LOVE WITHOUT BOUNDARIES

By maxinejiji

39.1M 1.6M 3.9M

Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Aking Buwan (Love Without Boundaries Official Theme Song)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66

CHAPTER 25

748K 35.4K 75.8K
By maxinejiji


CHAPTER 25

"DAINTY ARABELLE!"

Napapikit ako nang sakupin ng tinig ni Maxrill Won ang buong hallway matapos ko siyang pangunahang lumabas upang sundan si nanay. Ngumuso ako at mas nagmadali pang maglakad papalayo.

"Look at this...lady, tsk," paasik niya nang idinugsong ang huling salita.

Maging ang pagtawa ni tiyo ay naririnig ko. "Mm-mm, hindi tayo naninigaw ng babae, Maxrill Moon."

"Dainty Arabelle!" sa halip na makinig sa ama ay muling isinigaw ni Maxrill Won ang pangalan ko. Nakanguso akong nagtuloy-tuloy sa paglalakad. "Look at that attitude..."

Sa sobrang pagkakatutok ng atensyon ko kay Maxrill ay bumunggo ako sa tagiliran ni nanay bagaman nakatingin naman ako sa harapan. Hala! Bahagya akong napaatras at nakangusong kinamot ang noo ko.

Nakakunot na ang noo ni nanay nang magbaba ng tingin sa akin. "Ano ka ba, Dainty Arabelle?" ang panunukso ay sigurado akong naroon sa tinig niya, bagaman bahagya siyang nakasimangot.

Hindi ko masiguro kung inaasar ba ako ni nanay o galit na ba talaga siya. Naroon ang panunukso sa kaniyang tono, lalo na sa pagkakabanggit sa pangalan ko. Pero hindi makikita ang pagbibiro sa kaniyang mukha. Pare-pareho sila nina tiyo at Maxrill Won, hindi ko mahulaan. Hindi ko masaulo kung kailan sila galit at kung kailan normal ang ganoong pakikitungo nila.

Kunot-noong sinulyapan ni nanay sina Maxrill Won at Tiyo More na noon ay nakalapit na. Paglingon ay nasalubong ko ang masamang mukha ni Maxrill Won. Nakanguso akong nagbaba ng tingin at sumunod kay nanay papasok sa elevator. Pumuwesto ako sa likuran, umaasang makakatabi ko roon si nanay. Nasundan ko ng tingin si nanay nang bigyan niya ng daan si Maxrill Won at doon siya tumayo sa tabi ni Tiyo More.

"I was calling you," asik ni Maxrill, pilit hinihinaan ang tinig ngunit imposibleng hindi marinig ng mga nasa harapan namin. Hindi ko siya sinagot. "I'm talking to you..." mas lumambing na ang kaniyang tinig.

Nanindig ang mga balikat ko nang hawakan niya ako sa siko. Naghalo ang kiliti, gulat at kakaibang pakiramdam nang marahan niya iyong pisilin. Nilingon ko iyon bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ano..." mahinang sabi ko saka binawi ang aking siko. Hindi ko matagalan ang kuryenteng idinudulot nang pagkakalapat ng balat niya sa akin.

"You sound so sweet, hija," hindi ko inaasahang lilingunin pa ako ni tiyo habang sinasabi iyon. "You know Hinata Hyuga? She's from that anime, Naruto. You know her, huh?"

Napabuntong-hininga ako, mukhang alam ko na ang sasabihin niya. "Opo, tiyo. Pinanonood po namin ni Bree iyon tuwing hapon."

"She's just like you!" tuluyan na akong hinarap ni tiyo, parang bata na tuwang-tuwa sa cartoons na kinayang ninonood. "You sound just like her, soft-spoken. You have a very gentle, angelic voice. And you're shy like her."

"Dad, we're talking," mariing asik na naman ni Maxrill Won.

Nilingon ni tiyo ang anak. "And so are we."Inosente niyang sinagot 'yon.

"You are interrupting our talk, dad." Isa-isang diniinan ni Maxrill Won ang bawat salita.

"Alright, Moon!" Nginitian ako ni tiyo saka nakangiting binalingan si nanay. "You wanna talk to me?"

Awtomatikong sinamaan ng tingin ni nanay ang tiyo. "Sige, kamao ko sasagot sa 'yo."

Napaiwas si tiyo. "Yeah?" Bumuntong-hininga siya.

"Focus on me," pabulong na ani Maxrill Won dahilan upang muli akong mag-angat ng tingin sa kaniya. "Why didn't you take my hand?"

"Dahil ayaw ko." Iniwasan kong kagatin ang labi ko.

"Hahahaha!" hindi ko inaasahan na tatawa si Tiyo More. Sabay namin siyang nalingon ni Maxrill Won ngunit nanatili siyang nakatalikod sa amin at nagpigil na lang ng tawa.

"And why is that?" muling baling sa akin ni Maxrill Won.

Napabuntong-hininga ako. "Bakit ko naman hahawakan ang kamay mo, Maxrill Won?"

"Hahahahahahahaha!" gano'n na lang uli kalakas ang tawa ni Tiyo More.

"Dad!" asik ni Maxrill Won.

"What?" nilingon na ni tiyo ang anak, inosente na ang itsura. "May naalala lang ako, okay? Not as if I'm not listening to you, guys."

"Tsk!" nainis na agad si Maxrill Won. "We'll talk outside, then."

Hindi ko inaasahang kukunin ni Maxrill Won ang kamay ko. Saka siya gumitna kina nanay at tiyo saka pinindot nang pinindot ang buton ng elevator upang huminto iyon sa susunod na palapag! Wala siyang pasensya.

"Ano ka ba, Maxrill Won?" asik ni nanay.

"Your child is not talking to me," asik pabalik ni Maxrill Won.

Sinulyapan kaming pareho ni nanay. "Kinakausap ka niya, ayaw mo lang ang mga sagot niya. May naghihintay sa atin, Maxrill Won." Mukhang hindi lang ako ang inaasar ni nanay, kami ni Maxrill Won. Naroon kasi ang pilit na lambing sa tinig niya sa pagbanggit ng pangalang 'yon.

"Let her wait," kunot-noong ani Maxrill Won saka muling pinindot ang buton. "What!"sinigawan niya ang pinto! "This thing is freaking broken, dad!"

"Aigoo, nagmamadali ka lang, anak. Maayos ito," ani tiyo saka siya ang mahinahong pumindot sa buton. "This elevator is very expensive, Maxrill Moon. Of course, hindi ito nasisira basta. Oh..." ipinakita niya pa ang pagbukas ng pinto sa anak. "Kapresyo nito ang bagong kotse mo."

"What?" asik pabalik ni Maxrill Won, pikong-pikon. "I don't want that car anymore, then!"deretsong singhal niya sa ama. Saka niya ako inakay palabas ng elevator. "Now talk to me."

"Oh, great," nasapo ni nanay ang kaniyang noo.

"He's so spoiled, 'no?" ani tiyo, pakiramdam ko ay narinig ko si Kuya Maxwell sa kaniya sapagkat ganoon din ang sinabi nito.

"Dahil pinalaki ninyo nang ganyan," asik ni nanay, kaylalim ng buntong-hininga.

"No, he grew on his own," nakangiting ani tiyo. "Anyway, tsk, I know my son wants us to be alone. Shall we?" nang-aasar na biro ni tiyo saka pinindot muli ang buton dahilan upang sumara ang pinto niyon.

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin kay Maxrill Won nang mawala sina nanay at tiyo. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Maxrill Won?"

"You didn't take my hand earlier!"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Sa halip na sumagot ay hindi makapaniwala siyang tumitig sa akin at bumuntong-hininga sa kung saan. Sandali siyang pumikit saka muling bumaling sa 'kin.

"Okay, I'll allow you to hold my hand forever if you allow me to take yours." Siya na ang nagdesisyon.

"No," pagtanggi ko.

"What?"

"No," pag-uulit ko.

"Why?"

"Dahil ayaw ko."

"Dainty!" galit na yata siya.

Umawang ang labi ko, akma nang sasagot, nang walang lumabas na salita mula roon. Nagbaba ako ng tingin at nakagat ang aking labi sa biglang pagbugso ng damdamin. Gano'n kabilis na bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni nanay. Gano'n kadali kong naalala kung sino ang tunay na mahal ng lalaking ito. Gano'n karami ang isipin na sumikil sa akin na nagsasabing mali ang ginawa namin kahapon.

Bakit ko hahawakan ang kamay niya? At bakit siya nagagalit kung hindi ko tinanggap ang kamay niya? Ginagawa lamang iyon ng may relasyon at...wala kami no'n.

"Stop biting your lip or I'll bite it for you,"mahinang ani Maxrill Won dahilan upang gulat akong mag-angat ng tingin sa kaniya. "I'll do it, I'm telling you."

Awtomatiko kong nabitiwan ang labi ko. "Ano..." nagbaba ako ng tingin.

"Ano?" ginaya niya ako ngunit sa naiinis na paraan.

"Hindi natin pwedeng paghintayin nang matagal sina nanay..." iyon na ang pinakamaganda kong dahilan. "Saka baka..."

"What?"

"Baka mahuli sa flight si..." hindi ko masundan ang sinasabi. "Iyong ihahatid mo." Natahimik si Maxrill Won dahilan upang muli ko siyang sulyapan. "Tara na"

Akma ko siyang tatalikuran nang kunin niyang muli ang kamay ko. "You jealous?"

Nanlaki ang mga mata ko, gano'n kabilis na nag-init ang mukha ko, nangilabot ang mga balahibo ko sa braso. Saka ko binawi sa kaniya ang kamay ko.

"Was that the reason why you don't want to hold my hand?"

"Ano...h-hindi!" dali-dali ko siyang tinalikuran at kung gaano kabilis niyang pinindot ang buton kanina ay gano'n ang ginawa ko ngayon.

"I'm just going to take her to the airport, Dainty, nothing else," mahina niyang sinabi, napapikit ako nang maramdaman siya sa mismong likuran ko. Nasisiguro kong bahagya siyang nakayuko ko sa tainga ko. Dahil ang hininga niya ay dumampi sa aking batok.

Maxrill Won...

"Nothing else, I promise..." dagdag niya.

Gano'n na lang ang paninindig ng balikat ko nang kunin niya ang mga kamay ko at iyakap iyon sa akin kapatong ng braso niya. Nagbaba ako ng tingin at hindi makapaniwalang tinitigan ang mga daliri naming nakakrus sa bawat isa. Nakagat ko ang labi ko at hindi maipaliwanag ang mabilis na pangingilid ng luha sa aking mga mata. Kumuyom ang mga palad ko at kinalas ang kamay at braso niya.

"Dainty..." ramdam ko ang pagkabigla sa pagtawag niya.

Eksakto namang bumukas ang elevator kaya nauna na akong pumasok. Ibinaba ko ang aking mukha, sa ganoong paraan bumagsak sa harapan ang ilang hibla ng aking buhok.

"Dainty..." paghabol niya, hindi man lang nag-abalang pindutin ang buton ng elevator. "Why are you like this?"

"Wala," nag-iwas ako ng tingin.

"Tsk," bumuntong-hininga siya. "Fine, I'll tell my dad to drive her"

"Hindi!" nag-angat ako ng tingin. Tinitigan niya ako, sa paraang animong binabasa kung iyon nga talaga ang gusto kong sabihin. "Ihatid mo siya...kahit hanggang sa kanila pa. Wala akong...pakialam..," pahina nang pahina kong sinabi. Saka ako muling nagbaba ng tingin.

Hindi ko kayang labanan ang titig niya. Pakiramdam ko ay hindi na lang ang katotohanan ng sagot ko ang inaalam niya. Kung hindi ang lahat ng iniisip at nararamdaman ko. At natatakot akong makita niya ang totoo.

"I'll take you with us, then."

"Ha?"

"Ha?" ginaya niya na naman ako. "Come with me."

"Hindi na. Ano..." Gano'n na lang ang pangunguyom ng mga palad ko sa paghahanap ng maidadahilan. Kung saan-saan ako tumingin upang maiwasan ang mga mata niya. "Uuwi na rin kami sa Laguna ni nanay."

Matagal siyang natigilan. "No." Sinabi niya iyon na para bang ganoon dapat ang mangyari.

Nagtataka akong nag-angat ng tingin. "Iyon ang sabi ni nanay. Pagkahatid mo raw kay...kay..." Hindi ko talaga masabi ang pangalan ni Ate Yaz! Bakit ba hindi ko masabi? Ano ba 'yan... "Ano...pagkahatid mo sa airport, aalis na rin kami." Iyon na lang ang naidugsong ko.

Lumaylay ang mga balikat niya. "So, you're leaving me?"

Umawang ang labi ko. "B-Bakit naman hindi?"

"What?" litong-lito niyang tanong, muling tumitig sa akin. "What do you mean?"

Nalito na rin ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aming pag-uusap. May parte sa akin na tila naiintindihan ang mga sinasabi at ikinikilos niya. Pero mas malaki ang parte sa akin na natatakot na nagkakamali lang ako ng pagkakaintindi. Lalo pa akong naging emosyonal nang maisip kong baka pati siya ay nagkakamali lang sa nararamdaman.

Magsasalita na sana siya nang bumukas ang pinto at ang magkakrus na braso ni nanay ang unang nadapuan ko ng tingin. Sinulyapan niya si Maxrill Won bago tumingin sa akin.

"Dainty, mauna na tayo sa ospital," anyaya ni nanay.

"What? Why? No," si Maxrill Won ang sumagot, nagkatinginan kami. "I mean, let's go together."

Pero sa halip na sagutin siya ay inalok sa akin ni nanay ang kamay niya. "Halika na, Dainty."

"Opo..." pabulong kong sagot. Sandali ko pang nilingon si Maxrill Won saka tumalima kay nanay.

"Heurt!" pagtawag ni Maxrill Won.

Bahagya lang na lumingon si nanay, hindi siya deretsong tiningnan. "Oh?"

"Don't leave without me. You know what I mean."

"You can go to Laguna anytime you want, Maxrill Moon." Istrikto ang tinig ni nanay, naninibago ako.

"Please."

"Whatever," tumingin na nang deretso si nanay sa daan palabas. "Halika na, Dainty."Kinuha niyang muli ang kamay ko saka ako iginiya papalabas.

Tahimik akong nagpatianod. May sasakyan nang naghihintay sa amin sa labas ng hotel. Hindi na ako nagtanong nang alalayan ako ni nanay papasakay roon.

Nakita ko nang lumabas mula sa hotel sina tiyo at Maxrill Won. Tinanaw ni Maxrill Won ang kinaroroonan ko. Nakagat ko ang aking labi nang ganoon kadali niya akong naaninaw bagaman malayo kami sa isa't isa.

Kumuyom ang mga palad ko nang makita si Maxrill Won na maglakad papalamit sa sasakyan namin. Kumatok siya at agad namang pinagbuksan ng bintana. Sa akin agad nakapako ang kaniyang paningin.

"Don't eat dinner without me, Dainty," ani Maxrill Won.

Umawang ang labi ko, tatanggi na sana. "Sige," mahina kong sinabi.

Awtomatiko siyang ngumiti at aabutin na sana ang aking pisngi nang tapikin ni nanay ang kamay niya. Sumama agad ang mukha ni Maxrill Won.

"Nakaharang ka sa paningin ko," dahilan ni nanay.

"Why did you let her sit on that side, then?"asik ni Maxrill Won. "Tsh!" bastos talaga siya.

Nagsalita si nanay sa hindi ko naintindihang lenggwahe. Kasunod no'n ay pinaandar na ng driver ang sasakyan. Sa harapan ay naroon ang dalawang unipormadong lalaki na pormal ang suot at parehong nakaitim na shades. Hindi na kami nakapagpaalam ni Maxrill Won sa isa't isa.

"Nanay?" wala sa sarili kong pagtawag.

"Mm?"

Humarap ako nang bahagya sa kaniya. "Ano..." lumunok ako. "Galit ka po ba sa amin ni Maxrill?"

Nakita ko nang tumaas ang kaniyang kilay. "Hindi. Bakit naman ako magagalit?"

Umawang ang labi ko. "Wala po. Kasi..."

"Mm?"

"Akala ko lang po kasi, 'nay..."

"Huwag kang mag-isip nang kung ano-ano," ngumiti si nanay, iyong natural niyang ngiti na gustong-gusto ko.

"Sige po, nanay. Pasensya na po."

"Saka hindi ako ganito magalit," nakangiti niyang hinaplos ang buhok ko. Gumanti ako ng ngiti.

Tahimik kami sa maikli lang namang byahe. 'Ayun na naman ang paghanga ko sa ospital na pag-aari ni Kuya Maxwell. Letrang "M" ang hugis niyon at tila binuo sa salamin, napakaganda at magarbo.

"Keziah," pagtawag ni nanay, hindi ko alam kung paano niya itong nakilala gayong nakatalikod ito sa gawi namin.

Ang pantay at malinis na pagkaka-ponytail nang mahaba at straight na buhok ni Ate Keziah ang agad na umagaw sa atensyon ko. Napakaganda niyang tingnan sa puti niyang uniporme nang harapin ang gawi namin.

"Tita," masaya nitong tugon. "Hello, Dainty,"pati ang paraan niya ng pagsasalita ay kahanga-hanga.

"Hello po," nahihiya kong tugon.

Napamaang na ako kay Ate Keziah nang magtuloy-tuloy siya sa pakikipag-usap kay nanay. Talagang kapag ngumingiti siya ay nabubura ang mataray niyang itsura. Ang totoo kasi ay nakakatakot siyang kausapin, parang parati na ay may mali akong masasabi. Pero nabubura ang lahat nang iyon kapag ngumingiti siya.

Makapal ang buhok ni Ate Keziah, pinong-pino, itim na itim at pantay na pantay na umaabot sa kaniyang likuran. May kahabaan ang kaniyang mukha at may panga na perpekto ang pagkakaukit. Magulo ang makapal niyang kilay, mukhang hindi pa naahit ni minsan. Makapal din ang kaniyang pilik-mata at parating nakataas. May kalakihan ang kaniyang mata ngunit hindi makita sa t'wing ngumingiti o tumatawa. Matangos ang ilong niya at may katamtamang hugis. Ang labi niya ay parang nalalapatan parati ng tubig at hugis puso. Hindi niya na kailangang mag-makeup dahil sa natural na pamumula ng ilang parte ng kaniyang mukha.

"I'm always here for Maxwell, tita. You know that," natinag ako sa sinabi ni Ate Keziah. "Willing akong samahan siya kahit pa hindi ako ang kailangan niya."

Hindi ko alam kung tama ba ang nahihimigan kong lungkot doon. Nang tingnan ko ang kaniyang mga mata, bagaman nakangiti ay tila gustong lumuha. Napabuntong-hininga ako. May kung anong parte sa 'kin na para bang naunawaan siya.

"Don't say that, Keziah. You're his best friend," ani nanay. "Nasisiguro kong kung ano siya sa 'yo, gano'n ka rin sa kaniya."

"Really, tita?" sarkastikong tumawa si Ate Keziah.

Hindi talaga mawala ang taray sa kaniyang mukha. Kung hindi siya kakilala ng kaharap o kausap, paniguradong iba ang magiging pakahulugan sa kaniyang reaksyon at sagot.

"I know you're only saying this because you don't wanna make me feel bad. Kung sino siya sa 'kin noon ay gano'n pa rin siya sa 'kin ngayon, never naging pareho ang tingin namin sa isa't isa, and I'm aware of that," mahabang sinabi ni Ate Keziah. Saka siya ngumuso at napasulyap sa 'kin. "What are you looking at, dear?" natural ang taray sa mukha at tinig niya.

"Wala po," ngiti ko.

"You're so beautiful, Dainty," hinaplos niya ang aking buhok.

"Hala..." nakagat ko ang aking labi. "Salamat po, ate."

Mas tumamis ang ngiti ni Ate Keziah. "Pupuntahan ko na si Maxwell," paalam niya kay nanay.

"Alam niya na bang aalis si Yaz?" tugon ni nanay.

Nagkibit-balikat si ate. "Who would dare tell him? That guy is an attitude." Umirap siya.

"So, wala pa rin siyang idea?" hindi ko inaasahang matatawa si nanay. "Kawawang bata."

"You're so mean, tita. For sure he'll stop her."

"Mm, we'll see."

"What about Maxrill?" parang nanlaki ang pandinig ko nang banggitin ni Ate Keziah si Maxrill Won. "Alam niya?"

Nakangiwing bumuntong-hininga si nanay. "Siya ang maghahatid sa airport."

"Really? 'Buti kinaya niya?" Naging mas sarkastiko ang pagtawa ni ate. "I was actually expecting na mas iiyak siya. Knowing how much he likes that walking-attitude girl."

Malalim na buntong-hininga at napipilitang tawa ang sinagot ni nanay. Naramdaman ko nang sumulyap siya sa akin nagunit nakaiwas na ang aking tingin.

Alam talaga ng lahat ang nararamdaman ni Maxrill Won kay Ate Yaz... Kahit ako ay alam 'yon pero...bakit gano'n?

Nalilito ako. Hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari lahat ng ito sa pagitan namin ni Maxrill gayong wala akong lugar sa mga nararamdaman niya. Hindi ko siya sinisisi dahil alam kong ginusto ko rin iyon. Talagang hindi ko lang mainitindihan kung bakit kailangan pang mangyari nang lahat.

Nanahimik ako at naupo sa isang tabi. Ayaw ko nang marinig ang usapan nina nanay at Ate Keziah. Ang hirap tiisin niyon kurot na idinudulot no'n sa dibdib ko.

"Kaysarap mapabilang sa pamilyang Moon, hindi ba?" bigla ay anang tinig ng lalaki, nag-angat ako ng tingin. "Hindi ang batas, gutom o hirap ang pinoproblema nila kung hindi buhay pag-ibig." Sarkastiko itong tumawa.

Iginala ko ang paningin. Kami lang ng lalaking ito sa harap ko ang naroon sa sofa set. Ang karamihan ng naroon sa lobby ay doon nakaupo sa magkakatabing silya. Dahil nakatalikod siya sa gawi kung saan kami nag-uusap nina nanay at Ate Keziah kanina, hindi kataka-takang may narinig siya.

Pero bakit siya nakikinig sa usapan ng iba? Mali ang gano'n. Saka bakit kilala niya ang mga Moon?

Napabuntong-hininga ako. Sa kabilang banda ay naisip kong sino nga kaya sa lugar na ito ang hindi nakakikilala sa mga Moon? Wala siguro. Lalo na't karamihan yata sa lupain dito ay pag-aari nila.

Hindi ako kumibo, sa halip ay palihim kong sinuyod ng tingin ang may edad nang lalaki. Nakasuot ito nang kupas at kulay abong islaks, puti at may may karumihang polo, nakabukas at may puti na sando sa loob. Pudpod na ang tsinelas nito at sa ulo ay may balanggot. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakaharang doon ang binabasang magasin. Sa magasin ay mukha ni Maxrill ang nakapaskil, napamaang ako. Nakasuot siya ng itim na suit, bahagyang nakatagilid at tila seryosong nakatingin sa akin. Bigla ay gusto kong hiramin ang magasin sa mama.

"Dain...ty," narinig ko ang pagtawag ni nanay dahilan para mag-angat ako ng tingin. Pagtawag na sa una lang malinaw dahil naging pabulong nang sandali siyang matigilan.

Naroon na sa lalaking nasa harapan ko ang paningin ni nanay. Napatingin din tuloy ako sa lalaking ito sa harap ko. Nasalubong ko ang tingin ni nanay nang muli ko siyang sulyapan. Nang akmang sisilipin ni nanay ang lalaki ay tumayo ito at nakayukong umalis.

"Kinausap ka ba ng lalaking iyon?" tanong ni nanay, tanaw ang kaaalis lang.

Sasagot na sana ako nang maagaw ni Ate Keziah ang atensyon namin. Sabay namin itong nilingon ni nanay nang tumatawa nitong itulak si Kuya Maxwell papunta sa gawi kung nasaan kami. Kasama nila ang iba pang nagtatrabaho rin doon sa ospital.

"You need to say! Just say good bye to her or whatever!" pamimilit ni Ate Keziah kasabay ng pagtulak sa kaibigan.

"Fine! Fine! I'm going! Damn," sa tono at itsura ni Kuya Maxwell ay mukhang naaasar siya. Inagaw niya ang braso mula kay Ate Keziah at nanguna sa paglalakad.

Ngunit awtomatikong natigilan si Kuya Maxwell. Nang lingunin ko ang labas ay nakaparada na ang sasakyan na nakita ko rin kanina. Ilang saglit pa ay nakita ko nang bumaba si Maxrill Won. Binuksan niya ang pinto sa gitna at bago ko pa makita ang lumabas mula roon ay nag-iwas na ako ng tingin.

Humilera ako sa ilang mga naroon at nagpakatago-tago sa likuran ni nanay. Pero naaagaw ni Kuya Maxwell ang atensyon ko. Naroon siya sa likurang kagaya ko at panay ang lakad paroo't parito, hindi mapakali, hindi mapirmi. Nang huminto naman siya ay tumitig siya sa harapan, bagsak ang mga balikat at nangangalumata. Nilingon ko ang mga nasa harapan at umawang ang labi ko nang makita kung gaanong kaganda si Ate Yaz nang sandaling iyon. Parang gaya ni Kuya Maxwell ay lumaylay ang mga balikat ko. Sa pananamit pa lang, wala na akong sinabi kay ate. Wala ako sa kalingkingan ni Ate Yaz para magustuhan ni Maxrill Won.

Nakagat ko ang aking labi nang makitang muli kung paanong tingnan ni Maxrill Won si Ate Yaz. Na noon naman ay isa-isang nilalapitan ang mga kaibigan upang magpaalam. Ramdam ko ang lungkot ng mga maiiwan, nakikita ko ang pilit na ngiti sa aalis. Pero nang sandaling magpaalam na si Ate Yaz kay Kuya Maxwell ay doon ko lang naramdaman ang sakit.

Panay ang pagpipigil ko sa emosyon pero natuluyan na iyon nang lapitan ni Tiyo More ang anak matapos nitong umiyak. Nangilid ang mga luha ko nang mapanood si Maxrill Won na sapilitang ilayo si Ate Yaz sa lugar na 'yon. Nang sandaling iyon ko lang naramdaman na talagang wala ako sa pagpipilian. Na ang pagmamahal ay umiikot sa kanilang tatlo lang.

"Umuwi na po tayo, 'nay," wala sa sarili kong naibulong nang makabalik kami sa hotel.

"Oo, ihanda mo na ang mga gamit mo."

Napalingon ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako ang nagyayang umuwi pero nang gano'n ang isagot ni nanay ay ako rin ang nalungkot. Talagang uuwi na nga kami sa Laguna.

Hindi ko na makikita si Maxrill Won...

Napalingon ako sa veranda nang makapasok ako sa aming kwarto. Mula sa kinaroroonan ko ay tinanaw ko ang gawi kung saan ko pinuntahan si Maxrill Won nang gabi na magkausap kami. Pakiramdam ko ay kailan lang nangyari iyon kahit na ang totoo ay marami na ang nangyari.

Tila nanghihina kong inilabas ang mga gamit ko at mabagal na isinilid sa bags ang mga iyon. Maging ang kay nanay ay sinalansan ko na dahil magluluto pa sila ni Aling Wilma ng tanghalian. Pero hindi ako gutom at pakiramdam ko ay sa hapunan lang ako gaganahan.

Tahimik ako sa mgdamag, nagpapanggap na nakikinig sa usapan nina nanay at Aling Wilma habang kumakain. Nang hapon naman ay tumutok ako sa telebisyon at pinanood ang anime na binanggit kanina ni Tiyo More. Nang matapos iyon ay paulit-ulit ko nang binalikan sa isip ang paraan ng pagtingin ni Maxrill Won kay Ate Yaz. Hanggang sa pagligo at pagbihis ay iyon ang laman ng isip ko.

"Dainty," tinig ni nanay ang gumising sa naglalayag kong isip.

"'Nay?"

"Lalabas kami sandali ni Wilma, bibili kami ng iluluto mamayang hapunan. Gusto mo bang sumama?"

Lumaylay ang mga balikat ko. "Dito na lang po ako."

"Sige, manood ka na lang muna riyan."

"Anong oras po tayo uuwi, 'nay?"

Bumuntong-hininga siya. "Hihintayin lamang natin si Maximor. Sarili nila ang eroplano, maaari tayong umalis anomang oras, itatawag lamang iyon sa paliparan sa Maynila."

Ang sarili nilang eroplano... "Sige po, 'nay."

"Dadaanan din namin si Maxwell kaya baka mapahaba ang sandali," ani nanay saka lumakad papunta sa pinto.

"Sige po," pinanood ko nang tuluyan ang pag-alis niya.

Saka dumapo sa mga bags namin ang paningin ko. Aalis na talaga kami... Hindi ko maipaliwanag ang lungkot sa puso ko. May kung ano sa akin na ayaw na yatang lisanin ang lugar na 'yon. Pero ano ang dahilan para manatili ako rito?

Natinag ako sa magkakasunod na katok sa pinto. Naisip kong baka may naiwan si nanay kaya malamya man ay nagmamadali ko iyong binuksan.

"Maxrill Won..." hindi ko inaasahang siya ang makikita.

Tumuloy siya at awtomatikong hinawakan ang bewang ko. "Now we can talk."

Umawang ang labi ko at nasundan ang pagsara ng pinto. "Tungkol saan, Maxrill Won?"

"Us."

Napalunok ako. "Ang sabi mo ay sa hapunan ka pa babalik bakit..." Hindi ko na natapos ang sasabihin matapos niyang ilapit ang mukha sa akin.

Nang sumunod na pag-awang ng aking bibig ay nag-uusap na ang mga labi namin. Magkasabay na kumuyom ang mga palad ko nang ang mababaw at mahinahon niyang halik ay naging malalim at tila naghahanap.

Hinawakan niya ang pisngi ko at saka siya naglakad habang hawak ang bewang at likuran ko, inaalalayan maging ang aking timbang. Isinandal niya ako sa kitchen island at bago pa man ako makabawi ng balanse ay binuhat niya ako at inupo doon.

Napalunok ako nang bitiwan niya ang labi ko at sabay kaming maghabol ng hininga. Nagbaba ako ng tingin sa kitchen island at saka nalilitong tumitig sa kaniya.

Tinitigan nang malapitan ni Maxrill Won ang aking mukha. "You're not leaving me,"malambing niyang sinabi, sa paraang iyon ang masusunod.

"Ang sabi ni nanay ay..." hindi ko na naman natapos ang sasabihin nang dampian niya muli ako ng halik.

Binitiwan niya iyon at saka nagsalita, "Don't leave me."

"Pero..." magdadahilan na ako nang muli niyang salubungin ang labi ko. Sapilitan ko siyang itinulak upang masabi ang gusto kong sabihin. "Maxrill Won," asik ko.

Ramdam ko ang pagkakakunot ng akin noo at kung ako ang tatanungin ay sigurado akong nakakatakot ang boses ko. Pero mukhang hindi ganoon ang nangyari dahil sa ganda ng kaniyang pagkakangisi.

"You ever get mad or angry? You still sound so sweet," umangat ang gilid ng kaniyang labi saka iniisa-isa ng tingin ang bawat parte ng aking mukha.

Napabuntong-hininga ako. "Galit na ako."

"Hmm, really?"

Humaba ang nguso ko at pabuntong-hiningang nagbaba ng tingin. "Ibaba mo ako, Maxrill Won."

"We're not yet done talking."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman...pag-uusap ang...ginagawa natin...ano..." hindi ko na masundan ang sasabihin nang maramdaman ko ang init ng aking pisngi.

"Ano?" nakangiti niyang tanong.

Nasalubong ko ang kaniyang tingin ngunit ako rin ang unang bumawi. "Ibaba mo na ako rito."

"Ayaw ko," sagot niya sa tono at paraan ng pagsasalita ko!

Sumama ang mukha ko. "Ibaba mo na ako, Maxrill Won," nagbabanta na ang aking tinig.

Ngunit pinagtawanan niya lang iyon at muling inilapit ang mukha sa akin. "Tell me you're not going to leave."

"Hindi ako pwedeng manatili rito."

"Why?"

"Dahil nag-aaral pa ako."

Kunot-noo siyang nag-isip at saka ibinalik ang tingin sa akin. "You can study here."

Nanlaki ang mga mata ko. "Pero hindi ganoon kadali 'yon."

"Well, it's easy if you want to. I'll let my men fix everything for you."

Lumaylay ang mga balikat ko. "Hindi papayag si nanay."

"Who told you?"

"Ang kulit mo, Maxrill Won," galit na talaga ako.

"I don't want you to leave."

"Bakit?"

Tumitig siya sa akin. "What do you mean bakit?"

Nalilito ko siyang iniwasan ng tingin. "Bakit ayaw mo 'kong umalis?"

"Because I want to see you. I want you to stay here."

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because I want you here."

Hindi niya nasasagot ang mga tanong ko at ayaw kong ipilit ang laman ng aking isip. "Ayaw ko," pagtanggi ko.

"Why?"

"Dahil ayaw ko." Itinulak ko siya at saka ako maingat na bumaba.

"Careful," pabulong siyang umalalay kung kailan nakababa na ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka tinalikuran. "Dainty, hey,"hinabol niya ako. "You're not mad at me, aren't you?"

"Hindi." Muli ko siyang tinalikuran.

"Then," hinarap niya ako. "I don't get it!" galit na siya. "Do you want me or what?"

Napatitig ako sa kaniya. "Ha?"

"Ha?" inis niya akong ginaya. "Tell me."

Humakbang siya papalapit at muling hinapit ang bewang ko na halos hindi ko na maramdaman ang sahig sa talampakan ko!

"You kissed me and now you're leaving. I'm asking you to stay but you don't want to," inis na talaga ang kaniyang tinig. "Do you like me or what?"

Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. Tinatanong ba talaga niya iyon sa akin? Ano ang dapat kong isagot?

"What?" nauubos na ang pasensya niya sa kahihintay ng sagot. "Dainty..." hinawakan niya ang pisngi ko. "I like you."

Lalong umawang ang labi ko at gustuhin ko mang tumugon ay walang lumalabas na salita. Hinawakan niya ang ibabang labi ko habang titig na titig doon. Hindi naman mawala ang paningin ko sa mga mata niya, hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"I like you," muling sabi niya at akma na naman akong hahalikan nang makagat ko ang aking labi. Nakita ko kung paanong nagsalubong ang mga kilay niya at salubungin ang aking paningin. "Now what?"

"Totoo ba ang sinabi mo?" hindi talaga makapaniwalang sinabi ko. "Gusto mo 'ko?"

Tumitig siya sa akin at saka ngumiti. "Yes."

Naramdaman ko nang mag-init ang mga mata ko at bagaman naroon ang saya sa puso at isip ko ay naiiyak ako sa tuwa. Pero alinman sa mga 'yon ay nahihiya akong ipakita.

"Hey..." hinaplos niya ang pisngi ko.

"Ano..." nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya.

"Do you like me too?" sinilip niya ang mukha ko. Tumango ako bilang sagot. Nakita ko siyang ngumiti pero bigla ring ngumiwi. "Say it, then."

Napatitig ako sa kaniya. Hala... Kumuyom ang palad ko at nakagat ko ang aking daliri. Tinanggal niya naman ang kamay ko at muling sinilip ang mukha ko.

"Tell me you like me too," nakangiting aniya, hinihintay talaga ang sagot ko.

Hindi ko kaya... Gano'n na alng ang paghahabulan ng kaba ko. "Ano..."

"I want to hear it."

"Ayaw ko." Tinalikuran ko siya.

"Oh, seriously?" hindi makapaniwala niyang sinabi.

"Sinagot ko naman ang tanong mo."

"You answered me with a freaking nod, Dainty," mahinahon niyang sinabi, nagpapakahinahon sa kabila ng inis.

"Nahihiya ako."

"I need to hear it."

Hala... Talagang kinakabahan ako, kung ano-anong kilos na ang nagagawa ng mga kamay at paa ko sa hiya. "Saka na lang, Maxrill Won."

"Are you making fun of me or what?"

"Hindi, ah...baka nga ikaw diyan, eh..."

"What?" hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko o hindi. Nag-iwas ako ng tingin at lumayo sa kaniya. "Hey, what did you say?"

"Wala."

"You're jealous, huh?" nang-aasar niyang sinabi.

Pinigilan ko siyang lingunin at nagpanggap na lang akong manonood ng telebisyon. Naupo siya sa kabilang dulo ng sofa ngunit humarap sa akin.

"I don't like her anymore, if that's what you're talking about." Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Naroon sa telebinsyon ang paningin ko pero ang buo kong atensyon ay nasa kaniya. "You made me forget her."

Nakagat ko ang aking labi ngunit pinanatili sa pinanonood ang paningin.

Totoo ba siya? 'Ayun na naman ang aking kaba. Mayroon sa akin na gustong maniwala pero bakit kailangang kasabay niyon ay makaramdam din ako ng paghihinala?

Posible bang magustuhan niya ako nang ganito? Nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko. Posible bang makalimutan niya ang babaeng minahal niya nang todo dahil nakilala niya ako? Posible ba 'yon?

To be continued. . .

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...