakit sya nagkaganon. Basta pagkarating lamang nila nila Ashti Amihan at kuya Khalil ay sinabi nila sa amin na wala syang natatandaan kahit na ano.

Adamus: Maging kaming tatlo nga ay hindi nya naalala at nakita pa nga namin kung paano sya nagulat ng malamn nyang may anak na sya, nabugahan nya pa nga si kuya Wantuk dahil doon.

Fauna: Ngunit wag kang malulungkot Cassandra, hindi ka man naaalala ni ate Lira sa pamamagitan ng kanyang isip, naaalala ka naman ng kanyang puso kaya ka nya nailigtas laban kay Casilda.*smiles*

Cassandra:*wipes her tears* At naniniwala akong babalik rin si inay sa dati.

Bigla namang sumulpot at pumasok doon sina Danaya at Aquil ng marinig nila ang mga batang Sang'gre.

Danaya: Kaya wag ka ng umiyak jan Cassandra, pagkat maayos na ang kalagayan ng iyong ina at nagmulat na sya.*smiles*

Cassandra:*lumiwanag ang mukha**smiles* Talaga po? Maaari ko na bang puntahan si ina?

Aquil: Mas mabuti siguro na ipagpaliban mo muna ang pagbisita sa kanya mahal na Diwani, pagpahingahin muna natin ang Sang'gre Lira sapagkat alam kong mahina pa sya kaya kahit alam kong sabik ka ng makita at mayakap siya, ngunit kailangan muna nyang makapag-ipon ng lakas ng sa ganon ay tuluyan na syang gumaling.*smiles*

Cassandra: Sige po Hafte, kung ano pong makabubuti para kay inay doon ako.

Aliyah:*hugs Danaya* Ina, bakit nga po pala kayo naparito ni ama?

Danaya: Hinahanap lang namin si  Alena, sapagkat may kailangan kaming pag-usapan.

Adamus: Eh ano pong pag-uusapan ninyo ni ina, Ashti?

Danaya: Hindi nyo na muna kailangang malaman, Adamus. Masyado pa kayong bata upang malaman ang mga problema sa Encantadia, hayaan nyo na lamang muna akaming umintindi nito.

Fauna: Kapag po ba kasing tanda na namin sina edea Mira at kuya Paopao, maaari na po kaming makisali sa inyo, Ashti?

Danaya:*holds Fauna's chin* Oo Fauna, ngunit sa ngayon ay ang pag-abalahan nyo na muna ay ang inyong mga aralin at paglalaro. Ngayon ay maaari nyo ng ipagpatuloy iyon sapagkat kumpleto na kayo rito s Lireo at si narito na muli si Nunong Imaw matapis ang insidente dati na nangayari sa kanyang mga kapwa Adamyan.

Maya-maya ay napadpad rin doon si Mashna Maicah at tinanong ang mga naroroon sa silid sambahan.

Maicah:*nagbigay pugay* Mga mahal na Sang'gre at Hafte, Avisala.

Aquil: Avisala rin, Mashna may maipaglilingkod ba kami sa iyo?

Maicah: Nais ko lamang magtanong kung nandirito pa ba si Rama Ybrahim? Kailangan na kasi naming bumalik sa Sapiro upang kamustahin ang mga Sapiryan doon, at lumalalim na rin ang gabi kaya kailangan na talaga naming makabalik. Dahil bukas na bukas ay mayroon na naman tayong pagpupulong na gaganapin.

Danaya: Poltre Mashna, ngunit kanina pa namin hindi nakikita si Ybrahim. Ngunit sigurado akong nandito pa sya sa palasyo dahil hindi naman iyon aalis ng hindi mo malalaman.

Maicah: Avisala Eshma sa inyo, hahanapin nalang namin sya kasama ng mga kawal.*nagbigay pugay bago umalis*

Sunod namang dumating si Khalil na hinahanap si Adamus upang ihatid na ito sa kanyang silid at si Fauna naman na ihahatid rin sa bulwagan kung saan naghihintay doon sina Mira at Pirena sa kanya ng sa gayon ay sabay na silang makapuwi ng Hathoria, at umalis na rin muna sina Cassandra at Aliyah upang maglaro kasama ang kanilang mga Dama kaya tanging naiwan nalang doon ay sina Danaya at Aquil.

Aquil: Mahal ko, hahanapin pa ba natin si Alena?

Danaya: Mauna ka na muna at bantayan nalamang si Aliyah, ako na lamang ang maghahanap kay Alena.

Aquil: Sasama ako mahal ko--

Ngunit pagkasabi nya noon ay mabilis na naglaho si Danaya sa silid sambahan kaya napakamot na lamang sya ng kanyang ulo.

Aquil: S-sabi ko nga, babantayan ko na lamang si Aliyah.*lumabas sa silid sambahan*



= SA PASILYO MALAPIT SA SILID NI LIRA SA LIREO =



Nang makalabas sya sa silid, unti-unti syang naglalakad sa pasilyo at nagmamasid sa paligid kung nasaan ba si Ybrahim sa loob ng palasyo. Maya-maya ay narinig na nya ang boses nito na kausap ang kanyang kapatid na syang humihikbi habang kinakausap ang Rama ng Sapiro, at ng makita nya ang dalawa ay pinakinggan lang nya at pinagmasdan kung ano ang kanilang ginagawa at pinag-uusapan habang nakatayo sa isang sulok upang hindi siya makita ng dalawa.

Amihan:*cries as she move closer to Ybrahim* Nais ko sanang magpaalam sa iyo, ng maayos. At sabihin sa iyo na masaya ako at minahal mo syang muli. At.. nais ko lamang sabihin sa iyo na, Avisala Eshma sa pagmamahal mo sa akin hanggang sa sandali ng aking buhay noon. Hinding hindi ko iyon malilimutan. Ngunit alam kong si Alena na ang nilalaman ng puso mo*touches Ybrahims chest* at hindi kita pipigilang gawin iyon, Ybrahim. Kaya ito na ang una't huli kong magiging ugnayan sa iyo. Avisala Meiste... Mahal kong Rama...




Iyon ang huling sinabi ni Amihan kay Ybrahim. At bago sya umalis ay binigyan nya muli ng isang matamis na halik sa labi si Ybrahim bilang kanyang pamamaalam dito dahil yun na ang una't huli nyang beses na magagawa iyon sa kanyang pinakamamahal na Rama. Nang makita ni Alena ang paghalik ni Amihan kay Ybahim at nasaksihan rin nya ang pagliwanag sa paligid ng dalawa, ang madilim na awra ng Rama ay bigla na lang namuti sa liwanag sa hindi malamang dahilan kaya pati si Alena ay napaiwas ng tinginsa kanila sa pagkat sa masilaw na liwanag na ginawa nina Amihan at Ybrahim, ngunit hindi alam ng dalawa ang kanilang pagliliwanag. At nang tapusin nya ang halik na iyon ay tiningnan nya si Ybrahim sa mata na ngayo'y hinawakan na ang kanyang mukha.




Ybrahim:*crying* Amihan? Mahal kong Hara?


Laking gulat naman ni Amihan ng sambitin ni Ybrahim ang mga katagang iyon sa kanya dahil sa sinambit ni Ybrahim ang mga salitang matagal na nyang nais marinig ng harapan. Kaya nagtaka naman nya itong tinanong muli.


Amihan:*shocked* A-anong sabi mo Ybrahim?

Ybrahim:*holding Amihan's face* Ikaw ba talaga iyan mahal kong Hara? Nananaginip na naman ba ako? Kung ito'y isang panaginip lamang ay hinding hindi na ako gigising pagkat ngayon ko na lamang naramdaman ang iyong matamis na yakap at halik.*crying*

Amihan:*confused* Ybrahim, ano bang pinagsasabi mo hindi kita maunawaan. Hindi ba hindi mo na ako nais makasama? Hindi ba't sinabi ko sa sa akin na si Alena na ang mahal mo? Kaya nga pinalalaya na kita Mahal kong Rama.*wipes Ybrahim's tears*

Ybrahim:*holds his aching head* Sinabi ko ba iyon mahal ko? W-wala akong maalala simula at matandaan simula noong hinimatay ako sa kagubatan ng Adamya noong panahong hinahanap ko ang iyong kapatid.*kisses Amihan's forehead* Ngunit ang mahalaga ay nandito ka na muli sa aking tabi mahal ko, kay tagal ko itong hinintay at inasam. Kay saya naman ng aking panaginip ngayon.*tears of joy*

Amihan:*crying* Hindi ka nananaginip Ybrahim, totoo ang lahat ng ito*magkadikit ang noo* Nandito talaga ako sa iyong tabi ngayon, at hinding hindi ka na muling iiwan pa.*smiles*

Ybrahim: Ngunit isa ka ng Ivtre(multo/kaluluwa) hindi ba? Kakayanin ba ng iyong Ivtre na mawalay ng matagal sa Devas?

Amihan: Wag kang mag-alala mahal kong Rama, nabibilang na ako muli sa nabubuhay kagaya ninyo, ng dahil sa mahal na Emre. Kaya simula ngayon pinapangako kong hinding hindi na muli ako aalis sa iyong tabi. Kasangga mo sa lahat ng bagay, at higit sa lahat, pinapangako kong ako'y magiging kasama mo ng panghabang buhay kasama ang ating anak.*smiles as tears fell down her cheek*

Ybrahim: Pangako aking Hara? Hindi ko kakayanin kapag nawal kang muli sa aking tabi.

Amihan: Pangako Ybrahim, pangako mahal kong Rama.

Ybrahim: E Correi Diu aking Hara.

Amihan: E Correi dei(din/rin) Diu, aking Rama..*kisses Ybrahim passionately*



Nang matapos muli ang halik nina Amihan at Ybrahim ay hindi parin wala sa isip ni Amihan kung anong kababalaghang naganap sa kanila ngayong gabi. Ngunit para kay Ybrahim, masaya lamang syang nakasama na nyang muli ang kanyang mahal na Hara at ngako na hindi na muling mawawalay sa kanya at sa Encantadia. Niyakap ni Ybrahim si Amihan ng patalikod at inilagay ang kanyang baba sa kaliwang balikat ni Amihan habang nakaulupot ang kanyang mga kamay sa beywang ng Sang'gre at masayang pinagmamasdan sa bintana ang dalawang buwan sa kalangitan ng Encantadia na kasabay ng mga bituin na nagliliwanag at sa madilim na gabi sa kanlang mundo.



Ybrahim:*kisses Amihan's head* Hindi ko talaga inakalang mangyayari pa ang gabing ito, mahal ko. Akala ko'y hanggang sa iyong rebulto na lamang kita makakausap, dahil napakatagal na panahon na rin ang lumipas simula ng makita at mahawakan kita ng ganito. Ang maramdaman ang iyong matatamis na halik at ang sabihin sa iyo bawat saglit na tayo'y magkasama ang sinisigaw ng aking puso't isipan ang wagas na pag-ibig ko sa iyo.

Amihan: Hindi ko rin inasahan na mangyayari ito, Ybrahim. Akala ko'y wala na akong babalikan pa noong mga panahong sinabi mo sa akin na wala ka ng pagtangi sa akin.*humarap kay Ybrahim* Ang aking ipinagtataka, anong nangyari sa iyo? Bakit ka nagkaganoon ni hindi mo man lag alam ang iyong pinaggagagawa?

Ybrahim: Hindi ko rin alam, ni hindi ko nga matandaan ang lahat ng mga nangyari simula nung himatayin ako sa Adamya, at naraamdaman kong matagal ng nangyari iyon.*confused*



Nang marinig ni Alena ang tanong ng nalilitong Rama ay naglakas loob na syang lumapit sa dalawa upang paliwanagan kung ano nga talagang nangyari sa kanya at sa lahat ng naganap noong sya'y isinumpa ng walang awang kakambal ng bathalumang Cassiopeia.



Alena:*walks towards Amihan and Ybrahim* Sapagkat napasailalim ka ng sumpa ni Casilda, Ybarro.

Ybrahim: Sumpa?

Alena: Oo, isinumpa ka ni Casilda sa pamamagitan ko.

Ybrahim: Anong klaseng sumpa, Alena?

Alena: Ang sumpang mapa-ibig muli sa akin, na alam ko namang hinding hindi mo gagawin kung hindi naman nangyari iyon.

Ybrahim: Alena, poltre kung inasahan mong--

Alena: Wag kang mag-alala Ybarro, sa simula pa lamang ng iyong kakaibang kilos dahil sa sumpa ay alam ko ng may hindi maipaliwanag na nangyayari sa iyo kaya kung iniisip mo mang nasaktan mo akong muli o umasa sa iyong mabulaklak na mga salita noong nasa ilalim ka pa ng sumpa ni Casilda ay hindi iyon nangyari. Sa makatuwid ay nais ko png gawan ng paraan at lunas ang iyong sumpa upang mahalin mo na muli ang aking kapatid, dahil hindi mo alam kung gaano mo sya nasaktan.

Amihan:*walks towards Alena* Kahit kailan ay napakabuti mo, Alena. Ngunit nag-aalala ako sa iyo ngayon.*worried face*

Alena:*holds Amihan's hands**smiles* Wag kang mag-alala sa akin edea, maayos ako ngayon at masaya para sa inyong dalawa at iyon naman talaga ang nais kong mangyari kaso maging si Cassiopeia noon ay hindi alam ang lunas para sa kanya.*looks at Ybrahim* Ngayon lamang sinabi sa akin ng Bathaluman kung anng maaaring lunas para kay Ybarro. 

Amihan: Ano iyon, Alena?

Alena: Nawala ang sumpa dahil sa tunay at wagas mong pagmamahal sa kanya, Amihan. Noong hinalikan mo sya, hindi nyo lang alam kung gaano kayo nagliwanag dahil may puting ilaw na nabuo sa agitan ninyong dalawa. Kaya tama ang sinabi ni Cassiopeia, talo ang pusong puno ng poot sa pusong wagas ang pag-ibig para sa isang nilalang, dahil iyon ang ginamit ni Casilda na sandata upang tumalab kay Ybarro ang sumpa. Kaya binabati kita Amihan,dahil nagawa mong talunin ng iyong pagmamahal ang at mapoot na kapangyarihan ni Casilda.

Amihan:*smiles**sighs* Tunay nga ang sinabi sa atin ni ina, na dapat palagi ring ginagamit ang puso sa lahat ng ating ginagawa. Dahil kahit isa lamang itong bahagi o laman ng ating katawan, at kahit isa lamang pandama ang pag-ibig, hindi natin minsan alam na isa ito na napaka makapangyarihang sandata ng bawat nilalang.

Alena: Tama ka,  at mas lalo itong magiging malakas kung ito'y tunay at hindi dinaraya.*sighs**small laugh* Ako man ang naging dahilan kung bakit nasumpa si Ybarro Amihan, ngunit ikaw naman mismong laman ng kanyang puso ang nagpalaya rito, at hindi mangyayari iyon kung hindi dahil sa kapangyarihan ng iyong tunay na pagmamahal sa kanya, edea, kaya Avisala Eshma. *smiles then hugs Amihan*

Amihan: Maging ikaw din naman Alena, dahil kahit na alam mong mayroon kayong masakit na nakaraan ni Ybrahim ay hindi ka pa rin nagdalawan isip na gawin ang tama.

Alena: Dahil iyon ang nararapat, at bilang kasalukyang reyna ng Lireo ay hinding hindi ko ipagpapalit ang aking damdamin upang tumaliwas at talikuran kung anong mas nakabubut para sa nakararami.

Ybrahim:*walks towards them* Isa ka nga talagang mabuting Hara para sa Lireo Alena, at Avisala Eshma dahil ginawa mo ito para sa amin ni Amihan.

Alena: Masaya na ako para sa inyong dalawa, dahil masaya na rin ako na nakasama ko ng muli ang ating anak na si Khalil.*smiles*

Ybrahim:*surprised* Buhay na rin si Khalil?

Amihan:*smiles* Oo Ybrahim, dahil hiniling ko talaga kay Bathalang Emre na isama sya pabalik namin dito sa Encantadia dahil alam ko naman na ikatutuwa nyo ito ni Alena.

Ybrahim: Avisala Eshma mahal ko.*smiles then looks at Alena* Maaari ko ba syang makita?

Alena: Matagal mo na syang nakita, ngunit alam kong hindi mo iyon naaalala kaya wag muna ngayon pagkat nagpapahinga na sila ni Adamus. Bukas na lamang pagsikat ng araw.

Ybrahim:*looks at Amihan**smiles**naisip si Lira* Sandali, nasaan naman si Lira? Maayos ba sya? Nandito na ba sya?

Amihan:*smiles* Oo Ybrahim, kasama namin syang bumalik ni Khalil mula sa mundo ng mga tao, ngunit nagpapahinga rin sya ngayon sapagkat nasaktan sya ni Casilda noong binawi natin sa Eirania si Cassandra, kaya hindi pa gaano mabuti ang kanyang kalagayan.

Ybrahim: Napakadami ko na alang hindi alam simula ng masumpa ako, dahil maging ang mga ala-ala at mga pangyayaring iyon ay hindi ko natandaan.*touches his forehead*

Alena: Di bale ng hindi mo iyon naalala, ang mahalaga'y bumalik ka na sa dati.


Habang nag-uusap silang tatlo ay humahangos namang pumunta doon sa bahagi ng pasilyo sina Mashna Maicah kasama ang mga Sapiryang kawal papunta sa kanila na may pag-aalla sa kanilag mukha.



Maicah:*panting* Rama Ybrahim, nagdali dali kaming nagtungo rito sapagkat may malakas na liwanag kaming nakita mula sa kabilang tore, akala namin ay napasok na muli tayo ng mga vedalje (kalaban).

Ybrahim: Ayos lang kami Mashna, Avsala Eshma sa inyong pag-aalala.

Maicah: Ngunit sa ngayon Rama ay kailangan na muna nating bumalik ng Sapiro dahil malalim na ang gabi at kailangan nila ang kanilang pinuno ngayon.


Napatingin si Ybrahim kay Amihan habang nakangiti ito sa kanya.


Amihan: Sige na Ybrahim, ayos na kami ni Alena rito. maaari mo namang dalawin bukas sina Khalil at Lira.

Ybrahim: Kung ganon, Avisala Meiste muna sa ngayon aking Hara, matulog ka ng mahimbing

Amihan: Maging ikaw rin, Ybrahim.



Kinuha nya ang dalawang kamay ni Amihan at hinalikan ito pareho. Kita ang mga ningnng sa mga mata nina Amihan at Ybrahim sa lahat ng naganap sa kanila ngayon. Sabik silang makasama muli ng matagal ang isa't-isa ngunit alam ni Ybrahim na may iba pa syang tungkulin sa kanyang kaharian. Kaya kahit ayaw mang humiwalay kay Amihan ay ginawa nya dahil sabi na syang magliwanag upang makabalik muli sa Lireo at makasama ang nag-iisang Hara ng kanyang puso. Naglakad na sya papalayo kasama ang kanyang mga kawal habang palingon lingon kay Amihan habang pinapakita ang kanyang matatamis na ngiti na ngayon nya lamang ipinamalas. Naiwan sina Alena at Amihan sa pasilyo ng parehas magaan ang  loob, at nagpapasalamat na sa wakas ay natanggal na rin ang sumpang ikinabit sa kanya at sa Rama ng Sapiro.



Alena:*sigh the smiles* Nakita mo ba ang ngiti sa kanyang labi Amihan? Ngayon nya na lamang iyon ipinakita, at dahil iyon sa iyo. Bumabalik na rin paunti-unti Ybarrong kilala ko at ang Ybrahim na kilala mo.

Amihan: Masaya rin ako Alena, sapagkat sa kabila ng mga kaguluhang nangyayari na naman sa atin ngayon ay may mga ganito pa ring kaganapang makapag bibigay sa atin ng liwanag.

Alena: Halik na edea, masyado ng mahaba ang araw na ito sa atin magpahinga na muna tayo.*smiles*



Naghawak kamay sina Alena at Amihan at sabay nawala sa pasilyong kanilang kinaroroonan at dumiretso na sa kani-kanilang silid.



Avisala mga mahal kong readers!! Poltre dahil ngayon lang to narilease, kanina pa sana kaso nalowbat si aketch at nag brown out dahil sa bagyo sooo nalate na and sana naging safe kayong lahat. Pero sana nagustuhan nyo pa rin ito . E Correi DIu!!! #labanYBRAMIHAN!!!








Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...