Boyfriend Corp.

By iamKitin

35.2M 768K 254K

Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loo... More

Boyfriend Corp
Chapter 1 : We Mean ALL
Chapter 2 : Gatorade
Chapter 3 : Weird Day
Chapter 4 : Boyfriend
Chapter 5 : Contract
Chapter 6 : First Date
Chapter 7 : P.E.
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Special Chapter #1
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
The Last Chapter
Special Chapter 2
FAQ
BOYFRIEND CORP BOOK!
BFC Part 2

Chapter 12

685K 15.4K 8K
By iamKitin

Chapter 12

[Francis Madrigal's  POV]

Narinig ko ang sigawan ng mga customers! Welcome heaven, again! Hoo! Ang dami na namang customers na gustong pagpyestahan ang Free demo. Ang hirap hirap talaga ng trabaho ko pero ewan ko ba! Pag nakakakita ako ng masayang babae, natutuwa ako.

"Good morning, girls! Calm down please. Calm down!" saway ko sa mga di papigil na kababaihan na halos magwala na sa harapan ng stand. At katulad last week, ang haba na naman ng pila. Hohoh! Tiba tiba na naman 'to!

May pera ka na naman, Francisco-oh-oh! *Cha-ching!*

"Ako muna! Ako muna!!" Nagulat ako nung biglang may babaeng nakipagsisikan at talagang pinagtulakan ang mga babaeng nakahara sa daan niya. Hala! Sabing calm down e!

"Hep hep! Miss, walang tulakan!"

But oh, hindi naman ata ako narinig e.

"Ako muna kasi!" ulit niya. Walangya! Ang lakas ng boses! Napatigil ang mga taong malapit sa kanya. Natigilan sa sigaw niya. Nakalunok ata 'to ng megaphone e!

"Ah.. Mi—"

"I want this guy. ASAP." Napatameme ako nung may nilapag siyang picture sa may stand.

"Oh!" Tiningnan ko 'yung picture. Asul ang buhok. Mehe. Kilala ko naman 'tong lalaking 'to. Siya lang naman kasi mahilig magkulay ng buhok e. Take note: Rare dyes pa! "Sorry to inform you, Miss. Pero taken na si Gatorade e. Hehe."

"What?!"

Napapikit ako at tinakpan ang tenga ko sa lakas ng bunganga nung babae. Grabe! Talo nanay ko sa pagkaarmalite!

"Yes. Nakuha na po siya last wee—"

"This is so not happening!" Hala. Nalintikan na.. "Five months siyang hindi nakuha ng kahit sino tapos bigla bigla lang siyang makukuha ng ganun?! No way! Nagipon pa naman ako ng pera enough for his hiring fees!"

Kamahal nga naman kasi ng hiring fee ni Gatorade. Masyado naman kasing in demand yun kahit lima palang ang nagiging clients. Iba na talaga ang charisma ng lalaking 'yun. Wala namang iba sa kanya. Pareho nga kaming gwapo e! Siguro ang lamag niya lang sakin ay ang asul na buhok ng lokong yun.

"Sorry po. Better luck next time nalang!"

Kininditan ko siya pero—

"No! No! Ang gusto ko ay si Lance Alexander Zamora!"

"Taken na nga siya. Magintay nalang po ulit tayo ng three—"

"Hindi na ako makakapagintay pa!"

"Pero—"

"Gagawa ako ng paraan para magbreak sila!"

"What?! No miss. It's against our rules. You can’t just do that!"

"I don’t care!"

Pinipikon ako ng babaeng 'to ah! Just breathe, Francis. Though, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyare 'to kaso naririndi na talaga ako sa boses niya e. Alam mo 'yung tumigil na nga yung sigawan nung mga babae kanina pero taob e! Taob na taob. Eh siya lang ang nasigaw.

"Alam mo Miss, you should stop shouting before I call the security."

"No! I don't care. Mapapasakin si Gatorade no matter what!" Napaurong ako nung bigla niya akong dinuro. Ow. "I am Princess Mae Saavedra! And I always get what I want!"

Parang nagslow-mo ang lahat nung nagflip ang buhok niya nung tinalikuran niya ako. And de ja vu,  parang naulit na ang pangyayaring 'to. Nahawi ang daan para makadaan siya. That was kind of interesting. Hindi ko inaakalang magagandahan ako sa babaeng galit. OuO

Ano daw pangalan?

Princess ano daw?

Get grip, Francis. Hindi na dapat siya ang inaalala mo.

Tahimik lang ang mga nanunuod samin nung binawi ko ang ngiti ko, "Who is up for our demo, again?"

*

"Woo! Ang init!" sigaw ni Charles nung makapasok kami ng sasakyan. Nakakapagod ang araw na 'to. "Pengeng wet wipes!"

"Ang arte! Parang di nagustuhan nangyare kanina!" sita sa kanya ni Von. Heto na naman po sila.

"Ulul. Sensitive lang talaga labi ko."

"Oh, tigil na. Tama na yan. Mamaya pikon na naman kayong dalawa. Oh eto wet wipes!" Hinagis ko kay Charles yung wet wipes.. Ini-start ko na ang engine. Late na kami natapos sa free demo sa ‘We have it all, We mean ALL, Mall!’ Kahit alas-singko palang ng hapon. Late pa rin 'yun. Ang daming tao.

Papaandarin ko na sana ang van nung biglang may mahagip ang mata ko ng pamilyar na sasakyan...at tao! Aba.

"Huy. Si Lance yun ah!" turo ni Troy. Looks like tama ako sa nakikita ko.

"Gago. Pasalamat ka di ka rinig niyan, masusumbi ka nun." Sabi ni Charles. Napangiwi ako habang pinapanuod siyang punasan ang labi niya. "What?"

Umiling ako. Never mind, "Dito lang kayo."

Bumaba ako ng sasakyan at lumapit dun sa katapat naming sasakyan, actually dun sa Minica. Eh pano ba naman di magiging pamilyar ang lokong 'to? Eh buhok na buhok palang kilalang kilala na.

"Hoy asul na buhok na tinubuan ng mukha!"

Papunta na kasi sya sa sasakyan. Saktong saktoQ Nangangamoy may kadate ah! Napatingin naman sakin yung tinatawag ko. Mukhang hindi naman siya nagulat na makita ako. Malamang! Alam ko namang sawang-sawa na yan sa pagmumukha ko. Ang gwapo ko daw kasi. (insert evil laugh here)

"Oh?"

Ay bastos. Ang sungit talaga ng lokong 'to.

"Kahit kelan talaga!" Inakbayan ko si Gatorade at ayun na! Parang pinainom ng isang boteng suka! Gusot na naman ang mukha e. Hahaha! "What's up madlang people!"

"Ancis! Bunganga mo!" Pinilit niyang makawala sa pagkakaakbay ko. Binitawan ko na. Mahawa pa siya sa kagwapuhan ko! Di ako papayag. Swerte niya pag nangyare yun!

"Ito naman! Namiss lang e. Isang linggo ka ring wala sa kompanya. Walang asul!"

Pero ano pa nga bang inaasahan ko sa lalaking ‘to? Hindi naman yan interesado at alam niyang hindi totoo ang sinasabi ko. 

"Tamo tong lalaking 'to. Ayus ayusin naman. Wag kang laging menopause. Aba! Mamaya hiwalayan ka ng kliyente mo! Ano ngang pangalan ng magandang baeng 'yun? Andrea? Angie? Alice?"

"Alexa."

"Yown! Natumpak mo kaibigan!" Nag-beng ako sa kanya. (Yung parang binaril? Hehe. Beng tawag ko dun e. Haha) "So kamusta na ang labeng-labeng niyo?"

"Ha? Labeng labeng?"

"Oo! Loving loving! Nabobo ka na dre?" Napaurong naman ako at natawa nung sinamaan niya ako ng tingin. Napaka talaga ng Gatorade na 'to. Di mabiro e. Laging menopause. Daig pa ang babae. "Joke lang! Joke lang!"

"Umalis ka na nga."

"Ay! Madamot? Ayaw akong kausap?"

"Oo, buti alam mo."

"Aray!" Nagpanggap akong nasaktan. "Truth hurts nga naman talaga!"

"Layas na kasi."

"Wag ka naman ganyan. Asan kasi si Alexa? Mangangamusta lang e. Sweet ka ba sa kanya? Hoy maging mabait ka ha? Tiba tiba tayo sa Delos Reyes na 'to. Ang yaman! Aba! Laging investment sa BFC."

"Mukhang pera."

"Atleast, gwapo." Pinataas baba ko ang dalawang kilay ko.

"Kapal." Nagpoker face na naman siya. Di ba nangangalay ang lalaking 'to? Naalala ko tuloy si Marcus. Di ko nga maintindihan kung bakit magbestfriend ang dalawa e. Parang kinain ni Marcus ang pagiging palangiti e tapos pinagdamutan si Gatorade. Ayaw man lang ngumiti.

"Onga pa—"

"L.A!" Napatigil ako sa pagsasalita nung may sumigaw. Oh. Tama ang rinig ko. May tumawa ng L.A! Tumingin ako sa likod ko at nakita si Alexa na may hawak hawak na aso. Aba. Kilala ko ang asong 'to ah.

"Oy! Hi Alexa baby!" Napatigil naman si Alexa sa paglalakad at medyo napaurong nung narinig niya ang sinabi ko. Lah! Natakot ata.

"Gago." Aw! Napahawak ako sa tiyan ko nung bigla akong siniko ni Gatorade. Napakaseloso talaga nun. Lumapit siya kay Alexa at may sinabi. Di ko marinig e. Medyo malayo layo kasi sila. Sows. Uso pa ba privacy ngayon?

Natapos ang bulungan session nila at lumapit na din ang dalawa sakin. Kumaway ako kay Alexa at ngumiti naman siya sakin. Napatingin ako dun sa asong hawak niya.

"Nanganak na pala si Ice?" tanong ko kay Gatorade. Tumango siya. Nanganak na pala yung Pomeranian niya, hindi man lang nagsasabe!

May sinabi pa ulit si Gatorade kay Alexa. Actually, bulong. Di ko narinig e. At pakiramdam ko ayaw talaga iparinig ni Gatorade. Possessive blue head. Selfish!

"Nice to see you, Francis." Nagulat ako sa sinabi ni Alexa. Bago pa ako makapagreact sumakay na siya sa Minica. Ay. Wala na pala kamingreminiscing moments? Walk out agad?

"Ang selosong boyfriend." Reklamo ko.

"Madaldal ka kasi."

"Wala naman akong sasabihin e! Wala pa nga, actually."

"Mabuti ng sigurado."

Natigilan na kami pareho. Alam naming pareho ang pinaguusapan naming dalawa. Eh ano pa nga ba dib a? Eh di syempre ang itinatago naming relasyon! Oo! Boyfriend ko si Lance Alexander! Ang gwapo gwapo namin ano? Tapos ayun. Kami pala. Hahahaha! Ganyan talaga ang buhay ngayon.

"Alam mo namang satin sating dalawa lang yun e."

"Wala akong tiwala sayo."

"Ang sama sama sama mo."

"Just get to the point, Ancis."

"Ano 'yun? Na mahal mo ko?"

"Ancis!"

Hehehe. Pero syempre joke lang yun! ASA! Sa gwapo kong 'to magpapakabakla ako? Aba! Sayang ang magandang lahing mai-donate ko sa next generation ko. Maraming kababaihan ang iiyak at magiging kawawa! Ni hindi ko naman matiis ang mga kababaihan lalo na kung maganda!

"Oo na! Oo na! Ayun, natrace na namin si Nikki." Yung psycho ex talaga niya ang pinaguusapan namin. Wag kayong macarried away ha? STRAIGHT kami. Gusto niyo proweba? Halika at lumapit ka lang kay Francis!

"Tapos?"

"We're working on it. Ang hirap naman kasi kung mauuna tayo. Malilintikan tayo kay Madam." Nakita ko ang pagiging tense ni Gatorade nung nabanggit ko si Madam. Takot yun dun e. Hehe.

"Magbabantay pa rin ako."

"Sweet!" sumipol ako at natawa nung sinamaan na naman niya ako ng tingin. "Chill. Kinikilig lang naman ako e. Ang sweet mo kasi sa bagong client mo. Ayii!"

"Pedeng batukan ka?"

"Woah." Napaurong ako at natawa. Lagi naman akong tumatawa e. Heheheh. Nagshield ako at bumuntong hininga naman siya. Taob ka pala pare e! Sa kapogian ko palang, walang wala ka na.

Ang labo ko.

"Sabihan mo nalang ako pag may nangyare."

"Yes boss!" sumaludo ako kay Gatorade. Napailing nalang siya at ako? Eh di tumawa. Sumakay na si Gatorade sa Minica kaya kumaway ako sa tao sa loob, kay Alexa. Ngumiti naman siya sakin. Ganda talaga ng mga babae ano?

Tumalikod na ako para makabalik sa van.

"So siya pala yung bagong client?" Napatigil ako sa paglalakad nung biglang may nagsalita. Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ang isang babae sa katabi nung sasakyan malapit sa van namin.

Yung babae kanina! HALA!

May Nikki na ngang psycho ex. Madadagdagan pa ata. Teka nga, what wa her name again?

*

[Alexa Gabrielle Delos Reyes' POV]

Start na ng formal classes at ganun pa din, wala pa rin akong pakielam. Ang boring kasi at dahil dun inaantok ako at wala na akong ginawa kung hindi humikab ng humikab. Medyo di ako makatulog ng ayos ngayon. Pano ba naman kasi, 4th day na ni Gatorade na nagbabantay dun sa labas ng apartment namin.

Why so paranoid, right?

"Aba. Aba. Wala pang prelims, puyat na agad?"

"Wag mo akong bwisitin ngayon, Alex. Not on my mood."

"Sunget."

"Ah! Alex!" I pushed him away nung pinisil niya ang ilong ko! Naman e. Bakit kasi laging ilong ko? "Hmp!"

"Ang cute cute mo. Kamukha mo si Rudolph lalo na pag pinipisil ko ilong mo." Rudolph the red nose reindeer. I made face. Corny niya ano?

"Tuwang tuwa ka talagang inaasar ako no?" Tumango naman ang loko. Inirapan ko lang siya at hinilot hilot ang ilong ko. Haay. Kahit ilang kurot o pisil pa ata ang gawin nila sakin, antok pa din ako.

Buti nalang tapos na din ang klase. Walang last subject kaya naman maaga ako makakauwi. I want sleep! Gatorade's guarding at night doesn't really help. Inaantok ako sa ginagawa niya. Nakailang invite na nga ako sa kanya sa loob pero wala e. Ayaw ko nga daw siyang patirahin sa bahay niya kaya ano daw karapatan niya.  At alam ko ang dahilan kung bakit niya sinasabi yun. And the result? Ayun, nakokonsensya ako sa sinabi ko sa kanya noon.

Inayos ko na ang gamit ko. Gusto ko ng makauwi para makatulog! Hindi alam ni Gatorade na wala kaming klase kasi biglaan ang lahat. Itetext ko nalang siya mamaya. Pag kasi nalaman niya, susunduin niya ako dito tapos ayun mapaparanoid lang kami pareho at boom. Hindi ako makakatulog. Maganda ng makasigurado.

"Tara magmeryenda!" aya ni Alex.

"Thanks but no thanks." I'd rather have sleep than food. Please! "Got to go! Bye."

Tumakbo na ako palabas bago pa ako mahabol ni Alex. Agad akong bumaba ng building. Tinatawag na ako ng kama. Ang mga domokun dreams ko! Yes. This is my time to sleep. Nothing can stop me from having a good sleep.

And the Blue head guy is included to that list.

Gymnasium nalang, tapos gate, tapos lakad papuntang likod ng school. And boom! Apartment sweet Apartment! At naghihintay sakin dun sa isang masarap na kama.

Narinig ko ang pito ng PE teacher at ibang ingay sa gym. May laro ulit. PE nga pala ngayon ni bebs. Well, I don't care. I care most to my bed. I can talk to her later.

Mas binilisan ko ang paglalakd ko dahil pakiramdam ko may pipigil sakin sa paguwi ko ng maaga ngayon. Being paranoid, kahit alam ko namang hindi ako mapapansin si bebs, nagtatago ako. Feeling ko hindi niya ako papatulugin pag nakita niya ako.

And it’s a relief nung nakalagpas na ako sa may Gym. Hoo! Success.

But not for too long,

"Gab!"

Naglakad pa rin ako at nagpatay malisya. Kilala ko ang boses na yun. Not good. May kontrata na akong nagawa sa utak ko concerning ng kama ko,

"Gab!"

Ng domokun dreams ko,

"Gab!!"

At naghihintay saking masarap na tulog..

"Gab!"

Napipigilan ko na ang konsensya kong lumingon at para huwag tingnan si Marcus pero may sinabi siya na nagpapanalo pa rin kay Gab’s conscience. 

"Si Gatorade nasa clinic! Mataas ang lagnat!"

Instant akong tumalikod at tumingin sa tumatawag sakin. Ano daw sabi niya? Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya? Si Gatorade nasaan at anong mataas?

"Si—Si—" Tumigil na siya sa harap ko. Hingal na hingal. Halatang kanina pa niya akong hinabol. "Si Gatorade. Clinic."

"What happened?" Hinawakan ako ang magkabilang balikat ni Marcus. Pagod niyang tinuro ang daan papuntang clinic. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo na ako pabalik, papuntang clinic.

Ano ba naman kasing ginawa ni Gatorade ngayon. Tss!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 101K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
7M 82.9K 88
Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatan...
3.6M 50.3K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]
118K 5.5K 11
Ito ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.