PORTAL

By WackyMervin

10.8K 787 65

PORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: Wacky... More

PROLOGUE
PORTAL 1
PORTAL 2
PORTAL 3
PORTAL 4
PORTAL 5
PORTAL 6
PORTAL 7
PORTAL 8
PORTAL 9
PORTAL 10
PORTAL 11
PORTAL 13
PORTAL 14
PORTAL 15
PORTAL 16
PORTAL 17
PORTAL 18
PORTAL 19
PORTAL 20
PORTAL 21
PORTAL 22
PORTAL 23
PORTAL 24
PORTAL 25
PORTAL 26
PORTAL 27
PORTAL 28
PORTAL 29
EPILOGUE

PORTAL 12

242 23 0
By WackyMervin

********

PORTAL 12

********

                Nakakailang katok na si Tita Esme pero di ko parin binubuksan. Di ako sumabay sa kanila sa umagahan, hanggang sa hapunan. Di ako lumabas ng kwarto at alam kong nag-aalala na siya o sila sa akin. Nakadapa ako ng minutong iyon at nakahubad, naiinitan kasi ako. Gabi na pero naiinitan parin ako. Siguro dahil sa hindi ako naligo ngayon araw na iyon. Ayaw ko kasi talagang lumabas. Ano bang ipinaglalaban ko? Kapag ba di ako lumabas may mangyayari bang pagbabago sa sitwasyon ko? Wala rin naman diba? Para akong gago. Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko, sinasabe ko na maaayos din ang lahat. Makakabalik din ako sa panahon ko, pero hindi. Masyado nang nagiging malala ang mga pangyayari.

                “Bukas yung hearing ng kaso mo, kailangan mo nang magpahinga. Matulog ka na ah?” pagpapaalala pa sa akin ni Tita Esme. Isa pa yun. Paano ako nadamay sa kasong ito? Ni wala sa isip ko na makagawa ng ganoong bagay. Ni pagpatay ng puso o aso di ko pa nagagawa ang pagpatay pa kaya ng apat na tao? At isa pa anong motibo ko? Tama kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong makatakas kundi baka hindi na ako makabalik sa panahon ko kung mamamatay ako rito.

                Kaso paglabas ko pa lang ng pintuan, nakaabang na si Ivy.

                “Saan ka pupunta?” nakacross-arm pa nitong harang sa pintuan.

                “Gusto ko nang makabalik sa panahon ko.” Giit ko pa sa kanya.

                “Paano ka makakabalik?” taas kilay niyang tanong sa akin.

                “Hahanap ako ng paraan, mukha kasing wala kayong balak na tulungan ako.” Dinaanan ko lang siya.

                “Saan ka pupunta?”

                “Sa mars.” Pabalang na sagot ko.

                “Saan ka nga pupunta?”

                “Sa lugar na di kita makikita.” Sinundan ako ni Ivy, hinila ang damit ako dahilan para mapaharap ako sa kanya.

                “At bakit?” tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hangin na lumalabas sa kanyang bibig at ganun din sa butas ng ilong nito ng mga oras na iyon.

                “Bakit mo kailangang malaman?”

                “Gusto kong malaman!” giit pa niya.

                “Wala ka na doon,” muli ko na naman siyang dinaanan. Pero inaasahan kong pipigilan niya ako sa paglabas ko ng pintuan, pero mali ako di na siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Sa pagharap ko nakatitig lang siya sa akin at para bang nagsasabi ang mga mata niya na wag akong umalis. Napabuntong hiningan ako sa ng malalim ng minutong iyon. At ginulo ko ang ulo ko.

                “Maliligo lang ako, ang baho ko na kasi.” Saka ako dumiretso sa banyo at doon ako ay naligo nga ako. Noong natapos akong maligo, inaantay parin pala ako ni Ivy sa labas ng banyo.

                “Talagang inaantay mo akong matapos ah? Wag kang mag-alala di na ako aalis.” Sabi ko sa kanya.

                “Bakit bigla atang nagbago ang isip mo?”

                “Kasi sinasabe ng mga mata mo na wag akong umalis.” Di siya nakapagsalita. Ay mali, di naman talaga siya nagsasalita. Ano pa nga bang inaasahan ko? Dinaanan ko lang siya at umakyat na ako sa kwarto ko. Nawala ang init ng katawan ko at ganun din ang init ng ulo ko noong Makita ko si Ivy. Mayroong kumatok sa likod ng pintuan ko, kaagad akong tumayo at lumapit rito, binuksan at sa pagbukas ko si Ivy ang bumungad sa akin.

                “Anong ginagawa mo rito? At isa pa gabi na baki ‘di ka pa nagpapahinga?” tanong ko sa kanya. Nakatayo lang siya sa harapan ko at gaya ng lagi niyang ginagawa, nakatitig na naman ito sa akin.

                “Tititigan mo na naman ba ako? Di kaba nagsasawang titigan ang mga mata ko?”

                “Hindi!” mabilis na tugon nito. Napangisi ako ng minutong iyon.

                “Wag mong sabihin na…”

                “Na gusto kita? Pwede ba kitang magustuhan?” tanong niya sa akin. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi maaari ito. Lumapit si Ivy at hinawakan ang dibdib ko. Doon dumampi ang kamay niya sa dibdib ko, mas bumilis ang tibok nito. Tae! Di ko mapigilan. Bakit parang pabilis ng pabilis ito. Dug dug. Dug dug. Dug dug. Dug dug.

                “A-anong  g-ginagawa m-mo?” nauutal na tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa mukha niya na walang ka-expre-expression.

                “Binabasa ko ang tibok ng puso mo,” sabi nito sa akin. Napatingin ako sa kamay niya na nakadikit parin sa dibdib ko ng minutong iyon. Pero kaagad kong tinapik yung kamay niya na siyang kinagulat naman niya.

                “Ano bang ginagawa mo?” singhal ko sa kanya. Saka ako umiwas sa kanya, doon ay nakahinga na ako kahit papaano.

                “Di mo ba narinig ang sinabe ko?” sagot niya sa akin.

                “Bakit mo kailangang gawin yun?”

                “Para malaman ko kung pareho ko ba, ay ganun din ang nararamdaman mo.” Singhal pa niya sa akin. Hinarap ko siya at tumawa ng malakas.

                “Baliw ka ba? Alam mo ba yang mga pinagsasabi mo?”

                “Oo.” Matipid niyang sagot sa akin.

                “Pwede ba? Wag mo akong sasagutin ng mga da-dalawang letra.” Inis kong sagot sa kanya.

                “Anong gusto mong isagot ko?”

                “Hindi ko alam,” saka ko ginulo ang ulo ko at umupo sa kama ko.

                “Naguguluhan ako. Ang daming pumapasok sa isip ko, dumadagdag ka pa. Sasabog na yung utak ko sa kakaisip.” Hinawakan ako ni Ivy, parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng minutong iyon.

                “Parang awa mo na, wag mo akong hawakan.” Utos ko sa kanya, saka niya ako binitawan. Saglit kaming natahimik ng minutong iyon.

                “Talaga bang totoo yung mga sinabe mo kanina?” tanong ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.

                “Patawarin mo ako, naguguluhan pa ako. Sobrang mali ito Ivy, napaka-bata mo pa. walong taon ang agwat ng edad natin. Hindi nga e. mahigit sa bente taon ang tinanda mo sa akin. Isa pa, hindi tayo pwedeng magmahalan dahil sa nasa ibang panahon tayo. Masasaktan ka lang. masasaktan lang kita. At… at… isa yun sa ayaw kong mangyari. Ang masaktan ka Ivy.”

Continue Reading

You'll Also Like

109K 2.8K 30
Ako si Sharmaine Cruz a.k.a. Shay. Matalino ako, maganda rin. Hindi naman sa nagyayabang ako, alam ko lang talaga kung sino ako at kung ano ang gusto...
496K 35.1K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
941K 23.7K 43
Sino nga ba ang karapat-dapat na magmana ng Hacienda Barosa?
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...