Anne-Bisyosa (dela Merced #1)...

By TheCatWhoDoesntMeow

1.4M 44.7K 7.6K

Halimaw sa banga ang bansag ng makulit na si Anne Reyes sa kanyang guwapo pero grumpy boss na si Hunter dela... More

Teaser
Hello! This story is under Wattpad Originals.
Chapter 1 : Buhay-maganda
Chapter 2 : Daig ng intrimitida ang masipag
Chapter 3 : And the winner is..!
Chapter 5 : Nosebleed galore
Chapter 6 : Juskolord
Chapter 7 : Baliwag
Chapter 8 : Level 1
Chapter 9 : Kapag imbyernes...
Chapter 10 : Don't ouch me!
Chapter 11 : Hu u?
Chapter 12 : Gayuma
Chapter 13 : Arbor
Chapter 14 : Anyare?
Chapter 15 : Gisado at Asado
Chapter 16 : Aysus
Chapter 17 : Pinocchio
Chapter 18 : Syuta
Chapter 19 : Napakasakit, Kuya Eddie!
Chapter 20 : Sa banga
Chapter 21 : Ansabe?
Chapter 22 : Ang Manliligaw ni Anne
Chapter 23 : Ang kaadikan ni Hunter
Chapter 24 : Gravity
Chapter 25 : Para-paraan
Chapter 26 : Dining devils
Chapter 27 : 10:30
Chapter 28 : Bantay-sarado
Chapter 29 : Patlang
Chapter 30 : What she heard
Chapter 31 : Disadvantage
Chapter 32 : The rich's rich
Chapter 33 : Slowly
Chapter 34 : Pamintang durog
Chapter 35 : The great pretender
Chapter 36 : Chess
Chapter 37 : Only option
Chapter 38 : Sabado
Chapter 39 : Yes and No
Chapter 40 : A short, sweet dream
Chapter 41 : One last gamble
Chapter 42 : All is fair
Chapter 43 : The cost of falling in love
Chapter 44 : Game Over
Chapter 45 : Anne-Bisyosa
Epilogue : Perfect Tuesday

Chapter 4 : Halimaw sa banga

34.4K 1.2K 390
By TheCatWhoDoesntMeow

***

May earphone sa tainga ni Hunter habang nakikinig sa morning news mula sa cellphone niya. Ang tablet niyang nasa mesa ay nakabukas sa live update ng foreign stocks exchange habang sa laptop niya ay may feed ng isang international conference sa financing at economics na hindi niya nadaluhan.

Tahimik na pumasok ang bago niyang sekretarya at naglapag ng kape sa table.

Sinulyapan niya ang kape. Black. Inabot niya ang tasa at humigop. Sakto ang lasa. At least, she can make coffee. That could mean a good start or what not.

Pagpatak nang ikalawang minuto ay hindi pa rin umaalis ang babae sa tabi ng mesa niya.

"Why aren't you moving?" usisa niya rito na hindi sumusulyap. Nasa laptop ang mata niya.

Halos silipin nito ang mukha niya.

"Okay 'yong lasa ng kape mo, Sir?" nakangiting tanong nito. Pinapipilantik na naman ang pilikmata.

What's with this girl and her ridiculously long eyelashes? naisip niya habang blangko ang mukhang nakatingin dito. "Yes."

Ngumiti ito lalo pero hindi pa rin umalis.

"I said yes. So, go."

Nanulis nang bahagya ang nguso nito. Bumulong bago tumalikod.

"Wala man lang 'thank you'. Aneber."

"What?" sita niya rito. Hindi niya maintindihan ang huli nitong sinabi.

Lumingon ito at tumitig. Bahagyang may ngiti at sinadya ang magmukhang inosente.

"What did you say?" kunot ang noong tanong niya.

" 'Yong sinabi ko, Sir?"

Hindi siya umimik. Nungkang ulitin niya ang tanong niya.

"Okay, gets. Ang sabi ko po, wala ka man lang 'thank you'," walang habas na sagot nito.

Natigilan siya. Napabuga ng hangin. Ni hindi man lang ba nasisindak sa kanya ang babaeng ito? Alam niya ang pangit na reputasyong sumisirkulo sa kumpanya - that he is strict and hard to deal with. Gaano katagal na ba itong nagtatrabaho sa kanila at parang hindi nito alam?

Matagal siyang napatanga sa kaharap at pinag-aralan ang itsura nito.

She's plain. Iyon ang unang mapapansin dito. Hindi pangit pero hindi rin espesyal na maganda. Walang espesyal na karakter o katangian. Maliban siguro sa umaapaw na self-confidence sa tuwing nagsasalita ito nang masakit sa ulong Ingles. She has no striking physical attributes except her eyelashes. Sa tantiya niya ay nasa 5 feet 2 inches ang tangkad without the high heels. Maliit ang baywang pero kapos sa balakang. Balingkinitan pero kinapos maging ang dapat na mayamang dibdib. At ang make-up... makapal. Ilang oras kaya nitong pinaghirapang ayusan ang mukha?

"Okay na, Sir? Satisfy ka na?"

"Not that line. 'Yong pinakahuli mong sinabi."

"Aneber?" takang tanong nito.

"Yes. What does that mean?" masungit na tanong niya. Nahahati ang atensyon niya sa stocks, sa conference feed at sa BBC commentary na pinapakinggan dahil sa babae.

Malaki ang ngiti nito. She looks as if, she's finding his question funny. Like he is funny. Nagdilim ang mukha niya. Sumeryoso naman ito.

"Aneber, Sir. Ibig sabihin lang no'n... ano ba."

"Ano ba? That's what it means?"

Tumango ito.

"What language is it?"

"Salitang kalye, Sir! Gawa-gawa language! Sa salitang baklush, anubey talaga 'yon," proud na sabi nito.

"Why? Are you gay?"

Nakatanga sa kanya ang babae. Kumurap-kurap.

"Seryoso 'yong tanong mo, Sir? O nang-aasar ka lang?"

Tumaas nang bahagya ang isang kilay niya. At sino naman ang babaeng ito para pagkaabalahan niyang asarin?

Bumusangot ang mukha nito. Mukhang na-offend.

"Hindi ako bakla, Sir! Aneber! Nagkaroon lang ng mga kaibigang baklita. Judgemental ka, Sir."

Tahimik siya.

"Go."

Umirap ito. Bumulong uli. "Sungit."

Humigop siya ng kape at hindi na pinansin ang sinabi nito.

"Here is Miss Reyes' file, Sir.",Ibinaba ng babaeng nagsalita ang isang folder sa mesa niya. Si Vanessa iyon mula sa Human Resources.

"You may go," he said in a dismissive manner.

Walang tutol o reklamo na tumungo ang babae at lumabas ng opisina niya.

Iyon ang klase ng mga empleyadong sanay si Hunter na makasalamuha. Hindi tulad ng bago niyang sekretarya na sa unang limang minuto pa lang na nakasasama niya ay hindi na niya alam ang ikikilos. Magagalit ba siya sa lakas ng loob nito? O matatawa sa animated na pilikmata nito at maging paraan ng pagkukuwento? O magiging halimaw dahil napakahilig nitong sumagot sa kanya?

And why couldn't he just fire her? Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Tito Gener sa orientation ng babae sa mga gagawin. Secretaries before Anne were all smart and quick-witted. Very professional, too. Except they all want an affair with him and he wasn't interested.

Napailing siya at binuksan ang folder. Mabilis niyang binasa ang two-page resume nito. Maging ang short essay na requirement para makapasok sa Communications Department. Tinandaan niya ang mga bagay na kailangan.

Name: Anne Reyes

Really short name, he couldn't help commenting.

Height: 5'2.5

What's that 2.5 inches?

Napapailing siya.

Weight : 45 kg.

Does she even weigh that much? Masyadong balingkinitan ang babae sa paningin niya.

Age: 23 years old

I'm just three years older than her.

***

Graduated B.S. Psychology

Certificate in Office Administration

Motto: You can do it, if you put your mind to it.

What the—? It's not even a motto. And why is there a motto in her resume?

Napasapo siya sa ulo. At kinailangan niya ng aspirin nang basahin ang short essay nito.

***

Why do you think communications is important to industrial offices?

First, thank you from this opportunity to answer the question. Now, to answer the question, I think that communications are important to industrial offices because without communications, everyone will be confuse and can not understand. You know? Like, when the boss have something to say and the employee can not understand, the command wouldn't be made. Also, communication is a heart to every relationship. From friendship, love life, working life and so on. But let's not talk about the lovelife and other relationship right now. What I'm saying was relationship was better if there is communicate to each other. I thought it's the same to industrial offices. You know? :)

***

This is a tragedy! Paano nakapasok ang babae sa kumpanya nila? Is she some kind of terrorist or a blackmailer? At sa Communications Department pa talaga!

Naiiling niyang pinindot ang intercom sa opisina ng babae.

"Yes, Sir?"

"In my office! Now!"

***

Sumasakit ang ulo ni Anne nang pumasok sa opisina ni Hunter. Nakano-nosebleed naman kasi ang mga responsibilities na sinasabi ni Sir Gener kanina. Ang alam niya ay secretary lang siya. Pero may binabanggit itong 'to prepare presentations and consolidate reports from different company Departments' at mayroon pang to prepare memorandum and stuff'. Hindi ba pang-boss na trabaho iyon?

Kunot ang noo ng lalaki sa pagkakatingin nito sa isang folder na hawak.

"Sir," aniya para makuha ang pansin nito. Ngumiti siya.

"Leave us alone, Tito," anito sa matandang lalaking nasa tabi niya.

Walang imik na lumabas ng silid si Tito Gener. Siya naman ay nanatiling nakatayo at hindi makausad mula sa pinto. Madilim na madilim kasi ang itsura ng halimaw. Parang kalalabas pa lang nito mula sa bangang pinagtataguan at mukhang siya ang pagdidiskitahan. At hindi pa yata kaya ng powers niya!

Tumayo si Hunter mula sa mesa nito at naupo sa couch set na nasa gitna ng silid. Sinenyasan siya nitong lumapit. Sumunod naman siya.

"Sit."

Umupo siya sa katapat nito.

"Ano po 'yon, Sir?"

"I'm holding your file right now and it indicates here that you're working for us for a month now," simula nito.

Tumango siya. "Yes, Sir. Isang buwan pa lang po ako rito."

Ibinaba nito ang folder sa mesa. Parang pinapakuha sa kanya. Kinuha naman niya.

"Explain your essay to me."

"Po?" Kinakabahan siya sa tipid na pagsasalita ng lalaki.

"Your essay about communication. Explain it to me."

Tinitigan niya ang bagay na isinulat niya sa written test na mula sa kumpanya.

"Ano po... that communications... are..."

"In Filipino."

"Ang ibig kong sabihin diyan, Sir, importante ang communications churva dahil kung walang komunikasyon, hindi magkakaintindihan ang mga empleyado. Hindi magagawa o matatapos 'yong mga dapat gawin. Tapos... parang sa relationship din 'yan." Lumapad ang ngiti niya. "Alam n'yo 'yon? Kapag may maayos na communication, survivor ang relationship. Friendship man 'yan o love life. Lalo na sa work, Sir. Mas survivor kapag maayos ang communications."

Nakatitig siya sa madilim na mata ng lalaki. May sinabi ba siyang mali? Sinunod lang naman niya ang request nito ng pagpapaliwanag niya, ''di ba?

"Who hired you?" parang inis na tanong nito.

"Sir..." —lumunok siya—"galit ka?"

"Who hired you, Miss Reyes?"

"Si Miss Liza Tumanan po."

Sumandal ito sa couch at napasapo sa noo.

"She's resigned," anito. "What bad timing!"

"Opo, Sir. Hindi n'yo na masisisante," sabi niyang nakalabi.

Masama itong tumingin sa kanya. Sinalubong naman niya.

"Alam mo, Sir... Ano bang inaalmusal mo? Bakit parang lagi kang galit? Gutom ka ba?"

Dumilim ang mukha nito.

"Baka lang po gusto mong magpabili ng almusal," palusot niya.

Inilahad nito ang kamay sa kanya. Iniabot naman niya ang file niya. Ano ba kasing nakaiinit ng ulo sa resume at sa test niya?

"Ano bang problema, Sir?" tanong niya. "Kasi... I can't understand. You know."

Galit ang mata nito sa pagkakatingin sa kanya. "It's wrong to even hire you."

Tumaas ang kilay niya. "E, hindi naman talaga ako dapat tatanggapin ni Miss Liza. Nakiusap lang ako."

"Go on."

"E, 'yon nga, Sir. No'ng nag-apply ako no'n dito sa kumpanya n'yo, bagsak na ako sa test at interview. Kasi 'yong English ko, 'di ba?" sabi niya rito.

Tumango ito. Nakita niya sa mukha nito na naiintindihan nito ang sinasabi niya. At wala naman siyang balak na itanggi na mahina siya sa English.

"Then?"

"Then, nag-follow-up po ako sa H.R. tapos nakiusap ako kay Ms. Liza na tanggapin ako. Kakilala po siya no'ng professor ko sa college. Kasi that time po, may sakit 'yong Mama ko. Nagkaroon siya ng myoma sa matris at inoperahan siya. Naalala mo, Sir, sabi ko sa'yo, nagtitinda lang ako ng balut? 'Ayun. Kaya ako naghahanap ng trabaho no'n! Kasi may nautangan kami na kailangang bayaran."

Nakatingin sa kanya ang lalaki. Hindi mabasa ni Anne ang ekspresyon nito sa mukha. Parang blangko. Pero at least, hindi na galit.

"Kaya 'yong trabaho ko ngayon, Sir, 'wag mo ng bawiin. Please?" Ginandahan niya ang paglantik ng pilikmata habang nakikiusap.

Nagbuntonghininga ito.

"I'm speechless."

"Is that good po? O hindi?" usisa niya rito.

Kunot ang noo nito.

"Alam mo ba kung gaano kalaki ang responsibilidad ng pagiging secretary ko? The position you're filling in is an Executive Secretary's job. Hindi lang pagtitimpla ng kape o pagsunod sa utos ko ang mga dapat mong gawin."

Namroblema siya. Naalala ang orientation. "Oo nga, Sir e. Sumasakit nga 'yong ulo ko sa mga pinapaliwanag ni Sir Gener kanina. Paano 'yan? Anong gagawin natin?"

Nagsalubong ang mata nila.

"I should fire you," sabi nito, matter-of-factly.

Napaawang ang bibig niya. "Fire agad, Sir? Agad-agad? Wala man lang 'let's work this', gano'ng eklat? Puwede naman nating gawan ng paraan 'yan."

Ibinaba nito ang folder niya sa mesang kaharap.

"That's what bosses do, Miss Reyes. We fire incompetent employees and replace them with better ones."

"Teka lang, Sir a!" sabi niya rito. "Una, 'di ba nga po, 'yan ang problema? Wala ka pang makuhang pamalit. Dahil nandito na 'ko, gawan na lang natin ng paraan! Kaya natin 'yan! Team work? Alam n'yo 'yon?"

"I know what team work means. But it does not apply to us, Miss Reyes. I'm your boss."

"Alam ko 'yon, Sir CEO, Sir. At dahil ikaw ang boss, puwede mo ring piliin na 'wag akong sisantehin at tulungan akong maging mas maayos na secretary. Gets?"

Mukhang hindi ito kumbinsido.

"Sige na, Sir... Sayang 'yong kabaitang ipinakita mo sa 'kin! Ituloy-tuloy mo na 'yan! Push natin!"

Sapo nito ang noo sa mga sinasabi niya. Abusada na ba siya?

"I should just fire you," parang sabi nito sa sarili.

Nakangiti si Anne sa nakikita. Alam niyang pwedeng-puwede nga iyong gawin ng halimaw. Pero bakit hindi nito ginagawa? Gusto niya tuloy matawa.

" 'Wag na, Sir Hunter. Please..?"

Sumandal ito sa couch at tumitig sa kanya. Nakipagtitigan naman siya. At nando'n na naman 'yong pakiramdam na parang nilalamon siya ng magneto ng mata nito. Iyong parang hinihigop nito ang buong pagkatao niya.

Dumoble tuloy ang tibok ng puso niya. Ang guwapo ng boss niya! Hindi niya masisisi ang mga naging sekretarya nito kung nagpantasya man!

"Okay. Let's see what you know," anito at parang nag-isip. "How fast can you type?"

Aba, malay niya! Wala namang timer ang mga typing processors!

"E... hindi ko alam, Sir. Hindi ko kasi inoorasan."

Napahawak ito sa sentido.

"Do you even know touch typing?"

Umiling siya.

"Stenography?"

"Kaunti lang po. Parang uod ang sulat ko. After three days, hindi ko na rin naiintindihan."

"Word processors?"

"Kaunti."

"Excel worksheets?"

"Ano po?"

"Never mind."

Patlang.

"How about technical writing?" Nauna na itong umiling. "Never mind."

Nanatili itong nag-iisip. Nanatili naman siyang nakatingin.

"Call Tito Gener," anito sa kanya.

Tumayo siya na nakatingin pa rin dito at lumabas ng silid. Pinuntahan niya si Sir Gener sa opisina niya at tinawag. Nang makabalik na sila sa opisina ni Hunter ay umupo siya sa couch. Nanatili naman na nakatayo ang matandang lalaki.

"She will create disasters if she becomes the Exec. Secretary. What are our options?" si Hunter.

Lumabi siya sa narinig. Disaster agad?

Sumulyap sa kanya si Sir Gener. Ngumiti siya sa matandang lalaki.

"Sir, Miss Ashley Cavanaugh called and would like to take that position."

"Ashley?" ulit ni Hunter na parang gulat. "Is her father involved with the request?"

"No, Sir. It looks like Miss Cavanaugh decided on her own."

Nagbuntonghininga si Mr. CEO.

"Okay. Call her and tell her that she's hired. And that I need her immediately."

Nakatanga si Anne sa dalawang nag-uusap. Sino si Ashley Cavanaugh at bakit tanggap na agad ito? Ni wala man lang resume, aba! At siya? Ano nang gagawin niya? Wala na ba siyang trabaho?

"Sir Hunter..."aniyang kinakabahan, "pa'no 'ko?"

"You will vacate the Executive Secretary's office. From now on, you will be my private secretary," sagot nito bago bumaling sa matandang lalaki, "Is that okay, Tito?"

"Perfect set-up, Sir. I could fill in the position for External Affairs."

Nanatiling nakatitig sa kanya si Hunter. Parang pinag-aaralan siya. Pagkatapos ay lumambot nang kaunti ang facial expression nito.

"You have a lot of things to learn, Anne. I will help you learn what you need to by sending you to tutorials. I will deduct it from your salary. Since you wanted a chance, I will give you a chance. But you have to do your best. Hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay nadadaan sa pakiusap o sa pilikmata. You have to prove you're worthy."

Tumagos sa puso niya ang mga salita nito. Lalo na dahil binanggit nito ang pangalan niya at walang pagpapagalit o pangmamaliit sa tono nito.

"Sir, ang lalim ng hugot ng words of wisdom mo," wala sa loob na sabi niya.

Nagbuga ito ng hangin. Nakatitig pa rin sa kanya. "I am serious, Miss Reyes."

Ngumiti siya. "Alam ko po. Salamat, Sir Hunter."

Tumayo na ang lalaki mula sa couch. Nag-utos uli ito kay Tito Gener habang naglalakad pabalik sa mesa nito.

"Tito, record her typing speed, steno and recall capability. Then, I will give you a list of seminars and tutorials that she needs to attend before we proceed to meet with Marketing."

"Noted, Sir," sabi ni Sir Gener at ngumiti.

Nakasunod ang mata niya kay Hunter. Medyo naiiyak siya. Marami pa siyang hindi maintindihan sa lalaki pero isa lang ang ngayon ay sigurado talaga siya — he is nothing like the rumors. #

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 1.5K 34
What's inside your mind?
183K 3K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.1M 220K 47
Hestia has learned her lesson: never flirt with a casanova or else, you'll end up with a broken heart and a fatherless child. She has done everything...