Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.3M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 338
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 339

549K 25.8K 47.4K
By eatmore2behappy

A/N: this past few days parang napapalayo ako sa pagsusulat. Hoping that I can get back to track sooner.

Naghihintay ang series ko!! 😭😭😭



Ninong at Ninang

Jay-jay's POV

"Grazel Jay?" Tanong ko.

"Di ba sinabi na namin sayo na gagamitin namin ang pangalan mo?" Tanong ni Denzel at tumango naman ako ng maalala ko.

Oo nga pala.

Nung nagpunta sila sa bahay kasama ng ibang mga Ulupong ng dahil lang sa pag-aalala. Binanggit na nga pala nila sakin yon.

"Saan naman galing ang Grazel?" Tanong ko ulit.

"Grace and Denzel." Sagot ni Grace habang inaayos ang pagkakabuhat sa baby.

"Ang taray." Komento ko.

Sinilip ko ang baby sa bisig niya. Mas malinis na siya ngayon kumpara kanina na balot ng kung anong tubig at kaunting mantsa. Maayos na rin ang kulay niya.

"Gusto mo buhatin?" Alok ni Grace pero nag-alangan ako.

Baka mabitawan ko siya o kaya mabali ang buto. Muka pa naman siyang babasagin. Para bang kapag namali ako ng hawak, ikapapahamak niya. Ayoko pa naman ng mga umiiyak na baby.

"Okay lang Jay. Buhatin mo na. Mag-practice ka na." Pang-aasar ni Denzel kaya tinignan ko siya ng masama.

"Ano? Ano? May sinasabi ka?"

Umiling lang siya habang natatawa. Binalikan ko ang baby at dahan-dahang inabot mula sa mga braso ni Grace. Tinuruan din niya ko kung paano ang tamang pagbuhat.

Ang liit niya talaga.

Bahagya ko siyang inugoy habang umaayos ng tayo. Napangiti ako ng makita kong gumalaw ang labi niya.

"Bagay. Mukang magkakaroon na ng kalaro si Grazel." Pang-aasar ulit ni Denzel pero hindi ko siya pinansin.

Pinagka-abalahan ko ang baby at sinimulan siyang kausapin.

"Hello baby, ako ang Ninang mo." sabi ko at narinig kong nag-react si Grace.

"Sino namang may sabing Ninang ka?" Pang-aasar niya.

Matapos lahat ng paghihirap ko? Hindi ako Ninang?

Bagay talaga silang mag-asawa. Paborito nila kong asarin. Kung hindi lang kapapanganak nito malamang binalikan ko na siya ng pambabara at pagmumura.

Pero bawal magsalita ng bad words ngayon. Baka marinig ni Baby at yun pa ang una niyang matutunan.

"Sabi ni Denzel."

"Ninong sabi ko, hindi Ninang. Si Kit kaya yon." Sagot naman niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Gusto mo turuan kong lumipad ang anak mo?" Alok ko habang palapit sa bintana.

"Hoy! Joke lang yon!" Bawi ni Denzel at lumapit sakin.

"Subukan mo lang!" Banta naman ni Grace.

Akmang kukuhanin ang baby sakin pero tumanggi ako. Nag-e-enjoy pa ko sa pagbuhat sa kaniya. Basta wag lang siyang iiyak dahil baka ibato ko talaga siya.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa paglilibang ko habang hawak si Grazel. Hindi ko na din napansin na may mga pumasok na pala sa kwarto. Natigil lang ako ng makarinig ako ng humihikbi.

"Nanganak na si Jay-jay. Hindi na ako ang baby niya." Sabi ni Ci-N na nagpupunas ng pekeng luha.

Sinong nanganak?

Binatukan siya ni Calix. "Paano manganganak si Jay-jay kung hindi pa naman siya nabubuntis?"

Napangiwi ako. Andito na pala ang mga Ulupong at kumpleto sila. Kasama nila si Yuri na mukang maayos naman ang itsura.

Napatingin ako kay Keifer na simpleng nakangiti sakin habang parang may malalim iniisip. Napairap ako sa kaniya at agad tinignan si Yuri na nakasandal sa pader. Tipid na ngiti lang ang binigay niya sakin.

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa ngiti niya na yon. Mas gusto ko talaga kung magkaka-usap kami ng mas matagal.

Ang mga Ulupong naman ang binalingan ko. Kita ko ang excitement ng mga luko sa hawak kong baby pero kinailangan ko na siyang ibaba dahil sa pagkangawit. Binalik ko siya sa crib sa ilalim ng lamp. Agad siyang nilapitan ng mga future Ninong niya.

"Kamuka ni Denzel. Tapos na!" Komento ni Eren at nagtawanan kami.

"Baby! Wag kang lalaking maldita." Sabi ni Mayo at binato siya ni Grace ng unan.

"Pagnaglakad ka na, laro tayo. Marami akong laruan." Sabi ni Ci.

"Asan pusta mo Drew? Panalo ako! Babae anak nila!" Sabi ni Rory at parang bula na naglaho si Drew.

"Mas kamuka niya si Grace." Mahinahong sabi ni Josh.

"Hindi ko makita, lukot pa ang muka eh." Sagot ni Edrix at mahinang natawa ang iba.

"Sana ganito din ka-cute ang magiging anak namin ni Mica." Matamis na sabi ni Calix.

"Anakan na yan." Pang-aasar ni Eman at agad naman siyang hinampas ni Calix.

Matapos asarin ang isa't-isa binalikan nila si Grazel Jay at kinausap.

"Pagnagsalita ka, wag kang magmumura." Bilin ni Felix sa baby at tumingin sila sakin.

Nawala ang ngiti ko kanina habang tinitignan sila. Inirapan ko naman sila bilang sagot at agad na nakakuha ng tawanan.

"Wag ka rin sanang maging matakaw." Dagdag ni Eman at lalong lumakas ang tawanan nila.

"Hoy! Hindi ako ang Nanay niyan kaya bakit puro ganyan ang bilin niyo?" Inis na sabi ko.

"Baka mahawa sayo. Ang tagal mo siyang buhat." Sagot ni Blaster at inambaan ko siya ng batok.

Nauwi sa asaran ang dapat sana ay pagdalaw nila sa mag-ina. Napilitan nga lang silang lumabas agad dahil pinagbawalan ng nurse ang maraming bisita. Bukod don kailangan na din ni Grace na padedehen si Grazel kaya agad silang nagtakbuhan paalis.

"Labas muna kami." Paalam ni Keifer at Yuri.

Hindi rin naman ako nagtagal at nagpaalam na din sa kanila. Humingi ulit ako ng sorry sa nangyari pero pagpapapsalamat ang paulit-ulit kong natanggap galing sa kanila.

Pagsara ng pinto napa-buga ako ng hangin. Nakaraos na din sa problema sa panganganak ni Grace. Buong akala ko talaga malilintikan ako kay Denzel.

Pero hindi dapat ako pakampante. Sa susunod talaga kaylangan ko nang maging maingat. Buhay ng mag-ina ang nalagay sa kapahamakan dahil sa katigasan ng ulo ko.

"What are you thinking?" Tanong ng kung sino na kinagulat ko.

Anak ng pitungput puting tupa naman!

Napahawak pa ko sa dibdib at bahagyang napa-atras. Nang makilala ko ang Hari ng mga Ulupong, agad ko siyang inambaan ng suntok.

"Nagulat ako!" Inis na sabi ko.

"Saan? Sa pagmamahal ko?" Tanong niya at mapang-asar na ngumiti.

Inis ko siyang tinignan. "Alam mo minsan, iniisip ko kung paano ka masasapak."

"Sapakin mo ko ng halik." Sagot niya at muntik ko ng hubarin ang sapatos ko para ibato sa kaniya.

Malakas na pagtawa lang naman ang sinagot niya sakin. Sunod-sunod ang naging pag-irap ko sa kaniya hanggang sa mapansin kong wala si Yuri na kasama lang niya kanina.

Ang ibang ulupong nakikipag-kwentuhan sa mga nurse. Halata namang nilalandi lang nila ang mga babae. Ang iba naman mukang nainip at umalis muna.

"Asan si Yuri?" Tanong ko kay Keifer.

"May pupuntahan lang daw." Sagot niya at nagpamulsa.

"Babalik ba siya?" Tanong ko ulit at napansin ko ang pag-iiba ng reaksyon niya.

"Hindi ko alam." Mahinahon niyang sabi pero ramdam kong may emosyon yon. "You should stop worrying about him. Malaki na si Yuri, kaya na niya sarili niya."

"Pero tao pa rin siya at napapagod. Isipin mo naman sana ang kaibigan mo." May halong inis na sagot ko.

Inis siyang tumawa. "Why do I feel scared everytime you're worrying like this to Yuri?"

Anong ibig niyang sabihin don?

"Pwedeng wag ka munag magselos ngayon? Usapang kaibigan to. Kaibigan natin."

Seryoso niya kong tinignan. "This is more than jealousy, Jay. And how I wish this is really just a jealousy like what you think." Huminga siya ng malalim. "Kasi kung hindi, mababaliw ako."

Gusto kong maki-usap sa kaniya. Hindi ko gusto ang iniisip niya. Nasasaktan ako. Buong akala ko nagbago na siya pero bakit parang wala pa rin siyang tiwala sakin? Bakit parang ang bilis pa rin niyang magselos at pag-isipan ako ng iba?

Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero umiwas ako.

"Hahanapin ko lang si Yuri. Meron lang akong itatanong." Sabi ko at tumalikod na.

Napansin ko agad ang pagtitig sakin ni David pero pinili ko nalang wag pansinin.

Ginawa ko ang sinabi ko at hinanap si Yuri. Sa ground floor ko naisip maghanap dahil andon ang palabas ng hospital.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang palabas habang may kasamang—si Freya.

Magkasama sila. Hindi to maganda.

Agad ko silang sinundan. Mabuti nalang at hindi rin sila lumayo sa mismong building. Halatang nagtatalo sila at merong inaagaw na malaking puting sobre si Yuri. Halata namang ayaw pumayag ni Freya na ibigay ang bagay na yon.

Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. At dahil nga kapag may gusto may paraan. Naghanap ako ng pwedeng idahilan para makalapit sa kanila at hindi mahalata na makikinig ako.

Napangiti ako ng makita ko ang isang matanda sa wheelchair. Wala siyang kasama kaya naman magandang pagkakataon. Bukod don mukang hindi rin siya makapag-salita.

Itinulak ko ang wheelchair palapit sa dalawa. Umarte akong kasama ng matanda at kuwaring pina-pasyal siya. Pumwesto ako malapit kila Yuri pero tumalikod ako sa kanila. Umarte din akong kinakausap ang matanda na halatang natatakot sakin.

Pasensya na po talaga!!

"Itigil mo na to! This is not you!" Galit na sabi ni Freya.

"Tingin mo may choice ako? Kung hindi ko sila susundin? Saan ako pupulutin?" Parang nagmamaka-awang sagot ni Yuri.

"Fvck your family honor!"

"This is not just about the honor! This also about my Mother."

"Hindi nga ikaw yan!" Parang maiiyak na ang boses ni Freya.

"What's the point? Ano ngayon kung itapon ko ang buhay ko? And don't scold me about my life, when you throw your own life away."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat sa mga salitang lumabas sa bibig ni Yuri at narinig ko ding mag-react ang matanda. Nagtinginan pa kami na para bang pareho kaming hindi tanggap ang mga narinig.

Tsismosa din tong matandang to.

"Yes, I did throw my own life. To you!" Sumbat ni Freya. "That's why I'm always here for you, because I know that fvcked up feeling. I'm trying to save the little part of you kahit ubos na ubos na ko." Huminga siya ng malalim. "But obviously, I'm just wasting my life, myself and my time trying to save someone that don't want to be save in the first place."

"Stop using me as an excuse Freya." Mahinahong sagot ni Yuri. "You choose to be like that. After our break up, Keifer tries to save you and he only ask to be loved back by you. Pero pinagka-itan mo siya."

"How dare you..."

"You ended up ruining your life because you wanted that. So, how will you save me when you're broken beyond repair."

Gusto kong sumingit sa usapan nila. Totoo nga siguro ang mga sinasabi ni Yuri pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maging ganito kasakit.

Ako ang nasasaktan para kay Freya.

"You're right. You're wasting your time with me. Because you should've focus on saving yourself from this misery."

Narinig ko ang pagsinghot ni Freya at mahinang pag-iyak. Gusto ko na talagang umeksena pero napapatingin ako sa matanda na halatang nakikinig pa.

Baka magalit dahil naputol ang eksena.

"I'm done with you." Sabi ni Freya.

Parang gusto ko siyang palakpakan. Ginawa niya ang pinaka-masakit pero pinaka-matapang na dapat gawin sa isang relasyong nagkaka-sakitan lang naman, kahit wala naman yata silang relasyon.

"You should be. While you still can, save yourself."

Huminga ng malalim si Freya at bahagyang umubo. "I did all those things before because I thought you would care but it turn out that I wasted my life for nothing."

"I always care for you. I'm just don't want you to know." Mahinahong sabi ni Yuri.

"But not the same way you care about her?" Nagsimula na naman ang mahinang pag-iyak ni Freya.

"Jay-jay is different."

Whut? Bakit ako nadamay?

Parang lumaki ang tenga ko ng marinig ang pangalan ko. Kulang nalang idikit ko na sa kanila ang muka ko.

"Why—?"

"Pinag-usapan na natin to. Just hand over the envelop."

Tinapik-tapik ako ng matanda. Nang tignan ko siya meron siyang itinuro na babaeng may hinahanap. Mukang yun ang bantay niya.

"I wish you wouldn't regret this." Sabi ni Freya at meron akong narinig na papel at may plastic na tumama.

Mukang binato niya ang sobreng pinag-aagawan nila kanina. Wala na kong narinig na sumagot pa at mabibigat na yabag nalang.

Bahagya ko silang nilingon at nakita kong papalayo na si Freya. Aalis na sana ako para isa-uli ang matanda sa pwesto niya kanina pero narinig ko ang pagbulong ni Yuri.

"I'm really sorry Freya." Sabi niya at mabilis na naglakad papasok ng ospital.

Nakatitig lang ako sa likod niya. Sinaktan lang ba niya si Freya para palayuin sa kaniya? Ano ba kasi ang laman ng sobre na yon at pinag-aawayan nila? Kamukha pa naman ng bagahe ng online shoping.

"Hoy! Anong ginagawa mo sa Lola ko!" Sita sakin ng isang babae.

Nanlaki ang mga mata ko at agad binitawan ang wheelchair.

"Lola mo ba to? Akala ko Lola ko. Kaya pala hindi ko kamuka." Sagot ko at agad umalis ng makalapit na siya sa matanda.

Babalik na sana ako sa loob ng marinig ko ang pangalan kong tinatawag ng kung sino. Napatingin ako sa grupo ng mga istudyanteng papalapit. Agad ko naman silang sinalubong ng makilala ko sila.

"Jay-jay." Bati sakin ni Mica. "Kumusta si Grace?"

Ngumiti ako. "Okay naman. Pati ang baby."

"Anong gender?" Tanong ng isang kaklase nila.

"Babae." Sabi ko at kita ko ang tuwa sa kanila.

Agad na nag-aya ang iba sa kanila na puntahan na si Grace pero kumontra naman si Ella.

Nagsalita ang batas.

"Hintayin na natin si Aries. Nag-park lang siya ng kotse." Sabi niya na may kasamang pagtataray pero hindi pa man nagtatagal ng tumunog ang cellphone niya.

Kita ko ang pagsibangot niya habang binabasa ang message para sa kaniya. Parang hindi maganda ang laman ng message. Feeling ko tuloy bubuga siya ng apoy anytime.

"Let's go. Susunod nalang daw siya." Sabi niya at tinalikuran na kami.

Topak.

Nagtinginan kami ni Mica pero sumunod na rin kami kagad. Sa elevator kami dumiretso. Mabuti nalang at walang ibang sakay at sumakay kaya solo namin sa loob. Habang hinihintay bumukas umakyat sa tamang floor panay ang tanong nila kay Ella na halatang naiirita na.

"Parang nakita ko si Freya kanina. Nakita kaya siya ni Aries?" Sabi ng isang kasama nila.

"Ano naman kung magkita sila?" Sagot naman ng isa pa.

"Wala lang. Kasi di ba si Aries madalas nag-aasikaso kay Freya?"

"Muka nga silang may something." Biglang sabi ng isa na nasa likod naming lahat.

"Shut up!" Singhal ni Ella kaya tumahimik siya.

Is dat selos?

Gusto ko siyang pagtawanan. Karma ang tawag ko diyan. Naiinis din naman ako sa kaniya kapag may nakaw na sulyap siya sa Hari ng mga Ulupong. Kaya ngayon, pagtatawanan ko siya.

Pagbukas ng pinto ng elevator nagpa-una pa ang luka sa paglabas. Napataas agad ang mga kilay ng mga Ulupong ng makita siya.

"Baby!" Bati ni Calix kay Mica.

Tiyanak!

Agad namang yumapos si Mica sa Ulupong niyang jowa. Gusto ko sanang magpaka-bitter sa kanila pero mas na-e-enjoy kong pagtawanan si Ella.

"Bakit ngiting-ngiti ka diyan?" Tanong sakin ni Ci-N.

"Wala... Meron lang akong nakitang nakakatawa." Sagot ko at tinignan niya ko na parang nawawala na ko sa sarili.

Hindi ko nalang siya pinansin at sumandal nalang sa pader sa tabi niya. Hinayaan muna naming pumasok sa loob ang mga dating kaklase ni Grace.

Napatingin ako sa kabilang dulo ng hall ng mapansin sila Keifer at Yuri na parang may seryosong pinag-uusapan. Hindi ko makita ang puting envelope na hawak niya kanina.

"Busy sila." Sabi ni Ci ng mapansin niyang nakatingin ako sa dalawa. "Kanina pa yan, pagbalik ni Yuri."

"Tingin mo seryoso ang pinag-uusapan nila."

"Oo, lumayo eh. Siguro merong something." Inosenteng sagot niya.

Anong something?

Napatingin ako bigla kila Kit at Mayo na parang malapit ng magtalo.

"Gusto ko nga ng baby." Pagpipilit ni Mayo.

"Mag-aral ka muna. Akala mo naman may ibubuhay ka sa bata." Inis na sagot ni Kit.

Ganyang something?

"Ay hindi!" Mabilis kong protesta.

Napabalikwas pa si Ci-N at Felix na nasa malapit lang sakin. Pati ibang Ulupong napatingin din sakin.

"B-bakit?" Sabi ni Kit ng mapansin nilang sa kanila ako nakatingin.

Napalingon naman ako sa kanilang lahat. Hindi ko alam ang isasagot. Alangan namang sabihin ko na may iniisip akong hindi maganda kay Yuri at Keifer.

Isip ng sagot. Dali!

"H-hindi pa kayo pwedeng mag-anak. Aral muna." Sagot ko at napataas naman ang kilay ni Mayo.

"Wow, salamat sa concern." Sarcastic na sabi niya.

Tumango-tango nalang ako kahit halatang nawi-wirduhan sila sakin. Bumalik ako sa pagkakasandal sa pader sa tabi ni Ci. Nanlalaki pa ang mata niya sakin.

"Jay-jay? Ayos ka lang di ba?" Takot na tanong niya sakin.

Inambaan ko siya ng suntok. "Umayos ka nga dyan."

Mahina siyang tumawa. Binalik ko ang tingin kila Keifer. Mukang mahaba-haba ang usapan nila. Hanggang lumingon siya sa gawi namin at salubungin ang tingin ko. Naging malungkot ang mga mata niya bago harapin ulit si Yuri.

Pakiramdam ko tungkol pa rin to sa mga sinabi niya kanina. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Wala pa rin siyang tiwala.

Hindi nagtagal ng lumabas sila Mica mula sa kwarto. Naiwan si Ella sa loob kaya naman malakas ang loob ng mga kasama nila na pag-usapan siya.

"Ang init ng ulo." Sabi ng isa habang natatawa. "Nagseselos talaga yon kay Freya."

"Hindi lang kamo talaga niya matanggap na kahit sila ni Aries, si Freya pa rin ang reyna." Dagdag ng isa habang patuloy sila sa paglalakad.

"Bitter." Komento ng isa bago sila tuluyang maka-alis.

Kung kanina natatawa ako sa pag-seselos ni Ella ngayon parang hindi na. Hindi ko talaga gusto ugali ng mga kaklase nila.

Napatingin ako kay Mica na kasalukuyang nakayakap kay Calix. Batid ko ang nararamdaman niya sa sinasabi ng mga kaklase nila kay Ella. Hindi lang talaga niya gawain na magsalita laban sa iba pero alam kong gusto din niyang sumagot.

Matapang naman si Ella kaya alam kong kayang-kaya na niya ang mga kaklase niya. Maswerte talaga ako at napunta ako sa Section E. Kahit lagi nila kong inaasar lagi naman nila pinapa-ramdam na andyan lang sila para sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...