"Re-write." (sequel)

By LaysaChaan

110K 6.3K 3.5K

🔴 Read the first book - " stay with me " before step in this story. thanks! 🔴 ✨" FANFICTION."✨ Ps: pl... More

1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
"Under."
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35.
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52

4

2.7K 171 87
By LaysaChaan

" Dèjá vu - spark our memory of
a place we have already been,
a person we have already seen,
or an act we have already done."




COLEEN's POV

"W-wala, gusto lang kitang isama."







"Saan?" Kunot noong tanong niya.






"Uhm? Hahanap ng ibang bar? Yung walang manyakis." Ani ko.

Tumitig lang siya sakin at mukhang nagdadalawang isip pa kung sasama ba siya.







Mukha ba kong hindi mapagkakatiwalaan?





"Ayok—"






"Don't worry! libre ko." Pagputol ko dito.







Dahan dahan naman itong tumango.
"O-ok."






Libre lang pala gusto dami pang arti.







Ito na rin yung naisip kong way para magthankyou sa kaniya. Dahil mukhang naudlot yung matiwasay niyang pag iinom kanina, dahil sa akin.

....








Agad naman akong tumawag ng taxi, tinuro ko sa driver yung daan, dahil pag sinabi ko yung exact name ng lugar baka tumutol 'tong kasama ko.

"Dito." Ani ko nang makababa na kami ng taxi, Napatingin naman siya kung saan ako nakatingin.










"Sure ka ba diyan?" Nakabusangot na tanong nito.









"Tara na!" Hinatak ko na lang siya dahil baka umatras pa 'tong babaeng to.










Agad kaming pumasok sa loob. Napakasimple lang ng bar na to, walang ingay, walang music.

Binawian lang nila sa mga aesthetic na wooden table, pati na rin sa mga lights na hindi masakit sa mata.

Kalmado lang yung vibes hindi tulad sa kaninang bar na walwalan talaga.










"Wow?" Manghang sabi nito.








"Ganda dito no?" Ngiting sabi ko.









"Pano mo nalaman tong lugar na to?"
She asked.








"Uhm? Pano nga ba?"

Natahimik na lang ako habang Pinagmasdan ang buong bar. Parang nakapunta na ko dito pero hindi ko lang maaalala kung kaylan. Nagtataka rin ako dahil bakit parang kabisadong kabisado ko na ang buong bar na to.

A/N: (Kindly re-read "Stay with me- chapter 23" 😉. )










"B-bsta umupo na lang tayo." Ani ko, Naupo na kami at biglang lumapit samin yung lalaking payat, crew ata siya dito.







"Drinks po?" Tanong nito sakin, pasimple ko namang siniko si Gabb.

"Hey, Order something." Bulong ko.








"Ikaw na lang."








"Duh!? First time ko nga lang diba? Anong malay ko sa mga alak na yan?"
Irap ko dito, at umirap rin siya.










"Okay." Sambit nito, Natahimik ito bigla at natulala sa lalaking crew.









Don't tell me gusto niya tong payatot na to?









"Sir?" Tanong ng lalaki sakaniya dahil hindi manlang ito kumikibo.







Oh? HAHA napagkamalan pang lalaki.









"A-ay sorry!" Nabalik na ito sa wisyo.



"Wait! Wag yung katulad kanina ah. Kadiri kase yung lasa e." Paaalala ko.



"Hmm." Tumango na lang ito.


....


Agad na nilapag sa harapan namin itong dalawang baso ng alak na may pa iodised at lemon pa si gilid.




Para san ba tong mga to?




Agad kong tinunga ang baso at sising sisi ako kung bat ko ito tinunga.
"Mami! Bakit ganto?! Ang pait pa rin!? Eto ata yung kanina e." Reklamo ko dito.

"Lahat ng alak mapait. "Sagot nito at ininom yung alak na parang tubig lang sa kaniya.



"Yuck! Wala bang sweet type? For baby?" Demand ko dito.




"Edi sana sa starbucks ka pumunta." Sagot nito habang nakatitig dun sa lalaking payatot.




Bat ba siya tingin ng tingin dun?




Nagulat na lang ako ng bigla niya itong tawagin.

"Kuya?" Tawag niya.



"Bakit po?" Agad na lumapit yung crew.




"May I know your name?" Deretsang tanong ni Gabb.



"Ah bruno po." Sagot ng lalaki.



"B-bruno." Nautal na sambit ni Gabb habang nakatulala sa lalaki, ang weird niya.


"Bakit po?" Nagtaka na rin yung lalaki.



"Ah wala wala, sorry sa istorbo."
Ngumiti lang yung lalaki sa kaniya bago umalis. Natulala nanaman ito at parang ang lalim ng iniisip

"Type mo?" Tanong ko at bigla nanaman kumunot ang noo nito sakin.

"Sino?"

"Yung bruno?"

"Engot." Sagot lang niya.

Binaling ko na ulit ang atensiyon sa alak na hawak ko. "Bat mo tinanong yung name?dat kinuha mo narin yung number nahiya ka pa? Tas kung makatitig ka kala mo nalove at first sight ka?" Irap ko dito.

"Ewan, parang nakita ko na siya dati. Sobrang pamilyar ng mukha niya, teka? Bat ka nangiirap?" Tanong nito.



Inangat ko na lang ang baso sa harap niya. "Alam mo, uminom na lang tayo, Cheers!"








Muli na naman dumampi ang mapait na alak na ito sa labi ko. "Ang pait talagaaaa!"








"Masasanay ka rin." Aniya.



"Ang init sa lalamunan e." Inarte ko dito.



"Then drink again."


"Baka malasing na ko?"


"Para san ba yung alak?"

Agad ko naman itong hinampas sa braso. "Wag ka ngang pilosopo, Nakakabwisit ka."


"Okay, fine."

Ang hirap makipagusap sa kaniya, napakatipid lagi ng sagot. Kaylangan may maisip kang topic na paguusapan niyo dahil kung wala, hindi talaga siya magsasalita.


"Pano mo nga pala nalaman? na teacher sa school natin yung manyak na lalaki kanina." Tanong ko.


"Uhm, habang nag eenroll ako sa office nakita ko yung resume niya."aniya.

Dahan dahan akong lumunok bago ulit magsalita.

"Makukulong ba siya?"

"Every action has a consequence, kaya dapat siyang makulong." Sambit niya, at muling bumalik ang seryosong tono ng boses nito.


"Kasalanan ko rin naman, dapat pala nagpants na lang ako." Yukong sambit ko.

"Wag mong sisisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan, kahit anong isuot mo wala silang karapatan na galawin ka at hindi iyon sapat na dahilan para bastusin ka nila."

"But atleast learned to protect yourself, magdala ka ng pepper spray just incase."



Natulala naman ako dahil finally ang dami na ring words na lumabas sa bibig niya. "T-thank you."


"Thank you for what?" Tanong nito.

"For saving me." Ngiting sambit ko.


"I don't accept thankyou, cash will do."


"Wow? Business minded?"

"Like I told you, lahat ng bagay may kapalit." Ngising sambit nito.




GABB's POV

"Lagi ka bang umiinom?" Biglang tanong naman nito, apakadaldal.







"Ewan." Maikling sagot ko.






Agad kong pinuputol ang usapan dahil baka mapahaba pa. Kaso hindi nauubusan ng topic tong babaeng to. Gusto ko lang naman uminom ng matiwasay.





"May problema ka ba?"





"Bakit?"


"dalawang rason lang kung bat umiinom ang isang tao. Umiinom sila dahil masaya sila at malungkot sila." Aniya.


"Hindi ba pwedeng nauuhaw lang?" Pilosopong tanong ko.


"Ano ba! Wag ka ngang pilosopo!" Biglang sigaw nito at umirap sakin.

Galit ba siya?







"Sa nakikita ko wala ka naman ibang kausap, at hindi ka rin mukhang nag eenjoy. So Mayproblema ka nga."
Sabi nito habang pilit na iniinom yung tequilla na walang chaser.

"Lahat naman ng tao may problema, don't act like its not normal." Sagot ko.







"Oonga, normal na may problema ka pero hindi normal na hinaharap mo yon mag isa."








Huh? All this time Ive been fighting my own problems all by myself. Tas ngayon mo sasabihin na hindi normal yon?




"Alam mo kakakilala ko pa lang sayo pero parang bat antagal na kitang kilala?" Ani nito habang pinanliliitan ako ng mata.







"Ewan ko, lasing ka na ata." Ani ko dito at binalik na ang tingin sa baso ko.


"Anong lasing?! Alam ko pa rin ang sinasabi ko!" Sigaw nito.








"Bat ka naninigaw?"


Ganto ba talaga to pag nalalasing? Paibaiba ang emosyon?






Nagulat na lang ako ng biglang magmugto ang mata nito.

"Naiintindihan kita Dahil may problema rin ako. Pero magka iba tayo sa part na, Gusto kong may makinig sakin pero wala manlang handang makinig."







"Wow, so umiiyak ka naman ngayon?"







"Pero sayo may handang makinig pero hindi mo sila pinagbibigyan pakingan ka." Sabi nito habang nagpupunas ng luha.








"At sino naman sa tingin mo yung handang makinig sakin?" Kunot noong tanong ko.









"Ako."









"Geez, We've just met 3hours ago tas gusto mo mag share agad ako?" Aniko.









"Edi ako na lang pakingan mo!" Sambit nito.









"Fine, share your problems with me, makikinig ako."









"Talaga?"









"My choice pa ba ko?"









Tumunga muna ito at huminga ng malalim, parang tanga.
"Yung daddy ko." Panimula niya.









"Your dad?"










"Yung daddy ko!"









"Your dad then what?"









"Yung daddy koooo!"








"Tangna, Pang ilan daddy mo na yan? Tatlo ba daddy mo?" Iritang tanong ko.









"Dalawa, ikaw yung isa." Sabi nito sabay kindat, Boang.








"B-bahala ka nga."








Uminom muna ulit ito bago magsalita.
"My dad such a homo."








"Homosapien?" Biro ko.









"Letche! I'm serious here."






Wow, seryoso na siya ngayon, grabeng mood swing yan.





"Continue." Ani ko.







"Homophobic siya and I'm gay." Naiiyak na sabi nito.












Napa appear naman ako sa kamay niton

"Wow, what a great combination."








Agad akong tumigil sa pagbibiro ng makita kong seryoso na siya.

"Pinasok niya pa ko sa all girls school para mapatuwid ako, hindi niya alam mas pabor sakin yun, like~ I love girls you know?"

"Alam kong naiintindihan mo ko kase alam kong bi ka rin." dugtong nito pero agad kong pinutol.








"No, I'm not bi." Pagputol ko.









"Ha!? hinde?" Bigla naman ako tinignan nito mula ulo hangang paa.
"Eh ano ka?"








"Hindi ko alam, ewan ko." I honestly answered.









"Huh?" Takang tanong nito.









"But my parents forced me to marry a girl." Ani ko.









"So you've forced to marry a girl? when you like a boys?" Tanong niya.








"I don't like boys." Ani ko.









"Nani?!"









"I don't hate them either." Dugtong ko na kinanuoot ng noo niya.







para bang gulong gulo na ang itsura nitong nakatingin sa akin.
"Hindi kita maintindihan."







"Hindi rin naman kita maintindihan. Kwits lang?" Saad ko.









"You don't like girl? You don't like boys? Eh ano ka?" Tanong niya.









"Human?"








Napasabunot na lang ito sa buhok niya.
"Arggg! Life is so fucking unfair! If I'm on your position. It would be great."








"Yahh great, being controlled by your parents and being forced to marry a person you doesn't even love , yeah it's really great right?!"









"I mean-about girls love, pero sobra naman ata yun? Ipakasal ka sa di mo mahal? Diba nakakasakal yun?"









"Sa wakas, naintindihan mo rin."
Napabuntong hininga na lamang ako.

Bigla naman itong natahimik at tumitig sakin, napansin niyang malungkot na yung aura dito.







"Hayss!! Kalimutan na nga natin sila! Nandito tayo para mag enjoy! Cheers!"
Sigaw nito sabay angat ng baso.









Ang akala ko matatapos na yung mga tanong niya, akala ko lang pala yun.

"Pag usapan natin yung iyo." sabi nito.








"Bakit? Anong meron sakin?"








"Kung ano ka? Bisexual ba? Homosexual? Pansexual?" Sunod sunod na tanong niya.






.

"Bahala ka na lang kung ano tingin mo sakin." Ani ko.








"But have you kissed someone before?"









"U-uhm, oo bakit?" Sagot ko.







"Wow? Lalake o babae?"manghang tanong nito.






"Both?"







"Not bad huh? Pero? Huh? Babae tsaka lalake? Pano!?" Curiousity visible in her eyes.









"Uhm? Siguro dala ng kalasingan. Oh kaya nacurious lang ako kung ano feeling." Sagot ko at napakamot na lang sa ilong ko.









"Hmmmm? So you are a bi?" Sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.







"Ewan? Its just a kiss. Sapat na ba yun para masabi mo yung kasarian ng isang tao?"

"I mean kinikiss ko rin naman yung pillow ko when I'm bored."









"Sanaol pillow." Bulong niya.









"Ha?" Tanong ko dahil di ko narinig.






"Wala."








"Like I said, its just a kiss nothing special on it." Ani ko.









"Wala ka bang nafefeel na kung ano sa puso mo? Habang humahalik? Hindi ka ba kinikilig? O kaya parang may biglang kuryente na dumadaloy sa katawan mo?"








"Anong kilig? Anong kuryente? Bakit Ikaw? have you kissed someone before?" Balik na tanong ko sa kaniya.








"U-uh wag na natin pag usapan yon."
Sabi nito at biglang umiwas ng tingin.








"Hoy? Meron ba o wala?"








"Iba na lang pag usapan natin." Pilit niyang iwas.






"Meron no? "








"Aish! Wala nga."






"Sino."






"W-wala, ang kulet."






"Sino nga?" Iritang tanong ko.







"Wala nga, why you're so upset?"








Bigla ko naman inayos ang mukha ko, Bat nga ba ako nagagalit?

"S-sorry, nadala lang."








"Alam mo? Para kang math na naging tao. Ang hirap mong intindihin." Aniya.

"Alam mo rin? wag natayo magusap, enjoyin na lang natin tong alak."



....







"Freak, natuwa ka masyado! Sa tingin mo kaya kitang iuuwi sa bahay niyo?!"
Hingal na hingal sa sabi ko.








"Oo, you're genius right?" Lasing na sagot nito.








"Tss! Hindi ko alam kung saan ka nakatira Kakakilala ko pa lang sayo."
Pikon na sambit ko.








Naglalakad kami ngayon ay mali— ako lang pala yung naglalakad dahil buhat buhat ko tong babaeng 'to.

"Di mo ba talaga kayang maglakad!?" Inis na tanong ko.










"Kaya ko, pero hindi ngayon, Nahihilo pa ako." Sagot lang niya.









"Tsss! Pano tayo uuwi nito?" Problemadong tanong ko dito.








Biglang may dinikit itong card sa pisngi ko. "Here, book a hotel for us."








"Book yourself, stupid."







"How about buy a house for us."








"Geez? you think that damn card can save you in anytrouble?"







"But it can buy everything I want."

"Can I buy you?" Bulong nito sa kaliwang tenga ko.





"wag ka pang tumigil ihuhulog talaga kita." Pikon na sabi ko.






"Ihuhulog? Saan mahuhulog? Sayo ba? Edi go, ready ako."










"Lasing ka ba talaga?! O nagpapangap ka lang kasi tinatamad kang maglakad." Inis na sabi ko.







"Ano sa tingin mo?"









"Tss. Ano ba ulet pangalan mo?" Tanong ko dito.







"Baby."







"Baby amp! wag mo nga kong pinagloloko!" Pikon na pikon na ko.






"Di naman kita niloloko baby e." Bulong nito sa tenga ko.









Puta. Ihuhulog ko na talaga 'to, pag ako napuno.








"I know your name starts with letter C,
Corin ba yun? Co- calin? Celine?"









"Nope, pag nahulaan mo bibigyan kitang reward."










Biglang may pangalan na sumagip sa isip ko na nagdulot ng kirot sa aking ulo. Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa sobrang sakit.

"Okay ka lang?" Tanong nito.







"Coleen." Biglang lumabas sa bibig ko.
Bakit sobrang pamilyar ng pangalan niya. Bakit parang narinig ko na yun. Mas nadagdagan ang sakit ng ulo ko kaya napaupo na lang ako sa sahig habang nakapasan pa rin siya likuran ko.





"Huy, okay ka lang ba?" Tapik nito sa likod ko.






"Oo okay lang ako." May tumatawag sa phone mo." Pilit na sabi ko dahil kanina pa nagriring yung phone niya.








"Ihh hayaan mo na lang."








"Sagutin mo!" Utos ko.









Agad niya naman itong sinagot
"Tss, Hello?"







"Hello? Coleen asan! Ka?!" Boses sa kabilang linya.






"Hi ate abby hehehe." At nagawa pang tumawa.







"Nasaan ka na!?"







"Don't worry ate, nasa tamang tao na ko, bye!" Sabi niya sabay baba ng phone.






"Naknamporklet!? Bat mo binaba!" Inis na tanong ko dito.






"Kase binaba ko?" Aniya, I'm done with this girl.









"Akin na nga yung phone!" utos ko, Agad niya naman inabot. Agad kong pinindot yung name ng ate niya at tinawagan ito.







"Hello, Coleen?" Abby.








"Hi, ako nga pala yung classmates ni Coleen, pwede bang puntahan mo kami dito?" Sambit ko.








Shaks! sobrang sakit ng ulo ko.








"nasaan ba kayo?" Tanong nito.







"Were here at Sta.Mesa sa tapat ng—"
Agad ko naman tinignan ang paligid.

"Bat gumagalaw yung mga letters?"
Sa sobrang sakit ng ulo ko hindi na ko makapagbasa ng maayos.

"h-here at eleven 7."









"You mean 7 eleven?" Natatawang tanong nito.









"Wala akong pake kahit mag twelve pa yan! Just fucking come and pick up this girl." Iritang sambit ko.







"Okay okay! Diyan lang kayo. Hintayin niyo ko."









Agad kong binaba ang phone at napabuntong hininga na lamang.
"Aishh, Ayoko na."

Agad kong binalik ang phone kay Coleen.







"Umalis ka na nga diyan sa likod ko." Utos ko dito dahil nakapasan pa rin ito sa likuran ko.








Agad naman itong bumitaw at naglakad papunta sa harap ko.

"Anong ginagawa mo?" Taas kilay na tanong ko.











"Eh ayaw mo sa likod mo, edi sa harap mo na lang." Sabi nito at umupo na nga sa harapan ko.








"Tss! Pano mo nagagawang makipagbiruan pa sa sitwasyon natin ngayon? Pano kung may dumaan na puting van tas dakpin tayo?" Tanong ko dito.








"Kaya nga di ako humihiwalay sayo e. Kung dadakpin man nila ako isasama kita. Atleast hindi ako mag isa."

"Atsaka Feeling ko rin safe ako pagnandiyan ka."







"Stupid, I'm still a stranger. Hindi mo dapat ako pinagkakatiwalaan."







15 minutes later.





Napayuko na lamang ako ng bigla nanaman kumirot ang ulo ko.
Alam kong hindi pa ko lasing at hindi ako madaling malasing. Hindi ko alam kung bat nakakaramdam ako ng ganito.
Parang anytime babagsak na lang ako.

"Mukhang kulang ka sa tulog? Natutulog ka ba?" tanong niya.








"H-hindi ko alam." Pilit na sagot ko, Bigla na lang bumagsak ang ulo ko sa balikat niya. Pinilit kong umalis ngunit ang bigat bigat ng ulo ko para magawa yun.








"Mmm. It's fine, you can rest on my shoulder anytime you want." Malambing na sambit nito.







"So warm." Wala sa sariling bulong ko






Her scent, her body, her warm, It feels like home.






Parang ito yung pakiramdam na matagal ko nang hinahanap hanap.







Sobrang komportable, Ang sarap sa pakiramdam.







I just want to lean on her forever.






ABBY's POV.

Agad akong nakarating sa sinabi nilang lugar. Agad kong nakita si Coleen dahil nakaupo lang ito sa gilid ng kalsada.

"Coleen! Ano bang nangyare sayo!?"
Salubong na tanong ko dito.









"Ssshhhi! she's sleeping." Pabulong na sabi niya.

Agad ko naman tinignan kung sino ba tong yakap yakap niya. "Sino yan? Si Gabb!? Gabb anong nangyare?" Tarantang tanong ko.










"Baliw ka ba? Sa tingin mo sasagot yan? Nakita mong tulog e." Sagot ni Coleen.






.

"Kaylangan kong tawagan si sela." Ani ko.










"Wag na, Iuwi na lang natin siya, Atsaka galing rin kayo sa inuman diba? Baka lasing na rin yun? Tulungan mo na lang ako dito." Aniya.









Sinubukan muna namin gisingin si Gabb, pero tulog na tulog ito. Para bang ilang taong hindi natulog.

"Buhatin na nga lang natin siya." Sabi ni Coleen.









"Ano ba kasi ginawa niyo? Bakit hindi ka sumipot sa sinabi kong bar?" Alalang tanong ko.








"Wag mo muna ako tanungin ate, ang sakit rin ng ulo ko." Aniya ng tuluyan nanaming mapasok sa loob ng kotse si Gabb.







"Tss, Matulog ka na rin diyan." Sambit ko kay coleen.









Agad kaming nakarating sa unit namin. Pinagtulungan na namin buhatin si Gabb dahil hindi pa rin ito nagigising.

"Ate san natin siya ilalagay?" Tanong nito.






"Wag sa kama ko ah." Sabi ko.





Agad nanamin itong nilapag sa kama niya. Nagtitigan lang kaming magpinsan dito dahil hindi namin alam ang susunod na gagawin.

"P-palitan pa ba natin siya?" Sabi ni Coleen habang pinagmamasdan si Gabb.







"Kaya mo na yan." Sabi ko at agad agad na lumabas.








"Ate abby!"








3RD POV.

Agad lumabas si abby para tawagan si Sela. Kaya naiwan ang dalawa sa loob.









"W-wala naman malisya diba? W-we're both girls naman diba?" Bulong ni Coleen sa kaniyang sarili habang dahan dahan humihiwalay sa pagkakayakap ni Gabb.







Agad siyang naghanap ng komportableng damit na pamalit dito.

"Pwede na siguro 'to, di ka naman mukhang maarte." Sabi nito ng makakuha na ng oversize na shirt.









Agad itong nagtungo sa pwesto ni Gabb. "Papalitan lang kita ng damit ah, wag ka magisip ng kung ano ano." pagkausap niya sa tulog.






Dahan dahan nitong inangat ang dulo ng tshirt ni gabb. Agad niyang binaba ng makita niya ang makinis at maputing tiyanan nito.






Napahawak na lang si Coleen sa kaniyang leeg. "bat parang ang init? nasan na ba yung remote ng aircon."

Agad niyang tinodo ang temperatura ng aircon at bumalik na sa gagawin niya.





"Ok, less malisya, palit lang ng damit."

Huminga muna ito ng malalim bago simulan ulit hawakan ang dulo ng tshirt ni gabb. Dahan dahan niyang inangat kasabay nang sunod sunod na paglunok at pagtulo ng pawis sa gilid ng kaniyang pisngi.







"AAAARGGG!! Di ko talaga kaya! Hoy gumising ka nga diyan! At magpalit ka ng damit mo!" Sigaw nito.








Dahan dahan namang dumilat ang mga mata ni Gabb.

"Ang lamig." Mahinang saad nito.








"A-ang lamig? W-wait kukuha kitang blanke—AHHH!"









"I need your warm instead."

Halos hindi ito makagalaw sa kaniyang pwesto. Parang tumigil ang tibok ng puso nito ng isang segundo nang bigla siyang hatakin ni Gabb.










ABBY'S POV

"Uhm okay naman siya dito, tumawag lang ako kasi baka magalala ka."




"Thankyou ahh! Ang kulit talaga niyan ni Gabo e, pasensya sa istorbo." Sela






"A-ah okay lang."




"Bye."




"Goodnight." Ngiting sambit ko, habang kinikilig kilig pa.








agad akong bumalik sa loob dahil baka kung ano na nangyari sa dalawang yun.








Pagpasok ko sobrang lakas ng aircon. Mabrabrainfreeze ka talaga kahit wala kang brain.







"Coleen bat anlakas ng airco—" natahimik na lang ako ng makita ko silang dalawang natutulog na ng matiwasay at magkayakap pa, Naol.









Kinuha ko na lang ang blanket at tinalukbong sa kanilang dalawa.

"Sana talaga hindi kayo tamaan ng hang over bukas."









Natulog na rin ako, alanganaman titigan ko lang silang magdamag.





"Kinabukasan"



Biglang tumunog ang alarm clock kaya agad akong bumangon. Hindi naman ako masyado uminom kagabi kaya walang hangover na naganap.

Lumabas muna ako para bumili ng gamot dahil alam kong iiyak tong si Coleen mamaya, inom pa more.






Agad akong nakabalik dahil malapit lang naman dito yung pharmacy. Bubuksan ko pa lang ang pinto ng bigla akong nakarinig ng.



"Mmmm, fuck!"



Dahan dahan kong dinikit ang tenga ko sa pinto. Hindi ko alam kung papasok ba ko. TANGNAAA! ANONG NANGYAYARE!? BAT MAY UMUUNGOL!


"Awe! Ang sakiiiit!"


Huminga ako ng malalim at mabilis na binuksan ang pinto at tumakbo sa kanila.

"COLEEEEN!"

"Whaaat!? Anong sinisigaw sigaw mo diyan?" Kunot noong tanong nito sakin habang nakahawak sa ulo niya.






"W-why are you moaning?" Kinakabahang tanong ko.

.

"M-moan? Sobrang sakit kaya ng ulo ko! Demonyo tong hangover na to." Sagot nito.


Agad ko naman tinangal ang blanket para makasigurong walang nangyayaring kababalaghan at mahimbing na natutulog lang si Gabb sa ilalim nito.

"Ano ba nasa isip mo?" Tanong niya.


"S-sorry." Agad ko naman inayos ang sarili ko.


"Oh my god! Bakit siya nandito?!" Sigaw nito ng makita niya si Gabb.

"Nalimutan mona? Diba sabi mo dito muna natin siya patulugin?" Aniko.



"Aishh! Oonga pala."





COLEEN'S POV.

"Mag ayos ka na, anong oras na." Sabi ni ate abby





Naalala kong may pasok papala kami, shet.






Dahan dahan kong tinangal ang mga kamay ni Gabb sa likod ko pero...

"Mmm, dito ka muna." Pikit na sabi nito at hinigpitan pa lalo ang yakap, mami.








Muli kong tinignan si ate abby.
"U-uhm ate abby?"






"What?"







"Hindi muna pala ako papasok." Ani ko.






"Bakit?" takang tanong nito.








"Ugh! Masama pa pakiramdam ko." dahilan ko at mukhang naintindihan niya naman.







"Magalmusal ka na lang dito, okay." Aniya.






"Mamaya na lang ate."









"sige, aalis na ko. Magiingat ka dito ah."
Sabi nito bago isarado ang pinto.






Oh my god? Bat nga ba ulit ako nagpaiwan dito?






Binalik ko naman ang tingin kay Gabb na ang himbing parin nang tulog sa ibabaw ko. Hihintayin na lang siguro kita magising.





I lifted my right hand to caressing her hair. Wala lang, feeling ko lang ang sarap hawakan ng buhok niya.








Dahan dahan kong inalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha nito.

Her beautiful face demanding for attention. Her long eyelashes, her perfect pointed nose, And the perfect shape of her lips. Full of perfection.
I'm literally stunned right now.









"Like~ anong feeling maging favorite ni god?"








Dahan dahan dumilat ang napakaganda nitong mata, dahilan kaya kusang  napangiti ang aking labi.

"G-good morning." Bati ko.








"Good morning." Mahinang tugon nito.








"Masarap ba tulog mo?"







Umabot ng ilang segundo kaming nagkatitigan.

Gabb be like:

^ __ ^

○ __ ○

> __ <

!● __ ●!






"Wuahhh!!!! Anong ginagawa mo! Asan ako?" Biglang sigaw nito at dali daling tumayo.







"Aray! Nangmanhid katawan ko, ang bigat mo masyado." Ani ko dito.







"Asan ako!?" Tanong nito.






"Nasa unit ko."



Nilibot naman nito ang tingin sa buong kwarto at binalik ang tingin sakin.

"Hndi na namin pinalitan yang damit mo dahil baka kung ano pa isipin mo."
Sabi ko kaya bigla itong napahawak sa damit niya.


"A-anong oras na?" Tanong ulit niya.


"12:00am?"


"Oh my god! Late na ko!"


"Anong late? Absent ka na."


"Bat hindi mo ko ginising?"


"Eh ang sarap sarap pa ng tulog mo e. Atsaka wag ka ngang mag inarte diyan, Napaabsent rin kaya ako dahil sayo."

"Halos 10 oras ka ng natutulog. Ginawa mo pa kong unan mo." Irap ko dito.

"Nakatulog ako?" Tanong ulit nito, parang tanga.



"Ay hinde." Agad akong tumayo at dumeretso sa kusina.

"Maghilamos ka na lang muna, nandun yung cr at mukhang wala ka pa sa sarili." Sabi ko kaya agad naman itong pumasok sa banyo.

"Aish! Sakit ng ulo ko." Ininom ko muna yung gamot na binili ni ate abby bago nagsimulang magluto.

Buti may hotdog, tocino tsaka spam dito na easy to cook.

Matagal tagal bago siya lumabas ng cr. Kaya natapos na ako magluto.

"Kumain ka muna." Aya ko dito.



Agad naman itong naupo sa harap ko. Ewan ko lang pero parang ang komportable na namin sa isat isa. Hindi siya nahihiya at feel at home na rin siya. hindi rin ako naiilang.

Bakit parang nangyari na to? Is this what they called? Dèjávu or something?


"Salamat sa pagpapatuloy sakin dito, pati na rin dito." Sabi nito sabay turo sa spam.

Nagtataka rin ako kung bat ako nagluto ng spam eh hindi naman ako kumakain ng ganyan.




"Hindi ka ba natutulog?" Tanong ko.




"B-bakit?"




"Wala lang, Napansin ko lang kanina parang ngayon ka lang nakatulog. Tsaka halata kaya tingnan mo eyebags mo." Ani ko.

"Uhm, hindi ko alam. Saglit lang lagi ako makatulog, pinakamahaba na siguro yung tatlong oras." Sambit niya kaya napahinto ako sa pagnguya.

"Tatlong oras? Eh 10 hours ka kayang natulog kanina." Ani ko.


"Kaya nga nagtataka ako e. Ito na siguro pinakamahabang tulog ko ngayong taon." Di makapaniwalang sambit nito.


"Really?" Di rin ako makapaniwala.

"Oo." Pagtango niya.


"Grabe ka, Kaya pala ang payat payat mo." Ani ko.


"Butot balat na ba?" Ngising tanong nito.

"Gwapo pa rin naman."

"Ha?"

"Hatdog, kainin mo hindi puro spam." Sabi ko sabay lapag sa plato niya.

"Oonga pala! Si ate sela! Nagaalala na yon." Agad itong tumayo at hinanap yung cellphone niya. "Asan na yun?"

"Ayan oh." Turo ko sa phone niya na nasa kama.

"No, hindi sakin yan." Tangi nito.

"Sayo yan." Ani ko.


"Hindi nga, ang mahal masyado niyan."

"Ang kulet, nalimutan mo bang binili natin yan kagabi? Atsaka kinausap na namin si ate sela kagabi, kaya kumain ka na muna dito."

Agad naman ito bumalik sa tabi ko at nagpasandok pa ng kanin.












.....

"Aalis ka na?" Tanong ko.

"Ah oo." Sagot naman niya.


"Pwede bang maya maya na? Wala pa kasi si ate abby." Nahihiyang sambit ko.


"B-bakit?"



"Pagdating na lang ni ate abby please."
Ani ko.

"S-sige." At dahan dahan umupo sa tabi ko.



Alam kong naweweirduhan na siya sa inaasta ko pero hindi ko talaga kayang mag isa. Baka atakihin nanaman ako ng sakit ko.

Napansin kong pinagpapawisan siya. Tinignan ko ang aircon pero nakabukas naman.

"U-uhm may extra akong damit diyan? Baka gusto mo lang magpalit? Baka gusto mo lang naman." Suggest ko.


Agad naman siyang tumayo papuntang drawer at naghanap na nga ng susuotin niya.

"Eto na lang, red." Pakita niya ng red na long sleeve.

Dumeretso agad siya sa cr. Kaya nakahinga na ko ng maluwag. Parang ang weird ng aura dito.




.

....

"U-uh tapos ka na pala? " ani ko ng makalabas na ito sa banyo.



"Hmmm." Umupo lang siya sa couch at tumulala.

Lumipas ang ilang minuto na tahimik ang buong kwarto. Para kaming mga tanga dito na naghihintay kung sino unang magsasalita.





"U-uhm?"





"N-nood na lang tayo tv hehe." Naiilang na sabi ko at kinuha na yung remote.







"AAAAHHHHHH!!!" napatili na lang ako ng biglang mamatay ang ilaw.





Sobrang dilim dahil kulog tong kwarto namin. Agad kong kinapa kung nasaan si Gabb. "G-gabb!? Asan ka!"






"Nandito ako." Sagot nito.






Agad kong nahawakan ang kamay nito.
"Wag kang aalis."





"Teka lang bubuksan ko yung kurtina para may liwana—ouch!"






"Wag na!" Sigaw ko at hinigpitan ang kapit sa kamay nito.







"Bitaw! Masakit." Reklamo niya.








"Ayoko!" Pagmamatigas ko.








"Puta naman, Ang arti."







"Hindi ako maarte!"

Kung wala lang akong phobia. Kanina pa kita pinaalis.








"Fine, lumabas na lang tayo, akin na yung susi." Sabi nito.








"Ewan ko. Nalimutan ko kung san ko nilagay." Sambit ko naman.








"Nasan na yung phone mo?"tanong niya.







"Lowbatt."







"Nanadya ka ba?" Iritang tanong nito.







"Bwisit! Lowbatt nga!" Iritang sagot ko rin.







Napabuntong hininga na lamang ito.
"Bumitaw ka nga muna, kukunin ko phone ko." Mahinahon na sabi nito.






"Ayoko." Feeling ko pag bumitaw ako sa kaniya bigla nanaman itong mawawala sa dilim tulad ng nangyari kagabi.






"Kukunin ko lang sa bulsa ko, ano ka ba?" Aniya.

Nilipat ko na lang ang kamay ko sa braso niya. Agad niya naman kinuha ang cellphone sa bulsa niya.








Inopen niya ang flashlight at tinutok sa mukha ko. "Okay na?"tanong nito.







"Ano ba!? Nakakasilaw!" Sigaw ko.







Agad niya naman pinatay ang flash at nagpakawala ng buntong hininga.

"Ano ba talaga? Hindi ko alam kung saan ka ba talaga natatakot? Sa dilim ba?"






"H-hinde."




"Eh saan?"




"mag isa, Natatakot akong mag isa."






Muli kong binalik ang pagkakahawak sa kamay niya. Nanginginig na ng kusa ang mga kamay ko.

"Gusto man kitang paalisin, pero di ko magawa. Kaya please, diyan ka muna Bago dumating si ate abby."




Muli nitong binuksan ang flash at tinutok sa mukha niya. "Ayan? Nakikita mo na ko?"

Hindi ko alam pero biglang nawala ang takot sa puso ko ng makita ko ang buong mukha nito.

"Hintayin na lang natin bumalik yung kuryente pati yung pinsan mo." Sabi nito at humawak na rin sa kamay ko.


Umabot ng dalawamput minuto hindi pa rin bumabalik ang kuryente. At sa loob ng dalawamput minuto na yun wala akong ibang ginawa kundi titigan ang mukha nito.

Like I said. Her beautiful face demanding for attention.


"Hey? tell me about your phobia." She suddenly asked.


"Why? Interesado ka?"


"Wala lang, feeling ko lang kaylangan ko, at pagsisisihan ko sa hule pag hindi ko nalaman." Sagot nito.


"I had monophobia/authophobia. Hindi ko alam kung kaylan to nagsimula. Bigla na lang ako nakaramdam ng matinding takot pag naiiwan mag isa."
Saad ko, tinignan ko ang mukha ni Gabb at mukhang naghihintay pa siya ng iba kong sasabihin para mas maintindihan niya ang sakit ko.

Huming muna ako ng malalim bago magpatuloy. "Sobrang hirap kasi kahit yung mismong tinuturing kong tahanan. Hindi pa rin ligtas para sakin tulad ng kwarto na to."


"How about your parents? Alam ba nila?" Tanong niya.




"Tss! Lagi nila akong iniiwan mag isa, feeling ko nga dahil sa kanila to e. Wala silang ibang inisip kundi trabaho, trabaho. Anong gagawin ng pera nila kung sakaling mamatay ako?"

Hindi ko namalayang may tumutulo ng luha sa mata ko dala ng galit sa kanila.



"I really hate to see someone's madness turn into tears." Sabi niya.

bigla na lang ako nakaramdam ng yakap mula sa kaniya.

"Wha- wait."





"I hope this hugs can help. Because sometimes when I'm mad and sad. I'm always craving for hugs." Shit, I think this is her sweet side. I'm winning.







"T-thankyou."

Ramdam ko ang puso nito, na
sumasabay sa pagtibok ng puso ko.








Biglang may flashlight na tumama samin kaya gulat kaming napalingon.

"Jusmiyo marimar!" Biglang sigaw ni ate abby.







"Omaygad!!" Sigaw ni Gabb.





"Bat hindi ka kumatok?!" Sigaw ko dito.






"Nagdoorbell ako, Di niyo ba narinig?"
Sagot ni ate abby.







"Wala ngang kuryente e! Pano gagana yung doorbell?" Inis na sabi ko dito.





"A-ah aalis na po ako! Salamat!" Agad naman tumayo si Gabb at tumakbo na paalis.







"Aalis ka agad? Ingat!" Ate abby.








"Ano ba? Bat ang aga mo umuwe?" Tanong ko dito.






"Kung makatanong ka naman parang ayaw mo pa kong umuwe ah? Tumawag kasi yung landlord. Nawalan daw ng kuryente kaya nagalala agad ako sayo." Pagpapaliwanag nito.







Umabot ng limang minuto bago bumukas ang ilaw at bumalik na ang kuryente.







"Ano pa bang nangyare dito?" Ate abby.







"W-wala!"







"Bat namumula ka diyan?"tanong nito kaya agad kong pinunasan ang mukha ko.







"W-wala mainit."








"Weh?"








"Wag mo na nga ko pansinin, aish!"








Bigla naman ito natahimik at tumingin ng nakakaloko sakin.

"B-bat ganyan ka makatingin?"









"Walaaaa."








"Wag ka ngang magisip ng kung ano ano, Matino siya okay? At saka parehas kaming babae wag ka nga!" Pilit na pagpapaliwanag ko dito.








"Hindi naman siya e, sayo ako walang tiwala." Sambit nito.








"Now what?"







"Oo parehas nga kayong babae, pero babae rin gusto." Saad nito.








"Ate abby!"






"Joke lang."







"Alam mo! Never akong natawa sa joke mo, Besides she's not bi nor gae."






"Straight siya?" Tanong nito.








"Ewan ko, hindi niya rin daw alam."







"Bakit mukhang dissapointed ka diyan?"







"Ano ba naman! Pati pagsimangot ko may meaning sayo!"






"Joke lang."





"Arggg!"










Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
2.5K 573 128
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...