My Ex is My Boardmate

Por AVstories_

8.2K 876 174

Lynsie Jade Villegas x Jearence Louie Sanchez Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 28

92 15 0
Por AVstories_

Pagkatapos matanggap ang tawag kaagad akong dumiretso sa bahay upang asikasuhin ang lahat ng mga ibinilin sa akin. Nariyan ang ilang damit ng kapatid ko at damit ng mga magulang ko balak nilang doon na magpalipas ng gabi para mabantayan ang kapatid ko sa hospital.

"Ate" tawag ng kapatid kong si Ade matapos sunduin sa pinaghabilinang kapitbahay. Namumungay na ang mga mata nito at halatang antok na.

"Bakit? Matulog kana muna sa kwarto natin" sambit ko habang patuloy na nag-aayos ng mga damit nila mama.

"Gutom na ako" hinimas pa nito ang tiyan. Napaupo ako sa kama at napatingin sa kapatid kong bata pa at walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Habag na habag ako sa nangyayari ngayon lalo na sa mga nalaman ko kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ngunit isinantabi ko nalang ang galit na namumuo sa akin sa pagtago ng mga magulang ko sa katotohanan para mas matuunan ng pansin ang isa ko pang kapatid na nasaksak.

"H-halika sa kusina pagluluto ka ni Ate" pigil ang luha dahil mukhang ang paslit ay nakalimutan na rin pakainin at hindi na naalala dahil sa nangyari sa kapatid.

"Wala pa po ba sila mama?" Usisa nito habang nakasunod sa akin sa likuran. Naupo ito sa isa sa mga upuan sa hapag kainan habang ako ay nag-umpisa ng magluto ng ulam.

"Hindi sila makakauwi ngayon eh. Kaya si Ate nalang muna makakasama mo ha? Okay lang ba yon?" Sunod-sunod itong tumango bago inihiga ang ulo sa hapag ng lamesa. Ang mga mata ay nasa akin at ang mga braso ay siyang tinutuunan ng kanyang ulo.

"Nakita ko si Kuya, may mga lalaki na lumapit sakanya" kaagad akong natigilan ng marinig ang sinabi nito "takot na takot ako ate baka bumalik sila. Nagtago ako habang pinapalibutan nila si Kuya" pigil ang luha habang nakatingin sa bata. Lumapit ako rito at naupo sa harapan nito.

"Nakilala mo ba yung mga sumaksak sa kuya mo?" Umiling ito bilang tugon. Ngayon pa lang ay napapansin ko na ang takot na namumuo sa loob nito. Madaldal ang batang ito at walang katahimikan ngunit ngayon ay panay pagtango at iling nalang sa tuwing tinatanong.

"Nakita ko lang po lahat sila may nakadrawing sa leeg" bumugtong-hininga ako. Alam ko naman kung sino ang posibleng nasa likod ng mga ito. Gusto nilang ipaalam sa akin na huwag na akong magpakita pa sa mga Montemayor kung hindi ay papatayin nila ang pamilyang ito. Bumalik ako sa pagluluto at nang matapos ay dagling pinakain ang kapatid, binihisan at pinatulog. Bumangon ako mula sa tabi ni Ade at inihabilin na lamang sa kapit-bahay para maihatid ang mga gamit sa hospital.

"Anak" salubong ni mama. Namumugto ang mga mata. Hindi ko matagalan ang titig. Sinisisi ang sarili kung hindi dahil sa akin ay walang mangyayaring ganito.

"Kailangan masalinan ng dugo ang kapatid mo" sambit ni mama.

"Ako nalang po ma" kahit alam ko naman na hindi kami magkadugo iyon ay gusto kong makumpirma mula sakanila. Sunod-sunod na umiling si mama.

"Nandon na ang iyong ama" iniabot ko ang bag na naglalaman ng mga gamit at naupo sa isa sa mga upuan na naroon sa pasilyo. Hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pera pangbayad dito. Hindi ko alam kung sino pang pwede kong malapitan gayong kasasabi ko lang sa mga kaibigan ko na huwag muna akong lalapitan.

"Kailangan magbayad ang mga gumawa nito" sambit ko.

"Hindi na kailangan ang mahalaga ay maligtas ang kapatid mo"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ma?" Naiinis dahil parang binabalewala nalang nito ang nangyari.

"Anak hindi natin alam kung ano pa ba ang pwede nilang gawin mamaya balikan pa nila tayo kapag nagsumbong tayo sa mga pulis"

"Bakit ma? Bakit natatakot ka sakanila? Kilala mo ba sila?" Natigilan ito at hindi makatingin sa akin.

"H-hindi"

"Ayon naman pala ma, kailangan natin sila ipahuli"

"Hindi mo naiintindihan!" Galit na nitong sambit "kapag sinabi kong hindi, Hindi na natin sila ipapahuli!" Napaatras ako sa bahagyang pagtaas ng boses nito. Tinitimpi ko ang galit at baka mapasigaw nalang din ako.

Ilang linggo ang lumipas bago tuluyan na gumaling ang kapatid ko at makalabas ng hospital, kalahati lang ang nabayaran namin sa hospital galing sa mga nahiramang kakilala at hanggang ngayon wala pa rin balita sa mga gumawa nito sakanya. Hindi pa rin namin napag-uusapan ang mga nalaman ko mula kina Jearence.

Sa loob ng limag taon naniwala ako na sila ang pamilya ko. Buong buhay ko ang itinago nila sa akin. Pinahid ko ang luha ko. Katabi ko ang bunsong si Ade. Napakabigat sa loob ang magkimkim ng galit na gusto mong ilabas pero wala kang mapagsabihan. Iyong mga tinuring mo pang kaibigan ay hindi mo alam kung totoo pa ba saiyo, yung lalaking mahal na mahal mo ay may tinatago rin at ang pamilya mo na siyang dapat masasandalan mo ay wala rin. I am with everyone but I feel like I am alone.

"Ate"

"Hmm?" Dali-dali kong pinahid ang luha ng tumawag ang kapatid.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Tinuring ka namin totoong pamilya" natigilan ako at napatingin sa kapatid pikit ngunit nagsasalita. Sinuri ko kung totoo bang tulog ito pero gumalaw ito at tumalikod.

Kinabukasan nag-asikaso ako ng mga kailangan para maidraft na ang lahat ng enrolled subjects ko. Kailangan kong tapusin ang lahat ng ito. Kailangan kong harapin ang mga problemang ito. Pumunta ako sa school at dumiretso sa registrar para ipasa ang draft form ko. Nakalagay roon na financial ang problema kung kaya't hindi na ako makakapasok may katotohanan ngunit hindi iyon ang pinakarason ng pagtigil ko.

"May scholarship program naman dito hindi ka ba nasama don? Kaya kong gawan ito iha ng paraan. Sayang naman at iisang taon pa ay makakapagtapos kana" tipid akong ngumiti sa taong naroon sa registrar at umiling.

"Maraming salamat po pero kailangan ko po muna talaga na magtrabaho para makatulong sa pamilya"

"O siya sige pero sana bumalik ka rito para makapagtapos, aba! ay ang tataas ng grado mo" ngumiti nalang ako at nagpasalamat bago umalis. Pinili kong dumaan sa may hallway ng administration office para hindi na makasalubong pa sina Jearence pero sa dulo ng hallway ay naroon ang isang chapel kaya pumasok ako roon para saglit na manalangin.

Ilang minuto akong nakatingin sa poon at humihingi ng kapatawaran sa lahat ng aking mga kasalanan.

"Babe" his voice make me stopped from walking. I miss his voice I miss him but this is not the right time to cuddle with him, to back in his arms. Tahimik ko siyang hinarap. Mapupungay ang mga mata nito na animo'y kulang sa tulog. Ang makinis na mukha ay nagkaron ng markang itim sa ilalim ng mga mata. He's sleepless.

"Let's talk please" tumango ako rito.

"Field" tugon ko at nauna nang maglakad patungo sa soccer field sa likod.

"Babe please. Huwag ganito, mag-usap naman tayo ayusin natin to" panguna nito "huwag mo naman akong iwasan. I really miss you please bumalik kana sa bahay"

"I am not going back to your house"

"It's our babe, not only mine but it's our house" sinubukan nitong hawakan ang kamay ko at napunta ron ang tingin ko.

"Let's end this" natigilan ito "Pagod na ko. Pamilya, kaibigan, ikaw. Ni-wala man lang sainyo nagtanong kung okay lang ba ako? Kung anong nararamdaman ko matapos niyo itago sa akin lahat. Jearence napakabigat" pinigilan kong huwag maiyak at sinubukan tapusin na ito "Please all I want is time. Let me think, let me rest, I'm just so fuck up and tired right now"

"But I can help you we can go to--"

"Without you" inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. "Please"

"Alright" sinubukan kong tignan siya sa mga mata. Pagod at sakit lang ang nakikita ko. "I'll give you time"

"Let's end this"

"Sure" natigilan ako sa ganun kadali nitong sinambit. Balewala nalang ba talaga to sakanya? Bakit ako nasasaktan? Diba ginusto mo to Jade? Tumalikod ako at unti-unti nang naglakad palayo.

"But after all of this you're going back to me and I don't take a no for an answer" muli akong humarap pero likuran niya na ang nakaharap sa akin. Naglalakad na ito palayo. Seryoso ba siya?

Naglakad na ako para makahanap ng masasakyan pauwi pero sa pangangatal ng kamay ko isang papel ang nahulog mula sa pitaka ko. Address ng hospital? Teka ito yung sinabi nung matanda na puntahan ko.

"Manong pabalik naman po dito" ipinakita ko ang address sa driver at dagli itong nag-U turn. Sinabi ng matanda na kung gusto kong malaman ang totoo puntahan ko raw ang hospital na to at hanapin ang doctor na sinabi niya pero dahil abala ay nalimutan ng gawin ang sinabi nito.

"Dra. Reyes"

"Oh. Ms. Montemayor"

"Kilala niyo ako?"

"I'm sorry iha. Let's talk to my office" naglakad ito at sumunod naman ako binilinan pa nito ang isang nurse na kung sakaling may maghanap sakanya ay huwag na munang papapasukin.

"Ms. Montemayor" inilahad nito ang kamay para paupuin ako sa visitor's seat.

"How did you know that I am a Montemayor?"

"Unfortunately I am the Montemayor's Family Doctor. Ako rin ang inutusan na mag-asikaso sayo noon naaksidente ka" may hinanap itong folder sa isang lagayan niya malapit sa kinauupuan nito.

"Naaksidente?"

"Yes iha, nagkaroon ka ng major brain damage na nagdala sayo sa isang kondisyon. Nagkaroon ka ng amnesia at nang magising ay wala kang maaalala kung ano ba ang nangyari sayo" ipinakita nito ang mga dokumento na nagpapatunay ng nangyari sa akin noon. Mga medical result.

Teka? Panong Family Doctor ng Montemayor? Wala naman nakakaalam sa mga Montemayor na ako ang nawawalang Montemayor nung oras na maaksidente ako? Ipapakilala pa nga lang ako non.

"Sinong nag-utos sayo?" Nagbaba ito ng tingin.

"Pasensya na hanggang sa naging kundisyon mo lang noon ang maaari kong sabihin. Sa ngayon, mukhang naaalala mo na ang ilan sa mga nangyari, tama ba?" Marahan akong tumango at sinuri ito.

"Papaano ako napunta sa mga Villegas?"

"Napag-utusan lang kami na ang mga Villegas ang ipakilala sayong pamilya"

Kami?

"Minabuti namin na sakanila ka na muna para na rin sa sarili mong kaligtasan"

Marami pang binanggit ang doctor sa kung paano ako himalang nagising noon mula sa isang aksidente. Tahimik akong naglakad palabas ng hospital ng may mabangga akong nakasuit na isang nurse tanging mata lang ang nakikita rito.

"Pasensya na" sambit ko rito pero hindi natanggal ang tingin ko sa mga mata nito. His eyes was familiar to me. I don't know where I saw it. Balak ko sanang tangunin ngunit nawala na sa harapan ko iyong nurse. Nurse nga ba?

Nadatnan ko ang bunsong kapatid na naglalaro sa malawak namin harapan.

"Ade nasan sila mama at papa?" Tumayo ito para humarap sa akin.

"Naghahanap daw po ng pambayad ng utang sa hospital" natigilan ako. Saan naman sila kukuha ng pangbayad kung ganon?

"Ate?" Pagtawag naman ng kapatid kong lalaki mula sa loob ng bahay.

"Okay ka na ba?" Sinuri ko ito habang nakatayo sa labas ng bahay katabi ang bunso na nakatingin na rin sakanyang kuya.

"Okay lang ako Ate gusto sana kita makausap" pumasok kaming dalawa ng bunsong kapatid sa loob ng bahay.

"Tungkol saan?"

"Ate, hindi mo naman kami iiwan diba?" Tumingin ito ng naluluha sa mga mata ko ganun rin ang isang kapatid. Nagtataka man ay mukhang may alam ang dalawang kapatid. Ganun pa man imbis na mainis na tinago nila sa akin ang totoo dahan-dahan akong lumapit upang yakapin sila. Sa ngayon hindi ko alam kung maipapangako ko bang hindi ako aalis pero hindi ako makakapayag na may nagpapakasarap at nagpapakasaya sa buhay na hindi naman para sakanila habang ako narito at miserable.

"Syempre hindi, san ba ako pupunta?" Lumunok ito bago nagpatuloy sa pagsasalita.

Dumating ang mga magulang namin na nagmamadali at aligaga, kaagad pumasok ang mga ito sa loob ng kwarto at naglagay ng mga damit sa isang bag.

"Ma?" Tawag ko nagtataka sa mga damit na isa-isa nilang nilalagay sa isang bag. Nang makalapit sakanila don ko lang napagtanto na puro damit ko ang nakaimpake.

"Anong ginagawa niyo sa mga gamit ko?"

"Pasensya kana anak pero tumawag ang Tita mo gusto niyang don kana muna sakanila sa probinsya ng tatay mo"

Natigilan ako matapos marinig ang sinabi nito. Gusto kong lumayo pero hindi sa ganitong paraan.

"Pero anong gagawin ko don ma!" Naiinis dahil alam ko naman ang totoong dahilan kung bakit nila ako gustong ilayo.

"Ah.." Pinahid nito ang luha na nalaglag sa pisngi "anak makinig ka, hindi natin alam kung anong balak ng mga may gawa non sa kapatid mo--"

"Pero bakit ako ang nilalayo niyo? hindi ba't dapat lahat tayo? Bakit ako lang?"

"Ikaw ang target nila nang araw na iyon" hinawakan ako nito sa braso "papatayin ka nila anak" kaagad akong nakaramdam ng takot matapos marinig ang lahat. "Papatayin ka nila kapag hindi ka pa namin naialis dito"

"Sino ma?"

"Anak hindi ito ang panahon para magtanungan tayo"

"Sabi ko sino ma?!" Nagagalit ko nang usal. Ayoko man ay hindi ko na napigilan pa ang sarili na sumigaw.

"Ang mga Montemayor" I laughed sarcastically.

"Sige aalis ako" natigilan ang mga ito sa pag-iimpake at napatingin sa akin "pero sa isang kondisyon"

"Hindi sa kahit kanino ako pupunta. Ako ang magdedesisyon kung saan ko gusto pumunta"

"Pero anak--"

"Ma! Alam ko na! Alam ko na lahat kung bakit kailangan niyo kong paalisin sa pamamahay na to!"

"Ano bang sinasabi mo anak?" Nagkatinginan sila ni Papa pagkatapos ay sa mga kapatid ko naman ito bumaling, pinalabas ang dalawa.

"Sige na don na muna kayo sa kabilang kwarto" nang makalabas saka ito muling bumaling sa akin.

"Anak delikado ka rito at tamang tama naman na kailangan ka ng Tita mo sakanila kaya ka namin gustong papuntahin doon. Malaki ang utang na loob namin ng tatay mo sakanila kaya siguradong maaalagaan ka roon" paliwanag pa nito.

"Talaga ba ma?"

"Ano ba-- ano bang nangyayari sayo?" Tahimik lang si papa sa tabi nito.

"Alam ko na ma. Alam ko na hindi niyo ako anak" parehong natigilan ang dalawa sa harap ko.

"Kanino mo nalaman yan?"

"So, totoo?" Ang pinipigilang luha ay tuluyan ng pumatak sa magkabilang pisngi "totoo? Pero tinago niyo sa akin?"

"Anak h-hindi"

"Tama na ma! Alam ko dahil sinabi na sa akin ni Xei at Jearence. Montemayor si Xei at Montemayor rin ako"

"Hindi totoo yan!" Sambit ni papa.

"Pa, tama na. Sabihin niyo nalang sa akin yung totoo. Nasan ang kwintas ko?" Nagkatinginan nanaman sila ni Papa.

Iyon ang magpapatunay na isa akong Montemayor.

"Nasaan ma?!"

"At anong gagawin mo roon?"

"Ipapakita ko kay Don Montemayor para malaman niya na ako ang totoo niyang anak, hindi ang Cassie na yon"

"Bakit? Ayaw mo na ba sa amin? Dahil ba mahirap kami?" Naiiyak ng sambit ni mama "Anak hindi ka nanggaling sa akin pero minahal at tinuring ka namin parang tunay namin anak"

"That is not my point here ma! Alam mong may nagpapakasasa sa pera na hindi naman para sakanya!" Bulyaw ko "asan ang kwintas ma? Parang awa niyo na. Alam kong tinago niyo yon"

"Oo itinago namin" nagkaroon ako ng konting pag-asa ng malaman na tinago nila pero kaagad din nawala ng malaman kung anong nangyari sa kwintas.

"H-hindi namin alam na holdaper pala sila. Hinihingi nila sa amin iyon kwintas kaya wala kaming nagawa ng papa mo kung hindi ang ibigay" pagpapaliwanag nito sa nangyari kanina. Naholdap daw sila at hinihingi iyong kwintas na nasa kamay ni Mama na balak nitong isangla para may pangbayad sa balanse sa hospital. Napaupo ako sa kama at hindi na napigilan pa ang mapahagulhol. Tumabi sa akin si mama at nag-iiyak na rin si papa naman ay inalo ako sa likod.

Matapos ng nangyaring pag-uusap maayos na nagpaalaman ang isa't-isa para matulog. Hindi na mawawala ang bigat sa loob ko sa nangyari sa mga nagdaang araw. Magbabayad ang lahat ng may kasalanan nito. Pinahid ko ang luha at isa-isa tinignan ang kinamulatan kong pamilya. Mahal ko kayo at hindi ang estado niyo sa buhay ang magiging dahilan ng pag-alis ko. Nagpapasalamat ako na kahit hindi nila ako totoong anak tinuring pa rin nila akong totoong pamilya. Ipinatong ko ang iniwang sulat sa ibabaw ng lamesa ng hapag-kainan matapos isa-isang silipin ang pamilya. Kinuha ko ang bag na siyang inampake nila kanina. Balak nila akong ipadala sa Davao bukas pero uunahan ko na sila. Hindi ako sa Davao pupunta kung hindi sa taong nagturo sa akin kung paano maging matapang.

"Master"

"Kay aga mo naman abala iha. Kumain ka na ba?" Salubong nito habang papalapit ako sa pinto ng bahay. Hindi ko alam kung sa paanong maaga ba ang sinasabi nito gayong gabi pa naman.

"Kailangan ko ulit magsanay"

"Mahusay na iyan ang naisip mo"

"Gusto kong maalala ang bawat turo niyo sa akin noon"

"Kung ganon antayin mo akong matapos kumain" hindi ko alam kung sa paanong paraan ba dapat pakisamahan ang matandang ito pero iginalang ko siya na para bang lolo ko.

Mangha kong pinanuod ang matanda sa kung paano pa ba to nabubuhay mag-isa sa ganung kalagayan. Ngayon lamang ako nakakita ng matandang bulag na nagluluto pa.

"Naalaman mo na ba ang lahat?"

"Opo, umalis ako sa amin dahil may mga humahabol sa akin at balak akong patayin"

"Hmm, kung ganon alam mo na rin pala kung paano ka napunta sa mga Villegas?" Bahagya akong natigilan may alam ako pero hindi ko sigurado kung lahat na nga ba iyon.

"Ang sabi ni Dra. Reyes ay siya raw ang gumamot at nagpakilala sa akin sa mga Villegas"

"Totoo naman"

"Pero nagtataka ako kung paano niya nalaman na Montemayor ako gayun wala pang nakakaalam na ako ang ipapakilalang Montemayor ng gabing iyon"

"Ako ang nagdala saiyo sa hospital iha" naupo ito sa lamesa at nangangapang naghanap ng pinggan doon. Pinanuod ko lang ito sa mga kilos niya. "Naaksidente ka nang gabing iyon inihabilin na lamang kita sakanya hindi ko naman alam na nagkaroon ng epekto sa utak ang nangyari saiyong aksidente kung kaya't kinausap ko si Dra. Reyes na itago sayo ang katotohanan at ipakilala ka bilang pamilya ng mga Villegas"

"Alam niyo na noon na isa akong Montemayor?"

"You can say that"

"Pero bakit hindi niyo sinabi kaagad sa akin? Bakit hindi niyo ko hinanap at ipinakilalang anak ni Don Montemayor"

"Binayaran kami para manahimik" tahimik ko siyang binalingan, binayaran siya? Kasama ba si Dra. Reyes? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"At ngayon? Bakit ninyo sinasabi sa akin ito?"

"Binayaran kaming manahimik noon kapalit iyon ng kaligtasan mo iha. Huwag mo sanang masamain. Hindi ko rin tinanggap ang pera dahil alam kong wala naman akong naitulong bukod sa ang itago ka. Masyadong mapanganib noon" naguguluhan ko siyang tinignan binayaran sila para manahimik pero kapalit ng kaligtasan ko? Kung ganon hindi sila Cassie ang nagbayad sakanila ganun ba? Dahil mas gugustuhin naman non na mamatay ako kaysa ang maligtas. Naguguluhan akong naupo at hindi alam kung sa papaanong paraan ko ba maaalala ang lahat.

"Siya nga pala maliit ang kubo na ito para sa atin dalawa. May isa pang kubo roon" turo nito sa kaliwang parte. Tanaw mula sa nakabukas na bintana ang isang maliit na kubo. Ngayon ko lang iyon napansin. Noong unang punta ko rito ay hindi ko gaano nabigyan ng pansin ang isang kubo na nakakubli sa malaking puno.

Ilang araw ang lumipas bago namin napagkasunduan na umpisahan na ang pagsasanay. Iyong paggamit ng arnis ang naaalala kong naging koneksyon ko sakanya.

Nagsimula kami sa paggamit ng arnis. Itinuro nito sa akin ang parte ng katawan na sa isang hampas ay maaring makamatay kung kaya't dapat maging maingat. Turo nito'y lumaban ngunit hindi ang pumatay.

Naaalala ko ang ilan kong natutunan sa arnis sa subject namin sa school nakuha pa ko para magdemo sa mga kaklase ko gayong hindi ko naman alam ang lahat ng tama at dapat sa paggamit nuon.

Ilang linggo kaming nag-ensayo para maging mahusay muli sa paggamit ng arnis. Tamang paghampas, kumpas at pagsangga na naging dahilan ng ilang beses na pagkabali ng kawayan na siyang ginagamit ko.

Sa bawat sakit, pagod at hirap ay isinasaisip ko na lamang kung bakit ko nga ba ginagawa ito. Iyon ay gusto kong maprotektahan ang pamilyang kumupkop sa akin sa loob ng limang taon. Sa bawat paglipas ng araw ay unti-unting humuhupa ang naipong galit at napapalitan ng pang-unawa kung bakit nga ba nila iyon nagawa.

Sa palagay ko sa mga araw na ito ay nasa Davao na sila. Iyon ang hiniling ko bukod sa huwag na akong hanapin pa. Hindi lang ako ang kailangan lumayo dahil sa oras na malaman ng mga Montemayor kung nasaan ako ay ipapapatay kaagad ako ng mga ito.

"Marami ka pang kahoy at kawayan na mababali" sambit nito. Nakakamangha na sa bawat araw na pagtuturo nito para bang wala sa edad ang pagiging mabilis at matalino nito sa bawat kilos.

Hindi naging madali ang pagsasanay dahil kapalit ng bawat kaalaman ay ang bawat sakit na natamo ko sa bawat hampas na hindi ko nasangga. Katwiran nito'y hindi maaawa sa akin ang kalaban at lalong hindi ako makakahiling ng pahinga sa oras na may mangyari.

"Makinig kang mabuti hindi lang paggamit ng arnis ang dapat mong matutunan"

"Kung di na rin ang talas ng isip, pang-amoy at pangdinig" dagdag ko. Iyon ang turo niya na isa sa mga naging panaginip ko akala ko isa lamang iyon basta panaginip. Pipiringan ako nito para daw masuri niya ang talas ng pakiramdam ko. Hindi ko maalalang nagkaron ako ng ganitong pagsasanay. Hindi ko alam kung para saan nga ba ang ginagawa ko. Basta ang alam ko ito ang tama. Ito ang dapat kong gawin.

"Kailangan mong mahampas gamit ang arnis na yan ang mga latang nakasabit, nakita mo naman kanina hindi ba?" Napaatras ako ng isang hakbang papaanong matatamaan ang bagay na nasa hangin lamang? Hindi ko iyon mararamdaman.

"P-pero hindi ko mararamdaman iyon"

"Kaya nga iyon ang hahasain natin. Hala itali mo na ang piring"

Sinimulan ko nang itali ang piring at hawakan muli ang kahoy na siyang nakasandal sa aking mga hita. Madilim dahil sa piring tanging huni ng ibon lang ang naririnig ko. Nagsimula akong maglakad at mangapa. Ang naalala ko lang bago ako magpiring ay iyong malaking ugat ng puno na siyang pinagsasabitan ng isa sa mga lata.

Palaging ganito ang itinuturo sa aking pagsasanay. Iyong nasa isang parte kami ng kagubatan at nakapiring akong naghahampas sa hangin hindi malaman kung ano o sino na ba ang natamaan.

Papaanong ang pagiging boardmate ni Jearence ay napunta sa ganitong pag-eensayo. Gulong-gulo ako sa buhay ko dahil hanggang ngayon iilan pa lang ang naaalala ko sa aking mga nakaraan.

Nakarinig ako ng isang huni ng uwak at kaluskos ng mga damo nasisiguro kong isa nanaman sa mabangis na hayop sa kagubatan. Tahimik lang akong nakikiramdam sa paligid. Ang sabi ng matanda ay lata ang patatamaan hindi naman ako naging handa na makaharap ang mga mababangis na hayop. Mahigpit kong kinapitan ang kahoy na panghampas. Pinaghalong takot at kaba naman ang nararamdaman tatanggalin ko na sana ang piring ngunit ang matanda'y nagsalita.

"Huwag mong tanggalin" palahaw nito, napakahusay naman bulag nito at hindi naman masyadong matunog ang pag-aalis ko ng piring pero nalaman pa rin, medyo nakampante naman na ako at naisip na baka siya lang iyong kaluskos na naririnig ko.

Isang hampas sa hangin ang narinig ko kaya't humampas ako sa kaliwa papunta sa kanan. Napangiti ako ng tumunog ang pagbagsak ng lata sa lupa

1 down.

Iginalaw ko ang paa ko paatras at nagsimulang paganahin ang pandinig. Dapat pala ay naglinis ako ng tainga. Nakakahiyang mas bata ako kay Tanda ngunit mas malakas ang pandinig nito.

Naalala kong ako ang nagtali ng mga lata sa puno pero hindi ko yon maaalala kung nakapiring naman ako. Nagpatuloy na lamang ako sa pangangapa at paghampas sa tuwing may humahampas sa harapan, likuran o tagiliran ko.

Nakailan na ako at bilang ko'y nahampas ko na lahat ng naisabit kong lata pero hanggang ngayon wala pa rin si Tanda. Hindi ba dapat ay sabihin na nito na tapos na. Ts. Bulag iyon Jade pano non malalaman na ubos na. Halos mahampas ko ang noo ko nang maalala iyon. Tatanggalin ko na sana ang piring ng may maramdaman pa ako sa likod kaya dahan-dahan akong humarap. Bakit ganun? Gumagapang ba ang lata? Pakiramdam ko'y nasa paanan ko ito at gumagapang. Tinanggal ko ang piring at inantay na mag-adjust ang paningin napaatras naman ako ng mapansin ang isang may katabaang ahas na siyang nasa harapan ko.

"Putik" nasambit ko sa gulat. Kaagad kong kinuha ang kahoy at dahan-dahan sa pagkilos paatras. Lintek. Pakiramdam ko'y putlang-putla na ako sa takot na matuklaw. Ang ahas ay nakaharap na sa gawi ko at lumalabas na ang dila. Sinubukan kong tumakbo pero ng lingunin ko'y nakasunod pa ito sa akin. Natapilok ako sa isa sa mga ugat na naging dahilan ng pagkakaupo ko sa lupa. Shit! Nabalian pa ata. Kaagad akong tumayo ngunit ang ahas ay nasa harap ko na. Hindi alam ang gagawin dahil ang katawan ay naestatwa na. Nagulat nalang ako ng may lumipad na dagger sa ulo ng ahas lumikot pa ito pero maya-maya'y wala na rin buhay. Dahan-dahan akong tumayo para magpasalamat kay tanda ngunit walang kahit sino roon. Binunot ko ang dagger mula sa ulo ng ahas.

Isang salita lamang ang nakaukit sa talim ng dagger ngunit nagdala ng kilabot sa akin.

"Montemayor"

-
Itutuloy...

Continuar a ler

Também vai Gostar

7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2M 78K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...