Kristine Series 18, One Wish...

By MarthaCecilia_PHR

573K 19.6K 1.8K

"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinukso... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
Epilogue

31

16.6K 569 63
By MarthaCecilia_PHR


SA IKATLONG araw ng exhibit ay dumating si Nelson sa pagkagulat ni Lora.

"Paano mong nalaman?" tanong niya.

"Maliit lang ang bayan natin, Lora. Walang maitatago. Isa pa'y hindi naman magsisinungaling ang itay mo sa daddy nang kumustahin ka."

Tumango si Lora. Ipinakilala niya si Nelson kay Lynette.

"So you're the best friend," ani Nelson, nakangiti at kinamayan ang dalaga. "Pleased to meet you, Lynette..." "Same here, Nelson..."

Subalit agad na bumitaw si Nelson mula sa pakikipagkamay at lumakad patungo sa mga photo na nakasabit sa wall ng booth, ganoon din sa isang malaking larawan ng barko na nakalagay sa tripod. Subalit ang higit nitong pinagtuunan ng pansin ay ang life-size photo ni Karl na nakatagilid at nakatalungko sa tabla at tila kinukumpuni ang haligi ng pantalan.

Nelson couldn't see the model's face. Kinunan iyon sa paraang bahagi lamang ng mukha ni Karl ang makikita. Wala itong suot maliban sa pantalong maong at ang may kahabaang buhok nito na humahaplos sa matipunong likod.

Habang nakatalikod si Nelson at nakatingala sa larawan ay nagkatinginan sina Lora at Lynette.

Tumiim ang mga bagang ni Nelson subalit nang lumingon ito sa dalawang babae ay tiniyak nitong ngiti ang nasa mga labi.

"Hindi ko akalaing ganito ka kahusay, Lora!" bulalas nito.

"Thank you, Nelson." Ikinasiya ni Lora ang sinseridad sa tinig ni Nelson. At least, nakita nito ang makasining na bahagi ng mga litrato.

"So this calls for a celebration!" Tumingin ito sa relo sa braso. "Eleven pa lang, pero puwede nang mag-lunch..."

Nagkatinginan ang dalawang babae. Tinanguan ni Lynette si Lora. "Go ahead. Ako ang tatao dito sa booth."

"Pero..."

"She's right, Lora," sang-ayon ni Nelson. "Kung sabay kayong dalawa'y walang tatao rito."

"Come on," hikayat ni Lynette nang patuloy na mag-atubili ang kaibigan. "Ipagbalot mo na lamang ako." Sinabayan nito iyon ng tawa.

"Sure," agad namang sabi ni Nelson. "Let's go, Lora..." Kinuha na ni Lora ang shoulder bag at isinabit sa balikat at hindi na kumibo nang akbayan siya ni Nelson.

"SANA'Y sa loob ng mall na lang tayo kumain. Marami namang kainan doon, ah," ani Lora nang iginigiya na siya ni Nelson sa loob ng taxi.

"Mas gusto kong kumain tayo sa tabing-dagat, Lora. Para na ring nasa atin tayo at mas gusto ko ang alaalang papasok sa isip ko kapag dagat ang nakikita ko."

"Tabing-dagat?" gulat na napalingon si Lora sa katabi lalo na nang sabihin ni Nelson sa driver na sa Manila Yacht Club sila dalhin. "Ano ang gagawin natin doon? Bago tayo makabalik sa mall ay gabi na dahil sa traffic..."

"Relax," nakangiting sabi ni Nelson. "Ano ang ipag-aalala mo, naroon naman ang kaibigan mo." Huminga siya nang malalim at hindi na kumibo. Inalis ang kamay ni Nelson na nakaakbay sa kanya at sumandal. Hindi nagreklamo si Nelson at ngumiti lang.

NASA exhibit si Iris at nasa booth ng isang kaibigang bakla.

"How many have you sold?" tanong niya sa kaibigan.

"Tatlo pa lang. At lahat ng bumili ay mga kaibigan pa natin, iyong mga pinadalhan ko ng imbitasyon!" Umiikot ang mga matang sabi nito.

"Isang picture sa isang araw," ani Iris na bahagyang nagkibit ng mga balikat. "Not bad. Mag-iikot ako sa ibang mga booth..."

"Okay. Buy something that pleases you pero siguruhin mong may bibilhin ka rin sa akin, darling..."

Tumawa si Iris. "Sure..." She started browsing. From one booth to another. She would have turned to the left nang mapunang sa dulo ng nilalakaran niya'y maraming tao ang nagkakaipon-ipon sa hulihang booth. She got curious at lumakad patungo roon.


"I'M SORRY, sir, pero hindi po ipinagbibili ang larawang napili ninyo. Para sa display lang po iyan. But if you want your photos to be taken, I'm sure..."

Iyon ang naririnig na paliwanag ni Iris na sinasabi ng babaeng nag-e-entertain sa mga tao. She sounded like a broken record sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga customer.

Umangat ang mga mata niya sa mga larawan ni Karl na nasa dingding. If she didn't know better, hindi niya makikilalang si Karl ang modelo. Then her eyes moved to the ship's photo. She was impressed.

Then something caught her eyes. Nasa isang sulok ng booth. Nakapatong sa isang maliit na mesang bilog. Tinitigan niya iyon nang matagal bago lumabas ng booth.

Kinuha ni Iris ang cell phone sa bag at dumayal. "Karl? Yes... Gusto kong magpunta ka rito sa mall as fast as you can... Please... this is very important... No, hindi ko masasabi sa telepono... From here you can go straight to the meeting. Okay... Megamall, fifth floor. I'll meet you at the escalator."

"WALANG restaurant dito, Nelson!" pagalit na sabi ni Lora nang ibaba sila ng taxi sa Manila Yacht Club at lumalakad na sila sa breakwater.

"Keep on walking, Lora. Makararating din tayo roon," utos ni Nelson at mahigpit siyang hinawakan sa braso, urging her to walk faster.

Pagalit na humarap si Lora. "No. Babalik na ako. At hindi mo ako kailangang ihatid sa mall. And you can forget about the lunch!"

Subalit hindi binibitiwan ni Nelson ang braso niya at hinaklit siya pabalik. "Huwag mo akong piliting gumawa ng hindi mabuti, Lora. Hindi ko gustong gawin iyon. Sumama ka nang mahusay..."

But she stood her ground. "Ano ang ibig sabihin nito, Nelson? Hindi totoong manananghalian lang tayo, hindi ba?"

"Hindi ko gustong gawin sa iyo ito, Lora," Nelson said with a sigh. "Kung pumayag ka lang na ibalik natin sa dati ang lahat, sana'y hindi nangyari ito."

Nanlaki ang mga mata ni Lora sa narinig. May kabang bumundol sa dibdib. Nagpalinga-linga siya. Puno ng mga pribadong yate at sasakyang pandagat ang magkabilang paligid ng breakwater. Alam din niyang may mga tao ang ilan sa mga yateng iyon.

"Don't ever think about it," banta ni Nelson na nababasa ang ikinikilos niya. "Hindi ako mangingiming gamitin sa iyo ang baril na ito, Lora." Maingat nitong iniangat nang bahagya ang polo shirt at ipinakita sa kanya ang baril na nakasukbit sa baywang nito.

Napasinghap si Lora. Nanlalaki ang mga matang nakatitig pa rin sa may baywang ng lalaki kahit na naibaba na nito ang polo shirt. Hindi si Nelson ang gagawa nang ganito. Bagaman minsan ay parang bata na laging kailangang sundin ang gusto, he was sweet and... Huminto roon ang pag-iisip niya sa mga katangian nito. May kahambugan, sabi nga ng tatay niya. So hambog si Nelson. Pero hindi niya lubos-maisip na kaya nitong gawan siya ng masama.

"Sige, lakad," utos ni Nelson na nagpapitlag sa kanya. Iginiya siya nito pababa sa isang hagdanang-bato. Sa ibaba sa tubig ay napapagitnaan ng dalawang yate ang isang malaking speedboat. At may lalaking nakatayo sa labas niyon.

Bumulong si Nelson nang makitang nakatingin siya sa lalaki. "Kung wala kang pagpapahalaga sa buhay mo, think about your father..."

Marahas na nag-angat ng paningin si Lora. Nawalan ng kulay ang mukha. Kung kanina'y bahagya lang ang kaba niya dahil naiisip niyang kaya niyang pakitunguhan si Nelson ay biglang tila sasabog ang dibdib niya sa kaba sa sinabi nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Huminto siya sa paghakbang. Subalit ngumisi lang si Nelson. May dinukot sa bulsa ng pantalon. Tinawag ang lalaki sa ibaba at nagbigay ng ilang dadaanin dito. Nagpasalamat ang lalaki at tumakbo na papanhik sa breakwater. Bahagya lang dinaanan ng tingin si Lora.

"Ano ang ginawa mo sa Tatay?!"

"Walang mangyayari sa tatay mo kung susunod ka sa lahat ng sasabihin ko sa iyo, Lora. Pero kung hindi'y..." Sadya nitong ibinitin ang sinabi. Bumaba ang mga mata sa cell phone na nakasabit sa pantalon. "Isang tawag ko lang at... bang!" Iginiya nito si Lora pasampa sa speedboat. Pinaupo siya sa isang sulok.

"Bakit mo ginagawa ito, Nelson?" tanong niya sa gumagaralgal na tinig. Nagsisimula nang bumangon ang takot sa dibdib niya. Takot para sa ama at sa sarili.

"Maraming beses kitang sinuyo pero tinanggihan mo ako. Binigyan mo ako ng kahihiyan sa mga magulang ko at sa ibang tao! Hindi lang ang pamilya ko ang nakaalam tungkol sa lalaking kasama mo sa pantalan. Ang konsolasyon doon ay wala na uling nakakita sa lalaking iyon sa atin. Napaniwala ko ang mga magulang kong modelo mo ang lalaking iyon." He started the engine.

"He was my model. And you're right, I have never seen him again after that."

"Naniniwala ako sa iyo. Pero siya ang dahilan kaya nanlamig ka sa akin. Hindi dahil papasok ako sa politika." Paismid itong ngumiti at hinagod siya ng tingin. "I love you, Lora. Iyan ang totoo. At pagkatapos nito, matutuloy ang kasal natin at magiging asawa ka ng isang politiko!"

"Hindi mangyayari ang gusto mo dahil kahit na ano pa ang gawin mo'y hindi ako pakakasal sa iyo!"

"Your father may have another opinion on the matter, kapag nalaman niyang itinanan kita." He paused for a while, then he added, "Katunayan... alam ng tatay mo ang balak ko dahil... pero tiniyak ko sa kanyang handa naman akong pakasalan kita."

Nanlulumong napatingin sa karagatan si Lora. Mabilis na silang nakalayo mula sa breakwater. Sinisikap niyang ikalmante ang sarili at ituon ang isip sa kung paano niya mapapahinuhod si Nelson na pakawalan siya.

"Nelson, please. Ibalik mo na ako. Bakit hindi mo tanggaping hindi tayo para sa isa't isa?" Nilakasan niya ang tinig upang mangibabaw iyon sa tunog ng motor.

"At sino ang para sa iyo?" singhal ni Nelson sabay lingon sa kanya. "Ang lalaking modelo mo?" Umismid ito. "Naibigay mo na ba ang sarili mo sa kanya, ha, Lora?" Bigla'y tumalim ang mga mata ni Nelson. Pagkuwa'y tumawa at umiling. "No. Hindi ka ganoon, Lora. Kilala kita. Bukod sa bigla na lang nawala ang lalaking iyon. Siguro nga'y modelo mo lang at dahil sabi nga ng nakakita'y magandang lalaki ito, naakit ka. Ang ipinagtataka ko lang ay kung saan mo nakilala ang lalaking iyon..."

Nelson had explained it all accurately. Maliban sa bahaging naakit siya kay Karl dahil nagkagalit sila ni Nelson. Natitiyak niyang iibigin niya si Karl ano man ang sirkumstansiya. Ang ipinagpasalamat niya ay ang pagkatuklas sa rason ng mag-ama nang i-pressure siyang madaliin ang kasal. Natuklasan niyang wala siyang pag-ibig dito.

Nag-init ang sulok ng mga mata ni Lora. Binuksan ang shoulder bag at dinukot ang panyo. Kasalukuyan niya iyong inilalabas nang lingunin siya ni Nelson. He snorted at ibinalik ang atensiyon sa manibela.

Ipinapahid ni Lora sa mga mata ang panyo nang biglang maisip ang nahagip ng kamay niya sa bag.

Ang cell phone ni Karl!

Napatingala siya kay Nelson na nakatalikod sa kanya. Muli niyang ipinasok sa bag ang kamay at kinapa ang cell phone. Hindi siya magtataka kung sasabog ang dibdib niya sa matinding kaba. Maingat niyang kinapa ng thumb finger ang ilang numero. Oh, Karl... please help me...



**************Parang ang bilis matapos ng story ni Karl at Lora. :( - Nagkaka sepanx ako dito kay bebe Karl ko eh char hahahaha. Musta mga beshie? - Admin A ************

Continue Reading

You'll Also Like

851K 17.9K 22
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha...
285K 7.2K 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
643K 15.9K 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, ma...