When the Falls, Fell Into My...

By Pormecaso26

1.9K 383 23

Former Title : Happy Never After Completed | Rivervalde Series 1 Arturo Fernandez is a gentleman R2F fighter... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28

CHAPTER 18

32 5 0
By Pormecaso26

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Aling Clara.

"Mag-impake na po tayo, uuwi na po tayo ngayon," sabi ko.

"Anong nangyari?" tanong niya at umiling nalang ako. Dumeretso ako sa kubo namin at mabilis kong inasikaso ang mga gamit ko.

Hindi naman na nagsalita pa si Aling Clara. Sila Chesca na ang nagpaliwanag ng nangyari, agad na sinundan ako ni Aling Clara.

"Klare, nagpaliwanag ba sa iyo nang maayos si Arturo?" tanong niya at hinarap siya at dahan-dahang tumango.

"Gusto ko pong maniwala, naniniwala po ako sa kan'ya. Pero may iba pa pong dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito," paliwanag ko at bumuhos ang luha ko. Ayaw sa akin ng nanay niya.

Niyakap naman ako ni Aling Clara at hindi na nagtanong pa. Matapos naming mag-ayos ng gamit ay sumakay na kami sa yate.

Nang umandar ang yate ay nakatitig lang ako sa isla ng Costa Mesa. Mamimiss ko rito, kung hindi man bumalik si Arturo sa Rivervalde ay tatanggapin ko kahit masakit.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at pumasok nalang sa kwarto ko saka nahiga sa kama. Magdamag akong tulala sa kisame at hindi makatulog.

Iniisip ko kung kaya ko bang makita si Arturo na masaya sa piling ng iba. Iniisip ko kung bakit biglang nagbago ang isip ni Aling Milagros.

Matapos ng dalawang araw na byahe ay nakabalik na kami sa Rivervalde. Sa dalawang araw na iyon ay nagkulong lang ako sa kwarto ko.

Nang makauwi kami ay sinalubong ako ni mama, taas na taas ang kilay, ngunit wala naman na akong pakialam kung ano man ang sasabihin niya ngayon.

"Oh, Klare? Nag-enjoy kayo?" tanong ni papa nang makita niya ako.

"Opo, papa. Maraming salamat po," simpleng sabi ko.

"Where's Arturo?" tanong niya. "May trabaho pa siya sa akin," dagdag pa niya.

"Baka matagalan pa pong bumalik," sabi ko. Baka matagalan o baka hindi na bumalik. "May problema po kasi sa pamilya, iyon po ang paalam sa akin," dagdag ko pa.

Bumuntong-hininga si papa, hindi ko maipaliwanag kung galit ba siya o hindi. Umakyat na ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko.

Habang nag-aayos ay nakuha ko sa bag ang itim na t-shirt ni Arturo. Hindi ko maiwasan ang malungkot at masaktan, dahil sa sinabi ng nanay niya sa akin.

Muling pumasok si Aling Clara sa kwarto ko at naupo sa kama para kausapin ako.

"Klare, pwede ba tayong mag-usap?" mahinahong tanong niya at tumango naman ako. Tumabi ako sa kan'ya at hinaplos niya ang ulo ko.

"Ganoon talaga sa buhay, Klare. May mga taong tanggap ka, at mayroon namang mga taong hindi. Ang dapat mong gawin ay huwag kang sumuko at huwag kang magpadala sa sinasabi ng ibang tao, kung alam mong wala kang ginagawang masama, huwag kang panghinaan ng loob," paliwanag niya.

"Pero tama po si Aling Milagros na layuan ko ang anak niya. Dahil ako po mismo, kung ipagpalatuloy ko ito ay baka mapahamak siya. Kilala ko po si papa, at kilala niyo rin po si papa," paliwanag ko at nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko.

"Ano kamo? Anong pangalan ng kan'yang ina?" tanong ni Aling Clara.

"Aling Milagros po," sagot ko at napahawak siya sa kan'yang dibdib. Parang nagulat siya nang sagutin ko ang tanong niya. "Bakit po?" tanong ko at umiling naman siya.

"Pag-isipan mo nang mabuti ang magiging desisyon mo," tanging sinabi niya at iniwan akong mag-isa sa kwarto ko.

Umiling nalang ako at lumabas para pumunta sa rancho. Kinuha ko si Apollo at pumunta sa Angano Falls.

Nang marating ko ang Angano Falls ay bumalik ang lahat ng ala-ala namin ni Arturo, kung paano ako nahulog sa kan'ya.

Naupo ako sa basang bato at niyakap ang aking mga tuhod. Sana narito parin siya para samahan ako sa pag-iisa ko.

Ngunit kahit anong hiling ko ay wala siya. Hindi siya dumating. Iniisip ko kung sinunod niya ba ang nanay niya na iwasan ako.

Sabagay, ako nga sinunod ang gusto nila mama at papa. Siya pa kaya na isang mapagmahal na anak? Siguro ay masaya na ng Margaret na iyon sa nangyari sa amin ni Arturo. Naiinis parin ako kung tuwing naalala ko kung paano umandar ang mahadera niyang bibig.

Pero tama na rin iyon, dahil kung hindi kami magsasabi ng totoo ni Arturo ay parang niloloko namin si Aling Milagros.

"Klare," dinig kong pagtawag sa akin ng isang babae. Nilingon ko siya at nakita ko sila Chesca. Kumpleto sila.

Agad silang lumapit sa akin at niyakap ako. "Alam naming narito ka. Favorite place mo kaya 'to," sabi ni Trixie. May mga dala silang snacks at beer.

"We bought these knowing that you'd need them,"  sabi ni Randy at ngumiti naman ako. Kahit pa minsan hindi kami magkakasama ay thoughtful na talaga sila.

"Thank you sa inyo," sabi ko.

"Baka naman nabigla lang si Aling Milagros noon kaya nasabi niya ang bagay na iyon. Alam mo naman ang mga magulang, ayaw nilang napapahamak ang anak nila. Hindi ba't napa-barangay tayo? Siguro ay nabigla lang talaga siya," mahinahong paliwanag ni Chesca.

"Sana nga," simpleng sabi ko at binuksan nila ang bote ng beer. Tag-iisa kami ng bote. Tinaas namin ang mga kamay namin oara mag-cheers.

Habang umiinom ay pinapanood lang namin ang payapang talon. May dalang gitara sila Mike at Randy, kaya hindi naging boring ang pag-tambay namin dito.

There I was, an empty piece of a shell
Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all about

Paninimula ni Randy sa pagkanta habang naggigitara si Mike. Nakinig naman kami sa kanila.

Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was, so in love with you

Maganda ang boses ni Randy. Minsan ay kumakanta siya sa mga gig kasama si Mike. Matapos ng lyrics no'n ay sumabay na kami pagdating sa chorus.

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you

Maybe this song is for him too. He really gave me a reason to live. A will to be happy and free. How funny it is that everything has limits.

"Thank you guys, dahil sinamahan niyo ako. Kung wala kayo baka sobrang boring ko rito kahit pa favorite place ko ito. Nasanay na kasi akong may kasama rito eh," paliwanag ko at ngumiti sila sa akin.

"It's okay. Kaibigan ka namin, Klare. Kung malungkot ay malungkot din kami, at hindi namin kayang tiisin 'yon. That's why were here with you," nakngiting sabi ni Loreen.

"Tama, kung papayagan ka at kung gusto mo ay panoorin mo ang gig namin ni Mike sa Tuesday. Sa Gitzy Bar," nakangiting sabi ni Randy.

"Sure, I'll come. Kayo rin Chesca ha," sabi ko.

"Oo naman, naroon naman kami palagi sa gig nila. Pumunta ka," nakangiting sabi ni Chesca.

Matapos noon nang mapansin ko ang oras na pagabi na ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Sumakay na ako kay Apollo para bumalik sa hacienda.

"Señorita, akala ko po ay kung ano na ang nangyari kay Apollo," nag-aalalang sabi ni Peter.

"Sorry, kailangan ko lang talaga si Apollo ngayon. Sorry dahil hindi na ako nakapag-paalam," paliwanag ko at bumaba na kay Apollo.

"Okay lang po, Señorita. Nag-alala lang po talaga ako dahil paborito niyo po si Apollo. Akala ko ay napabayaan ko na ang trabaho ko," he said in relief.

Ngumiti nalang ako at bumalik sa hacienda. Ngunit laking gulat ko nang makita si Gabriel na nakaupo sa sofa, nakangiti sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't nakakulong kana?" inis kong sabi at bumaba si mama mula sa ikalawang palapag.

"Relax, darling. Wala namang sapat talaga na ebidensya sila Kapitan Herrera, kaya pinalaya rin siya," paliwanag niya.

"What?! Isa siyang kriminal, mama," giit ko.

"Watch your mouth, Klare. Hindi ba't kakasabi ko lang wala ngang sapat na ebidensya?" sabi ni mama.

"Anong kaguluhan ito, Eleanor? At anong ginagawa ng lalaking iyan dito?" takang tanong ni papa.

"Nakalata siya. Mali naman kasi ang paratang sa kan'ya," paliwanag ni mama.

Sandaling natahimik si papa, tinitigan niya si Gabriel na para bang sinusuri niya ito. What the hell, anong ibig sabihin? Magpapakasal parin kami? Hindi ko na talaga maintindihan si mama.

"Ano nanaman ba ito, mama? Anong ibig sabihin nito? Matutuloy ang kasal namin ng lalaking iyan?!" hindi ko na naiwasan pa ang magtaas ng boses. Sobrang stress na ako at sobra na itong pressure na nararamdaman ko.

Agad na lumapit sa akin si mama, at isang malakas na sampal ang natanggap ng pisngi ko. Napatulala ako dahil sa sakit noon.

"How dare you raise your voice to me?" galit na galit niyang sabi, ako naman ay napahawak sa pisngi ko. Ang hapdi noon at ang sakit.

"Ano po bang pinakain sa inyo ng lalaking ito? Bakit tiwalang tiwala kayo sa kan'ya? Ako yung anak niyo, pero bakit mas may pakialam kayo sa lalaking iyan?" hindi ko na maiwasan pa ang maluha dahil sa sakit. Hindi dahil sa sakit ng pagsampal niya, kung hindi dahil sa katotohanan na wala akong pagmamahal na nararamdaman sa kan'ya.

"Ano bang aasahan mo sa isang lalaki, Klare? Marriage is all about wealth, Klare. Ano sa tingin mo? Nag-eexist ang true love? God, Klare! Maging praktikal ka!" sigaw sa akin ni mama.

"Twma na iyan. Klare bumalik kana sa kwarto mo," matigas na utos ni papa. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundin si papa.

Agad na sumunod sa akin si Aling Clara, may dala siyang ice pack at inilapat niya iyon sa pisngi ko. Habang ginagawa niya iyon ay may luha ang namumuo sa mga mata niya.

Hindi ko na rin tuloy maiwasan ang maiyak, bakit ba kasi ganito ang buhay ko? Bakit ba ako pinanganak na mayaman, kung ganito lang din ang mararanasan ko? Bakit?

"I'm sorry, wala akong magawa para ipagtanggol ka," naaawang sabi niya sa akin at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Hindi naman ako nagsalita, wala akong kakayahang magsalita matapos ng lahat ng nalaman ko. Matapos ng ginawa sa akin ni mama.

Sana narito si Arturo para pagaanin ang loob ko, pero wala. Wala na siya. Hindi na siya babalik pa.

Nang umalis si Aling Clara ay humiga na ako, gusto kong magpahinga pero paano? Malayo ang taong pahinga ko.

Wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi si Arturo. Kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba siya?

Habang nakahiga ay may kumatok sa pinto ko, ayaw ko sanang buksan pero baka magalit nanaman si mama kung hindi ko siya kakausapin at pagbubuksan.

Ngunit nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Gabriel. "Tangina nanaman, Gabriel. Pwede ba? Oo na, bumalik ka at salamat dahil masisira nanaman ang buhay ko," bungad na sabi ko sa kan'ya.

"Grabe ka naman sa akin. Hindi mo ba ako na-miss? Balita ko ay napa-barangay ka raw sa Costa Mesa?" nakangising sabi niya at kaba ang naramdaman ko sa mga pagkakataong ito.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

Tumawa naman siya at biglang sumeryoso, "So it's true? I have so many connections, my baby. Now, kung ayaw mong malaman ng mama at papa mo ang nangyari sa Costa Mesa, let me stay here at allow me to marry you. Kasi kahit anong gawin mo, magiging isa na tayo, sooner or later," nakangising sabi niya.

Kumuyom ang dalawang kamao ko, sobrang galit at inis ang nararamdaman ko ngayon. Sa mga oras na ito ay gusto ko siyang sapakin.

Sa sobrang inis ko ay marahas ko siyang pinag-sarahan ng pinto, "Easy baby." dinig kong sabi niya mula sa labas.

Umupo ako sa kama ko at mariin na hinawakan ang ulo ko. Pumikit ako at huminga nang malalim para ikalma ang aking sarili. Mababaliw na talaga ako sa pamamahay na ito. Gusto kong umalis, gusto kong mawala nalang.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
54.5K 1K 43
Tinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing t...
6K 1.4K 43
In a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park i...
48.3K 1 1
COMPLETED He is the influential grandson of the Altruistic Mayor of the province called Adharta. He is an attractive man with a well-formed body, a m...