Last Day at St. Louie

By scitusnim

37.8K 2.8K 1.7K

The pandemic is over and the quarantine is now lifted. Almost a year after their supposed graduation day, St... More

Last Day at St. Louie
1 - Something's off
2 - The Challengers
3 - Smokescreen
4 - Tainting Purity
5 - Eye to Eye
6 - Wits for Life (Part 1)
7 - Wits for Life (Part 2)
8 - Wits for Life (The Reason Behind)
9 - Wits for Life (Part 4)
10 - Wits for Life (Last Part)
11 - The Hendecagon
13 - The Transferee & the One who Failed
14 - Stepbrothers
15 - The Bully & the Innocent
16 - The Dead Man's Journal
17 - More and More
18 - The Clueless Ones
19 - The DIY Weapon
20 - The New King
21 - Not Over Yet
22 - A Little Chitchat
23 - Russian Louie
24 - Welcome to the Chaotic Mind of Allysa Santino
25 - Two Years Later

12 - Three, Nine, Twenty

1.1K 108 80
By scitusnim

12 - Three, Nine, Twenty



"Where the hell could those guys be?!" tanong ni Hailey gamit ang pagod niyang boses. Hindi pa sila nakakalayo mula sa Louie's Hall halos mamaos na siya sa pagrereklamo dahil sa gutom. "I'm so hungry na and now I have to walk to find them! Bakit kasi hindi marunong makinig?! Sinabi ng maghintay! Alis ng alis!"



"She really complains a lot." Bumuntong hininga si Ella habang nakatingin sa dating Student Council Secretary na nasa bandang unahan at kasabay maglakad ni Kingsley.



"She just says what she wants, but she's not a bad person," nakangiti namang sabi ni Lia. "She's still taking responsibility even though she's not an officer anymore. She's a true leader, right?"



Napalingon si Paul noong mapansing hindi na kumibo si Ella kay Lia. Kasabay niyang maglakad ang dalawang dalaga at pansin niya ang pagkurap-kurap ng huli noong hindi na ito pinansin ni Ella. Bumuntong hininga siya at ngumiti, siya na lamang ang nakipag-usap kay Lia. "Lahat naman sila. I mean, silang tatlo. Hindi nasayang ang boto ko noon."



Bahagyang napatawa si Lia. "I actually voted for the other party."



"Oh? Seryoso?"



Tumango ang dalaga. "It was so obvious which party will win. Everybody favors Kingsley. His members only got votes because of him, right Ella?"



Muling napalingon si Paul noong sinubukan ulit ni Lia na isali si Ella sa usapan. Halatang hinihila nito ang dalaga mula sa pag-iisip sa mga nangyari kanina ngunit hindi pa rin ito kumibo.



"Bumoto ka sa kabilang partido para lang may matanggap silang boto?" natatawang tanong pa ni Paul, pinapagaan din ang loob ng dalagang tila nakikipag-usap sa hangin.



Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lia at muli siyang tumango. "Candidates are not allowed to participate in the election. Getting zero votes would hurt."



Muling napatawa si Paul saka napailing-iling. "The famous Lia Andres is really an angel, huh?"



Napasimangot naman ang dalaga. "Famous?"



"Hindi ba?" Muling nilingon ni Paul ang kasabay niyang maglakad. "Kahit sa College of Nursing, kapag sinusundo ko si Mama, naririnig ko ang pangalan mo."



"Ngayong araw lang nalaman ni Vince ang existence ko."



"Si Vince Pascual 'yon. Not a news."



"Today lang din ako nakilala ni Allysa."



"That's Ally for you." Naiiling na napangiti si Paul saka bahagyang lumingon sa babaeng pinag-uusapan nila. "Pero, isang section lang ang Computer Engineering sa batch natin, diba? Magkaklase kayo?"



"Yeah." Nag-pout si Lia. "She's the Vince Pascual of our section."



Muling napatawa si Paul.



"Ang bilis mo namang naagawan, Einstein," pang-aasar ni Arkin kay Vince na kasabay niyang naglalakad sa hulihan ng grupo. Binigyan lamang siya nito ng nagtatanong na tingin. "Come on. Anyone with eyes can see that you like the girl."



"What are you saying?" kunot-noong tanong ni Vince.



"Wow. The Vince Pascual is clueless and is asking me a question." Lalong ngumisi si Arkin. "This feels good."



"Shut up, please."



Sabay na napalingon ang dalawa noong nagsalita ang nag-iisang babae sa kanilang unahan. Hindi ito nakatingin sa daan at mula noong nagsimula silang maglakad palayo sa Louie's Hall ay tutok na tutok ang mga mata nito sa screen ng sariling cellphone.



"Bakit, Allys-" Naputol ang tanong ni Arkin noong biglang tumigil ang dalaga sa paglalakad. Napahinto din silang dalawa ni Vince. May dalawang dipa ang layo nila sa ibang mga kasama na nauunang maglakad kaya walang nakapansin sa kanilang paghinto.



"Why?" tanong ni Vince. Sabay din silang napaatras ni Arkin noong biglang humarap si Ally sa kanila.



"It's really connected."



"Ha?" naguguluhang tanong ni Arkin ngunit agad siyang sinenyasan ng dalaga na hinaan ang boses.



"What is?" pabulong naman na tanong ni Vince. "What do you mean?"



Humakbang si Ally para mas lumapit pa sa dalawang binatang nagtataka na. Huminga siya ng malalim saka ipinakita ang screen ng kanyang cellphone. "You said every other answer, right?"



Agad na tumango si Vince.



"Every other answer what?" kunot-noong tanong ni Arkin.



"Every other answer from those questions inside Louie's Hall were clues. The rest are intentionally made unrelated just to confuse us," paliwanag ni Vince.



"I listed everything," bulong ni Ally saka tinignan ang listahan sa notes ng kanyang cellphone.



🔴 Eleven
⭕ Painless Operation
🔴 31131112
31121113
11222119
31131122
21123113
11221110
⭕ 98
🔴 Suicide
⭕ Space Invaders
🔴 Engineer
⭕ Egg yolks are yellow
🔴 A secret
⭕ Spare tire
🔴 Caught in the act
⭕ Calculus



"You remembered that long ass answer from the third question?!" pabulong man ay mataas ang tono ng pananalita ni Arkin.



Naningkit naman ang mga mata ni Vince. "That long ass number is one of the clues?"



"I've been thinking about it. I tried adding and multiplying all the numbers."



"Sipag mo naman," komento ni Arkin kaya agad siyang nakatanggap ng masasamang tingin mula sa dalawa.



"Did you get anything?" tanong ni Vince sa dalaga na mabilis na umiling.



"But I thought that since the answer was produced by describing the last set given, which describes the second set that describes the first set, maybe the first set also describes something." Pinindot ng dalaga ang back button sa screen at binuksan ang isa pang note na puno ng numbers.



First set: 3113311931123110

➡ 1113111911121110

➡ 13191210



"I kept on doing that until I came up with this." Itinuro ni Ally ang pinakahuling number sa screen.



➡ 3920



"Three, nine, twenty." Napatingin si Vince sa dalawang kasama. "March 9, 2020."



"This is happening due to what happened that day?" kunot pa din ang noo na sabi ni Arkin.



Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa mga kasama, partikular kina Kingsley at Hailey, na malayo na ang distansya mula sa kinaroroonan nila.



"But why us?" tanong ni Arkin. Normal na ang angas sa kanyang mga tingin ngunit ngayon ay nahahaluan iyon ng pagiging seryoso.



Sinalubong lamang ni Ally ang tingin ng binata. Hindi siya nagsalita.



*****



Mag-isa pa ring naglalakad si Jerome, higit isang oras na matapos niyang lumabas mula sa Louie's Hall. Palingon-lingon siya sa paligid sa pag-asang makikita sina Arkin, Noah, at Harold. Nakikiramdam din siya sa takot na bigla na din lamang siyang humandusay tulad ng iba.



Bilang isang basketball player na babad sa practice mula first hanggang fifth year niya sa St. Louie, nagtapos ang binata na hindi pa nalilibot ang buong campus. Ito ang unang beses na napadpad siya sa College of Education at bagaman hindi iyon ganoon kalaki, hindi niya alam kung saan maaaring lumusot para makalabas.



Ilang minuto pa ng paghahanap ang lumipas bago nakakita si Jerome ng tila isang makitid na lagusan sa pagitan ng dalawang building. Natanaw niya ang kalsada sa dulo niyon kaya walang pag-aalinlangan siyang pumasok. Tinakbo niya ang kabuoan ng daan na iyon hanggang sa makalabas.



"Shi-"



Hinihingal na napasandal si Jerome sa pader, nakatakip ang sariling mga kamay sa bibig at nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala sa nakita. Napalunok siya saka unti-unting sumilip mula sa pagitan ng mga building. Nahigit niya ang paghinga noong makumpirmang totoo ang bumungad sa kanya.



Sa tabi ng bangkay ng security guard na nakahandusay sa kalsada, nakatayo si Noah bitbit ang isang baril.



*****



"Harold!" sigaw ni Kingsley noong matanaw ang binata na tumatakbo. Lumingon ito sa kanila at agad tumakbo palapit na naging dahilan ng kanilang pagtataka.



"Na-miss niya yata tayo?" nakangiwing tanong ni Hailey.



"Siya ba 'yong isa sa kasama niyo?" Lumingon si Felicity sa mga kabataang nasa kanyang likuran.



Sasagot pa lang sana si Kingsley noong magtanong din si Cholo.



"S-Siya din ba?"



Napalingon ang lahat sa isang lalaking naka-suot ng purong itim mula sa cap hanggang sa sapatos at tila humahabol kay Harold. Ang pagkislap ng talim ng kutsilyong hawak nito ang tila gumising sa kanilang lahat.



"TAKBO!"



"Putangina mo, Harold! Putangina mo talaga!" sigaw ni Arkin na dahil nasa pinaka-huli kanina ay siyang nauunang tumakbo ngayon kasunod sina Vince at Ally.



"Tangina mo rin, Rodriguez!" sigaw din ni Harold na halatang hinihingal na sa pagtakbo.



"Tangina niyo-" Naputol ang sigaw ni Hailey noong mapatili siya dahil sa isang putok ng baril.



Napatigil silang lahat sa pagtakbo at noong lumingon ay nakitang nanatili pala si Felicity sa kinatatayuan at ngayon ay nakataas ang baril na umuusok pa. Sa di kalayuan, nakasalampak sa daan ang lalaking iniinda ang tama ng bala sa hita.



"Putangina, may mga kasama tayong pulis! Sinong tanga ang sumigaw ng takbo?!" galit na sigaw ni Arkin.



Agad na nag-iwas ng tingin si Cholo.



Napapikit si Kingsley saka huminga ng malalim. Noong mag-mulat ay inilibot niya ang tingin sa mga kasama, sinisiguradong maayos ang lagay ng lahat. Sa huli nilingon niya ang babaeng pulis na naglalakad na palapit sa hindi kilalang lalaki na nakayuko. Sumunod siya dito.



"Sino ka?" seryosong tanong ni Felicity habang nakatutok pa din ang baril sa lalaki. Noong hindi ito sumagot ay sinipa niya ang hitang pinagmumulan ng umaagos na dugo. Napahiyaw ang lalaki. "Sino ka sabi?!"



"Officer," kunot noong pag-awat ni Kingsley, hindi natutuwa sa nasaksihan. Umupo siya para makapantay ang lalaki. Nasilip niya ang mukha sa ilalim ng sumbrero at natigilan noong makilala ito. "H-He's-"



"He's one of the university's janitors," hindi makapaniwalang sabi ni Paul noong maaninag din ang mukha ng matandang lalaki.



Napatingin si Felicity sa binata pati na sa ibang mga kabataan na lumapit din at halatang nakilala ang lalaking kanina ay humahabol sa kanila.



"B-Bakit... S-Sino ho ang nag-utos sa inyo?" Seryoso man ay mababakasan ng paggalang ang pagtatanong ni Kingsley sa nakatatandang lalaki. Ilang ulit din siyang napalunok.



"K-Kailangan ko ng pera..." sumisinghap na sabi ng matandang lalaki. Tumulo ang luha sa mga mata nito habang nakatingin sa mga mata ng kaharap na binata. "N-Nasa ospital ang anak ko... Kailangan ko ng pera..."



Nagkatinginan ang mga kabataan.



"Sino ho ang nag-utos sa inyo?" pag-uulit ng babaeng pulis.



Umiling-iling ang lalaki. "Kailangan ko lang sumaksak... Isa lang... Mababayaran na ang pagpapa-ospital ng anak ko... Isa lang..."



Natahimik ang lahat habang pinapakinggan ang paulit-ulit na sinasabi ng matandang lalaki, kasabay ng pagsinghap sa bawat pagtulo ng dugo mula sa hita nito. Nanatili ang tingin nila dito kahit noong tumayo si Kingsley at pinulot ang kutsilyong nabitawan nito kanina.



Na-alarma lamang ang lahat noong hinawakan ng dating Student Council President ang mismong blade ng kutsilyo para iabot iyon ng maayos sa matanda, saka inilahad ang kaliwa niyang braso.



"Kingsley, what the hell are you doing?!" Mabilis na hinila ni Hailey ang binata.



"Who knows what will happen to him and his child if he fails to do his task?" madiing tanong ni Kingsley pabalik.



Natigilan si Hailey saka sandaling napatitig sa mga mata ng binata, hindi niya maintindihan kung bakit iyon kumikislap. Ang iba ay nakatingin din sa kanila. "A-Are you out of your mind?"



"Tsk." Kunot noong nag-iwas si Arkin ng tingin. "Kung 'yon talaga ang inaalala mo, Pres, isina-suggest kong si Harold na lang ang ipa-saksak."



"Arkin," nagbabanta ang tonong saway ni Felicity sa binata. Nilingon din niya si Kingsley. "Hindi ka magpapasaksak. Walang masasaktan."



"Then what about him?"



"Bakit mo inaalala ang taong handang pumatay ng inosente para sa pera?"



"I'm worried about a father who would do anything for his child," madiing pangangatwiran ng binata.



"At hindi ka nag-aalala para sa sarili mo? At para sa mga kasama mong pwede ding masaktan kapag ibinigay mo ang kutsilyong 'yan?"



Magsasalita pa lamang sanang muli si Kingsley noong marinig ang mahinang tunog ng tuluyang pagbagsak ng katawan ng matandang lalaki sa lupa. Pare-pareho silang napalingon at nakitang may dugo na ding umaagos mula sa ulo nito.



Sa gitna ng katahimikan, umalingawngaw ang tunog ng pagbagsak ng kutsilyo.



"No!" sigaw ni Kingsley saka dali-daling lumapit sa lalaki. Pabagsak siyang lumuhod saka ito iniangat sa lupa at pilit na ginising. "No! Wake up! Wake up! Please!"



"K-Kingsley..." naiilang na tawag ni Hailey, nalilito sa labis na emosyong ipinapakita ng binata para sa pagkamatay ng isang tao na hindi naman nito kaano-ano.



"Wake up! Please!" Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ni Kingsley. Niyakap niya ng mahigpit ang bangkay. "P-Papa..."



Napaatras si Hailey dahil sa narinig. Nagkatinginan din ang iba, hindi alam kung totoo bang tinawag ng dating Student Council President na 'Papa' ang school janitor.



"Kingsley..."



Napalingon muli ang lahat noong marinig ang boses ni Noah. Ikinagulat nila ang hawak nitong baril ngunit ang reaksyon nito ang napansin ni Hailey.



"You knew?" tila nadismayang tanong ng dating Student Council Secretary sa binata. "Noah, you knew that the janitor is Kingsley's father?"



"Hailey..." Hindi pa man nakakapag-paliwanag si Noah ay tumalikod na ang dalaga at naglakad palayo. Huminga siya ng malalim at iniabot ang baril kay Arkin na walang salitang tinanggap iyon. Sunod ay tahimik siyang lumapit sa umiiyak pa ring si Kingsley saka ito marahang tinapik sa balikat.



"A-Anong nangyari?" tanong ng hinihingal na si Jerome noong makasalubong si Hailey. Sa di kalayuan ay tanaw niya ang iba pa nilang mga kasama at dalawang pulis na pare-parehong tahimik.



"Wala akong alam!" Sinubukan ni Hailey na magtaray ngunit nabasag ang kanyang boses. Hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Jerome na agad lumambot ang ekspresyon sa mukha.



"O-Okay ka lang ba?" nag-aalangang tanong ng binata.



Umiling si Hailey kasabay ng pagsinghot. "Wala nga akong alam!"



Natigilan si Jerome ngunit wala na din siyang nagawa kung hindi ang tapikin ang likod ng dalagang bigla na lamang yumakap sa kanya. Hinayaan niya na lamang itong umiyak sa kanyang balikat.



Halos kalahating oras ang lumipas bago humupa ang emosyon ni Kingsley. Ang kaninang binata na nangunguna at naniniguro na maayos ang lagay ng lahat, ngayon ay hindi makausap.



"Magkakasama na kayong lahat, kailangan na nating lumabas," anunsyo ni Felicity. Wala ng kumontra sa kanya kaya hindi na rin siya muling nagsalita. Noong nauna silang maglakad ni Cholo ay tahimik na sumunod sa kanila ang mga kabataan.



"Kingsley, let's go," mahinang pagyaya ni Noah sa binata. Napabuntong hininga na lamang siya noong tila wala sa sarili itong tumayo at nauna ng humakbang palayo.



Wala pang isang minuto sa kanilang paglalakad, nahigit ni Cholo ang kanyang paghinga noong tila naulit ang nangyari kanina. Isang maliit na bagay nanaman ang dumaan sa kanyang harapan at may ideya na siya kung ano iyon. Lumingon siya kay Felicity at nanlaki ang mga mata noong maramdaman ang pagdaan ng isa pang bala malapit sa kanyang tainga. Napalunok siya sa isiping kung hindi siya lumingon ay sapul ang bala sa kanyang pisngi.



Isang bala pa ang muling dumaan at pumutol sa ilang piraso ng nakabagsak na buhok naman ng babaeng pulis. Maging ito ay napalunok.



"Takbo!"



Muli nanamang natagpuan ng mga kabataan ang kanilang sarili na tumatakbo. Wala mang humahabol sa kanila, nagmamadali nilang tinakasan ang kamatayan.



"Auditorium!" sigaw ni Ally. "Sa auditorium!"



Mabilis na pumihit sina Cholo at Felicity na siyang nauunang tumakbo. Binuksan nila ang malalaking pinto ng auditorium at pinapasok ang lahat saka iyon isinara.



Tahimik na naghabol ng hininga ang lahat sa lobby ng auditorium. Ang iba ay napaupo sa sahig, ang iba naman ay napatuon na lamang sa kanilang mga tuhod.



"Let's go inside," ani Ally saka walang lingon na naglakad palapit sa pinto ng mismong auditorium. Binuksan niya ang isa sa mga double doors katulad ng ginawa ng mga pulis kanina.



Lumapit si Vince at binuksan din ang kabilang pinto. Walang pag-aalinlangan na pumasok ang lahat maging ang mga pulis.



"Arkin."



Isang tawag lamang mula kay Ally, agad na ngumisi si Arkin. Tumango siya sa dalaga at kay Vince at hinintay ang mga ito na makapasok bago siya lumihis ng daan patungo sa electrical room ng auditorium.



"The lights are on," komento ni Paul habang bumababa sila sa hagdan sa pagitan ng mga upuang nakahanay tulad ng sa mga sinehan.



"Are we safe here?" tanong ni Lia habang inililibot ang tingin sa tahimik na auditorium, inaalala ang bawat pagkakataon na napupuno ito ng libo-libong tao noong mga estudyante pa sila.



"Yow!"



Gulat na napalingon ang lahat kay Harold matapos nitong humiyaw. Nakalagay pa ang magkabilang palad nito sa gilid ng mga labi. Tuwang-tuwa itong lumingon sa kanila.



Agad na niyakap ni Lia si Ella na muli nanamang nanginig sa takot matapos marinig ang malakas na boses ni Harold.



"May echo, ang galing."



"Tang..." Pinigilan ni Hailey ang sarili na magmura. Pumikit siya ng mariin para pakalmahin ang sarili na gustong-gusto ng sampalin si Harold.



"We're trying to hide here, kid," ani Felicity. "Keep it low."



"Ay sorry," sarkastikong sagot ng binata saka tumawa pa.



Napailing na lamang ang babaeng pulis. Dumiretso na sila hanggang sa malawak na area sa baba ng stage kung saan wala ng mga upuan.



Biglang namatay ang lahat ng ilaw.



Napatili sina Hailey, Lia at Ella, habang napasigaw din sa gulat sina Jerome at Cholo. Agad na itinaas ni Felicity ang kanyang baril. Naging alerto din sina Kingsley at Noah.



Tahimik ang madilim na auditorium kaya rinig na rinig ang pagbukas ng pinto. Wala mang nakikita, napaangat ang tingin ng lahat sa direksyon niyon. Pigil ang hininga ng bawat isa noong marinig ang mga yabag. Palapit ng palapit.



"Aaaaaaaaahhh!" tili ni Hailey noong biglang may tumutok na liwanag sa taong papalapit.



"Arkin?" kunot-noong tanong ni Noah noong maaninag ang kanyang pinsan na tatawa-tawa.



"I can imagine your horrified face, Hailey," panunukso pa ni Arkin.



"You stupid jerk!" inis na sigaw ni Hailey at lalapitan sana ang binata noong nawala ang nakatutok na liwanag sa direksyon nito.



Napalingon ang lahat sa nagiisang source ng ilaw na ngayon ay nakatutok sa sahig, ang cellphone ni Ally. Ibinaba niya iyon sa gitna nilang lahat para maaninag nila ang isa't isa.



"Ally..." nagtatakang tawag ni Paul sa dalaga. "W-What's going on?"



Walang emosyong inilibot ni Ally ang tingin sa lahat. "How are you all related to Lance Peña?"

;




















Sorry for the very slow updates. I'm currently in the point in life wherein I need valid ids to get valid ids.

I'll try to write whenever I can. Promise.

Twitter: @scitusnim

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
208K 12.4K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...
21.5K 1.2K 10
VOLUME 3 Back from the start, but not as a team. What are they suppose to do FIRST? Continue playing the game and collect the pieces? Or fix their bo...
1.8M 178K 203
Online Game# 2: MILAN X DION