Chapter 29

101 11 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at halos hindi na ako makatayo dahil sa pag-eensayo ang bigat ng pakiramdam ko at para akong magkakasakit. Pano'y kahit naulan ay tuloy ang pag-eensayo katwiran ng matanda ay hindi naman daw sa lahat ng oras ay tila kaya hindi rin daw sa lahat ng pangyayari ay hindi sasagabal ang ulan. Dahan-dahan akong bumangon kahit mabigat sa pakiramdam.

Tumigil ako ng mapansin ang dagger na siyang itinabi ko pansamantala. Nakaukit doon ang apelido ng pamilya na siyang dapat kinikilala ko. Noong araw na makuha ko ang dagger na to kaagad akong umuwi rito ngunit naabutan ko ang matanda na abala sa pagkain kaya't naisip ko na imposible naman ata na mula sa malayong bahagi ng gubat ay makabalik kaagad siya rito kung siya man ang naghagis ng dagger ngunit nang lumingon naman ako ng mga oras na naihagis ang dagger ay wala roon na kahit sino o baka naman inakala ko lang na wala dahil sa takot?

Kung ganuon ay hindi pa rin ako handang harapin ang mga Montemayor? Pero hindi maaari na manatili na lamang na ganito. Paano ko maipagtatanggol ang kinilalang pamilya kung pati ako ay natatakot sakanila? Bugtong-hininga akong nakatayo. Ilang araw nang patay ang cellphone ko. Tinanggal ko naman iyong sim para hindi na nila ako makontact. Panigurado kasi na kahit hindi ako magtext ay malalaman nila kung nasan ako sa oras na malaman nila Jearence na hindi ako kasama nila Mama na umuwi sa Davao.

Bakit nga ba Montemayor ang humahabol sa akin kung ang totoong pamilya ko ay sila? Hindi kaya hinahabol lang nila ako para pabalikin? O hinahabol talaga nila ko para patayin? Hindi ko maintindihan.

Naglakad na ako palabas ng bahay at ang sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Feeling ko ang tagal ko ng hindi gumigising ng walang kailangan gawin.

"Ano pang ginagawa mo riyan? Hindi ba dapat ay nag eensayo ka na?"

Napakamot ako sa ulo matapos marinig ang himutok ng matanda. Minsan naiisip ko rin kung ganito ba ako naghirap sa pag eensayo nuon at kung talaga bang iginalang ko ang matandang to na nasa harap ko. Pulos reklamo kasi ito kapag hindi ko nagagawa ng tama ang pag eensayong pinapagawa nito. Madalas kasi iyong paghahabulan namin sa gubat ng sipa at hampas. Ang sakit tuloy sa katawan akala mo naman humahampas lang siya sa puno ng kahoy. Tao din naman kaya ko.

"Masama pakiramdam ko" saka tinatamad na rin ako.

"Hmm" pagka naman ganyan siya palaging may kasunod na hampas pero sa ngayon bumait ata si tanda. Siguro dala na rin ng kasamaan ng pakiramdam ko.

"Kung ganon hindi pala kita mauutusan mamili" natigilan ako. Ang tagal ko na kasing hindi nakakababa ng bundok. Panay ensayo lang ang inaatupag ko rito dahil bukod sa walang internet eh wala rin naman telebisyon dito na pwedeng panuoran.

"Mamimili?"

"Oo, wala na tayong imbak na pagkain. Naubos mo na"

"Haluh. Ako lang?" If I know mas malakas siyang kumain. Kung minsan nga nakakalimutan kong matanda siya dahil mabilis pa rin siyang kumilos para bang walang nagbago sa kakayahan niya kahit tumanda na siya.

Tumalikod na ito at pumasok muli sa bahay niya ilang saglit lang ay lumabas ulit ito na may hawak na pera. San niya naman kaya nakuha ito? Wala naman siyang trabaho.

"Antayin mo na lamang ako rito"

"Ha? Maiiwan ako?"

"Masama kamo pakiramdam mo? "

"Oo pero gusto kong sumama"

"Kung sasama ka. Ikaw nalang mamili para ako ang maiwan dito sa bahay"

My Ex is My BoardmateWhere stories live. Discover now