Anne-Bisyosa (dela Merced #1)...

By TheCatWhoDoesntMeow

1.4M 44.7K 7.6K

Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela... More

Teaser
Hello! This story is under Wattpad Originals.
Chapter 1 : Buhay-maganda
Chapter 2 : Daig ng intrimitida ang masipag
Chapter 3 : And the winner is..!
Chapter 4 : Halimaw sa banga
Chapter 5 : Nosebleed galore
Chapter 6 : Juskolord
Chapter 7 : Baliwag
Chapter 8 : Level 1
Chapter 10 : Don't ouch me!
Chapter 11 : Hu u?
Chapter 12 : Gayuma
Chapter 13 : Arbor
Chapter 14 : Anyare?
Chapter 15 : Gisado at Asado
Chapter 16 : Aysus
Chapter 17 : Pinocchio
Chapter 18 : Syuta
Chapter 19 : Napakasakit, Kuya Eddie!
Chapter 20 : Sa banga
Chapter 21 : Ansabe?
Chapter 22 : Ang Manliligaw ni Anne
Chapter 23 : Ang kaadikan ni Hunter
Chapter 24 : Gravity
Chapter 25 : Para-paraan
Chapter 26 : Dining devils
Chapter 27 : 10:30
Chapter 28 : Bantay-sarado
Chapter 29 : Patlang
Chapter 30 : What she heard
Chapter 31 : Disadvantage
Chapter 32 : The rich's rich
Chapter 33 : Slowly
Chapter 34 : Pamintang durog
Chapter 35 : The great pretender
Chapter 36 : Chess
Chapter 37 : Only option
Chapter 38 : Sabado
Chapter 39 : Yes and No
Chapter 40 : A short, sweet dream
Chapter 41 : One last gamble
Chapter 42 : All is fair
Chapter 43 : The cost of falling in love
Chapter 44 : Game Over
Chapter 45 : Anne-Bisyosa
Epilogue : Perfect Tuesday

Chapter 9 : Kapag imbyernes...

31.7K 1.1K 154
By TheCatWhoDoesntMeow

***

Alas-onse ng umaga.

Mahilo-hilo na si Anne dahil sa katotohanang mahirap patabain ang brain cells niya. Katatapos lang ng lecture niya sa Economics at sa Professional Ethics. Kasisimula naman ng pagsakit ng ulo niya. At kailangan na rin yata niyang magpasalin ng dugo dahil bumaha ng dugo ang ilong niya. Mabuti na lang, ayon sa payo ng halimaw sa banga, alam na niya kung paano kokontrahin ang nosebleed.

Secretary mode na siya at bagong mascarra ang pilikmata nang matigilan sa pinto ng opisina ni Hunter. Maghahatid sana siya ng papeles at susubukan kung kaya na niyang i-push na mag-level 2 ang closeness nila ng lalaki. Kaso, narinig niya ang sariling pangalan sa siwang ng pinto. Pinag-uusapan 'ata siya. Ng halimaw at ng isa pang boses na noon niya lang narinig.

"The job of a CEO is to make sound decisions. With the feedback I am getting regarding this girl, you're far from being trustworthy!"

Pangalan niya ang narinig niya kanina. At pagkatapos ay ito — may mga naririnig daw ang lalaking nagsalita na base sa balangkas ng pangungusap nito ay hindi yata maganda!

Napaaray ang puso niya. Malaki at maawtoridad ang boses na nagsalita. At parang pinapagalitan nito si Hunter! Hindi yata at... iginigisa si Hunter dahil sa kanya?!

"How long has it been since you forced me in this chair, Dad? If you can't trust me with the decisions I'm making, fine! Just fire me and give the title to Eros, Dash or Ryker. That way, I would be far from shaming your name! And maybe by then, I would be free to do whatever I like as I like it!" buwelta ni Hunter. Mainit ang tono nito sa kausap.

Dad? Napalunok si Anne. Ibig sabihin, si Mr. President ng dM Financing International ang kausap ni Hunter? At ibig ding sabihin, ayaw sa kanya ng Presidente?

My gosh! Kumukontrabida rin sa future ko si Mr. President? Baket? naisip niya habang nasa dibdib ang palad. Hindi kaya magagawan ng paraan 'yon?

"Hunter!" tunog nanggigigil si Mr President. "You're twenty six! Matanda ka na para magrebelde! You are the face of dela Merced group of companies! All of your decisions will reflect our reputation!"

"I know. So, fire me! And replace me with either Eros, Dash or Ryker."

Angil.

"Eros is a stubborn piece of shit, Dash is rebellious, and Ryker is a troublemaker! If they're not already worse than you are, I would have picked them!"

Paghinga nang malalim.

"Then my decision stays, Dad. That girl will remain as my secretary. Whatever it is that you have heard, I don't care. She will stay. Can't you just allow that to happen?"

Katahimikan.

"But if she does anything foolish..." may pagbabanta sa boses ng mas matandang lalaki.

"Can you not treat me like a child?! Jesus Christ!"

Isinara niya ang pinto dahil masyado na siyang pakialamera. At baka mapaaray na naman ang puso niya sa iba pang maririnig.

Imbyernes day ba ngayon? Mula kasi umaga ay pinuputakte siya ng imbyerna!

Napapailing siya nang magbalik sa sariling opisina at sumubsob sa mesa.

"Juskolord! Dugo na ang kulangot ko sa kano-nosebleed! Kulang na lang sumuka na rin ako ng internal organs para lang makakuha ng kaunting talino! I-level up n'yo naman ako! Please!" angal niya habang nagpapapadyak.

Iniangat niya ang mukha. Huminga nang malalim.

"No! Revicon day! Think positive! 'Wag kang aayaw!" matatag na sabi niya at pumikit. Kailangan niyang isapuso ang slogan. Think positive. Keribells ko 'to! Keribells ko 'to.

Nang magmulat siya ay nagniningning ang mata niya. Para siyang lumagok ng sandamakmak na energy drinks at kinuha uli ang manuals at textbooks niya. Mag-aaral siya! 'Di bale nang sumargo sa dugo ang ilong niya o makakita siya ng kulay pula sa sariling mata! Hangga't may dugo siya, may pag-asa!

Lunch time. Papatayo pa lang si Anne sa sariling mesa para kumain nang tumunog ang intercom.

"To my office."

Napatitig siya sa telepono. Tatlong malalamig na salita lang ang binitawan ng CEO para sa kanya. Kaunti na lang, tunog-robot na!

At ano na naman kayang kailangan e tanghalian na?

Pagpasok niya sa opisina ni Hunter ay nasulyapan niya agad na may nakahandang pagkain sa mesa sa couch. Na naman.

"Samahan mo akong mag-lunch," simpleng sabi ng lalaki. Tumayo ito mula sa office table nito at naghubad ng coat. Isinampay nito ang hinubad sa swivel chair. Pagkatapos ay nagrorolyo ng manggas ng polo na lumipat sa dati nitong pwesto sa couch.

Tahimik siyang naupo rin sa harap ng pagkain at pinagmasdan ang lalaki.

Kunot ang noo nito. Madilim ang mukha. In short, halimaw mode.

Paghinga niya nang malalim ay sumuot sa ilong niya ang amoy ng masasarap na pagkain na nakaplastik pa. Mabilis na gumana ang kahirapan at P.G. mode ni Anne. Nakapapagod at nakagugutom kasi ang masaktan, maimbyerna at maubusan ng dugo kaaaral.

Tahimik nilang pinagtulungang alisin sa plastic containers ang mga pagkain. Nagpunta si Anne sa kusina at kumuha ng kubyertos, mangkok, platito, pinggan at ang leche flan ni Hunter. Pagbalik ay walang imik niyang inilapag ang mga dala sa mesa. Tig-isang set sila.

Tahimik din sila nang magsimulang kumain.

After two minutes, pakiramdam ni Anne ay dalawang dekada na ang itinanda niya. Nararamdaman niya ang pagrupok ng buto sa katawan, ang pangangalay ng panga at pagkapanis ng laway kahit na panay ang subo niya sa pagkain.

"Time first, Sir!" aniya sa lalaki na tumingin lang sa kanya. "Biyernes Santo ba? Anong meron? Bakit ang tahimik natin?"

Nagkibit-balikat ito.

"Matagal na akong tahimik. Ikaw ang may problema."

Kumunot ang noo niya at inirapan ito.

"Okay, check! Ako nga pala 'yong maingay dapat!" sabi niya rito at nag-isip ng sasabihin. "Bakit may pa-lunch ka na naman? Anong meron?"

"Dalhan mo 'ko uli ng leche flan bukas."

Tumaas ang kilay niya.

"Aru! Ikaw, Sir a! Gusto mo lang pala ng leche flan e 'di sana umorder ka na lang! Sa mahal nitong pagkain natin, sandamakmak na leche flan ang maibebenta ko sa'yo!" masiglang sabi niya.

Ngumiti lang ito nang matipid.

"O baka naman... ayaw mo lang aminin pero gusto mo 'kong kasabay kumain? Ayi! 'Yan tayo e! Kaka-level one pa lang, level two agad? Excited ka, Sir!"

Waley. Hindi pa rin niya mahuli ang totoong ngiti ng halimaw.

"Ang daldal mo," anito.

Pumalatak siya. Umiling-iling.

"Three words lang? 'Yon lang ang keri mong isukli sa energy ko? Aru! Kapos ka na naman sa Enervon!"

Waley.

"Oy..." Ngumiti siya at sumeryoso. "Anong problema?"

Napabuntonghininga ito at napatitig sa kanya. Matagal. Na feeling niya, baka nami-mesmerize na ito sa kagandahan niya kaya ikinurap-kurap niya ang mata at ipinilantik ang pilik nang mga five times!

"Ang ganda ko ba, Sir? 'Wag ka nang mahiya! Tumatanggap ako ng complimends!" malaki ang ngiting sabi niya at nanginig. "Ayi! Kinikilig ako! Dali na.. sabihin mo na sa 'kin! Ready na 'ko."

Sumeryoso si Hunter at tinitigan ang mata niya.

"Anne..?"

Higit niya ang hininga sa paghihintay. "Yes, Hunter?"

Kinikiliti ang singit niya sa kilig at pananabik!

"You're..."

Halos nakanganga siya sa paghihintay.

"— fired."

Huminto ang mundo nang mga five seconds! Muntik dumanak ang dugo sa ilong ni Anne. At nang lumunok siya ay muntikan pa siyang masamid sa sarili niyang laway.

"Ano?! Que horror! Bakit? Where did I do wrong?"

Tawa. At maluwang na ngiti ni Hunter.

"Joke lang."

Huminto uli ang ikot ng daigdig. Sa asar. Habang kumakain lang nang walang anuman ang lalaki.

"Ano?!" Gusto niyang hampasin ang kaharap. "Kung hindi lang ako nanghihinayang sa fez mo, Sir, sinampal na kita! Nang bonggang-bongga! Gravity ka! Maha-heart attack ako sa'yo!"

Mahina itong tumawa.

"Hindi nga? Ano nga? Sisante na 'ko?" kulit niya.

Umiling ito.

"No. Joke lang 'yon," sabi nito at, "Ang kulit mo kasi."

Umangil siya rito.

"Hoy, Hunter dela Merced! 'Wag mo 'kong patayin sa suspense at sa ngiti-ngiti mo diyan! Leche flan ka!" malakas na sabi niya na nakatutop ang palad sa puso. "Trying hard na nga ako magpangiti sa'yo, no! Kahit imbyernes din ako tapos tatakutin mo 'ko? Juskolord!"

Napahawak ito sa batok. Malungkot pa rin ang mata.

"Sorry."

"Okay. Check," mabilis na tanggap niya sa apology nito at sumubo.

"And why did you believe it in the first place? If I am going to fire you, I don't need to feed you."

Nag-sway ang pilikmata niya sa isang with feelings na irap sa lalaki. Sasabihin ba niyang tsismosa siya at may narinig siya? Ang tanong, hindi pa ba nito alam?

"Siyempre! Lagi ka kayang serious halimaw mode! Naturalmente Clemente, maniniwala ako sa'yo!" depensa niya bago mahinang idinugtong, "Saka kanina, narinig ko 'yong usapan n'yo ni Fathergoose mo!" Umingos siya. "Ayaw niya sa akin."

Kumunot ang noo nito. At parang pinag-isipan ang sinabi niya.

"Ah... Don't mind him."

"Pudra mo 'yon, Sir! May gravity ang salita no'n, siyempre!"

Tahimik itong sumubo bago, "Then... gusto mong sisantehin nga kita?" seryosong tanong nito.

Umiling siya.

"Siyempre, hindi!" Sumubo siya at umirap dito. "Pinagtanggol mo na 'ko e. Sayang naman ang effort mo, Sir, kung sisisantehin mo 'ko!"

Nginitian niya ito na singtamis at sing-puro ng leche flan ng mudra niya.

"I am giving you a chance. Like I said. Just... don't waste it."

"Oo naman! Mauubos na nga ang dugo ko kaaaral pero ia-achieve ko talaga ang success, Sir! Promise 'yan."

"Good."

Ngumiti ito. Ngumiti siya. Ang sarap naman talagang makipagngitian sa halimaw. Chance lang kaya ang kaya nitong ibigay sa kanya? Puso kaya nito? Puwede ring arborin?

Sumeryoso siya. Tumikhim.

"Thank you sa chance, ha? At sa pagtatanggol sa 'kin kanina. Talagang kahit na truli na imbyernes na si Pudra mo sa'yo, push ka pa rin! Gravity! May paninindigan ka, Sir!"

Ngumiti lang ito uli. Nginitian niya uli. At nagtitigan sila nang lagpas three seconds.

"Thank you," seryosong sabi niya.

"You can stop thanking me now. Kumain ka na lang."

Ngumisi siya.

"Sir..." mahinang sabi niya rito na parang nagsasabi ng sikreto, "naririnig mo ba?"

Kumunot ang noo nito at pagkatapos ay luminga sa paligid.

"Ang alin?"

Pinapilantik niya ang pilikmata. 'Yong flutter na tulad ng butterfy wings fluttering ng puso niya.

"May OST, Sir. Para sa 'tin!" mahina pero excited ang boses na sabi niya. Kinikilig.

Umiling ito na parang binabalewala ang kalokohan niya.

"Alam mo kung anong lyrics?" patuloy pa rin niya.

"Ano?",Nilinis niya ang lalamunan. "Ahem..." Binitawan niya ang kutsara at tinidor at pinaglapat ang mga kamay. "One, two, three... I am a man who will fight, for your honor..." Pumipikit-pikit pa siya at dinadama ang pagkanta. "I''ll be the hero... you've been dreaming off." Nakangiti siya kay Hunter. "We'll live together! Ay, mali... We'll live forever... knowing together that you... did it all for the glory of love!" Maganda ang ngiti niya sa pamumungay ng mata sa lalaki. "With feelings 'yon, Sir. Gaya ng ginawa mo kanina! With feelings! Ayi..."

Pero wala sa pangungulit niya ang atensyon ni Hunter. Nakatitig ito sa mata niya at bahagyang nakangiti. May bagong ekspresyon sa mata nito na hindi niya alam.

"Sir! Ano? Mag-comment ka. Sayang ang talent ko! 'Wag mo lang titigan!" untag niya rito.

Tumikhim ito.

"Maganda pala boses mo."

Napanganga siya.

"Weh? Totoo?" kinikilig na tanong niya. Malay ba niya sa kung totoo? Banyo lang at ang sangkatutak na germs at libag na kinukuskos niya sa katawan ang nakaririnig ng boses niya.

Sa pagkain nakatuon ang paningin ni Hunter nang sumagot, "Yes. It's quite... nice. And comforting."

" 'Yon o! Yesh!" aniyang napapalakpak. "Achievement 'yan! Nagbunga ang banyo concert ko!"

Nakangiti lang ito at hindi nagkomento.

"At may pa-comfo-comforting ka pang nalalaman a!" Malaki ang ngiti niya. "Ang laki ng imbyerna mo talaga, no?"

Hindi ito kumibo.

"Kaya siguro lagi kang masungit. Kasi lagi kang napapagalitan!"

Mukhang nasapul si Mr. CEO dahil tumingin ito sa kanya pero hindi uli kumibo.

" 'Aysus! 'Wag ka nang mahiya sa 'kin. Okay lang 'yan! At dahil nilibre mo 'ko ng lunch, may ituturo ako mamaya sa'yo!"

Tumaas ang isang kilay nito.

"Ano?"

"Mamaya nga, Sir!"

At para mas may impact siya, kinindatan niya uli ito nang bonggang-bongga.

Afterlunch. Sa opisina ni Anne.

"Waiting ka lang diyan, Sir," sabi ni Anne sa kasamang si Hunter at naupo sa swivel chair niya.

"Make sure that I won't be annoyed by whatever that is," parang may pagbabanta ang halimaw sa kanya. Nakatayo ito sa tagiliran ng mesa.

"Pantanggal imbyerna nga 'to, Sir! Tiwala lang!" sabi niya rito habang nakatitig sa computer na hinihintay nilang mag-power up.

Hindi ito kumibo pero nararamdaman niya ang dilim ng mood nito. Napapailing tuloy siya.

"Finally! After forty-eight years..." aniya nang magbukas ang computer. Isinaksak niya ang isang USB drive at binuksan ang mga folder doon. Mabilis ang click niya hanggang sa folder ng flash games.

"Flash games?" masungit na tanong ni Hunter sa tabi niya. Nakatingin din ito sa monitor.

" 'Wag ka munang magsungit diyan, Sir!" sabi niya at hinanap ang pangalan ng flash games na ipapakita rito. "Ito!"

Nanatili itong nanonood nang mag-double click siya at bumukas ang laro.

"Watch ka diyan," sabi niya at nagsimulang mag-click. "Paintball 'to, Sir. Nakikita mo 'yong mga surprise attack ng baseball na lumilitaw kung saan-saan sa screen? Kailangan mong barilin 'yan para hindi ka ma-game over. Bumibilis 'yan! Kailangan mabilis ka!"

Natahimik siya habang nagco-concentrate sa pagbaril sa lumilitaw na mga bola. Naramdaman naman niya ang pagdikit ni Hunter sa likod niya. At kada singhot niya ay nao-overload siya ng bango nito. Kaya naman na-game over siya.

Masama ang tingin niya sa lalaking nasa likuran.

"Ano?" kunot-noong tanong nito.

"Wala," masungit na sagot niya at nagbukas ng isa pang flash game. "Ito naman, Sir, paborito ko 'pag imbyerna to the max ako. Ang title nito, Kill the Boss."

"Kill the Boss?"

"One more time, Sir? Yes po. Kill the boss. At 'wag mo po akong tingnan nang masama kasi hindi naman ako ang nagpangalan sa game," aniya rito bago nagpatuloy, "Bale, ang gagawin mo lang po rito, papatayin mo 'yong boss. I-demo ko, ha?"

Nanonood lang si Hunter.

"Kita mo 'yan, Sir? 'Yang lalaki sa gitna, 'yan ang boss. Puwede mo rin yang palitan at gawing babae kung type mo. Pindot ka lang dito. Ngayon..."—itinuro niya ang drawing ng palakol, chainsaw, granada at iba pa sa paligid— "itong mga 'to, choice of torture mo kung pa'no mo papatayin ang boss. Puwede mo siyang ipalakol, putulan ng ulo, hagisan ng granada, pagpira-pirasuhin sa chainsaw, barilin... at kung anu-ano pang kabrutalan. Hanggang dedo na siya."

Kunot ang noo ng lalaki.

"That's a lot of brutality. Masamang impluwensiya 'yan."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Laro lang 'yan, Sir. Mas masama kapag totoong pinatay ng mga tao ang boss nila dahil sa imbyerna. At least dito, imaginary lang. 'Di ba?"

"That's it?" tanong nito sa kanya.

Tumango naman siya. "Bakit, Sir? Waley ba?"

"Nonsense," anito at tumalikod na parang aalis.

"Nonsense? Try mo muna!" habol niya rito na napatayo at pinigilan ito sa braso.

Nakatingin lang ito sa kanya. Parang hindi kumbinsido.

"Try mo lang. Walang mawawala."

Madilim ang mukha nito maging nang maupo sa swivel chair niya at hawakan ang mouse. Siya naman ngayon ang nakatayo sa tagiliran at nanonood dito.

"This is really nonsense," bulong nito nang magsimulang mag-load ang paintball.

Pero makalipas lang ang apat na minute...

"Shit! Jeez! I got that! It's the damn mouse that has a problem!" nakalingon sa kanya na reklamo ni Hunter. Namumula ang mukha nito at napapahawak sa kurbata. "Did you see that surprise ball? Damn!"

Napapailing si Anne. Saan ba nakatira si Hunter sa buong twenty six years ng buhay nito at parang ni hindi nakapaglaro? Noong una ay nagbabakasali lang siya na baka hindi nito alam ang mga flash games kahit na gifted child na ito at maraming nalalaman. Hindi siya makapaniwalang tama ang prediksyon niya!

"Gosh, ako na si Madam Auring," bulong niya sa sarili bago bumaling kay Hunter. "Ang intense mo a! Paintball pa lang 'yan!"

Gusot ang mukha nito bago bumalik sa computer niya at nag-load uli ng laro.

In fairness, ang bilis ng mata nito at pindot sa mouse. At patagal nang patagal bago ito ma-game over. Napabuntonghininga siya habang nanonood sa lalaki. Mukhang... hindi man lang nga ito nakapaglaro. Kaya ba ito genius sa edad na twenty-six? Nadudurog tuloy ang puso niya. Aanhin naman niya ang sobrang talino kung nawalan naman siya ng kabataan?

At nang magmura na naman ito dahil sa game over...

"Ikokopya kita ng iba pang flash games, Sir. Marami niyan ang kuya ko," sabi niya rito.

Nagbuntonghininga naman ito. Parang nakikiramdam sa sinseridad ng sinabi niya nang lumingon sa kanya.

"Really?"

"Nagduda pa!" Nginitian niya ito. "Oo. Ikokopya kita. Para may stress-reliever ka."

Maluwang itong ngumiti.

"Okay. It's not nonsense. Nakakainis ma-game over but it's fun."

Mahina siyang pumalatak.

"Anong 'tsk'?" Nakatingala si Hunter sa kanya. Seryoso ang mukha.

Napabuntonghininga na naman siya. " 'Wag kang magagalit, Sir, a. Hindi ka ba nakapaglaro no'ng bata ka? Computer games, arcade, brick game, PSP? 'Yong mga gano'n?"

Nag-iwas ito ng tingin habang salubong ang kilay. Tumiktak ang minuto.

"My family has a... different code, I guess."

Umingos siya. Confirmed!

"Code-code," bulong niya.

Tahimik. Sabay pa 'ata silang bumuntong-hininga.

" 'Wag ka uling magagalit, Sir, ha?" pauna niya sa lalaking nakaupo pa rin sa swivel chair.

"What—"

Pinutol niya ang sasabihin nito sa mabilis na pagyakap.

"Anne!" saway nito pero hindi naman pumipiksi.

" 'Wag kang malikot. Hindi kita tinatsansingan..."—bumulong siya—"slightly lang."

Tahimik ito. Tinapik-tapik niya ang balikat nito.

"Hindi echos 'to, ha? O kamanyakan." Tumikhim siya bago ituloy ang sasabihin, "Good job sa pagiging gifted child. Okay lang 'yan."

Hindi ito umimik. Isinandig niya ang ulo sa balikat nito at patuloy na tumapik.

Naramdaman niya nang lumunok ito at magbuga ng hangin.

"Thanks... but... I'm okay."

In denial pa! naisip niya bago ito bitawan. "Siyempre naman. Guwapo ka na... gifted child ka pa! E 'di wow, 'di ba?"

Nakangiti siya rito. Hindi naman ito nagsalita.

"Ako'ng bahala sa flash games mo, Sir!"

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Naiilang siguro. Pagkatapos ay tumayo sa swivel chair at—

"I better work."

Tumango siya. Bumalik sa upuan niya.

"Ako rin." Tinanggal niya ang USB hard drive at iniabot dito. "Paintball at Kill the Boss, Sir."

Kinuha nito ang drive sa kamay niya. Kunot ang noo. Parang may ipinag-aalala.

"Don't tell anyone that—"

"Naman suman!" Sumeryoso siya. "A CEO makes sound decisions. Kaya, secret lang natin, Sir."

"Thanks."

At nang papalabas na ito ng pinto ay tinawag niya uli.

"Sir!"

Lumingon si Hunter. Seryoso na uli ang mukha. Halimaw mode.

"May secret na tayong dalawa!" Nilaparan niya ang ngiti at kumindat-kindat. "Level two na 'yan, Sir! Konting push na lang, 'di ba?!"

Ngumisi ito sa kanya at tumalikod. #

Continue Reading

You'll Also Like

330K 5.3K 26
[NO SOFTCOPIES] Sa bawat taon na inilagi ni Ionna sa eskuwela ay walang palya na kaklase niya ang kumag na si Sung Min ang pakialamero, daldalero at...
456K 17.8K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...
2.1M 54.2K 57
To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the idea of love aside. But upon meeting the m...
600K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...