Hugo's Secret [Boyxboy] (Comp...

By IThinkJaimenlove

462K 19K 2K

Hugo is a man of every girls dream. Para sa kanila, he's perfect because of his appearance - gwapo, matangkad... More

Hello, Buddies!
Blurb
Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3: The Last Secret
UNDER THE MOONLIGHT
ONE LAST CHANCE
SIMONʼS SECRET

Chapter 4

10.8K 515 67
By IThinkJaimenlove

Aki's Point of View

Hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko dahil sa matang kanina pa nakatingin sa akin. Dumating na si Mina at agad naman namin sinimulan ang ginagawa naming dalawa. Nag-order siya ng milk tea at piece of cake para sa amin. Kaharap ko ang laptop ko upang gawin ang sinabi nitong part ko pero hindi ko masimulan dahil kanina ko pang napapansin na nakatingin sa akin si Hugo. Bakit hindi pa siya umaalis?

"Magbabanyo lang ako." Tumango lang si Mina at agad naman akong tumayo.

Mabilis ko naming nahanap ang banyo rito dahil nagtanong din naman ako sa waiter na nakasalubong ko. Pumasok ako sa loob at saktong walang tao kaya naglakad na ako papunta sa nakabukas na cubicle. Papasok n asana ako sa loob nang may humila sa braso ko paharap at ang masamang tingin nito. Kung nakakamatay lamang ang tingin niya'y baka kanina pa ako nakabulagta rito sa sahig ng banyo.

"Are you following me?!" may diin nitong tanong. Mahigpit niyang hawak ang kaliwa kong braso kaya nasasaktan ako. Malakas din ang tibok ng puso ko. "Answer me! Sinusundan mo ba 'ko rito?!"

"P-puwede bang bitiwan mo 'ko? N-nasasaktan na kasi ako," sabi ko sa kanya. Sinusubukan kong alisin ang kamay nito ngunit mas lalo lang n'yang hinigpitan ang pagkakahawak na para bang mababali na niya ang buto ko. "A-araay!"

"Tinatanong kita, sinusundan mo ba ako?!" pag-uulit niya sa kanyang tanong. Hindi pa rin nawawala ang masama nitong tingin sa akin.

"Hind—" Sasagot na sana ako nang magbukas ang pinto ng banyo. Mabilis ang nagging kilos nito at itinulak niya ako papasok sa loob ng cubicle. Hindi ako makagalaw sa puwesto ko dahil sa sobrang lapit naming sa isa't isa. Kung bakit kasi sumama pa ito papasok, alam naman niyang masikip dito sa cubicle.

Mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko dahil sa puwesto naming dalawa. Sobrang lapit ng mga katawan naming sa isa't isa. Matangkad siyang tao kaya hanggang dibdib lang niya ako. Naaamoy ko rin ang pabango nitong sa tingin ko'y mamahalin. Naipikit ko ang mga mata ko upang damhin ang amoy nito ngunit mabilis ko ring idinilat nang maramdaman ko ang presensiya nitong nakatingin sa akin. Iniangat ko ang tingin ko at tama ang hinala kong nakatingin ito sa akin na nakakunot ang kanyang noo.

"What are you doing?" tanong niya. Mahina lang ito na sapat lang upang hindi kami marinig sa labas.

"W-wala." Umiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"Tss! Stupid!" Mabilis kong ibinalik ang tingin sa kanya at sasagutin ko na sana ito pero hindi ko nagawa dahil sa nakita kong munting ngiti sa kanyang labi. Nawala rin naman ito kaagad dahil nakita niya akong nakatingin sa kanya.

"W-wala ng tao sa labas, p-puwede bang lumabas na tayo?" tanong ko nang mapansin kong kanina pa kami rito. At, kanina ko pa pinipigilan ang pantog ko dahil naiihi na ako.

Hindi niya ako sinagot. Tumalikod ito sa akin at binuksan ang pinto. Sumilip siya rito at agad din siyang lumabas kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Isinarado kong muli ang pinto ng banyo para umiihi. Mabilis akong natapos kaya inayos ko na ang sarili ko para lumabas. Muntik pa akong mapatalon dahil nasa labas pa rin pala si Hugo na nakasandig sa stool ng lababo. Naka-crossed arms pa ito habang magkasalubong ang kilay niyang tingin sa akin.

"You haven't answer my question," bungad nitong tanong. Bakit ba ang kulit neto? Ganito ba siyang klase ng tao?

"Hindi mo ba nakikitang kasama ko ang kaklase ko? Bakit naman kita susundan dito?" balik tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa banyo at naghugas ng kamay.

"You're lying. Sinasabi mol ang iyan para may dahilan ka pero ang totoo you're following me here because you like me. I'm sorry but I don't like gays!" Masama ko siyang binalingan ng tingin.

"Hindi porket guwapo ka at gusto ka ng marami ay magugustuhan na rin kita. Ibahin mo ako! May taste ako lalo na sa ugali ng isang tao at hindi ko gusto ang ugaling mayroon ka!" Hindi ko na hinintay pa itong makasagot dahil agad akong umalis doon.

Ang lahat ng sinabi ko sa kanya'y puro lamang kasinungalingan pero ang sundan siya rito ay hindi iyon totoo. Dahil lang sa inis na naramdaman ko kaya iyon ang isinagot ko sa kanya. Napakayabang pala niyang tao. Inaakala niyang lahat ng tao ay magugustuhan siya?

"Ang tagal mo, ah? May ginawa ka sigurong kalokohan sa banyo?" tanong ni Mina nang makalapit ako sa kanya at umupo sa puwesto ko.

"Marami lang tao sa banyo kaya hindi ako kaagad nakasingit," pagdadahilan ko kahit na hindi naman ito totoo. Kanina pa sana ako nandito kung hindi lamang ako ginulo ni Hugo.

Nginisian niya ako. "Ang gasgas ng dahilan mo, beh! Hindi naman public CR iyon saka pansin mo bang walang masyadong costumer itong shop?"

Inilibot ko ang tingin ko at doon ko nalamang iilan lang ang mga nandirito ngayon. Napapakamot na lang akong bumaling sa kanya.

"Nasa banyo sila lahat," sabi ko. Ngumiti ako para kumbinsihin ito ngunit umiling lang siya.

"Ituloy mo na lang ang ginagawa mo para mabilis tayong makaalis," aniya. Wala na akong nagawa pa kundi ang ituon na lamang ang pansin sa aking ginagawa.

Tumagal kami roon ni Mina ng dalawang oras. Natapos naman naming ang introduction ngunit may iilan pa rin naming mali kaya ipapa-check na muna naming iyon sa teacher para malaman kung alin ang mali. Isang linggo ang ibinigay sa amin upang matapos ang activity na ito at mas Mabuti ng unti-untiin naming para mas maganda ang kalabasan ng aming gawa.

"Uuwi ka na ba?" tanong nito nang simulant kong iligpit ang mga gamit ko. Tumingin ako sa kanya ng mailagay ko sa bag ang huling gamit na inilabas ko.

"Oo, eh. Sinabi ko kay Mama na sa bahay ako magla-lunch," sagot ko rito.

Ngumuso itong nakatingin sa akin. "I thought we can eat lunch together pa naman pero sige, family first." Ngumiti ako at inilagay ko na sa balikat ang bag ko.

"Bukas na lang tayo magsabay kumain. Magkikita pa naman siguro tayo bukas," sabi ko uoang pagaanin ang kanyang loob.

Ngumiti siya at tumango-tango. "Sige! Sa bahay na lang tayo bukas gumawa."

"Bahala ka na basta hindi lang ako mapapahamak." Tumawa ako at natawa rin siya sa sinabi ko.

"Walang nangangain sa bahay. Saka naikuwento kita kina Mom at Dad. And they wanted to meet you because you are my very first friend!" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ako ang kauna-unahan niyang kaibigan.

"Ikaw rin ang una kong kaibigan," pag-amin ko. Pareho rin pala kaming looner bakit ngayon lang kami nagsamang dalawa? Lumaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Really?!" Tumango ako at ngumiti. "OMG! I'm so happy," sabi nito. Sinabi ko rin sa kanya na masaya rin ako na nagkakilala kaming dalawa.

Bago kami naghiwalay ng landas ay ibinigay na muna niya ang address ng kanilang bahay. Dahil sabi ko'y ako na lamang ang pupunta sa kanila para hindi na niya ako sunduin pa.

Nakasakay na ako sa tricycle upang umuwi na sa bahay. Mabagal lamang ang takbo nito dahil maraming mga sasakyan kaming nakakasabay. At habang nakasakay ako'y nakatingin ako sa labas at sa 'di kalayuan ay may nakita akong isang tao.

"Manong, sandal!" pigil ko rito kaya mabilis niyang inapakan ang preno ng kanyang tricycle at huminto kami. Inabutan ko ito ng bayad at mabilis akong bumaba. "Dito na lang po ako," sabi ko at hindi na siya hinintay na makasagot dahil agad akong umalis. Nagiging dahilan na kasi kami ng traffic kaya umalis na ako roon bago pa kami sagasaan ng ibang sasakyan.

Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin si Hugo. Nakita ko kasi ito kanina habang may buhat-buhat siyang bata. Dahil nga sa gusto kong alamin kung sino ba siya'y bumaba ako sa tricycle na 'yun at pumunta rito sa side walk ng syudad. Hindi ko na kasi nakita pa ito kanina sa coffee shop at hindi ko rin napansin na lumabas ito dahil itinuon ko ang sarili sa activity namin ni Mina.

Mabuti na lamang at hindi pa ito nakakalayo. Nakita kong pumasok ito sa isang botika ng mga damit kaya sinundan ko ito. Pumasok din ako sa loob at nalaman kong damit halos ito ng mga bata.

"Good morning, sir. Welcome to kiddie's clothing!" masiglang bungad sa akin ng sale clerk nitong shop.

"May nakita ba kayong pumasok dito na lalaki at may kasama s'yang bata?" tanong ko rito. Inilibot ko pa ang tingin ko ngunit hindi ko na sila nakita rito sa loob. Malawak din kasi itong space ng botika.

"Ah, si Mr. Hidalgo po ba at 'yung anak niya? Nasa second floor po sila. Gusto niyo po bang samahan kita roon?" Natigilan ako sa kanyang isinagot.

"H-hindi na po. Aalis din naman ako kaagad. S-sige, Ate, salamat!" Mabilis pa sa alas-kuwatro akong umalis doon. Dahil hindi ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Hugo.

Anak? Anak niya iyong batang kausap niya noon sa banyo? 'Yung batang kasama niya noon sa grocery store at ngayo'y kasama niya sa isang botika? May Anak na pala siya?

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 398 10
Elizer & Liam's story prequel. Yes, you can read it without reading Arken Needs if you want. This is only a short story.
1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
241K 3.6K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...