Chapter 39: Stop
I regret drinking. Nakayakap pa ngayon saakin si Gail. Mga nalasing din siguro sila kagabi. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako umiinom ng marami dahil hindi ko natatandaan ang mga ginawa ko. Well, maybe later matatandaan ko na but damn! Ang sakit talaga ng ulo ko ngayon and gusto ko lang ng tubig ngayon dahil pakiramdam ko ay tuyo na ang lalamunan ko.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ni Gail saakin at saka ako nagshower, hoping na mawala ang sakit ng ulo ko pero mali ako. Parang may bulkan ngayon sa ulo ko at sumasabog pa rin hanggang ngayon.
Papasok sana ako sa kusina nang marinig kong may nag-uusap. Si D. Nandito si D.
“Lola ang point ko dapat hindi niyo siya pinayagan mag-inom.”
“Aba! Pinapangaralan mo ba ako?” Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong pumasok ngayon. Ayaw ko silang guluhin sa pag-aaway nila dahil madadamay lang din naman ako. Ako pa naman ang topic nila. Gee.
“Hindi naman po. Ang kaso kasi may mga kasama siyang lalaki. Nandito pa sina Cole at Erick.” I rolled my eyes after hearing that. I’m not a cheating bitch. User ako but I don’t cheat.
“Oh? Ano ngayon?” I’m glad that lola is still kicking. I love her so much. “Ikaw nga ang wala dito kagabi. Alam mo bang hinahanap ka ng mga kaibigan ni Jeling? Tapos magugulat ka pa kung mag-iinom ‘yan? Birthday na birthday hindi mo kasama.”
“Hindi ko naman alam na may party kayo dito. Saka isa pa, kasama ko siya kahapon.”
“Bakit iba ang kasama niyang lalaki nung makauwi? Ang lakas pa naman ng ulan. Paano kung kumulog at kumidlat? Edi kawawa ang apo ko! Ewan ko sayong bata ka. Ano bang gayuma ang ibinigay mo sa apo ko at pinatulan ka.”
“Grabe ka naman makapagsalita lola. Gwapo naman ako, ah. Hindi lang halata. Sa susunod huwag niyo na siyang paiinumin.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok na ako sa kusina at dirediretso lang ako hanggang sa nasa harapan na ako ng ref.
Uminom ako ng tubig bago humarap kay D. Nakatingin lang din naman sya saakin at si lola naman ay nagluluto ng pagkain.
“La, ipagawa mo na ‘yan kay Hazel.”
“Pinabili ko siya ng makakain ng mga bisita mo. Hindi mo naman sinabi saakin na pupunta sila.”
“Hindi ko rin naman po kasi alam na pupunta sila. Surprise nga, e.” Hindi pa rin ako tinatantanan ng tingin ni D. Damn him. Siya pa may ganang tumingin ng ganyan.
“Inumin mo ‘to.” Inabutan niya ako ng gamot pero he’s still scowling at me. What a boyfriend. Wait is he even my boyfriend? Or maybe at least we’re in an agreement kaya ganito siya. That’s right JL. So stop falling for him. We can’t be together. Hindi dapat ako nadadala sakanya.
“Ang seryoso mo.” Umiling nalang ako at ininom ko nalang ang gamot na binigay niya. Dapat wala siya dito. Dapat nandoon nalang siya sa pinuntahan niya kagabi. That way, I won’t fall for him even more.
“Gisingin ko lang sila.” Paalam ko kay lola.
Pero pag dating ko sa kwarto ko ay humiga lang ulit ako. Tulog na tulog pa rin ang dalawa ngayon kaya ayaw ko pa silang gisingin.
“Sasabog yata ang ulo ko.” Rinig kong sabi ni Ales. Gumalaw na rin ang kama kaya marahil ay umupo na siya. “JL, peram damit.”
“After ng school year na ito babalik na ulit ako satin.” Hindi ko naman dapat ito sinasabi kay Ales. Wala naman talaga akong pagsasabihan ng mga balak ko sa buhay. “Ayaw ko na rito.”
“Paano yung boyfriend mo?”
“Wala naman kaming feelings sa isa’t isa. Parang for fun lang naman ‘to.”
“Talaga lang ah?” Ngayon naman gising na si Gail. Mukha pa silang sabog pero nakikinig pa rin sila saakin. Weird friends. But I’m glad that they’re here. “Dahil ba yan kahapon? Umuwi ka pero hindi naman siya ang kasama mo. Think about it, ano kaya ang naramdaman niya na iba ang kasama mong umuwi kahapon?”
“Maybe nothing.” I answered. “Saka if ever magdamdam man siya, wala siyang karapatan. Iniwan niya ako. Nasa kanya ang wallet ko. Uulan. Tatanggi pa ba ako sa offer ni Cole na ihatid ako?”
“Baka naman kasi gusto mo talaga siya at gumagawa ka lang ng dahilan para maghiwalay na kayo dahil ayaw mo lang masaktan.” Kumento ni Ales bago siya tumayo. “Damit. Kelangan kong maligo.”
“Kumuha ka dyan.”
“Gusto mo siya JL.”
“Gail, okay naman kasi ako noong una dito. Okay lang saakin na loner ako. Yung wala akong inaalala. Yung hindi ko alam na ang mga ex niya pala ay nagtatrabaho rin sa school na iyon. Tapos malalaman ko pa na dahil sa babae kaya iniwan niya ako kahapon.”
“Admit it. You’re jealous.”
“I’m not.”
“Yes you are. Pakain nga muna para makaalis na rin kami mamaya at maayos niyo ni ano nga kasi pangalan ng boyfriend mo? Cardo ba?”
***
Katulad nga ng sabi ni Gail ay umalis din sila kaagad. Malayo pa raw kasi ang byahe at marami pa silang gagawin. Dapat daw ang mag thank you ako sakanila dahil isinasalba pa nila ang aking social life. As if naman.
Umalis na rin si Cole dahil may meeting pa sila and Erick dahil may practice pa sila ng banda niya.
“So now, we’re alone.”
“We’re not.” Binuksan ko ang TV at umupo. We’re not actually alone. Nasa labas lang si lola at inaayos ang garden niya.
“Bakit ka uminom?”
“Umiinom naman talaga ako dati pa.”
“Bakit ka naglasing?”
“Dahil safe ang makasama ko at nasa bahay lang ako, duh.” Naghahanap ako ng magandang channel pero ngayon ay wala na akong ganang manood. I think kelangan kong lumabas ng bahay.
“JL I’m serious.”
“Seryoso rin naman ako. Ano bang akala mo saakin? Hindi siniseryoso ang mga bagay-bagay?”
“That’s not it!”
“Then what? Ano bang big deal sa ginawa ko? Birthday ko kahapon. Pinuntahan ako ng mga kaibigan ko kahit hindi ko sinabi sakanila. Nagsaya lang naman kami, anong mali sa ginawa ko?” Hindi ko namalayan na ngayon ay nakatayo na kaming dalawa. Naiinis ako dahil ginagawa niyang big deal ang ginawa ko. “Hinayaan naman kita kahapon nung bigla kang umalis. Hinayaan ko ngang hindi mo sagutin yung tawag ko sayo tapos ikaw pa ang may ganang manumbat? Ang kapal mo naman.” Magsasalita pa sana siya ulit pero I butt in. “Itikom mo lang ang bibig mo. Huwag kang magsasalita dahil D, okay lang saakin na gawin mo ulit sakin yun. Naiintindihan ko naman na we’re doing this dahil may pareho tayong may gustong mangyari. Ako para makalimot at ikaw para layuan ka ng mga sinasabi mong lumayo sayo.”
“Pumunta ako dito para magpaliwanag but you’re out of yourself, JL. Pinuntahan ko si Pauline.”
“Kung pupuntahan mo lang din pala siya edi sana wala nalang tayong agreement. Paano ka niya lalayuan kung ikaw mismo pumupunta lagi sa tabi niya tuwing tatawagan ka? Damn D! Iniwan mo ako nang hindi nagpapaalam. Mukha akong tanga doon. Hinintay pa nga kita baka sakaling bumalik ka pero hindi, e.”
Huminga ako nang malalim bago ko pinatay ang tv at pumunta sa kusina. Tubig. Kelangan ko ng tubig para kumalma.
“Itinakbo ko siya ospital. Nahulog kasi siya sa hagdan, JL. Wala siyang kasama sa bahay nila at hindi naman niya matawag ang kapitbahay niya kaya agad akong umalis.”
Tapos ikaw ang tatawagan? Ikaw lang ba ang kakilala niya dito? Gustong-gusto ko yang sabihin pero magmumukha lang akong nagseselos.
“Okay na ba siya?” Hindi ko nakatinging tanong sakanya.
“I think so.” Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Doll, look at me.” Tumingin ako katulad ng sabi niya but then nakita ko yung kiss mark sa leeg niya.
“Kiss mark ba yan?” I asked him pero natawa lang siya sa tanong ko.
“It’s not even a kiss mark. Teeth mark yan. You did that.”
“I—I what? No fcking way!”
“But you did.”
“Did not!” I slapped his hands away from me.
“Did.”
“Not! Stop smiling! You’re pissing me off D!” Bakit ba ang galing niya lagi magshift ng topic? Gee! I really hate him! Kung kelan galit na galit ako sakanya ay doon naman siya biglang ngingiti at sisirain lahat ng wall na itinayo ko. Badtrip.
Muli ay nasa sala na ako at nakaupo lang sa sofa. Calmer this time and so is he. We’re not actually talking to each other and it’s becoming weirder as time goes by.
“Alam ko ang nasa isip mo.” Hindi ako sumagot dahil alam ko ang tinutukoy niya. Alam kong alam niyang gusto ko ng itigil ‘to. “Gusto mo na ba talagang itigil na ‘to?” Tumango lang ako at hindi siya tinignan.
“Gusto mo bang bumalik sa pagkakaibigan lang?” Muli ay tumango ako. Hindi ko alam. Pero susubukan kong maging cool lang kung nagkataon na itigil nga naming ito. Aalis din naman ako at baka isama ko na si lola pag-alis ko dito. “Paano kung ayaw kong tumigil tayo?”
“You’re a selfish bastard.”
“I know.”
“But D, I’m serious. Let’s stop this.” Matagal siyang hindi sumagot pero noong sumagot na siya, hindi ko inasahan ang iisang salitang sinabi niya bago siya umalis.
Doon ko napatunayan na walang halaga sakanya ang ginawa naming ito. That ‘okay’ is damn too much.
***
A/N: Di ako makapag-UD kaagad dahil busy. Tapos si Miru Mariano lagi naiisip kong story. HAHA