The Lust Suffer

By Stoutheart

5.8M 59.1K 4.4K

This is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malama... More

The Lust Suffer
Authors Note
PROLOGO:
UNANG KABANATA
IKALAWANG KABANATA:
IKATLONG KABANATA
IKA-APAT NA KABANATA
IKA-LIMANG KABANATA:
IKA-ANIM NA KABANATA
IKA-PITONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKA-LABING DALAWANG KABANATA
IKA-LABINTATLONG KABANATA
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-LABINLIMANG KABANATA:
Note :
IKA-LABINGANIM NA KABANATA:
IKA-LABINPITONG KABANATA:
IKA-LABING WALONG KABANATA:
IKA-LABING SYAM NA KABANATA:
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:
IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT DALAWANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT TATLONG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA:

IKA-WALONG KABANATA

96.4K 1.8K 101
By Stoutheart

"Matagal kapa ba d'yan babe?" Naiiritang tanong sa'kin ni Thorin habang kinakalampag ang pintuan ng comfort room ng mga babae, kung saan ako kasalukuyang nagbibihisHalos tatlong linggo na rin ang mabilis na lumipas, magmula noong sinabi n'yang mahal n'ya ako at gusto n'ya akong maging kasintahan-- pero ang gusto n'ya ligawan n'ya muna ako bago ko raw s'ya sagutin.

Hindi ko pinatagal ang panliligaw ni Thorin. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko s'ya. Alam ko rin na tanggap s'ya ng pamilya ko dahil kasabay ng panliligaw nito sa'kin ay kinuha rin nito ang tiwala ng mga magulang ko na lalong nagpahulog sa'kin sa kanya.

Sa mga araw na nagdaan, tila naging bodyguard ko ang mga barkada n'ya kapag hindi ko sya classmate sa ilang subject. Madalas si Andrei ang nagiging classmate ko kaya mas malapit ako sa kanya. Si Rhys at Nicolo kasi ay mas'yadong maloko. Si Azul at Helios ang seryoso at medyo nakakatakot. Si Jodidiah ang pacool at maingay, At si Mckenzie ang matatawag kong goodboy at stick to one sa isang relasyon.

"Teka lang." sagot ko naman bago hinagod ang maiksi ko ng buhok na kulay brown na ngayon. Medyo curly na ngayon sa dulo at mayroon na rin akong bangs na pa side. Nang magkita kasi kami kanina ay may inihagis s'ya sa'king paper bag. Isuot ko raw.Hinagod kong muli ang buhok ko at inilagay ang suot kong T-shirt sa aking sling bag. Hinawakan ko ang seradura ng pinto at huminga ng malalim nang buksan ko iyon.

'Kita ko ang simangot na mukha ni Thorin habang nakahalukipkip na nakasandal sa sink. Okey, nasa loob s'ya ng cr-- na pambabae.

"Happy? " taas kilay kong tanong ngunit nakangiti.

Ngumiti din naman s'ya at inakbayan ako palabas ng cr."Ang ganda-ganda talaga ng girlfriend ko. Damn!" bulong n'ya malapit sa tenga ko. Suot ko ang jersey n'ya na pinaliitan n'ya para kumasya sakin. Kulay puti iyon at itim naman ang kulay na ginamit sa nakasulat na KNIGHT sa harapan. Na pangalan ng kanilang team.Dela Fuente O8 naman ang nakasulat sa likuran nito. Intramurals namin ngayon kaya naman busy ang halos lahat ng estudyante sa ibat ibang games and booths. Wala naman kong sinalihang game dahil ayaw ni Thorin, kaya ang pakinabang ko lang ay panoorin s'yang maglaro, maghintay matapos ang game at i-cheer s'yaPinaikot n'ya ang braso n'ya sa maliit kong bewang at hinapit ako palapit. Hindi na ako nag react dahil pag nagkataon ako rin naman ang talo.

"Bakit pinasuot mo sa'kin 'tong jersey mo? " tanong ko habang naglalakad kami sa hallway papuntang gym. As usual ang bawat daanan naming mga estudyanteng nagpapagala-gala sa loob ng campus ay taas kilay na tumitingin sa'min at sinasaksak ako gamit ang isip nila. N'ong mga unang linggo iniianda ko pa rin 'yon, lalo ang mga parinig ni Tonette, pero lahat ng iyon ay ipinapasok ko nalang sa kanang tenga ko at labas sa kaliwa. Hindi ko na problema ang problema nila. Hindi naman sila ang pakikisamahan ko.

"To inform everybody in this school that, You are mine. Mine and mine alone." seryoso n'yang tugon sa'kin bago ako ninakawan nang mabilis na halik sa labiHinampas ko ang braso n'ya gamit ang isang kamay ko na mabilis naman nyang naiwasan.

"Make sure na i-checheer mo ako ahh. Kung hindi ipapatalo ko 'yong game." saad nya.

"Dakilang cheerer mo lang pala ako ee. Sasakit lang lalamunan ko kakacheer sayo, tapos matatabunan lang ng ibang sigaw ng mga fans mo. " nakangiti ko namang sagotKita ko ang pag simangot ng kanyang mukha kasabay nang pagkunot ng noo.  Natatawa naman akong pinisil ang magkahawak naming kamay kaya inirapan n'ya ako at ngumuso.

"Gusto mo bang magdinner sa bahay?" pag iiba ko ng topic. Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha at paghawak nito ng batok kaya napatawa ako. Nagpapacute na naman si Dela Fuente. "I cook for you." dugtong ko pa. Tiningnan n'ya lang ako at magsasalita pa sana ng may humarang samin.

"Hey lovebirds, the game start at 5 mins baka gusto n'yo munang maghiwalay at lalaro pa ang player of the game." sambit ni Grace na may malawak na ngiti sabay hila sa kamay ko na hawak ni Thorin at pumagitna sa amin.

"Grace panira ka ng moment." nakasimangot na saad ni Thorin na s'yang nagpatawa sa kaibigan ko. Naging close sila, paano nagiging match maker si Thorin kay Grace at Andrei na walang ginawa kung hindi magbangayan sa t'wing magkukrus ang kanilang landas.

"Oh really?" napatakip pa ito ng bibig "I am really sorry, but not so! " Tinulak n'ya pa ito ng mahina."Baka gusto mo nang tumakbo at pumunta sa gym para makapag warm up? Kanina ka pa hinahanap ng ka teammates mo. Akong bahala sa baby damulag mo kaya, ano ba? Go!" pag papalis ni Grace dito. Tiningnan pa ako ni Thorin bago magsimulang humakbang palayo.

"Kayo naba? " Nakangiting tanong ni grace.

"Hindi pa." ngiti kong tugon nang magsimula na kaming maglakad.

"Hindi paba? Tss. Ang bagal naman! At In fairness you look good with his jersey" natatawa nitong komento.

Nang makarating na kami sa gym, halos mapuno iyon ng mga estudyante, nakabibingi ang hiyawan, ang kalampagan. May mga sumisigaw ng Armor na team ng nursing dept. Pero mas malakas ang hiyaw ng mga Knight. Agad naman kaming nakakita ng magandang pwesto kung saan hindi masyadong malapit o malayo sa court. Sakto lang para makita ang buong game.

Ilang sandali pa ay sinimulan ng tawagin ang bawat player. Nagkaingay ang mga nursing dept. nang lumabas na ang ilang team sa pangunguna nung Yeun ang apelyido. May mga babaeng halos himatayin sa sobrang kilig, pero kami ni Grace kalmado lang at naghihintay sa kabilang team.

Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan nang lumabas na ang team nina Thorin, pinangungunahan ito ng kanilang team captain na si Rhys.

Halos apelyido ni Thorin ang naririnig ko sa apat na sulok ng gym.

Nang tumingala ako ay nagtama ang mga paningin namin at binigyan n'ya ako ng isang kindat at itinaas ang kanang kamay na parang sinasabi. This game is for you.

Ang first five ng knight ay sina, Thorin, Rhys, Alejandro, Nicolo at Athan.

Prrrfft..

Tunog iyon ng whistle. Hugyat na magsisimula na ang game.

1st Quarter.

Halos mabaliw baliw ang lahat ng manunuod sa mainit na palitan ng mga shoot ng bawat kupunan. Magaling ang nursing department dahil dikit ang kanilang laban. Ang bawat isa ay todo bantay.

Score: 23-24

Lamang ang Armor.

Second quarter.

Dikit pa rin ang laban. Gustong- gusto ko nang sigawan si Thorin na ayusin ang laban n'ya, ngunit pinigilan ko lang. Natapos ang laban na lamang na naman ang ARMOR.

45-56

Third quarter

Napatayo ako ng madanggil si Thorin at bumagsak tapos hindi foul! Mabuti nalang at hindi ito nasaktan. Tiningnan ako ni Thorin na nakasimangot ang mukha habang seryoso naman akong nakatingin sa kanya.

Natapos ang game.

56-65

Lamang na naman ang Armor. Kaya n'ong nagsimula ang Fourth quarter ay tumayo na ako at sumigaw ng pagkalakas lakas.

"Hoy Dela Fuente! Kapag hindi mo ipinanalo ang game hindi ka magdidinner sa bahay at hindi talaga kita sasagutin! " namula naman ako gitna ng ako lang pala ang sumigaw habang malaki ang ngisi ni Grace sa tabi ko. Narinig ko ang malakas na tawa ni Thorin sabay pakita ng killer smile.

"Yun ohh! "
sigaw ni Rhys sabay tapik sa balikat ni thorin.

Nagsimula ang game at masasabi kong naging effective ang pagsigaw ko kay Thorin dahil ng matapos ang game, ang score?

85-70

At natapos ang game na 'yon na may isang malalim na halik.

________________________________

Johanna's Pov

Katulad nga ng sinabi ni manang Edith, ako ang sumama kila Thorin para magtungo sa Palayan. Si Mang Abuh ang driver, katabi nito si Sir Andrei habang kami ni Thorin ang nasa backseat. Sa presensya palang ni Thorin ay halos gusto ko na lamang tahimik na umiyak. Pagsisisi, paghihinayanang at takot.

Nakasiksik ako sa gilid habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Tahimik kong pinagmamasdan ang tanawin nang sa gan'un ay maiwasan ko ang paninitig kay Thorin na tahimik na nakaupo sa tabi ko. Prenteng nakasandal at magkasaklop ang mga kamay nito sa ibabaw ng kanyang mga hita.

At kung hindi ba naman makulit si tadhana. Sa gitna ng katahimikan sa loob ng sasakyan pumainlanlang ang kantang, kahit kailan yata ay hindi ko makakalimutan.

Unang tunog palang ng kantang iyon ay nakaramdam ako ng lungkot. Sa gilid ng mga mata ko nakita ko kung paano kumuyom ng mahigpit ang kamay ni Thorin sa ibabaw ng kanyang hita. Kita ko ang inis sa kanyang mga mata at ang pagsimangot ng kanyang mukha.

~ When I'm with you nang Faber drive. Yong Banda na gustong gusto namin nung highschool. Yong kanta na sinasabayan namin sa loob ng kotse nya. Dati.

"Mang Abuh, gusto mo bang makarinig ng isang epic na love story?" Tanong ni Andrei kay mang Abuh habang kalakip ang isang sulyap samin. "That song reminds me of someone kasi." dagdag pa nito.

"Aba ser- Oo naman po." Sagot ni mang Abuh na bahagyang ngumiti.

"Ikaw Thorin? Wanna hear your favorite epic love story? " mapang-asar na tanong ni Andrei na lumingon pa sa'min at nginisihan ako ng malaki

Umayos ito ng upo at kunwaring tumikhim.

"So, here it goes. Once," tumingin sa reviewer mirror at ngumiti ng malaki."There was a man who fell inlove with a woman." Lumihis ang tingin nya at ipinatong ang dalawang kamay sa batok.

"Tss." rinig kong sabi ni Thorin na umayos nang upo at tumingin sa bintana.

"Alam mo ba mang Abuh, They really love each other to the point that the man sacrificed his everything for that girl." patuloy ni Andrei. Ayoko sanang makinig pero hindi ko y'un maaring gawin dahil kahit anong baling ng atens'yon ko y'ung kwento pa'din ni Andrei ang naririnig ko.

"Aba, ang swerte naman ho pala nung babaeng minahal nya" sagot naman ni Mang Abuh.

Patuloy ang kanya. Humahalo sa bawat bigkas ni Andrei ng istorya. Sabay ko silang naririnig at kahit anong pilit kong itago ang kung anuman Ang nararamdaman ko ay mapapansin parin iyon sa mahigpit Kong paghawak sa laylayan ng suot kong damit.

I'll make every seconds count.

Palihim akong sumulyap kay Thorin na ang mga mata ay nakatanaw ngayon sa bukirin. Tipong naiinis sa kaibigan sa pinagsasabi nito.

"Nainggit nga ako sa love story nila ee. Akalain mo 'yon mang Abuh, kahit na gago, babaero, loko-loko, bully at mayabang 'yong lalaki, minahal pa rin s'ya n'ung babae sa kabila ng lahat. Kahit na minsan inuuna n'ung lalaki y'ung pangarap n'ya. The woman stayed by his side." Napapikit ako ng mariin at pinigilan ang luhang nagbabadya na tumulo sa mga mata ko.

"Ang s'werte din naman po pala nung lalake ser- kasi mahal na mahal s'ya n'ung babae." Sambit muli ni Mang Abuh.

Yeah we've had our ups and down
But we've always worked them out
Babe am I ever glad we've got this far now ~

Akala ko talaga kaya namin lahat basta magkasama kami o kahit di kami magkasama, pero nung panahong magdesisyon kaming maglayo, doon kami siningil ng tadhana.

"The man serenade the woman infront of thousands student that day. Akalain mo y'ung ma'pride at mayabang na lalaki na iyon nangharana gamit ang kantang 'yan? Magdamag s'yang nag aral tumugtog ng gitara para lang maging memorable ang araw na iyon kasi first year anniversary nila."

Sinong makakalimot ng araw na iyon? Wala. Dahil kahit lumipas ang maraming taon alam ko pa rin. Kabisado ko bawat detalye ng araw na iyon, ang bawat letra,ang bawat salita, ang bawat galaw, at ang matinis na hiyaw ng lahat ng nakasaksi sa araw na iyon.

"Because of them, I believed in the meaning of love. I believed in the word forever. Na ang isang super rich guy ay maiinlove ng todo sa isang babae. At ang babaeng maiinlove sa isang lalaking makasarili."

Whatever it takes
I'm not gonna break the promise
I made

"Until one faithful day..." tumingin sakin si Andrei sa reviewer mirror.

"The woman left the man." Matigas na dugtong ni Thorin kasabay nang paghinto ng tugtog at paghinto nang sasakyan.

"Nandito na ho tayo ser-" agaw pansin ni Mang abuh.

"Naku, next time ko nalang itutuloy yung k'wento ko mang Abuh." natatawang sambit ni Andrei na umayos na at lumabas ng pinto ng sasakyan kasabay ni mang Abuh. Habang kami naman ni Thorin ay naiwan.

"Hindi ba Johanna? Iniwan mo ako at nagpabuntis ka sa iba." Mahina ngunit galit na sambit ni Thorin bago buksan ang pintuan ng sasakyan at padabog na isinara ito.

Naiwan naman ako doon na pinipigilang humikbi. Kung kaya ko lang sanang bumalik sa nakaraan.

______________________

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
2.1M 29.3K 61
He's Mean and She's Kind, He's Arrogant and She's Humble, He's a beast and She's an Angel, He's one cold heartless Bastard and She have a big heart f...
274K 397 22
UNDER MAJOR REVISION SO THANK YOU FOR YOUR PATIENCE AND UNDERSTANDING! The title and characters will be changed for personal reasons. Ruby Marie Alda...
29.6K 1.1K 50
Sa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagka...