Opposite Souls [Soul Series #...

By dizophia

115K 6.3K 5.4K

From being the famous instagram model that everyone follows, Summer Alydia Morada, became the most hated infl... More

Opposite Souls
Prologue
Chapter 1: Opponent
Chapter 2: Alcohol
Chapter 3: Home
Chapter 4: Tired
Chapter 5: Rock
Chapter 6: Confrontations
Chapter 7: Fiancée
Chapter 9: Heard
Chapter 10: Debate
Chapter 11: Sold
Chapter 12: Sex Slave
Chapter 13: Choke
Chapter 14: Head Over Heels
Chapter 15: Darkness
Chapter 16: Cut
Chapter 17: Girlfriend
Chapter 18: Kissing?
Chapter 19: Masarap Ba?
Chapter 20: Cousin
Chapter 21: Kiss Mark
Chapter 22: Star
Chapter 23: Date
Chapter 24: Party
Chapter 25: Congruent Souls
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Note

Chapter 8: Goodbye

2.6K 270 203
By dizophia



bang nagpapalipas ng oras, nakayuko akong nanonood ng random videos sa social media bago makita ang pares ng pambabaeng sapatos kaharap ng sa akin. 


Nag-angat ako ng tingin at nakita si Sheena sa harap ko. I raised a brow, asking what she's doing in front of me. 


"Hey, Sam, it's been a while! How's the ex-life been treating you?" tanong niya na may nakakalokong ngiti sa labi. 


But wait, I removed my airpods. Did I hear her right? Sam? Close ba kami? Sampalin ko kaya 'to? 


"Sheena!" inis na tawag sa kanya ni Everett, gustong lumapit sa kinaroroonan namin ngunit tinignan ko siya ng masama. 


Hindi na nga tama na kausap ko ang girlfried niya tapos lalapit pa siya? Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakita? 


Umayos ako ng tayo para harapin ang bastos ang bungangang babae na nasa harapan ko. "I'm not the ex and will never be." 


Tumalikod ako sa kanila para lumipat ng pwesto kung saan ako makakapanood nang mas payapa. 


"Awit. Hindi pa nga nanliligaw, nangangamoy basted na!" rinig ko sa gilid ko. 


Nilingon ko ang gawi na 'yon at doon ay nakita ko ang isang chinitong lalaki, si Stein, one of Everett's friends. 


"Manahimik ka, bibig mo lang 'yang naaamoy mo,"pambabara naman ni Leo sa gilid habang nakangisi sa akin. 


Nginitian ko siya pabalik. Hindi ko pa nga siya napapasalamatan sa ginawa niyang pag-aalaga kay Rosea noong nakaraan. He's been nothing but good to me. I've known these people for months and I've been friends with them for a short period of time so I can't just ignore them. 


Napawi ang ngiti ko ng humarang sa akin ang malapad na balikat at matindig na likod ni Everett. 


Hindi ko nakita ang reaksyon ng kanyang mga kaibigan pero rinig ko ang pagtikhim ni Stein at pag ayos ni Leo.


Teka, bakit parang may kulang sa kanila? 


"Babe, come on samahan mo na ko mag shopping. You promised me this day." 


Napairap na lamang ako sa kanilang dalawa at lumapit sa mga kaibigan ko. Ilang oras pa ang hinintay namin para sa iba. 


Isang malakas na palakpak ang nagpaayos sa amin, hudyat na magsisimula na. 


"So, I know all of you are aware kung sino ang makakaharap ninyo. Gaya ng nakapa-scale sa bulletin board,"ipinakita sa amin ang mga printed schedule ng debate, together with the representatives, na katulad nga ng nakalagay sa bulletin board. 


1. Clarissa and Joey 

2. Myrtle and Phoebe 

3. Emman and Rachelle

 4. Chandler and Monica

5. Summer and Everett 


"Today, aayusin lang natin ang mga kailangan gawin sa susunod na araw para wala nang magkamali. Kung saan kayo papasok, kung paano kayo ipakikila, kung kailan kayo tatawagin at syempre ang mismong debate," the student council representative informed us.


I nodded and looked at my side. 


Nagtama ang mga mata namin ni Everett ngunit hindi rin nagtagal dahil nahagip ng aking mata ang nakataas kilay na si Sheena sa likod niya. 


Umirap ako sa kawalan.Pero hindi nakatakas sa mata ng mga kasama namin iyon.


 "Morada? May problema ka ba sa sinabi ko?"


 At bakit ko nga ba nakalimutan? Mainit nga pala ang dugo sa akin ng mga tao rito. 


"Maybe she's tired, cut her some slack," Everett declared in a low voice that made everyone silent. 


Of course, who would go against the university heatthrob? Nakakasuka. Hindi na lang ako umimik at pinigilan ang sarili na umirap muli. 


This is so annoying! 


They started to orient us from the positions, timings, annunciation, and every other little details we shouldn't miss. 


Hindi rin naman ako makapag focus dahil panay ang landian ng dalawa sa gilid ko. The fuck are they doing? Geez, get a room! So cheap. 


"Summer!" malakas na sigaw ng isang lalaking kakapasok lamanag sa hall habang kumakaway-kaway pa.


I motioned him to keep quiet because of the orientation. 


"Sorry ngayon lang," bati sa akin ni Dwigh. He's one of Everett's friends at siya rin ang pinaka ka-close ko sa kanila.


He's just always the smiley and happy-go-lucky guy. Siya rin ang laging unang nag-aaproach sa akin kaya gumaan ang loob ko sa kanya. 


We remained friends and in touch ever since. 


"Huh? Ba't sa akin mo sinasabi yan? A-Ayos lang naman sa akin kung late ka. I mean... wala naman akong pake," I blurted out, confused. 


Bakit ba sa akin lumalapit ito? Naroon sa kabila ang kaibigan niya. 


"Ouch." Siniko niya ako habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib, umaarteng nasaktan talaga siya. 


I chuckled. 


"Parang 'di tropa 'to. Syempre nandito ako para suportahan ka." Sinundot-sundo pa niya ang tagiliran ko na parang bata na nangungumbinsi. 


Natawa ako lalo sa kiliting hatid nito. 


"What? Bakit ako? Bakit hindi ang kaibigan mo ang suportahan mo?" 


"Dude, kita mo naman. Di na kailangan ni Elle ang suporta ko. Solve na solve na sa chix— Ay joke." Napatakip siya ng bibig at tinignan akong mabuti, tinitimbang ang ekspresiyon ko.


Napairap ako, alam ko naman 'yon. Nandiyan ang fiancée niya kaya todo-todong suporta na natatanggap niya panigurado. 


Matagal na ba sila? Noong mga panahon ba na sinabi niya na mahal niya ako ay sila na? Tumingin ako sa gawi nila na pinagsisihan ko rin. Madilim na nakatitig si Everett sa direksyon ko tila hinihintay ang paglingon ko.


Gusto kong itanong sa katabi ko ngayon ang mga bumabagabag sa isipan ko ngunit ayaw ko namang isipin niya may nararamdaman pa rin ako para sa kaibigan niya. 


Napayuko na lamang ako. 


Naupo ako sa may waiting shed at tinext si mang Tope. It's already quarter to nine. Tumagal ang orientation kaysa sa inaasahang oras dahil sa mga late comers. 


Madilim na pero ang ilaw galing sa poste at sasakyan ay nagpakalma sa akin. Payapa ang gabi, malamig pero masarap sa pakiramdam. Nilalamig nga lang ako dahil sa damit ko.


 Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Binuksan ko ulit ang cellphone at tinignan kung may reply na si mang Tope ngunit wala pa rin akong natatangap. 


Naiinip na ko at nilalamig na rin. 


"Stop clinging unto me. You're irritating me," naagaw ang atensyon ko sa boses na nanggagaling sa kaliwa ko. 


Napalingon ako at nakita si Everett na hindi na nagulat nang makita ako. 


Huh. 


"Para namang 'di ka pa sanay, babe. Oh, I forgot you hate PDA nga pala," sheena announced for the peaceful night to hear. 


Pinanganak kaya ang babaeng 'to na may megaphone sa lalamunan? And what? Everett hates public display of affection? Parang dati naman... 


I chuckled unconsciously. 


Napatingin sila sa akin. Ibinaling ko ang paningin ko sa cellphone at pilit na tumawa ulit para hindi halata. 


Damn it!


"Ang lamig," reklamo na naman ni Sheena sa gilid ko. Hindi ko maiwasang punain ang pagpapapansin ng babaeng ito. May jacket naman siya. Nakakabulabog na ang matinis niyang boses sa waiting shed na ito.


"Do you need a jacket?" hindi ko na sana sila papansinin pang muli kung hindi lang sa akin nakatingin si Everett. 


Kinunotan ko siya ng noo at tinaasan ng kilay. 


"I said, do you need something, Sam?" Nakita ko rin ang pag singhap ni Sheena sa tanong ni Everett. 


"Uh... No, thanks," tanggi ko para maalis na sa akin ang matatalim na tingin ni Sheena. 


Kung nakakapatay lang ang tingin baka tinignan ko na siya nang masama kanina pa. Aba hindi pwedeng ako ang mamamatay 'no. 


"Alright, uh... susunduin ka ba?" pagsubok na naman niya na kausapin ako. 


I sighed. 


Ayoko na makipag usap sa kanya. Gusto ko na umiwas ngunit paano ako iiwas kung ang tukso mismo ang lumalapit? 


Hindi na ako nakasagot nang dumating na ang sasakyan namin at lumabas si mang Tope na may sariling dalang jacket at pinatong iyon sa aking balikat nang makalapit ako. 


I smiled and thanked him. 


Nagulat si mang Tope nang makita si Everett, ngunit nang makabawi sa gulat ay tinanguan niya ito at tinulungan na ko sa mga gamit ko. Magkakilala sila? 


Umalis ako nang hindi sila nililingon. They are not worth my goodbyes. Goodbyes meant bidding farewell to see them again. In my case, I don't want to.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
668 264 10
Simula nong naaksidente at namatay ang anak ng stepmother niya ay doon na nagsimula ang sisi at galit sa kanya ng mga pamilya nito. May mga Bestfrien...
247K 10.9K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
256K 15.8K 9
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...