Serving The Heir's Father

By Haaadeez

17.1K 516 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Two

557 28 0
By Haaadeez

Sick

Tagaktak ang pawis ko habang pinupunasan ang itim na mesa rito sa salas ng aking amo.

Kanina pa ako naglilinis, tatlong beses ko na yatang nalinis ang buong kabahayan. Iyon kasi ang ipinag utos sa akin ng mga kapwa ko kasambahay.

Kahit papaano'y nasasanay na rin ako sa pagtrato nila sa akin. Hindi ko naman na iyon pinapansin, mas importante sa akin ang kalagayan ng aking anak kaysa sa aking sarili.

Malalim akong napabuntong hininga saka muling ipinagpatuloy ang pagpupunas.

"Hoy, Pauline! Tama na yan, ang tamad mo talaga, sa tingin mo ba hindi namin napapansin na binabagalan mo ang pagpupunas mo sa mesang iyan para hindi ka na makapaglinis sa iba? Aba! Lumang istilo na yan. Linisan mo 'to!" Mahigpit akong hinila ng mayordoma ng bahay sa kusina at padarag na binitawan sa sahig na may natapong kape yata.

Tahimik na lamang akong sumunod. Hindi ko magawang lumaban dahil hindi naman ako ganoon. Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko.

Matapos kong malinis ay nagpaalam na rin naman akong umuwi na.

Stay in dapat ako rito ngunit hindi ako pumayag, naghihintay pa sa akin ang aking anak.

Naglalakad ako pauwi nang biglang tumunog ang selpon ko.

"Father? Napatawag po kayo?" kunot noong tanong ko dahil medyo rinig ko pa ang mahihinang paghingal nito.

"Pauline, sinugod namin sa ospital ang anak mo, sumunod ka na rito" medyo kalmadong saad nito pero mahahalata pa rin rito ang pag aalala.

Agad akong nagpanik sa narinig ko.

"Po? Ano pong nangyari?" napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong kumalabog.

"Inaapoy ng lagnat at 'yong rushes niya simula noong isang linggo mas lumalala, bilisan mo at ikaw ang bumakbibig"

"Opo, father," agad kong pinatay ang tawag at kahit pa plano kong maglakad pauwi ay agad akong pumara ng tricycle papunta sa ospital na tinext sa akin ni Father.

Kabang kaba ako habang nasa biyahe, puro na lamang ako dasal at tanging iniisip ang anak kong sana ay nasa mabuting kalagayan.

Nang makarating ay sumalubong sa akin ang mukha ni Henry na nag aalala.

"Kamusta siya, Henry?" aligagang tanong ko kay Henry ngunit napabuntong hininga lang siya.

"Mataas pa rin ang lagnat, mamaya maya lamang ay ibibigay na raw sa atin ang resulta ng isinagawang test sa kaniya." nalukot ang mukha ko at hindi mapigilang kabahan sa sinabi niyang iyon.

"B-Bakit may test pa? Hindi ba iyon simpleng lagnat lang?" kabadong tanong ko at napasulyap sa pinto kung saan nakasilid si Xyphere.

"Hindi pa sigurado dahil hindi bihira ang nakikita nilang simtomas sa bata." malungkot din na napatingin doon si Henry at sinamahan ako sa kwarto ni Xy.

"M-ma..." mahinang boses nito.

"Hmm? Gutom ka?" tipid siyang tumango tango at ngumuso. "Anong gusto ng baby ko?" malambing na tanong ko sa kaniya.

"Oinge" natawa pa ako sa sinambit niyang iyon. Orange raw ang gusto nito.

Tumango tango naman ako saka kumuha ng orange mula sa basket ng prutas na dala nila Henry nang bumili sila kanina.

Ilang sandali pa ay may kumatok, pumasok ang isang lalaking doktor na may hawak pang mga papel.

"Ms. Flores?"

"Opo, ako po iyon. Kamusta ang anak ko, dok?"

"Ms. Flores, we had a hard time diagnosing his condition but it turned out that your child... I'll be honest with you, Ms. Flores, he have a very serious condition. You're child is an HLH positive"

"A-Ano po 'yon?" Napahawak ako sa laylayan ng damit ko nang mahigpit.

"It's a disease where his cells are attacking his own internal organ. And in his case, it's attacking his liver."

Naiiyak na napatingin ako sa anak ko.

"Ano pong sa tingin niyo ang nararamdaman ng anak niyo sa mga nakaraang linggo?" mahinahong tanong ng doktor.

"N-Noong isang linggo nagsimula ang rushes niya, tapos ngayon naman po nagkalagnat siya." hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa iyak ko.

"It's a symptom po, at first we thought it was really a simple fever but we found out it wasn't." tumingin siya sa anak ko, halata ang awa sa kaniyang mga mata.

"B-Bakit parang biglaan naman po?" pinahid ko ang mga luha.

"Actually it's not, siguro ngayon lang lumabas ang simtomas kaya ngayon lang natin naramdaman. It is a very serious condition, I suggest that you'll transfer him in Manila.They could treat him well there."

"Ooperahan po ba siya?"

Tumango siya.

"Maaari po ang chemotherapy or we can simply have a bone marrow or cord blood transplant, but we really suggest you to transfer him in Manila. It is very dangerous for him to stay here."

"Malaking halaga po ba ang kakailanganin?" muli nanamang tumulo ang mga luha ko at napatingin kay Xy na kinukutkot ang kaniyang kumot habang kunot noong nakatingin sa akin.

Malungkot na tumango ang doktor at natutop ako sa kinatatayuan ko sa halagang sinabi nito.

Tumulo ang luha ko habang tinitignan ang bahagyang pagngiti sa akin ng aking anak.

Sumulyap ako sa doktor saka dramatikong nagpasalamat.

Tumango siya at ngumiti kay Xy bago lumabas ng kwarto.

"Anak? Sorry," umiiyak akong lumapit sa aking anak. Hinawakan ko ang kaniyang maliliit na kamay saka iyon iginiya sa aking pisngi, "Sorry, dapat... dapat alam ko 'to. Dapat alam ko ang nangyayari sa'yo. Sorry,"

Umiling ito na parang naiintindihanang aking sinasabi bago ako niyakap. At doon sa kaniyang bisig, humagulgol at nagdadasal na huwag naman sanang may mangyaring hindi maganda.

"Ate? A-ate?" panay ang katok ko sa asul na pinto ng bahay ni ate Celia matapos ko siyang puntahan rito sa kanilang bahay sa Bataan, malapit lamang sa ospital kung saan nakaconfine si Xyphere.

Umuulan.

"Pauline? Jusko, anong nangyari sa'yo?" nanlalaking matang hinawakan ako ni ate Celia matapos akong makitang naliligo sa ulan saka iginiya sa kanilang bahay.

Wala na rin akong lakas, diretso ako galing trabaho at kakabantay kay Xyphere kaya't ganoon na lamang ang pagod ko isabay pa ang pag ulan na ito.

"Ate, p-pwede pa po ba yong alok mo?" nagmamakaawang tanong ko ngunit kinunutan niya lamang ako ng noo saka nag aalalang sinipat mula ulo hanggang paa.

"Ano ba talagang nangyari sayo?" umiling ako saka disperadong hinawakan siya sa kamay.

"Ate, k-kailangan ko po iyong inaalok mong trabaho."

"Huh? Paano yan, may nakakuha na." umiling siya tsaka umupo sa tabi ko.

"K-kahit anong trabaho na ate..." ganoon pa rin ang pagmamakaawa sa boses ko at tanging ang malakas na ulan lamang ang maririnig sa labas ng kanilang bahay.

"Ano ba talagang nangyari sa yo?" nag aalalang tanong niya.

"Si Xy, ate, si Xy, m-may sakit siya..." napalunok ako sa pakiramdam na may nakabarang malaking kung ano sa aking lalamunan.

Hindi ko pa rin matanggap na may sakit siya. Ang hirap para sa isang ina ang tanggapin iyon.

"Anong sakit?" kahit na hirap na hirap ay sinabi ko sakaniya ang mga detalye ng sinabi sa akin ng doktor ni Xy.

Gaya ko ay naiyak din siya at hindi makapaniwala dahil malusog naman ang bata. Malungkot siyang tumango saka ako niyakap. "Sige, tutulungan kitang makahanap ng trabaho. Naku, malaki laking halaga ang kakailangan niyo."

"Hindi ko na po alam ang gagawin ko." iyak ko sa kaniyang balikat.










Kahit na hindi sigurado lumuwas kaming Maynila ni Xyphere.

"Buti na lamang at swerte ka, Pauline. Sabi ng kapatid ko ay nabakantehan ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Maari ka doon, ang kaso nga lang ay janitress ang hanap, ayos lang ba iyon sa'yo?" salubong sa akin ni ate Celia nang pumasok siya sa tinutuluyan namin ni Xy.

Maliit lamang ito ngunit kahit papaano ay komportable kami.

Binilihan ko siya ng silinyador para hindi lumala ang rushes niya. Malapit din ito sa ospital para kapag inatake siya ay agad ko siyang madadala doon.

Gustuhin ko man na sa ipagamot siya ay wala naman akong pera.

"Opo, ayos na 'yon, makakapag-ipon naman ako kahit papano" ngiti ko habang hinahaplos ang malambot na buhok ng aking anak.

"Pero dapat ay agaran na din ang pagchechemo ni Xy, hindi ba?" alalang tanong niya kaya napabuntong hininga ako, wala akong magagawa, kailangan na kailangan ko talaga ang makapag-ipon.

"Kaya po, kakayanin. Hahanap po ako ng ibang trabaho maliban doon"

"Huwag kang mag-alala, Pau, may awa ang Diyos. Dumulog ka lamang sa kaniya."

"Salamat, ate, siguro'y hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala kayo" niyakap ko siya at pansamantalang iniwan si Xy na nakaidlip sa munti naming kama.

"Para na rin kitang kapatid, Pauline."

Nagsimula ang trabaho ko sa Alvares Group of Companies bilang isang janitress.

Sa umpisa ay mahirap ngunit habang tumatatagal ay nasasanay na rin ako.

Usap usapan na may pagkamasungit ang boss rito, mabuti nalamang at hindi ko pa siya nakakaharap.

"Balita ko magkakaroon tayo ng general inspection ngayon." tumayo sa aking tabi si Nelson, isang empleyado din dito na kaibigan ko na.

Si Philip ang nagpasok sa akin dito, ang kapatid ni Ate Celia, ngunit hindi kami masyadong nagkakausap dahil mataas ang posisyon niya at 'di ko madalas makita.

Nalukot ang mukha ko nang mapansing parang biyernesanto ang mukha niya.

Masyadong nakabusangot at nakatingin lamang sa kawalan.

"Oh? Ano namang mali doon at mukhang malungkot ka riyan?" natatawang ani ko sabay pabirong hinampas siya ng hawakan ng hawak kong mop.

"Anong mali don? Gosh! Malamang, eh mayroon ang boss, terror iyon! Bata pa pero kung umasta ay akala mo isang matandang menopause." maarteng sabi nito. Nelson rito sa trabaho, Elsa raw sa labas.

Napakamot ako sa noo at napanguso. Hindi ba't parang sobrang insulto naman iyon para sa boss naming nagpapasweldo sa amin.

"Ganiyan ba talaga ang ugali niya?" tanong ko na lamang.

"Worse than you can imagine. He's a beast, you know that?! Sa beauty and the beast?" nanlalaking matang tinignan niya ako. Napanguwi naman ako dahil halos lumabas na ang puti sa kaniyang mga mata.

"Huh? Hindi naman nakakatakot iyon eh."

"Baliktad kay boss, siya may hitsura nga pero sa ugali niya? He's a demon kaya, kung hindi lang siya gwapo aba, baka matagal na rin akong wala dito, gosh! Pogi na eh! Feeling ko lang ha, may nagsumpa sa kaniya, kasi diba yung sa beauty and the beast prince charming talaga yung beast?" kunwaring hinahaplos niya ang kaniyang kunwaring mahabang buhok saka pumungay pungay ang mata sa kawalan.

"Tama na nga ang kalokohan mo, kailangan na nating bumalik sa trabaho, maghahanap pa ako ng ibang pagtatrabahuhan mamaya" dahil nga naman ako 'di makarelate sa sinasabi niyang iyon ay pinutol ko ang usapang iyon.

"Isang linggo na ah, wala pa ring extra work?" alam nito na may anak ako, silang dalawa ni Brenna, ang kaibigan niya. Naging kaibigan ko sila dahil daw sa mukha ko. Hindi ko rin maintindihan iyon eh.

Mapait akong napangiti saka sinulyapan ang hawak kong timba ng maduming tubig.

"Diploma ang hanap eh," gumalaw ang aking balikat at saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Dapat ko pang pag igihan lalo na't may general inspection ngayon.

"When I stomp my feet, that's my cue for all of you to bow down, it means Mr. Vincent Alvares has already arrived, are we clear?" para kaming bata kung bigyan ng instruction ng aming head.

At parang bata rin kaming lahat na tumango at saka nakahilerang tumayo para salubungin si Sir Vincent kasama ang ibang board members.

Walang nag ingay miski isa sa amin nang marinig ang ugong ng sasakyan.

Rinig ko na rin ang mahinang pagpadyak ng head tanda na dapat kaming magbigay galang.

Yuyuko na sana ako nang mapagtanto kung sino ang sinasabi nilang Sir Vincent.

Hindi agad ako nakapagbaba ng tingin kaya't napatingin ang lahat sa akin, pati siya.

Naku po! Bakit naman siya pa?

Nakilala niya kaya ako?

Siya iyong lalaking bumusina sa akin at nagsabing hindi raw niya ako type sa Bataan.

Hindi naman siguro ano? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya, pilit ko naman iwinaksi ang inis ko nung gabing iyon kaya wala naman siguro sa kaniya iyon.

Nahigit ko ang paghinga ko sabay ng pagbaba ng aking ulo nang maglakad ito papalapit sa akin.

Tumikhim siya at ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang malapit ang mukha niya sa akin.

"S-Sir?" hindi kasi ito nagsasalita at tanging nakatitig lang sa akin.

Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon niya dahil hindi ako magaling doon.

"Did we met before?" malalim at baritonong boses nito.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nakilala niya ako pero hindi niya naman ako nakita noon dahil sa dilim, hindi ba?

"H-Hindi pa po," pagsisinungaling ko, pagsisinungaling ba yon?

Kasi hindi ko naman siya kilala, ang pangalan, kung sino siya.

"As in? Never?" napaisip ako kung sasabihin ko bang ako yung babaeng binusinahan niya.

"H-Hindi pa po talaga, sir." muling tanggi ko.

Paano kapag nagsinungaling pa ako edi mawawalan ako ng trabaho? Wala pa nga akong nahahanap na isa pang trabaho.

"Are you sure?" lalong lumapit ang mukha niya at amoy ko nag hininga niya.

Lumunok ako bago siya sagutin. "Uhm, sa--"

"Tss, nevermind, I think kamukha ka lang, she's too angelic than you. You're a janitor, right?" putol niya sa sasabihin ko.

"O-Opo, sir." maliit na boses ko dahil hindi lingid sa kaalaman ko na nakatingin sa amin ang lahat ng empleyado at pati ang board members ng kompanya

"Bagay," seryosong aniya bago lumakad papalampas sa akin.

Napalabi ako at agad na binaba ang tingin. Nag init ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya na pati ang mga katabi ko ay hindi ko na magawang malingunan.

Ganoon ba talaga iyon? Ang sakit niya magsalita para sa isang lalaki.

Nang makalayo siya ay hindi pa rin nawawala ang paningin ko sa lupa. Napakalayo sa mukha niya ang ugali niya.

"Girl, 'di lang ikaw..." pakantang lumapit sa akin ni Nelson habang nakakapit sa braso ni Brenna.

"Di lang ikaw, ang nahihirapan, damdamin ko rin..." sabay ni Brenna sa kantang iyon ni Nelson.

"Ay winasak niya! Huwag kang mag alala, hindi ka mukhang janitor. Siguro ngayon lang dahil kakalinis mo lang ng upper floors, pero huwag kang maniwalang bagay kang maging isang janitor! That's a big insult!" dramatikong litanya niya at maarteng winaksi ang kamay niya at tinuro turo ang pintuang pinasukan ni Sir Vincent kasama ang mga kasamahan niya.

Ang sabi kasi ay may pag uusapan lamang sila at mamaya na ang general inspection kaya't pinabalik na muna sa trabaho ang lahat.

"Ganoon talaga iyon, parang allergic sa babae. Ang usap usapan daw kasi ay may jowa sa Canada, loyal siya, bhie." tango ni Brenna at lumapit pa para sana bumulong ang kaso ay masyadong malakas ang boses niya.

"Grabe naman, meron pa palang ganon?LDR ang peg, paloyal ang lolo mo." komento ni Nelson.

"Tama na nga iyan. Baka lalong magalit si sir." suway ko at itinaboy na sila.

"Hindi ka ba marunong mag english?" ngiwi sa akin ni Nelson.

"Bakit?"

"Puro ka kasi tagalog lang."

"Nakakaintindi at nakapagsasalita naman ako ng ingles iyon nga lang sanay akong ganito magsalita." paliwanag ko.

"Bagay naman sa'yo,"

Umiling na lamang ako saka nagpatuloy sa pagmomop ng sahig.

"What's your name, the lady in neon green!" humarap ako sa tumawag sa akin ako nga ba nang maglinis ako rito sa meeting room.

"Sir?" sagot ko at itinuro pa ang sarili.

"Yes you! Mayroon pa bang naka neon green dito?" tinaasan niya ako ng kilay ngunit bakas doon ang pagkaseryoso niya.

"Yes po, sir?"

"I said what's your name?" iritang tanong niya sa akin.

"P-Pauline Flores po," magalang na sagot ko at bahagya pang napayuko.

Kinulang ako sa taas kaya naman nakakangawit kung titingalain ko siya.

"You're new here?"

Nakangiting tumango ako sa kaniya. "Pang first week ko palang po ngayong araw--"

"It's answerable by yes or no." irap nito sa akin kaya pasimple na lamang ako napanguso at tango.

"O-opo,"

Pinaningkitan niya ako ng mata saka sinipat ang aking buong mukha bago tumayo ng maayos at nakapamulsang tinalikuran ako.

Nanatili ako doon upang isipin ang problema ng lalaking iyon.

Ang sabi nila ay masungit, hindi ko alam na may pagkawirdo pala ito.

Napahugot ako ng malalim na buntong hininga bago nagsimulang muling maglinis.

Hindi nalang ako umimik dahil tiyak papagurin ko lamang ang sarili ko, mag aapply pa ako mamaya.

Ang wirdo naman ng boss ko. Isang iling ang ginawa ko sa naisip kong iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

258K 18K 56
ABHIMANYU RATHORE :- Rude , workaholic CEO of Rathore Empire .Devilesing hot , every girls drools over him .But loves his family to dearest . . SAKS...
187K 6.9K 55
แ€›แ€ญแ€•แ€บแ€แ€ปแ€ฑ แ€€แ€ญแ€ฏแ€€แ€ผแ€ฎแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏแ€แ€ปแ€…แ€บแ€แ€šแ€บ แ‹ แ€€แ€ญแ€ฏแ€€แ€ผแ€ฎแ€ธแ€œแ€Šแ€บแ€ธ แ€›แ€ญแ€•แ€บแ€แ€ปแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€แ€ปแ€…แ€บแ€œแ€ฌแ€›แ€„แ€บ แ€–แ€ฝแ€„แ€ทแ€บแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€•แ€ฑแ€ธแ€”แ€ฑแ€ฌแ€บ แ‹ แ€”แ€ฝแ€ฑแ€ฅแ€ฎแ€ธแ€›แ€ญแ€•แ€บแ€แ€ปแ€ฑ ๐Ÿ€ แ€”แ€ฑแ€™แ€แ€”แ€บแ€ธ & แ€”แ€ฝแ€ฑแ€ฅแ€ฎแ€ธแ€›แ€ญแ€•แ€บแ€...
197K 15.3K 35
๐•๐ˆ๐‡๐€๐€๐ โ™ก ๐‘๐”๐‡๐€๐๐ˆ๐Š๐€ Ruhanika, a quiet introvert with a passion for books and study. She thrives in the world of words, finding solace in...
805K 8.1K 67
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค