Burning Desire (COMPLETED)

By AstraBela

194K 4.4K 509

A light story of Jared Vaine Cervantes and Rissy Cleine Nueva... [UNEDITED] More

Author's Note
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
EPILOGUE
His POV
Author's Message
Special Chapter

Chapter 28

4.1K 96 6
By AstraBela

CHAPTER 28

"See you!" Bade my goodbye. I lifted up Clea's small hand to give her a wave.

Ngayon na kasi ang flight ni Vanessa pauwi sa Manila. Gustuhin man niyang dito magpasko ay hindi pwede. Malalaman din ng family ko na nandito ako.

"I'll call you every time. Take care." I nodded. She came closer to give my baby a kiss. Malutong ang tawa nito dahil sa kiliti ng paghalik ni Vanessa.

"Gonna miss this baby."

"Makakauwi din kaming Manila. Sige na diyan na ang grab, oh."

She faced Auntie and Kristine to also give a kiss. "Thank you for letting me stay here."

Masuyo namang nagsalita si Auntie Agnes. "Wala iyon. Buti nga at napabisita ka. Pakamusta na lang sa mommy mo kung sasabihin mong galing ka dito."

Nagthumbs up lang siya at lumakad na papasok sa kotse. Nauna nang pumasok sa loob ng bahay sila Kristine. Nagpaiwan muna ako dito para igala gala si Clea sa loob ng bakuran.

May lumabas sa katabing bakod ng bahay na ito na sa tingin ko ay kasambahay doon. Nilapitan ko ito para pansinin.

"Hi, Ate!"

Nagulat naman siya sa presensya ko ngunit agad ding ngumiti.

"Ikaw pala. Ang bilis lang lumaki ng anak mo."

"Oo nga po, eh. Nga pala sainyong sasakyan 'yan?"

Tukoy ko sa red Vios na nakaparada sa harapan nila. Madalas ko kasi mapansin sa labas 'yan.

"Ah. Yaan ba? Wala namang ganyang sasakyan ang mga amo ko pero bumisita ang may-ari niyan dito. Business 'ata." Tumaas ang dalawang kilay ko habang tumatango.

"Bakit mo nga pala naitanong, hija?"

"Wala naman po. Madalas ko kasing mapansin. Na miss ko lang rin siguro ang magmaneho ng sasakyan." Natawa siya sa sinabi ko dahil marami daw talaga ang pumapansin sa kotse na iyon.

Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na dahil medyo mahamog na sa labas lalo na't dumidilim na ang langit.

Dahil wala naman kaming gagawin ay napagdesisyunan na lang namin na magdisenyo na lang ng christmas tree. First of december na kasi at kalat na rin ang iba't -ibang ilaw sa kanya kanyang bahay.

Tutal nakalagay naman na kami ng Christmas lights sa labas ay dito naman sa loob ang lalagyan namin.

Nilapag ko muna si Clea sa kanyang crib habang abala kami sa pagaayos. May pinapalaro lang ako sa kanyang teddy bear na regalo ni Kristine, tutal dumapa pa lang naman ang alam niyang gawin. Mamaya pa ang tawag ni Vanessa dahil hindi naman siya agad agad na makakarating sa Manila.

"Namiss ko mag-ayos nito." Nakangiting sambit ko habang isinasabit ang tatlong kulay ng balls sa christmas tree.

"Cleine, matanong nga kita. Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo sa manila? Pansin ko kasing mas maayos ang buhay mo d'on kaysa dito." Tipid akong napangiti bago bumaling sa kanya.

"Alam mo, Tin. Sobrang saya nga ng buhay dito. Simple pero maaliwalas."

Inabot niya sa akin ang dulo ng christmas lights para maiikot sa sa Christmas Tree. "Miss ko rin naman sila especially mom."

"May pagkakataon ba na naiisip mong sana sinabi mo na lang sa parents mo ang tungkol sa pagbubuntis mo lalo na kay Jared."

"I tried to talk to Jared, but unfortunately he doesn't want to listen. Naintindihan ko rin naman."

Kumunot ang noo niya sa akin. "Paanong naintindihan?"

"That time pinapasok na nila ang industriya ng kinalalagyan nila ngayon. Pangarap niya 'yan na mahirap tibagin lalo na't para sa ate niya na wala na."

Hindi ko na itinago ang dahilan ni Jared tutal ay alam naman ng fans nila 'yon.

"I'm sorry...."

Natawa ako sa reaksyon niya. "Oh no! Don't apologize. It's my fault din naman na hindi ko ipinilit."

Hindi ko nga ba pinilit?

"Naamoy ko na 'yong hapunan. Damputin mo na si Clea at nang makakain na tayo." Kumindat siya sa akin bago niligpit ang iilang kalat.

Masaya naman kaming nagdinner. Ramdam na ramdam ko na nga ang paparating na pasko. Nang pumasok na kami sa kwarto ay tiningnan ko muna kung may message ba si Vanessa. Tansya ko ay kanina pa iyon nakarating sa Manila.

Binalikan ko ulit ang nakaraang post ni Vanessa. Humaba na lalo ang buhok ko, nagbloated man ang katawan ko dati dahil sa pagbubuntis ay nabalik ko naman ang shape ng aking katawan, 'yon nga lang medyo lumaki ang balakang at bumilog ang hita ko. Kaya rin siguro hindi ako makilala sa likod.

Kahit ganun ay kinabahan pa rin ako. I was busy viewing her post when she send me a message.

From: Vanessa

I have a group dinner with the four, pagkababa ko agad. They were asking me about my vacation there. Dang! Kinabahan ako.

My whole mood tensed up while typing my reply.

To: Vanessa

Don't say even a single word. Baka biglang pumunta ang kapatid mo na 'yan.

From: Vanessa

They were so persistent and shit! Your father broadcasted you! Nakita ko sa isang mini LED dito sa restaurant. Hinahanap ka na.

Hindi ko na siya nireplyan at tanging napapikit na lamang ako. May idadagdag pa bang problema?

Hindi na ako natahimik mula nang umalis ako sa amin at itago ang pagbubuntis ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon sinabi na ni Dad sa media ang pagkawala ko.

Nagbasa ako ng ilang article bago matulog at pasalamat pa ako dahil hindi niya nilalabas ang mukha ako. Alam ko namang kahit paano ay may concern din siya sa akin at takot sa issue ang tao na 'yon.

Halos tatlong buwan nang huli kong makausap via Video si Vanessa. Sa loob kasi ng ilang buwan na iyon ay out of the country siya, its either she's going to update my father's disperse about me or checking Clea's out.

Lumipas na nga lang ang pasko pero hindi pa rin ako nagpaparamdam sa kanila.

I was actually planning to go back in Manila one of these day. Sinabi kasi sa akin ni Vanessa na aalis ang mga tao sa mansion papuntang states, business matter. Aalis din ang grupo nila Kuya Cloud para sa events international kaya gusto ko sanang bumisita kay Nanay Linda na maiiwan sa mansion.

Hindi ko na kasi siya nakausap magmula nang mapadpad ako rito. Isa pa ay kailangan ko nang bumalik sa Manila at asikasuhin ang ibang properties ng paalihim at papasukin kong negosyo. Dahil aminin ko man o hindi ay mas makakakuha ka talaga ng income sa Manila kaysa sa Probinsya. Kaya hindi ko rin masisi ang mga lumuluwas sa probinsya para lang makapagtrabaho sa Manila o ibang lugar.

"Ingat kayo ha? Bumalik kayo agad." Naluluhang sambit ni Auntie Agnes.

Inihatid nila kami ni Clea sa airport. 8 months naman na siya kaya okay na siya sa byahe ng eroplano.

"Tatawagan ko kayo kapag nakarating na kami." Kumaway ako bago pumila nang tawagin na ang aming flight.

Hindi naman mahirap ang paglipad namin at mas maaga kaming naka- land sa Airport kaysa sa inaasahang oras nang pagdating.

Pagkalabas ay agad kong hinanap si Vanessa na siyang sasalubong sa amin. Tumakbo naman siya sa aming direksyon nang makita kami.

"I miss you! Finally!" Siya na ang bumuhat kay Cleatrine na natutulog at pinasunod ako sa kanya.

Kahit kailan talaga ang hilig niyang kunin ang anak ko kapag natutulog.

"Sa mansion ninyo ka ba didiretso?"

"Oo, tutal si Nanay lang naman mag- isa dun kasama ang iilang drivers. Sa sunod na araw ako maglalagi sa condo mo"

Tumango naman siya at dumiretso na sa amin. Chineck muna ng guards ang nagmamaneho ng sasakyan na ito bago kami pinapasok sa loob ng gate ng mansion.

Halos ganun pa rin ang ayos nitong bahay. Mga tanim at iilang benches lang sa labas ang pinagbago.

Sakto naman na nasa labas si Nanay Linda at nagchi check ng mga bulaklak nang makaparada kami kaya excited akong bumaba.

"Nay!" Agad niya akong nilingon at nanlalaki ang matang nilalakad takbo ang aming distansya. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto ng sasakyan ni Vanessa senyales na lumabas na rin siya.

"D'yos ko po! Hija, ikaw ba talaga 'yan?" Namamasa ang kanyang mata nang hawakan ako sa braso. Hinaplos niya rin ang manipis na buhok ng aking anak.

"Ito na ba?" Tanong niya at sinilip ang baby ko. Tulog kasi ito sa aking braso. Nang tanungin ko siya kung bakit parang alam niya na may dala-dala akong supling ay inabisuhan pala siya ni Vanessa.

"Ang tagal mong nawala, bata ka. Buti't nagpakita ka na." dagdag niya pa.

Para rin akong maiiyak sa sayang naramdaman ko nang sa wakas ay nakatapak ulit ako rito.

"Halika sa loob. Maghahanda ako ng makakain." Inakay niya kami papasok sa loob.

"No need na po. I already order some food." Singit ni Vanessa, siya ang may hawak ng maliit na maletang dala ko.

"Alam ba ito ng magulang mo kung kailan naman na wala sila saka ka nagpakita."

"Kaya nga po ako napapunta rito dahil alam kong wala sila. Ikaw talaga ang sinadya ko dito, Nay. Na miss po kita." Napatingin kami sa batang buhat buhat ko nang gumalaw ito at magising.

"Pwede ko ba siyang buhatin?"

"Oo naman po." Nagkukusot pa ng mata ang aking anak nang kunin niya ito mula sa akin.

"Kay gandang bata. Hawig niya ang kanyang ama, Cleine. Kuhang kuha niya lalo na ang mga mata."

Masayang masaya siya habang buhat ang aking anak. Itinataas niya pa ito saka binibiro ng gulat. Hindi tuloy matigil ang malulutong na halakhak ng baby.

"Sigurado akong matutuwa sila kapag nalaman nilang may apo na sila."

Sana nga po, pero wala pa akong balak na ipaalam sa ngayon.

——————————————————

Continue Reading

You'll Also Like

90.9K 2.6K 15
[BxB | Slice of Life] I'm his life and he was my life... until one mistake that scattered all his promised and my promised. A mistake that cannot be...
5.2K 158 26
Hannah Jean Aezizeallla, a girl who have a crush on Speaker Loki. She's giving him flowers, chocolates and letters. She's doing it almost everyday ju...
124K 2.9K 22
He gave to me everything- a home, protection and expensive things but not his LOVE. Marco do his best to hide what we have from other people. While I...
24.2K 363 49
"we have known each other for years and now we've finally found each other" -Shawn ♥ Zel Let's witness how their love story works if they are both fi...