ENCANTADIA Season 2 - The Win...

By BenificentGirl

30K 1.3K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... More

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
PART VIII | Trahedyang Naganap
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso
Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap

544 26 63
By BenificentGirl

Ybrahim:*shouted* ALENA!!!



Hindi na napigilan ni Ybrahim na tangayin ni Castrell si Alena at ang masaklap pa ay hindi nya alam kug saan ito dinala ni Castrell kaya napaluhod sya s-iyak dahil sa sahig at walang tigil sa pag-iyak dahil nagaga;it sya sa kanyang sarili na hindi nya nailigtas ang Hara ng Lireo. Nang makarating sina Muros at Amarro sa kinaroroonan ni Ybrahim dahil doon sila tinuro ngmga kawal ay nakita nila na nakaluhod sa lupa na umiiyak si Ybrahim habang nakatingin sa kung nasaan naglaho sina Alena at Castrell.



Muros: Rama Ybrahim wala nang mga vedalje sa palas—..... Rama, may problema ba?

Amarro: Rama Ybrahim, akala ko'y dito papunta si Hara Alena, nasaan na sya?

Ybrahim:*nakatulala sa kawalan habang umiiyak* Kinuha sya ng isa sa mga alagad ng pashneang Casilda na hindi na nakuntento pa kina Lira at Cassandra.*nangigigil sa galit*

Muros:*shocked*ANO?! Rama Ybrahim kailagan natin syang mailigtas*hindi na pinatapos ni Ybrahim*

Ybrahim: Muros paano natin sya mahahanap kung hindi natin alam kung saan nila dinadala ang kanilang mga kakampi nating binibihag nya?! Una sina Lira at Cassandra, tapos ngayon si Alena naman?! SUMUSOBRA NA ANG CASILDANG IYAN!*slams his sword to the ground*

Amarro: Rama, naiayos na namin ang mga Adamyang sugatan sa laban at mga bigtima ng panggugulo ng mga vedalje. Kailangan muna nating pumuta sa Lireo upang iulat ang mga nangyari dito.*hesitating* M-maging ang nangyari kay Hara Alena.*looks down*

Ybrahim: Muros, maaari ka bang maiwan dito upang bantayan ang mga Adamyan? Kailangan na rin naming isama ang mga kawal na sugatan pabalik ng Lireo. Sasabihan nalang namin si Danaya upang magamot ang mga gunikar at mga Adamyan.

Muros: Makakaasa ka Rama.*naglakad pabalik ng Palasyo ng Adamya*

Ybrahim: Tayo na ginoong Amarro.*wipes his tears while walking*



= SA KANLURANG TORE SA LIREO =



Habang itinatakas ni Aquil sina Aliyah, Fauna at Adamus mula sa panganib na mayroon sa Bulwagan kasama ang iilang mga kawal ng Lireo na nakaaliot sa mga batang sang'gre habang mabilis na naglalakad, bigla namang may mga umakyat na mga kawal ni Casilda muna sa balkonahe at pinalibutan sila ng mga ito.



Aliyah:*crying while she hugs Aquil* AMA.*scared*

Aquil:*holds Aliyah's back while looking at the vedaljes* Wag kang mag-alala anak, nandito si ama upang protektahan kayong tatlo.*nilabas ang kanyang sandata mula sa tagiliran* MGA KAWAL! Esta sectu! Protektahan ang mga sang'gre!



Nagsimula ang pakikipaglaban nina Aquil sa mga kawal na nyebe at tsaka nagyakapan ang talo sa gilid. Tamang tama namang lumabas si LilaSari sa kanyang silid malapit doon sa lugar ng kaguluhan at dali daling niyakap ang mga batang sang'gre nagsitakbuhan sa kanya.



Adamus: Ginang LilaSari!*crying then hugs her*

Fauna:*crying* Natatakot po kami.

LilaSari: Wag kayong mag-alala akong bahala sa inyo. Mashna Aquil umiwas kayo ng tigin sa akin lahat, susubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan laban sa mga pashneang ito.



Agad namang yumuko ang lahat maliban sa mga kawal ni Casilda na hindi alam ang kapangyarihan natatama sa kanila. Ipinikit ni LilaSari ang kanyang mga mata at nang minulat nya ito ay umilaw ito ng kulay Lila at tumingin sa mga kawal na nyebe at sabay sabay silang nanigas at nagkandahiwa-hiwalay ang kanilang nyebeng katawan. Ibinalik na ni LilaSari ang kanyang mata sa dati at itinigil na nya ang kanyang kapangyarihan, na dati'y kinatatakutan ng lahat kahit tingnan lamang sya. Ngayon ay nagagamit na nya ito sa kabutihan at naipagtanggol ang lahat gamit ang kanyang kapangyarihang magpabato ng kahit na sino. Lumapit silang lahat sa kay LilaSari at pinasalamatan sya.



Aquil: Avisala Eshma, LilaSari.

LilaSari: Walang anuman iyon Hafte.

Aliyah:*hugs Aquil* Ama, marahil ay kailangan ni ina ang tulong natin sa bulwagan. Baka kung napaano na sila nina at Mira at kuya Paopao.*worried*

Aquil: Kami lamang ang babalik doon anak, dito muna kayong tatlo kay LilaSari. Mas mapoprotektahan nya kayong tatlo habang wala pa ang inyong mga magulang. 

LilaSari: Wag kang mag-alala hafte ako nang bahala sa kanila.


Pinasok ni LilaSari ang mga diwani at diwan sa kanyang silid at pinabantayan ang labas sa mga kawal ng Lireo upang hindi sila mapasok ng mga kalabang darating pa sa palasyo.



= SA BULWAGAN NG LIREO =



Bumalik sa bulwagan si Aquil at ang iba pang kawal na kasama nito, at nakita naman nya na katatapos lang rin ng laban doon at wala sina Mira, Danaya at Paopao nang bumalik sila sa bulwagan kaya naman nag-alala si Aquil para sa tatlo.



Aquil: Bakit wala na sila dito?

Abog: Hafte, malamang ay nagtungo pa sa bang bahagi ng palasyo upang tulungan ang kapwa namin kawal sa laban.

Aquil: Nag-aalala lamang ako para sa aking asawa, Abog. Hindi ko kayang makita syang nasasaktan.*worried*

Abog: Wag kang mag-alala Hafte, kaya na ni Sang'gre Danaya ang kanyang sarili. Sigurado anumang saglit ay babalik na sila dito.*tinanong ang isang kawal* Kawal, anong ulat?

Kawal: Pinuno, wala nang mga vedalje sa lugar na ito. Hinihintay ko na lamang ang ulat ng iba pa nating mga kasama na nasa kabilang tore ng palasyo. Sana'y ubos na sila.

Abog: Avisala Eshma sa ulat, kawal.*umalis na ang kawal**talks to Aquil* Hafte, tinanong ko na ang isa sa mga kawal at wala nang bakas ng mga kalaban sa gawing bahagi na ito.

Aquil: Sana nga ay wala nang dumating pa, pagkat nag-aalala na ako sa mga diwani na nanginginig na sa takot sa mga nangyayari dito ngayon.*worried* Hinayin nalang muna natin ang pagbabalik dito ng aking asawa, dahil batid kong mag-uulat rin iyon sa mga kaganapan dito sa palasyo na hindi natin nasaksihan.



Habang naghihitay sina Aquil sa Bulwagan malapit sa trono ay sakto namang dumating sina Amarro at Ybrahim na hindi m maipinta ang mukhang bitbit ang kanyang kalasag sa ulo na parang walang diwang naglalakad palapit sa Hafte ng Lireo. Nagtaka naman si Aquil kung bakit ganoon na lamang ang wangis ng Rama ng Sapiro.



Aquil: Rama Ybrahim, ano't tila, masama ang ipinapahiwatig ng iyong reaksyon sa amin. May nangyari ba sa Sapiro?

Ybrahim:*looks at Aquil then tears fell down on his cheek* 

Aquil:*looks at Amarro* Ama, anong nangyari sa Sapiro? 

Amarro:*sigh* Hindi ko batid kung may masamang nangyari sa Sapiro, anak. Ngunit ang alam namin sa Adamya, meron.*lower his voice*

Aquil: Bakit ama, may masama bang nangyari?

Amarro: Mas mabuti pang hintayin na muna natin ang iba, lalong lalo na si Danaya.



Narinig ni Danaya na sinambit ang kanyang ngalan ng mag-Ivictus sya sa Bulwagan kasama sina Mira at Paopao na nagtataka kung bakit ganon nalang ang kanilang eskpresyon.



Danaya: Narinig kong sinambit nyo ang aking ngalan, anong problema?*lumapit sa kina Aquil, Ybrahim at Amarro*



Sakto rin naman na nag Ivictus rin sa Lireo si Pirena na kagagaling lamang sa Sapiro, sabay lapit sa kanilang lahat.



Pirena: Ybrahim, nagtungo na ako rito upang sabihin sa iyo na maayos na ang Sapiro at natanggalan ko ng mga nyebe sa kanilang mga katawan ang iyong kawal. Ngunit marami paring sugatan.



Tapos bigla namang humahangos at patakbong pumasok doon si Wantuk na hindi naman namalayan ni Pirena na sinundan pala sya nito.



Wantuk:*panting**looking for Ybrahim*Mahal na Rama? Ma... Mahal na Rama?! Mahal na—*di na pinatapos ni Ybrahim*

Ybrahim:*tinitingnan si Wantuk habang hinahanap sya* Wantuk nandito ako.

Wantuk:*nilingon si Ybrahim**smiles* Magandang balita Rama, maayos at wala ng vedalje sa Sapiro.*chuckles*

Pirena:*sarcasticly stare at Wantuk**sighs* Wantuk, kababalita ko lamang sa kanila. Inulit mo lang.*rolls her eyes*

Wantuk: Nasabi mo na ba mahal na Hara? Kung gayon, Agape Ave. Ako na nga itong nagpakahirap pumunta rito eh. *clears throat*

Pirena: Hindi naman kasi pinasama sumunod ka pa. Ashtadi!*Wantuk takes off his hat then looks down on the ground*

Ybrahim: Ssheda, magsi-tigil na kayong dalawa dahil hindi naman iyan ang ating malaking suliranin ngayon. Mabuti na rin na nandito kayong lahat.*breathes hard*

Mira: Ngunit wala pa ang lahat dito Rama, wala pa si ashti Alena. Nasaan na nga ba sya?

Paopao: Narinig ko po kanina na nasa Adamya po sya diba po kuya Amarro, kasama nyo si ate Hara Alena?



Tahimik naman na tiningnan ni Amarro si Ybrahim na nanginginig na sa pagpipigil na lumabas na naman at pumatak ang kanyang luha sa mga sasabihin nya. Sa hindi nya napigilan ang kanyang nararamdamang galit sa kanyang sarili kaya napaluhod sya sa sahig at sinuntok suntok ito.



Danaya: Ybrahim ano bang ginagawa mo, itigil mo yan! Sinasaktan mo lamang ang iyong sarili! Bakit ka ba nagkakaganyan?!

Ybrahim:*teary-eyed as his face turn red* HINDI KO SYA NAILIGTAS DANAYA, HINDI KO SYA NAILIGTAS! NAPAKA WALANG SAYSAY KONG HARI!

Danaya:*kinakbahan*Ybrahim ano bang sinasabi mo?! Sinong hindi mo nailigtas?

Ybrahim:*nakaluhod sa paanan ni Danaya* Hindi ko nailigtas si Alena, Danaya. Kinuha sya ng isa sa mga alagad ni Casilda, at hindi ko man lang malaman kung nasaan nya dinala si Alena. Danaya, patawad.*holds his head*



Nang masabi ni Ybrahim iyon, lahat sila ay hindi maipinta ang mukha sa mga nalaman nila na dinukot si Alena ng alagad ni Casilda lalong lalo na si Danaya na napakapit pa kay Aquil dahil nanghina ang mga tuhod nito sa narinig nya habang walang tigil na tumutulo ang kanyang luha.



Danaya:*crying* Kaya pala iba ang naramdaman ko kanina nang maisip ko sya, na hindi malayong nanganganib nga ang kanyang buhay.*hugs Aquil*

Pirena: Pashneang Casilda! Kinuha nya na nga sina Lira at Cassandra, pati si Alena ay dinamay nya pa?! Humanda lang talaga sa akin ang warkang iyon at ako ang tatapos sa kanyang hininga!

Mira:*worried*Nasaan na nga ba kasi ang Bathalumang Cassiopea? Kung nandito lamang sya ay tiyak na matutulungan nya tayo.

Paopao: Ate Mira kasi, ilang araw na po syang hindi nagpapakita sa atin eh.  Pero alam naman po natin na hindi tayo pababayaan ni Bathalumang Cassiopea dahil lagi po syang nadyan para sa atin.

Aquil: Nakakapagtaka nga na ilang araw nang hindi nagpapakita sa atin si Cassiopea, simula nung nalaman nating kinuha nito si Lira. Malamang ay gumagawa sya ng paraan uoang maibalik dito si Lira.

Pirena: Ngunit batid natin na ipapaalam ito sa atin ni Cassiopea kung sakali mang mayroon syang balak at paraan upang mailigtas si Lira at Cassandra. Hindi naman ito mawawala nang ganon ganon nalang.

Danaya:*wipes her tears* Sa ngayon, kailangan natin gumawa ng paraan upang mahanap natin si Alena.

Wantuk: Sang'gre Danaya, maraming mga kawal na sugatan pa sa labanang naganap at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng inyong tulong ang Sapiro.

Amarro: Maging ang Adamya'y nangangailangan rin ng inyong paggagamot nyo mahal na sang'gre. At maaari rin kailangan ka rin maging ng Hathoria at ng Lireo.

Paopao: Ate Danaya, ako napo ang bahala sa ngayon sa Hathoria at Adamya. Eh nakakagamot naman po itong kaibigan ko eh kaya matutulungan ko pong mabawasan ang gagawin nyo.

Mira: Sasamahan ko na po si Paopao ina, ashti upang mapadali ang kanyang paglalakbay.

Pirena: Avisala Eshma, anak.*hugs then kisses Mira's forehead*

Mira: At pagkatapos na pagkatapos nito ina, hahanapin na natin sila ashti Alena, si Cassandra at si Bessy.*teary-eyed*

Danaya: Avisala Eshma Paopao, Mira. Ipangako nyo sa akin na mag-iingat kayo, huh Mira?*worries as she holds Mira's hand* Hindi ko na makakayang may isa pang mawawala sa inyo.

Mira: Alam kong gagabayan at hindi kami pababayaan ng mahal na Emre, ina. Mauuna na kami ni Paopao.



Nagpaalam na sina Mira at Paopao sabay ng paglaho nila gamit ng Ivictus at pumunta na sa Hathoria upang gamutin ang nga sugatan sa laban, saka isusunod na puntahan ang Adamya upang gamutin rin ang mga Adamyan at mga gunikar.



********************************



= SA KAHARIAN NG EIRANIA =



Nang makarating doon si Castrell bitbit ang bihag na si Alena na panay ang pagpupumiglas sa kanyang malalaking braso na pinipigilan syang makawala at manlaban. Nilagyan na rin ni Castrell ng tela ang bibig ng Sang'gre dahil alam nyang may makapangyarihang tinig ito na magagamit nya upang makalaban sya dito. Hinarap nya si Alena kay Casilda bago magsalita.



Catrell:*smirks* Mahal na Hara, nandito na ang nais nyong ipabihag sa akin.*wicked smile*

Casilda:*tumayo sa kanyang trono*Magaling aking mashna, nais ko na kasing makilala ang mapagmahal na Sang'gre ng ENCANTADIA.*wicked smile**tinanggalan ng busal si Alena*

Alena: Pashnea ka Casilda! Ano bang kailangan mo sa akin, warka!

Casilda:*happily sigh* Wala naman Alena. Sa katunayan nga, ikaw pa nga ang may kailangan sa akin.

Alena:*smirks* Anong bang ibig mong sabihin huh Casilda?! At sa tingin mo manghihingi ako ng tulong sa isang kagaya mong nilalang na wala ibang alam gawin kundi manakit ng mga inosente at maghiganti?!



Pagkasabi noon ni Alena ay agad nyang siniko ai Castrell sa tyan at sabay sumigaw at ginamit ang kapangyarihan ng kanyang tinig kaya napaatras sina Castrell at Casilda papalayo sa kanya na tinakpan ang kanilang tainga dahil sa lakas ng kapangyarihan ng boses nya. Tatakas na sana sya nang sakalin at balutin sya ni Casilda ng nyebe ang kanyang leeg at waring tali na sinasakal ang Hara ng Lireo.



Casilda: At sa tingin mo hahayaan kitang makatakas ng ganon ganon lang Alena? Sa palagay mo ba, ipapakuha kita sa Encantadia at dadalhin dito sa Eirania kung wala akong kailangan sayo.

Alena:*shocked while struggling to talk because of the cold* W-wala tayo sa Encantadia? Kung gayon nasaan nakatayo itong kaharian mo?

Casilda: Wag kang mag-alala Alena, nakahiwalay lang naman tayo sa iyong minamahal na Encantadia, kung saan hindi mahahanap ng iyong mga kapanalig lalong lalo na ang iyong mga kapatid.*wicked laugh*

Alena: Ano bang pakay mo?!

Casilda: Malalaman mo rin. Castrell, dalhin sya sa kulungan dahil inihahanda ko pa ang mga bagay na alam ko kakailanganin at nananaisin nyang bawiin sa akin.*wicked smile*

Castrell: Masusunod mahal na Hara.



Pagkasabi noon n Castrell ay madali nyang sinunod ang utos ng kanyang mahal na Casilda at nag-Ivictus papunta sa hiwalay na kulungan sa Eirania upang igapos doon si Alena nang matuloy na talaga ang tunay na balak ni Casilda sa Hara ng Lireo. Pagkatapo namang Ipakulong ni Casilda si Alena, pinuntahan na nya muna si Cassadra na inp na inip nang nakatunghay sa labas ng kanyang selda. Nilapitan siya ni Casilda upang kausapin ang diwani ng Lireo at Sapiro.



Casilda: Avisala sutil na Diwani.

Cassandra: Avisala-Avisala ka dyan, muntik mo na akong patayin tapos ngayon binabati mo ako? Avisala mo mukha mo.*crossed her arms*

Casilda:*laughs* Hindi ko pa nga sinasambit ang tunay kong pakay sa iyo Cassandra, ngunit mas mainit pa sa Lavanea(isang lugar na parang bulkan sa Encatadia) ang iyong ulo.

Cassandra: Eh kasi naman eh! Sinong hindi iinit ang ulo sa iyo, ipa-laslas kaya kita sa argona hindi iinit ulo mo?! Shunga lang?

Casilda: Nagpunta lamang ako upang kamustahin ka Diwani, dahil napansin ko kasing nawala na ang mga sugat na tinamo mo noong nakaraang araw nang pinasaya mo ako kaya, nakakapag-taka lamang kung anong kapangyarihan ang meron ka at napagaling mo ang iyong sarili. Anong masama roon?

Cassadra:*crossed her arms**lumapit sa bukana ng kulungan upang malapitan si Casilda* So ano, natunaw ba yung mga yelo dito at nagkaroon ba ng isang MAPAG-HIMALANG hangin kaya nag babait-baitan mode of acting ka ganon?*smirks* DON'T ME, CASILDA. Ano ba talagang gusto mo sakin? Totorturein mo na naman ba ako? O ipapalapa mo ako sa alaga mong kampon ni Arde? Sige na dali na para matapos na ang lahat at makabalik na ako sa pagbe-beauty rest ko oh. Sige sabihin mo na, nahiya ka pa eh. Patiwarik naman ba? Sige game ako. Tutal alam ko kung paano ako gumaling dahil kay ila Danaya yun kasi hindi nya ako pinapabayaan kahit nasaang sulok pa ako ng "chaka"(gay lingo meaning pangit) mong kaharian! Mas maganda pa kaya ang Sapiro at ang Lireo dito, masaya pa.

Casilda: Maaari bang manahimik ka na lamang pagkat matutuwa ka kung sino ang iyong makakasama dyan sa loob.*calls Castrel from afar* Castrell, aking mashna? Ipakita sa Diwaning ito kung sino ng makakasama nya na tiyak ko na kanyang ikatutuwa.



Nang magpakita si Castrell kay Cassandra ay bitbit nya si Alena na syang ikinagulat ng batang diwani at maging si Alena ay nagulat ngunit natuwa rin nang makita nito ang diwaning nasa maayos na kalagayan. Pinasok n Castrell sa kulungan si Alena na nakagaos rin ang kamay at paa ng mga kadenang may matibay na engkantasyon na hindi talaga sila makakapag Ivictus upang makatakas. Pagkapasok ni Alena ay agad naman silang nagyakapan ni Cassandra.



Cassandra:*cried* Ila Alena!*hugs Alena*

Alena: Cassandra, mabuti naman at ligtas ka at nawala ang iyong mga sugat.

Cassandra: Alam ko pong dahil to kay ila Danaya, kaya po ako gumaling.*smiles*

Casilda: Nakakaiyak naman ng pagsasama ninyong dalawa.*wicked laugh*

Alena: Ano ba talagang pakay mo sa amin Casilda?! Nasaan si Lira?! Bakit hindi magkasama ang aking apo at ang aking Hadia, saan mo sya dinala?!

Casilda: Hindi ko na babawiin pa ang sinabi ko sa inyo Alena, patay na ang iyong Hadia.*laughs wickedly with Castrell*

Cassandra:*still hugging Alena* Hindi ako naniniwala sa kanya, ila. Nararamdaman kong buhay pa si inay.

Alena: Maging ako Cassandra, nararamdaman kong buhay si Lira.*angrily stares at Casilda* Pashnea ka Casilda! Ako na lamang ang kunin mo at pakawalan mo na si Cassandra! Isa lamang syang inosenteng bata at hindi kailanman kailangang madamay dito.

Casilda: Kahit sinong nilalang na nakatira sa Encantadia ay madadamay sa aking paghihiganti sa inyo, Alena. At wala akong pakialam kung inosente sila o hindi!

Alena: Wala kang puso!

Casilda: MATAGAL NA ALENA, MATAGAL KO NANG BATID YAN. At isa pa, hindi lang naman si Cassandra ang supresa ko sa iyo.



Biglang nagsipasukan ang mga kawal na gawa sa nyebe na may dala pang isang Encantada na nakadapos ang kamay at paa na walang malay. Nang makalapit ito sa kinaroroonan ni Alena ay tsaka nya na lamang nakilala ang bihag nilang Encantada.


= SA DEVAS =



Pinagmamasdan nina Emre, Wahid, Arriana, Muyak at Deshna ang mga masasamang naganap sa Eirania na kanila namang ikinadismaya dahil narin sa nabihag nila ang bathalumang Cassiopea.



Arriana: Mahal na Emre, bakit mo hinayaang mapasakamay ni Casilda at mabihag ang Bathalumang Cassiopea?

Muyak: Iyan rin ang tumatakbo kanina pa sa aking isipan. Paano na matutulungan ng Bathalumang Cassiopea na mabawi si Cassandra sa Eirania at matulungan na makabalik ng Encantadia sina Diwan Khalil, Sang'gre Lira at Sang'gre Amihan?

Emre:*faces them* Huwag kayong mangamba mga minamahal kong Ivtre, sapagkat hindi ko ipinahamak si Cassiopea sa kanyang kapatid, dahil lingid sa inyong kaalaman ay iyan ang tulong na ibinahagi ko sa kanya. Matulungan lang ang mga bihag ng kanyang kakambal.

Deshna: Naguguluhan kami mahal na Emre. Paanong makatutulong ang pagbihag sa kanya ng kanyang sariling kadugo?

Wahid: Paano nga talaga iyon nakatulong mahal na Emre? Nag-aalala na rin ako sa kaligtasan ng mga binihag ni Casilda, at sana'y makabalik sa Encantadia si Lira.*worried*



Tiningnan naman si Wahid ng lahat dahil sa pagsambit nya sa ngalan ni Lira na alam ng lahat na kanya itong itinatangi magpahanggang ngayon, napahiya si Wahid sa kanyang sinabi kaya dinagdagan nya pa ang kanyang sinambit at nilagyan pa ng mga dahilan.



Wahid: *clears throat*Ang ibig ko sabihin ay, makabalik sila nina Sang'gre Amihan at nila Khalil.*blushed*

Arriana:*teases Wahid* Nako Wahid, kahit ano pang palusot mo'y bistado kana namin.

Deshna: Sana magiging maayos ang mga diwatang nasa Eirania mahal na Emre, at kung anuman ang iyong dahilan na pinahintulutan mo man mabihag ang Bathaluman ay pinagkakatiwalaan namin kayo.*smiles*

Emre: Wag kayong mag-alala mga mahal kong Ivtre, pagkat batid ko na gagawin ni Cassiopea ang lahat ng aming napag-usapan upang maglahad ng tulong para sa mga Diwata.




Sabay-sabay silang tumingin sa mahiwagang salamin ng Devas at pinagmasdan nang muli ang mga diwata sa Encantadia.




= SA SELDA SA KAHARIAN NG EIRANIA =


Alena:*shocked* Bathalumang Cassiopea? 

Cassandra: Sarili mong kapatid binihag mo rin Casilda? Wala ka na talaga konsiderasyon, hindi ka na ba naaawa sa kakambal mo?!

Casilda: Matagal ko nang kinalimutang magkapatid kami dahil hindi naman sya naging kapatid sa akin! Ilang siglo ko na syang binura ang pagiging magkadugo namin simula ng pinaunuan nya ang Lireo! Ngayon Alena, sabihin mo sa akin na hindi mo ako kailangan at wala kang kailangang kuhain sa akin.*wicked smile*

Alena: LAPASTANGAN! PATI ANG BATHALUMAN AY IDINAMAY MO PA CASILDA!  Diretsuhin mo nga ako, ano bang gusto mong gawin ko pakawalan mo lang silang dalawa?!

Casilda: Matapang ka pala Alena, ngunit ikinalukungkot kong wala kang magagawa para sa kanila pagkat ako ang may gagawin sa iyo.

Cassandra: Please po, wag nyong sasaktan ang ila Alena ko.*crying*

Alena: Hayaan mo na ako Cassandra, mas hindi ako papayag na ikaw ang saktan ni Casilda.*touches Cassandra's face*

Casilda: Castrell, ipasok mo ang aking pinakamamahal na kapatid kasama nila. Ihahanda ko lamang ang aking sarili sa aking gagawin sa Hara ng Lireo.*wicked smile*


Pinasok ni Castrell ang walang malay na si Cassiopea na agad namang kinuha ito ni Alena at ihiniga sa kanyang kandungan at umupo sa sahig pilit na ginigising ang Bathaluman.


Alena:*tapping Cassiopea* Bathaluman?! Bathaluman gumising ka.

Casilda: Great great grandma? Sana'y magmulat na kayo.


Maya maya ay nagkamalay na ang Bathalumang Cassiopea at tiningnan ang kanyang paligid bago napansin sina Alena at Cassandra na nag-aalala sa kanya.


Cassiopea:*wisdom sybol lights up on her forehead* Maayos lamang ako. At wag kayong mag-alala dahil parte ito ng aming plano ng Bathalang Emre.

Alena: Anong plano?

Cassiopea:*wisdom sybol lights up on her forehead* Hinarap ko ang aking kakambal at nagpatalo sa kanya, hindi dahil sa hindi ko sya kayang kalabanin dahil sya ang aking kadugo. Iyon lamang kasi ang paraan upang malaman ko ang kanyang pinagtataguan, at upang mahanap ko na kayo ni Cassandra, dahil nakita ko rin sa aking mata na ikaw ay mabibihag nya. Ngayon na alam ko na kung nasaan ang kanyang kaharian, kailangan kong makawala dito upang mailigtas kayo at maging si Cassandra at makabalik na ang mga dapat makabalik sa Encantadia.

Alena: Anong ibig mong sabihin, Cassiopea?

Cassiopea:*speaks* Asshentti(makinig ka), Alena. Avci il etlar adoyeneva(mangyayari na ang itinakda).*wisdom sybol lights up on her forehead* Iilang sandali nalang ay magbabago ang lahat para sa iyo, at sa pagbabagong iyon sana'y hindi ka magbago at magpabulag sa iyong puso. Dahil marami ang masasaktan kapag sinunod mo ang nais nito.*worried*

Alena: Anong magbabago? Hindi kita maintindihan Bathaluman.*confused*



Nakatingin lang sa kanya si Cassiopea at inaalala si Alena sapagkat alam na ni Cassiopea ang plano sa kanya ni Casilda, na tiyak akong makakaapekto sa lahat lalong lalo na sa mga Diwatang wala sa Encantadia. Maya maya ay bumalik na sa selda sina Castrell kasama ang mga kawal na gawa sa nyebe at sabay na kinuha ang  Hara ng Lireo at dinala sa kinaroroonan ni Casilda na nakaupo sa trono nya habang pinaglalaruan ang kanyang setro. Hinarap sa kanya ang bihag na diwata.




Casilda: Handa na akong isagawa ang aking mga balak sa iyo, Alena. At tiyak akong pagkatapos nito ay pasasalamatan mo ako.*wicked laugh*

Alena: Kahit kailan Casilda hinding hindi kita pasasalamatan sa mga baliko mong gawain!

Casilda: Sinasabi mo lang iyan ngayon. Ngunit bago ang lahat, ibigay mo muna sa akin ang iyong brilyante.

Alena:*smirks* Sinasabi ko na nga ba, iyon lang ang habol mo sa akin. Pwes wala kang mahihitang brilyante sa akin dahil wala sa akin ang aking brilyante! At alam ko namang iyon talaga ang tunay mong pakay sa amin kaya nagpapasalamat akong iniwan ko ito sa Lireo.



Hindi naniwala sa kanya si Casilda kaya naman kinontrol nya ang utak ni Alena upang malamang kung totoo ang mga sinasabi sa kanya ni Alena. Nang mapatunayan nyang wala nga syang dalang brilyante ay itinigil na nya ang pagkokontrol nito sa kanyang isip at itinuloy na ang balak nya kay Alena. Iwinagayway nya ang kanyang setro at itinutok ito kay Alena kasabay ng pagsambit nya ng mahiwagang engkantasyon na plano nya dito. At pagkatapos  noon ay nawalan na ng malay si Alena at ipinabuhat ito muli kay Castrell at ibinalik na sa Encantadia, dala ang sumpang ibinigay sa kanya. Nang maramdaman ni Cassiopea ang nangyari kay Alena ay kinakabahang tiningnan nya si Cassandra.




Cassiopea:*wisdom sybol lights up on her forehead* Naganap na ang lahat, magbabago na ang takbo ng kapalaran at may higit na masasaktan sa sumpang ikinabit sa kanya ng aking kakambal. Na hindi ko mababatid kung sumpa ngang maituturing iyon ni Alena kapag natuklasan na nya kung anong magagawa ng engkantasyong ibinigay sa kanya ni Casilda.*worried*


Sa pagdaan ng panahon ay nagawa ni Cassiopea na makatakas at makawala sa makapangyarihang gapos ni Casilda ngunit hindi nya maisama sa kanyang pagtakas si Cassandra dahil mas matibay ang engkantasyon at gapos nito kaysa sa kanya at hindi rin sila maaaring mahuli ng mga kapanalig nito kaya ipinangako nya na ililigtas nya si Cassandra sa lalong madaling panahon upang hindi na ito magdusa pa sa Eirania.


†††††††††††††††††††††††††††††††††††



= SA MUNDO NG NGA TAO =



Ilang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nalalaman ng mga diwata kung paano pa sila makakabalik sa Encantadia na kanilang tahanan kaya nilaan nalang muna nila ang kanilang oras at panahon upang matuto ng kanilang mga kapangyarihan kay Enuo at matuto muli itong gamitin para kapag  makabalik man sila sa kanilang tahanan na wala pa ring mga ala-ala ay kahit papaano'y makakalaban sila sa mga vedaljeng nais manakit sa kanilang tatlo. Si Enuo ang naging Menantre(guro) nila sa lahat ng mga kakayahan nilang nakalimutan kung paano ito gamitin, ngunit limitado lang dahil hindi nya alam kung anong mga kakayahan ng mga diwatang nasa kanyang harapan. Kanina ay nag ensayo sila kung paano gamitin ang kanilang Ivictus at ngayon, tuturuan na ni Enuo ang tatlo kung paano gumamit ng sandata sa pakikipaglaban upang maipagtanggol nila ang kanilang sarili, ngunit nababahala sya kay Lira dahil napag-alaman nyang hindi na ito gumagamit ng sandata noong oras na mamatay ang dating Hara ng Lireo na si Amihan kaya tinanong nya ito kung hahawak na ba siya ng sandata muli dahil muli na namang nabuhay ang kanyang pinakamamahal na ina.



Enuo: Lira, May importanteng tanong ako sa iyo.

Lira: Ano po iyon Mr. Enuo? May training rin po ba tayo sa question and answer?*wipes her sweat*

Khalil: Lira, iyan na naman ang pagkasutil mo.*laughs* Natutuwa ako't sa maigsing panahon kong namalagi tayo dito sa mundo ng mga tao ay marami na rin akong natutunan sa kanilang mga salita.

Amihan: At isa pa, lalo ring nadagdagan ang pagkakulit mo, aking anak.*holds Lira's chin*

Lira:*smirks* Jusko, kulit lang ba pinag-uusapan dito? Gusto nyo dagdagan ko pa, keri ko yan.*laughs*

Enuo: Ssheda Lira, seryoso ako. 

Lira: Eh ano nga po iyon, Mr. Enuo kayo naman po kasi napaka KJ nyo eh.

Enuo: Lira, kaya mo bang humawak muli ng sandata?

Lira:*smirks* Tsskk! Yung lang ba? Ba't ang basic naman, tinatanong pa ba yan? Syempre may kamay ako, kung gusto nyo pati paa ko lagyan ko ng espada.

Enuo: Sigurado ka?

Lira: Oo naman yes.



Hinugot ni Enuo ang espada nya sa kanyang likuran at ipinakita kay Lira.



Enuo: Kung gayon, hawakan mo ito.



Biglang namutla si Lira nang makita nya ang espada ng kanilang Menantre doon at nagtago sa likuran ni Amihan.



Lira:*natakot sa espada* Charot charot lang pala Mr. Enuo, hindi ko pala kayang hawakan yan biglang nanghina yung kamay ko nung nakita ko yan, yung feeling ng nawalan ka ng buto. Ba't po ganon, ni hawakan ang mga armas hindi ko magawa?

Enuo: Sapagkat matagal mo na talagang tinalikuran ang mga sandatang ginagamit pangdigma dahil dyan namatay ang iyong ina,*looks at Amihan*. Sabi sa akin ni Danaya, hindi mo na ginamit pa ang isa sa pinakamakapangyarihang sandata na iniregalo pa sa iyo ni Cassiopea, dahil ipinapaalala ng mga ito ang masakit na pagkawala ng iyong ina.

Amihan:*holds Lira's weary face* Wag ka ng mag-alala anak, pagkat bumalik na ako sa iyong tabi at hindi na ako muling mawawala. Kung sino man ang nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon upang makasama ka ay lubos akong nagpapasalamat sa kanila.

Lira: Si inay sumisenty, pero promise yan huh, hindi ka na mawawala pa? Kasi kung oo, baka magpahila na ako sa baka at toro eh.

Khalil:*laughs* Hindi mo naman talaga gagawin iyon Lira, hindi ba?

Lira: Charot lang, baka makasama ko yung mga SPED sa ospital kapag ginawa ko yun.

Enuo:*laughs* Sige na mag-ensayo na kayo jan at ibabalik ko na muna itong sandata ko sa aking silid. Lira, pagyabungin mo na lamang ang iyong sariling kakayahan.*smiles*

Lira: Ang deep naman mesyedo ng "payabungin", feel ko malulunod ako sa lalim parang Mariana's Trench ang peg.

Enuo:*nagpameywang* LIRA.

Lira: Jowk lang po peace tayo.*[eace sign to Enuo while smiling*



Umalis na si Enuo at nagpunta na sa kanyang silid. Papask na sana sya sa kanyang kwarto nang makita nyang may bagay na bigla na lamang umilaw sa loob ng nakabukas na pinto nina Lira at Amihan sa ilalim ng kanilang higaan. Nagtaka sya kung ano iyon kaya minabuti na nya munang puntahan ito at silipin kung saan nanggagaling ang ginintuang ilaw na nakapukaw sa kanyang atensyon. Lumuhod sya sa ilalim ng kama at inabot ang isang maliit na lalagyan ng pinangagalingan ng liwanag, kinuha ito at tinanggal ang laman at nagulat sya sa kanyang nakita pagkat hindi nya inaasahang matagpuan iyon sa mag-ina.



Enuo: A-ang susi ng Asnamon?*holds looking at the key*



Pagkatapos noon ay humahangos syang bumalik muli sa kinaroroonan ng tatlo at ipinakita sa kanilang lahat.



Enuo: Sinong nakakita sa inyo nito?*pagkakita nila sa hawak hawak ni Enuo ay tinigil nilang lahat ang kanilang ginagawa*

Lira:*looks at the key* Mr. Enuo, sa akin po yan bracelet ko po. Tsaka hindi ko po alam kung saan galing yan dahil inabot lang po sa akin yan ni inay, dahil sabi nya dala-dala ko daw po yan meaning sakin po yan.

Enuo: ASHTADI! BAKIT HINDI MO AN LANG IPINAKITA ITO SA AKIN NG MAAGA LIRA? Kung hindi ko pa ito nakitang kuminang ay hindi ko pa malalaman na bitbit mo ito! At hindi lang ito isang pulseras na inaakala mo Lira, kung matagal mo na itong ipinakita ay matagal na kayong nakabalik sa Encantadia.

Khalil: Eh ginoong Enuo, ano bang halaga ng pulseras ni Lira na kailangan pang ipakita sa inyo?

Enuo:*holds the key facing them* Ito ang susi ng Asnamon mga Diwata, ito ang susi sa lagusang matagal na nating pinagtityagaang bantayan.



Natigilan ang kanilang mga diwa nang malaman nila ang gamit ng bagay na iyon, lalong lalo na si Lira na hindi nya inakalang buong panahon nya sa mundong iyon ay sya lamang pala ang may hawak ng susi at paraan upang makabalik sa kanilang mundo, kaya hindi na sya nagpadalos dalos pa at hinawakan ang braso ni Enuo.



Lira: Ang tangengot mo talaga LIRA! Ikaw pala ang problema eh!*talking to  herself* Edi sana kung matagal mo na pinakita kay Mr. Enuo yan ay matagal na kayong nakabalik sa world nyo. Hali na po kayo wala tayong dapat na sayangin pang oras, EXCITED NA AKONG MAKITA ANG ENCANTADIA!!



Agad naman silang nag Ivictus at naglaho  sa bahay ni Enuo at mabilis na pinuntahan ang puno ng Asnamon.



= SA PUNO NG ASNAMON =



Nang makarating sila doon ay hindi na nagpadalos dalos na iniangat ni Enuo ang susi ng lagusan at sinambit ang salitang makapagbubukas nito.



Enuo: "Asnamon Voyanezar!"



Nagliwanag ang puno at tsaka unti-unting nagbukas ang lagusang matagal na nilang nais buksan upang makabalik at makita na ang minamahal nilang Encantadia.



= SA LAGUSAN NG ASNAMON SA LOOB NG ENCANTADIA =



Nang makarating sila doon ay kita sa kanilang mga mata ang pagkamangha nang marating na nila sa wakas ang Encantadia. Agad na sinarado ni Enuo ang lagusan upang wala nang makakitang mortal sa lagusang kanilang pinagpasukan.


Enuo: "Asnamon Arber!"*nagsara na ang lagusan*


Niyakap ni Lira sina Amihan at Khalil dahil hindi nya maitago ang saya na kanyang nararamdaman.


Lira: Inay, nasa Encantadia na tayo! OmyG I'm soooo HAPPY!

Amihan:*hinaplos ang buhok ni Lira* Maging ako anak, masaya na akong nakabalik tayo rito.

Khalil: Nakita ko na rin sa wakas ang ating tahanan ashti.*looking around*



Ngunit sa hindi nila malamang dahilan ay sabay na hinimatay sina Amihan at Khalil kaya nabigala sina Lira at Enuo na nangyari ang lahat ng iyon. 



Lira: INAY!! INAY ANO BA YAN KASASABI KO LANG WAG NYO NA AKONG IWAN TAPOS AYAN NA NAMAN.*cries* KHALIL, INSAN UY! GUMISING KAYO! Kulang ba yung tulog natin sa bahay ni Mr. Enuo?! KAPAG DI TALAGA KAYO MAGISING TOTOTOHANIN KO NA MAGPAPAKADKAD AKO SA TORO O KALABAW.*thinks* May kalabaw ba dito? Argona nalang para mas malala. INAY!

Enuo: Amihan, Khalil magsitayo kayo dyan, anong nangyayari sa inyo?



Maya-maya pa ay nagkaroon na sila ng ulirat at dahan-dahan nang tumayo sa pagkakabagsak. Tumingin sina Khalil at Amihan sa kanilang paligid at sabay na nagyakapan at nagagalak sa saya.



Amihan: Khalil, nagtagumpay tayo!*rejoicing* Avisala Eshma mahal na Emre, napagtagumpayan namin ang iyong pagsubok at nakabalik na tayo sa ating tahanan

Khalil: Oo nga po ashti, naaalala ko na ang lahat! Avisala Eshma, Lira. Aking pinsan at kapatid.

Amihan:*kisses Liras forehead* Avisala Eshma, aking anak pagkat matagumpay mo kaming naibalik dito sa Encantadia.



Nalilito si Lira sa mga pinagsasasabi ng kanyang ina at pinsan, kaya napakamot na lamang ito ng ulo.


Lira: Inay, a-anong pagsubok? Ibig sabihin po ba non naaalala nyo na ang lahat, maging ang pasts nyong dalawa?

Khalil: Oo edea(ate) Lira, maging ang mga kaganapan sa amin sa Devas ay klarong klaro na sa aking isipan.*smiles*

Lira: Bakit ganon, kayo nakakaalala na pero ako hindi parin?*sad**natigilan sina Amihan at Khalil*

Amihan: Hayaan mo, anak. Malay natin ay hindi a bumabalik ang iyong ala-ala pagkat hindi pa siguro panahon. Ngunit Avisala Eshma sa inyo ni Enuo pagkat nagtagumpay kayong makabalik tayong muli sa Encantadia.

Lira: E kung hindi sana ako shunga-shunga inay, matagal na tayong nakabalik dito.*laughs*



Maya-maya maraming Encantado ang nagIvictus sa kanilang harapan na siyang gulat na gulat rin na makita sila, na dala-dala doon ng Bathalumang Cassiopea. Binati ni Amihan si Cassiopea dahil nagagalak itong makita muli ang sinaunang reyna.


Amihan: Avisala sa inyo Bathaluman.*smiles*

Cassiopea:*wisdom symbol lights up on her forehead* Avisala sa inyong lahat, Amihan, Lira, at Khalil. Maligayang pagbabalik sa Encantadia.*smiles*

Lira:*namangha kay Cassiopea* Inay, may beauty contest ba dito? Pwede po natin sya isabak sigurado panalo na sya.*small laugh*


Ng mahagip ni Amihan sa kanyang paningin ang isang Encantadong matagal at nais na nyang makapiling matagal na, ay bigla nalang tumulo ang kanyang luha sa sobrang saya at pagkasabik nito sa kanya at mabilis na niyakap ng mahigpit ang kanyang minamahal.



Amihan:*tears of joy* Ybrahim, mahal kong Rama.*smiles*



Mahigpit nyang yaka ang Rama ng Sapiro habang si Ybrahim naman ay hindi sya nito niyakap, bagkus ay kinalas pa nito ang pagkakayakap ni Amihan sa kanya kaya nagtaka naman ang kababalik lamang na sag'gre.


Amihan:*holds Ybrahim's face* Mahal ko, may problema ba? Bakit tila'y hindi ka yata nagagalak sa aking pagbabalik?

Ybrahim: Hindi naman sa ganon Amihan.*avoids Amihan's look*

Amihan:*small laugh* "Amihan". Hindi yata ako nasanay sa'yo na tinatawag mo akong ganyan mahal ko.



Huminga nang malalim si Ybrahim at tsaka tinanggal ang kamay ni Amihan sa kanyang mukha.





Ybrahim: Sana'y masanay ka na ngayon pa lang. Hindi ba mahal kong Alena?*smiles then looks at Alena lovingly*





Sa narinig ni Amihan ay tila tumigil ang mundo nya, na tila paulit-ulit na sinasaksak ang kanyang puso nang marinig ni Amihan ang sinambit ni Ybrahim sa kanya kaya napatingin sya sa kanyang kapatid na Hara na hindi umiimik kanina pa. Ang alam nya lang sa mga oras na iyon ay hindi na tumitigil ang kanyang sarili sa pagluha.





Avisala mga ka-Encantadiks!! A super and verry long chapter for you to read guys. HAHAHAHAHAHHAA make suree may extra kayong tissue sa next chapter at alam kong marami nang tanong sa isip nyo sa pinakadulong part nito AHAHAHAHAA. Sana kaya nyo pa next chapter hah? HAHAHAHAAHAH pinaghalo ko na ang malungkot at masayang part dito para isahan na yung pagkatuwa nyo at pain. AHAHAHAHAHA E Correi Diu guys. (PS. SANA MAHAL NYO PARIN AKO MGA KYRU AT YBRAMIHAN FAN JAN..)

Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...