Milliseconds Of Doom

By meriemei

1.5K 217 1K

Trinity Zaniah Smith wants to be a doctor ever since she was a kid, she values life more than anything else i... More

Milliseconds of Doom
Simula
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28

16

35 5 60
By meriemei



Carter's POV

Hindi ko alam kung bakit ako naglalakad e' mayroon naman akong motor. Paano kasi, hiyang-hiya pa rin ako sa ginawa ko kay Doktora Zaniah na may hotdog sa noo.

Kilala ko kasi si nanay, talagang mawala na kaming dalawa na Jayson, huwag lang ang mga tupperware niya.

Aba! galing akong Japan tapos paano kapag hindi ako pinapasok ni nanay dahil hindi ko naiuwi ang tupperware niyang mahal?

Naalala ko dati, noong birthday ni Jayson, inutusan ako ni nanay na mag-abot ng pansit kay Aling Marites, nakalimutan kong kuhain ang tupperware kaya pag-uwi ako, kumalabog na ang pinto at sa labas ako nagtanghalian.

Kaya ngayon, natuto na ako pero nakakahiya talaga! Pakiramdam ko nabawasan ng 10% ang pagkalalaki ko dahil sa ginawa ko. Ano nalang ang sasabihin ng bilyonaryang 'yon?

Na isa akong dakilang hampaslupa na hindi maka-get over sa tupperware?

"Carting?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Inay, hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay habang akay ang bag at hawak ang manibela ng motor. Simula sa hospital, hindi ko 'to pinaandar at nilakad lang hanggang sa makauwi.

Ewan ko ba, lumilipad isip ko dahil sa tupperware na 'to.

"Halika pumasok kana at kanina ka pa hinahanap ni Jayjay." Tumango ako sa kaniya at inayos ng parada ang motor bago pumasok sa loob.

Inilapag ko ang bag sa lamesa at tahimik na tinanggal ang sapatos ko.

"Ilalabas ko lang ang mga labahan mo para maaga ko 'yang masimulan bukas. May flight ka ba?"

"Mayroon po, bukas po."

"Ah sige, lalabhan ko nalang 'yang uniform mo mamayang gabi at i-dryer para matu—"

"Hindi na, 'nay. May extra pa naman akong uniform sa kwarto namin don gabi na magpahinga ka nalang po."

Napangiti siya sa sinabi ko at sinuklian ko rin siya, ayaw kong napapagod si nanay dahil sa gawaing bahay. Kung kaya ko na gusto ko siya naman ang magpahinga at ibibigay ko sa kaniya ang buhay na nararapat sa kaniya.

Bumalik si nanay sa pagkalkal ng bag ko at bahagyang natigilan.

Tumingin ako kay nanay at lalo siyang nagtaka nang makita ang laman ng bag ko. Itinaas niya ang laman nito at matalim na tumingin sa'kin.

Yari na...

"Bakit mo dala-dala ang tupperware na pinaglagyan ko ng mercedes?" Mahinahon niyang tanong na may halong pag-aalangan

"Kasi nay..."

Napakamot nalang ako ng batok at mabilis pa sa alas kuwatro na lumipad ang damit ko sa gwapo kong mukha. Sinasabi ko na nga ba, maling desisyon nanaman!

"Carting! Bata ka! Nakakahiya kay doktora!"

Sigaw niyang sabi at halos mapalimos siya ng mukha sa sobrang hiya. Aba malay ko ba! Tupperware lang naman 'yan, hindi naman siguro manggagalaiti si Doktora d'yan. Yaman yaman e.

"Malay ko ba, mamaya hindi mo nanaman ako papasukin kapag hindi ko naiuwi 'yang tupperware mo."

Alam kong sobrang nakakahiya, aminado naman ako, pero siguro idadaan ko nalang sa dahilan. Mapagaan man lang loob ko kahit kaunti, letseng tupperware kasi 'yan e.

Sumpa talaga putangina, hindi na talaga ako kakain sa tupperware para maramdaman niya panggagalaiti ko.

"Nakakahiya ka naman, Carting! Walang wala 'yang tupperware na 'yan sa itinulong sa'tin ni doktora."

Paliwanag niya at mabilis na napaupo sa kahoy sa upuan, inalalayan ko siya kaagad dahil mahirap na. Matanda na siya at kailangan niya lagi ng gabay ko, inabutan ko siya ng panyo at mabilis na pinunasan ang pawis niya.

"Hayaan mo na nay, dalahan nalang ulit natin ng pagkain tapos hindi ko na babawiin 'yang tupperware mo." Pagpapagaan ko nga loob pero mabilis niya akong hinampas ng panyo.

Hilig talaga manghampas pero mas okay na ngayon, dati kasi kawayan hinahampas sa'kin ni nanay, ngayon panyo na. Mas magaan.

"Hay nako, sumasakit ang ulo ko sa'yong bata ka." Tugon niya habang nakahawak ang kamay sa sintido at mabilis na nagpakawala ng mabibigat na buntong hininga.

"Eh, Nanay kapag kay aling Marites kinukuha mo 'yung tupperware..."

Tumalim ang tingin niya sa'kin, "Ibang usapan kapag kay Marites, batang ito oh."

"Sorry na po, nay..." Hinaplos ko ang likod niya at pilit na pinakalma.

Maingay at makulit lang ako pero hindi puwedeng ma-stress si nanay dahil sa'kin. Magkandaletse-letse na lahat 'wag lang kalusugan ni nanay.

Naramdaman ko ang mga tingin niya kaya napatingin din ako sa kaniya, akala ko galit pa rin siya pero napalitan ng mapanlokong tingin ang kaninang seryoso at problemado.

"Ikaw siguro, kaya mo lang kinuha 'yan para magkaroon ka ng dahilan para makausap si doktora 'no?" Tanong niya habang sinusundot ang tagiliran ko.

Nanay talaga.

"Hindi 'no, masyado niyong sineseryoso mga nakikita at naririnig niyo." Pagtatanggi ko

Malakas na tawa lang ang iginanti ni nanay at natigilan lang kami nang may marinig kaming kaluskos.

"Ayiee, si kuya po crush si doktora!" Singit ng batang mabaho.

Napakunot ako ng noo, "Jayjay, bakit ka nandito?"

Pang-aasar ko, akala ko maiinis siya pero tumingin siya sa'kin ng nakakaloko at pinagsingkitan ng mata. Anong ginagawa ng batang ito?

Itinuro niya ang mukha ko, "Ayieee, bakit po namumula ilong mo po kuya?"

Natawa ng mahina si nanay dahilan para mapasimangot ako, aping-api naman ako dito. Sabi ko naman kasi wala akong crush d'yan kay doktora.

Pinisil ko ang ilong ni jayson, "Ang baho mo kasi kaya namumula ilong ko."

Mabilis niya itong hinawi at inilapag ang ipad sa upuan upang amuyin ang damit niya. Kung makaarte maman akala mo nasa commercial, felingerong bata.

"Weh, dahilanan ka d'yan kuya! Ang bango-bango ko e!"

"Weh, sariling sabi pero hindi naman totoo." Pang-aasar ko.

Lumaki si Jayson na ganiyan ang turingan namin, ayokong matakot siya sa'kin at the same time, ayokong binabastos niya ako. Mabuti nang doon kami sa gitna.

Nag-aasaran lang kami pero mahal ko yang bulinggit na 'yan.

"Malapit kasi bibig sa ilong po kuya, ikaw po mabaho e." Binelatan niya ako at mabilis na yumakap sa hita ni nanay.

"Saan mo natutunan 'yan?" Tanong ko

"Secret kuya, ang clue nasa pwet mo po." Pang-aasar niya at binelatan ako sa pangalawang pagkakataon.

Aba't—

"Jayjay!" Saway ko, tumakbo siya paikot kay nanay at sinubukan ko siyang abutin.

Sa kalagitnaan ng pag-aasaran, bigla siya huminto at mabilis na humarap sa'kin.

"Hala!" Gulat niyang sigaw habang naduro sa mukha ko.

"Bakit?!" Taranta kong tanong

Ilang minuto niya rin akong tinitigan at tila sinusuri ang buo kong kagwapuhan. Ano ba 'yan, hindi man lang nasanay sa gwapo niyang kuya.

"Napansin ko lang po, ang pangit mo naman po kuya,"

Ginulo ko ang buhok niya, pambihirang bata 'to.

"Magkapatid tayo wala kang ligtas,"

"Pero sabi ni tita ganda, cute daw po ako e!"

Tita ganda? Si Ma'am Amber? Feeling close naman 'tong batang 'to. Kung maka-tita.

Natigilan ako, "Ano sabi ni doktora?"

"Cute din!"

Ah, cute ka pala sabi ni doktora ah. Yari ka sa'kin.

"Alam mo ba na cute ang tawag sa aso?" Tanong ko pero imbes na mainis ay tumuntong siya sa upuan at mabilis niya akong tinapik sa balikat.

"Kuya, basta ako po sinabihan ng cute ng nanay at ni doktora, ikaw kuya? Sinabihan ka ba ng cute?"

Aba lokong bata 'to ah!

"Jayson!"

Sinubukan ko siyang guluhin pero ibinalik niya ang atensyon sa ipad at mabilis na nagdutdot dito.

"Kuya, 'wag ka na po maingay po! Lalaro na ako roblox!" Sabi niya sa gitna ng tawa

"Hayaan mo na ang kapatid mo, Carting."

Napasimangot nalang ako at pinisil ang ilong ni Jayson. Yari 'to sa'kin, talaga naman. Kanino kaya nagmana sa pang-aasar 'yan?

"Hindi kita bibilhan ng robux,"

Mabilis siyang natigilan at napatitig sa'kin, kitang kita na nawalan siya ng pag-asa dahil sa sinabi ko. Tumayo siya at tumakbo papalapit sa'kin.

"K-kuya!"

"Wala!"

Malakas na tawanan ang bumalot sa bahay at malalaking ngiti ang naglabasan, maliban kay Jayson na nakasimangot at tila iiyak na.

Ayan ha, cute cute ka d'yan.

———

Ilang oras ang lumipas at kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad kay doktora dahil sa ginawa ko kanina. Aminado akong sobrang nakakahiya 'yung ginawa ko, at talaga sa harap pa ng isang bilyonarya.

Hihingi ba ako ng pasensya? O hahayaan ko nalang siya? Bakit ba ako hihingi ng sorry? At bakit hindi sa ginawa ko?! Malamang kailangan kong magsorry!

Pinindot ko ang pangalan niya at balak nang magtipa nang may lumabas na ibang pangalan.

Dia sent you a private message

Napakunot ang noo ko at bahagyang natawa sa notification, highschool pa ako crush niyan ah? Hindi pa rin nakakamove on? Sabagay, sa gwapo kong 'to. Talaga namang lahat ng kababaihan ay mahuhumaling.

Balak ko na sanang magtipa ulit ng mensahe kay doktora nang may pangalan ulit na lumabas.

Ano ba 'yan, ang gwapo ko talaga! Ang daming nagkakagusto—-

harry sent you a private message

Harry? Potter?

Harry? Rocky?

Harry! 'Yung pinsan ko sa side ni Nanay? 'Yung artistahin ang mukha? Yung maganda lahi kasi pinsan ko?

Anong pakay niya?

@harry: Hello Carter, we've followed each other ever since but this is just the first time I had a courage to message you.

Pagkatapos niyang i-send 'yan ay nanatili siyang nagtitipa.

@harry: How are you? And Tita?

Hindi ko alam kung bakit sa tagal akong finollow ni Harry sa instagram, never siyang nagsend sa'kin ng message. Siguro natatakot siya pero bakit siya matatakot? Wala naman siyang ginagawang masama.

Mabilis akong nagtipa ng sasabihin sa kaniya.

@carter: Kumusta? Ayos naman kami nila nanay.

Ayokong isipin niya na hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakamove on. Dahil ang totoo niyan, wala na rin naman kaming pakialam kasi masaya na kami sa buhay namin. Hindi nagtagal ay nagreply siya.

@harry: Is it okay if we talk? Gusto ko lang sana sabihin 'yung hindi ko nasabi dati.

Hindi pa rin ba tapos ang away? Sana naman itong sasabihin niya ay labas na kung ano kami ngayon. Masaya na kami e.

@carter: Sige ikaw bahala, basta 'yung wala akong trabaho.

@harry: I mean, right now. Is it okay if I call?

Kahit nagtataka ay minabuti ko nalang magreply, wala naman sigurong masama? Para na rin sa ikabubuti ng pamilya namin, para matapos na 'to.

@carter: Sige

Akala ko nagbibiro lang siya pero tumawag talaga siya, mabilis ko itong sinagot at lumabas ng bahay para hindi marinig ni nanay. Ayokong isipin niya na tumatakbo kami sa kamag-anak niya dahil wala namang katotohanan.

"Hello, Carter..."

"Uy bakit?" Bungad ko

Tunog normal lang ang tono ko dahil ayaw ko namang magsimula ng tensyon, o kahit na ano pa. Hindi ko ugali makipag-away o kahit man lang magalit. Ewan ko ba.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I want to apoligize for the things that happened in the past. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtanggol kayo kay daddy. But now that he's gone, I promise to do my part and give you the life you deserve..."

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay nanatili akong tahimik at patuloy na nakinig sa kaniya. Sa totoo lang wala naman siyang dapat ikahingi ng tawad, wala naman siyang ginawang masama.

Napagkawala siya ng buntong hininga, "Carter, I will talk to our tita and grandparents about tita vilma's part in this family. You know, we want you guys back and everyone wants to show love to your Mom, and also to you and Jayson..."

Ilang minuto ang lumipas at patuloy na katamikan ang nanaig sa'ming dalawa. Hindi ko alam anong punto niya pero kung ang gusto niya lang naman ay makuha ni nanay ang parte niya, mukhang malabo 'yan. Kilala ko si nanay, masaya na siya e. Kung babalik pa siya sa pamilya niya, mukhang magugulo lang ulit kami.

"Alam mo, Harry... Alam ko na kung si nanay kauusapin mo tungkol dito, alam kong hihindi siya. Hindi dahil sa galit, kung hindi dahil sa kalayaan na nakuha niya. Masaya ako na mabuti kang tao pero hindi nalang siguro, masaya na kami e. Ayaw na naming magulo 'to." Paliwanag ko

Naiinintindihan kong malinis ang intensyon ni Harry pero kung si nanay ang tatanungin, tiyak na hihindi siya.

"Carter, we want to show love..."

"Hindi naman pera ang sukatan ng pagpapakita ng pagmamahal, kahit hindi man namin sabihin, hindi kami nagtanim ng sama ng loob sa inyo, kasi gano'n ang pagmamahal at wala kang ginawang masama, wala kang dapat ikahingi ng tawad."

"Carter..."

"Salamat, kakausapin ko si nanay tungkol dito."

Bumuntong hininga siya, "Basta ako, Carter... I'll do my best to fix this family, I hope you'll support me with this."

"Asahan mo, salamat." Pormal kong sabi kasabay nang pagbaba ng telepono.

Pero bigla lang sumagi sa isip ko, baka naman pup'wedeng maayos ang pamilyang 'to? Tutal wala naman na ang tatay ni harry, at tumatanda na si nanay...

Ay! Ewan! Bahala na si boom shakalaka.

——

Pagmamahal..

Pagmamahal ng bilihin...

Pagmamahal sa tao...

Parehong masakit, parehong ayaw kong maranasan. Letse!

Kanina pa ako binabagabag ng sinabi ni harry, sabi na kesyo ganito ganiyan ang pagmamahal. Naalala ko ang nangyaring hidwaan sa pamilya nina nanay. Mas pinili kasi ni nanay ang buhay na ganito, kaysa sa buhay na mayroon ang pamilya niya.

Lagi ko siyang tinatanong dati kung bakit, ang sagot niya lang...

"Ganiyan ang pagmamahal, Carting."

Wala pa ako sa tamang pag-iisip para maintindihan ang sinasabi niya, pero ngayon, gano'n pa rin kaya ang iniisip niya?

Baka siguro kailangan ko muna siyang tanungin tungkol dito, bago ko sabihin ang itinawag ni harry sa'kin.

Tama! Talino mo talaga, Carter. Hanep! G'wapo na, matalino pa. Pa-kiss nga!

Tumayo ako sa pagkakahiga at dumiretso sa kusina, sabi ko na nga ba dito ko makikita si vilma—-este si nanay.

Kasalukuyan niyang hawak ang kaldero at tila naghuhugas ng laman nito. Sinilip ko ito at bigas nga, bandang alas-dyes na kasi ng gabi at naubusan daw ako ng kanin dahil nanghingi ang kapaitbahay.

Akala ko pa naman pamilya kami pero bakit hindi ako tinitirhan ng kanin?

Biro lang baka hambalusin ako ng kawayan ni Vilma.

Sinundot ko ang balikat niya, "Nay,"

"Oh," Malamig niyang tugon

Napahinto ako, "Wow, sungit naman niyan parang hindi singkwenta!"

Pang-aasar ko kay nanay dahilan para magtawanan kaming dalawa, alam ko namang ganiyan siya kasi nagsasaing siya. Busy siya at guluhin mo na ang lahat, huwag lang si vilmang malakas na naghuhugas ng bigas.

Humarap siya sa'kin at inalok ng kaldero, "Gusto mo? Luh! Asa ka!"

Napakunot ako ng noo, "Ano sinasabi mo nay?"

Nagpakawala siya ng halakhak, "Napanood namin ni Jayson 'yan sa tiktik, pati 'yung tententen tenenenen tenenen."

Sabi niya habang ginagalaw ang kamay sa balikat at tila sumasayaw. At saka anong tiktik, tiktok 'yon e'. Nanay talaga kinain na ng sistema.

"Si nanay talaga parang sira, tiktok 'yon e."

"Aba malay ko ba, sa tanda kong 'to." Sabi niya at muling bumalik sa paghuhugas ng bigas.

"Weh, duda ako d'yan sa tanda." Pang-aasar ko

"Oo nga, ang sakit nga ng balakang ko d'yan, letseng bata talaga, pasalamat siya at mahal ko siya." Tumawa siya, "Teka, ano ba 'yang pakay mo Carting at nagsasaing ako."

Natigilan ako, Oo nga pala, itatanong ko ang tungkol sa kanila ni tatay. Hindi p'wedeng hindi dahil wala lang.

"Nay, paano mo nasabi na si Tatay na talaga? Hindi ba, mas pinili mo 'yung ganitong buhay, kaysa sa buhay na mayroon ka talaga?" Tanong ko

Natigilan siya, inilapag ang kaldero sa saingan at taimtim na binuksan ang kalan bago humarap sa'kin.

"Carting, ang pag-ibig kasi, hindi kailangan ng pera o ano mang materyal na bagay. Basta mahal mo, iparamdam mo. At isa pa, wala naman akong pakialam kung anong buhay ang kayang ibigay ng Tatay mo, basta ang iniisip ko, mahal ko siya at mahal ko kayo, maski asin ang kakainin ko, basta kayo ang kasama ko, buo na ang araw ko at wala na akong mahihiling pa."

Napangiti ako, "Nice! Iba din, may asim pa si Vilma!"

Nagtawanan kming dalawa, "Lokong bata!" Mahina niya akong hinampas gamit ang panyo niya.

Nang matapos ang tawanan ay humarap siya sa'kin at takhang tumitig.

"Bakit mo naman naitanong? Umiibig na ba ang binata ko?"

Mabilis akong umiling, "Wala nay, survey lang."

Nagbigay siya ng nakakalokong tingin, "Nako anak, kaya mo ba kinukulit si doktora dahil gusto mo siya?"

Napakunot ako ng noo, "Nanay naman! Hindi ko naman siya gusto,"

Diretso kong sabi, hindi ko naman kasi gusto si doktora. Oo, aminin na natin maganda siya at matalino, pero hindi ko tipo mga babaeng mas seryoso pa kay Einstein.

Grabe kasi kung makakunot ng noo, akala mo siya nag-imbento ng hotdog. Inangkin e' biglang nagdisplay ng sample product sa noo.

"Bakit? May mali ba? Mabait naman si doktora." Tanong ni Nanay

"Oo nga po,"

Mabait naman talaga siya e, nasaksihan ko 'yon. Sa likod ng mala-halimaw niyang noo, mabuti ang kaniyang puso.

Pero mas mabuti kung ako 'yung laman ng puso niya—boom! Walang kwentang banat, hindi narinig ng pinagsasabihan.

"Oh anong problema do'n?"

"Wala lang, tara kain na tayo!" Pang-aaya ko

Inilihis ko na ang usapan, baka mamaya kung saan pa mapunta 'to. Mahirap na.

"Hindi pa luto ang kanin, Carting."

"Ano nalang ulam?" Iniangat ko ang takip ng kaserola, "Naku! Odong saka sardinas, paborito ko!"

Napangiti si nanay sa reaksyon ko, "Oo, may lipad ka kasi bukas kaya naisipan kong ito ang lutuin, para ganahan ka."

"Ako pa ba nay, salamat po." Nginitian ko siya at niyakap.

Masaya na ako na ganito ang reaksyon ni nanay sa simpleng ginagawa ko, mukhang wala na akong dahilan para sabihin si kaniya ang itinawag ni harry. Baka masira lang ang timpla niya.

——

Nagising ako nang mag-alarm ang phone ko, alas-tres na ng umaga at kailangan ko nang maghanda ng makakain.

Kailangan kong bumawi kay doktora, nakakahiya e.

Nagsimula na akong maghanda ng pagkain, kumuha ako ng tocino sa ref at magsangag ng kanin. Siyempre, kung babawi ka, dapat alam mo kung ano ang gusto ng pagbibigyan mo.

Nang maluto ang lahat ay naghiwa na ako ng itlog na pula, pati na rin ng kamatis.

"Carting!" Halos mabitawan ko ang hawak ko nang sumigaw si inay.

"Naku, pasensya kana, anak. Nahuli ng gising ang nanay."

"Ano ka ba, nay. Bumalik ka na ng tulog, ako na dito." Sabi ko habang inaayos ang tupperware,"Nanay, ala-singko pa ang alis ko, alas-tres palang."

Alas-otso kasi ang lipad namin pero kailangan bago mag alas-sais ay nakarating na kami doon. Kung hindi, maghahanap siya ng ibang crew na sasama sa lipad, alternative kung baga.

"E' ano naman? Gusto kita pagsilbihan, plantsahin ko nalang ang uniporme mo."

"Sige, ikaw po bahala."

Alam ko namang hindi siya magpapatalo kaya sige, pinili ko na rin ang pinakabagong tupperware na binili ni nanay sa bumbay. At hindi ko na babawiin kay doktora, natuto na ako.

Hindi na ako uulit ng kahihiyan.

"Oh, magbabaon ka sa trabaho?"

Umiling ako, "Hindi, 'nay. Nagbalot lang po ako para sa almusal ni doktora."

"Ay mabuti 'yan, samahan mo na rin ng paborito niyang itlog maalat, sandali maglalabas ako—"

"Handa na po ako," Ipinakita ko sa kaniya ang laman ng tupperware dahilan para mapangiti siya ng malawak.

"Naku talagang batang 'to." Sabi niya habang pinupunasan ang pawis ko, "Anak, ngayon lang kita nakita nakangiti habang naghahanda ng ibang pagkain ah."

Sinuklian ko siya ng tawa, "Nanay, malisyosa ka po talaga. Wala po 'to saka kapag binigay ko na 'to, hindi ko na babawiin 'yung tupperware. Peace offering kung baga."

"Aysus," Pang-aasar niya

"Tapos sa sweldo ko, bili all you can ka. Kahit bilhin mo ang kompanya ng orocan o maski 'yung may ari."

Pag-iiba ko ng usapan, mabuti na ring bigyan ko siya ng stress reliever sa nakakapagod niyang gawain. At alam kong tupperware at mga gamit sa bahay ang makapagpapasaya sa kaniya.

Kuminang ang mga mata niya, "Talaga?"

Sabi na nga ba!

Mabilis akong tumango, "Opo, basta po masaya ka."

Niyakap ko siya at nginitian, sobrang mangha ako kay nanay. Lumaki siyang may pera at karangyaan pero mas pinili niya kami kahit kapalit na no'n ay buhay na mayroon siya.

"Aysus, bakit ka naglalambing?" Tanong niya sa gitna ng yakapan.

"Bawal ba?" Mabilis siyang umiling.

Halos mapatalon ako nang kumalas siya sa yakap at pumalpak.

"Ay! Carting, p'wede bang sa sweldo mo tayo maghanda? Hindi ba, darating si doktora?"

Nagkibit balikat ako, "Hindi naman siguro darating 'yun, nay. Baka ayaw niya sa ganitong lugar."

Hindi naman sigurado na darating si doktora, baka mabalewala ang lulutuin ni nanay. Kawawa naman.

"Darating 'yun, carting." Pangungumbinsi niya

"Oh sige, sabi mo e'" Sumimangot siya, "Joke lang nay,"

Sinuri niya ang mukha ko, "Pero seryoso, carting. May gusto ka ba kay doktora?"

"Nanay, seryoso po ako, wala po akong gusto kay doktora." Sagot ko at nginitian niya pagtapos.

Mabait si doktora at kahit araw-araw ko siyang iniinis, habang buhay naman akong magpapasalamat sa paggawa niya ng kabutihan kay nanay.

At isa pa, lahat ng pang-aasar ko ay para magbago pananaw niya sa buhay. Isama mo na rin upang mapangiti siya.

Pero kung usapang pag-ibig...

Wala pa akong nagugustuhan sa ngayon, at kahit ano panglumabas sa bibig ko, hindi naman ibig sabihin na lahat 'yon ay totoo.

Masarap lang siya asarin, nakakaaliw siyang pikunin at nakakatawang makita ang hotdog niya sa noo.

Try mo din minsan.

——

A/N:

This is not edited, please bare with the typos. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 54 16
Savannah Hargrove is an intern OB/GYN at Seattle Grace Mercy West hospital. Her family - gone. She wanted to start a new life and where better than...
134 23 24
love is unpredictable ........ when she joining in a hospital as a doctor she doesn't know that her life is going to change...... when she graduates...
9K 108 17
Aurora Black, 18 year old girl with anger and trust issues. She likes to be alone. When she has something on her mind she's not afraid to say it. Thi...
716K 14.9K 62
It's Sierra's first day as a senior at Donvalley high. She wants her last year to be amazing and troublesome free. No fake friends. No trouble and ce...