ENCANTADIA Season 2 - The Win...

By BenificentGirl

29.9K 1.3K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... More

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
PART VIII | Trahedyang Naganap
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso

896 29 267
By BenificentGirl

Amihan: Sandali lamang, napansin kong kulang kayo. Nasaan ang inyong hadia? Nasaan si Cassandra?

Agad namang tumahimik ang tatlo at biglang nanamlay ang mga mukha sa itinanong ni Amihan. Nagtaka si Amihan kung bakit hindi nagsasalita ang tatlo.

Amihan: Bakit kayo natahimik mga Sang'gre, may masama ba sa aking itinanong?

Muros:*sigh* Agape Ave mahal na Hara Duri-e, ngunit ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na wala rito si Cassandra.*frowns*

Amihan: Wala sya rito sa Lireo? Ngunit nasan sya?*stops a bit* Kasama ba ni... ni Ybrahim si Cassandra sa Sapiro?

Aquil: Wala sa Encantadia si Cassandra Sang'gre Amihan.

Amihan:*confused* Wala sa Encantadia?

Aquil:*sigh* Dinakip ni Casilda si Cassandra Sang'gre Amihan kaya maya-maya ay maghahanda na ang lahat sa pagpupulong upang mailigtas si Cassandra laban sa kakambal ng Bathaluman.

Bigla namang nagulat si Amihan dahil hindi nya akalaing nasa panganib pala ang kanyang apo at bihag pa ng masamang kakambal ng mabuting Bathaluman.

Amihan:*shocked* Ano?! Papaano nangyari iyon?

Aquil: Mahabang salaysayin Sang'gre Amihan, at halos matagal na ring naganap ang pagdukot ni Casilda kay Cassandra.

Amihan: Matagal na? Ngunit bakit hindi ito nasolusyunan agad?

Nang sinabi iyon ni Amihan ay biglang sumulpot sa kung saan ang boses ni Ybrahim kaya lahat ng nandodoon ay napatingin sa kanya habang palapit sa bulwagan na sobrang seryoso ng kanyang mukha.

Ybrahim:*walks towards them* Hindi iyon ganon kadali Amihan, sapagkat wala sa Encantadia ang pinagtataguan ni Casilda kaya hindi namin malaman kung nasaan sa ating mundo sya nagtatago. Maging ako rin naman ay gusto ko ng makasama si Cassandra at tiyak akong pinahihirapan sya doon ni Casilda.

Agad na napayuko si Amihan pagkatapos magsalita ni Ybrahim dahil hindi nya matagalan ng tingin ang Rama ng Sapiro sapagkat sa tuwing nakikita nya ang mukha nito ay umaalingawngaw lang ang tinig ng Rama sa kanyang isipan na sinasabi ang masasakit na salitang natanggap nya mula sa kanyang mahal na Rama.

Amihan:*looking down* Kung ganon ay sasama kami sa inyong gaganaping pagpupulong mamaya. Hayaan nyo, gagawan natin ng paraan ngayon ng sa ganon ay mailigtas na natin si Cassandra mula sa kamay ni Casilda. Hindi ako papayag na hindi na natin sya mabawi pa.

Ybrahim: Pagdating ng iyong mga kapatid ay sisimulan na namin ang pagpupulong upang pagplanuhan na ang gagawing paghahanda.*said coldly*

Pagkatapos sabihin ni Ybrahim iyon kay Amihan ay napatingin sya kay Lira na nakahawak sa braso ng kanyang ina at masamang tinitingnan lamang ang kanyang amang kinakausap si Amihan na para bang wala syang ginawa ritong masama. Lumapit si Ybrahim sa kanyang anak at hinaplos ang likod nito, dahil ng makita ni Lira na papunta ang kanyang ama sa kanyang direksyon ay agad nya itong tinalikuran at inisnob. Kahit ganon, sinubukan pa rin ni Ybrahim na kausapin ang kanyang anak kahit na alam yang nagtatampo ito sa kanya.

Ybrahim: Lira anak, maaari ka bang makausap ng iyong ama kahit saglit lamang?

Lira:*did not face Ybrahim while talking**cross her arms* Pano pag ayaw ko?

Ybrahim: Lira, alam kong galit ka sa akin ngunit nais lamang kitang makausap saglit ng sa ganon ay makapagpaliwanag ako nang maayos sa iyo. Bigyan mo sana ng pagkakataon ng iyong ama.

Amihan:*touches Lira's shoulders* Lira, sige na pagbigyan mo na ang iyong ama ayos lamang ako.

Lira:*lowers her voice* Eh inay diba nga galit ako sa kanya? May galit bang nakikipag-usap?

Amihan: Meron.

Lira: Ang galeng, ginagaya nyo na po yung pagiging dakilang pilosopo ng taon ko po eh.*scratches her head* Pero nay seryoso po kasi, ayoko po talaga makipag small talk jan sa tatay kong manghohopia slash paasa. FO kami, okay? Hindi ko po talaga kaya.

Amihan: Anak kahit saglit lang, pagbigyan mo na sana ang iyong ama nais nya lang naman magpaliwanag sa iyo hindi ba? Isipin mo na lamang na makabubuti ito para sa iyo, at para na rin sa akin.*holds Lira's face*

Lira:*sigh* Sige na nga po, parang di naman po ako mananalo sa inyo. Basta gagawin ko po ito para sa inyo, malakas po kasi kayo sa akin eh.

Bago ang lahat inayos-ayos muna ni Lira ang kanyang damit tsaka hinarap si Ybrahim habang nakatingin lamang ito sa sahig na iniiwasan ang mga mata ni Ybrahim.

Ybrahim:*smiles**looks at Lira* Avisala Eshma naman at pinagbigyan mo ang aking kahilingang makausap ka, Lira.

Lira:*still looking down* Ginawa ko lang po ito kasi pinilit ako ni inay at hindi ko po sya matitiis at sasaktan. Ano po bang pag-uusapan natin nang matapos na po ito. Gusto ko na po kasing magpahinga eh.*coldly said*

Ybrahim:*glanced at Amihan, starrang at them then looks again to Lira**sigh* Nais ko lamang mayakap ka anak sapagkat nangulila ako sa iyo't nag-alala.

Lira:*sneers then murmurs* Marunong rin pala tong mag-alala yung etchoserang chararat na to, pero parang kanina nung kay nanay di sya nag-alala nung sinaktan nya yung heart and soul ng mother dearest ko.

Ybrahim: May sinasabi ka ba anak?

Lira:*looks at Ybrahim* Wala po, ang sabi ko lang po pwede nyo lang po ko yakapin saglit.

Ybrahim:*smiles* Avisala Eshma Lira.

Lumapit na sya kay Lira at agad nya itog niyakap, subalit hindi niyakap pabalik ni Lira ang kanyang ama at wala lamang itong imik sa kanya. Maya-maya ay si Lira na rin ang pumutol ng kanilang pagyayakapan sapagkat hindi na nya kayang itago ang pagka-inis nya kay Ybrahim, nagtitimpi lamang ito pagkat tama at naniniwala sya sa sinabi sa kanya ni Amihan, at alam nyang dapat nya pa rin itong igalang sapagkat ama nya pa rin iyon.

Lira:*cuts their hug* Tay okay na po, nainitan na po kasi ako eh.

Ybrahim: Agape Ave, Lira. Ngunit salamat dahil pinagbigyan mo na ang aking kahilingan sa iyo. Poltre kung may nagawa man akong hindi kaya-aya sa iyong paningin.

Lira:*looks at Ybrahim* Teka bakit po sakin kayo nagsosorry? Eh diba po kay inay kayo may atraso kung bakit sya heartbroken ngayon, bakit hindi ka po sa kanya magsorry?

Ybrahim:*understands what Lira said**looks down*

Lira: Sige na po tay, kung gusto nyong mabawasan po yung galit ko sa inyo mag sorry kayo kay inay. Baka pag nagawa nyong mag sorry sa kanya eh mapatawad ko papo kayo ng slight.

Hindi kaagad naka-imik si Ybrahim sa sinabi ni Lira sa kanya. Naisip nya rin ang ginawa nya kanina kaya nakonsensya rin sya na nasaktan nya si Amihan ngunit hindi nya naman intensyong gawin iyon. Naisip nyang napakatigas nya naman kung hindi nya pagbibigyan ang mumunting kahilingan ng kanyang anak, tutal kasalanan nya naman kung bakit galit sa kanya ang kanyang anak.

Ybrahim:*clears throat**slowly looks at Amihan standing at the back of her daughter* Poltre kung napag-salitaan kita ng hindi maganda kanina Amihan, hindi ko sinasadyang masaktan ka ng ganon.*coldly said*

Nang marinig ni Lira ang malamig na paghingi ng paumanhin ng kanyang ama ay nakigulo sya at pumagitna sa kanyang mga magulang.

Lira: Teka nga, teka nga.*stretched her hands horizontally* Wait lang time pers.

Ybrahim: Bakit Lira, may mali ba sa sinabi ko?

Lira:*looks at Ybrahim* Tay, yun na yun? Grabe naman parang wala namang kabuhay-buhay, hindi ko mafeel eh.*crossed her arms* Pano po kayo mapapatawad ni inay ng buong puso't kaluluwa kung ganyan kayo magsorry sa kanya? Tay pabilibin nyo naman po ako.*teasing her father*

Amihan: Hindi Lira, ayos na yun, wala na iyon Ybrahim, pinapatawad na kita. Dahil alam ko namang hindi mo talaga ninais ang iyong mga tinuran kanina.*sad smile*

Lira: Inay, ano ganon ganon nalang po yun magpapakamanhid ka lang ganern? Di ko kaya feel yung sorry ni itay. Wag ka po kasi masyadong mabait, dapat yung sakto lang.*snobs Ybrahim* Tsaka hindi nya naman po kayo nakita kung paano kayo nasaktan at umiyak kanina sa forest eh, kaya dapat yung sorry nya katanggap tanggap para naman makapasa na sya para sa next round.

Ybrahim: Eh Lira anak, ano bang dapat kong gawin? Ano bang klaseng pag hingi ng tawad ang nais mong gawin ko para hindi na kayo magalit sa akin ng iyong ina?

Sa sinabi ni Ybrahim ay bilang napangisi si Lira dahil mayroon syang binabalak sa kanyang isipan na tiyak nyang kahit mahirap at kahit hindi pa gustuhin ng kanyang ama ay hindi hihindian iyon ni Ybrahim dahil alam nitong magtatampo si Lira sa kanya.

Lira:*immediately hides her smile then looks at Ybrahim* Ganito po kasi yan tay, bibigyan ko kayo ng tips ha? Galing pa to sa mundo ng mga tao kaya hindi pwedeng humindi.

Ybrahim: Sige anak, kung anong iyong sasabihin.

Lira:*whispers to herself* YES! Pogi points here I come!*smiles widely*

Nakita naman ni Amihan ang pagngisi ni Lira, kilala nya ito kung may binabalak na namang gawin na kalokohan.

Amihan:*looks at Lira**slowly saying* Lira?? Kilala kita, ano na naman yang gagawin mo?

Lira:*smiles* Wala naman po, tinuturuan ko lang ng tamang paraan ng pagsosorry si itay.*smiles wide smile*

Napailing nalang si Amihan sapagkat alam nya sa sarili nyang hindi nya maipigilan ang kapilyuhan ni Lira kaya nanood nalang ito kung anong gagawin nya. Agad namang hinawakan ni Lira ang braso ni Ybrahim at dinala palayo sa kinatatayuan ni Amihan at nagtungo sa kabilang dulo ng bulwagan sa tapat ng bintana.

Ybrahim: Anak, kailangan ba talaga nating lumayo?

Lira: Oo naman po para hindi nya marinig yung ipapagawa ko sa'yo.

Ybrahim: Ngayon anong gagawin ko upang mapatawad ako ni Amihan?

Lira: Wag mo pong gayahin yung sorry mo kanina ah? Ang chaka(gay lingo of ugly) nun eh, ganito po kasi yung gawin nyo. Una, dapat lambingan nyo po yung boses nyo, yung talagang nararamdaman mong guilting guilty ka na ginawa mo yun. Tapos dapat sincere ah.

Ybrahim: S-sincere? Anak, ano yun?

Lira: Sincere, yung bukal sa puso mo yung lahat ng sinasabi mo sa kanya. Tapos bago ka magsalita, kuhanin mo yung kamay nya. Tapos haplusin mo para malaman nyang sobrang nagsisisi ka sa ginawa mo sa kanya. Tapos yung mukha mo dapat nagmamakaawa, alam mo yun tay, yung para ka lang batang kinuhaan ng lollipop tapos nakikiusap kang bilhan ka ulit. Tapos haplusin mo rin yung pisngi nya para ma feel nya talaga.*kinikilig**touches her face reinacts what she's saying*

Ybrahim:*shocked* Lira, kailangan ba talaga non?

Lira: Kailangan talaga yun tay pramis effective to.*tricking her father*Tapos pag nagawa mo na yun, tsaka mo dahan dahang sabihin sa kanya yung speech mo. Sabihin mo,*acts as Ybrahim* "Amihan, poltre kung nasaktan kita, kung pinaiyak ko yang puso mo. Pangako ko, na hindi ko na uulitin pa yun," GANERN! Tapos sabay yakap!*claps with joy*

Ybrahim: Hindi ba sobra na yang iniisip mo anak?

Lira: Sobra?! Sobra sobra ka jan eh ikaw nga po sobra sobra yung pagpapaiyak mo kay inay kanina eh.*teases Ybrahim* Sige ka, pag hindi mo ginawa ito hindi na kita papansinin ever magtatampo na ako sa'yo tototohanin ko na talaga na FO na tayo sige ka.

Ybrahim: F-FO?

Lira: Opo FO. FO as in "Fathership Over" hindi na kita ituturing ma tatay ko. Kakalimutan ko na rin na pudrakels kita!*snobs*

Ybrahim: Lira, napakahirap naman kasi ng iyong pinapagawa.

Lira: Hala, ano pong mahirap sa pagsosorry ng maayos? Basta, pili ka. Magsosorry ka, or FO as in forever and ever?

Napaisip si Ybrahim sa sinabi sa kanya ng kanyang anak, hindi nya naman nais na mangyari ang sinabi ni Lira sa kanya dahil mahal nya ang kanyang anak kaya kahit mahirap ang pinapagawa nito ay hindi na sya tumanggi pa.

Ybrahim: Sige na, gagawin ko na.

Lira:*smiles as she claps* YESS!! Napapayag ko rin yung erpats(meaning father) ko! Sige ready, ready?*fixes Ybrahim's Sapiryan designed vest the centers Ybrahims crown* Ayusin mo po yung buhok nyo, slide nyo ng konti sa gilid. Yan, PERFECT! GO NA I WILL CHEER FOR YOU!

Nang makapag-ayos si Ybrahim, kinakabahan syang tumingin kay Amihan na ngayon ay kausap sina Khalil, Mira at ang tatlong batang Sang'gre. Naunang maglakad si Ybrahim habang si Lira naman ay nakasunod sa kanya sa likod. At nang makarating na ang dalawa sa kinaroroonan nila Amihan ay napating sila sa mag-ama tsaka nagsalita si Lira.

Lira: Okay, ebriwan makinig daw po kayong mabuti dahil may sasabihin daw si itay kay inay ko. Wag kayong maingay ah, kailangan may moment sila.*teases* Go tay, yung mga tinuro ko sayo ah? Wag mo po kalimutan.

Amihan:*confused* Lira, ano bang kalokohan tong sinabi mo na naman sa iyong ama?

Lira: Nay nahurt ako ah*touches her chest* hindi po yan kalokohan noh. Watch and learn nalang po.*smiles*

Huminga nang malalim si Ybrahim at tsaka dahan-dahang lumapit sa tapat ni Amihan. Ng magkatapat na silang dalawa, nagdadalawang isip man ngunit ginawa nya ang sinabi ni Lira sa kanya. Hinawak nya ang isang kamay ni Amihan at hinaplos nya ng kanang kamay ang kaliwang bahagi ng mukha nito bago sya nagsalita. Nagulat naman si Amihan sa ginawa ni Ybrahim sa kanya at biglang tiningnan si Lira na kinikilig habang ginagawa ni Ybrahim sa kanya ang mga iyon.

Ybrahim:*looks at Amihan's eyes**sincere* Amihan, patawarin mo sana ako kung napag-salitaan kita kanina hindi ko sinasadya. Sana'y makuha mo pa akong patawarin.

Fauna,Aliyah,Adamus:*kinikilig* YYYIIIEE!!!*magkakatabi*

Halos lahat ay tahimik at kinikilig sa ginawang iyon ni Ybrahim at hindi nga nya binigo ang anak dahil ginawa ny ang lahat ng sinabi sa kanya ni Lira kahit pa sinabi nito na iba na ang mahal nya. Si Mira ay napahampas pa kay Lira na umaray sabay tinawanan sila ni Paopao, ngunit akala nila ay tapos ng magsalita si Ybrahim ngunit may nais pa itong sabihin.

Ybrahim: Ngunit sana'y maunawaan mo na si Alena na ang mahal ko ngayon.

Agad namang napatigil sila Lira at yung nakangiting mukha nito ay sumimangot.

Lira: Tay naman eh wala yan sa script natin kanina!*scratches* Ano ba naman yan , okay na sana eh. May pogi points ka na sana sakin, pero wala babawiin ko na.*mocks then snobs Ybrahim*

Amihan:*steps away from Ybrahim a little* Ayos na Lira, pinapatawad ko na ang iyong ama. Sapat na iyon sa akin na nanghingi sya ng dispensa.*sad smile*

Mira: Pero Bessy galing mo talaga napagawa mo iyon kay Rama Ybrahim?

Lira:*smirks* Ako pa ba Bessy? Malakas kaya ako kay itay. Pero dapat hindi nya na sinabi yung dulong part.*murmurs*

Paopao:*heard Lira's murmur**inakbayan si Lira* Okay lang po yun ate Lira, atleast po nagka-usap at nagsorry na si kuya Ybrahim sa kanya.*Mira looking at Paopao while hiding her smile*

Lira:*tinanggal ang pag-kakaakbay ni Paopao* Oi teka ano toh? Excuse me di pa tayo close duma the moves kana ah.*snobs Paopao*

Paopao:*scratch his head*

Maya maya ay nagsidatingan na ang lahat. Nag-Ivictus si Alena kasama si Cassiopeia, sina Danaya at Enuo kasama si Imaw, at sina Pirena, Azulan kasama sina Apitong at Wantuk  ay nag-Ivictus na rin. Si Imaw naman ay nagsalita.

Imaw: Tunay nga na bumalik na ang tatlong diwatang ating minamahal  na matagal ng nawalay sa atin at sa Encantadia. Avisala Eshma mahal na Emre.

 Nang makita nila si Amihan at Lira ay napako na ang tingin nila sa dalawa. Si Aquil naman ay inakalang sya ang tinitingnan ni Danaya sapagkat nakatawa ito sa direksyon nya kaya masayang ngumiti si Aquil ng ngitian sya ni Danaya. 

Aquil: Danaya, mahal ko mabuti at ligtas na kayo.*smiles opens her arms*

Naglakad na ng mabilis si Danaya patungo sa direksyon ni Aquil na nakabukas na ang ang mga braso at handa ng yakapin si Danaya at nang makalapit ang kanyang asawa sa kanya ay ngiting ngiti nya itong tiningnan.

Aquil: Danaya mabuti at maayos ka lama...*hindi na natuloy*

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Aquil nang lagpasan lang sya ni Danaya, Hindi pala ito nakatingin sa kanya kundi kay Amihan na nasa likuran nya. Agad nyang binaba ang kanyang braso at niyuko ang ulo dahil mukhang napahiya sya roon, dahil pangisi-ngising lumapit sina Wantuk at Muros sa kanya upang tuksuhin si Aquil.

Wantuk:*walks forward to Aquil**laughs* Hafte, alam mo bang maraming nabibiktima sa maling akala?*teasing**laughs* Kayo naman kasi..

Aquil:*blushing* SSHEDA WANTUK! Pabayaan mo na muna ako kung ayaw mong mapira-piraso.*hinugot ang espada ng bahagya sa kanyang lagayan sa gilid*

Wantuk:*tiningnan si Aquil at napalunok* S-ssabi ko nga. Mananahimik na ako.*hides at the back of Muros* Mashna, ikaw ng bahala sa kanya.

Niyakap ni Danaya ng mahigpit si Amihan at ganon rin ito, dahil s labis na pag-aalala at pangungulila sa kapatid. At lumapit na rin sina Pirena at Alena sa nagyayakapang kapatid.

Danaya:*worried* Amihan,mabuti na lamang at ligtas kayo ni Lira. Nag-alala kami sa inyo, sinong nakakita sa inyo?

Amihan: Maayos na kami Danaya, mabuti na lamang at dumating kaagad ang Bathalumang Cassiopeia.

Pirena: Bakit Amihan, may nangyari ba?

Amihan: Wala naman, kung hindi dumating si Cassiopeia ay maaaring nalinlang na kami ng kanyang kakambal.

Alena: Si Casilda.

Amihan: Hindi ko inasahang may kaanak pa pala ang ating Bahaluman, kailan nyo ito nalaman?

Danaya: Ngayon ngayon lang rin ng magsimula itong manira ng ating kapayapaan at katahimikan. Ng sirain nya ang mga ani ng mga asquillesue(magsasaka) at ng saktan nya ang mga diwani at rehav.

Amihan: Hindi ko pa man sya gaanong kilala ngunit kailangan nyang magbayad sa lahat ng ginagawa nyang kasamaan ngayon.

Alena: Kaya kailangan na nating maghanda at magplano para sa gagawin nating pagsugod sa kanya, ng mabawi na natin si Cassandra.

Pirena: Mas mabuti pa nga.

Mamaya ay natigilan sila sa pag-uusap dahil may kakaibang tunog silang narinig malapit lang ka kanilang paligid kaya naalarma ang lahat.

???:*weird sound*

Pirena: Ano ang ingay na iyon?

Muros:*ordering the Lirean soldiers* MGA KAWAL, ESTA SECTU! Protektahan ang mg Sang'gre at ang mga Hara at mga Rama!

Alena: Maaaring may mga vedalje(kalaban) sa paligid kaya mag-ingat kayo.

Paopao: Eh diba po may encantasyon ang buong Lireo ate Hara Alena?

Mira: Paopao, hindi mo ba naaalala na nakapasok sila rito kahit na mayroong encantasyon ng buong palasyo?

LilaSari:*holding Fauna, Aliyah and Adamus* Tama si Sang'gre Mira binatang ligaw, kahit pa may proteksyon ang palasyo ay nakagagaw ng paraan si Casilda upang mapasok tayo rito.*worried*

Pinakinggan ng lahat ang kakaibang tunog na iyon at napakahinang tunog lang iyon kaya kailangang manahimik upang marinig nila kung saan nanggagaling yun. At ng marinig na nila kung saan nanggagaling ang kakaibang tunog na iyon ay napatingin sila kay Lira na tahimik ang at hawak ang kanyang tyan. Nakatingin ang lahat kay Lira kaya ngumiti ito na parang may pinipigilan. At ng tumunog ng muli ay nalaman nilang kay Lira lang pala galing ang tunog a iyon kaya nanghingi sila ng sagot mula sa kanya.

Lira:*holding her stomach**stomach making noise**shyly smiles* S-sorry guys and friends ah? Ako lang yun. tyan ko lang to kayo naman. Grabe naman kayo kung makatingin lahat hindi ba pwedeng ma Tom Jones? Sakit na kasi ng tyan ko nagugutom na ko kanina pa kayo nag-uusap usap eh naabutan na tayo ng gabi oh.*looks through the window*

Sa sinabi ni Lira ay nahimasmasan ang lahat at nagsitawanan, maging ang mga kawal at mga Dama ay napakamot lanang ng ulo dahil kinabahan rin sila sa kanilang narinig.

Alena:*laughs* Nako mabuti pa't mamaya na lamang natin ipagpatuloy ang pagpupulong at magsikain na muna tayong lahat. Mga Dama, kailangan maghanda ng isang malaking piging at salo-salo para sa muling pagbabalik ng aking kapatid na si Amihan, ng aking hadia na si Lira*Lira waves**Alena looks at Khalil at her side then smiles* at lalong lalo na ang pagbabalik ng aking anak na si Khalil.*smiles* Kaya halina kayo upang magsaya naman kahit na sandali bago natin ipagpatuloy ang ating laban at paglusob.*smiles*

Lira: Yes! Makakakain na mga alaga ko sa tyan!*laughs*

Aliyah: Ate Lira may alaga ka sa tyan mo?

Adamus: Anong uri sya ate Lira?

Fauna: Oo nga po, ano po yun?

Lira: Charot lang, kayo naman lahat ng bagay siniseryoso nyo. Halina kayo nagugutom na ko. Nay tabi po tayo ah?

Amihan:*smiles as she touches Lira's head* Oo naman anak. Hali na kayo.

Nagsi-alisan na ang iba gamit ang Ivictus papunta sa hapag kainan. Si Fauna ay sumama kina Pirena at Azulan. Si Ybrahim ay sumama na rin kina Alena, Adamus at Khalil. Si Lira, Amihan, Amarro at LilaSari ay nagsabay at ang natira na lamang na nahuli at paalis pa lamang ay sina Wantuk, Apitong, Enuo at Muros. Nagpaalam muna sandali ang Bathalumang Cassiopeia dahil hihintayin na lamang silang matapos na maghapunan. Si Danaya naman ay masayang kinuha ang kamay ni Aliyah at pumunta sa kinaroroonan ni Aquil na naghihintay sa kanilang dalawa. Nang makatayo si Danaya sa harapan ni Aquil ay napatawa sya dahil naalala nito ang ginawa kanina.

Danaya:*looks down then laughs**pinipigilang tumawa ng malakas*

Aquil:*blushes then looks at Danaya* Bakit mo ako tinatawanan mahal ko? 

Danaya:*teases Aquil**laughs* Akala mo ba hindi ko napansin yung ginawa mo kanina nang palapit ako sa iyo?

Aquil:*blushes* Na-napansin mo pala iyon mahal ko?

Aliyah:*laughs* Ada(ina), namumula si Ama.

Aquil: Akala ko kasi na sa akin ka pupunta dahil nakatingin ka sa aking direksyon.*rubs his nape*

Danaya: Mahal ko, maraming naloloko sa maling akala. Sa susunod ay tingnan mo munang maigi kung ikaw talaga ang pupuntahan.*smiles* I love you ka talaga.*smiles*

Aquil: Mas mahal kita Danaya.*kisses Danaya's forehead*

Aliyah: AT MAS MAHAL KO KAYONG DALAWA!*hugs her parents*

Danaya: Halina kayo at magsisimula na ang piging.*smiles*

Kumapit sina Aquil at Aliyah kay Danaya at sabay sabay na silang naglaho patungo sa hapag kainan sa Lireo upang kuman at makasama ang mga diwatang nawalay sa Encantadia, at kahit saglit lamang ay makapagsaya naman silang lahat.

= SA SILID HAPAG KAINAN SA LIREO =

Pagdating sa silid kainan ay nadtnan ng lahat ay isang napakahabang mesa para sa lahat. Punong uno ng iba't ibang prutas at mga paneya at ibang mga putahe ang nakahain sa mahabang lamesa. Pagkakita naman ng lahat ay umupo na sila sa kani kanilang upuan. Sina Amihan at Lira ay magkatabi, habang tinabihan naman ni Ybrahim sina Alena, Khalil at Adamus nakatapat nila Amihan. Nang makita ni Lira ang hapag ay namangha sya sa dami ng inihanda nila ngayon dahil gutom na guto, na sya ay nauna na syang kumuha ng mga paneya at prutas at inilagay sa kanyang plato.

Lira: Grabe ang daming pagkain, gutom na gutom na talaga ako.

Amihan: Sige na Lira, kumain ka na.

Lira:*looks at Amihan* Eh pero hindi pa po tayo nag pipray nay.

Paopao: Ate Lira ikaw po maglead.

Lira: Sige.*everyone is silent**clears throat* Ahem.. Umm, Lord, Emre, maraming salamat po dito sa biyaya na binigay nyo po sa amin. Salamat po dahil kahit na hindi ko po sila aaalalang lahat eh nagkasama-sama rin po kami, hayaan nyo po imememorize ko nalang po ulit. At salamat rin po sa pagkain na nakikta at kakainin po namin. Hindi ko na po patatagalin Lord, Emre, kasi po tumu Tom Jones na po talaga ako eh. Amen! Kain na po tayo!

At nagsikainan na ang lahat. Si Amihan naman ay nilagyan pa ng isang maliit na biyak ng paneya si Lira sa kanyang plato at isang tangkay ng ubas habang pasikretong nitong tinitingnan si Ybrahim na nilalagyan ng prutas si Alena sa kanyang plato at sabay iwas. Si Wantuk naman ay inatawanan pa rin si Aquil dahil hanggang ngayon ay namumul a rin ito sa kahihiyan at maging si Aliyah ay natatawa sa ikinikilos ng ama sa harap ni Danaya. Napansin ni Lira ang kanyang ina na nakayuko lamang habang kumakain at malungkot naman kaya pinansin nya ito para malaman ang dahilan.

Lira:*eats her paneya* Inay, ayos lang po ba kayo? Bat po ba kayo nakayuko, nahihiya po ba kayong kumain?

Amihan: H-huh? Ah, hindi Lira ayos lamang ako.*sad smile*

Lira:*looks at her father from across laughing with Khalil and Adamus**looks back to Amihan* Si itay po ba?

Amihan: Hindi, wag mo na lamang muna akong intindihin anak, kumain ka muna at nang makapunta na tayong muli sa bulwagan upang mapag-usapan na nating lahat ang pagliligtas kay Cassandra.

Lira:*chewing* Eh nay kanina ko papo naririnig yung Cassandra sa mga fellow kalahi's natin. Sino po ba yun?

Nang marinig ni Wantuk ang sinabi ni Lira dahil magkatabi lamang sila ay bigla syang sumingit sa usapan. 

Wantuk: Mahal na Sang'gre hindi mo ba talaga naalala ang diwani Cassandra?

Lira:*umiling sabay uminom ng juice*

Wantuk:*munches an apple* Mahal na Sang'gre naman.*laughs* Si Diwani Cassadra ay ang iyong anak--

Lira:*binugahan si Wantuk ng juice*

Napatigil sya sa pagnguya dahil nang masabi nya kay Lira ang salitang "anak" ay bigla na nito nabuga sa mukha nya ang iniinom ni Lira kaya para na syang basang statwa na nakapikit lamang at hinahayaang tumulo ang juice sa buong damit nya. Nang makita ni Aquil si Wantuk ay tinawanan lang sya nito ngunit sinaway ito ni Danaya.

Lira: ANO?! MAY JUNAKIS NAKO?! *at sabay na nabilaukan pa sa paneyang kinagat nya*

Amihan: Lira, Lira huminahon ka muna. W-wantuk, Agape Ave sa ginawa ni Lira sa iyo.

Wantuk:*poker face* Ayos lamang Sang'gre Amihan.*fake cry* Magpapalit na lamang ako pagdating ko sa Sapiro.

Lira: Nako Sanduk, ss-orry ah kasi naman binigla mo ako eh.

Wantuk:*wipes his face**fake cry* Mahal na Sang'gre WANTUK, WANTUK hindi Sanduk. Binugahan mo na nga ako mali pang pangalan ang tinawag mo sakin.

Lira: Eh sorry na peace na tayo. Kayo naman kasi hindi nyo ako ininform ng maaga, sorry na.*nag peace sign sabay subo ng paneya*

Amihan: Sige tapusin mo na muna iyang pagkain mo, bago tayo magtungo sa bulwagan.

*************************************

= SA BULWAGAN NG LIREO =

Lahat ay tapos ng kumain at nagpunta na sina Alena, Ybrahim, Danaya, Pirena, Amihan, Lira, Mira, Paopao at lahat ng mga may matataas na tungkulin sa Encantadia. Sina Wantuk at Apitong ay nauna na sa Sapiro maging sina Azulan at Fauna ay pinauwi na rin ni Pirena sa Hathoria dahil walang magbabantay sa kanilang anak kung pati si Azulan ay sasama sa pagpupulong, at inihabilin na muna ni Alena sina Adamus at Aliyah kina Khalil at sa mag-asawang LilaSari. Agad na silang nag-usap ng dumating na si Cassiopeia sa bulwagan at pinagplanuhan ang gagawing paglusob sa masamang kakambal ng Bahaluman. At bago sila nagpulong ay nilagyan ng proteksyon ni Alena ang kanilang lugar gamit ang brilyante ng tubig na isinauli sa kanya ni Mira ng sa gnon ay hindi marinig o malaman ng kahit na sino ang  kanilang plano.

Mira: Ashti Hara, kailangang hindi malaman ni Casilda ang gagawin nating paglusob sa kanila.

Alena: Huwag kang mag-alala Mira, gamit ang aking brilyante hindi malalaman ni Casilda ang ginagawa nating pagpaplano laban sa kanya ngayon.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Maging ako'y pipigilan kong matunton tayo sa oras ng ating paglalakbay papuntang Eirania.

Amihan: Eirania, iyon ba ang lugar na kanyang tirahan Bathaluman?

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Oo Amihan.

Alena: At hindi basta-basta kaharian ang lulusubin natin pagkat isang kaharian iyon na nababalot sa nyebe, at kug hindi natin malabanan ang lamig ng kugar niya ay mas mauuna pa tayong mamamatay sa lamig kaysa sa kapangyarihan ni Casilda.

Pirena: Wag kayong mag-alala sapagkat poproteksyonan natin ang ating mga katawan laban sa lamig ng lugar gamit ng aking brilyante.

Lira:*worried* Kung malamig po doon, ano na po kayang nangyari kay Cassandra? Sana kinakaya nya pa don.

Danaya: Sana nga Lira, upang makita at makasama mo na muli ang iyong anak.

Ybrahim:*nilabas ang boteng may lamang mahika na binigay ng mga Admigan* Ito ang binigay sa amin ng mg Admigan ng hingin namin ang tulong nil upang mahanap ang isa kina Lira at Cassandra.*gave it to Cassiopeia*

Cassiopeia:*gets the bottle with glowing light inside**wisdom symbol lights up on her forehead* Nakilala nyo na pala ang mga Admigan, ang isa sa mga nilalang na argrabyado rin ng aking kakambal, sigurado akong magagamit natin ito Rama. Gagamitin ko ito upang maging gabay natin patungong Eirania.

Muros: Mahal na Hara, ilang hukbo ba ng ating kawal ang isasama natin sa ating paglusob?

Alena: Wala Muros. Wala tayong isasamang kawal sapagkat maaaring hindi kayanin ng aming mga Ivictus ang malaking bilang ng kawal, kayo na lamang na mga Mashna at Hafte ng mga kaharian ang maaaring sumama sa amin. Mira, Paopao, maaari bang samahan nyo na lamang sina Khalil at Adamus rito upang magbantay ng Lireo at ng ibang mga kaharian?

Mira: Makakaasa kayo ashti, mag eensayo na lamang kami rito ni Paopao habang pinangangalagaan ang Lirep, Hathoria at Sapiro.

Paopao: Nasa Akin naman po ang kaibigan ko, mapoprotektahan po namin sila.

Alena: Avisala Eshma Paopao.

Amihan: Lira, ikaw rin maiwan kana muna rito kasama nila ayokong mapahamak ka.

Lira: Hindi po nay sasama po ako. Kung anak ko po talaga si Cassandra dapat po ako mismo ang nandon para iligtas sya, ganon naman po talaga kapag ina ka diba po?

Amihan: Basta Lira tandaan mo, wag kang aalis sa aking tabi sapagkat hindi mo pa naaalala ang iyong mga kapangyarihan maliwanagba?

Lira: Opo inay.*smiles*

Amihan:*kisses Lira's forehead* Isa ka na talagang ganap na Sang'gre anak, hinahangaan ko na una mong iniisip ang kapakananng iba bago ang iyong sarili.*smiles*

Ybrahim: Mana sa iyo, Amihan.*coldly said*

Natahimik naman ang lahat nung sabihin iyon ni Ybrahim.

Imaw: Babasbasan ko kayong lahat ng aking balintataw. Nawa'y gabayan kayong lahat ng mahal na Emre sa inyong gagawin. At makauwi kayo ng buo at kumpleto.

Danaya: Avisala Eshma nunong Imaw.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Aalis tayo rito bago pa pumutok ang araw nang sa gayon ay hindi gaano mapansin ng aking kapatid ang pagpasok natin sa kanyang kaharian. Magpahinga na kayog lahat,*speaks* Masne Sera.*nag Ivictus*

Ybrahim: Masne Sera sa inyo lahat, lalong lalo na sa iyo mahal kong Alena.*kisses Alena's hand*

Amihan:*umiwas ng tingin sa dalawa*

Alena:*agad na binawi ang kama kay Ybrahim*

Nagsi-alisan na ang lahat sa bulwagan at dumiretso na sa kanilang mga kwarto upang magpahinga na. Habang si Amihan ay hindi muna dumiretso sa kanyang silid bagkus ay pumunta muna sa silid sambahan, habang hindi nya alam na sinundan pala sya ni Alena patungo doon.

= SA SILID SAMBAHAN NG LIREO =

Nakita ni Alena na nakaupo si Amihan sa silid sambahan na nakatingin sa sariling rebulto habang nakaupo at tumutulo ang luha, kaya dinamayan ni Alena ang umiiyak na kapatid.

Alena:*umupo sa tabi ni Amihan**worried* Amihan, ayos ka lang?

Amihan:*wipes her tears* Alena, hindi mo na ako dapat sinundan pa.

Alena: Nag-aalala lamang ako sa iyo edea.

Amihan:*looks at her statue* Naaalala ko, nung nasa Devas pa lamang ako ay araw-araw kinakausap ni Ybrahim ang rebultong ito na parang ako talaga ang kanyang sinasabihan.*looks down* Ngunit ngayon ay tila nagbago na yata ang lahat. Akala ko'y kapag nakita nya ako ay kanyang ikatutuwa, nagkamali ako.

Alena: Amihan dapat naman sana ay ikatutuwa ni Ybarro ang iyong pagbabalik sapagkat mahal ka nya.

Amihan: Sinabi nya sa akin na ikaw na ang nilalaman ng kanyang puso, Alena at alam kong balang araw ay magiging masaya rin ako para sa inyo.

Alena: Nagkakamali ka ng iyong iniisip edea.

Amihan:*confused* Anong ibig mong sabihin, Alena?

Alena: Hindi ko nalang ipahahayag sa iyo. Ngunit ito ang pangako ko sa iyo, na gagawin ko ang lahat upang mahalin kamuli ni Ybarro.*smiles*

Amihan: Naguguluhan ako Alena, anong iyong mga winiwika?*confused*

Alena:*hugs Amihan* Magtiwala ka na lamang sa akin edea, E Correi Diu.*smiles as her tears fell down on her cheeks*

*****************************************

Umalis ng maaga ang mga diwata sa kanilang kaharian kasama ang bawat Mashna at Hafte lamang ng kanilang kawal at nagsimula na maglakbay papuntang Eirania. Habng sina Casilda at ang kanyang mga alagad ay walang kaalam alam na pasugod na ang mga diwata sa kanya upang bawiin si Cassandra.

= SA KAHARIAN NG EIRANIA =

Binisita ni Casilda ang bilangguan ng kakawang diwani upang makita ang kalagayan nito kasama ang kanyang Mashna na si Castrell.

Casilda:*looks at Cassandra* Kamusta ka na MAHAL na Diwani ng Encantadia? Tila kinalimutan ka na talaga ng iyong mga mahal sa buhay.*wicked smile*

Cassandra: Excuse me nafifeel ko na kaya namalapit na akong iligtas ng mga fellow aunties ko at sigurado akong basag basag yang malamig mong mukha kapag sinugod ka nila dito! At tsaka kailan ka pa natutong bumisita dito? Feeling mo naman di tayo friends noh!

Castrell: Wag na wag mong pagsasalitaan ang aking Hara ng pabalang kundi nalalagot ka sakin!

Cassandra: Spell "pabalang".*teasing Castrell*

Hindi naman ito nakasagot sa sutil na diwani. Maya maya ay nagsalita si Casilda.

Casilda: May kakaiba akong nararamdaman sa aking kaharian, Mashna.

Castrell: Ano iyon mahal na reyna?

Casilda: Nararamdaman ko na may prisensya ng isang Sang'gre ang aking kaharian!

Maya-maya ay bigla ng na-ivictus sa harapan ni Casilda ang lahat ng mga Sang'greng sumugod doon at ng mga kapanalig nito, na nakasuot ng kanilang mga baluti't kalasag at isa isang pinagsisisira ang mga kwal ni Casilda na gawa sa nyebe.

Casilda: MGA PASHNEA!! PAANO NYO NATUNTON ANG AKING KAHARIAN?!!

Alena: Hindi na mahalaga iyon Casilda! Ibalik mo na sa amin si Cassandra at ang brilyanteng iyong ninakaw!

Casilda: Manigas kayong lahat!!

Nagpadala ng malakas na hangin si Casilda sa kanilang direksyon na may kasamang nyebe upang hindi nila malapitan ang masamang Hara ngunit hindi alam niCasilda na may pananggala silang lahat laban sa napakalamig nitong kaharian at agad na ring tinanggal ni Cassiopeia ang malakas na hangin na ipinadala ni Casilda dito. Nilulusob rin sila ng mga kawal dit at nilabanan ng mga Mashna at Hafteng kasama nila.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Amihan, dito na lamang kayo ako ng bahala sa aking kapatid.

Amihan: Avisala Eshma Bathaluman.

Lira: Ingat po kayo sa NBSB nyong kapatid tita model!

Ng iwan ni Cassiopeia sina Amihan at Lira ay bigla namang lumapit si Castrell sa Hara Duri-e.

Castrell:*waving his sword* Nakilala ko rin sa wakas ang dakilang HARA ng Encantadia.*wicked smile*

Amihan:*fierce look* Sino ka, pashnea?

Castrell:*smirks* Sabihin nalang nating ama ng pinaslang mong diwata.

Amihan:*shocked**naalala si Adhara* Ama ka ni Adhara?

Castrell: Tila gulat na gulat ka yata? Ngunit dito ka magulat.

Agad na nag Ivictus si Castrell ay sinakal si Lira sa leeg at pianaharap kay Amihan.

Amihan:*shouts* LIRA!!! 

Ngunit kahit na walang naaalala si Lira sa kanyang mga kakayahan ay nagawa pa rin nitong makatakas dahil kinagat nya ang braso ni Castrell na may hawak na espada. Ngunit nasuntok naman si Amihan ng isa sa mga kawal na nyebe sa kanyang likuran kaya napadapa ito at umaray. Nakita ni Ybrahim iyon kaya agad syang napatakbo kay Amihan at tinulungan ito.

Ybrahim: AMIHAN! Ayos ka lang ba?

Amihan:*in pain* A-ayos lamang ako Ybrahim, si Lira ang iyong intindihin.

Pagkalingon nila sa kinatatayuan ni Lira ay nawala ito kaya nataranta si Amihan.

Amihan: NASAAN SI LIRA?!

Danaya: Amihan hindi ko sya nahagip ng aking paningin.

Pirena: Napakasutil talaga, ibinilin mo na wag syang lalayo sa iyo.

Muros: Mas mabuti pang hanapin na lamang natin.

Hindi alam ng mga diwata ay sinundan ni Lira si Cassiopeia patungo kay Casilda, at naabutan nya na hawak hawak ni Casilda an kanya anak sa leeg habang nakaangat ang isang kamay na hawak ang brilyante ng hangin.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Casilda hindi mo kailangang idamay pa si Cassadra isa lamang syang paslit, maging ang brilyanteng iyong ninakaw.*nagmamakaawa*

Casilda: At bakit naman ako makikinig sa iyo? Hindi na kita kinikilalang kapatid Cassiopeia! Binura na kita sa buhay ko! 

Agad na nagpakita si Lira kay Casilda na galit nagalit.

Lira:*angry* BITAWAN MO ANG ANAK KO!!

Nag-Ivictus si Lira sa harap ni Casilda at kinagat ang kamay nito kaya nakuha nyang hablutin ang kamay ni Cassandra. Nakita nya ang brilyante ng hanging hawak nito na parang tinatawag sya. Kaya ng inilahad ni Lira ang kanyang kamay kahit na sya'y nahihirapan ay sumama ito sa kanya. Ngunit ng tumalikod sya kay Casilda ay natamaan sya ng kapangyarihan nito at nawalan ng malay, napasigaw naman si Cassandra.

Cassandra: INAY!!*cries*

Casilda:*wicked laugh* Sa tingin nyo papayag akong umuwi kayong masaya? Pwes uuwi kayong luhaan!

Agad na hinawakan ni Cassiopeia ang dalawa at nagtungo sa kinaroroonan ng lahat. Nang makarating sila ay agad na nagulat at nataranta ang lahat lalog lalo na si Amihan.

Amihan:*shouts* LIRA!!*cries as she hugs Lira's body unconscious*

Pirena: Amihan kailangan na anting umalis dito baka may iba pang madamay sa kasamaan ni Casilda!

Lahat sila'y nagbalik na sa Lireo upang gamutin ang walang malay na si Lira.

********************************************************

= SA LIREO =

 Nakarating naman ng lahat ng maayos maliban kay Lira na nawalan ng malay sa kapangyarihang binato sa kanya ni Casilda. Agad naman nlang dinala si Lira sa kanyang silid ng kanyang mga magulang at binantayan lamang sya doon. Hanggang sa magising si Lira na ikinatuwa naman nina Amihan at Ybrahim.

Amihan:*kisses Lira's forehead* Lira, mabuti naman at gising kana. Avisala Eshma dahil ligtas ka.*smiles*

Ybrahim:*holds Lira's hand* Oo nga anak, nag-alala kami sa iyo. Ngunit napahanga mo kami sa iyong ginawa.

Amihan: Naikwento na sa amin ng Bathaluman ang ginawa mong pagliligtas kay Cassandra, sa iyong anak.*smiles*

Lira: Eh diba po ganon naman talaga dapat? Mas gugustuhin ko pong ako ang masaktan kaysa kay Cassandra kahit hindi ko papo sya natatandaan.*looks at Amihan and Ybrahim**teases* Ayown, kailangan ko pa palang masaktan para maging close kayo ng ganyan.*laughs*

Inayos ni Amihan at Ybrahim ang kanilang upo at medyo lumayo sa isa't isa.

Lira: Sige na po inay, tay, gusto ko na pong magpahinga muna.*smiles*

Amihan: Sige anak, at kung may kailangan ka tawagin mo lamang ako sa labas ng iyong kwarto huh?

Lira: Opo, mag heart to heart talk muna kayo ni itay.*teases*

Amihan:*understands* Lira!*sinuway si Lira*

Lira:*laughs* Wag kang mag-alala nay, sure akong di naintindihan yun ni itay. Kaya sige na po.*tinataas baba ang kilay**looks at Ybrahim, his face is confused*

Lumabas na ang dalawa sa kwarto ni Lira, aalis na sana si Ybrahim nang kausapin sya ni Amihan.

Amihan: Ybrahim?

Ybrahim:*stops walking then faces Amihan* May kailangan ka Amihan?

Amihan:*smiles sadly* W-wala naman, nais ko lamang sanang sabihin sa iyo na....*pause for a moment* na.. sana'y alagaan mo si Alena, mahalin mo sana ng husto ang akingkapatid.*teary-eyed*

Ybrahim:*smiles* Oo naman Amihan. Kahit hindi mo na sabihin ay gagawin ko yun.

Amihan:*cries as she move closer to Ybrahim* Nais ko sanang magpaalam sa iyo, ng maayos. At sabihin sa iyo na masaya ako at minahal mo syang muli. At.. nais ko lamang sabihin sa iyo na, Avisala Eshma sa pagmamahal mo sa akin hanggang sa sandali ng aking buhay noon. Hinding hindi ko iyon malilimutan. Ngunit alam kong si Alena na ang nilalaman ng puso mo*touches Ybrahims chest* at hindi kita pipigilang gawin iyon, Ybrahim. Kaya ito na ang una't huli kong magiging ugnayan sa iyo. Avisala Meiste... Mahal kong Rama...

Iyon ang huling sinabi ni Amihan kay Ybrahim. At bago sya umalis ay binigyan nya muli ng isang matamis na halik sa labi si Ybrahim bilang kanyang pamamaalam dito dahil yun na ang una't huli nyang beses na magagawa iyon sa kanyang pinakamamahal na Rama. At nang tapusin nya ang halik na iyon ay tiningnan nya si Ybrahim sa mata na ngayo'y hinawakan na ang kanyang mukha.

Ybrahim:*crying* Amihan? Mahal kong Hara?

Avisala mga ka-Encantadiks!! Isang napakahabang chapter para sa inyo sana binasa nyo arin hanggang dulo. Kai next week pako ulit makakapost hehehe. E Correi Diu!!

Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...