Last Day at St. Louie

By scitusnim

37.6K 2.8K 1.7K

The pandemic is over and the quarantine is now lifted. Almost a year after their supposed graduation day, St... More

Last Day at St. Louie
1 - Something's off
2 - The Challengers
3 - Smokescreen
4 - Tainting Purity
5 - Eye to Eye
6 - Wits for Life (Part 1)
8 - Wits for Life (The Reason Behind)
9 - Wits for Life (Part 4)
10 - Wits for Life (Last Part)
11 - The Hendecagon
12 - Three, Nine, Twenty
13 - The Transferee & the One who Failed
14 - Stepbrothers
15 - The Bully & the Innocent
16 - The Dead Man's Journal
17 - More and More
18 - The Clueless Ones
19 - The DIY Weapon
20 - The New King
21 - Not Over Yet
22 - A Little Chitchat
23 - Russian Louie
24 - Welcome to the Chaotic Mind of Allysa Santino
25 - Two Years Later

7 - Wits for Life (Part 2)

1.2K 108 26
By scitusnim

7 - Wits for Life (Part 2)



| How many letters are in the alphabet? |



"Ilan ba ang letters sa alpabetong Filipino?" tanong ni Lia.



Agad na umiling si Vince. Magsasalita pa lamang siya ay nauna ng tumutol si Ally sa ideya.



"The question is in english."



"But does it really refer to the english alphabet?" tanong naman ni Jerome.



"Kaya nga. Malay mo naman, 'how many letters are in the Filipino alphabet' pala talaga 'yan? Or kung ano mang alphabet ng kung anong language. Sinadya lang na tanggalin yung keyword para hindi natin masagutan," pangangatwiran naman ni Hailey.



"Or maybe we're just over thinking this," ani Ally sa parehong tono ngunit wala pa ding buhay na makikita sa kanyang mga mata. "Maybe it is really 'how many letters are in the phrase: the alphabet'. If it is, then the answer is eleven."



Tututol pa sanang muli ang dating SC Secretary noong biglang naging kulay green ang screen. Walang lumabas na salita ngunit napatahimik ang lahat noong biglang bumukas ang double doors ng Louie's Hall.



"It really is eleven," wala sa sariling naibulong ni Ally na sa halip na sa pinto ay sa speaker nakatingin. Siya mismo ay nagulat din na tama ang naging sagot niya. Bukod doon, nakumpirma niyang naririnig ng kung sino mang nasa likod ng lahat ang bawat salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.



Sandaling walang gumalaw at tila nagpakiramdaman muna ang lahat. Ilang segundo ang lumipas, nabawi ni Ally ang tingin mula sa speaker noong nagkaroon bigla ng stampede sa may pintuan. Nagtutulakan ang lahat para maunang lumabas. Tanging ang grupo nila ang naiwang nakatayo lamang.



"Wag kayong mag-unahan!" sigaw ni Kingsley saka patakbong nagtungo sa kaguluhan. Hinila niya ang pinakaunang lalaki at babae na naabot niya ngunit agad ding bumalik ang mga ito sa pakikipagtulakan. "Stop pushing each other! Calm down!"



"Stop panicking! Ano ba!" sigaw ni Hailey. Bagaman lumapit din sa kaguluhan, tumigil siya may isang dipa ang layo sa mga nagtutulakan sa takot na madamay.



"It's not closing," ani Ally habang seryosong nakatingin sa pintuan. Naramdaman niya ang pagtayo ni Vince sa kanyang tabi at nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.



"It's a trap."



"Sandali!" sigaw ni Noah. Lalapit na sana siya para tumulong kay Kingsley noong may tumilapon sa kanyang direksyon. Agad niyang inalalayan ang babaeng naitulak palabas mula sa mga naggigitgitang kabataan. "Ayos ka lang?"



Tumango lamang ang babaeng hinihingal at tila wala sa sariling bumalik sa pakikipagtulakan.



"Miss, sandali!" Aawatin sana ni Noah ang babae ngunit napalingon siya noong marinig na may sumigaw sa isang pamilyar na pangalan.



"Ally!" Humahangos na nilapitan ni Paul ang dalagang sumali na din sa paghila sa mga kapwa nila kabataan palayo sa pintuan. Hindi siya sumali sa pakikipag-unahan na makalabas kaya hindi sinasadyang naitulak na siya patungo sa likod kung saan naroon ang grupo ng dalaga. "Ally, baka maipit ka!"



"Paul, tumulong ka din! Bilis!" Natatarantang nilingon ni Ally ang binata. "They might die!"



Sa sigaw na iyon ng dalaga ay tila natauhan sina Arkin, Jerome, at Lia. Mabilis na nag-flash sa utak nila ang nangyari sa unang batch ng magkakapares na lumabas mula sa mga cubicles ng hindi pa natatapos ang task. Mabilis din silang lumapit ngunit bawat taong nahihila nila ay bumabalik lamang sa pakikipag-unahan na makalabas.



Lumipas ang higit isang minuto, ang grupo na lamang nina Kingsley ang natira sa loob ng Louie's Hall. Hinihingal na lumapit ang dating SC President sa pintuan, at tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib noong makita ang mga kabataang nagdidiwang dahil nakalabas na sila. "They're alright..."



"Kingsley, don't step outside," madiin na paalala ni Hailey.



Hindi man lumingon ang binata ay huminto ito isang hakbang lamang mula sa hamba ng nakabukas na pintuan. Humugot si Kingsley ng isang malalim na hininga at biglang nanigas sa kinatatayuan.



Napasigaw si Hailey, maging si Ella na naka-upo sa isang tabi kasama ni Terrence. Walang nakapag-salita. Dahan-dahang humakbang si Ally palapit sa dating SC President at agad na sumunod sa kanya sina Noah at Paul. Hindi pa sila tuluyang nakakalapit, humarap na si Kingsley.



Napatigil sa paghakbang ang tatlo noong makita ang itsura ng dating namumuno sa kanilang Student Council. Ang puting polo na suot nito ay halos naging kulay pula dahil sa talsik ng mga dugo mula sa labas. Maging sa mukha at salamin na suot nito ay tumutulo ang pulang likido na sumirit mula sa higit isang daang kabataan na ngayon ay nakahandusay sa labas ng Louie's Hall.



"T-There are others..." nanginginig ang boses na nasabi ni Terrence. Napalingon sa kanya ang lahat. Nagsimula siyang pagpawisan.



"What do you mean?" tanong ni Noah.



"I'm...I'm sorry! They blackmailed me! They have my sister, I'm sorry! I'm really sorry! I didn't know what to do! I was desperate!"



"Terrence..." Wala sa sariling lumayo si Ella mula sa kanilang Class President na ngayon ay umiiyak na. "What did you do?"



"Tell my sister that I'm sorry," paki-usap ni Terrence. Itinaas niya ang kanang kamay niya tila nakapormang-baril. Nagtatakang nakatingin lamang ang lahat sa kanya.



Samantala, dahil nakatayo pa din malapit sa pintuan at dahil na din sa suot niyang makapal na salamin na may bahid pa ng dugo, naaninag ni Kingsley ang pagkislap ng tila isang metal sa pagitan ng pulso at sleeves ng suot na jacket ni Terrence. Nanlalaki ang mga matang tumakbo siya palapit.



"No!"



Hindi na umabot pa si Kingsley. Muling natigilan ang lahat noong humandusay si Terrence sa sahig, wala ng buhay.



*****



"Saan ka pupunta?!" sigaw ni Felicity matapos niyang hilahin ang kasamang binatang pulis na akmang papasok sa single gate sa Gate 2 ng St. Louie University. "Hindi mo ba nakikita ang mga bangkay na 'yan?"



"N-Nakikita..." wala sa sariling sagot ni Cholo. "Kaya nga po, paano kung may mga tao sa loob?! Baka may mga nasa panganib! Baka may nangangailangan ng tulong—ahh!"



Nanlalaki ang mga matang napahawak ang binatang pulis sa kaliwa niyang pisngi. Bukod sa gulat dahil sinampal siya ng tinitingala niyang pulis, sadyang napakalakas niyon at ramdam niya ang hapdi. Gusto niya sanang mag-reklamo ngunit noong muling mag-angat ng tingin ay nakita niya ang nanlilisik nitong mga mata. Muli siyang napayuko at napahimas na lamang sa pisngi niyang nasampal.



"May sasabihin ka pa ba?" maangas na tanong ni Felicity.



"Awts?" halos ibulong ni Cholo.



"Hati ang katawan ng mga bangkay. Imposible namang tinataga na ang kasama nila, hindi man lang tumakbo 'yong iba. Mas imposible din na may dumaan na hangin at hinati ang katawan nila," paliwanag na lamang ni Felicity. "Nasa loob ang mga ibabang parte habang nasa labas ang itaas. Malamang nagtulakan ang mga batang 'yan para makalabas ng gate."



"E-Eh, paano po nahati ang katawan nila?"



Sa halip na sumagot ay nagtungo si Felicity sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa backseat at kinuha ang isa sa dalawang unan na naroon.



"Paborito 'yan ni Chief Leo," paalala ni Cholo. "A-Ayaw niya pong nadudumihan 'yan. Baka mapagalitan ako."



Hindi pinansin ng babaeng pulis ang kanyang naririnig. Walang pag-aalinlangan na ibinato niya ang unan sa gate.



Nahati ang unan. Nagka-tinginan sina Cholo at Felicity.



"M-May... May..." Hindi maituloy ng binatang pulis ang sasabihin habang nakaturo ang nanginginig na kamay sa gate.



"Tumabi ka," sabi na lamang ni Felicity saka lumipat naman sa driver's side ng sasakyan. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at patalon na lumayo matapos iyong paandarin.



Sumalpok ang sasakyan sa poste na nagdudugtong sa single at double gates. Gumuho iyon.



Laglag ang panga ni Cholo dahil sa nasaksihan. Napasabunot siya sa sarili noong makita ang yuping bumper ng sasakyan. "Lagot ako! Lagot na talaga ako!"



Napailing na lamang si Felicity saka dinampot ang natitirang unan sa backseat. Inihagis niya muli iyon sa gate at noong nakitang hindi iyon nahati ay napangiti siya. "Let's go."



"Po?"



"Mamaya mo na planuhin kung paano ka magpapaliwanag kay Chief," nakangising ani Felicity.



"Bakit ako? Eh, ikaw ang nagbangga..." Biglang bumaba ang tono ng pananalita ni Cholo sa isang tingin lamang na ibinigay ng babaeng pulis. "...po. Diba po?"



Napapangiting tumalikod na lamang si Felicity. "Tara na."



*****



"Tangina ka, iniligtas pa pala kitang gago ka!" naiinis na sabi ni Arkin habang nakatingin sa kaninang ka-partner ni Ella na hanggang ngayon ay nakadapa sa sahig.



"Let him get up and put on his clothes," utos ni Noah. "May mga babae tayong kasama."



"Kahit naman puro lalaki tayo pagbibihisin ko na din talaga 'tong siraulong 'to." Tumayo si Arkin at sinipa ang lalaki. "Hoy, tumayo ka dyan at magbihis ka. Naalibadbaran ako sa bilbil mo."



Naiiling na napabuntong hininga si Noah. Inilipat niya na lamang ang tingin sa kabilang dulo ng hall at tinanaw doon sina Hailey at Kingsley.



"Tissue pa?" tarantang sabi ni Hailey habang naglalabas ng make-up tissue mula sa kanyang maliit na body bag.



"Hailey, calm down," kalmadong sabi ni Kingsley. "It's not my blood."



"But it's from the people you care about."



"Hailey, I'm no longer the SC President. We're no longer students of this university." Bumuntong hininga si Kingsley. Tinanggal niya ang mga butones sa dulo ng sleeves ng kanyang polo para itaas ang mga iyon hanggang sa kanyang siko.



"But you're still leading us." Diretso ang tingin sa mga mata ng dating SC President na sinabi ni Hailey ang mga salitang iyon.



Tipid na ngumiti si Kingsley. "Out of habit?"



Magsasalita pa sana muli si Hailey noong marinig nila ang malakas na boses ni Arkin.



"This is some tech shit!" namamanghang sigaw ng binata matapos agawin sa kamay ni Jerome ang isang maliit ngunit pahabang baril na inilabas nila ni Paul mula sa sleeves ng jacket na suot ng bangkay ni Terrence.



Pinaikot ng Hailey ang kanyang mga mata. "I'm going there before that stupid start shooting at us."



"He's not untamable," ani Kingsley. Bahagya siyang natawa noong napangiwi lamang si Hailey dahil sa sinabi niya. Sinundan niya ng tingin ang dalaga hanggang sa makarating ito malapit sa stage kung saan naroon ang lahat. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.



Mula sa isang daan tatlumpu't dalawa ilang minuto lamang ang nakakalipas, labing-isa na lamang silang natitira sa loob ng Louie's Hall.



"May laman pa pala 'yong tumbler ko," sabi ni Lia habang papalapit kina Ally at Ella na nakaupo sa hagdan sa gilid ng stage. Iniabot niyang ang tinutukoy na tumbler sa huli. "Sayo na lang."



"S-Salamat Lia," mahinang ani Ella.



Napakunot ang noo ni Ally na bahagya namang nakapagpatawa kay Lia. "You really don't recognize me, do you?"



"What?" tanong ni Ally. Naramdaman niyang tumingin din sa kanya si Ella.



"She's Lia, our classmate."



Bahagyang napaawang ang mga labi ni Ally, hindi alam kung ano ang dapat na sabihin sa babaeng naging kaklase niya sa loob ng limang taon at hindi niya man lang nakilala kanina. "I-I'm sorry."



"It's okay," nakangiting sabi ni Lia. "We almost never had the chance to talk din naman when we were students."



"I'm really sorry," pag-uulit ni Ally.



"Ano ka ba, okay lang talaga," natatawang sabi ni Lia. "Though I'll consider myself as one of your friends na paglabas natin dito."



Napataas lamang ang mga kilay ni Ally. Napagtanto niya lamang ang totoong pakay ni Lia noong umupo ito sa kabilang side ni Ella.



"Saan niyo gustong pumunta after nito?" tanong pa ni Lia. "Shopping? Movie? Out of town?"



Napabuntong hininga si Ally at napangiti. Binigyan niya si Lia ng isang nagpapasalamat na tingin dahil sinusubukan nitong bigyan ng rason si Ella para hindi sumuko sa kung ano mang sitwasyon sila naroroon.



Lalong napangiti ang dalaga noong marinig na sumasagot na si Ella hanggang sa tuluyan na itong nakipag-kuwentuhan kay Lia. Tumayo siya at hinayaan na lamang ang dalawang mag-usap.



"Hoy, ibaba mo nga 'yan!" pananaway ni Hailey sa binatang tila sinusuri ang baril.



"The trigger was connected to his ring," mahinang sabi ni Arkin. Sinubukan niyang isuot ang singsing ngunit hindi iyon nagkasya. "Now, I'm convinced that everything was carefully planned. They even came up with this shit."



"Arkin!" naiinis ng sigaw ni Hailey. "Put that dow—"



Mula sa kani-kaniyang puwesto, napalingon ang lahat sa screen noong marinig muli nila ang tunog na tila sa isang doorbell. Lumabas ang pangalawang tanong at wala sa sariling humakbang sila palapit sa isa't isa.



"They waited for us to settle and be ready to answer the next question," nakangisi at naiiling na sabi ni Vince.



"They're really watching," tumatangong sabi naman ni Ally na bagaman nakatayo din ay hindi lumalayo sa naka-upong si Ella.

| O E R T O |



"What the hell is that?" nakangiwing tanong ni Jerome.



"A code?" tanong din ni Paul.



"It's not," seryosong sabi ni Ally. Muling napunta sa kanya ang tingin ng lahat. "I know the answer but I want answers too."



Napakunot ang noo ni Kingsley. Si Hailey ang unang nag-react.



"Ano?"



Bahagyang itinaas ni Vince ang kanyang kanang kamay. "Same here."



Tila may namuong tensyon sa pagitan ng mga natitirang kabataan. Matagal-tagal ding namayani ang katahimikan habang nagpapakiramdaman ang lahat, bago nagsalita ang dating SC President.



"Answers for what?"



Kaswal na sinalubong ni Ally ang tingin ni Kingsley. "What do you know about this?"

"Wait, what?" Si Hailey muli ang naunang mag-react ngunit hindi nagpatinag si Ally.



"Or maybe Noah?"



Napa-awang ang mga labi ng tinutukoy na binata. Hindi niya inaasahang mababanggit ang kanyang pangalan ngunit matapang niyang sinalubong ang tingin ni Ally.



Humakbang si Arkin palapit at kunot-noong itinuro si Vince. "Had this geek already convinced you that my cousin is involved with whatever shit is happening right now?"



"It's not about him being the only non-engineering graduate among all of us here," seryoso na ding sabi ni Vince.



Muli namang tinignan ni Ally ang dati nilang SC President. "You lied, right?"



Hindi nagsalita si Kingsley. Hindi siya nagpakita ng kahit na anong reaksyon sa sinabi ng dalaga.



"You didn't ask him to come and help today." Tila siguradong-sigurado si Ally sa kaniyang sinabi. Ibinalik niya ang tingin sa naging ka-partner niya sa huling task.



Napalunok si Noah ngunit muli niya ding sinalubong ang mga matang ilang beses niya ng natitigan sa umagang ito.



"Why are you here, Noah?"

;



















Continue Reading

You'll Also Like

Hour of Death By MM

Mystery / Thriller

81.1K 3.3K 33
When Percy received a call informing that her brother went missing after participating in a camp, she told herself that she'll do everything to find...
50.8K 4.3K 145
*4357#, also known as *𝐇𝐄𝐋𝐏#, is a hotline number that aids lonely, sad and depressed people with their problems. But what if... you really diale...
691K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
174K 13.1K 106
Luanne Ignacio finds the biggest plot twist of her 2025 when she meets the baseball varsity team's cleanup, Lucas Gomez-who claims to be "not interes...