Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ

꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

2.2K 96 4
By Exrineance

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng mga kahulugan para sa mga termino na nakapaloob sa kuwento na ito. Kabilang dito ang mga salita na maaaring hindi pamilyar o hindi malinaw sa inyong mambabasa.

Ito ay palaging magbabago tuwing may hindi pamilyar na salita sa bawat susunod na kabanata.

▌│█║▌║▌█║▌║║ A ║▌║█║▌║▌║█│▌

Abuelo • Salitang Espanyol na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'grandpa'. Ang tawag sa magulang na lalaki ng iyong ama o ng iyong ina.

Alaboryo • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'beads'. Isang maliit na piraso ng materyal na tinusok sa isang pisi.

Alampay • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'shawl'. Isang piraso ng tela na ginagamit lalo na ng kababaihan bilang pantakip sa ulo o balikat.

Aliktya • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'insult'. Kilos o ekspresyon na nagpapakita ng pang-aalipusta at karaniwang layon na manakit sa damdamin ng iba.

Alperes • Namumuno sa mga guardia civil sa isang pueblo. Ito ang pinakamababang ranggo ng opisyal na itinatalaga at maaaring palitan ng Segundo Teniente o sa Filipino ay Ikalawang Tenyente sa serbisyo.

Alwan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'comfort'. Paraan na mapagaan ang dalamhati o problema ng isang tao.

Amigo • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'friend'. Tawag sa taong may gusto at nagtitiwala sa iba.

Apoyuhan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'help'. Magbigay sa isang tao ng kung ano ang kapaki-pakinabang o kinakailangan upang makamit ang kanilang layunin.

Azotea • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'balcony'. Isang patag at walang bubong na lugar ng isang gusali.

▌│█║▌║▌█║▌║║ B ║▌║█║▌║▌║█│▌

Bagong Espanya • Dating pampolitikang yunit ng mga teritoryong Kastila sa Hilagang Amerika at Asya-Pasipiko noong taong 1535 hanggang 1821. Ang teritoryo nito ay binubuo ng kasalukuyang Timog Kanlurang Estados Unidos, Gitnang Amerika, ang Carribean, at Pilipinas.

Balani • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'charm'. Isang katangian na nakakabighani, nakapang-akit o nagpapasaya.

Balay • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'house'. Gusali na nagsisilbing tirahan para sa isa o ilang pamilya.

Balyente • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'brave person'. Tawag sa tao na mayroon at nagpapakita ng mental o moral na lakas upang harapin ang panganib, takot o kahirapan.

Bastidor • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'frame'. Ang marhen sa medyo makitid na espasyo na nagmamarka sa panlabas na limitasyon ng isang bagay.

Bayna • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'scabbard'. Isang kaluban para sa espada, sundang o bayonet.

Borlas • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'tassel'. Isang nakalawit na palamuti na ginawa sa pamamagitan ng paglalagay ng magkatulad na isang bungkos ng mga lubid o sinulid na pantay ang haba at ikinakabit ang mga ito sa dulo ng isang bagay.

Buźon • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'mailbox'. Isang kahon inilalagay malapit sa isang tirahan para sa liham ng nakatira.

▌│█║▌║▌█║▌║║ C ║▌║█║▌║▌║█│▌

Cabeza de Barangay • Kilala rin bilang Teniente del Barrio sa Espanyol. Pinuno ng isang barangay sa Filipinas.

Cerveza • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'wine'. Nakakalasing na inuming kadalasang gawa sa iniimbak na katas ng prutas o halaman.

▌│█║▌║▌█║▌║║ D ║▌║█║▌║▌║█│▌

Dalanghita • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'tangerine'. Alinman sa iba't ibang mandarin orange na karaniwang may malalim na kahel na balat at laman.

Daulat • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'misunderstanding'. Tawag kapag hindi maunawaan ang totoo o aktwal na kahulugan ng isang bagay o pangyayari.

Dupikal • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'chime'. Ang malinaw na tunog na maririnig kapag ang isang metal ay tumaginting.

▌│█║▌║▌█║▌║║ E ║▌║█║▌║▌║█│▌

Enggranahe • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'gears'. Isang mekanismo na nagsasagawa ng isang partikular na gawain upang makumpleto ang tuntunin.

Erehe • Taong sumasalungat sa utos ng simbahan.

▌│█║▌║▌█║▌║║ G ║▌║█║▌║▌║█│▌

Garrote • Parusa sa isang tao noon sa pamamagitan ng pagsakal hanggang kamatayan. Karaniwang may isang kwelyong bakal at isang mahabang kawad o kurdon.

Garing • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'ivory'. Ang matigas na creamy-white modified dentine na bumubuo sa mga tusk ng isang tusked na mammal gaya ng elepante, walrus o narwhal.

Gasuklay • O maaari ring 'gasuklay ng buwan' ay salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'crescent'.

Gobernador Bustamante • Pinatay ng mga prayle at ng kanilang mga kabig si Gobernador Heneral Fernando Manuel de Bustamante y Bustillo noong October 11, 1719. Matatandaan na nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ginamit nila ang Katolisismo bilang isang ideological state apparatus upang itanim sa puso ng mga tao ang pagsunod sa layunin ng kanilang pananakop- ang pagkakaroon ng mga kayamanan para sa Espanya. Ang prayle ang kaagapay sa pamamahala. Ngunit isa sa mga pinunong sibil ang nagpasaway. Patuloy na pinaaresto ng liberal na gobernador heneral na si Fernando Bustamante ang mga may utang sa gobyerno kahit sila ay humihingi ng sanktwaryo sa simbahan. Itinuring itong pambabastos sa simbahan ng mga Obispo kaya nagtangka sila kay Bustamante. Nadamay pati ang kanyang anak.

Gobernadorcillo • Tumutukoy sa pinuno o gobernador ng mga bayan sa Filipinas.

Gusi • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'jar'. Lalagyan na may malawak na bibig na karaniwang gawa sa putik o babasagin.

▌│█║▌║▌█║▌║║ H ║▌║█║▌║▌║█│▌

Haphephobia • Isang bihirang kaso ng isang phobia kung saan ang isang tao ay takot humawak o mahawakan ng ibang tao.

Hilahil • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'trouble'. Mga damdaming nakararanas ng pag-aalala o pagkabalisa.


Hiraya • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'Imagine'. Pagbuo ng isang kaisipan ng imahe ng isang bagay.

▌│█║▌║▌█║▌║║ I ║▌║█║▌║▌║█│▌

Ilustrado • Tawag sa mga Filipinong itinuturing na may mataas na pinag-aralan, nakababasa at nakapagsa-salita ng wikang Espanyol.

Indio • Tinatawag ding Tagalog. Mga purong Pilipino o katutubo ng Filipinas.

Insulares • Tinatawag ding Filipino o Creoles. Mga anak ng purong Kastila na ipinanganak sa Filipinas.

Iwihin • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'take care'. Sinasabi upang maging maingat o mapagbantay.

▌│█║▌║▌█║▌║║ K ║▌║█║▌║▌║█│▌

Kalipayan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'joy'. Ang emosyon na dulot ng kabutihan, tagumpay, swerte o sa pag-asa na magtaglay kung ano mang nanaisin.

Kalsunsilyo • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'drawer'. Isang sliding box o sisidlan na binubuksan sa pamamagitan ng pagbunot at pagsasara.

Kantanod • Salitang Filipino na ang ibig sabihin ay 'tambay'. Mga taong walang ginagawa sa araw-araw kung hindi maghintay sa pagsikat at paglubog ng araw, nagbibilang ng mga dumadaang sasakyan habang nakaupo, nakatayo, nanood ng TV, nakaharap sa inuman at kung anu-ano pa.

Karihan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'cafe'. Isang bar o restaurant na nag-aalok ng espesyal sa gabi na panglibang tulad ng musika, sayaw o komedya.

Kayo • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'fabric'. Hinabi o niniting materyal tulad ng koton o nylon.

Kimi • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'blush'. Pagkabuo ng isang kulay-rosas sa pisngi mula sa pananabik o kahihiyan.

Krukis • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'plan'. Bagay na inaasahan o nilalayon ng isang tao na matupad.

Kobranza • Salitang Espanyol na ang ibig sa ibihin sa Ingles ay 'collection'. Isang organisadong pangkat ng mga bagay na nakuha at pinananatili para sa pag-aaral, eksibisyon o personal na kasiyahan.

Kopa • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'wine cup'. Bilog na sisidlan na nilagyan ng hawakan at idinisenyo para sa inumin.

Kustal • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'sack'. Lalagyan na gawa sa isang nababaluktot na materyal tulad ng papel o plastik.

Kuwero • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'leather'. Ang panlabas na balat ng isang hayop na inalis para sa komersyal na halaga nito.

▌│█║▌║▌█║▌║║ L ║▌║█║▌║▌║█│▌

Libis • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'slope'. Lupa na umbok o pababa ang hugis.

Lipumpon • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'crowd'. Malaking bilang ng tao na nagsama-sama sa iisang lugar.

Lirip • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'understand'. Pagkakaroon ng malinaw na ideya ng isang bagay.

Lukbutan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'pouch'. Bag na may maliit o katamtamang laki na ginagamit sa pag-iimbak o pagtatago ng maliliit na bagay.

▌│█║▌║▌█║▌║║ M ║▌║█║▌║▌║█│

Madre Espanya • Dating isa pang tawag sa Spain.

Mahagway • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'slender'. Pagiging mas payat kaysa sa karaniwang lapad.

Makinlam • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'disturb'. Magdulot ng kahirapan o problema para sa ibang tao.

Maluwat • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'long'. Isang punto ng panahon bago o pagkatapos ng isang partikular na sandali o kaganapan.

Maparam • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'vanish'. Ang mabilis na pagkawala ng isang tao o bagay mula sa paningin.

Melokoton • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'peach'. Isang katamtamang madilaw-dilaw na kulay-rosas.

Mestizo o Mestiza • Mga anak ng isang Kastila at ng isang Indio.

▌│█║▌║▌█║▌║║ O ║▌║█║▌║▌║█│

Orasa • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'hourglass'. Isang instrumento para sa pagsukat ng oras na binubuo ng isang basong sisidlan na mayroong dalawang bahagi mula sa itaas na kung saan ang dami ng buhangin sa loob ay katumbas ng isang oras patungo sa ibabang bahagi.

Oyayi • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'lullaby'. Awit para mapatahimik o magpatulog ng mga bata.

▌│█║▌║▌█║▌║║ P ║▌║█║▌║▌║█│

Pairugan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'humour'. Tawag sa mga bagay na idinisenyo upang maging nakakatawa.

Parusang Kapital • Isang pagbitay o pagsasagawa ng parusang kamatayan bilang parusa para sa isang krimen kadalasang tinatawag na isang opensang kapital o isang krimeng kapital.

Pastelerya • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'pastry'. Karaniwang tindahan ng matamis na mga lutong produkto na gawa sa masa at tinapay.

Peninsulares • Mga kastila na naninirahan sa Filipinas na ipinanganak sa Espanya.

Pilibustero • Taong sumasalungat sa utos ng Espanya o ng pamahalaan.

Principalia • Kadalasang tawag sa mga may posisyon sa politika at militar, mga mayayamang nakapag-aral at mga retiradong politiko't sundalo at ang kanilang pamilya't kamag-anak.

Pueblo • Tinatawag ding bayan o sa Ingles ay town.

Pultahan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'gate'. Hadlang kung saan kailangan isara at buksan upang makapasok.

Puntas • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'lace'. Isang pandekorasyong braid para sa dulo ng mga ginupit na coat o uniform.

▌│█║▌║▌█║▌║║ R ║▌║█║▌║▌║█│

Rekisahin • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'search'. Maghanap sa isang lugar o impormasyon ng maingat o masinsinan sa pagsisikap na makahanap at makatuklas ng isang bagay.

Reverencia • Salitang Espanyol na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'reverence'. Magalang na pagtawag sa may mga katungkulan sa simbahan o may malaking naiambag sa lipunan.

▌│█║▌║▌█║▌║║ S ║▌║█║▌║▌║█│▌

Sable • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'saber'. Isang cavalry sword na may curved blade, makapal na likuran at kurbang metal sa hawakan.

Sangkapat • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'quarter'. Ang ikaapat na bahagi ng isang oras.

Servidora • Salitang Espanyol na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'servant'. Tawag sa taong inupahan para magsagawa ng mga serbisyong pambahay o personal.

Sikero • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'tumbler'. Baso na walang paa o hawakan at orihinal na may pointed o convex na base.

Sinagoga • Bahay ng pagsamba ng mga Hudyo o Samaritano.

Siyap • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'chirp'. Maikli at matalim na tunog katulad ng sa ibon.

Stipa • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'couch'. Mahabang kasangkapan na idinisenyo para upuan ng ilang tao.

▌│█║▌║▌█║▌║║ T ║▌║█║▌║▌║█│▌

Tabiki • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'wall'. Mataas at makapal na masonry na bumubuo ng isang mahabang kuril o isang bakod.

Tauli • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'reaction'. Tugon sa ilang pagtrato ng iba, sa naranasang sitwasyon at pangyayari.

Toque de queda • Salitang Espanyol na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'curfew'. Isang regulasyon na nag-uutos sa pagbabawal ng mga tao sa mga kalye, pagsasara ng mga establisemento't negosyo at mga lugar ng pagpupulong sa isang nakasaad na oras.

Tulisan • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'bandits'. Mga kriminal na umaatake at nagnanakaw mula sa mga manlalakbay at madalas na miyembro ng isang pangkat ng mga kriminal.

▌│█║▌║▌█║▌║║ U ║▌║█║▌║▌║█│▌

Umus-os • Salitang Filipino na ang ibig sabihin sa Ingles ay 'slip'. Paggawa ng isang bagay sa patago o lihim na paraan.

▌│█║▌║▌█║▌║║ V ║▌║█║▌║▌║█│▌

Vice Real Patrono • Ang tawag sa Gobernador-Heneral ng Filipinas. Siya ang may pinakamataas na kinatawan ng Hari ng Espanya sa bansa.

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Nahanap mo ba ang kahulugan ng iyong hinahanap? Sana ay mas naintindihan mo na ang mga salita na hindi pamilyar sa iyong pandinig.

彡Exrineance

ɢʟᴏꜱᴀʀɪᴏ╹ᴇꜱᴛʀᴇʟʟᴀ ᴄʀᴜᴢᴀᴅᴀ
ꜱᴛᴀʀ ᴄʀᴏꜱꜱᴇᴅ

Continue Reading

You'll Also Like

9K 252 53
(ON-GOING) Arianna Venice Samonte is just your typical college student who really loves reading novels, especially those historical stories. One day...
Sa Taong 1890 By xxienc

Historical Fiction

87K 3.6K 71
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
892K 34.9K 37
Ano ang gagawin mo pag may na-meet ka na time traveling na Katipunero? (Completed-with special chapters) ( Katipunero Duology Book 1) Photo by Maria...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...