Kristine Series 18, One Wish...

By MarthaCecilia_PHR

596K 19.9K 1.8K

"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinukso... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Epilogue

17

14.9K 554 44
By MarthaCecilia_PHR

MULA sa pagkakadapa sa kama'y napabangon si Karl nang marinig ang tunog ng chopper na bumababa sa helipad ng rooftop ng Esmeralda Building. Natitiyak niyang si Nathaniel ang sakay ng chopper. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa isla at tinanggal na rin niya sa hook ang telepono sa penthouse. Ang cellular phone niya'y permanenteng naka-off. At isinara niya ang accordion door sa may elevator, refusing to speak to anyone.

He would have wanted to leave the country but it was of no use. Nasa Texas lahat halos ang mga pinsan niya. Hindi rin niya gustong makaharap kahit sino sa mga ito. Not wanting to see them took pity on him.

Isang mahinang katok ang narinig niya at pagkatapos ay ang marahang pagbukas ng pinto. Sumungaw si Margarita.

"That must be your father, Karl." Nagsusumamo ang tinig nito.

"Kayo ang kumausap sa kanya, Grandma," he said grimly. "I don't want to talk to him!" Margarita sighed wearily at muling isinara ang pinto ng silid niya. Dalawang oras pagkarating ni Karl sa Maynila ay kasunod na niya ang abuela. He knew how worried her grandmother was bagaman hindi nito ipinakikita iyon sa kanya. At hindi niya ito magawang itaboy. She insisted to stay.

"If you don't want to talk to me, fine," mahinahon at maunawaing sabi ni Margarita sa kanya. "Pero hindi mo ako maitataboy pauwi sa isla, apo. Sasamahan kita rito."

Tiniyak niya sa abuela na hindi siya nag-iisip na gumawa ng masama kung iyon ang ipinag-aalala nito.

"If you don't want company, then you can pretend I am not here, Karl. I won't even speak to you malibang kausapin mo ako. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, apo. And I want to be here when you feel like talking..." banayad nitong sabi.

Naghihimagsik ang loob na muling inilatag ni Karl ang katawan sa kama. Iniunan ang mga braso at nakatitig sa kisame. If only he could vanish from the surface of the earth and never see his father again. Ang lahat sa pamilya'y alam ang buong pagkatao niya maliban sa mga pinsan niyang hindi naman nagkakalayo ang mga edad. At paano niya haharapin ngayon ang mga ito? Lord, he had a mother he could never be proud of. At isiping ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng pamilyang Fortalejo-Cervantes sa dangal. Dangal. Shit.

Isang mahinang katok ang nagpatuon ng paningin niya sa pinto ng silid niya.

"Go away! Leave me alone!" "Karl..."

Hindi si Nathaniel ang nasa labas ng pinto. Napabangon siya nang marinig ang boses ni Jasmine. Kung ganoon ay hindi ang ama ang sakay ng chopper. O kasama ni Jasmine ang papa niya at naroon lang sa labas at naghihintay?

"Karl, let's talk, please..." Gusto niyang itaboy ang nakilalang ina subalit hindi niya magawa. Sapilitan siyang tumayo at binuksan ang pinto. "What do you want?" he snapped.

"Ano ba ang kailangan ng ina sa isang anak na tatlong araw nang hindi nakikipag-usap?" Jasmine said softly. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito tanda ng hindi pagkakatulog. May nagbabadyang luha sa sulok ng mga mata. At nasa mga mata rin ang pananabik para kay Karl.

But he was too angry to notice it. "You are not my mother, Jasmine! Don't make me laugh..." "Biologically, yes. But I've loved you... nurtured you and raised you as if you were my own." There was a sob in her voice na napamura si Karl at tumalikod. "Kung inutusan ka ng papa para—" "Hindi ako inutusan ng papa mo though he was very worried. Gusto niyang magpunta rito subalit pinigilan ko siya. Hindi ako nakatitiyak sa mangyayari sa paghaharap ninyo..."

"Good! Hindi ko siya gustong makausap. Sabihin mo sa kanya iyan!"

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmine. Lumakad patungo sa silya at naupo. May ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago, "I was two months pregnant when Lydia came to me and told me she was pregnant... at si Nathaniel ang ama..." Marahas na nilingon ni Karl ang ina. "Pregnant? No... No!" Itinaas niya ang dalawang kamay. 

"No, don't tell me, please. Higit kong kasusuklaman ang papa!"

"I want you to listen to me, Karl. Huwag mong gawin ang ginawa ko sa papa mo noon. Ang husgahan siya kaagad," she said softly.

Umiwas ng tingin si Karl. Tiim ang mga bagang na tumingala sa kisame at isinuklay ang mga daliri sa buhok. Nagpatuloy si Jasmine.

"Hindi ko gustong maniwala sa sinasabi ng babaeng bigla na lamang dumating sa isla. Hindi ako pagtataksilan ni Nathaniel. Alam kong mahal niya ako... mahal na mahal para dulutan ng matinding sama ng loob. Subalit hinintay ni Lydia na dumating si Nathaniel. At nang magharap ang dalawa'y natuwa ako when your father honestly didn't recognize her.

"Subalit nang isa-isang ipaalala at idetalye ng babaeng iyon ang paraan ng pagtatagpo nila... kung kailan at kung sino ang kasama ng asawa ko... at kung saan sila nagpunta ay unti-unti akong pinanlamigan ng katawan. Lalo na nang hindi magawang pasubalian ng papa mo ang sinasabi ng babaeng iyon. Your father wasn't a liar... and even if he had lied, madali ko iyong malalaman. At sa mismong oras na iyon ay para akong binagsakan ng langit..." Sunod-sunod ang paghinga ng malalim ni Jasmine, tila ba kahapon lang nangyari ang ikinukuwento.

Nag-aalalang nilapitan ni Karl ang ina. Napatalungko sa harap nito at hinawakan sa dalawang kamay si Jasmine. "'Ma, are you all right? Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang lahat ng iyan..."

Jasmine smiled at her son tenderly. "I'm fine... Karl. Gusto kong sabihin sa iyo. Baka sakaling mabawasan ang galit mo sa paglilihim namin ng papa mo sa iyo..."

Naupo sa carpet si Karl at pauntog na isinandal ang ulo sa dingding. Hindi niya gustong marinig ang anumang sasabihin nito tungkol sa tunay niyang ina... hindi niya gustong makipag-usap kahit na kanino... subalit paano niya itataboy ang ina?

"I felt pain in my lower stomach," patuloy ni Jasmine. "I shouted at your father hysterically. Na hindi ko siya patatawarin sa sandaling may mangyari sa dinadala ko..."

His face was grim when he said, "You lost the baby!" Tumango si Jasmine. Sadness crossed her eyes. Umigting ang mga bagang ni Karl. "My father had a lot to pay for..."

"Iyon din ang paniniwala ko, Karl. But Nathaniel was as devastated. Hindi niya alam kung ano ang gagawin upang mapayapa ako. I took Iris with me and left the island... naghanap ng matitirhan sa Maynila at nanirahan nang malayo sa kanya. Subalit naroroon lagi ang papa mo, sa labas ng bakod ng apartment... natutulog sa kotse. Umaasang patatawarin ko siya."

She took her handkerchief from her pocket. Pinahiran ang mamasa-masang mga mata. "I love your father so much, Karl. I'll die loving him... only him. Kahit sa mga panahong kinamuhian ko siya ay naroroon pa rin ang pag-ibig. Subalit hindi ko siya magawang patawarin sa pagkawala ng aming anak dahil sa kataksilan niya. Bagaman alam kong ininda din ni Nathaniel nang labis ang nangyari...

"And for two months we both lived in hell. Hanggang isa sa mga checkup ni Iris ay nakatagpo ko sa ospital ang OB-Gyne na kaibigan ni Nathaniel. Siya ang ikalawang doktor na pinagpatingnan sa akin ng iyong ama noong ako'y nagdadalang-tao..." She paused for a while, bago nagpatuloy.

"Nang malaman niyang naiwala ko ang aking dinadala'y nagulat pa ako nang matuwa siya. I felt offended and so furious na gusto ko siyang talikuran kaagad subalit napigil ako sa aking gagawin nang idugtong niyang hindi rin talaga magtatagal ang bata sa aking sinapupunan at ikamamatay ko pa..." He frowned. "What did he mean by that?"

"I got curious and invited him for coffee. Ipinaliwanag niyang manganganib ang buhay naming pareho ng bata sa sandaling umabot ito sa full term. Iyon marahil ang sinabi ng unang doktor na tumingin sa akin sa papa mo kaya humingi siya ng second opinion sa kaibigan niya sa Maynila. Kasama sa paglaki ng bata sa tiyan ko'y ganoon din ang isang tumor na kailangang maalis kaagad. Nathaniel was so scared that he drank himself to death. Paano niya sasabihin sa akin ang tungkol sa diagnosis ng dalawang doktor? We both wanted that baby so much..."

"What happened?" si Karl na sandaling nawala ang galit sa ama at napukaw ang interes. Jasmine sighed. Unti-unting inilahad kay Karl ang mga ipinagtapat ni Dr. Sandico...

"Kailangan mong magdesisyon, pare," wika ni Dr. Sandico habang nasa isang eksklusibong bar sila na hindi kalayuan sa ospital at sa anyaya na rin ni Nathaniel. "Kailangang operahan ang asawa mo sa lalong madaling panahon. You can take her to the States if you want."

"At paano ko sasabihin sa kanya na kailangang mawala ang aming anak upang mabuhay siya?" Nathaniel asked angrily... bitterly. "Kay tagal niyang inasam ang pagdadalang-taong ito, Dan... kay tagal naming hinintay. Paano niya tatanggapin iyon? At paano ko sasabihin sa doktor na mag-oopera sa kanya na sige, patayin mo ang anak ko para mabuhay ang asawa ko?!" Inabot ni Nathaniel ang bote ng mamahaling brandy at sinalinan ang baso. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na inubos ang laman nito. Pabagsak niyang ibinalik sa mesa ang baso at sinalinang muli. Nang tangkang kuhanin ni Dr. Sandico ang botelya ng brandy ay tinabig ni Nathaniel ang kamay nito.

"Dan, wala akong karapatang pumili kung aling buhay ang dapat kong pahalagahan! Parang ako na rin ang pumatay sa buhay na hindi ko pinili!" he said agonizingly. His shoulders shook as he wept shamelessly.

"But we have no choice, Nat. Hindi ko maipapangako sa iyong kaya nilang mag-survive na pareho."

"We all have choices in this life, Dan. At sa kasalukuyan ay hindi ko alam kung ano ang sa akin!" Muli nitong sinaid ang laman ng baso.

Hindi makuhang magsalita ng doktor upang payapain ang damdamin ng kaibigan. Pisil nito sa balikat si Nathaniel nang isang mestisahing babae ang lumapit sa mesa nila. Naupo ito sa tabi ni Nathaniel.

"Hello, handsome..."

"Go away!" taboy ni Nathaniel dito. Muling sinalinan ng alak ang baso at muli ring ini-straight. Subalit ang babae'y nanatili. Sa malamlam na ilaw sa club ay mababanaag sa mukha nito ang paghanga kay Nathaniel. Hinila ang isang silya at naupo sa tabi niya. Pinigil ni Dr. Sandico si Nathaniel sa paglalasing subalit hindi nagpaawat ang huli na sa kalasingan ay nagpatangay na lamang sa gustong mangyari ng babae.

"Mauna ka na, Dan..." malagihay nitong sabi sa kaibigan. "S'ya na raw ang bahala sa akin... 'di ba, sweetie pie?"

Isang malutong at mapang-akit na tawa ang isinagot ng babae at tinitigan si Dan. "Narinig mo ang sinabi ng kaibigan mo. Ipaubaya mo siya sa akin. He's in good hands..." Isang matabang na ngiti ang ibinigay ni Jasmine kay Karl sa bahaging iyon ng paglalahad. 


"Doctor Sandico wouldn't have left your father with the GRO because he was too drunk. Subalit isang kakilalang doktor ang tumapik sa balikat nito at sandaling nawala ang pansin niya sa papa mo. May mga kasamahan itong mga doktor na nagkataong naroon din sa bar na iyon para sa isang selebrasyon. Nang sunod niyang lingunin ang papa mo'y pareho na silang wala ng GRO."

"Hindi ako naniniwalang ipinagdalang-tao ako sa minsanang pangyayaring iyon, Mama!" hatred rose his chest for his father. "Nagtagpo silang muli ng babaeng iyon!"

"Naniniwala akong minsan lang nangyari iyon, Karl," malumanay na sagot ni Jasmine. "Kinabukasa'y bumalik kaagad kami sa isla. At tiniyak ni Lydia na ang sumunod niyang nakatalik pagkatapos ng iyong ama'y isang buwan pa makalipas... na sadya niyang ginawa."

"At pinatawad mo ang papa pagkatapos mong makausap si Doctor Sandico?" Karl said accusingly. "Paano ka niya nagawang pagtaksilan gayong nakaharap siya sa isang malaking suliranin?"

"He suffered too, Karl." Puno ng pang-unawa ang tinig ni Jasmine. "He was too drunk to realize what he was doing. At ako mismo ang nagsabi sa papa mo na kausapin si Lydia... kung pagkatapos niyang manganak at matiyak naming si Nathaniel nga ang ama'y aampunin namin ang bata..."

Mahabang sandali ang namagitan bago muling nagsalita si Jasmine. Tumaas ang kamay sa pisngi ng anak. "The first time I held you in my arms, I loved you instantly, Karl..."

"Paanong nagawa ni Lydia na ibigay ako sa inyo?" he asked bitterly.

"Your father was a very good-looking man, kahit sino'y maaakit. Kung hindi ako nakatitiyak na mahal ako ng iyong ama ay baka kinain na ang puso ko ng maraming panibugho. At paghanga lamang ang unang motibo ni Lydia nang makita niya ang papa mo sa bar. But when she saw your father's calling card that night, agad na gumana ang isip niya. Nakita niya si Nathaniel bilang mina ng ginto.

"Hindi ka man angkinin ng ama mo'y babayaran siya nito upang huwag maiskandalo. But she got lucky, hindi na ako maaaring magkaanak pagkatapos ng operasyon ko... Ibinigay ka niya sa amin at tiniyak naming sa legal na paraan. Kapalit niyon ay ang hindi birong halaga. Sapat upang mabuhay siya nang marangya na hindi nagtatrabaho. At isang kasunduan na kailangang mangibang bayan siya upang doon maninirahan. We provided for her."

Karl gritted his teeth. "At paano ang napasukan natin sa opisina ni Papa noong kinse anyos ako? Lydia was there, right on my father's lap!" T

umango si Jasmine. "Muli'y muntik na ring masira ng babaeng iyon ang pagsasama namin ni Nathaniel. Muntik na rin niya akong mapaniwalang nagkikita sila lagi. Iyon ang unang pagkakataon sa maraming mga taon na wala ako sa pampamilyang okasyon. Kung natatandaan mo'y anniversary ng Uncle Bernard at Aunt Jewel mo nang umalis tayo. Isa pa'y higit akong natakot na ipaalam ni Lydia sa iyo ang tungkol sa pagkatao mo... you were too young to understand..."

Iyon ang panahong nag-apurang ipinaayos ni Jasmine ang mga pasaporte nilang mag-ina patungong Texas dalawang araw matapos ang pangyayaring iyon. Inilagay ni Jasmine ang kamay sa balikat ng anak. "Patawarin mo kami ng papa mo sa paglilihim sa iyo, Karl. And please don't hate your father... hindi niya intensiyong pagtaksilan ako. Sa isang banda, ikaw ang pinakamagandang resulta ng hindi sinasadyang pangyayaring iyon." Nakabadya ang pagmamahal sa mukha nito nang titigan ang anak.

Matagal na katahimikan ang pinalipas ni Karl bago nagsalita. "At ano ang ginagawa ni Lydia sa isla, Mama? Bakit naroon siya?"

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jasmine. "Nang araw na ibigay ka niya sa amin, umalis siya patungong Mindanao. Mula roon ay inilagay namin sa bangko ang labis-labis na halaga upang makapagsimula siyang muli at huwag nang maging GRO. Subalit hindi mo kayang arukin kung hanggang saan ang pagiging gahaman ng isang tao...

"She invested the money wisely na ginagamit ang pangalan ni Nathaniel—which we allowed. Anumang rekomendasyon ang hinihingi niya at legal ay hindi siya nagdadalawang-salita. Maliit na bagay iyon kung ikokompara sa kaligayahan namin sa iyo. And she's rich, Karl, tiniyak niya iyon. But she wanted more..."

"How much more?" he demanded. Kung panibagong salapi'y natitiyak niyang ibibigay rin iyon ng mga magulang.

"A seat in the board..."

Napalingon sa ina si Karl. "A seat in—She's crazy!"

"At iniisip niyang magagamit ka niyang pang-blackmail sa amin ng papa mo. That she could easily lie to you... and that your father would be afraid of scandal..."

"Well, not this one," mariing sabi ni Karl. "Napag-isip-isip ko sa nakalipas na tatlong araw na hindi lang ako ang bastardo sa pamilyang ito. There's Uncle Bernard and Uncle Zandro. Another one doesn't matter, does it?"

Jasmine smiled. Touched his son's cheek tenderly. "The consequence of your birth doesn't matter, Anton Karl. I love you and you are my son... And I wouldn't give you up for anything in this world. Kayo ng papa mo."



******************Hayss Karl, dito lang ako kung kailangan mo ako bibi char hahahaha. - Admin A ***************

Continue Reading

You'll Also Like

867K 39.6K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
144K 3.8K 13
Jaye had always thought no man was good enough for her. But she had always dreamed of proving herself wrong one day. Matapang siya, mahusay sa traba...
647K 18.3K 38
"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in h...
653K 16.1K 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, ma...