Kristine Series 18, One Wish...

MarthaCecilia_PHR द्वारा

573K 19.6K 1.8K

"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinukso... अधिक

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Epilogue

Prologue

45.2K 810 182
MarthaCecilia_PHR द्वारा


"HEY!" ani Iris, napatabing bigla. Tuloy-tuloy sa paglakad ang nakasimangot na si Krista at kung hindi siya umiwas ay tiyak na magkakabungguan sila.

Sinundan ng tingin ni Iris ang socialite na pumanhik patungo sa upper deck ng yate kung saan naroon ang iilan at piling mga panauhin nito, pawang mga nabibilang sa alta-sosyedad. It was Krista's twenty-seventh birthday at ginanap ang selebrasyon sa yate ni Karl.

Nang mawala sa paningin ni Iris si Krista ay sinulyapan nito ang pamangkin na nakatalikod, nasa railings at nakatanaw sa malawak na karagatan. Sa kamay ay kopita na may lamang white wine. Humakbang si Iris patungo sa dulo ng upper deck kung saan naroon ang dalawang puting lounging chair at isang mesa na yari sa fiberglass. Sa ibabaw niyon ay ang bote ng Chardonnay.

"Bad day for Krista, huh..." Naupo siya sa lounging chair. Inabot ang cigarette case at gold lighter sa mesa na natitiyak niyang naiwan ni Krista. Nagsindi ng sigarilyo.

"Alam ba ni Wesley na naninigarilyo ka?" Ang tinutukoy ni Karl ay ang asawa nitong Amerikano na nasa Israel para sa seminar ng mga endocrinologist. "You know that's bad for your heart, Iris," ani Karl na kumunot ang noo sa pagkakatitig sa sigarilyong sinindihan ni Iris.

"What was that all about? Shall I expect a reconciliation bago tayo dumaong sa Batangas o isa na namang anak ni Eva ang pinaiyak mo?" patuloy ni Iris na tila hindi nagsalita si Karl, puff the cigarette and blew the smoke heavenward. At nang tangkang agawin ng binata ang sigarilyo sa kamay niya'y ibinaba niya iyon sa ashtray at pinatay.

"Hindi mo na ako sinagot..." Sinuklay ng mga daliri ni Karl ang buhok patalikod. "Gusto niyang ianunsiyo ko ang engagement namin sa mga bisita ngayon..."

"I expected that, too. Siya ang pinakamatagal mong girlfriend, three months kung hindi ako nagkakamali. At hindi kaila sa aking ipinamalita ni Krista sa lahat na pinag-uusapan na ninyo ang tungkol sa kasal. Kung hindi kita kilala'y muntik na akong maniwala sa kanya." Her voice sounded amuse.

One corner of his mouth twisted upward in a sarcastic smile. "Tulad din ng ibang mga babaeng nakilala ko, Iris. It was obvious that she wanted to marry me for my money..."

"Stop being a cynic, Karl!" ani Iris na kumunot ang noo. "I can't even tell if you're being arrogantly humble or you are underestimating the attraction you have with women..."

"Hmm. Arrogantly humble..." Inulit nito ang ginamit na salita ni Iris. "Isn't that a contradiction?" Then he smiled drily. "And talking about my attraction, mas malakas makahatak ng atraksiyon ang pera, my dear aunt."

Ilang sandali ang pinalipas ni Iris bago dinugtungan ang sinabi. "Kailangan mo ng pamilya, Karl... ng anak... tulad ng mga pinsan mo."

Inubos ni Karl ang laman ng kopita at tinanaw ang malawak at madilim na karagatan. Sa dako roon ay tila alitaptap ang mga ilaw. Hindi sila napakalayo mula sa Batangas shore. Then in a soft and bitter voice, "I had enough betrayals to last me a lifetime."

"Dalawang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari iyon, Karl. Bakit hindi mo ibaon sa limot? Give yourself another chance, puntahan mo si Krista at ianunsiyo ang engagement n'yo. You couldn't have known na pera mo lang ang gusto niya. Galing din siya sa may sinasabing pamilya—"

"Na ang negosyo'y pabagsak at nangangailangan ng aking salapi para maisalba," agap nito sa matabang na tinig.

"So she also wants your money, you have more than enough, Karl! Hindi mababawasan ang pera mo kung saka-sakali. At ang isusukli naman ni Krista sa iyo'y kaligayahan ng isang pamilya."

"Well, I couldn't be so sure about that, too..." Napailing si Iris. "And that is the price you have to pay for having so much... Ang mga Cervantes at Fortalejo ay hindi tulad ng ibang may sinasabing pamilya na kung saan ang pag-aasawahan ay arranged at kung minsan ay isa sa mga distant cousin ang pinipili upang ang kayamanan ay mapanatiling nasa pamilya lamang. You are all allowed to marry the woman and man of your choice..."

"That's a big joke, Iris! I am allowed to marry a woman of my choice..." pag-uulit nito sa nanunuyang tono, dinidistansiya ang bawat salita. "Pero paano ang kabuntot na tradisyon? That a woman must be a virgin! Na dapat kahit mahirap ay galing siya sa mabuti at matinong pamilya?"

"Ganoon ba kasama iyon, Karl?" Iris asked softly. "Hindi ba at hindi nagkamali ang lolo mo sa pagpili kay Ate Jasmine para sa papa mo? I am not saying this because your mother's my sister..."

"At sa kaso ko'y hindi rin nagkamali ang papa na hadlangan ako sa ginusto kong mangyari, which made me look like a complete fool!" he said angrily.

"Hindi ba dapat na pasalamatan mo ang papa mo sa pagtutol niya sa relasyon ninyo ni Millie? Napatunayan mong hindi siya ang tamang babae para sa iyo..." When he didn't answer, pinagmasdan ni Iris ang pamangkin. He was twenty-nine, limang taon ang kabataan sa kanya. So imposing and so handsome. Ang Hawaiian shirt nitong nakabukas lahat ay inililipad ng hangin, showing a muscled chest. Ganoon din ang maitim at alon-alon nitong buhok na ang dulo'y umabot na sa collar ng shirt. And Karl wasn't just a very good-looking man, he was also very rich. And bitter... and lonely, too.

"Hindi ko maintindihan kung sumpa o pagpapala ang kayamanang ito, Iris," wika nito sa ironic tone makalipas ang ilang segundo.

"Huwag mong hayaang ang nakaraang masamang karanasan mo sa babae'y maging dahilan upang hindi ka lumigaya, Karl..." wika niya kasabay ng buntong-hininga. Maliban sa kanya'y hindi ipinakikipag-usap ni Karl ang ganoong topic kahit na kanino.

Akma siyang tatayo na upang magbalik sa party nang matuunan ng pansin ang bote ng Chardonnay sa ibabaw ng mesa. Muling tiningala ang pamangkin na inubos ang laman ng kopitang hawak. Then her eyes went back to the wine bottle.

Kung saan man nanggaling ang biglang pumasok sa isip niya'y walang nakakaalam. It just popped up her mind. Siguro'y mula sa pelikulang napanood niya na hindi na niya maalala ang pamagat.

She smiled. Inabot ang botelya at maingat na inalisan ng label. Pagkatapos ay tumayo at itinapon sa dagat ang alak na gasino nang nabawasan.

"What the hell! Iris that wine was worth—"

"Thousands of pesos," maagap na sagot ni Iris na nginitian ang binata. "Sampung doble ang kamahalan ng mga brilyanteng ibinibigay mo sa mga girlfriend mo, Karl."

Pagkuwa'y muli siyang naupo at binuksan ang silver purse niya. Mula roon ay kinuha ang pencil lipstick. Patihayang inilatag niya sa mesa ang label. She started to write on the label using her pencil lipstick.

"Ano'ng isinusulat mo riyan?" Tinunghayan ni Karl ang tiyahin. Nag-eskrima ang mga kilay.

He knew Iris to be so tightfisted kaya hindi ito makapaniwalang tinapon lang niya ang mamahaling alak dahil lang gustong magsulat. Maaari naman sanang kumuha ng papel si Iris sa cabin.

Hindi itinago ni Iris ang isinulat dito.

"At kanino mo naman ibibigay iyan?" si Karl, naiiling at natatawa. "Sino sa mga babaeng bisita ko? Surely, ang alam ng mga iyon ay mag-on pa rin kami ni Krista, malibang sinabi na niya sa ibaba na nagkagalit kami. Na natitiyak kong hindi niya gagawin..."

"Do you, by chance, have a calling card in your wallet?" ani Iris, tiningala ito.

"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" Nagpoprotesta ang tinig nito subalit dinukot ang portamoneda sa likod ng puting maong. Kumuha roon ng isa sa mga calling card at ibinigay sa kanya.

Hindi sumagot si Iris, sa halip ay napangiti nang makita ang calling card. Hindi iyon ang uri na basta na lang ipinamimigay ni Karl. He probably didn't notice it. Muli niyang itinaob ang bote ng alak. Halos itagtag. Tiniyak na kahit bahagyang tulo ay walang laman ang bote.

"Uh... uh..." si Karl, itinaas ang dalawang kamay sa ere nang makitang inikit ni Iris ang label na sinulatan at ang calling card nito at ipinasok sa botelya. Iris winked at him.

"You're crazy! Itinapon mo ang mamahaling alak nang dahil lang sa kalokohang iyan!" He laughed. "You've been watching a lot of nonsense movies, Iris..."

"Life in this planet is so strange, my handsome nephew. Ano ang malay natin kung ang makakita at makabasa ng mensahe sa botelyang iyan ay isang babaeng magpapabago sa mga pananaw mo sa buhay?"

She didn't really believe that. And Karl was right when he said she was crazy. Itinapon lang niya sa dagat ang mamahaling Chardonnay.

Pero naitapon na niya ang alak bago siya nakapag-isip. Tinakpan niya ang botelya. Tumayo at tinungo ang barandilya. Madramang tinitigan muna ang karagatan bago kumuha ng buwelo at malakas na inihagis sa tubig ang bote.

"That's against the law," ani Karl. "You're polluting the waters!"

Karl was still laughing when she turned to look at him. Mula sa pagiging kalog at masayahin, Karl seldom laughed, magmula nang ihantad dito ni Nathaniel ang tunay na pagkatao ng babaeng ipinakipaglaban nito sa ama at sa buong pamilya.

Or maybe that was an overstatement. He didn't laugh at all. But he was now.

It was a good omen.




*******************Gusto ko sana ibang stories naman kaya lang wala pa pala sa akin yung ibang files :( How sad. Pero ayos lang din naman atleast si Karl na. Malapit na tayo kay bebe Renz ko char hahahaha. Wala kaming masyadong nakaraan ni Karl kasi nabuhos ko kay Renz ang attention ko nuon hahahahaha. Basta enjoyin natin ang pagbabasa neto mga beshie sana magustuhan n'yo. :) Maulan na hapon sa inyo. Sarap uminom ng mainit na salabat at magbasa char hahahaha. - Admin A **************************

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

235K 8.8K 55
Can you love the person that everyone hated the most? This a Lesbian Love Story. (Cyrll and Roian story)
1.5M 45.8K 51
A traumatic event in his younger years changes how he see women's health. And because of that, he advocates himself to help any woman not to suffer a...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.2M 25.6K 20
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay n...