Kristine Series 18, One Wish...

By MarthaCecilia_PHR

573K 19.6K 1.8K

"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinukso... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29
30
31
32
33
Epilogue

26

14K 530 39
By MarthaCecilia_PHR


NANG makita ni Lora ang Esmeralda Building ay natiyak niyang hindi phony ang calling card na hawak. At lumalim pang higit ang kuryosidad. Mula sa kinatatayuan niya'y unti-unting tumaas ang mga mata niya sa building.

"Whew!" bulalas niya. Lampas na sa walong palapag ang nabilang niya and there were still floors up. At nananakit na ang leeg niya sa kakatingala.

Ipinasya niyang pumasok na lang sa lobby. Nakihalo sa mga naroong tao. There were four elevators on each side. Hindi niya alam kung saang floor naroroon ang opisina ng may-ari ng calling card. Nilapitan niya ang isang security guard.

"Excuse me, saang floor ang opisina ni Mr. Cervantes?"

"Sino sa dalawang Cervantes, ma'am? Ang ama o ang anak?" Hindi agad nakasagot si Lora. Ano ang malay niya kung ama o anak ang nagmamay-ari ng calling card. Binuksan niya ang shoulder bag at kinuha mula roon ang calling card at ipinakita sa guwardiya.

Bahagyang kumunot ang noo ng guwardiya at mula sa calling card ay umangat ang mga mata nito kay Lora. So, ang boss ay nag-iba ng taste. Batang-bata naman ngayon at sa tingin nito'y estudyante pa lamang. Unsophisticated with her hair in braid. Walang makeup maliban sa pinkish lipstick. Naka-blue jeans at maiksing puting cotton blouse.

"Sa anak ang calling card na ito, ma'am." Itinuro nito ang elevator. "Nasa eleventh floor ang opisina ng bise presidente. Magtanong na lang kayo pagdating sa itaas..." "Thank you..."

Nakisabay na siya sa pagpasok sa elevator. Sumabay sa dalawang babaeng lumabas pagdating sa eleventh floor. Matapos ipakita sa mga ito ang calling card ay itinuro ng mga ito sa kanya ang opisina ng bise presidente.

Walang alinlangang lumakad si Lora patungo roon. A few glances from the men employee darted her way. Nilapitan niya ang babaeng nasa harap ng computer. Nasa late thirties nito ang babae at nakasalamin.

"Good morning."

Nilingon siya ng sekretarya. "May I help you?" she asked in a trained professional voice. Her eyes tactfully surveyed her appearance. Tumikhim sandali si Lora bago nagsalita. "I'd like to see Mr. Cervantes... A. K. Cervantes."

"Do you have any appointment?"

She smiled and shook her head. "I'm afraid none. But I have his calling card here along with a note that I could see him anytime..." aniya, editing the message in the bottle. Kung hihingin ng sekretarya ang note ay natitiyak niyang hindi niya mailalabas iyon. Nasa loob pa rin iyon ng botelya at iniwan niya sa damuhan sa may pantalan. Habang ipinapakita niya ang calling card sa sekretarya ay nagsisimula na siyang mag-isip kung ano ang idadahilan niya kung sakaling hingin nito ang sinasabi niyang note.

Subalit nang matitigan ng sekretarya ang calling card ay may pakiramdam siyang hindi na niya kailangang mag-imbento ng iba pang sasabihin.

Dinampot nito ang interphone and punched three numbers. "Oh, ma'am Iris!" wika nito na marahil ay hindi inaasahang naroon si Iris, bagaman may mga connecting door ang opisina ng company president-vice-president at ng PA. "May bisita ho rito sa labas. Gusto niyang makipagkita kay sir..." She waited for a moment, pagkatapos ay tumingala kay Lora. "May I know your name, Miss..."

"Lora... Lorabelle Floresca.."

"A certain Miss Floresca, ma'am Iris. And she doesn't have an appointment, pero hawak niya ang blue calling card ni sir..." Muling tumingala ang sekretarya sa kanya. "Who referred you, Miss?" Napahugot ng paghinga si Lora. Hindi niya akalaing magdadaan sa butas ng karayom ang pakikipag-usap sa Mr. Cervantes na ito.

"A common acquaintance. I'm sorry, pero hindi niya ipinasasabi ang pangalan niya."

Muli'y inulit ng sekretarya ang isinagot ni Lora. May ilang sandaling nakinig sa sinasabi sa kabilang linya bago ibinaba ang interphone. Hinarap nito ang dalaga.

"Ikinalulungkot ko, Miss, pero gustong malaman ni Mr. Cer—" Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng boss.

Parehong natuon doon ang mga mata nilang dalawa. Mula roon ay lumabas ang isang matangkad na babae na sa tingin ni Lora'y nasa mid-thirties nito. Poised and stunning. Banayad ang makeup. Her hair in chignon. Nakasuot ng gold yellow dress na ang accent ay malalaking perlas na itim sa leeg at tainga. And black high heeled shoes.

"Sino ang gustong makipagkita kay Karl, Carmen?" tanong nito kasabay ng paglipat ng paningin kay Lora.

A little frown appeared on her forehead. At tulad ng sekretarya'y mataktikang hinagod nito ng tingin si Lora. Then a friendly and accomodating smile appeared on her coral lips. Humakbang ito patungo sa kanya.

"Hello. I'm Iris. May sadya ka kay Mr. Cervantes?"


She swallowed. "Good... morning." Sandaling nalito ang dalaga. Hindi agad makahagilap ng sasabihin.

Ano nga ba ang sadya niya sa opisinang iyon? At sa kauna-unahang pagkakataon mula nang matagpuan niya ang mensahe at calling card ay bakit ngayon siya biglang tinakasan ng lakas ng loob. At ano ang isasagot niya kung igiit na malaman ng mga ito kung sino ang nagbigay sa kanya ng calling card?

Now she really was an idiot. Pagtatawanan siya ng mga ito sa sandaling sabihin niya kung saan galing ang calling card. At tama si Lynette, dapat ay itinapon na niya sa trash bin kanina ang calling card o di kaya ay noong mismong araw na makita niya ito.

"Well?" banayad na pukaw ni Iris sa pagdili-dili niya.

"M-maybe it was a mistake that I came." She cleared her throat. "I–I'm sorry..."

Muling nagdikit ang mga kilay ni Iris sa kalituhang nasa mukha niya. Kinakitaan ng simpatya ang mukha nito para sa kanya. Hinawakan siya sa braso at inakay patungo sa pintong pinanggalingan na tila batang naliligaw.

"Ano ang sadya mo kay Mr. Cervantes? Have you met him in person?"

Umiling siya. "No, ma'am. It was foolish of me to come straight here. I'm applying for... for a—job!" Sinabi niya ang unang alibi na pumasok sa isip niya. "Perhaps it was better if I went to the personnel..."

"I see. Pero narito ka na. Sabi ni Carmen ay may ipinakita kang blue calling card ni Mr. Cervantes... who gave it to you?"

Bago pa makasagot si Lora ay nasa bungad na sila ng nakabukas na pinto. At mula sa kinatatayuan niya'y natanaw niya ang taong sadya niya. In dark blue suit. Nakayuko sa malaking executive desk at may isinusulat. Sa likuran nito'y tinted glass wall na nakatanaw sa buong siyudad.

Nag-angat ng mukha si Karl. Stretched his body lazily. "Sino ang gustong kumausap sa akin—" He stopped in mid-sentence. Bahagyang ikinurap ang mga mata. Umaasang dinadaya lamang siya ng kanyang paningin. He fought to believe na hindi si Lora ang naroroon. He must have longed to see her desperately and his eyes were playing tricks on him.

"Karl!" Nanlaki ang mga mata ni Lora sa pagkamangha. Mabilis na itinaas ang calling card at binasang muli ang pangalang nakasulat doon.

A. K. Cervantes. Karl ang ibig sabihin ng abbreviation na K.

Muling umangat ang tingin niya rito. "Ikaw ang A. K. Cervantes na nakalagay dito sa calling card?" Her eyes wide in disbelief.

Even as the world shattered around him, Karl gave her credit for the act of surprise. She was very good. If she were an actress, she could win an award for her performance.

Isang tikhim ang pinakawalan ni Iris. Kung galit lang ang nakikita nito sa mga mata ng pamangkin ay hindi gaanong iindahin ni Iris. What she saw along with fury was pain.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Iris na ang tingin ay pinaglipat-lipat kina Karl at Lora. "But I thought you said you haven't met him..." wika nito kay Lora.

"H-hindi ko alam na siya ang A. K. Cervantes na nakalagay sa calling card—" She stepped back instinctively nang tumayo si Karl mula sa kinauupuan nito na tila ba susugurin at sasaktan siya nito. Bagaman hindi ito umaalis mula sa likod ng executive desk, violence and rage burned blackly in the depths of his dark eyes. His body rippled with the involuntary motion of a predator poised for the kill.

At nakita ni Karl ang ginawang paghakbang paatras ni Lora at ang bahagyang takot na nagdaan sa mga mata niya. Satisfaction filled him. Good. At least, alam nitong totoo ang takot na nakikita nito sa mga mata niya.

"Meet Lora, Iris," ani Karl sa nag-iigting na mga bagang. His voice as cold as his eyes. "Of course, she knew me. Knew my name all along. At nakuha niya marahil ang calling card ko sa cabin. She was with me in my ship for six days, wasn't she?"

His voice filled with contempt. He did it again! Ha made another mistake of trusting a woman. And he was trapped again by a cold-blooded schemer.

Bagaman totoong namangha si Lora sa natuklasan, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit sa mga mata ni Karl. Hindi ba siya ang may karapatang magalit dahil itinago ni Karl ang totoong pagkatao?

At totoong namangha siyang malaman ang tunay nitong pagkatao. But she couldn't accuse him of that. Pinagsang-ayunan nilang parehong walang magtatanong tungkol sa isa't isa. An air of mystery.

Maraming tanong ang nag-uunahan sa isip niya. Tulad ng kung sino ang nagpaanod ng botelya at naglagay ng mensahe sa loob niyon. But it would be childishly to do so. Na kaya siya nagtungo sa opisinang iyon ay dahil lang sa mensaheng nakita niya sa botelya. Had fate played a trick on her?

Pero ano ang dahilan ni Karl para masuklam sa pagkakita sa kanya roon? All games must end in one way or another. In fact, mas marami nang alam si Karl tungkol sa kanya.

"I'm sorry..." mahinahon niyang sabi. Itinaas niya nang bahagya ang mukha. She was so sorry that she angered him. At gusto niyang malaman kung bakit.

"Sorry?" Karl closed his eyes for a moment. He didn't trust himself to look at her. It pained him as much as it angered him so. "Sorry that you made me look like a fool?"

"Karl, hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit," patuloy ni Lora sa kalmante pa ring tinig. 

"Hindi ko alam na ikaw ang nagmamay-ari ng calling card na ito."

His eyes opened. Nanunukat ang tinging nakatuon kay Lora. "Sa yate pa lang ay alam mo na kung sino ako, 'di ba?" Lora shook her head wearily. "No. I—"

"Don't deny it," putol nito sa akmang pagtanggi niya. His voice was soft, cold, vibrant with rage. "Nakuha mo ang calling card ko sa cabin. Nalaman mong ako ang nagmamay-ari ng yate. Didn't you say you like rich men?"

"Yes, but—"

"At napaniwala mo akong hindi mo gustong tanggapin ang camera. Why, you're a very good actress. But then you were acting all the time, weren't you?"

Hindi makuhang sumagot ni Lora. Hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"Let's end this game right this moment, Lora," ani Karl, his chest pumping, his muscles tensed. "Magkano ang kailangan mo sa akin? Tell me." Marahas nitong binuksan ang drawer at naglabas ng tseke. "Kaya hindi mo tinanggap ang camera na ibinibigay ko sa iyo dahil maliit lang halagang iyon, 'di ba? So, how much?"

Nalilitong umiling si Lora. Ang tanong nito ay nakadagdag lang lalo sa kalituhan niya sa nagpupuyos nitong galit at sa mga sinasabi nito.

"Hindi kita naiintindihan." Her voice was small, shaken. Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya, but she wouldn't let the tears fall. Hindi ito ang Karl na nakilala niya. Hindi ito ang Karl na naghahayag na nananabik na makita siya. Hindi ito ang Karl na iniibig niya. "Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

"Good... very good," ani Karl sa malamig na tono.

"Alin?"

"The voice. Your face. Mapapalambot mo ang buhay na bato sa paligid ng pantalan mo, pero hindi ako. Hindi ako bato, Lora. I'm a fool. Taken by a pretty and innocent face." Kinuha nito ang sign pen sa pen holder at sumulat ng halaga sa tseke at pinirmahan ito. Pagkatapos ay humakbang palapit kay Lora na nanlalaki ang mga mata sa pagkatanga. When he reached for her shoulder bag rougly, tila gustong matanggal ng balikat ni Lora. Ni hindi niya makuhang gumalaw.

"Sampung camera ang katumbas ng halagang iyan! God, napaniwala mo akong hindi ka nakikipag-sex bago ang kasal! Napaniwala mo akong isa kang matinong babae. Napaniwala mo akong umiibig ka sa akin. And to top it all, I would have—" He stopped before he made a total idiot of himself.And groaned furiously. Because he would have proposed to her today.

"It is true that I love you," she said softly. The tears were threatening to fall. Sa kabila ng galit ni Karl ay naroon ang kapaitan sa tinig nito. At iyon ang tila humihiwa sa dibdib niya. Umigting ang mga bagang ni Karl. Cold black eyes raked over her as he sneered at her. "You expect me to believe you now? Why, you're nothing but a gold digging female!" Lora was shocked. Umatras siya nang isang hakbang, and she wondered if she had just fallen off the edge of the world. Alam niyang nasa harap niya si Karl subalit nahihilam na sa luha ang mga mata niya. At bago pa bumagsak ang mga iyon ay tumalikod siya, binuksan ang pinto at patakbong lumabas.




******************Ito yung ayaw ko sa'yo Karl eh kayo tayo nag-break masyado kang nagiging judgemental hindi mo man pinagsalita si Lora parang noong ako nung time na tayo pa char hahahaha. Easyhan mo lang Karl. Nagstop na ako uminom ng supplements mga beshie at so far medyo okay naman pakiramdam ko. Feeling ko nga talaga side effects yun nung supplements eh.  Take care and God bless mga beshie. - Admin A ********************

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 32.1K 65
Bernard. Ibinigay niya ang pangalan at pag-ibig sa iisang babae. And blamed himself that she died. Nawalan ng direksiyon ang buhay niya and he though...
16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
804K 20.9K 28
"I need you back in my life, Bobbie, with our son. And I always get what I want." Halos ikamatay ni Bobbie nang itanggi ni Romano na anak nito ang ka...
1.2M 33.9K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...