Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.7K 1.1K 494

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 12

236 23 11
By sobercatnip

Agad na sinalubong ni Anne si Vice nang makabalik ito sa kanyang condo unit. Bakas sa mukha nito ang konting inis at bahagyang pag-aalala. "Saan kayo nanggaling? I've been looking all over for you."

"Diyan lang sa tabi-tabi," napakamot sa batok si Vice dahil hindi niya inakalang matatagalan sila kanina sa paglalaro. Nilibot ng kanyang paningin ang buong silid at hindi siya nabigong makitang nandoon na nga si Alena. "Ito kasi, iniwan ako eh."

Hindi naman siya pinansin ng sang'gre na seryoso na ngayong nakaupo sa harap ng malaking TV.

Palihim namang napangiti si Vice nang maalala ulit ang mga litrato nilang dalawa sa photobooth kanina. Akmang lalapitan niya at aasarin ang sang'gre nang harangan siya ng laptop ni Anne. "Ano yan?"

"Just read it," sagot ng kaibigan at inayos ang suot niyang salamin. "Buong hapon akong nagresearch para mahanap lang yan."

Dahil dito ay tinignan at binasang mabuti ni Vice ang mga nakalagay sa screen. "The twenty-fifth Chinese Business Circle Gathering — ano namang gagawin natin diyan? May balak ka bang magtayo ng negosyo?" tanong niya dahilan para taasan siya ng kilay ni Anne. "Ano nga kasi yan?"

"Just read the expected attendees."

Napairap naman agad si Vice at kinuha kay Anne ang hawak nitong laptop. Katulad ng utos nito ay sinimulan niyang basahin ang mahabang listahan. "Shaun Jianlin, Bernard Liu, Alfie Yao, Willie Gosiengfiao — teka nga, sino ba kasi tong mga to?"

"Basahin mo nalang kasi!" pagmamatigas ni Anne at mas inilapit pa ang ulo ng kaibigan sa screen.

"Jerry Chen, Dave Tan, Peter Wu, Albert Kim —" bigla namang natigilan si Vice nang mabasa ang isang pamilyar na pangalan. "Sandali. Ito ba yung Albert Kim na hinahanap natin? Yung negosyanteng pinagbentahan ni Virgilio ng brilyante?"

Napatango si Anne at kinuha ang kanyang laptop mula sa katabi. "Sa tingin mo ba may iba pang Chinese na Albert Kim sa Chinese Business Circle?"

"Aba! Malay ko ba kung ibang Albert Kim yang nakasulat diyan. Ang dami niyang kapangalan no," pagdepensa ni Vice sa kanyang sarili.

"Ewan ko sayo. Sigurado akong ito ang Albert Kim na hinahanap natin. I did a research on him all day but unfortunately, I found out nothing much about him except the fact that he seemingly keeps a very low profile. Maybe because of the rumors and various drug allegations na nalilink sa kanya. At ayon sa mga nakalap kong impormasyon kanina, Mr. Kim is a very private person at minsan lang daw dumadalo sa kahit anong events. And whenever he does, hindi ito mga ordinary events lang but mostly the highly exclusive ones."

Sa kabilang banda, ay tahimik lang silang pinapakinggan ni Alena. Hindi man nila sabihin, ramdam niyang mahihirapan na naman silang makuha ang nawawala niyang brilyante.

"Kung ganun, paano tayo makakapasok sa event na yan?" tanong ni Vice at sandaling tinitigan si Alena bago harapin ulit si Anne. "Ikaw na mismo nagsabing hindi yan isang ordinaryong pagtitipon lang. Kaya ibig sabihin, kailangan din nating magkaroon ng exclusive access sa event para makalapit tayo kay Albert Kim. Any ideas?"

"Through connections," sagot ni Anne na mukhang nakaisip na ng solusyon sa panibago nilang problema. Binigyan niya ng isang makahulugang tingin si Vice, na agad naman nitong naintindihan.

"No. Hindi pwede! Hindi ko pwedeng gamitin para dito ang kompanya ni lolo. Alam mo naman yung sitwasyon ng kompanya ngayon, diba? Ayaw kong madamay yon. Maghanap tayo ng ibang paraan."

"Pero kung iisiping mabuti, wala na tayong ibang paraan. Ito lang ang maari nating gawin para makapasok tayo sa event na'yon. Plus the fact that your lolo's company already has several Chinese shareholders. Kaya isipin mo, baks, this is obviously our easiest way in."














Tahimik lamang ang buong mesa habang naghahapunan ang mag-lolo, kasama si Alena. Ipinaliwanag naman ni Vice kay Lolo Gonzalo kung bakit nasa Maynila pa rin ang dalaga.

Nag-isip na lamang siya ng isang palusot na agad namang pinaniwalaan ng matanda. Tuwang-tuwa rin naman kasi ito na makakasama pa niya ng matagal-tagal ang 'nobya' ng kanyang apo.

Tanging ang kalansing lamang ng kanilang mga kubyertos ang maririnig sa buong hapagkainan habang panaka-nakang tinitignan ni Vice ang kanyang lolo at tila naghahanap ng pagkakataong makausap ito tungkol sa Chinese business event na kailangan nilang daluhan gamit ang pangalan ng kanilang kompanya.

Akmang magsasalita na si Vice nang tumunog ang door bell at maya-maya ay dumating sa dining room ang kasambahay nilang si Bubbles, dala-dala ang isang itim na sobre, sabay abot sa kanyang amo.

"Excuse me, Don Gonzalo. Pinapabigay daw po sa inyo," giit nito bago magtungo muli sa kusina.

"Gabi na ah. Kanino daw galing, Lo?" nakakunot noong tanong ni Vice habang binubuksan ng kanyang lolo ang sobreng hawak nito.

Walang imik namang nakatingin sa kanila si Alena hanggang sa mapagtanto nitong bahagyang pamilyar ang logo na nakaimprinta sa labas ng itim na sobre.

"An exclusive invitation from the CBC," nagtatakang saad ni Don Gonzalo, at tahimik na binasa ang ibang nakasulat dito.

"CBC? As in, the Chinese Business Circle?" tanong muli ni Vice at sandaling tinignan si Alena.

Sa pagkakataong iyon ay nangibabaw ang pagtataka kay Vice sa kung paano nagkaroon ng imbitasyon ang kanyang lolo. Para bang universe na mismo ang gumagawa ng paraan para mapalapit sila sa hinahanap nilang brilyante.

"They're inviting me to attend an exclusive event this week," pagsasalita ng matanda, sabay sarado ng hawak na sobre. "Pero may scheduled business trip ako sa Singapore ngayong Linggo. Mahalagang lakad din yon kasama ang mga panibago nating investors, kaya hinding-hindi ko pwedeng kanselahin. I might as well as my assistant to attend this business circle on behalf of —"

"Ako nalang ho ang dadalo sa event on behalf of the company," bahagyang pagtaas ni Vice ng kamay na tila ba atat na atat. Napakunot naman ang noo ng kanyang lolo dahil sa hindi inaasahang interes nito sa kanilang negosyo.

"Sigurado ka ba, apo?"

"Opo. Sigurado po ako."

"Paano naman ang trabaho mo?" tanong ng matanda dahilan para bahagyang matigilan si Vice, at nagdalawang isip kung sasabihin ba nito ang totoo.

"Uhm. On indefinite leave po ako ngayon."

"Indefinite leave?" bahagyang pagkagulat ni Lolo Gonzalo sa kanyang nalaman. "Kelan pa? At bakit kailangan mong mag indefinite leave sa trabaho mo? May problema ka ba, apo?"

Nang makita ang pag-aalala sa mukha ng matanda ay agad na nag-isip si Vice ng palusot na makakagaan sa kalooban nito.

"Naku, wala ho. Wala naman akong problema, Lo. Gusto ko lang kasi magpahinga muna ako sa trabaho kahit sandali at matulungan din kayo sa kompanya—" sabay tingin sa direksyon ni Alena na tahimik lamang na nakikinig sa kanila.

"At higit sa lahat, magkaroon ng oras kasama tong mahal ko," dagdag ni Vice at ibinalik ang tingin sa matanda. "Alam niyo naman ho, diba, ang layo pa ng pinanggalingan nitong si Alena, kaya mas mabuti na sulitin ho muna namin itong mga panahon na magkasama pa kami."

Napakunot naman ulit ang noo ng matanda, "Pero sa pagkaka-alam ko, ang lapit lang naman ng Batangas mula rito, apo," giit nito at napangiti nalang. "Pero naiintindihan naman kita. Mas mabuti ngang naglalaaan kayo ng oras at panahon para sa isa't isa, upang mas lalong yumabong at tumibay ang inyong pagmamahalan."

Bigla namang nailang si Vice sa sinabi ng kanyang lolo. Nakokonsensiya siya dahil sa sunod-sunod nitong pagsisinungaling. Ngunit sa kabila nun ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba sa kanyang puso. Tila yumayabong na nga ba ang relasyon nila ng kanyang kaharap?

Sandali silang nagkatinginan ni Alena hanggang sa magsalitang muli si Don Gonzalo. "You know what, you should bring Alena as your date, apo. Para naman may kasama ka at hindi ka mabagot sa mga pinag-uusapan ng mga negosyante doon."

Napatango naman si Vice at tinanggap ang sobreng inabot ng kanyang lolo. "I'll contact my secretary to arrange everything para sa inyo."

















"Alam kong maganda rin tong nangyari. Pero hindi ka ba nagtataka? Out of several businessmen in the country, yung lolo ko ang isa mga napili nilang iimbita — kung kailan kailangan talaga nating makadalo don sa mismong event na yon."

"Baks. Pwede ba kumalma ka lang? Nabasa kong every year na nag-rerecruit ng mga panibagong miyembro ang CBC. So, consider this instance as a coincidence and a blessing in disguise. At least ngayon, wala na tayong problema sa imbitasyon. All we need to do now is prepare you and sang'gre Alena for that event," sagot ni Anne habang nakaupo sa tapat ng kanyang laptop. "Starting with what the two of you will wear during that exclusive night."

Kasalukuyan silang nasa condo ng huli upang ipagpatuloy ang pag-paplano kung paano nila makukuha ang hinahanap nilang brilyante.

Ilang sandali lang ay nagsidatingan na ang mga kaibigang stylists ni Vice, dala-dala ang iilang damit na pagpipilian nila para sa dadaluhan nilang event.

"Hello, meme! What's up! What's up! Saan ba ang rampa?" maligalig na bati ng kanyang kaibigang si Erna, kasama sina Buern, Sidney at Archie.

Pagkatapos magbesohan ay komportableng umupo ang apat sa sofa, at inantay ang instructions ng kanilang production boss.

"May pupuntahan kaming formal business event this Saturday night. But unlike other events na pinupuntahan ko before, gusto ko ngayon yung simpleng outfitan lang. We don't want to attract any attention during that event. Naiintindihan niyo ba yon?" seryosong giit ni Vice habang katabi ang isa pang kaibigan na si Anne.

"Keri naman, meme! In fact, I'm already envisioning a somewhat simple yet sophisticated getup para sayo. A formal and simple tuxedo with a light twist of sophistication," pagbibida ni Sidney at ibinaling ang atensiyon kay Anne. "And for you, Miss Anne, it is important that we choose the right color of the dress para naman mas —"

"Stop. Sandali lang. Hindi si Anne ang sasama sa akin sa event," pagsingit ni Vice dahilan para magtaka ang mga kaharap. Maliban kasi sa kanilang apat ay sina Vice at Anne lang ang nandon sa sala.

"Kung hindi si Miss Anne, eh sino?" tanong ni Buern at napatingin silang apat sa kakabukas lang na pinto ng isa sa mga silid ng condo.

Natigilan at natulala naman ang apat na bakla nang masilayan si Alena. Bahagya ring nagulat at nailang ang sang'gre dahil nakatingin na ang lahat sa kanya.

Binigyan niya na lamang ng isang makahulugang tingin si Vice na para bang humihingi ng paliwanag kung bakit may ibang tao silang kasama sa silid na iyon. At mula sa pagkabigla ay napalitan ng seryosong ekspresyon ang kanyang mukha.

"Guys, this is sang'gre Alena. Siya ang isa sa aayusan ninyo at makakasama ko sa event sa Sabado."

"Sang'gre Alena?" nagtatakang tanong ni Archie na tila nakabalik na sa kanyang ulirat.

"It's her nickname. Kaya wala kayong ibang itatawag sa kanya kung di yon lang," palusot ni Vice na pinaniwalaan naman agad ng apat.

Bakas sa mga mukha nito na labis silang nagagandahan sa sang'greng kanilang kaharap. Kahit pala sa mga bakla, ay matindi ang epekto ng taglay na ganda ng mga nilalang na tulad ni Alena.

"I know exactly what to do with her, meme. Pero with those mesmerizing green eyes and that very extraordinary beauty, mukhang mahihirapan tayo with your instructions about not attracting to much attention," giit ni Sidney at tumayo na upang pumili ng tamang damit para sa dalawa.

"Oo nga! Sobrang ganda mo kasi, girl!" paglapit ni Archie kay Alena bago sundan ang ibang kasama sa nakahilirang garment rack malapit sa pintuan.

Tinapunan naman ni Vice ng nakakasindak na tingin ang bakla at pasimpleng hinigit si Alena palapit sa kanyang tabi.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" walang emosyong tanong ng sang'gre sa huli.

"Wag kang masyadong lumapit sa kanila. Baka mahalata nilang isa ka palang bruha, at hindi tao," pang-iinis ni Vice dahilan para bahagyang kurutin ni Alena ang kanyang kaliwang kamay na nakahawak sa braso nito.

Napansin naman ng mga kasama nilang bakla ang pasimpleng bangayan ng dalawa kaya nagkatinginan ang mga ito at pasikretong napangiti.












Tahimik lang na naglalakad mag-isa sa kahabaan ng Jones Bridge si Alena. Ang Jones Bridge ang tulay na pumalit sa makasaysayang Puente de España noong 1916, at ipinangalan sa dayuhang mambabatas na si William Atkinson Jones, na isa sa mga may-akda ng batas na nagbigay sa Pilipinas ng awtonomiya mula sa mga Amerikano.

Dahil sa mga bisita nina Vice at Anne sa condo ay napagdesisyunan muna ni Alena ang pansamantalang lumabas at mapag-isa. Sa tingin niya ay kinailangan niya ito upang magkaroon ng pagkakataon na magnilay-nilay at makapag isip-isip. Tila napagtanto niya na sa ilang araw niyang pananatili sa lupa ay marami siyang natuklasan tungkol sa mga tao at maging sa kanyang sarili.

Taliwas sa karaniwang ingay at gulo ng buong paligid ay iilan lamang ang napapadaan sa tulay sa mga oras na iyon. Bahagyang malalim na ang gabi at tanging mga ilaw lamang galing sa mga poste, at mga gusali sa paligid ang nagbibigay sa kanila ng liwanag. 

Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Alena ang mapatingala sa kalangitan upang masilayan ang buwan. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya ito maaninag, at para bang nagtatago ito sa likod ng mga makakapal na ulap at usok dulot ng polusyon galing sa kapaligiran.

Napahinto si Alena at taimtim na pinagmasdan ang langit. Kasabay ng marahang pagdampi ng hangin ay ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Maging ang mismong buwan ay tila ayaw magpakita sa mga abusadong tagalupa," isang pamilyar na boses mula sa kanyang tabi ang biglang nagpatuod kay Alena.

Nilingon niya ito at lalo siyang natulala dahil tama nga ang kanyang naging hinala. "A-Amihan?"

Tanging isang sinserong ngiti lamang ang naging tugon ni Amihan sa kanyang bunsong kapatid bago niya ito yakapin ng napakahigpit.

"Hindi ako makapaniwala, Amihan. Anong ginagawa mo dito? Alam ba ito ng ating Ina at mga kapatid?" tila aligagang tanong ni Alena sa kanyang kaharap.

"Hindi ba dapat ikaw itong sumasagot sa mga katanungan mo sakin, Alena?" giit ni Amihan, dahilan para matigilan ang huli at mapaiwas ng tingin. "Bakit kailangan mong itago sa amin, lalong lalo na sa akin ang patungkol sa nawawala mong brilyante?"

Hindi naman agad nakasagot si Alena at napatingin lamang sa kanyang sariling repleksiyon sa ilog.

"Bilang iyong nakakatandang kapatid, ako ay lubos na nag-aalala sayo, Alena. Maging si Pirena at Danaya ay nag-aalala na rin," dagdag ni Amihan kaya napalingon ulit sa kanya ang sang'gre.

"Alam na din ba ni Ina ang patungkol sa aking nawawalang brilyante?" tila kinakabahang tanong ni Alena at bahagyang napahawak sa kanyang dibdib.

Napailing naman si Amihan dahilan para makahinga siya ng maluwag. "Sa aking pagkaka-alam ay wala pang ideya si Inang Minea tungkol sa nawawalang brilyante ng tubig. Ngunit hindi tayo dapat maging kampante, Alena. Kilala mo ang ating Ina at ang kanyang kapangyarihan. Sa oras na may maramdaman siyang kakaiba sa isa sa ating magkakapatid, malalaman at malalaman niya ito."

"Hindi ko sinasadyang ilihim sa inyo nina Pirena at Danay ang patungkol sa aking brilyante, Amihan. Ngunit ayoko lamang na madamay kayo sa mga pangyayari. Nawala ang brilyante sa ilalim ng aking pangangalaga, kaya nararapat lamang na hanapin ko itong mag-isa."

"Mag-isa?" muling pagsusuri ni Amihan sa kapatid. "Pero hindi ba't kasama mo sa iyong paghahanap ang tagalupang kumuha ng iyong brilyante?"

Nagtaka naman si Alena sa sinabi ng kapatid. "At paano mo naman nalaman na siya ang tagalupang aking kasama sa paghahanap?"

Tila nakalimutan naman ni Amihan na lihim lamang ang pagpapakita nilang tatlong magkakapatid kay Vice noong nagsisimula pa lamang sila ni Alena sa paghahanap ng brilyante.

"Dahil minsan na namin siyang nakausap noong —"

"Nakausap niyo na siya noon at hindi niya manlang nagawang ibanggit sa akin?"

"Siguro dahil inakala niyang panaginip lamang iyon at walang katotohanan," saad ni Amihan sa kapatid na biglang nakaramdam ng inis kay Vice sa kanyang nalaman. "Ginawa namin iyon upang makasigurado kaming tutulungan ka niyang maibalik sayo ang brilyanteng siya rin naman ang unang kumuha."

Natahimik naman silang dalawa at ngayon lang napansin ni Alena na nakahinto pala ang mga tao at sasakyan sa kanilang paligid. Napagtanto niyang nasa ilalim sila ng ginawang ilusyon ni Amihan.

"At mukhang epektibo naman ang pagbabanta at pananakot na aming ginawa dahil tinutulungan ka nga niya ngayon sa iyong paghahanap."

"Nangako siyang ibabalik niya ang brilyante. At sa tingin ko naman ay tapat siya sa kanyang salita," giit ni Alena at naalala ang sinserong pangako sa kanya ni Vice noong sila ay nasa Batanes.

"Ngunit hindi mo dapat ibigay ng basta-basta ang iyong buong tiwala. Isa pa rin siyang tagalupa, at madalas ang mga tulad niyang nilalang ay nalilihis ng landas," mabilis na tugon ni Amihan at pinagmasdan ang kanyang kapatid. "Tandaan mo, Alena. Minsan, ang mga pangako ay napapako at ang mga salita ay nababalewala. At sa ating tatlo, ikaw dapat ang tunay na nakakaalam non."

Dahil sa sinabi ng kanyang natatandang kapatid ay hindi naman maiwasan ni Alena ang tignang muli ang kanyang repleksiyon sa tubig, "Alam ko ang aking ginagawa, Amihan. Kaya wala kayong dapat pang ipag-alala."

Naramdaman naman ni Amihan ang lungkot na dulot ng kanyang mga sinabi, kaya hinarap niya sa kanya ang kapatid at tinignan ito sa mga mata.

"Hindi mo ma-iaalis sa amin ang mag-alala sayo, Alena. Ikaw ang aming bunsong kapatid, at ayaw lang naming malagay ka sa kapahamaka—" tila nakuryente naman si Amihan nang hawakan niya ang mga kamay ni Alena. Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kilabot sa kanyang buong katawan.

Bahagya namang nakaramdam ng kaba si Alena nang makita ang reaksiyon ng kanyang kapatid. Alam niyang sa kanilang apat, si Amihan ang mas makapangyarihan pagdating sa mga pangitain o mga pangyayaring maaaring mangyari sa hinaharap.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng kapatid na tila natulala sa kanyang kintatayuan. Kahit kinakabahan ay tinignan niya ito ng diretso sa mga mata. "Bakit Amihan? Ano ang iyong nakita?"

























itutuloy?

Continue Reading

You'll Also Like

MARAHUYO By abbey

Fanfiction

92.5K 4.5K 38
adj. to be enchanted. Does enchantment last as long as love does?
77.7K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
32.6K 1.1K 32
Unfolding the past that had been forgotten by the mind by breaking the etiquette.
415K 12.9K 93
*Editing* Sabi nila walang pinipiling panahon at pagkatao si kumpareng Tadhana. Pag tinamaan ka daw ng kidlat at kulog nito kahit pa gaano ka kawasak...