Jethro's Obsession (COMPLETED)

By tinay_shoedad

1.2M 28.4K 2.2K

Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented pers... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue

35

14.6K 339 9
By tinay_shoedad

Her POV

"Okay ka lang ba?" tanong ni Eula. Nandito na kami ngayon sa bahay at kakauwi lang namin.

"Oo naman." sagot ko.

"Ano ba kasi ang sinabi sayo ng daddy ni Jethro ha, at nagkaka ganyan kana ngayon." nakatingin lang ito sa akin habang nakataas pa ang kilay niya.

Iniwasan ko ito ng tingin. "Wala nga." sabi ko.

She crossed her arms. "Wag ako, Vera. Kilalang kilala na kita! Kaya sabihin mo sa akin ang totoo." at lumapit na 'to sa akin.

Makulit talaga siya minsan. "Totoo nga. Wala naman talaga." I lied.

"Isa." at naiinis na ito base sa tono ng pananalita niya.

At mukhang wala na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo. Kesa sa magalit ito sa akin ngayon. "Fine."

"Good! Tell me everythung, Veranice kundi malilintikan ka talaga sakin." at pinanlisikan pa ako nito ng mata.

"Eto na nga diba!"

"So, ano na?" at umupo ito sa tabi ko.

I sighed. "Kinausap ako ng daddy niya and he told me that I should stay away from Jethro. Kasi hindi raw ako ang nababagay sa anak niya. And I am not enough for him." at napayoko ako.

"Really?"

I nodded. "Yeah, sinabi niya iyon sa akin." and I smiled bitterly.

She scoffs. "Ang sama naman ng ugali niya."

"Parang ganun na nga."

Tinignan niya naman ako. "Wala naman siyang karapatan na hadlangan ang kaligayahan ng anak niya diba. Pero anong sinabi mo sa kanya? Pumayag ka ba na layuan si Jethro?" she asked.

I took a deep breath.  "Yes, pumayag ako and I also think that he was right. Mukhang hindi nga talaga ako ang nararapat sa anak niya."

"Hoy, Vera! Hindi 'yan totoo ah. At first, amiminin ko na na sa una akala ko talaga na masawa si Jethro para sayo but this past few weeks I saw how he treated you. I misjudged him at walang karapatan ang daddy niya na pagpapalayuin kayong dalawa " ngumiti na lang ako sa sinabi niya.

Hindi ko na rin kasi alam kong ano ang gagawin ko. Parang naapakan yung dignity ko sa mga sinabi sa akin ng daddy niya. I felt that I was belittled.

Nginitian ko na lang siya. "It's okay, Eula. I can handle this at iiwasan ko na lang si Jethro para sa ikakabuti naming dalawa."

Para na rin sa ikakabuti namin ni papa. At sa mga taong malapit sa akin.

Napatayo naman siya. "What?! No! Wag mo siyang iiwasan. Alam kong masasakta si Jethro kapag ginawa mo iyon." at ngayon supurtado na ito sa amin. Noon kasi ayaw niyang sumasama-sama ako kay Jethro.

I smiled bitterly. "I don't have a choice anymore, Eula." kung alam mo lang pinsan.

"You always have, Vera. You will always have a lot choices and you can choose Jethro."

"Not this time, Eula."

Her forehead knotted. "Bakit Vera? Hindi mo pa rin ba mahal si Jethro?" tanong niya sa akin at napatahimik naman ako.

To be honest, I still don't know at wala akong planong alamin pa kasi wala naman ng patutunguhan to eh. Masyado kaming hindi bagay para sa isa't-isa. Sobrang taas niya kasi. Hindi ko siya maabot-abot.

Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Vera, I'm asking you. Do you already love him or not?"

Do I? Isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Ang piliin ang tamang sagot.

"No." at umiwas ng tingin.

She sighed. "Eh bakit ganyan ka ngayon. Bakit parang iba ang sinasabi mo sa mga kinikilos mo.''

"Hindi nga... Eula. I don't love him, okay?" pangumgumbinsi ko pa sa kanya.

"It seems that you've already made your choice. So, ano na ang plano mo niyan? Bigla mo na lang bang iiwasan na lang yung tao ganon ba, Vera?"

"Parang ganon na nga."

She sighed. "Hindi ba masyadong unfair yun sa tao? Kasi nakikita kong mahal ka talaga ni Jethro at talagang maawa ako sa kanya kapag ginawa mo 'yon." sabi ni Eula

"Hayaan mo na lang siguro ako sa desisyon ko, Eula. Wala na rin naman akong magagawa eh." paliwanag ko.

"Ewan ko sayo, Vera. Sana minsan sundin mo rin 'yang tinitibok ng puso mo."

Ano ba ang tinitibok ng puso ko?

Bakit kasi hindi ko maramdaman.

"This is the right thing to do Eula. Believe me, his father was right. And I should stay away from Jethro at mag f-focus na lang sa pag-aaral ko. Kailangan ko pang habulin yung mga grado ko at mas importante 'yon, sa ngayon.''

Hindi na siya sumagot sa sinabi ko.

"Oh, bakit tinitignan mo lang ako?" nagtatakang tanong ko.

She just smiled weakly and said, "Sana tama nga 'yang napili mong desisyon sa buhay Vera, sana hindi ka magsisi sa huli."

Sana nga.... sana hindi ko pagsisisihan.


KASAMA ko ngayon si Lucian sa mall. Bigla niya kasi akong inayang lumabas kaya pumayag na lang ako kasi matagal na rin kaming hindi nakakalabas.

Pareho rin kasi kaming busy sa pag-aaral. Lalo na't hindi ako ako pinapayagan ni Jethro na makasama si Lucian. Alam kong magagalit iyon kapag nakita niya akong kasama si Lucian... pero iba na ang sitwasyon ngayon.

"So, how was the food there?" tanong nito sa akin. Kakatapos lang kasi naming kumain.

I smiled. "It was great. Masarap ang burger nila!"

"I'm glad you enjoyed it." napangiti naman siya.

Naglalakad na kami ngayon papuntang National bookstore. May bibilhin pa raw ito para sa activity niya. "Yeah."

He cleared his throat. "So, kumusta na kayo ni Jethro? Sinagot mo na ba siya?" at ngumiti siya ng pilit sa akin.

Naalala ko na naman ang lahat ng sinabi sa akin ng daddy niya. "No."

"Really? Why?"

Umiwas na lang ako ng tingin. "Masyado lang kasing malabo eh."

"Bakit naman? Mukhang seryoso naman si Jethro ah."

"Basta."

"Nagloko ba siya habang nililigawan ka niya?" he asked.

I immediate shake my head. "No... no he didn't."

"Then, why?"

I sighed. "Kasi hindi ko siya mahal." I bluntly said. At dahilan iyon para mapangiti siya.

"Oh, I see. I am sure he will be hurt by what you've said." at umiwas siya ng tingin.

"May mga bagay lang talaga siguro na hindi pwedeng ipilit. At sana maintindihan niya iyon."

Hinawakan niya naman ang balikat ko. "Jethro will understand you... don't worry." at pinagbuksan ako nito ng pinto. Nakarating na kasi kami sa National bookstore habang nag-uusap.

Nang makapasok kami sa loob ay agad ko lang siyang sinundan. Agad naman siyang pumili ng bibilhin niya. "Which color do you like? Red or blue?" he asked.

"I guess... the blue one." sabi ko dito.

"Alright! I'll buy this blue one." sabi niya.

Napatigil naman ako ng may biglang tumawag sa cellphone ko. Kaya kinuha ko naman iyon sa bulsa ko. Parang bigla naman akong kinabahan ng makita kong si Jethro ang tumatawag.

Sasagutin ko ba ito?

"Who's calling you?" tanong ni Lucian. Kaya agad ko namang pinatay ang cellphone ko.

I'm sorry Jethro... but I really need to avoid you.

"Ah... wala." at nginitian ko ito ng pilit.

"I see." at patuloy ko lang itong sinundan habang pumupili siya ng materials na bibilhin niya.

Binilhan niya nga rin ako ng libro. At first I refused... pero mapilit talaga siya at binili niya pa rin iyon para sa akin. Kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya.

Nang matapos na siyang bumili ay binayaran niya na rin lahat ng binili niya at pati na rin ang libro na binili niya para sa akin.

After that ay lumabas na rin kami ng NBS "Thank you for this." sabi ko ulit dito. Habang hawak ang libro na binili niya.

"You're welcome." and he smiled.

Habang naglalakad kami palabas ng mall ay bigla naming nakita sina ate Janine at si Lanny.

Oh no.

Bigla naman akong kinabahan. Paano kong kasama nila si Jethro!

"Vera!" bati sa akin ni ate Janine.

"Hello po." bati ko rin sa kanila.

Nginitian naman ako ni Lanny. "Sinong kasama mo?" she asked.

Bigla ko namang nilingon si Lucian ngayon. At nag-iba ang ekspresyon ng mukha nila ng makita nitong si Lucian ang kasama ko.

"Hi, ladies." bati ni Lucian.

Nakita kong tumaas ang kilay ni ate Janine ngayon. "L-lucian."

"It's been a while... ate Janine! Matagal din tayong hindi nagkita." sabi sa kanya ni Lucian.

Magkakilala rin pala silang dalawa ni ate Janine.

Ngumisi naman si ate Janine sa kanya. "Yeah... It's really been a while... Lucian." I don't know how much tension we're having right now.

Kanina pa rin ako palibot-libot ng tingin dito at mukhang hindi naman nila kasama si Jethro.

Hinawakan naman ni Lanny sa braso si ate Janine. "I think we need to hurry now... ate Janine. Baka kasi mainip si Theo na maghintay sa 'tin sa labas." sabi nito dito.

"Yeah... You're right." kasama rin pala nila si Theo ngayon.

Napatingin naman sa akin sina ate Janine at Lanny. "Sorry... Vera but we have to go now." sabi ni ate Janine.

"It's okay, ate Janine."

"Mag-ingat ka ha." sabi ni ate at tinignan nito si Lucian.

"Opo.''

Hindi ko alam kong anong klaseng tinginan ang binibigay nila sa isa't-isa. Ang alam ko lang ay hindi ko kaya ang tensyon na iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
719K 15.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
11.2K 397 14
NANG DAHIL SA COVID #3: Lockdown Dahil sa isang milyong suhol, nagawang dalhin ni Ginger si Rhioz sa bukiring parte ng kanilang probinsya upang panat...
4.6K 273 53
Lahat po ng mga one-shot stories po na nagawa ko ay nandito. 💕