one great love

Oleh MaceciliaVCruz

41.9K 574 154

Kilig Kimxi Lebih Banyak

one great love
Chapter 2 Reunion
Chapter 3 My Drunken Ex- Girlfriend
Chapter 5 Chance
Chapter 6 One Night With Him
Chapter 7 Sebastian Emmanuel
Chapter 8 Surprise Destiny
Chapter 9 My Better half
Chapter 10 Honeymooners
Chapter 11 Christmas Gift
Chapter 12 Happy Ending

Chapter 4 One Rainy Night

2.9K 48 12
Oleh MaceciliaVCruz


**Kim's Pov**

"Pabalik ka na nang Maynila, pero hindi na bumalik si Xian ah"

"Umaasa ka pa ba Ma"? "Si Xian ay bahagi na lang nang kahapon"

"He's a good man, ever sinced alam mo na boto kami sa kanya"

"Kaya lang Ma tapos na yung kwento namin. 10 years na ang nagdaan"

"May kanya kanya na kaming buhay". Dagdag ko pang sabi

Ewan ko kung naramdaman ni Mama na Ayaw kong pag-usapan namin dahil gusto kong maramdaman niya na hindi ako affected. Gusto ko siyang papaniwalain na nakamoved-on na ako.

Mama saw me at my worst nung mag-break kami ni Xian dumating pa ako sa point na halos araw-araw akong umiiyak nung magbreak kami.

Mama was always there for me nung mga panahon na down na down ako but I never tell her the real reason about the break-up.

"Sayang!! Akala ko pa man din noon na kayo na ang magkakatuluyan"sa wakas nagsalita na si Papa.

"Ano bang nakita nyo sa kanya at gustong gusto nyo sya"? Nakuha kong itanong

"He's a good man", seryosong sagot naman ni Papa.

"Ganun kayo katiwala sa kanya "?

"He's a nice guy" sabi ni Papa.

"Papayag  ba kayong mapangasawa ko siya"?ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para itanong yun pero I really want to hear their answer.

"If meant to be, Yes"!walang gatol na sabi ni Papa.

"Kahit niloko niya ako noon"?

" It doesn't mean na sasaktan ka nya ulit ngayon"

"I've been into worse nung magbreak kami so I don't think kaya ko pang magtiwala ulit sa kanya or kahit ang makipagkaibigan sa kanya"

"Nung magbreak kayo hindi ka namin tinanong kung bakit kasi iginalang namin yung feelings mo"

"Ipinagpalit nya ako sa iba" finally na-reveal ko din why we broke up.

"Kaya ba till now galit ka pa din sa kanya"?

"Akala ko after 10 years okey na ako, hindi pa pala" sabi ko.

Only child ako so basically lumaki akong open kay  Mama at Papa. Kung may itinago man ako sa kanila yun eh yung panloloko sa akin ni Xian 10 years ago.

"Walang perfect na relationship, walang perfect na tao. Maaring nagkamali siya noon pero hindi ibig sabihin na sasaktan ka niya ngayon"sabi ni Mama

"Maaring makakilala ka na nang ibang mamahalin, pero pwede ding sa puso mo siya pa rin" makahulugang sabi naman ni Papa.

Hindi na ako sumagot dahil alam ko na kahit hindi ako magsalita nararamdaman nila ang laman nang puso ko.

"Huwag mong hayaang sirain ka nang galit jan sa dibdib mo" ikaw na ang nagsabi 10 years na ang nagdaan. Let go of hatred iha and you'll be happy"

May katwiran si Papa dapat ko ng pakawalan ang lahat ng galing dito sa puso ko.

Granted na mahal ko pa din sya, pero hindi na mababago nun ang katotohanang matagal na kaming natapos.

Kahit pa siguro aminin ko kay Xian na mahal ko pa rin siya wala pa ring magbabago

Ikakasal na siya.

And he's not interested to me either

Heto nga at hindi na siya bumalik after naming last na nagkita.

It only shows that he just don't love me no more

Kaya hindi na ako aasa.

Hindi  maalis sa Xian sa isip ko?

All I think is him


**Xian's Pov**

Why Am I doing this? Para akong tangang sumusunod sa kanya.

After a few days na tinikis kong hindi siya makita, hindi ko din naman natagalan. 

Each day, wala akong ibang iniisip kundi siya.

I have her number pero pinigilan ko ang sarili kong itxt sya.

But when Maja said that she's going back to Manila, nagkukumahog akong pumunta sa bahay nila

Only to found out na naka-alis na siya.

"Kung gusto mo siyang sundan, aabutan mo pa siya" pagtataboy pang sabi ni Mama Zeny kanina.

"I'll go ahead po"sabi ko pa tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

Wala akong sinayang na minuto, agad akong sumakay nang kotse para masundan ko siya.

Hindi ko pwedeng hayaan na magbyahe siya sa ganitong panahon. Tila nagbabadya ang malakas na pag-ulan.

Hindi man kami magkasama sa isang kotse, atleast andito ako para i-monitor siya.

And I find it weird. Si Kim lang ang babaeng nagpapatuliro sa akin, siya lang din ang nagpaparamdam sa akin nang pag-aalalang tulad ngayon.

Sa nagdaan na mga taon, wala akong ibang hangad kundi ang maging okey siya.

Yung maging masaya sya.

Nung kumulog biglang kumulog at kumidlat bigla akong naalarma. 

Takot siya sa kulog at kidlat kaya siguro bahagyang bumagal ang andar ng kotse niya.

Kung pwede ko lang ipaalam sa kanya na nakasunod ako.

I want to make an effort para maramdaman niyang andito ako.

Yung safe ko lang na maihatid siya sa Maynila even without her knowing okey na sa akin yun.

"Oppss" bigla akong napa-preno nang makakita nang patawid na kalabaw sa kalsada. Masyado na kasing occupied ni Kim ang utak ko kaya hindi ko napansin ang pagtawid nang kalabaw at nang isang matandang lalaki.

"Naku Tay, pasensya na po" hinging paumanhin ko nang makababa ako nang kotse.

" Sa susunod mag-iingat ka" mabait naman ang matanda para maintindihan na hindi ko din sinasadya.

Nang makabalik sa kotse, agad kong pinaharurot ang kotse para maabutan ang malayo nang si Kim. 

Madalim na and I'm afraid na may mangyari sa kanya habang nagmamaneho. Zigsag pa man din ang daan.

**Kim's Pov**

Iniisip ko yung sinabi ni Papa habang nagda-drive. Tumatatak sa akin yung sinabi niya na ang pag-ibig daw, minsan lang dumarating sa buhay nang isang tao. Merong may panandalian lang, at meron din namang nagtatagal na kahit pa lumipas ang panahon, andun pa din yung feelings. 

At iyong ganung klaseng pag-ibig daw ang dapat inilalaban, dahil great love deserves a happy ending.

"Ano ka ba Kim"! Paano mo pa siya ilalaban kung malapit na siyang ikasal", sita ko pa sa sarili ko. 

Bahagya pa akong nagulat nang may biglang nag-overtake na kotse sa akin. Buti na lang at mabagal ang patakbo ko.

Nang biglang nagtext si Mama.

Dumating daw si Xian sa bahay.

Bakit kaya? naisip ko na lang. Gusto ko sanang replyan si Mama pero nagmamaneho naman ako

Kung anuman ang rason ni Xian ayaw ko nang bigyan nang kahulugan

Baka umasa lang ako.

Nakakapang hinayang lang na hindi kami nagkita.

Ilang araw ko ding hinintay na bumalik siya sa bahay, tulad nang pangako niya kay Mama. Pero walang Xian na sumulpot sa bahay.

Ayaw ko namang magtanong kay Maja, ayaw kong may mahalata siya sa feelings ko para kay Xian

"Well I guess it's really not meant to be" if god's will na magkita pa kami, eh di sana nag-abot kami sa bahay" naibulong ko na lang sa sarili ko

Nakapagtatakang wala na kahit anumang galit sa dibdib ko. Agad-agad ding nawala lahat nang galit na kinimkim nang sampung taon after ko siyang masumbatan.

Somehow naisip kong baka hindi naman talaga ako galit sa kanya.

Akala ko lang kasi nasaktan ako noon

Pero ang totoo, mas lamang pa din ang pagmamahal ko sa kanya. At ngayong nagkita na kami, nagsisimula na namang ma-invade ni Xian ang tahimik kong mundo.

It's just so sad na we can never be together

So It's time for me to move on

Hindi magiging madali pero dapat kayanin ko.

"Aja Kimberly, dapat mong kayanin ang kalimutan na siya" pangpalakas loob kong sabi sa sarili.

Papadilim na ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ako nagpapigil kila Mama na huwag muna akong lumuwas.

Kung nakinig ako, eh di sana nakita ko pa siya

Madilim na din ang paligid at tila nagbabadya nang pag-ulan.

And it scares me,

Paano kung biglang kumulog at kumidlat ulit.

Anong gagawin ko?

I wanted to go back,  pero siyempre kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko.

Sa kalsada mangilan ngilang kotse lang ang kasunod ko.

Abala ako sa pagmamaneho nang biglang kumulog!! Bigla hindi ko alam ang gagawin. Naramdaman ko na lang na kinakabahan ako.

I stopped the car, kailangan munang maibsan ang kaba nang dibdib ko.

I close my eyes in a while para kahit paano mawala yung takot ko. Nagulat pa ako nang makita ko ang nakahinto ding kotse sa may hindi kalayuan .

Tila pamilyar sa akin ang kotseng iyon, hindi ko lang alam kung kanino at saan ko nakita.

Nang maramdaman kong okey na ako, nagpatuloy ako sa pagmamaneho. And after a few minutes naramdaman kong kasunod ko na uli ang itim na kotse.

"Hindi si Xian yun"Sita ko sa sarili ayaw kong I-entertain sa Utak ko yung thought na baka nga si Xian yun.

Nagpatuloy ako sa pag drive at nakita kong nakasunod pa din ang itim na kotse.

Nang biglang makarinig ako ng pagsabog ng gulong. Na-platan ako in the middle of the street. At hindi ko na alam ang gagawin. I'm in the middle of nowhere.

"Damn!! "Inis na nasipa ko tuloy ang gulong nang kotse.

Kung kailan wala akong dalang reserba, tsaka pa ako na-flat tire.

Paano na ako ngayon? Dead spot pa man din ang signal sa cellphone ko

I Wanted to cry, pero naisip kong wala namang maitutulong iyon.

Nang bigla ko na namang naisip si Xian.

Aside sa parents ko at kay Maja, si Xian lang ang kakampi  ko sa tuwing nakakaramdam ako nang takot.

He will pacify and cheer me up sa tuwing nakakaramdam ako nang takot noon.

For the past years, pinilit kong maging matapang sa lahat nang bagay, but now is a different case..

Kung bakit kasi biglang nawala yung kotseng kasunod ko lang kanina.

Nagsisimula nang dumilim at natatakot na ako. Sa palibot nang lugar na ito ay ang naglalakihang puno.

Sinubukan kong pumara nang ilang sasakyan pero hindi nila ako pinapansin. At hindi ko din naman sila masisi. Sa panahon ngayon, wala nang basta magtitiwala. 

It's either ako yung mabiktima or iniisip nilang ako yung mangbibiktima.

Sa dami nang krimen ngayon, mahirap ang basta magtiwala

"Oh help me lord sana po may mabait na tumulong sa akin" piping dasal nang puso ko.

I'm hopeless bigla parang gusto ko nang umiyak.

Lalo na't nagsisimula nang pumatak ang ulan.

Nararamdaman ko na ang malalakas na patak nito.

Nang matanaw ko ang itim na kotse na kanina ko pa kasunod.


**Xian's Pov**

Nakita ko naman agad ang kotse niya pero nakatigil sa tabi.

And The way I see her, mukhang na-flat ang gulong nang kotse niya.

At sa tingin ko sa kanya parang gusto na niyang umiyak.

Astigin siya pero she's so fragile kapag nakaramdam na nang takot.

Wala pa man ding masyadong nagdadaan na sasakyan nang mga oras na iyon. Wala ding masyadong kabahayan.

Nakita ko din kung ilang beses beses siyang pumara, pero walang huminto para tulungan siya.

"Kapag sinuswerte ka nga naman" Nabigo akong makita siya kanina pero binigyan naman ako nang chance na maka-usap siya

  And this time alam kong hindi niya ako maitataboy palayo.

Hindi ko agad siya tinigilan instead nilampasan ang kotse nya.

**Kim's Pov**

"Oh God sana po balikan ako nang kung sino mang driver nang kotseng iyon," piping dalangin ko.

Crossed fingers pa ako, wishing na sana bumalik sya

Nakahinga lang ako nang maluwag nang makitang the car stopped on the other side of the road.

"Thank you lord for the answered prayer" nabigkas ko pa atleast may possible help na akong makukuha kung sinuman ang sakay ng kotseng itim.

I waited for the driver to come out. And after 5 mins lumabas na siya.

Mula sa malayo tanaw ko ang papalapit na lalaki. Mataas siya, medyo may kalakihan ang katawan. May suot siyang jacket and wearing a hood on his head kaya hindi mo makikita ang mukha niya sa malayo.

As I looked at him, parang si Xian ang nakikita ko. The built of his body, the way he walks, pero ako na din ang sumaway sa sarili ko.

"Ano ka ba Kim"! Lagi na lang bang si Xian?

"Heto ka, sa gitna nang panganib and yet si Xian pa rin ang nasa isip mo!! Sita ko sa sarili. 

Habang papalapit ang lalaki unti-unting kinakabahan ako.

Paano kung masamang tao pala siya?

Paano kung maging biktima ako? No one can witness kung may mangyaring masama sa akin.

Nang maalala ko ang tear gas sa bag ko, for self defense kung sakali.

I'm getting the tear gas inside the car, nang may biglang magsalita.

"Umuulan ah! narinig kong sabi nang nakalapit nang lalaki.

Pero bakit pagalit ang tono niya?

Mas pinili kong huwag sagutin ang lalaki mas importanteng makuha ko ang tear gas.

"Manhid ka ba"? I said umuulan"

"Hoy Mister! Eh ano naman sayo kung umuulan" finally hinarap ko na siya. Hawak ko na sa kamay ang kanina ko pa hinahanap.

"Pinoy nga naman after kitang balikan ikaw pa ang may ganang manupla " sabi uli nang lalaki.

" Malay ko ba kung masamang tao ka pala" naninigurado lang" depensa ko naman. Pilit kong kinikilala ang mukha niya.

Para kasing pamilyar din ang boses nya.

"I'm not a rapist"!

"Tutulungan mo ba ako"?tanong ko na lang.

"Pwede bang huwag kang magpa-ulan, baka magkasakit ka pa"

"Bakit ba nagagalit ka"? Kung magkasakit man ako, wala ka nang pakialam. I just need your help now"

"Teka Ms. Bakit ikaw pa itong mataray? Paano ka kung hindi kita tulungan"?

Bigla akong naalarma, hindi nga uubra ang kasungitan ko ngayong oras na ito.

"Okey fine! I'm sorry for being rude" Sabi ko nang hindi ako sa kanya nakatingin. Parang bigla akong nahiya.

"That's better" Now, wear this" tila nag-uutos niyang  sabi habang inaabot ang isang jacket.

"No thank you, I'm fine" tanggi ko naman, pero hindi ko pa din siya tinitingnan. Abala kasi ako kung paano ko pipindutin ang tear gas kung sakali.

"Matigas pa rin talaga ang ulo mo Kimberly Yap Chiu", sabi pa rin niya and still nakalahad pa din sa harap ko ang jacket.

Iisang tao lang ang tumatawag sa akin nang buong pangalan ko lalo na't naiinis na siya.

Si Xian!

Bigla ang sikdo nang dibdib ko. Pakiramdam ko pa nga tinatambol ito dahil sa sobrang kaba.

As I looked the man closely, noon ko lang narealized the reason why the familiar voice.

Xian is actually standing in front of me..

"Sinusundan mo ba ako? nakuha ko pa rin namang itanong.

"At bakit ko naman gagawin yun? I don't even know na ikaw pala yan. I'm just being a good samaritan here"

Para tuloy akong napahiya, 

"Sorry" nasabi ko na lang

"Pwede bang pumasok muna tayo nang kotse mo"?kunot ang noong sabi ni Xian. 

Noon ko lang uli narealized na malakas nga pala ang ulan. Umuna na ako sa pagbalik nang kotse. Samantalang umupo naman siya sa unahan na upuan kalapit ko.

"Buti na lang pala at natiyempuhan mo ako"narinig kong sabi ni Xian

"Saan ka ba pupunta? 

"Sa Maynila, coincidence sigurong ikaw ang may-ari nang kotseng sinusundan ko"

"Eh bakit mo ako tinigilan?

"Kahit siguro sino ang mapunta sa position mo ngayon, tutulong pa din ako, Nagulat lang ako na ikaw pala iyan"

Gusto ko pa sanang sumagot pero naisip kong baka mag-walk out siya. Natatakot akong mag-isa sa gitna nang kalsada.

Knowing him! He's capable of leaving me alone!! Ginagawa nya lahat nang sinasabi niya,

"May spare tire ka ba? Para mapalitan ko na yung gulong mo"tanong pa niya sa tila badtrip na mood.

"Wala"casual ko lang nasabi.

"Next time, make sure na may spare tire ka, buti kung laging may tutulong sa'yo" tila sermon pa nitong sabi

"Eh bakit ka ba nagagalit"?

'Dahil para ka pa ding bata, paano kung hindi kita nadaanan dito, paano ka"?

Mas pinili kong huwag na lang sumagot.

Alam kong mali ako, iyon din ang madalas ibilin ni Papa, and magdala nang spare tire kapag magbi-byahe.

"Paano yan malayo na tayo sa kabahayan, Hindi naman pwedeng iwan kitang mag-isa dito" 

"Oh no! Pls huwag mo akong iwan dito" Bigla para akong maamong tupa.

" Kaya lang kasi may appointment ako sa Maynila eh" pormal namang sabi ni Xian. 

"Tawagan mo na yung date mo, tell her na hindi ka makakarating" I can't believe na ako na yung gumagawa nang paraan para hindi niya ako iwan.

'Importante yung meeting ko"

"Isipin mo na lang na importante pa din ako sa buhay mo"

"Haaays, Ang labo mo rin tlagang kausap noh! Sabi mo nung last time na kina- kausap kita sabi mo ayaw mo akong kausap pero ngayong kailangan mo ako, ayaw mo namang iwan kita" 

Bigla para akong napahiya, tama nga naman yung sinabi niya. Pero this time, the least thing na pwede kong gawin is to say sorry.

"Sorry, nagawa ko lang yun kasi galit ako sa'yo, 

"Ngayon ba, hindi ka na galit kaya nagso-sorry ka na sa mga pambabara mo at pagsusungit mo sa akin?"tanong niya habang titig na titig sa akin.

" Hindi madaling patawarin ka sa naging kasalanan mo sa akin, pero tama si Papa, walang perpektong tao, ayaw ko namang habang buhay akong magalit sa'yo" 

" Sorry kung nasaktan kita noon, hindi ko yun sinadya"

" Tapos na yun, wala na sigurong dapat gawin kundi tanggapin yung mga bagay na nangyari na" seryosong sabi ko uli kay Xian, masarap nga pala sa pakiramdam na pinapaalpas yung galit sa dibdib mo. 

Kahit habang buhay man akong magalit sa kanya, wala na ding mangyayari. Hindi na maibabalik ang mga nangyari na.

" So let's make a new start, isipin natin na bago lang uli tayo nagkakilala"

"Para saan"?

"A fresh start, a new beginning"

"Kailangan pa ba yun? naitanong ko naman.

"We had a not so good past kaya mas maigi na yung magsimula tayo sa ganito"

"Alexander Xian Lim" sabay lahad niya nang kamay sa harap ko.

"Kimberly Yap Chiu, at maluwag sa dibdib kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay. 

Siguro nga ito ang kailangan namin, ang isiping bago lang kami nagkakilala para maging magkaibigan kami ulit. 

Hindi na maaalis ang mga bagay na nangyari na, pero siguro naman pwede namang duksungan nang magandang friendship ang lahat.

Hindi man magiging madali, pero atleast we're trying to make a difference.

Ilang saglit na katahimikan, bago ko narinig na may kausap siya sa cellphone. Sa pagkarinig ko, towing service ang kausap niya.

"Okey na yung problema sa kotse mo, someone from towing service will fix it. Baling niyang sabi sa akin.

"Thank you, maikli ko na lang sabi.

"Pwede na tayong magbyahe pa Manila, kung papayag kang sumabay sa akin" 

"Hindi ba magiging hassle sa'yo?

"Kailan ka naman naging hassle sa akin?"Iyon lang at bumaba na siya nang kotse. Bantulot na bumaba ako nang kotse kundi pa siguro tumigil ang kotse niya sa gilid nang kotse ko, hindi pa din ako bababa.

"Hop in!"aya na niya sa akin. After masiguradong nakasarado na ang kotse ko, agad naman akong bumaba. Hindi enough ang jacket na ipinahiram niya para hindi ako mabasa nang ulan.

"Sobrang basa ka na, teka at may spare akong t-shirt dito" pagmamagandang loob naman nito.

"No I'm okey, pagtanggi ko naman, kahit na ang totoo nilalamig na ako.

"Kuhitin mo na lang ako kapag need mo nang magpalit nang shirt" nakangiti pa niyang sabi.

Tango na lang ang isinagot ko sa gilid nang mata ko, palihim ko siyang tinitingnan

Damn this man for making me feel this way.

Lihim kasing kinikilig ang puso ko.

**Xian's Pov**

Knowing Kim  sigurado akong hindi niya ako kukuhitin kahit pa lamig na lamig na siya. Hininaan ko na nga yung aircon para kahit paano maibsan ang ginaw pero napapansin kong giniginaw pa din siya. 

Malayo pa ang Maynila and worst mas lalong lumalakas ang ulan. 

Mas lalo pang lumakas ang hanging dala nang bagyong si Pablo, 

Ilang puno na rin ang nakita naming nakatumba sa gilid nang kalsada. At kung magpapatuloy ang ganitong panahon, hindi ko iri-risk ang buhay naming dalawa.

"Bakit ka tumigil? baling na tanong ni Kim sa akin nang itigil ko ang sasakyan. Pero imbes na sumagot, inabot ko ang naka- hanger kong t-shirt sa likod atsaka ko inaabot sa kanya.

"You're shivering at sigurado akong hindi mo ako kukuhutin para sa t- shirt ko" 

"I'm okey, sa nanginginig na boses ay sabi ni Kim

"See, nanginginig na yang boses mo" at sinundan ko pa nang pagtawa.

"Bakit ba ang kulit mo"?

"Hindi tayo aalis dito until you change your clothes" Kung hindi ko pa siya iba-blackmail sigurado akong hindi siya susunod.

"Magbibihis ako sa harap mo"? 

"Baba ako, magpalit ka lang nang damit" hindi ko na hinintay na sumagot siya. Agad akong bumaba nang kotse.

Knowing her sigurado akong magkakasakit siya kapag hindi pa makakapagpalit nang damit.

Malakas ang ulan pero mas importante sa akin ang makapagpalit nang damit si Kim

"Okey na, pwede ka nang pumasok uli" narinig kong sigaw niya.

"Yan tuloy ikaw naman ang nabasa" sabi pa niya habang ipinupunas sa akin ang hinubad niyang damit.

Samyo ko pa ang pabangong ginamit niya sa damit na ipinupunas naman niya sa akin.

Bigla parang bumalik kami sa dati.

Yung walang inhibitions.

Walang ilangan.

In just a minute naramdaman ko na bumalik kami dun sa panahon na girlfriend ko pa siya.

"Namissed ko ang pag-aalaga mo" wala sa loob kong sabi. Dahilan para itigil nya yung ginagawa niya.

"Punasan mo yang ulo mo at baka magkasakit ka pa"at paitsa pang ibinigay sa akin ang damit.

Nangingiti namang sumunod ako palihim na inaamoy ang damit niyang hinubad.

I can't believe na para akong stalker sa ikinikilos ko

Samantalang walang kibo si Xian.

Nang biglang kumulog!! 

"Ahhhh!! Malakas niyang sigaw habang nakayakap sa braso ko. 

Kahit noon naman, ganun siya kapag nagugulat at magkasama kami. Palagi siyang yumayapos sa braso ko. 

The familiar warm of her touch is still there, May ilang segundo siguro kami sa ganoong posisyon nang bigla namang kumidlat. Naramdaman ko pa nang humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Natatakot ako, pag-amin na niya.

"Andito ako, bigay assurance ko naman sa kanya and I held her hand. Sinubukan niyang alisin ang kamay ko pero hindi ako pumayag. Naramdaman ko kasing she's shaking.

"Just hold my hand, andito lang ako.

And I feel relieve na hindi siya bumitaw. Okey na sa akin yung feeling na nagtitiwala siyang hindi ko siya pababayaan.

"I' m afraid na kailangan nating magpalipas nang gabi sa isang lugar na safe tayo" mungkahi ko kay Kim.

Makahulugang napatingin lang siya sa akin.

Halos magkakasunod na kulog at kidlat pa ang maririnig sa tahimik na lugar na iyon nang Rizal. Kaya siguro hindi na din nya mabitawan ang kamay ko. Ramdam ko pa na umiigkas ang magkahawak naming kamay sa tuwing magugulat siya.

"We need to find a place na pwede tayong matulog"

Nakita ko ang paga-alinlangan sa mukha niya pero sa huli wala siyang choice kundi ang pumayag.

Pina-start ko ang ignition nang kotse, Ayaw ko sanang bitawan ang kamay niya, Gusto kong iparamdam sa kanya ang feeling of security pero hindi kami makaka-alis sa madilim na lugar na ito kung hindi ako magmamaneho.

After few kms. nakakita kami nang isang apartelle. 

LIGAYA APARTELLE, ang nakalagay na karatula sa labas

"Are you sure gusto mo dito"? alanganing tanong ni Kim.

"Ano ka ba! It's just a name" natatawa kong sabi, sigurado akong isang factor ang pangalan nang apartelle sa pag-aatubili niya.

"We don't have a choice kundi ito" humihingi nang pang-unawang sabi ko pa sa kanya.

"Okey" maikli lang niyang sagot. Kita sa mukha nito ang pangamba.

Ilang sandali pa, nasa reception desk na kami nang apartelle.

"Naku sir, isang room na lang po ang bakante namin" ani pa nang magandang receptionist. 

"Miss baka naman meron pa, kahit na maliit okey na sa akin" narinig kong sabi ni Kim. 

"Wala na po Ma'am eh, katulad nyo pong na-stranded ang mga naka-check in"

"Paano yan"? baling na tanong uli ni Kim sa akin.

"Kung ayaw mo, pwede naman tayong humanap na lang nang iba" nasabi ko pa, bago ko binalingan ang receptionist.

"Thank you na lang Miss, ayaw kasi niya eh" 

"Ay naku naman si Ma'am, ang conservative nyong girlfriend" side comment pa nang receptionist

"Sabi ko sa'yo eh, akala tuloy nang mga tao dito naghahanap tayo nang ligaya, as their signage implies"bulong pa niya sa dulo nang tenga ko,

"Hindi naman siguro ganun, nasabi ko na lang.

Magsasalita pa sana si Kim pero pinangunahan ko na.

"Dalagang Pilipina kasi talaga itong hon ko" sinakyan ko na ang akala nang receptionist na magkasintahan nga kami.

Inakbayan ko pa nga ang nagulat na si Kim, para maging kapani-paniwala na may relasyon kami. At least may dahilan kung magsama man kami sa isang kuwarto.

"Tara na nga hon" at iginiya ko siya sa paglakad palabas nang apartelle. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang kami nang biglang mag-brown out. Narinig ko pa ang malakas niyang sigaw. Bago ko naramdaman na nakayapos na siya sa akin.

"Payag na akong mag-share tayo nang room" biglang sabi pa niya

Lihim na lang akong napangiti. Pinagbibigyan nga yata ako nang tadhana.

'Sigurado ka ba sa desisyon mo"?

Tango lang ulit ang kanyang sagot.

"Okey Miss', kunin na namin yung room"

'Okey po Sir, heto po yung susi nang room no.15,"

Si Kim, nakayakap pa rin sa bewang ko. Sa isip ko, nananalangin na sana hindi muna magka-kuryente, para andito lang siya sa kalapit ko.

"Wala ba silang generator dito"? tanong niya habang binabagtas namin ang room no.15, gamit ang flashlight na pagamit nang apartelle.

"Narinig mo naman di ba, it will take hours bago magka-kuryente, kung hindi man matatagalan pa din ang generator dahil naubusan na sila nang gasolina para sa generator, wala naman tayong choice kundi ang magtiis"

"Andito na tayo" nakapagtataka kasing tahimik si Kim,

"Relax! I won't do anything" bigay assurance ko namang sabi.

"Hindi sa ganun, iniisip ko lang sila Mama. I'm sure tumawag na sila sa land lady ko to checked on me."

"Gusto mo silang tawagan"?

"Kahit naman gusto ko, lowbat na yung cellphone ko"

"Here, use mine" alok ko sa cellphone ko.

"Later na lang siguro" 

Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot. I have this feeling na hindi siya kumportable na kasama ako. Kahit pa sabihing nakahawak pa rin siya sa bewang ko.

**Kim's Pov**

Isang simpleng kuwarto lang naman ang room no. 15, hindi naman kalakihan. May double sized na bed.

Normal sa pandalawang tao.

May TV

May maliit na banyo

Complete with, towels, shampoo, and toothpaste.

Para din palang nasa isang five star hotel ang maliit na apartelle nang tulad nang kuwarto namin

Never pa kasi akong nakapasok sa ganito.

At kung hindi pa kailangan, hindi ako makakapasok dito

And worst, hindi ko naman boyfriend ang kasama ko

Pero may maniniwala nga kayang wala kaming relasyon eh kung makadikit ako sa kanya kanina, WAGAS.

Pero thankful ako that he never took advantage of me.

Kahit naiilang ako, mas gusto kong nararamdaman ang presence nya

Kapag malapit kasi  ako sa kanya, secured ako.

Pakiramdam ko safe ako.

Wala pa ring kuryente, at hindi alam kung magkakaroon pa.

Ang dalangin ko lang, sana may mabili pang gasolina para sa generator.

Or else, matutulog kami sa madilim na kuwartong ito.

"Tawagan mo na sila Mama para hindi na sila mag-alala", ani pa ni Xian habang inaabot ang mamahalin niyang cellphone.

"Are you sure okey lang sayo"? napapahiyang tinanggap ko ang cellphone.

" Oo naman, hindi ka naman kasi others" bahagya pa itong lumayo para mabigyan ako nang privacy sa pakikipag-usap kay Mama.

After nang ilang rings, sa wakas may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello Xian, naabutan mo ba si Kim? Hindi pa man ako nakakapagsalita eh nagtanong na si Mama.

Ang ibig sabihin sinundan niya talaga ako? May hatid na tuwa sa puso ko ang ginawa nya, kahit pa nga walang conformation na sinundan niya nga ako.

"Ma, ako ito si Kim" nasabi ko na lang.

"Ay sus kang bata ka, kanina pa ko nag-aalala sayo ah!! Sabi nang landlady mo wala ka pa daw !! Akala ko kung napaano ka na"

"I'm okey Ma, kasama ko naman si Xian"casual ko lang sabi

"Asan ka"? nakapagtatakang kalmado lang sya sa kabilang linya

"Andito kami sa Ligaya Apartelle  Ma",wala sa loob kong sabi, pero sa gulat ko nagtawa lang siya.

Sigurado ako, dahil sa pangalan nang Apartelle yun.

"Buti na lang pala at sinundan ka ni Xian, mapapanatag na ako na safe ka"sabi ni Mama nang mahimasmasan sa pagtawa

"Paluwas daw po siya nang Maynila kaya halos magkasunod yung kotse namin" nalilitong sabi ko. Hindi ko na alam kung sino sa dalawa ang nagsasabi nang totoo.

Sa huli naisip kong tsaka ko na aalamin, kung may pagkakataon pa.

"Ay siyangapala, kaya nga pala siya dumaan dito kanina, para magpaalam" nauutal pang sabi ni Mama.

" Sige na Ma, nakitawag lang ako kay Xian, para sabihin na safe ako."

"Pikutin mo na"! Narining kong sabi ni Mama

"Pikutin? Napalakas ko pang sabi, dahilan para lumingon si Xian. Sana lang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Oo, para hindi na mapunta sa iba" sagot pa rin ni Mama sa kabilang linya. Obvious na talaga na si Xian ang gusto nila for me.

Kesohodang pikutin ko pa si Xian, kami lang ang magkatuluyan.

"Ikaw talaga Ma kung ano anong pumapasok sa isip mo" iyon lang at pinindot ko na ang end botton nang cellphone.

Sa isip ko, napipicture ko na ang kinikilig na hitsura ni Mama, Siya na yata ang Number 1 fan nang loveteam namin.

Wala siyang bukang bibig kundi ang sana daw kami pa rin ni Xian ang magkatuluyan sa bandang huli.

At nakakalokang isipin na ang sarili kong ina ang nagpapayong pikutin ko na ang lalaking kasama ko ngayon.

Kung sana nga ganun kadaling gawin ang pikutin si Xian, siguro ginawa ko na. Pero hindi ko naman pwedeng gawin iyon.

Baka mapunta nga siya sa akin, ako naman ang magsa-suffer sa huli.

"Tama ba ako nang dinig? You said the term 'pikot'? Sabi ba ni Mama na pikutin mo na ako"?

Nakangisi pa niyang tanong. Napalakas nga yata,ang sabi ko kanina.

"Gutom lang yan, Bakit naman sasabihin ni Mama na pikutin kita, eh alam naman niyang sinaktan mo na ako noon", ayaw ko sanang sabihin yun, pero iyon lang ang naisip kong paraan para mabago ang usapan.

" Alam pala niya na sinaktan lang kita, sino nga bang magulang ang gugusto sa kagaya ko" 

Gusto kong mag-sorry, bakit kasi kailangang paulit-ulit kong ipamukha sa kanya na niloko niya ako noon

"Order lang ako nang pagkain natin"sabi pa niya, madilim ang kuwarto pero enough ang liwanag nang flashlight para makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Huwag mo akong iwan pls"! Alam na alam mo namang takot ako sa dilim", naiiyak kong sabi. Baka sa sobrang inis niya sa akin, bigla niya akong iwan.

Takot ka sa ipis,

Takot ka sa daga,

Takot ka sa kulog at kidlat

"Lahat nang bagay na tungkol sa'yo, alam ko pa", seryoso naman niyang sagot.

Bigla tuloy kong hindi naka-imik.

"Ano ka ba Kim"! Huwag ka ngang umasa, ikakasal na siya! Saway ko sa sarili ko.

Ayaw kong umasa sa isang bagay na base sa ipinapakita niya sa akin.

Baka ginagawa niya lang ito, for old time sake.

"Come near me", tila nag-uutos na namang sabi pa ni Xian

Dahil sa takot na baka nga iwan niya ako, agad naman akong sumunod.

Nang makalapit na ako sa kanya, he held my hand.

"I'm starving and sigurado akong ikaw din" iyon lang at hinila na niya ako palabas nang kuwarto.

I just love the warm of his hand on me, Wala na akong paki-alam kung ano yung food na inorder nya for us.

"Padeliver na lang sa room no. 15" 

And then we're headed back to our room, and still hindi niya pa din ako binibitawan.

Hindi man kami nag-uusap, enough na sigurong we're together.

"Magpalit ka nang damit na komportable ka, in a while kakain na tayo" sabi pa niya, bago niya binitawan ang kamay ko.

"Wala akong dalang damit dito, lahat nasa kotse"

"Ikaw na ang magsuot" sabi niya sabay abot sa isang t-shirt.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Sa banyo, hindi ko maiwasan ang mapangiti, 

Ilang beses kong plinano sa isip ko ang pag-iwas sa kanya

Pero tila pinaglalaruan kami nang tadhana.

The man I want to avoid is actually here with me, 

And I will accidentally sleep with in one room on one rainy night

Fate nga ba ang nagdadala sa akin pabalik sa kanya?

Pero sa tuwing naiisip kong malapit na siyang ikasal. 

Iniisip ko na lang na coincidence lang ang lahat.

And there's nothing about us.

We're just two individual who shared good memories from the past.

At dapat hanggang doon na lang yun.

Friends, as the usual ex-lovers say

**Xian's Pov**

"Nagpapa- empress ka ba"?Nakalabas na pala si Kim sa banyo nang hindi ko namamalayan.

Masyado akong abala sa pag-aayos nang mesa.

As I see her, bigla akong napalunok.

Damn she's too sexy sa over sized shirt nyang suot.

And she's not aware of that

"Bakit ko naman gagawin yun"?nasabi ko na lang habang pilit na iniiwas ang tingin sa kanya.

"Eh bakit may ganito"? tukoy niya sa table set-up.

"Ah iyan ba"?brown out po, kaya may candle sa gitna" buti na lang may palusot ako. 

Ang totoo kasi, sinadya ko ang table setting na'to, pagkakataon ko nang ma-experience uli ang date nang hindi niya nahahalata.

"Oh brown out nga pla, sorry nakalimutan ko" sabi pa niya na tila napapahiya

Lihim na lang akong napangiti, 

"Tara kain na tayo"at ipinaghila ko pa siya nang bangko.

Nang maka-upo na kami, nakapagtatakang nagtawa siya.

"Why are you laughing"?I asked her, staring straight in her eyes.

"Wala lang, nakakatawa lang na parang we're having a date"

"So let's call this a date, wala naman sigurong masama, let's just enjoy this night", nasabi ko na lang.

"Kunsabagay nga, isipin na lang natin na friendly date ito,  para may maganda namang nangyari ngayong araw na ito" 

And then we start to eat, once in a while nagku-kwentuhan din kami.

"Naka-ilang boyfriend ka na after me"? nakuha kong itanong.

"Ha"! I know nagulat siya sa tanong ko. Saglit siyang hindi nakasagot.

"I had two" sa wakas ay sagot niya.

"Do you have a boyfriend now"? tanong ko uli. I don't care about her past relationships. Mas interesado akong malaman ang status niya ngayon.

"Bakit mo itinatanong"? sabi pa niya, na bahagyang naka-kunot ang noo.

"Masama bang magtanong"?

"Hindi naman, I don't think na kailangan kong sagutin yang tanong mo"

"Sorry, masyado na yatang personal ang mga tanong ko" Noon ako nagpasalamat na hindi niya sinagot ang tanong, hindi pa yata ako ready marinig na may bf siya.

"No, okey lang" I love to answer your question, Yes, I do have a boyfriend and we've been together for a year now", all smile pang sagot ni Kim.

At bigla nakaramdam ako nang kirot sa puso ko. 

"Ikaw"?tanong pa niya

"Anong ako"? Tila nawala na ako sa sarili ko.

"Sabi ni Mama engaged ka na daw sa girlfriend mo"

Ayaw ko sanang magsinungaling pero iyon ang hinihingi nang pagkakataon.

"Ah oo, nasa States siya. Pero susunod siya sa akin dito sa Pilipinas".

"Good for you, atleast you're settling down, I'm happy for you"

"If you're done eating, let's sleep" nasabi ko na lang para kahit paano hindi niya mahalata na affected ako katotohanang may bf na sya.

"Are you sure okey lang na magkalapit tayo dito"?narinig kong tanong ni Xian habang magkalapit kaming nakahiga sa kama.

"Mas gusto kong kalapit kita keysa matulog ako nang walang kasama" 

"Duwag ka parin talaga"

"Hindi ako natutulog nang walang ilaw remember"?

"Kaya nga, ang kaso mo sabi nung receptionist malabo daw na magka-kuryente pa. Wala na ding mabiling gasolina sa bayan"

"To be honest awkward yung feelings, hindi normal na ginagawa nang mag-ex ang ganito, pero heto tayo magkasama sa isang kuwarto"sabi ni Kim

"Pag nalaman nang mga partners natin about this, i'm sure hesterical sila" dagdag ko pang sabi ni Kim

"

**Kim's Pov**

"Hindi na nila dapat malaman pa.Para hindi natin sila masaktan" bigla parang gusto kong palakpakan ang sarili ko, napapaniwala ko siyang may bf ako.

Nasa magkabilang dulo kami nang kama, pero nagulat ako nang bigla niyang gagapin ang kamay ko.

Malapit na ding maubos ang battery nang flaslight nang apartelle. Anytime pwede na itong mawalan ng liwanag.

Pero sa init na dulot nang kamay niya, walang dahilan para makaramdam ako nang takot.

Kahit na katiting na pagtutol sa puso ko, wala akong naramdaman.

This time hindi isang panaginip lang ang lahat.

I've waited ten long years for this to happen again, at dumating yun sa hindi inaasahang pagkakataon.

Naramdaman ko pa ang maka-ilang ulit niyang pagpisil sa kamay ko bago ako nakatulog.

Indeed it was a good sleep.

Ayaw ko pa sana siyang iwan, pero kailangan ko nang bumalik nang Maynila. May pasok ako sa trabaho.

Tulog na tulog siya at ayaw ko naman siyang gisingin.

I leaved a letter behind him, para mabasa nya agad pag-gising nya

I freely stare at him and gently kiss his forehead.

At natanong kung bigla ang sarili ko

Why I loved this man so much? 

Tanong na ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko but till now hindi ko pa din mahanapan nang sagot.

Sumilay na ang haring araw, wala nang bakas nang unos nang nagdaang gabi.

Pero bakit ganito pa din ang nararamdaman nang puso ko.

In just a night na nakasama ko siya, parang ayaw ko nang malayo sa kanya.

But, iyon ang tamang gawin. Ang tuluyang ilayo ko ang sarili ko sa kanya, or else paulit-ulit lang akong masasaktan.

Lulan nang bus pabalik nang Manila, malaya kong pinakawalan ang luhang kanina pa gustong pumatak sa mata ko.

As much as I wanted to be him forever, lalo naman nawawala ang pag-asa kong pwede pang maging kami.

I need to accept the fact that Our love story ends here.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
227K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...