How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapater 7: Stay With Me

20.8K 652 87
By xxxRavenJadexxx

Alex’s POV

Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Yung dilaw na kurtina e nagiging kulay orange na dahil nahahaluan ng sinag ni haring araw. Pilit kong tinakluban ng kumot ang buo kong katawan para iwasan ang sumisilip na liwanag pero hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng antok sa ganoong lagay. Napilitan tuloy akong bumangon sa aking pagkakahiga. Ramdam ko ang slight na pagkahilo dahil wala akong tulog buong magdamag kakaisip sa nangyari kagabi. Mabuti na lang at wala akong pasok ngayon dahil baka hindi kayanin ng katawan ko ang pumunta sa University.

Hindi pa rin ako makapag move on mula pa kagabi. Medyo depressed ako dahil epic fail talaga ang sana’y “Forevermore” na Dinner Date na naging “Nightmare at Elm Steet” ang kinalabasan. Paano na ba ‘to? Anong gagawin ko? Anong mukhang maihaharap ko kay Kuya lalo na kay Papa Jace? Oh my gosh! What I’m gonna do? Kinakamot ko ng todo ang aking ulo gamit ang dalawa kong kamay na para bang may lalabas na sagot sa katanungan mula rito. Sinasapok ko ang ulo ko na parang baliw dahil sa sobrang pagka-guilty sa nangyari.

Sa totoo lang mas dinamdam ko pa ang problemang ito kesa nung naghiwalay kami ni Gerome. Ang weird pero parang involve na ako sa lovestory nilang dalawa simula ng sabihin ni Papa Jace ang tungkol sa kanila ni Kuya. Aminado akong type ko si Papa Jace pero masaya naman ako na meron silang kakaibang kuneksyon ni Kuya sa isa’t isa. This is all my fault, like a fault in our stars... Whatever! Hay... nakakabaliw!

Kinuha ko ang aking mga damit na tuyo sa may hamper at napagtripang tupiin na lamang ito upang libangin ang sarili.  Tinitiklop ko ang mga damit habang ang aking utak ay lumilipad sa kawalan. Naghahanap ng kasagutan sa katanungan kung meron man. Kasalanan ko itong lahat! Kasalanan ko talaga ‘to! Bakit kase hinayaan kong isurprise kami nung baklang buteteng ‘yun. Naalala ko nung date namin ni Gerome, si Darla talaga ang nagset-up everything including the surprise. At ang surprise talaga e fireworks display. Ang bongga diba? Bongga talaga si Darla dahil milyonarya na siya dahil sa mga negosyo niyang hindi ko alam kung saan at paano niya ninakaw. Ninakaw talaga? Nung naging friends kami nung baklang ‘yun, nasaksihan ko ang pagiging maluho ng bruha. Ubos-ubos biyaya pero hindi naman ata nauubos. Medyo boyish ako nun na matigas ang katawan  pero nang dahil sa kanya at sa mga bakla niyang friends, medyo nacarbon copy ko tuloy ang mga galaw nila. Galante siya pero dahil sa ginawa niya, we’re not friends anymore... with benefits!

Tears running down my cheeks gently glittering its path on my face. Tama ba ang English ko? Bigla na lang tumulo ang luha ko sa sobrang pagka-guilty, in tagalog. Para akong pinagsakluban ng heaven at earth sa tindi ng problema ko ngayon sa dalawang exotic lovers claiming to be straight as a ruler. Teka straight pa ba sila sa lagay nilang ‘yun? Napaisip talaga ako ng bongga simula ng ma-knows ko ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. Knowing Kuya Mick, lalaking lalaki talaga ‘yun na walang bahid ng kabadingan sa katawan. Saksi ako sa mga babaeng nakarelasyon niya kaya minsan e inis ako tuwing papalit-palit siya ng girlfriend. Ginagawa pa niyang disposable ang mga ‘yun na parang napkin na ‘pag sawa na niyang pakinabangan, basta na lang niyang tinatapon. Ganun ka-chickboy si Kuya Mick kaya it’s a revelation na kaya niyang umibig sa kapwa niya lalaki. Pati rin si Papa Jace, akala ko nga wala na siyang choice dahil ako lang naman ang babaeng close sa kanya pero who would have thought na kay Kuya pa siya tatamaan ng love? Why not me? I have a peanut? Or mas type lang niya siguro ang hotdog? Naloloka na talaga ako ano ba ‘tong iniisip ko? I’m crazy and I’m so dead... Dead with a capital D!

Na-sight ko si Kuya sa labas ng aking kwarto dahil nakauwang ang pinto. Hindi ko ineexpect na kausapin niya ako dahil alam kong galit sa ‘kin ‘yun dahil sa pagiging pakialamera ko. Alam kong hindi siya kumportable na mabunyag ang kanyang deepest darkest secret of his life. Lumagi siya ng ilang Segundo na nasa labas na parang nag-iisip kung bababa ng hagdan o papasok sa kwarto ko. Maya-maya’y binuksan niya ang pinto ng kwarto upang tingnan ako.

Tinitingnan ko siya ng sobrang lungkot. Halo-halo na ‘yung nararamdaman ko pero more on guilt at sadness. Tiningnan din niya ako pero mas bakas sa mata niya ang pagiging worried.

“Anong ginagawa mo? Lalayas ka na?” bungad niyang sabi habang papasok siya ng kwarto papunta sa ‘kin.

“Nagtitiklop lang lalayas na?” walang gana kong sagot. Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa may edge ng kama katabi ko. Nung time na ‘yun e ramdam ko ang barrier sa ‘ming dalawa ni Kuya.

Umakto akong pinapahiran ang luha sa aking mata kahit wala naman talagang lumalabas. Naggegesture ako ng sympathetic face para mas mukhang kaawa-awa akong tingnan. Ayoko na kaseng masermonan dahil sapat na ‘yung sinigaw-sigawan niya ako kagabi.

“Nakakahiya ba Alex? Anong tingin mo?” Yung mukha niya’y biglang umamo. Para siyang nakagawa ng isang bagay na hindi niya alam kung tama o isang kasalanan.

“Yung sa inyo ni Jace? Anu namang dapat ikahiya?” sagot ko sa kanya ng mahinahon.

Napabuntong hininga siya sa harap ko. “Hindi mo naman dapat malaman ang mga ganung klaseng bagay. Hindi ko lang lubos maisip na may mga tao pala talagang traydor.”

Ramdam ko ang hinanakit ni Kuya mula sa kanyang tono na alam ko naman kung sino ang pinatatamaan. “Hindi naman kasalanan ni Jace ‘yun. Ako ang nagpumulit sa kanyang umamin siya.... dahil medyo nakahalata na ako sa inyo,” tila gawa-gawa kong dahilan para mapawalang sala ‘yung isa. “E ano ngayon kung malaman ko ang tungkol sa inyo? Lalabas at lalabas din ‘yan Kuya kahit anong gawin niyong pagtatago.”

“Tssss.... Lumabas nga, pero lumabas ‘yun dahil tinraydor niya ako,” pagalit niyang sabi.

“Ang importante naman Kuya hindi ko naman kayo hinuhusgahan. Nauunawaan ko naman ang relasyon niyong dalawa. As a matter of fact, willing talaga akong tumulong. Alam kong mahirap talaga ‘yang pinasok niyo pero alam kong malalagpasan niyo rin ‘yan,” pampalubag loob ko sa kanya.

“Ayoko nang maranasan ang pagsubok na ‘to. Ayoko ng mga taong tinatraydor ako. Alam kong hindi ako perpektong tao pero hindi ako traydor. Magsama-sama silang lahat mga hayop sila!”

Galit at poot ang mararamdaman sa tono ng pananalita ni Kuya. Parang ang pinapatamaan niya e hindi lang si Jace, pati na rin si Terrylyn na kailan lang niya hiniwalayan.

“Ako ang dapat sisihin Kuya sa nangyari sa inyo. ‘Wag mong sisihin si Jace,” tila pakiusap ko sa kanya.

Tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sa bintana ng aking kwarto. “Naisip ko Alex na hindi mo naman talaga kasalanan. Hindi kita sinisisi sa mga nangyari kaya wag ka ng mag-emote diyan.”

“Mahal ka ni Jace Kuya. Saksi ako dun!”

Bigla siyang humarap sa ‘kin at seryosong sumagot. “Hindi mo naman kailangan masaksihan ang lahat. Basta ako..... wala na! Wala na akong maramdaman. Manhid na ‘ko! Tama naman ‘yung panlalait sa ‘min kaibigan mong bakla. Bakla kaming dalawa ni Jace. Baklang bakla! Nakakasuka! Nakakagalit! Hindi lang namin matanggap pero ang totoo, minsan sa buhay ko e nagpakabakla ako!”

“Hindi ka bakla Kuya! Ba’t ang baba ng tingin mo sa sarili mo pati sa mga bakla? E ano ngayon kung straight ka? E ano ngayon kung bading ka? Anong difference?” rebuttal ko sa kanya.

“Hindi ka lalaki kaya hindi mo naiintindihan Alex,” paduro niyang sabi sa ‘kin. “Basta, kalimutan mo na lang ‘yung sinabi sayo ng tarantadong ‘yun. Ayoko ng maririnig na sasabihin mo sa pamamahay ko ang pangalan niya. Hindi ko na siya papatulan, kung gusto pa niya e maghanap siya ng lalaking mapaparausan niya. I’m done!” nakapamewang niyang sabi sabay labas sa kwarto.

Seryoso talaga si Kuya sa galit na nararamdaman kay Papa Jace. Mabuti na nga lang e hindi siya masyadong galit sa ‘kin. Akala ko tuloy sandamakmak na sermon ang aabutin ko sa kanya ngayong araw na ‘to.

Kung lusot na ako kay Kuya e ang kailangan ko namang suyuin ay si Papa Jace. ‘Wag siyang mag-inarte dahil ako lang naman ang taong magbubukas ng sikreto sa lihim ng Nanay niya. Whether he like it or not, kailangang niyang makipag-deal sa ‘kin. Pero hindi rin naman maiaalis na magalit siya ng husto sa ‘kin. Feeling ko e pareho ng galit ni Kuya ang galit niya sa ‘kin dahil binigo ko siya. Bigong bigo! Alam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil kinuha ko na parang magnanakaw ang tiwala niya na sa bandang huli ay ako ang sisira. Ako rin naman e, sukdulan ang galit ko sa baklang Darlang ‘yun! Dapat pala pinilit kong alamin kung ano ang surprise niya bago ko pinapunta ‘yung dalawa sa venue. Para akong tanga na isipin na Fireworks display ‘yung laman ng tatlong kahon. Ang tanga ko ‘no? Sabi kasi niya siguradong magugustuhan nung dalawa ‘yung surprise kaya ako naman si lukaret e bigay kaagad ang tiwala. Paano kaya kung ang laman nung dalawang kahon e mga babaeng GRO instead na Macho Dancer? Malamang napaglaruan pa nung dalawa ‘yung panggulat na ‘yun.

 ‘Dun pa lang sa tagpong iyon, naisip-isip ko, hindi porket lalaki ang inibig mo e literal na mahilig ka na sa lalaki. Ibang klase ang Love e kaya nga siya binansagang “Mysterious”. It defies notions na naistablish ng lipunan kung ano ang dapat na iasal ng bawat tao o hindi. Napaka-unpredictable niyan kaya hindi dapat ibase ang love sa sexual orientation. Kung ang bakla nga e umiibig sa tomboy e ano pa kaya kung Straight man sa Straight man? Tao lang talaga ang gumagawa ng label para itaas, o minsan ibaba ang ibang tao. Minsan este madalas guilty ako diyan!

Kailangan makagawa ako ng paraan para suyuin muli si Papa Jace. Alam kong mahirap pero kailangan dahil ako ang may kasalanan ng gulong ito. Kailangan kong makapag-isip ng damage control para mapalapit muli ang dalawa.

***

Jace’s POV

 

“I’ll meet you at 9. See you around!” text sa ‘kin ng Business partner ko. Dito kase ilo-lauch ‘yung Branch ng negosyo namin na nagsimula sa States. Isa siyang Restaurant na ang pangalan ay “Saavedra’s Cuisine”.

Wala ako sa mood para lumabas ng bahay pero kailangan dahil sa meeting na ‘to. Ambigat ng pakiramdam ko pati ng puso ko na tila ba nagmamagnet para hindi ako makatayo sa hinihigaan ko. Kailangan kong magpakatatag at hindi hilahin pababa ng problema kaya’t inumpisahan ko nang bumangon at gawin ang morning rituals ko at nagprepara upang gumayak para sa pupuntahang business meeting.

Hot chocolate lang ang aking inalmusal dahil wala akong ganang kumain. Habang hinihigop ko ang mainit na tsokolate e paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Gusto ko sanang isang beses ko lang itong maramdaman at ayaw na ayaw ko itong pahabain dahil nangyari na nga ang kinatatakutan ko na masakit lang isipin. Simula ng masabi ko kay Alex ang lahat-lahat sa ‘min ni Mick, nafigure out ko na maaari itong lumabas at malaman niya. Obvious na sinira ko ang tiwala niya at naging Kiss and Tell ako na hindi naman dapat gawin ng isang lalaking tulad ko. Mahirap magtapat sa ibang tao na natripan kong umibig sa isang lalaki pero nagawa ‘ko ‘yun. At sa mismong pamangkin pa ni Mick. ‘Yun na siguro ang isa sa pinakamalaking maling desisyong nagawa ko sa buhay ko. Kung sana’y wala akong pinagsabihan nito e patuloy pa rin ang magandang samahan namin ng loko.

Pang business attire ang suot ko, blue long sleeve with necktie at black slocks and shoes. Ready na ako para sa meeting pero hindi pa ready ‘yung katawan ko. Iba ‘yung estado ngayon ng utak ko sa puso ko. Puro magaganda at positibo ang nasa isip ko pero hindi maiwasang hilahin pababa ng puso ko kung paano ako mag-isip. Mahirap na masakit sa loob. Para nga akong namatayan e, ‘yung feeling na nawala sa mismong mga mata ko ‘yung nobya ko na nahulog sa condo. Parang ganun kasakit pero hindi ko lang mailabas.

Matapos maubos ang iniinom kong mainit na tsokolate e agad na akong lumabas upang mag-antay ng masasakyang tricycle. Pagbukas na pagbukas ko ng gate e biglang tumambad sa ‘kin ang nuo’y naka Formal Attire na si Mick na papasok na sa kanyang trabaho. Palakad siya upang sumakay sa nakaparadang tricycle palabas ng Subdivision malapit lang sa may kanto. Dinaanan niya lang ako na parang hindi kilala ang taong nahagip ng kanyang paningin. Napaka bland ng titig niya na para bang stranger at never niya akong nakilala. Talagang senyales na matindi ang galit niya sa ‘kin. Hindi ko na siya nagawang tawagin dahil hindi pa ayun ang oras para kami’y magpansinan at mag-usap kahit na sa aming dalawa, ako ang kailangang magplease sa kanya.

Nakakalungkot na umabot sa ganito ang pagsasamahan namin. Kung hindi man lovers sana e kahit kaibigan na lang. Kailangan ko rin ng kaibigan sa mga panahong ito pero kailangan ko na lang sigurong iaaccept na wala na ako nun at ako na lang talaga ang dapat lumutas ng sarili kong misyon. Nanghina tuloy ang mga kamay ko habang nila-lock ang gate. Nanginginig pa nga at hindi ko maayos ang paglock dito sa sobrang panlalambot. Iba ang epekto sa ‘kin ng loko. Nakakaadik pero masakit sa dibdib.

 

“Stay with Me” by Sam Smith is playing in this scene...

 

“Guess it's true, I'm not good at a one-night stand
But I still need love 'cause I'm just a man
These nights never seem to go to plan
I don't want you to leave, will you hold my hand?”

 

Naglalakad ako patungong terminal ng jeep na parang isang papel na lumulutang sa ere. Nararamdaman ko ‘yung lamig ng hanging bumabangga sa katawan ko na nagpapataas ng balahibo ko. Kahit anong tago ng nararamdaman ko e hindi ko maikakailang sobra akong nasaktan.

“Isa na lang aalis na!” Sigaw ng Mamang Tricycle Driver.

Pandalawahan ang upuan sa backride at duon ako uupo pero nagulat ako na si Mick ang makakatabi ko sa likuran. Medyo napatigil ako dun, tiningnan niya nga ako ng buong yabang pero agad rin niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

“Kasya pa ‘yan Boss!” sabi ng Driver. Umurong siya paharap para magkaroon pa ako ng espasyo na mauupuan.

Nakaupo na rin ako pero hindi ako magawang pansinin ni Mick. Ni ayaw niyang dumikit sa ‘kin kahit literal kaming magkadikit habang nakaupo duon. Hindi niya ako magawang tingnan man lang. Back to strangers na talaga ang drama namin ngayon which is nakakalungkot. Gusto ko sanang humingi ng sorry pero parang hirap akong sabihin ito sa kanya. Hindi kaya hinihintay lang niyang magsorry ako para patawarin niya ako? Pero hirap akong sabihin ‘yun sa ganoong sitwasyon. Paano ba ‘to? Magsosorry ako o kalimutan ko na lang din siya ng tuluyan? Ang hirap e. Lalo pa’t sobrang sariwa pa nung sugat na dinulot ko sa kanya kaya alam kong umaaray pa siya ngayon.

 

“Oh, won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love, it's clear to see
But darling, stay with me”

***

Libre lang po ang magcomment...

Continue Reading

You'll Also Like

464K 19.6K 74
Si Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kani...
1M 33.5K 60
Kung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na...
563K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
534K 27.7K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...