One-shot stories

Av miraabella

1.7K 52 30

Different people. Different stories. Different Shots of love. Written by: miraabella Mer

ILLUSIONS
The Switch
Three-Second Affection
I stay in love
Heartbreak Girl
Let's Travel
Holdap 'to

BISIKLETA

644 14 14
Av miraabella

Bisikleta

Property of: simatakawnawriter :))

---

"Ma,bili lang ako ng bulaklak sa labas. Lanta na po kasi yung mga bulaklak sa mga vase natin."sabi ko sa nanay ko habang pasakay pa lang ako sa bisikleta ko.

"Ingat anak sa pagpepedal ah. Tsaka sa gilid ka parating kalsada para makaiwas ka sa mga malalaking sasakyan."sabi ng nanay ko habang nagluluto. Andami naman ata niyang sinabi. Haha. Paulit ulit na lang nga eh. Pero atleast concerned siya sa akin.

Kaming dalawa lang naman ang magkasama sa buhay. May ibang pamilya na si Dad eh. Naghiwalay sila ni Mama nung Grade 6 pa ako. 4th year na ako kaya medyo naging maliwanag na sa akin at naintindihan ko na ang lahat. May mga tao talagang walang happy endings. Kasali na dun ang parents ko. In short, di nag-work out ang relationship nila.

"Opo, Ma. Memorize ko na nga yan eh. Gusto mo po,ulitin ko pa yung sinabi niyo??"sabi ko pa sa kanya ng may nakakalokong ngiti. Syempre,bestfriends ata kami ng Mama ko.

"Hmph. Tong anak ko. Kailan ka pa naging pilosopa, ha?" lumapit siya sa akin pagkatapos niyang lumabas ng bahay.

"Since birth po. Tsaka mana-mana lang po yan Ma." pang-aasar ko sa kanya.

"Sus. Nga pala,siguraduhin mong sariwa yung bilbilhin mong bulaklak ah. Tsaka anak.." biglang napansin kong nag'iba yung expression ng mukha ni Mama.

"Hmmm. Bakit po Ma, may problema ho ba?"inakbayan ko siya. Barkada kami ni Mama,right?

"Tumawag kasi ang papa mo kanina." ano daw?? Tumawag si Papa? Bakit naman kaya?

"Oh,tapos? Ano pong sabi??" tumingin ako kay Mama habang hinihintay ang sagot niya.

"kasi.... Gusto ka niyang kunin pagkagraduate mo ng highschool. Di ka naman sasama sa kanya anak,diba?" tanong niya sa akin. At syempre ito ang naging sagot ko.

"Nakuuu. Si Mama naman, nakuha pang magdrama! Wala tayo sa MMK nuh. Tsaka di ako sasama dun. Promise po. Kahit naman mayaman yun, mas pipiliin ko parin kayo. Labs po kita eh." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Mahal na mahal ko nanay ko nuh kahit di halata. Ba't ko siya iiwan? There's no reason for me to leave her.

"sige Ma,alis na ako. Langgamin tayo dahil sa sobrang ka'cheezyhan eh. Tsaka hmff.. hmff..." inamoy amoy ko ammg paligid. Naamoy ko na kasi yung niluluto niya.

"Baka sunog na ho yung niluluto niyo. Bye Ma. Magiingat talaga ako. Promise yan" sumakay ako sa bisikleta ko at nakitang tumakbo si Mama papasok ng bahay. Si Mama talaga oh. Nagsimula na akong magpedal at nakaalis na ng bahay.

Nga pala,nagsimula na ang storyang ito pero di ko pa naipapakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Anne. Parati kong gamit ang bisikleta ko kahit saan ako magpunta. Hobby ko na kasi ang pagsakay ko rito. Itong lugar kasi namin eh napapaligiran ng puno. Pero di naman siya kagubatan. May mga roads siya sa gitna at sa gilid lang yung mga puno. Bahala na ang mga utak niyo kung ano ang naiisip at naiimagine nila.

Nakarating na ako sa flower shop ni Ate Fe. Bumili ako ng ibat-ibang sariwang rosas. Ang cute nga eh. Iba iba yung kulay kasi nung binili ko. May pink,red,white,blue at yellow. Nang mabili ko ang mga ito,maayos ko silang inilagay sa basket ng bike ko. Ang ganda irampa to sa kalsada mamaya. Haha feel na feel ko rin eh,nuh??

Pabalik na ako at sumakay na ulit sa bisikleta ko. Habang nagpepedal ako ay bigla kong naisip yung sinabi ni Mama kanina. kukunin ako ni Papa?? Bat ngayon pa kung kailan malaki na ako?? Ahh. Hindi. Hindi ko basta iiwan si Mama. Masaya na akong Kasama siya at kuntento na ako dun.

*BLAAAAAAAAAGGGG*

"ARAY!!!!" hinaplos haplos ko ang binti ko at sobrang sakit nung sugat ko. May nabangga ata akong sasakyan. Tapos... WaaAAAA. Nagasgasan ko yummg banda sa puwitan nung sasakyan. Ang tanga mo naman kasi Anne eh. Hindi mo nakitang may papaatras na kotse at mas di mo napansin na may malaki pala na bahay sa gilid.

"Hoooo Hoooo" hinuyop huyop ko yung mga sugat ko sa tuhod at siko. Waaaah. Madadagdagan nanaman yung peklat ko. T__T

"Miss,are you ok?" tumingin ako sa kung saan nanggagaling yung boses at....

"EH??" yun lang ang naging sagot ko. Guraaabeee. HANGWAPOOONG NILALANG NAMAN ITECH! Namangha ako sa presensya niya.

"I said,are you ok??" bigla niyang inabot sa akin yung kamay niya. Nakakahiya naman. Feeling ko,napakagusgusin ko na.

"Ahh hehe.. Ok lang ak-- Aray!!" nung tumayo ako at hawakan ang iniabot niyang kamay ay biglang sumakit yung binti ko at muntik na akong matumba. Buti na lang nasalo niya ako. 

Pero nung nasalo na niya ako.... Nayakap ko siya. Hayaan ko na lang ba sarili ko na mahulog? Kaya ayun,napakapit ako sa kanya pero ang mas nakakaawkward pa...

Ang lapit namin sa isat isa. Lalo na nung mukha namin. Nagkatingan pa kami. As in eye to eye. Feeling ko nga namumula na ako. Waaaah. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Why oh why??

"Ahhmm... Mukhang masama ang lagay ng paa mo. Tara sa loob para magamot na yan." umiwas siya ng tingin at inalalayan ako papasok ng bahay nila.

"WAAAAW" Sabi ko habang umuupo sa sofa sabay may talon talon pa na pag upo. Sensya na, ang lambot lang talaga ng sofa nila. Tumingin tingin ako sa paligid at grabee. Gondo long ng bohoy!! *_*

"Sorry talaga ah. Di kita napansin na dumaan eh." natigil ang pagkamangha ko nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Ahh. Nakuuu. Okay lang yun. Mas okay nang magkasugat kesa sa na'deadbol." napansin kong may first-aid kit na pala sa may table sa harap namin.

"Hindi ka nga nadeadbol,andami mo namang sugat" kumuha siya ng cotton at nilagyan ng betadime ang mga sugat ko.

"Awww. Hooo" habang pinapahiran niya ng gamot ang mga sugat ko ay hinuhuyop ko ito at pinaypayan gamit ang kamay ko. Pero masakit masyadoo T__T

"Sigurado ka bang okay ka lang. Masama na ata bagsak mo eh. I can take you to the hospital if you wanted to." napansin niya sigurong nasasaktan na ako.

"Hindi. Okay lang talaga. Malayo rin naman to sa bituka"

"Ano nga ba pangalan mo?" tanong niya sa akin habang ginagamot yung sugat ko sa mukha. Oo, alam ko. Sayang yung maganda ko mukha. Haha

"Ako si Anne. Ann-e Cle--re-o" nauutal kong sabi. Hindi ko na pala o di na namin namamalayan o feeler lang talaga ako o sinadya niya talaga na magkalapit ang mukha namin. Sobrang nakatitig ang mga mata namin sa isat-isa. Nakafeel ako or pati narin siya ng total awkwardness kaya pareho kaming nag-iba ng tingin.

"Ano nga bang pangalan mo ulit?"pagli'lighten up niya ng atmosphere para matanggal ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Anne. Ikaw?" humarap ako sa kanya para talaga di na maging awkward pa.

"Michael Feliciano. Nice to meet you." inabot niya sa akin yung kamay niya which is a sign na makikipag shake hands siya sa akin. "Nice to meet you din."nagshake hands kami at ngumi sa isat-isa. 

>>FAST FORWARD 

Naging magkaibigan kami ni Michael at pareho pala naming hilig ang pagbibisikleta. Parati akong nakaangkas sa likod niya. Minsan naman,separate kami ng bike. Paunahan pa nga kami eh.

Napagod kami sa pagpepedal at nagpahinga muna sa isa sa mga bench ng lugar. Nasa park kami eh kaya may mga benches dito. Inabutan niya ako ng inumin at uminom kami. Nakatingin lang kami sa mga taong namamasyal sa park.

"Grabe. Di pa kita natatalo sa race natin." sabi ni Michael to break the silence between us.

"Syempre,pro na ata to." pinalo ko yung dibdib ko at inaangat ang ulo.

"Ang yabang mo. Matatalo rin kita." inangat niya rin yung ulo niya.

"HAHAHAHA." tumawa kaming parehas. Para kaming bata sa ginagawa namin.

"Alam mo ba yung kantang Buko?" bigla niyang tanong sa akin.

"BUKO"? As in Coconut??"pagtataka ko. Nakakagulat naman yung title. Haha. Buko daw? Not common.

"Haha. Oo. Makinig ka nga ng mga kanta. Para naman updated ka. Siguro aegis pinapakinggan mo nuh?" nagsmirk siya sa akin.

"Aba't ang yabang neto. Hindi kaya. Kilala ko nga si Justine Bieber. So, updated parin ako."

"Oo na. Naniniwala na ako." tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba. Wag mong guluhin buhok ko"inayos ko ang buhok ko baka mamaya niyang,mukha na akong bruha dito eh.

"kantahan na lang kita nung Buko. Gusto mo?"inakbayan niya ako. Oo. Ganyan kami ka'close na aakalain mong mag-on kami.

"Osige ba. Siguraduhin mo lang na di babagyo pagkatapos ng pagkanta mo." haha. Di ko pa kasi yan naririg kumanta eh.

"Kung makapanlait tong babaeng to kal--" natigil siya sa pagsasalita dahil tinakpan ko yung bibig niya.

"Eshh. Wala nang satsat. Kanta na" saka ko pinatong ang ulo ko sa balikat niya.

(NP: BUKO by JIREH LIM, play niyo po yung video sa side para marinig ang boses ni Michael ^__^)

Naalala ko pa 

Nung nililigawan pa 

Lamang kita 

Dadalaw tuwing gabi

Masilayan lamang ang 'yong

Mga ngiti

At Ika'y sasabihan 

Bukas ng alas siyete sa dating 

Tagpuan

Buo ang araw ko 

Marinig ko lang ang mga 

Himig mo 

Hindi ko man alam kung nasan ka

Wala man tayong lomunikasyon

Mag hihintay sa'yo buong magdamag

Dahil ikaw ang buhay ko

Kung Alam mo lang Michael

Kung inaakala mo 

Ang pag-ibig ko'y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na'ko marinig 

Ikaw parin ang buhay ko

 Simula nung pagkakataong nakita kita.

Naalala ko pa 

Nung pinapangarap pa lamang kita 

Hahatid, susundin

Kahit mga bituin aking susungkititn

Nainlove na ako sa'yo

Kung inaakala mo 

Ang pag-ibig ko'y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na'ko marinig 

Ikaw parin... 

 Hindi ko alam paano at bakit but I just did.

Araw-araw kitang liligawan

Haharanahin ka lagi

Kitang liligawan

Haharanahin ka lagi

Kung inaakala mo 

Ang pag-ibig ko'y magbabago

Itaga mo sa bato

Pumuti man ang buhok ko

Ilang beses kong gustong sabihin sa'yo kaso baka di ka maniwala o di kaya hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin.

Kung inaakala mo 

Ang pag-ibig ko'y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kung inaakala mo 

Ang pag-ibig ko'y magbabago

Itaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na kulukulubot ang balat

Kahit na hirap ng dumilat

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo na ako marinig

Ikaw parin, Ikaw parin

Ang buhay ko... 

Nakaramdam ako ng pagka'antok at unti unting pumipikit na ang mga mata ko.

***

"San po si Sir Michael niyo?" tanong ko sa isa sa mga maids nila. Di ko kasi kasama si Michael buong araw. Maski anino niya nga,di ko nakita eh. San na kaya yun?

"di niyo po ba alam Ma'am? Umalis na po siya. Pupunta siya ng Manila para dun na ipagpapatuloy ang pag'aral niya."

"Ano?! Kanina pa ba siya naka'alis?"maiiyak na ako sa nalaman ko. Ba't di man lang siya nagsabi? Di niya ba alam na masasaktan ako.

(play niyo ulit yung buko para mafeel yung scene :)) )

Agad agad akong sumakay sa Bisikleta ko at dali daling pumunta sa istasyon ng tren. Hindi pwedeng ganito na lang. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Ayoko Michael. Hindi ko maisip na wala na yung Michael na pinapatawa ako,yung inaasar ako, yung pinapakakilig ako ng banat niya. Yung Michael na pinakita yung ganda ng araw ng buhay mo. Yung pinaramdam sa akin na pwede akong mahalin, na pwede akong maging masaya. Kahit yung Michael lang. Kahit siya lang.

Nung makarating na ako sa istasyon...

Naglibot ako..

Kaso...

Wala na akong naabutan...

Wala na... Umalis na...

Wala ng Michael Feliciano...

Wala na... Wala na.

Nakatayo lang ako at tinitignan ang pagtakbo ng tren. Ang totoo nga niyan eh,nagkasugat sugat ako sa sobrang pagpepedal at pagmamadali. Nagbabakasaling maabutan ko pa siya pero it's too late.

"Ba't ka ba umalis agad?! Di ka man lang nagsabi. Di ka man lang nagpaalam." parang tanga akong umiiyak habang pinagmamasdan ang tumatakbong tren. Pero ayos lang para naman malabas ko na rin tong nararamdaman ko kahit di na niya marinig at malaman pa tong feelings ko para sa kanya.

"Nakakainis ka. Sa tuwing naiisip kong sabihin sa'yo,natotorpe ako. Naiisip ko kasing baka masira ang friendship natin. Ayokong mangayari yun. Andito na lang man din ako kaya sasabihin ko nang Mahal Kita Michael! Haha. Kaso di mo na maririnig at malalaman pa tong mga pinagsasasabi ko. Wala na eh. Umalis ka at iniwan mo na ako." sinigaw ko na lahat ng nararamdaman ko. Para gumaan naman kahit papano yung loob ko.

"Nung makilala kita, punong puno ka ng sugat. Hanggang ngayon ba naman ganyan pa rin? Psh. Gusgusin ka talaga." Yung puso kong nanghina na ang loob ay biglang nakaramdam ng saya. Kilala ko ang boses na nanggagaling sa likod ko. Nakatalikod pa rin ako sa kanya.

Di magawa ng katawan ko ang lumingon.

"Tapos anong sabi mo? Mahal mo ako?" narinig kong tumawa siya. Pinagtatawanan niya ba ako? Psh.

"Pero alam mo..." naramdaman ko papalapit siya.

"Ako nga rin eh, mahal kita. Kaso sa tuwing sasabihin ko sayo, nabubulilyaso yung plano ko. Nung kinantahan kita, balak ko nang sabihin yun sayo kaso tulog ka. Kung di ka naman tulog, tumatawag naman ang Mama mo para pauwiin ka niya. Ewan. Wrong timing lang siguro pero.." naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya.

"Salamat sa bisikleta na yan at nakilala kita. Nung una kitang makita,minahal na kita Anne. Promise di kita iiwan. I love you."

---

VOTE AND COMMENT :))

-simatakawnawriter

Fortsett å les

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.