Burning Desire (COMPLETED)

By AstraBela

195K 4.4K 509

A light story of Jared Vaine Cervantes and Rissy Cleine Nueva... [UNEDITED] More

Author's Note
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
EPILOGUE
His POV
Author's Message
Special Chapter

Chapter 31

4.8K 109 7
By AstraBela

 

CHAPTER 31

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang makulit na paggalaw ni Clea. Kinukusot niya ang kanyang mata.

I don't know, but it's her Purple crying months. It is the time in a baby's life where they cry more than any other time.

Tiningnan ko ang oras sa aking side table at nakitang ala singko pa lamang ng umaga.

Sumakit ang ulo ko, halos wala pa akong tulog. Dumiretso na ako rito pagkatapos nang maikling pag uusap namin ni Jared, kung pag uusap nga ba iyon dahil galit ko lamang ang nailabas ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saang kwarto siya natulog kagabi. Iniwan ko siyang nakaluhod at umiiyak roon. How heartless I am.

Tumayo ako, buhat-buhat si Clea para bumaba sa kusina, balak kong uminom ng isang basong gatas, ganoon kasi ang ginagawa kong pang pa-antok.

I don't mind wearing a Skin pink nighties dahil alam kong ako lang ang gising sa oras na ito. Malamang kasi ay mga lulong pa sila sa tulog dahil sa pagod o hindi kaya ay wala rito sa mansion.

Kumuha lang ako sa refrigerator ng box of fresh milk saka isinalin sa aking baso. Tulog sa balikat ko si Clea, medyo mabigat na nga siya ngayon, eh. Hindi naman siya mataba, she's just a chubby and cute baby lalo na ang mga pisngi niya.

"You're up already?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Lumapat ang mga mata niya sa batang natutulog sa aking balikat habang nakasandal sa doorway nitong kusina.

Hindi ako nakasagot at mariin lang siyang tiningnan. Naka grey sweat pants at simpleng white T-shirt na lang siya ngayon. Simpleng ayos niya pero ito pa ang mas may malakas na dating sa akin kahit noon pa nang nagsasama kami.

"Nagpapa antok ka ba?"

He asked again as he walked closer to me. I silently nodded and drank from my glass.

"Ris....." tawag niya.

Hinahaplos ko ang likod ni Clea nang hindi nililingon ang taong tumawag sa akin. Nakatingin lang ako sa basong nasa harapan ko na naglalaman ng gatas.

Hanggang ngayon hindi ko inaasahan na maghaharap kami ng ganito.

"Why didn't you tell me about our daughter?"

Matunog akong napangisi nang marinig ang tanong niya. Pati ang boses niya ay nakakairita sa oras na ito.

I gazed at him, still smirking. "Do you hear yourself, Jared?" I sarcastically asked.

I gritted my teeth when I remembered how he dumped me in the hallway when I was about to tell him that I'm pregnant. Breaktime nila noong mga oras na 'yon.

"You didn't give me a chance to be with my daughter, Ris. Why did you have to hide this from me?"

I'm throwing him bloodshot eyes. I stood up and faced him, proud and still.

"Gusto kong humalakhak sa mga pinagsasabi mo. Kailan mo ginustong pakinggan ako? And mind you Jared, anak ko! Anak ko lang! Nasaan ka no'ng nagbubuntis ako?!" mariin kong sumbat sa kanya.

His jaw clenched, but still I couldn't figure out what's on his mind. Hindi ko makitaan ng galit o inis ang mukha niya. Nanatili ang mga mata niya sa'kin ngunit hindi niya tinangkang sumagot.

"Ba't hindi mo ngayon itanong sa'kin kung bakit mas pinili kong ilayo sa'yo 'tong bata?" nakangisi kong bato sa kanya.

Gumalaw si Clea kaya napunta roon ang atensyon naming dalawa. May pula na sa pisngi ng anak ko kaya inilipat ko siya sa isa kong balikat. Tinapunan ko ng masamang tingin si Jared nang akmang lalapit siya sa amin.

Matapos kong ayusin si Clea ay lumakad na ako palabas ng kusina. Kusang huminto ang mga paa ko nang malagpasan ko siya.

"Wala ka pa ring kwenta kausap hanggang ngayon." I might sound offensive but I don't care. He deserves it more than anyone.

Lutang akong bumalik sa kwarto ko ngayon. Wala akong ideya kung bakit parang pipe't binge ang akto niya sa kusina. Iwinaksi ko na lang ito sa aking isipan, hindi ako dapat nagpapadala sa kanya.

Tanghali na nang tuluyan akong magising. Sobrang bait ni nanay dahil hindi niya ako nakalimutang dalhan ng makakain dito sa kwarto. Siya na rin ang nag abalang paarawan si Clea sa labas at paliguan pagkatapos.

Naligo na muna ako bago lumabas ng kwarto. Unang hinahanap ng mata ko ay ang anak kong nasa kuna at abala sa paglalaro. She cheerfully raised her hands when she saw me walking towards her. Nasa kusina siguro si nanay.

"Good noon, my baby!" bungad ko at pinugpog ko ng halik sa mukha na kinahalakhak niya. She smells milk and powder.

Napalingon ako sa taong bumaba sa hagdan. Masuyo akong ngumiti at sinalubong siya. Ang kaninang ngiti ko ay unti-unting humupa nang parang hangin lang akong lagpasan ni Cloud.

"Kuya...." I called him, pero hinalikan niya lang si Clea sa tuktok ng ulo at tuluyan nang lumabas.

I bit my lips to suppress my tears. Matunog akong napalunok saka huminga ng malalim. Nagtutubig ang mga mata ko. Muli akong napabuga ng hangin bago damputin si Clea sa kuna at maupo sa couch.

Lumabas na si nanay galing kusina.

"Umalis na ba si Cloud, hija?"tanong niya.

I nodded.

"Kalalabas lang po."

Tumingin siya sa akin, at hilaw na ngumiti. "Pati si Mam Marycleine ay sinabihan ako na ipagpaalam daw sayo na wala sila ngayong araw. Busy 'ata sila sa Banda nila Cloud dahil sangkot na naman sa isyu."

Tumango na lang ako at matiim na ngumiti. Naalala kong napauwi nga pala sila dahil sa issue ni Jared tapos pagdating dito ay ako pa ang naabutan na may dalang anak.

Hindi ko rin matawagan si Vanessa mula pa kagabi dahil marami akong balak itanong sa kanya. Ngunit laging out of coverage ang linya niya. Nagpaalam na lang ako kay nanay na magmo mall na lang muna kasama si Clea.

Nagpahatid lang ako sa driver na iniiwan sa bahay para sa mga errands ni nanay.

"Thank you, Manong. Tatawag na lang po ako kapag magpapasundo na ako."

Tinanguhan ako ni Manong bago kumaway at nagpaalam paalis. Dahil maliit pa naman si Clea ay wala akong ibang mapuntahan kundi magshopping ng mga kailangan niya sa bahay. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magtatagal sa pamamahay ng magulang ko.

I pushed Clea's stroller to go to the baby clothes and shoe section. Napangiti ako ng munti siyang tumawa, may pilit na inaabot na laylayan ng damit sa mga nadadaanan namin. Makulit talaga ang batang ito.

"Good afternoon, mam. Ano pong hanap nila?"

Umaliwalas ang mukha ko nang may lumapit sa akin at mag assist.

"Do you have white gladiator sandals for my baby's size?"

Nakangiti niyang binalingan ng tingin ang anak ko bago ako pinasunod sa kanya. Nang maibigay sa akin ang klase ng sandals na hinahanap ko ay masuyo kong pinagpilian ang mga disenyo.

We were so busy fitting the shoes on Clea's foot when I heard a familiar voice.

"She's eight months, Vince, I think. Could you just help me buy some dresses for her."

Para akong binagsakan ng isang baldeng yelo nang mapadaan sila sa kinaroroonan namin ni Clea.

"C-Cleine..." Vince uttered my name.

Napunta ang tingin ko kay Jared na nasa gilid ni Vince at gulat na nakatingin sa amin ng anak niya.

I thought they were busy? Bakit nakuha pang magMall nang dalawang 'to. Hindi alintana ang maraming mata at cellphone na maaaring nakasunod sa kanilang dalawa.

"What are you doing here?" He asked in a careful low voice.

Tinaasan ko siya ng kilay at hindi napigilang ikutan ng mata. "Should I ask you that instead?" walang ganang ani ko.

Ibinalik ko sa box ang sandal at pinadala sa staff na nag aassist sa akin.

"I'll buy this one." Sabi ko at tumayo na para makaalis.

I was about to turn my back, nang mabilis na hawakan ni Jared ang kamay kong nakakapit sa stroller.. "S-saan na kayo pupunta?"

Luminga ako sa paligid para makita kung may nakakakita ba sa amin. Mabuti at wala masyadong nadaan sa pwestong 'to.

"None of your business." I just said and left them at their place. Nakaabot pa sa pandinig ko ang pagmumura ni Jared at kung anong bubuyog na bulong ni Vince.

Nasa labas na kami and I tried to called Manong para magpasundo dahil mukhang naiinitan na 'tong si Clea.

"Mi.." She mumbled when I carried her. Clea reach for my face and pinch on my cheeks.

"Yes, little claw machine. Nagpasundo na ako." Pakikipag-usap ko rito na para bang naiintindihan niya.

Akala ko ay si Manong na ang humintong kotse sa harapan ko dahil pareho na kulay itim. Nawala ang ngiti ko nang ibaba nito ang bintana.

"I'll drive you home, Ris."

"Anong palabas naman 'to?" Nayayamot kong sagot.

Lumabas siya sa driver seat at diretsong kinuha ang stroller ni Clea na nasa tabi ko. I held Jared's arm to stop him from what he's doing. Ako ang init na init sa suot niyang jacket at cap.

"Don't! Kay manong ako nagpasundo."

His jaw clenched, humigpit ang kapit niya sa stroller pero pinasok pa rin sa loob ng kotse. Pati na rin ang paperbag ng binili kong sandals ni Clea.

"You don't want me to make a scene here at mabalita tayong dalawa."

Kumuyos ang kamay ko nang bitawan ko siya. Inalalayan niya akong pumasok sa may backseat. Parang gusto ko sumabog sa inis.

Kulang na lang ay kuliglig ang marinig ko sa katahimikan na naghahari sa loob ng kotseng ito.

"Fuck that car." Jared murmured.

His grip on the steering wheel tightened. Naglabasan ang mga ugat niya sa kamay. May muntik na kasing dumikit sa sasakyan namin, pero hindi naman ikakadisgrasya.

"Don't curse will you?! Naririnig ng anak ko."

He looked at me through the rearview mirror. "I'm sorry," then said softly.

Iningusan ko lang siya at tumingin sa labas. Ako ang naiinip sa paraan ng pagmamaneho niya. Sobrang bagal parang hindi siya kaskasero kapag ako ang hinihila niya sa papasok sa loob ng kotse 'pag pupunta sa condo ah. Damn, memories.

Wala kaming kibuan hanggang sa makarating na kami sa amin. Tahimik pa rin ang bahay dahil nasa Kumpanya pa sila.

"Isn't she hungry?"

Kunot noo akong napalingon kay Jared na nakatingin sa anak kong nakasandal sa aking balikat at kinakain ang hintuturo. Nakasunod pa rin pala siya sa likuran ko.

Umiling ako, "Ano bang pakialam mo." His side lips rose up, stunned at my retort.

Muli niyang hinabol ang braso ko nang mabilis akong naglakad muli.

"Ris, that's my daughter too!" His voice was full of frustration.

"How many times do I have to tell you na hindi mo 'to anak!"

Napabuga siya ng hangin at nanghihinang binitawan ang braso ko.

"Kahit 'di mo 'ko ipakilala, Ris. Just....just let me take care of her too."

—————————————————— 

Continue Reading

You'll Also Like

20.8K 320 43
Azariah Kieth Torres. She's wild, party girl. Untamed young lady. Definitely not his type. Luis Harold Montediragon. He's cold, silent, hates parties...
47.4K 1K 66
Some speculated that Cain Greg Romualdez Samaniego decided to build his own mansion because he knew their spacious mansion would be given to the youn...
55.8K 180 5
A story of a blind man who meets a woman in a fateful situation. He didn't expect that meeting her can make changes in his life. ALL RIGHTS RESERVE 2...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...