CHAPTER 50

643K 20.3K 39.6K
                                    

CHAPTER 50

"HA HA ha ha ha!" Ganoon ang pagbati ni Lolo Mokz nang magtama ang paningin namin. "Tuloy ka Dainty Arabelle, tuloy ka," sumenyas pa siya sa akin.

Pakiramdam ko ay gano'n katagal ko na siyang hindi nakita. No'ng huli kasi ay natatandaan kong lamang pa ang itim sa mga buhok niya. Ngayon ay lamang na ang mga puti. Bagaman ang kulubot sa kaniyang mukha ay hindi halata dahil sa magandang kutis.

Tumango ako sa kanila. "Magandang hapon po, t-tiya, tiyo, lolo." Parang ayaw ko nang mag-angat ng tingin sa takot na baka magalit si Tiya Maze sa akin.

"Napakaganda mo talaga, hija," pero gano'n ang sinabi ni Tiya Maze dahilan para matulala ako sa kaniya. "Come in, ready na ang dinner."

Natitigilan ko siyang natitigan saka ako nag-aalinlangang sumulyap kay Maxrill Won. Ngumiti siya sa 'kin at tumango, sinasabing sumunod na ako. Pero sa hiya at kaba ay hinintay ko siya saka kami sabay na tumuloy.

Iginiya ako ni Maxrill Won sala, kinuha niya ang bag ko at nilapag sa mesa. Saka niya ako dinala sa kitchen at sabay kaming naghugas ng kamay.

"What do we have for dinner?" ani Maxrill Won habang nagpupunas ng kamay.

Lumapit siya kay Lolo Mokz at tumango rito. Saka siya lumapit kay Tiyo More at tinapik tumango nang mas matagal dito. Hinalikan niya sa noo si Tiya Maze nang ito ang lapitan. Saka siya lumapit sa 'kin at hinawakan ako sa likuran, para akong pinipigilan. Napagtanto ko lang ang dahilan nang alalayan niya akong maupo matapos mauna ang kaniyang mga magulang.

Naupo si Tiyo Dirk sa kabilang tabi ko at ngumiti. Sabay-sabay silang nagsalita sa hindi ko naintindihang lenggwahe bago pa kami nakapagsimulang kumain.

Naramdaman ko lang nang makita ang nakahain. May baka na may sarsa, hindi ko alam ang tawag sa ulam na 'yon. May sinigang, pritong isda, lechong kawali at mga hiniwang prutas. Hindi na ako magugulat kung saang bansa na naman galing ang kanin dahil napakaputi niyon. Malayo sa kulay ng kanin na inihahain ni nanay sa 'min. Iba talaga ang mga Moon.

Sa umpisa ay tahimik. Pero kalkulado na agad ang kilos ko. Para bang naging mabigat bigla ang mga braso ko upang hayaan si Maxrill Won na asikasuhin ang hapunan ko. Hindi ko tuloy maiwasang sulyapan ang mga magulang at lolo niya. Parang ayos lang sa mga ito ang ginagawa ni Maxrill Won, hindi nila pinapansin.

"How's your studies, hija?" si Tiyo More ang nagbukas ng usapan. Mabuti at marami-rami na ang aking nakain, parang masasamid nga lang ako sa kaba.

Ibinaba ko ang mga kubyertos saka sumulyap sa puno ng mesa kung saan siya nakaupo. "Ayos naman po, tiyo."

"I mean, are you enjoying or having having a hard time?"

"Ano...Nag-e-enjoy naman po ako, tiyo. Gusto ko ang lahat ng subjects at...masaya po akong...nakapag-aaral ako. At...gustong-gusto ko po talagang maging beterinarya."

Ngumiti si tiyo. "Relax, hija, it's just me. Maximor del Valle Moon, the most handsome father in the whole world. Feel at home."

Pilit ang ngiting naitugon ko. Una, dahil nangingibabaw talaga ang hiya ko. Ikalawa, hindi ko alam kung kailangan pa bang sabihin ni tiyo ang nakikita ko naman nang kaguwapuhan niya.

Hindi ko kayang maging kaswal. Nasisiguro kong kaya sinabi ni tiyo 'yon dahil dama niya ang kaba ko. Maging ako ay ramdam ang panginginig ng tinig ko. Pero hindi ko mapigilan. Kailan lang nang magkasagutan sina Tiya Maze at tatay, ngayon ay magkasama kami sa iisang mesa at nakikihapunan ako sa kanila.

"So...are you guys already planning for the future?"bigla ay tanong ni Lolo Mokz.

"Hmm, like...?" nakataas ang kilay ni Maxrill Won.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon