"Re-write." (sequel)

By LaysaChaan

110K 6.3K 3.5K

🔴 Read the first book - " stay with me " before step in this story. thanks! 🔴 ✨" FANFICTION."✨ Ps: pl... More

1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
"Under."
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35.
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52

6

2.7K 142 72
By LaysaChaan

"Now or never."


BREI's POV.

"I don't get it, they obviously liked eachother. Bakit hindi na lang maging sila." Iritang sabi ni Gabb habang hinahaplos ang namumula niyang pisngi na may bakas ng palad ni Sela.





"Di naman kasi ganon kadali ang pag confess, tingnan mo natampal ka tuloy." Natatawang sambit ni daryll




"Gabi gabi wala siyang ibang bukambibig kundi yung name ni ate abby, hineheadlock niya pa nga ko pag kinikilig siya." Paghihimutok nito.




"Ikaw naman kase, sabi namin pagkausapin lang natin sila, binigla mo naman." Natatawang sabi ko.





"Hindi na kase dapat pinapatagal yung mga ganong bagay. Kampihan niyo na nga lang akoo, okay? Nasaktan na nga ako dito oh." Pout na sabi nito, na imbis macute-tan, nagtawanan kami.





"Pero infairness, ang lakas ng loob mo kanina ah." Sabat ni Daryll.




"Ako nga rin, sigaw mo dun crush kita lara sabi ni brei, dalii." Utos ko dito.




"Bayad muna."




"Hmmp! Damot!"





"Tingnan mo to." Napatingin naman ako kay Coleen na kanina pa nakangiti habang nilalaro yung buhok niya.



"Hoy Coleen ano? Nagdedelulu ka nanaman diyan?" Tanong ko dito.





"Wala, iniisip ko lang kung ano na kayang next na mangyayari sa kanilang dalawa." Ngiting sabi nito habang kinikilig kilig pa.




"Teka nasan na nga pala sila Sela?"








SELA's POV.

"pOooootaenaa! Talaga! Gaaaaaaabb!" 






Huhu pano na ko babalik ngayon sa classroom nito. "Nahihiya akooooo!"
Sinandal ko na lang ang aking noo sa salamin dahil nanakit na ang ulo ko sa mga nangyayari.





Pano na ko haharap sa kanila nito? Ugh!






ABBY's POV.

Nandito ako ngayon sa hallway, kanina pa ako naglalakad lakad dito dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Hindi muna ako sumama kela sheki dahil alam kong aasarin lang ako ng malala ng mga yun.






Hindi ko rin alam magiging reaksiyon ko sa nangyari kanina. Dapat ba akong matuwa sa sinabi ni Gabb?






At pano ako magugustuhan non? Eh hindi nga makatingin sakin yon ng deretso?






Oonga no? Baka kaya hindi siya makatingin ng deretso kasi gusto niya talaga ako?





Pero pano kung hindi totoo? Ayoko mag assume. Masakit.








Napatigil ako sa paghakbang ng makita ko si Sela na mabilis na naglalakad papuntang cr. Dahan dahan akong sumilip sa pinto ng cr. Napansin kong walang ibang tao kaya palihim akong pumasok sa loob.






Nakita ko si sela na nakapikit habang nakasandal yung noo sa salamin at parang kinakausap yung sarili niya.

"pOooootaenaa! Talaga! Gaaaaaaabb!" Biglang sigaw nito kaya agad akong nagtago sa bukas na cubicle.





Ilang segundong nabalot ng katahimikan ang bawat sulok ng banyo na ito.  Nagaalala na rin ako at baka maynangyari na, o nadulas na siya dun. Sinubukan ko ulit sumilip pero agad akong nagtago.





"Sino ka?" Tanong nito habang deretsong nakatingin sa cubicle kung nasaan ako. Agad kong sinarado ang pinto pero agad niya rin itong napigilan.






Para kaming tanga dito  na nagtutulakan ng pinto.

"B-bat mo binubuksan?!" Tarantang sigaw ko dito habang pinipigilan mabuksan yung pinto.





"Bat mo ko tinitignan kanina? Habang nandiyan ka sa loob? Manyak ka no!?"
Sigaw nito.





Masyado siyang malakas kaya tuluyan niya ng nabuksan yung pinto.

Amazona ba to?






"A-abby?" hinihingal na sabi nito.






"H-hi?" Bati ko na lang dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.







Natulala ito saglit, at mukhang hindi pa nagsisink in sa utak niya yung ginawa niya.

"S-sorry." Sabi nito at agad naglakad paalis.





Agad kong siyang pinigilan at hinawakan siya sa pulsuhan. Kusa na lang gumalaw ang kaliwang kamay ko, na para bang may nagtutulak sakin na dapat ko siyang pigilan. Natulala na lang ito habang ako parang anytime sasabog na yung ulo ko.

Bakit ko nga ba siya ulit hinawakan? mamii? Anong ginagawa ko?






Seryoso ba to? Dito ako mag coconfess? Sa banyo? Putek. Ilang buwan ako naghintay at humanap ng timing sa magandang lugar? Tas dito lang pala bagsak? Bahala na nga! Ayoko ng magsisi, kung hindi ngayon baka wala ng chance sa susunod. Bahala na! Yolo!






"Gusto kita, sela."




Dahil ika'y gusto, 'di na ako susuko....




"A-ano?" - sela.




Magiging totoo, 'di na maitatago..





"Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi ni Gabb kanina. Pero ako, totoong gusto  kita." - abby.




Dahil ika'y gusto, 'di na ako susuko...




"Alam mo naman siguro d-diba? Na p-parehas tayong b-babae?" Nauutal na sambit nito.




Laman ng puso ko, ipapakita na sa'yo...





"Alam ko." Dahan dahan akong humakbang papalapit sa kaniya.





"Alam mo m-maganda ka." Nauutal na sabi nito at dahan dahan rin siyang humahakbang paatras.






"Ikaw rin." Sagot ko at Patuloy pa rin ako sa paghakbang papalapit sakaniya.





"M-matalino ka rin."





"Ikaw rin."

Bawat hakbang ko papalapit ganon rin ang hakbang niya paatras.

"T-teka!? bakit ka  ba lumalapit?"
Tarantang tanong nito ng maramdaman niya na ang pader sa kaniyang likuran.





Natawa naman ako dahil namumula na ang buong mukha nito, parang itlog na naovercook- i mean nagbabaga, char.

"B-bakit ka tumatawa?" Tarantang tanong nito.






Tumigil na ako sa paghakbang at deretso siyang tinignan. Hindi ko alam kung saan nangaling tong lakas ng loob ko. Humugot ako ng malalim napaghinga bago magsimulang magsalita.

"Gusto kita, Marsela." Buong pusong sambit ko.







"Marsela guia, gusto kita!" Paguulit ko dahil hindi siya kumibo nung una.

Parang nabawasan ng kung anong bigat ang pakiramdam ko pagtapos kong sabihin yon.





Ilang minuto kaming natahimik sa loob ng banyong ito. Naghihintay ako ng sagot niya at mukhang hindi niya rin alam yung sasabihin niya.





"T-totoo yung s-sinabi ni Gabb." Nanlaki ang mata ko sa sagot nito.






"N-na alin?" Kunyaring tanong ko pero alam ko na yung tinutukoy niya.





"N-na g-gguusto rin kitaa."

Unting unting gumuhit sa aking labi ang malawak na pagngiti.





Pabulong lang niya itong sinambit pero halos mag echoe na ito sa loob ng utak ko. Sobrang sarap sa puso. Para na akong lumulutang. Ang saya, high!

agad ko itong sinugod ng yakap, matinding yakap.  "Hoy-"






"Hoy! B-bitaw abelaine!"





"Ayokoo!"




"Hindi pala totoo yung sinabi ko! Joke lang yon! Mamiii!" - sela.




"Ah walaa! Wala ng bawian!" Ngiting sigaw ko at lalong hinigpitan ang pagyakap.





"Joke lang yooooon abelaine!"




"Joke lang yooon! AaAaaack!"







COLEEN's POV.

"Aitakkata! Gustong makita! aitakkata! Yes! Beng beng beng!"




"Aitakatta! Gustong makita aitakkatanGinaAaahh!!"

Muntik na kong madulas dito ng makita ko tong babaeng to na nakadungaw sa pinto ng c.r at mukhang kanina pa ko pinapanood sumayaw.





"Hello hehe." Ngiting bati nito.

Naiwan ko palang bukas ang pinto habang mukhang tanga na sumasayaw dito.



"Anong hello!? Umalis ka nga!" Iritang taboy ko dito.






Tuluyan na siyang pumasok at sinugod ako ng yakap. "Coleeeeeeen!"






"Wah!!? Bakit ba? Nagtu toothbrush ako dito oh!" Sigaw ko at dahan dahan naman siyang umalis sa pagkakayakap.





"Ang sayaaaa kooo!" Sabi nito at halos mawala na ang mata niya sa sobrang pagngiti.





"Talagang pinasok mo pa ko dito Para lang sabihin yan ah?" Pagtataray ko.





Tinuloy ko na ang pagtu-toothbrush ko pero hindi pa rin ito lumalabas ng banyo.

"Ano ba ate abby? May problema ka ba? Kung meron patapusin mo muna ako magsipilyo okay?" Ani ko.






"Ihh sa sunday na yung date namin! Anong gagawin ko." Sabi nito habang kinakamot ang kaniyang batok.





"Date? Sino sa lima?" Paglilinaw ko, nagkakalabuan tayo eh.



"Hoy! Si Sela lang no! Anong lima ka diyan?" Depensa nito.




"Then enjoy her- I mean with her." sagot ko.




"Eh pano nga? First time ko to!" kinikilig na Sigaw nito.





"Correction-First time mag seryoso. Ang dami mo ng na date na girls, ngayon ka pa nagtanong sakin kung pano?" Ani ko.






"Come with me." Sabi nito kaya muntik ko ng malunok yung toothpaste, puta.





"Huh?! Ayoko!"






"Bilis naaaa."





"Ano ganap ko don? Tiga bitbit?, tiga picture? thirdwheel? Hell no."




"Bilis na Coco."





"Ayokong-

GABB's POV.

-sumama."





"Bilis na! Gabb." pagpupumilit ng itlog na to.




"Date niyo yun e? Tas isasama mo ko? Hindi na date tawag dun." Ani ko.





"Dalii na, ililibre naman kita e." Ngiting sabi nito.





"Ayoko."





"Bibilin ko yung favorite book mo." Ngiting sabi nito habang tumataas taas pa ang dalawang kilay.




"No thanks, I can buy it." Walang gananh sagot ko.




"How about? Isang set ng the maze? Ayaw mo? Talaga." Offer niya. Gagiiii Pano tumangi.




"Sa tingin mo? Mapapa payag mo ko sa mga ganiyang bagay?"









.....





At Nandito sila-kami ngayon sa mall, opo, sumama po talaga ako sa date ng dalawang to kapalit ng sa isang set ng libro.




"H-hi." bati ni ate sela kay ate abby.




"A-ang ganda mo."- deretsong sabi ni Ate abby.



"Ikaw rin." Sagot ni ate sela at sabay silang nagtawanan ng mahinhin, corny.






"May idea ka ba sa double date na to?" Biglang sulpot nito sa likuran ko. Napalingon naman ako at kasama pala tong babaeng to.




"How it become double date?" I asked.




"Apat kaya tayo oh? Si ate sela, ate abby, you and me." Kindat nito sakin.




Agad ko naman iniwas ang tingin.
"No, I'm just here to assist ate Sela."




Sinimulan na namin maglakad, medyo nagpapahuli kaming dalawa para hindi kami makasira sa date nila.

"Ganito lang ba gagawin natin? I mean bantayan sila?" Tanong nito kaya saglit ko itong nilingon, mukhang tinatamad na  siya maglakad.





Muli kong binalik ang tingin kela ate sela pero wala na sila. "Ayan nawala tuloy." Ani ko.




"Tss. Mga shonda na yun no? Di naman maliligaw yung dalawang yon dito." Kampanteng sagot nito.




"Manahimik ka na nga lang, at tulungan mo na lang akong hanapin sila." Diin na sambit ko habang nililibot ang tingin.





"Ayun oh." Biglang turo nito sa baba.
Nasa first floor na sila ate sela, nag elevator sila.  habang kami dito, naiwan sa thirdfloor.





"They, look comfortable to each other na, hindi na natin sila kaylangan bantayan." Kalmadong sabi ni Coleen.





"Buti naman." Buntong hininga ko dito.





"So ano nang gagawin natin ngayon?"
Ngising tanong nito sakin.





"Uuwi na?" Maikling sagot ko.






"Teka! Nandito na tayo e."






"So?"






"Atsaka sasabay rin ako kay ate abby."she cutely pouted.





"Bakit? Hindi mo ba kayang umuwi mag isa?" Tanong ko dito.







COLEEN's POV.

"Ano?!" Inis na tanong ko.




"Ang sabi ko, Hindi mo ba kayang umuwi mag isa?" Pag uulit nito.





"kaya ko! Anong akala mo sakin? Tanga?" Iritang sagot ko dito.






"Yun pala, edi aalis na ko." Sabi nito at naglakad na palayo. Sinundan ko lang ito ng tingin at hindi manlang ito lumingon o bumalik, talagang iniwan niya ko dito.





Dapat pala di na lang ako sumama.






Kaya ko namang umuwi sa bahay mag isa but  hindi ko  kayang mag stay sa bahay magisa! kaya ayokong umuwi.
Tas iniwan lang ako ng supladang babaeng to dito.

Tss! Hihintayin ko na lang si ate abby dito. Letse ka Gabb!








GABB's POV.

Agad akong dumeretso sa bookstore,
Humanap ako ng librong babasahin at umupo sa sulok kung saan walang makakaistorbo sakin.





Umabot  ng isang oras at nakapagdesisyon na ako kung ano bibilhin kong books. Agad akong pumunta sa counter at binayaran na ito.





Agad rin akong lumabas ng bookstore at nahagip ng mata ko si Coleen na nakatayo pa rin  dun sa pwesto kung saan ko siya iniwan.




Seryoso ba siya? Naghintay talaga siya dun?





Napansin ko rin na isang oras na ang nakakalipas simula ng iniwan ko siya. So sa isang buong oras na siyang  nakatayo dun. tss! Bakit ba ko nakokonsensya?





Chill gabb, hindi naman siguro bigdeal yun, wag mo na lang siya pansinin? Kaya niya na sarili niya. Hindi na siya baby.






Hindi ko na lang ito pinansin at napagdesisyunan ng umuwi, agad akong sumakay sa pababang escalator. 

May batang lalaki sa harap ko  habang buhat siya ng kanyang ina. Bigla ako nitong nginitian at kinawayan kaya Pasimple ko rin itong nginitian dahil sa kacute-an nito.





"Baby, iiwan kita saglit sa arcade ahh?pero babalikan ka agad ni mommy?" Biglang salita ng babae.



Biglang lumungkot ang mukha ng batang lalaki. "Ayaw ko po mommy!"



"Bakit? Diba gusto mo maglaro dun?"



"Gusto ko pong maglaro dun pero dapat kasama ka."




"Saglit lang naman ako baby, may kukunin lang ako." Pagpapaliwanag ng nanay niya.




"Ihh Natatakot po ako mommy." Naluluhang sambit ng bata.


"Natatakot po akong mag isa." Dugtong nito.











"Natatakot po akong mag isa."


"Natatakot po akong mag isa."


"Natatakot po akong mag isa."

bigla akong napahinto sa paglalakad at napahawak sa ulo ko ng bigla nanaman itong kumirot. halos mag echoe sa loob ng utak ko ang boses ng bata.





I'm pretty sure I  heard those words from someone... si Coleen!






Parang sinaniban ng kung ano ang dalawang paa ko at agad sumakay pabalik sa escalator.

Hindi ko na alam kung anong nagyayari sakin  ang tanging nasaisip ko na lang ay si Coleen.






Agad akong tumakbo sa lugar kung saan ko siya iniwan. Hindi pa rin nawawala ang kirot sa aking ulo.
Kaya mas binilisan ko ang  aking takbo.







Ang weird pero nung makita ko si Coleen  unting unti nawala ng kusa ang pangingirot ng aking ulo. Agad akong nakahinga ng maluwag.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita ko siyang nakatayo pa rin doon.






"C-coleen." Hinihingal na tawag ko.

Agad siyang lumingon sa akin, napansin kong naluluha na ang mga mata nito.





"Bat ka pa bumalik? Diba sabi ko kaya kong umuwi mag isa." Pilit na pagtataray nito.







Napabuntong hininga na lang ako dahil halata namang hindi niya kaya, agad kong hinila ang braso nito at nagsimula ng maglakad.

"H-hoy! Bakit ba!? Saan tayo pupunta?" Naguguluhang Tanong nito.






"Kakain." Maikling sagot ko.





"K-kain? Saan? A-anong kakainin?" Tanonh ulit niya.





Hindi ba to nauubusan ng tanong?






I rolled my eyes before gave her an answer. "Malamang pagkain, Ano bang nasa isip mo?"





Bigla itong umiwas ng tingin at hinayaan na lang akong hilain siya.
Agad kaming pumasok sa Inasal resto dahil dun lang kasya itong dala kong pera  since naubos ko na sa pagbili ko ng libro.

Umorder muna ako, ang sabi ko sa kaniya kumuha na siya ng mauupuan namin but she insist. Baka daw iwan ko ulit siya.






Pagkatapos umorder, naupo na kami sa bakanteng mesa. Tinignan ko si  Coleen ma Parang tangang pinagmamasdan yung ibang kumakain.

Bigla naman itong nilapit ang  mukha niya sa akin at bumulong. "Bakit sila nagkakamay? Wala bang kutsara dito?"






Bahagya akong natawa sa tanong nito. At halatang first time niya lang dito.
"Meron, pero mas masarap kasi pag kinakamay." Seryosong sagot ko.






"Ahh K-kinakamay, okay." Sabi nito at biglang natawa.

Tinignan ko naman ito ng puno ng pagtataka dahil di pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Yung tawa na may halong giggle.






May nakakatawa ba sa sinabi ko?






Hindi ko na lang pinansin at baka dala lang ng gutom niya yon. Maya maya Dumating na yung order namin kaya agad akong nagtungo sa c.r para maghugas ng kamay.





"AAaah!" Gulat na sigaw ko ng bigla itong sumulpot sa likuran ko.



"Gulat yarn?" Pang aasar nito.

Inirapan ko lang ito at pinagpatuloy na ang paghugas ng kamay at ganon rin ang ginawa niya. Pagkatapos maghugas Agad kaming bumalik sa mesa.






"Oh gamitin mo to." sabi ko at inabot sa kaniya ang kutsarat tinidor.





"Ihhh, ayoko." Pagtangi niya.






"Bakit?" Takang tanong ko.






"Gusto ko kamayin e. Di ba sabi mo masarap pag kinakamay?" She said with a grin on her face.






Agad kong binaba ang kutsara at salubong na kilay siyang tinignan. I try to read whats running through her mind, But I failed.







Sinimulan ko na lang ang pagkain dahil kanina pa pala ako nagugutom.

"Ang yummy!" She shouted while smiling at me.





She's hella cute btw.






Agad niyang naubos yung kanin niya At tinignan ako nito na para bang sinasabi niyang gusto niya pa.

Agad kong tinawag yung staff na nagseserve ng rice at agad rin itong lumapit sa pwesto namin.






"Pakilagyan po yung plate niya." Request ko sa staff . Tinignan naman ako ni Coleen at mukhang nagtataka ito.




"Pwede manghingi ng rice?" Tanong nito sakin at mukhang wala talaga siyang ideya.



"Oo, extra rice nga diba." Sagot ko dito.





"Di ka magagalit kahit makasampung hingi ako?" Tanong nito kay ateng staff kaya sabay kaming natawa sa kainosentehan niya.





"Hindi po, maam." Natatawang sagot ng staff.





Nilagyan ko na rin ng chicken oil yung rice niya kaya abot tenga ang ngiti nito habang hinihintay akong matapos sa paglagay.

"Alam mo, ngayon ko lang nalaman tong resto na to, I mean lagi ko naman tong nakikita, talagang ngayon lang ako nakakain dito." Seryosong sabi nito.





"Halata nga."







"Ang dami ko talagang nalalaman dahil sayo." Biglang sabi niya.






Susubo pa lang sana ako ng kanin ng bigla ulit itong nagsalita.

"kaya gusto kitang kasama e."







Bigla akong nabulunan kaya agad siyang nagsalin ng tubig at inabot sa akin, agad ko rin itong ininom.

"Hoy! Anong nangyayare sayo?" Tarantang tanong nito.





"Nabulunan, malamang!?" Inis na sagot ko.




"Hawak hawak mo pa nga lang yang pagkain mo oh? Pano ka nabulunan?" Sabi nito sabay turo sa kamay ko.





"K-kumain ka na nga lang, ang daldal mo." Pagtataray ko dito.




....





Umabot ng ilang oras bago kami makalabas dito dahil napatagal ang pagkain namin. Di na kami makapaglakad ng maayos  dahil sa sobrang kabusugan.






"Hindi ko akalaing makakain ako ng ganon kadami ng worth hundred huh?" Manghang sabi nito.






Naupo muna kami dito sa vacant seat sa foodcourt at nagpahinga.

"So san tayo next?" She asked.






"Arcade?" Sagot ko.






"Ano yun? Saan?" She asked again.




"Wag na nga lang, wala na rin pala akong pera." Ani ko.






"Dalii na, gusto kong pumunta dun." Pagpupumilit nito at hinawakan ako sa braso.







Para siyang bata na nagpupumilit, ang hirap tangihan.

"Arcade lang naman yun? Hindi ka pa ba nakakalaro dun?" Tanong ko.






"Hindi pa." Mahinang sagot nito, Tinitigan ko ang mukha nito at mukhang hindi siya nagbibiro.


"Actually lahat ng ginawa ko ngayon, first time lang to. Ang gumala, kumain kasama ang kaibigan, pumunta kung saan saan, uminom. "


"Lagi kasi akong kulong sa bahay namin, you know? Taong bahay,
Then after nila akong ikulong, iiwan na nila ako para sa kanikanilang trabaho, you know focus  masyado ang parents ko about financially kaya mga workaholics." Halata ang kalungkutan sa boses nito but she managed to smile.


"Ayun ganon lang naging sistema, Sobrang lonely ng childhood ko, wala akong ibang kasama, makausap, makalaro kundi yung  mga base na worth million sa bahay namin. Mga chandelier. Mga painting na hindi ko naman maintidihan ang meaning." Ngiting sabi nito. Kahit na halatang pinepeke niya lang ang kaniyang pagngiti.



"just imagine how I mentally tortured in that house. Hangang sa ayun nga nagkasakit na ako, nagkaphobia ako." Unti unting nagmugto ang luha sa kaniyang mata pero agad niya itong pinunasan.



"They also planned to sent me on mental hospital because they actually think I'm crazy." Sunod sunod na ang pagtulo ng luha sa kaniyang mata kaya hindi niya na ito napigilan.






Yinuko na lamang niya ang kaniyang ulo para itago sakin ang pag iyak niya.
"Sinong di mababaliw dun? araw araw wala kang ibang makita kundi ang apat ng sulok ng kwarto mo, wala ka pang ibang makausap kundi sarili mo."





"But I swear to God! I'm not crazy. Nakakabaliw pero hindi ako baliw, do I make any sense?"







I let a sigh and I look at her directly. Naghihintay ako ng susunod niyang sasabihin. Wala namang masamang makinig sa mga rants niya diba? sa nakikita ko mukhang kaylangan niya rin ng taong mapaglalabasan ng sama ng loob niya. At mukhang ako yung taong yun.





"And everyone thinks I'm a princess slash silverspoon daughter because my family are  freaking wealthy. but  little did they know  I'm just  like a prisoner in my own castle."





I pulled out the handkerchief in my pocket. I wiped the tears streaming down on her face."ew, such a crybaby."






"Tss! Masisisi mo ba ko eh ayoko rin naman umiyak di ko lang talaga mapigilan, Nag rarant na tuloy ako  dito, kainis kasi e." Pahikbi hikbing sabi nito.





" fine, I'm willing to lend my ear for  your rants and problems." I said.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at dinikit sa kaniyang pisngi.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko ng maramdaman kong basa na yung kamay ko ng luha niya.







"Masaya lang ako, kasi meron pa palang handang makinig sakin, masaya lang ako kasi meron pa palang ikaw."
Deretsong sabi nito.





Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ramdam ko ang biglang paginit ng aking magkabilang pisngi. At sure akong namumula na rin ito ngayon. "G-geez, ganon ka ba talaga ka lonely?"






"Ikaw rin naman ahh! Lonely ka rin." Balik na sagot niya.



.

"No, I'm not. Maybe I'm alone but I'm not lonely." I said while wiping her tears. Ang baby kase eh.





"Wag ka na ngang umiyak, basang basa na tong panyo sayo oh." Sabi ko at kunyareng pinipiga ang panyo.





"Ikaw kasi e!" Pagsisi nito sakin.





"Anong ako? Eh tinanong lang naman kita kung nakapunta ka nabang arcade o hinde. Bigla ka na lang nag rant diyan." Sabi ko kaya bigla itong natawa.





Nagtawanan lang kami dito kahit hindi na namin alam kung ano bang nakakatawa. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon dahil kanina pa kami tawa ng tawa.





"Oh, god! Tama na nga! Wala naman nakakatawa e." Biglang sabi niya habang naluluha na kakatawa.





"Ewan ko, ginagaya lang naman kita e."
Ani ko.






Bigla nanaman ito ng tumawa and this time may kasamang palo na.

"Aray!!"iritang sigaw ko.






"Ikaw kasi ee HAHAHA." Paninisi niya ulit sakin.

Agad niyang inayos ang itsura niya. May kinuha itong wives sa kaniyang  handbag at pinunasan ang mukha niya. 






Para akong tanga na nakatameme lang dito habang pinapanood ang napakaganda niyang mukha. Nakita kong kumuha rin ito ng pang ipit at inipitan ang kaniyang buhok ng pa messy bun.





Wait? Do all girls are look normaly  attractive everytime they  tied their hair like that?




Di ko namalayang nakatitig na talaga ako sa kaniya the whole time, pero imbis na mailang siya mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi nito.

"Yow? Stunned? By my beauty?" She whispered.







Agad naman akong umiwas ng tingin.
"Hinde no, assuming."







Huminga muna ito ng malalim bago magsalita ulit.

"Now I'm free, gagawin ko na yung mga bagay na sa tingin ko magpapasaya saki. At sa tingin ko isa ka sa taong handang samahan ako." Ngiting sabi nito.





"Tss, dinamay mo pa ako, tara na nga."
Agad akong tumayo at hinila na siya papuntang arcade.



....







Agad kaming nakarating sa arcade dahil tinakbo na namin ito. Napansin kong walang ibang tao o bata dito.


Bigla niya akong hinatak papunta sa mga clawmachines.

"Unicorns!" She shouted out of excitement.






"You love unicorns too?" I asked.







"Ofcourse! I'm so inlove with them!!! Than with you."





"Fine, bibili lang ako ng tokken." Aalis na sana ako pero bigla akong napaisip sa sinabi nito.

"Wait? What did you say?" Kunot noong tanong ko dito.




.

Hindi manlang ako nito pinansin kaya sinimulan ko na lang ulit maglakad papunta sa exchange ng tokkens.

Bumili lang ako ng sampung piraso at agad na bumalik doon sa pwesto ni Coleen.





"This tokken worth 5 pesos each. So if you get one  unicorn stuffs using this tokken, nakatipid ka pa ng 345 dahil 350pesos ang price niyan pag binili mo." Pagpalaliwanag ko at puro tango lang ang sagot nito.

"Watch me." Confident na sabi ko at naghulog na ng tokken.






10 minutes later~






"Alam mo bang pang siyam na try mo na yan? At wala ka pa rin nakukuha ni isa?" Biglang sabi nito.

Napatingin naman ako sa kamay ko. Na kanina ang sampung tokken na hawak ko, isang piraso na lang.






"Hindi kasi siya madali, kaya mag hintay ka nga diyan." Sabi ko,  Ihuhulog ko na sana ang pang huling tokken pero agad niya itong inagaw.

Mabilis niya itong hinulog at kinontrol ang joystick. Natawa naman ako dahil hindi rin siya nagtagumpay makuha yung unicorn.






"Sabi sayo mahirap e." Ani ko.

Seryoso itong nakatitig  sa claw machine at mukhang pinanggigigilan niyang  kunin lahat ng  unicorn sa loob nito.






"Uwi na tayo?" Tanong ko.





"No, hindi ako uuwi hangat hindi ako nakakakuha kahit ni isa." Diin na sabi nito at Umalis para bumili ng tokken.




"H-hoy? Magkano binili mo?" gulat na tanong ko, napansin kong ngiting ngiti yung nag eexchange ng tokken."





"Wag mo na alamin." Ngising aniya.

Napahawak na lang ako sa aking noo.
"Jusko, sana pala bumili ka na lang ng isang unicorn kesa bumili ng ganyan kadaming tokken."






"Geez, hayaan mo na, mukhang magagamit rin natin to sa iba pang laro mamaya." Kindat nito sakin.






Sinimulan niya ng maghulog. Agad niyang pinagalaw ang controller at ang claw.




Habang sinusubukan niyang kunin yung pinakamalapit na unicorn parang may side sa loob ko na nagdadasal na sana wag niya makuha iyon.

At nagtagumpay siyang makakuha ng unicorn. "Oh! Yata! I got it!" Biglang sigaw nito at pinamuka pa sakin yung nakuha niya, apakayabang.







"Wag kang aalis dito ah, ilalagay ko lang tong mga binili ko sa kotse." Sabi ko pero hindi ako nito pinansin dahil sa sobrang aliw niya machine na yun

Agad akong umalis papuntang parking lot. bumalik rin ako agad sa arcade. Nagulat na lang ako dahil ang kaninang walang tao sa arcade na to napapaligiran na ng madaming bata ngayon.






Agad kong hinanap si Coleen at
Halos maubos niya na yung  stufftoys sa loob ng machine. 

Napakamot na lang yung isang staff ng arcade na to dahil mukhang nalulugi na sila.








Napansin ko rin na may hawak na stufftoys ang bawat bata dito at mukhang nangaling kay Coleen yun.

"Thank you po ate! Ang galing niyo po!"
Masayang sambit sa kaniya ng bata.


"You're welcome baby." She smiled sweetly.







Isa isa niyang binibigay sa mga bata ang bawat nakukuha niyang unicorn.

"Oh? Gabb? San ka pumunta?" Tanong nito ng makita niya na ako.






"Diba sabi ko pupunta akong parking lot?"ani ko.






"Looked! Naubos ko yung laman." Masayang turo nito sa claw machine.






"Wala na, lugi na yung may ari ng arcade na to." Biro ko.





"Duhh! Imaginin mo rin kaya yung mga bata na nalugi rin dito pero hindi pa rin nakakuha ni isang stufftoy. And looked! lahat sila masaya, Because of me!" Proud na proud na sabi nito habang nakaduro pa sa sarili niya.







"Eh ikaw? Nasan yung iyo?"tanong ko naman. Napansin kong wala ng natira  para sa kaniya ni isang unicorn.





"Hala! nabigay ko na pala lahat, wala akong natabi ni isa." Problemadong sabi nito at napaupo na lang sa sahig.






Muli kong Tinignan itong claw machine sa harap ko at may natira pang isang piraso unicorn sa gilid.

Agad akong naghulog ng tokken. Hindi ko alam kung anong dasal na ginawa ko para lang makuha tong nagiisang unicorn pillow na to. Hindi rin ako huminga dahil feeling ko paghuminga ako mahuhulog yung stufftoy at sa wakas!

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nanalo sa hayup na laro na to.  "Finally!" Sigaw ko at agad kong  dinampot ang unicorn sa ilalim.









Agad akong lumapit kay Coleen at inabot sa kaniya ito.  Inangat niya ang kaniyang ulo at tumingin sakin. Biglang umukit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi ng makita niya ang unicorn sa kamay ko.

Napakagandang ngiti na ngayon ko lang nasilayan.







"You did great." I patted her head and she smiled even more.





"Thankyouu."






Biglang may lumapit samin na isang batang lalaki at parang gusto niyang hingin yung unicorn na hawak ni Coleen.







Tinignan ko naman  si Coleen na mukhang walang balak ibigay sa bata.

"Ibibigay mo?" Tanong ko  pero mas hinigpitan niya yung yakap sa stufftoy.







Tinitigan lang siya ng batang lalaki at parang kinokonsensya na siya nito ngayon.

"Pag hindi mo binigay yan iiyak ako!" Sorry pero yan yung nababasa ko sa mukha ng batang to ngayon.









"Ugh, fine." Sagot nito.

Ang buong akala ko ibibigay niya na sa bata yung unicorn pero pumunta ito sa isa pang claw machine kung saan robot naman ang prize.

Agad siyang lumapit sa bata at inabot ang robot. "Here, baby boy."






"But I want that unicorn ate." The kid said.







"Ibigay mo na kase." Bulong ko dito.
Tinarayan lang ako nito at muling binalik ang tingin sa bata.





"Nope, baby pang girls lang to, Eto pang boys." Sabi nito kaya tinangap na ng bata yung robot.





"Talagang pinaglaban mo yan ah?" Ani ko sabay tingin sa yakap niyang unicorn.






"Why not?  This is a gift from you, so I need to treasure it." Aniya.






"Unbelievable, trinidad."






"Anong ipapangalan natin sa baby unicorn na to?" She asked while facing the unicorn at me.





"She's just a toy." I answered.




"But the fact is? You call her she. Eh laruan lang naman siya, dalii naa just give one."  Pagpupumilit nito.






"Fine, cocorn ipangalan mo diyan. Okay ka na?" Aniko.






"Cocorn? What the-HAHAHA."
Tawa nanaman to ng tawa na parang nalalagutan na ng hininga.








"Sige tumawa ka lang, hangang sa mapagod ka." Irap ko dito.


Agad kong dinukot ang cellphone sa bulsa ko ng biglang tumawag si ate sela.

"Nasa bahay na daw si ate sela." Sabi ko kay Coleen na busy sa paglalaro.







Agad ko siyang hinila sa braso at nagsimula ng maglakad palabas ng mall na to.


"Gabb?" Tawag nito sakin.



"What?" Tanong ko ng hindi pa rin siya nililingon.



"Ask ko lang? Bakit lagi kang nakahila sa braso ko?" Tanong nito.








Huminto ako sa paglalakad at nilingon ito. "Edi wag." Mabilis kong binitawan ang braso niya, at inunahan na to maglakad.






"Galit ka agad niyan? Bakit kasi sa braso ko eh pwede naman sa kamay." Sabi nito at biglang hinawakan ang kanang kamay ko.






Hindi ko alam pero parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa dulo ng daliri ko papunta sa  buong katawan ko.






Napakalambot ng kaniyang kamay na para bang ang sarap hawakan habang buhay. Hinayaan ko lang siyang hilain ako palabas ng mall na to.






"So babye na?" Ngiting sabi nito, hindi ko namalayang nandito na kami sa parking lot . agad akong nabalik sa wisyo.








Agad siyang pumasok sa kotse niya. Ng makaalis na ito agad na rin akong pumasok sa kotse ko. Habang nakaupo sa driving seat. Tinitigan ko lang kamay ko. Ang weird.







Sinimulan ko ng paandarin ang makina ng kotse at hinarurot na ito pauwi.
Agad akong nakarating sa unit namin. Pinindot ko ang doorbell at agad naman itong binuksan ni ate sela.


"Oh gabb?"bungad ni ate sela.







"Oh?" Derederetso lang akong pumasok sa loob ng makita ko si ate abby na natutulog sa kama ni ate sela.





Agad kong nilapitan si ate sela at tinanong ito. "K-kala ko ba umuwi na kayo?"






"Umuwi na nga kami? Nandito na nga ako oh?" Sagot nito.






"No, I mean si ate abby. Why she's still here?" Tanong ko.





Akala ko ba hindi niya pwedeng iwan si Coleen mag isa? Bakit nandito pa siya?





"B-bakit may problema ba?" Tanong ni Ate sela.






"Tss. Lalabas na lang ako." Agad akong lumabas at sinarado ang pinto.




Pano na si Coleen doon? Hindi siya pwedeng mag isa.





"Bakit ba ako nagaalala sa kaniya." Inis na bulong ko sa sarili ko. Umupo na lang ako dito sa labas ng pinto  at sinandal ang sarili ko.







"Gabb?"

Unti unti kong dinilat ang mata ko at tinignan kung saan nanggaling ang boses.






"B-bakit ka nandito?" Kunot noong tanong ko.







"Si ate abby kasi wala pa sa bahay, nandiyan ba siya?" Sabi nito at naglakad na papalapit sa akin.






"N-nasa loob sila." Sagot ko.






"Bakit? Nandito ka sa labas?" Takang tanong niya.






"Alangan naman makiepal ako sa magjowa sa loob." Sagot ko. "You want me to call ate abby?" Tanong ko.







"Hmm, hayaan mo na. Hintayin na lang natin sila." Sabi niya at umupo na lang rin sa tabi ko.






Umabot na ng kalahating oras na nakatambay kami dito sa labas at medyo malamok na rin.







"Uhm? Di pa ba sila lalabas?" Kalabit na tanong sakin ni Coleen.

Sinubukan kong sumilip sa loob at nakita kong natutulog na sila ate sela.
"Natutulog na."






Muli kong sinandal ang likod ko sa pinto at pumikit. Bigla akong nakaramdam ng antok. Ramdam ko ang bigat ng talukap ko na para bang gusto na lang nito sumara.






"Kaya mo pa?" Tanong niya.

Kinusot ko naman ang mata ko para mapigilan ang antok. "Inaantok na ng onte."







"Uhm? G-gusto mo dun muna tayo sa unit namin?" Alok niya sakin.







Gusto ko sanang tumangi pero ayaw ng katawan ko. Gusto ko na lang bumagsak sa malambot na kama.

"Pwede ba?" Tanong ko.






"Oo n-naman haha."





Iniwan niya na lang yung susi ng kotse niya sa loob para raw may magamit si ate abby. At yung kotse ko na lang yung ginamit namin papunta sa unit niya.






COLEEN's POV.

Ako na lang ang nagdrive dahil napansin kong pumipikit pikit na ang mata ni Gabb. parang gustong gusto niya na matulog kaya rin siguro hindi siya tumangi sumama sakin sa bahay.






Medyo traffic kaya medyo natagalan ang byahe. Tuwing stoplight lagi akong napapatingin sa gawi niya. Hindi ko mapigilang  pagmasdan ang mukha niya habang natutulog.






Chill coco, pigilan mo mata mo,  baka madisgrasya ka sa kaharutan mo.







Nang makarating kami agad kong pinark ang kotse. Dahan dahan ko siyang tinapik sa braso pero hindi manlang ito umimik.






Sinubukan kong tapikin ang pisngi niya pero wala pa rin.

"Gabb?" Tawag ko pero wala pa rin talaga.







Pano ko naman gigisingin to?








"Hey, gabb wake up." Mahinang sabi ko.








"Gabb?"







"Gabb!?"







Sinubukan kong lumapit. "Gabrielle?" Pero wala pa rin talaga.








"Gabby?"







Is she dead?








"Gabo!"







Tss.






"Gabb! Gumising ka na diyan!"







"Arrg!" Kanina pa ko tawag ng tawag at tapik ng tapik sa kaniya pero hindi talaga siya nagigising.






Sinubukan kong ilapit ang aking mukha  at bumulong sa kaniyang tenga. 

ewan ko lang kung di ka pa magising neto.







"Baby?"







Automatic na dumilat ang mata nito at deretso ng nakatingin sa akin.

Narinig niya ba? Teka?! Kanina pa ba siya gising!? Apakagago!!






dali dali  akong umatras dahil napakalapit ng mukha namin. Tinitigan lamang ako nito ng walang emosyon sa kaniyang mukha.

Dumoble  ang aking paglunok  dahil hindi niya pa rin pinuputol ang pagtitig niya, ramdam ko rin ang biglang pag init sa pagitan namin dalawa.






Dahan dahan niyang tinangal ang kaniyang seatbelt ng hindi pa rin  inaalis ang tingin sa akin.






Para akong nalulunod sa mga tingin niya ngunit hindi ko maiwasang labanan ang kaniyang mga titig.





tuluyan niya ng natangal ang seatbelt sa kaniyang katawan  at agad nitong inangat ang kaniyang braso papalapit sa akin-pinto at  lumabas na ng kotse.



● _ ● ?




Eh?




Shit?




Y-yun na yon?






Yun na yooooon!??








Naiwan akong nakatulala dito dahil di pa rin nag sisink in sa utak ko ang nangyayari.  nag expect ako ng may mangyayari tulad ng mga napapanood ko sa movie, pero hindi pala tulad ng movie ang buhay ko. Shit.







Muli itong bumalik at kumatok sa bintana kaya agad akong nagising sa delusion ko.





Huminga muna ako ng malalim at Agad ko naman ibinababa ang bintana. "Now what!?" Pagtataray ko dito.






"Wala ka bang balak lumabas diyan?"
Tanong nito.

Nakatayo lang ito sa labas habang ginugulo gulo ang buhok niya.
Agad akong lumabas at padabog na sinara ang pinto.







Inunahan ko na siyang maglakad papuntang elevator. Magsasara na sa ang pinto ng elevator ng bigla niya itong pigilan. "Tss, di mo manlang ako hinintay." Reklamo nito.

"E-eh kasalanan ko bang mabagal kang maglakad?" Irap ko dito.








Parehas na lang kaming nanahimik habang hinihintay na tumaas ang elevator sa 14th floor.

"Bakit ka ba nagagalit?" Pagbasag nito sa katahimikan.







"No, I'm not mad." I slightly rolled my eyes.






"Tss, di galit, pero nang iirap." She mumbled.







Tumunog na ang elevator na pahiwatig na nasa 14th floor na kami. Agad akong lumabas dito.

Napalingon naman ako dahil napansin kong hindi siya sumunod. Pasara na ang pinto ng elevator pero agad ko tong pinigilan.





"Ano ba Gabb?!" Sigaw ko pero nakatitig lang sakin ito ng walang ekspresyon sa mukha nito.





"Uuwi na ko samin." Sabi nito.






"Kala ko ba dito ka muna magi- stay!?"
Inis na tanong ko.






Bwisit, balak na naman akong iwan magisa ng mokong na to.





"Eh galit ka e? Uuwi na lang ako." Sagot naman niya.






"Hindi nga ako galit! Ano ba!?"





"Ms, pwede bang sa labas na kayo mag away ng gf mo, kaylangan ko na kasing tumaas ng 17th floor." Biglang sabi ng matanda sa loob ng elevator.






"Lumabas ka na kasi diyan Gabb, ang arte mo rin e." Dugtong ko.







"Uuwi na ko." Sabi pa rin nito.







Agad naman pinindot ng Gabb na to yung close button. Pero agad ko rin pinigilan.

Pinilit niya pa ring pindutin  pero wala itong epekto dahil nakaharang ang mismong kamay ko sa door ng elevator.






"Magmamatigas ka talaga?"iritang tanong ko dito.






"Ano ba! Natatae na ko dito! Nagawa niyo pang paglaruan yung elevator!" Sigaw ng matanda.





"Ikaw! Lumabas ka na nga! Mas pabebe ka pa sa Gf mo!" Tulak nito kay Gabb palabas at agad na sinara yung elevator.






Natulala na lang kaming pareha at sabay na natawa sa sinabi ng matanda.

"Ikaw kasi e, pabebe ka." Asar ko dito.






"Malay ko bang natatae na siya?" Natatawang sagot nito.






"Kaya pala amoy sinauna sa loob." Biro nito kaya nahampas ko ito sa braso.







Sinimulan na namin maglakad papuntang unit habang nagtatawanan pa rin sa nangyari kanina.

Agad kong kinuha ang susi sa aking bulsa at binuksan ang pintuan.


.

"Feel yourself at home." Sabi ko.






Dali dali niyang hinubad yung sapatos niya at mabilis na naglakad papuntang kama ko. "U-uh? Gabb?"






Agad niyang binagsak ang katawan niya sa kama. "Goodnight." Sabi nito at pinikit na ang kaniyang mata.





Natuwa naman ako dahil mukhang feel at home siya talaga dito samin. Atleast wala ng hiyaan o ilangan na magaganap pwera na lang kung may mangyari dito na hindi ka aya aya, Uhe.







Kinuha ko ang remote ng aircon at nilakasan ito, naglagay na rin ako ng makapal na blanket sa tabi niya para incase na lamigin siya. Baka kase may "I need your warm, instead." Nanamang mangyari. Woooh!






Naisipan ko munang maligo  dahil kanina pa ako pinagpapawisan. Full bath na yung ginawa ko dahil may nabasa akong article na hindi naman pala masama maligo ng gabi.

*hindi masamang maligo ng gabi, ang masama ay yung kung gano ka katagal magbababad sa tubig* skl.







Pagtapos maligo, sinimulan ko naman mag skin care. Hindi matatapos ang gabi ng hindi ako nag skin care.

Agad rin akong natapos dahil madali lang naman yung routine ko, unlike ate abby and ate Sela na kung ano ano pang ginagawa sa mukha.






feeling ko nga hindi na skin care routine yung kanila e, skin care ritual. Charought!






How about Gabb? Nag i-skin care rin ba siya? Parang hinde? Baka nga hindi rin naliligo yun e.







Bigla na lang akong natawa dito dahil sa mga naiisip ko. Pero bat ang clear skin niya pa rin? And to be honest ang bango bango niya pa.








Pinunasan ko ng white towel ang mukha ko at binuksan na ang pinto ng cr.

"Ay! Kalabaw!" Biglang sigaw ko dahil tumambad sakin si Gabb.







"B-bakit? Nasi-cr ka ba?" Naiilang na tanong ko dahil nakatitig lang siya sakin.







Umiling lang ito at bumalik na sa kama.

Sobrang weird! Hindi naman pala siya naiihi o ewan pero bat naghihintay siya sa tapat ng cr? Teka nagsleepwalk ba siya? Oh gusto niya lang talagang manilip-






"Don't get a wrong idea, ang akala ko umalis ka, kaya bumangon ako para hanapin ka. Narinig kong tumatapon yung tubig sa banyo kaya hinintay kong  lumabas ka dun at para masiguro kung ikaw ba talaga yung nasa loob." Pagpapaliwanag nito at bumalik na sa pagkakatulog.





Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito at mukhang hindi naman siya ganong tao.






Besides were both girls, Bat ko ba kasi naisip yun! Ayts.








I don't feel sleepy pa so I ordered pizza  for my dinner, hindi naman ako nakain ng marami tuwing gabi so, its the pizza for me.





I opened the tv and sat on the couch besides the bed. And enjoying the new season of lucifer.





Just have a thoughts on this series.
"If a demon can fall inlove with human? So my crush can fall inlove with me too." I mumbled while looking at the girl sleeping peacefully  on my bed.






I turn back my attention on tv but Gabb's suddenly grabbed my wrist.
Muntik ko ng mabitawan yung pizza na hawak ko.








Gosh? Ganito ba talaga siya pag natutulog? Kung saan saan dumadako ang kamay?







Tinitigan ko lang ito to check kung tulog na ba talaga siya, mahimbing na nga itong natutulog dahil rinig ko ang  mahina nitong paghilik.





"Sabi mo may insomnia?bakit tulog na tulog ka ngayon? Balak ko sanang yayain ka magpuyat, Pero inunahan mo pa ko matulog." Sabi ko dito.







Pinatay ko na ang tv at humiga na sa tabi niya, wala naman sigurong problema kung magtabi kami diba? Just like I said, we're both girls.






















Lubog.

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 710 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
202K 8.5K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
37.8K 1.1K 72
Compilation of Vhoice stories.