Ang Mutya ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

60.4M 2.3M 3.3M

Ready to say goodbye? More

eatmore2behappy
Chapter 261
Chapter 262
Chapter 263
Chapter 264
Chapter 265
Chapter 266
Chapter 267
Chapter 268
Chapter 269
Chapter 270
Chapter 271
Chapter 272
Chapter 273
Chapter 274
Chapter 275
Chapter 276
Chapter 277
Chapter 278
Chapter 279
Chapter 280
Chapter 281
Chapter 282
Chapter 283
Chapter 284
Chapter 285
Chapter 286
Chapter 287
Chapter 288
Chapter 289
Chapter 290
Chapter 291
Chapter 292
Chapter 293
Chapter 294
Chapter 295
Chapter 296
Chapter 297
Chapter 298
Chapter 299
Chapter 300
Chapter 301
Chapter 302
Chapter 303
Chapter 304
Chapter 305
Chapter 306
Chapter 307
Chapter 308
Chapter 309
Chapter 310
Chapter 311
Chapter 312
Chapter 313
Chapter 314
Chapter 315
Chapter 316
Chapter 317
Chapter 318
Chapter 319
Chapter 320
Chapter 321
Chapter 322
Chapter 323
Chapter 324
Chapter 325
Chapter 326
Chapter 327
Chapter 328
Chapter 329
Chapter 330
Chapter 331
Chapter 332
Chapter 333
Chapter 334
Chapter 335
Chapter 336
Chapter 337
Chapter 339
Chapter 340
Chapter 341
Chapter 342
Chapter 343
Chapter 344
Chapter 345
Chapter 346
Chapter 347
Chapter 348
Chapter 349
Chapter 350
Chapter 351
Chapter 352
Chapter 353
Chapter 354
Chapter 355
Chapter 356
Chapter 357
Chapter 358
Chapter 359
Chapter 360
Chapter 361
Chapter 362
Chapter 363
Chapter 364
Chapter 365
Chapter 366
Chapter 367
Chapter 368
Chapter 369
Chapter 370
Chapter 371
Chapter 372
Chapter 373
Chapter 374
Chapter 375
Chapter 376
Chapter 377
Chapter 378
Chapter 379
Chapter 380
Chapter 381
Chapter 382
Chapter 383
Chapter 384
Chapter 385
Chapter 386

Chapter 338

401K 23.2K 30.6K
By eatmore2behappy

A/N: Sorry ngayon lang update.

Happy Birthday!!
🎊 Gwyneth Maranan
🎁 Melanie Marasigan
🎂 Eihra Mae
🥳 Menabelle Nicole Soriano

Grazel Jay

Jay-jay's POV

Siguro kung nakikita lang ako ng mga nurse sa loob ng nursery baka nawi-wirduhan na sila sakin. Panay ang tingin ko kay Freya tapos ay babalik sa mga Baby na tinatanaw niya. Tapos titingin ulit ako sa kaniya tapos babalik ulit sa mga baby tapos sa kaniya ulit tapos sa mga Baby ulit tapos sa kaniya na naman ulit.

"Hindi ka titigil?" Tanong ni Freya ng hindi nakatingin sakin. "Para kang baliw."

Napakamot ako sa ulo. Hindi ko kasi alam kung paano siya kakausapin. Gusto ko humingi ng tawad sa kaniya dahil sa mga sinabi ko bago niya ko sampalin. Pero nagda-dalawang isip ako dahil sobrang sakit ng sampal niya bawing-bawi na siya sa mga sinabi ko.

May pasobra pa nga.

Malalim siyang nagbuntong hininga bago ako harapin. Taas na taas ang mga kilay niya sakin. Alam kong tatarayan na naman niya ko kaya kaylangang ng counter attack.

"Antaray ng kilay, nakakasaksak." Sabi ko at mukang nabusit na siya sakin.

"Seriously?" Sarcastic na tanong niya.

Inikom ko ang mga labi ko. Dapat talaga iniisip ko muna ang mga sasabihin ko. Ang dalas kong mapahamak dahil sa kawalan ng pamigil sa pagsasalita.

"A-ano kasi..." Napakamot ako sa ulo ko.

"Naiinggit ka sa kilay ko?" Mataray niyang tanong.

Ayoko niyan, nakakasaksak.

Umiling ako. "G-gusto ko lang sanang humingi ng sorry. Tungkol sa sinabi ko bago mo ko sampalin."

Kita ko ang pagseryoso ng muka niya. Alam kong narinig ko na to noon kay Yuri at nabasa sa conversation nila ni Aries pero iba pa rin kung isa sa kanila ang magku-kumpirma.

"Totoo? Binibigyan ka talaga niya ng pera?"

May parte ko na ayaw talagang malaman ang totoo. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ni Keifer yon. Pakiramdam ko may malalim na dahilan.

Pero alam ko din namang madali lang hingan ng pera ang Hari ng mga Ulupong. Malay ko ba kung noon pa man, yun na ang paraan niya para makatulong.

Saan nga yun lang.

"Yeah, he do give me money." Umirap siya bago humarap sakin. "But thanks to you, he suddenly stopped."

Tinuro ko ang sarili ko. "Bakit ako?!"

Para akong pinagbibintangan sa isang krimen na wala akong kinalaman.

"Aba ewan ko sayo! Basta simula ng mahumaling siya sayo hindi naging consistent ang pagpapadala niya sakin, hanggang sa huminto nalang." Inis na sagot niya.

"Aba hindi ko rin alam! Malay ko ba sa inyong dalawa—!"

Napatigil dahil sa biglang paghinto ng isang nurse sa tapat namin.

"Baka pwede pong hinaan ang boses, wala po tayo sa kalye." Mahinahon niyang sabi pero may halong inis.

"S-sorry po." Sabi ko at tumango naman siya bago umalis.

Hindi ko napansin ang paglakas ng boses naming dalawa. Napilitan tuloy akong tumahimik sa pagkagat sa labi ko.

Siya po may kasalanan.

Bumalik kami sa pagtingin sa mga baby sa loob ng nursery. Ang cute nilang lahat habang mahimbing na natutulog. Pero parang hindi ko makita ang anak ni Grace.

"Nasan pala yung baby ni Grace?" Tanong kay Freya.

"Wala dito. Dahil sa labas siya ng ospital pinanganak hindi siya pwedeng isama sa ibang baby. They considered her contaminated or expose to bacteria." Paliwanag niya.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga sinasabi niya. Para kasing ang dami niyang alam tungkol sa panganganak at sa baby.

Teka lang... Her?

"Babae anak ni Grace?" Gulat na tanong ko.

Pinagtaasan niya ko ng kilay. "Hawak mo na ang bata kanina, hindi mo man lang napansin?"

Umiling ako. "Ang liit kasi niya, natakot akong galawin ang mga hita niya."

Napa-irap siya. "Babae. Muka namang healthy kahit premature. Sana lang talaga walang nangyaring masama."

"Kasalanan mo, inaway mo kasi ako." Wala sa sariling sabi ko.

Agad niya kong tinignan ng masama. "Wow, coming from you."

Sasagot na sana ako ng may lumapit na doctor samin. Akala ko babawalan na naman kami dahil nag-iingay kami pero hinarap siya ni Freya na may pag-aalala.

"Ikaw ang nagpa-anak kay Ms Miller?" Tanong ng Doctor at tumango lang naman si Freya bilang sagot. "Saan ka natuto? Na-handle mo ng maayos lahat. Pero delikado pa rin yon dahil expose ang mag-ina. Bukod sa premature ang baby hindi rin sigurado kung na-sterilize ba ang ginamit mong pamutol ng pusod. Next time mas mabuti kung tatawag ka ng ambulance."

"I know, nataranta lang ako dahil naramdaman na niya ang ulo ng bata. How is she and the baby?"

Tinignan ko ang Doctor na may hawak pang chart. Meron siyang mga binasa bago harapin si Freya at sagutin ang tanong niya.

"Safe naman sila. Si Ms Miller most likely due to exhaustion pero normal naman ang blood pressure niya while the baby have sepsis."

Sepsis? Sakit ba yun?

"A-ano po ang sepsis?" Nag-aalalang tanong ko.

Eto na nga bang sinasabi ko. May nangyari na ngang hindi maganda sa bata. Anong muka ang ihaharap ko kay Denzel? Nangako ako tapos eto kami ngayon sa ospital at nasa alanganin ang anak niya.

"Infection. Magagamot naman ng anti-biotics. Hindi naman ganun kalala, maraming baby ang may sepsis dahil nakukuha sa ina." Paliwanag niya.

Ay si Grace pala may kasalanan.

Nakahinga ako ng maluwag sa paliwanag ng doctor. Buong akala ko may malala ng sakit ang baby at dahil yon sa pagsilang niya ng wala sa tamang buwan.

"Daldalhin nalang ang baby sa kwarto ni Ms Miller." Dagdag pa niya at hinarap ulit si Freya "Pwede kang maging Obstetric, you have the skills."

Nag-paalam na ang doctor at nag-pasalamat naman kami. Kita kong nawala na ang pag-alala ni Freya mula pa kanina. Mukang iniiisip din niya ang nangyari sa baby at kay Grace.

Kasi nga kasalanan talaga niya.

Ngayon lang naging malinaw sakin na nag-aalala din siya sa dating kaibigan. Hindi ko tuloy alam kung peke lang ba ang ginagawa niyang pang-aasar at panlalait kay Grace.

"Kinabahan ako, akala ko may mangyari ng masama sa kanila." Halos pabulong na sabi ko.

"Mabuti nalang talaga at wala." Hinarap niya ko at inambaan ng sampal. "Kundi, naku! Baka hindi kita natantsa."

Agad ko siyang tinignan ng masama. "Bakit ako? Baka ikaw ang nanugod."

"Talagang hindi ka papatalo no?"

"Ikaw din naman."

"Pwede bang sa labas nalang kayo mag-away?" Singit ng isang nurse. "Kanina pa kayong dalawa. Nakaka-istorbo na kayo."

Ayan na. Nakagalitan na kami.

Napayuko ako dahil sa hiya, samantalang taas noo namang humarap si Freya. Walang handang kumibo samin o sumagot sa nurse na kaharap namin. Baka malintikan na kami.

"Isa pa, papatawag na ko ng security para palabasin kayo." Banta niya.

Kulang nalang dumikit na ko sa pader sa pag-iwas sa masama niyang tingin. Hiyang-hiya ako dahil kanina pa kami kinakagalitan. At mas lalong nakakahiya kapag napalabas kami dito.

Umalis ang nurse na may masamang tingin samin. Bumalik ako sa tabi ni Freya para sana kausapin siya ng maayos pero napatigil ako ng makitang kong nakatingin siya sa cellphone niya.

Merong tumatawag pero 'Blacklisted' ang nakalagay na pangalan. Hindi niya sinasagot at pinagmamasdan lang ang screen ng cellphone na para bang nanonood lang siya ng video clip.

Bigla tuloy akong kinutuban kung sino ang tumatawag sa kaniya.

"Hindi mo sasagutin?" Tanong ko.

"What for? Paulit-ulit lang naman ang sasabihin niya."

Natapos ang tawag pero segundo pa lang ang lumipas, tumawag na naman ang parehong pangalan at ganun na naman ang ginawa niya.

"S-si Percy ba yan?"

Nahihiya talaga akong itanong pero gusto kong makumpirma kung tama ba ang nasa isip ko. Mabuti nalang at hindi niya kina-irita ang pagbanggit ko ng pangalan ng kapatid kong laging may baong aircon.

"Nakaka-ilang palit na ko ng number pero eto na naman siya. Hindi ba talaga siya marunong sumuko?" Mahinahon pero may halong inis na sabi niya.

Mabilis akong nakaramdam ng awa sa step-brother ko. Alam ko at kita ko ang pag-pupursige niyang suyuin si Freya dahil sobrang mahal niya ang dating kasingtahang iniwan niya.

Kasintahan, lalim.

Bakit ba hindi nakikita ni Freya na seryoso ang blue eyes na yon magka-ayos sila? Alam kong matagal nawala si Percy pero handa siyang bawiin ang mga taong hindi sila nagkasama.

"Talaga bang wala ng pag-asa si Percy sayo? Hindi mo ba pwedeng subukan kahit isang beses lang? At least sa kaniya sigurado kang mahal ka." May halong paki-usap na sabi ko.

Pinatay niya ang tawag at ang cellphone bago ibalik sa bulsa ng uniform niya. Iritado niya kong tinignan. Sa pagkakataon na to alam kong seryoso na ang galit niya hindi kagaya kaninang nagsasagutan kami.

"Kung si Yuri nga na mahal na mahal ka, hindi mo pinili. Ako pa kaya na walang nararamdaman sa step-brother mo?" Peke siyang ngumiti. "Percy tricked me before, ang sabi niya he will help me get close to Yuri pero dapat ipakilala niya kong girlfriend niya para may dahilan ang pagsama ko sa kaniya. But he never let me talk to Yuri until I found out that he's hiding me from them." Pinagtaasan niya ko ng kilay. "You think I will let him decieve me again? Hell no."

Kaya ba ganun nalang ang pagtanggi niya kay Percy? Kasi simula palang niloko na siya?

Alam kong malakas ang katok sa ulo ng lalaking yon pero hindi naman yun kikilos ng hindi nag-iisip. May dahilan siya kaya nagawa yon.

"Kahit ba katiting hindi mo naisip na mahal ka niya kaya niya nagawa yon? Seryoso siya sayo—."

Mahina siyang tumawa. "The only man who take me seriously is your boyfriend. At wala ng ibang gagawa non. Lahat sila may hidden agenda na."

Ganun ba siya pinahalagahan ni Keifer non? Teka lang hindi kami.

"Hindi ko siya boyfriend." Singit ko pero hindi naman niya pinansin.

Bigla kong naalala si Edrix. Hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga sinabi niya at kung gaano niya kagusto si Freya. Nakikita ko talaga sa mga mata niya ang paghanga niya.

"Paano kung meron pang kagaya ni Keifer? At nagkataong may gusto din sayo?" Suntok sa buwan na sabi ko.

Sarcastic siyang tumawa. "Si Percy?"

Dahan-dahan akong umiling. "Hindi..." Medyo mabagal kong sagot.

Nagtaas na naman siya ng kilay. "Pinag-t-tripan mo ba ko?"

Mabagal akong umiling. "Hindi..."

Halatang nawi-wirduhan na siya sakin. "Hindi katiwa-tiwala yang muka mo."

"Ay grabe naman! Hiyang-hiya ako sa muka mo ah!"

"Ikaw na naman!" Sita ulit ng nurse sakin.

Agad akong tumalikod at naglakad paalis bago pa siya magtawag ng guard. Ramdam ko ang pagsunod ni Freya sakin. Huminto kami sa isang hallway may kalayuan sa nursery para hindi na din kami marinig ng mga nurse sa area na yon.

"Ingay mo naman kasi!" Inis na sabi niya sakin.

"Grabe ka kasi magsalita." Napabuntong hininga ako. "Balik dun sa sinasabi ko."

Kita ko ang pasimple niyang pagtango. Pilit siyang umiiwas ng tingin sakin habang panay ang pagbatak sa dulo ng buhok. Mukang interesado din naman siyang malaman.

Ayeih!

"Totoo siya, mukang matagal ka na niyang gusto pero hindi siya lumalapit sayo."

"Why?"

"Feeling niya kasi wala siyang pag-asa."

Sarcastic na naman siyang tumawa. "Bakit mo pa sinasabi sakin yan kung alam naman pala niyang wala siyang pag-asa?"

"Seryoso at walang hidden agenda ang hanap mo di ba? Ganun siya. Kaya nga hindi siya lumalapit sayo kasi nga ang alam niya naglalaro ka lang at hindi siya ganon. Seryosong relasyon ang gusto niya at malamang na hindi ganon ang type mo." Paliwanag ko at sandali siyang tumahimik.

Mukang iniisip niyang mabuti ang mga sinabi ko. At tsaka ko napatunayan na may isip pala siya.

Congrats! Sana lahat may isip.

Bigla siyang nag-snap gamit ang dalawang daliri at tinuro ako. Akala ko may kasalanan na kong ginawa kaya napahawak ako sa dibdib.

"What exactly is this about? Sabihin nating meron nga at totoo ang sinasabi mo. Anong mapapala ko?" Naningkit ang mga mata niya sakin. "Baka naman ginagawa mo to para lumayo ako kay Yuri?"

Err... Partially.

"H-hindi sa ganon... K-kasi para mapatunayan mo na din na meron pa ring se-seryoso sayo. Kapag nagustuhan mo siya, edi happy ending."

"Happy endings are for kids. And we're not kids anymore."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Halatang bitter pati simpleng paniniwala ng mga bata binabasag.

"Ikaw din. Sayang ang chance." Pangongosyensya ko.

Inirapan nya ko pero halata naman na iniisip din niya ang sinabi ko. May paghimas pa siya sa baba gamit ang isang daliri tapos ay kakagatin ang ibabang labi.

Ang tagal niyang mag-isip. Mukang napipiga na ang utak niya at naubusan na ng langis.

"Sige!" Lakas loob na sagot niya sakin. "Bibigyan ko siya ng chance tapos ano? Manliligaw siya?"

Natigilan ako. Hindi ko naisip ang bagay na yon. Hindi ko nga alam kung papayag ba si Edrix sa mga pinagsasasabi ko. Baka mamaya kainin na naman siya ng katoperhan niya.

Mapapahiya ako.

"Siguro. Pero kung nahihiya ka sa mga ligawan, magagawan natin yan ng paraan." Pagkumbinsi ko.

"Fine."

Tumalikod siya sakin at naglakad na paalis. Nang mawala siya sa paingin ko, gusto kong suntukin ang sarili ko.

Hindi ko alam kung bakit ko tinulak na bigyan ng chance si Edrix? Paano na ngayon si Percy? Ako na mismo ang nagtulak palayo sa babaeng binabalikan niya.

Naman kasi!

Aminin ko man sa sarili ko o hindi, isa na rin si Yuri sa dahilan ko. Alam ko namang hindi niya mamahalin si Freya dahil siya na rin mismo ang nagpaparamdam sakin pero bakit nagkikita pa rin sila?

Haizt! Bahala na si Batman.

Tsaka na ko iisip ng paraan para kay Percy at Edrix. Sa ngayon sapat na pumayag si Freya na magbigay ng pagkakataon.

Natigilan ako ng may makita akong lalaking nakatayo sa dulo ng hallway. Malalim pa ang paghinga niya habang nakatingin sakin.

"K-Keifer..."

Napailing siya bago malalaki ang hakbang na lumapit sakin.

"Uy, Sorry hindi—." Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa biglaan niyang pagyakap. "T-teka lang."

"I'm worried as fvck." Bulong niya. "Akala ko may kumidnap na naman sayo kanina."

Parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. At sa lahat ng nangyari kanina, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Kusang yumakap ang dalawang braso ko sa kaniya. "Nanganak si Grace dahil samin. Premature ang baby." Parang bata na sumbong ko. "Natatakot ako kay Denzel."

"Sshh... Wala naman may gusto non."

"Nag-away kami ni Freya, dahil ayaw naming tumigil si Grace ang umawat samin. Ayun, pumutok panubigan niya. Tapos nanganak siya sa kotse sa tabi ng daan." Napapikit ako ng maalala ang itsura ng baby. "Ang liit ng anak nila."

"But I heard they are safe now. So you have nothing to worry about."

"Si Denzel, baka magalit yun sakin."

"Ako sasapak sa kaniya kapag nagalit siya." Biro niya kaya mahina ko siyang hinampas sa likod.

Sinuklay-suklay niya ang buhok ko bago ako halikan sa noo. "Don't think too much. We can talk to Denzel if he gets mad."

Tumango-tango ako pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang pwedeng kahinatnan ng nangyari. May karapatan siyang magalit dahil sa kapabayaan ko. Pero ayoko namang masira ang pagka-kaibigan namin.

Sinubsob ko ang muka ko sa balikat ni Keifer. Ang bango-bango ng amoy niya. Para akong hinahatak na singhutin ang halimuyak. Napaka-pamilyar sakin ng pakiramdam kaya hindi ko maiwasan.

"Jay? Why are you sniffing my shirt?"

Nagulat ako sa tanong niya. Nanlaki pa ang mga mata ko bago humiwalay sa kaniya at itulak siya.

Counter attack.

"I-ikaw! Abusado ka! Hindi pa tayo okay ah!"

Taka niya kong tinignan bago sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya. "Really? Okay then."

Halata namang nang-aasar lang siya. Napa-irap nalang ako bago maglakad paalis. Balak kong puntahan si Grace pero hindi ko alam ang kwarto niya bukod don hindi ko pa naibabalik ang susi ng kotse ni Freya'ngot.

Naka-simangot akong humarap sa Hari ng mga Ulupong pero agad akong nabalot ng inis ng mapansin kong nakangiti pa rin siya.

"Umayos ka. Susuntukin kita."

"What?" Nakatawang tanong niya.

"What-watin ko muka mo dyan." Inis na sabi ko sabay irap. "Alam mo ba kung saan room ni Grace?"

"VIP ward. 4th floor." Mabilis niyang sagot.

Hinanap ko agad ang elevator para makarating sa 4th floor. Pero nauwi ako sa hagdan dahil sa buset ko sa lintik na hudas na Ulupong na to. Tuwing lilingon ako sa kaniya nakasilay ang pilyong ngiti niya.

"Tumigil ka!" Inis na sabi ko pero tinawanan lang niya ko.

Bwisit!

Hanggang sa makarating kami sa 4th floor ganun pa rin ang ginagawa niya. Lumapit ako sa Nurse Station at nagtanong. Mabilis naman nilang tinuro ang kwarto ni Grace at sakto naman dahil lumabas si Freya.

Agad siyang napatingin sakin pero lumipat yon sa lalaking nasa likod ko. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagka-irita.

Napataas ang kilay niya at akmang lalapit ng iharang ko ang kamay ko habang hawak ang susi ng kotse niya.

"Susi. Nakalimutan kong ibigay sayo." Sabi ko habang nakapilit ng ngiti.

Tinitigan ako ni Freya bago kuhanin ang susi sa kamay ko. "You're weird."

Tumalikod na siya at lumakad paalis. Nang mawala siya sa paningin ko agad kong hinarap ang Hari ng mga Ulupong pero nakatutok na siya sa cellphone niya.

Anong meron sa cellphone mong mamahalin?

"Papunta na daw sila Felix. Kasama niya—." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng makita akong nakatingin sa kaniya. "What?"

"Anong what?" Tanong ko.

"Why are you looking at me like that?"

Tsaka ko lang napagtanto na salubong pala ang mga kilay ko habang nakatingin ng masama sa kaniya.

Umiling ako. "Wala."

Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto nila Grace bago pa siya makapag-salita. Kumatok muna ko bago buksan ang pinto. Pagpasok ko, bumungad agad sakin si Denzel na inaayos ang kumot ni Grace.

Napahinto ako ng maalala ang mga nangyari. Naglaro kagad sa isip ko ang pwede niyang sabihin at ang mga pwede niyang isumbat. Alam kong magagalit siya at dapat ko lang tanggapin yon.

Tinignan ko si Keifer at sinenyasan siyang maghintay muna sa labas. Tumango naman siya at sinara ang pinto.

"D-denzel." Tawag ko sa atensyon niya.

Lumingon siya sakin at tinignan ako. Agad siyang lumakad palapit sakin. Mabilis at malaki ang hakbang niya.

Akala ko sasapakin niya ko dahil sa pagtaas ng kamay niya. Napapikit ako pero agad ding dumilat ng maramdaman ko ang bisig niya.

"Salamat Jay!" Sabi niya at ramdam ko ang paghikbi niya.

Bumitaw siya at pinunasan ang mga luha. Napa-kurap-kurap naman ako dahil sa pagtataka. Hindi ko maintindihan ang pinagpapasalamat niya.

"Denzel... Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

Baka kasi nabaliw na siya sa sobrang galit sakin. Dapat ko na yatang tawagin si Keifer.

"Oo, sorry." Sagot niya at huminga ng malalim. "Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Hindi mo iniwan si Grace hanggang sa manganak siya."

"P-pero nanganak si Grace ng dahil samin."

"Ang totoo, sinabihan na kami ng Doctor tungkol dyan. Kaya nagmadali si Grace na makabili ng gamit ng baby pero hindi ko naisip na ngayon araw na yon at sa labas pa ng ospital."

"Pero kahit na... Kung hindi kami nag-away ni Freya hindi siya manganganak ng maaga."

Ngumiti sakin si Denzel. "Hindi na mahalaga sakin yon. Basta ligtas ang mag-ina ko, ayos lang."

Napahawak ako sa dibdib ko. Napangiti din ako sa kaniya. Alam kong sincere ang ngiti niya sakin. Nabawasan ang takot at lahat ng iniisip ko mula kanina.

Iba pala kapag pinatawad ka ng kaibigan dahil sa mabigat na kasalanan. Ganun din siguro ang naramdaman nila nung patawarin ko sila dahil sa pangloloko nila sakin non.

"Wag ka madrama." Dinig kong sabi ng kung sino.

Napalingon kami pareho ni Denzel kay Grace. Pamang-asar siyang nakatingin samin. Lumapit agad kami sa kaniya.

"Kumusta pakiramdam?" Tanong ko.

"Ayos lang. Salamat sa pakiki-sigaw sakin." Sabi niya at bahagyang tumawa.

Paalala daw ba.

Mas malakas pa nga yata ang sigaw ko habang nanganganak siya. Sobrang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Akala ko tuloy nabali na ang mga buto ko sa kamay.

Napalingon kami sa pinto ng makarinig kami ng pagkatok. Sunod na bumukas yon at pumasok ang dalawang nurse. Ang isa, tulak-tulak ang isang hospital crib na may naka-kabit na lamp. Ang isa naman may hawak na chart.

"Eto na po si Baby." Sabi ng isang nurse.

Inayos niya ang crib at sinaksaka ang lamp. Napapikit ako dahil sa liwanag at kulay ng pailaw.

"Need po ni Baby mainitan at hindi po pwede bumaba ang temperature niya. Kaya po kailangan nasa ilalim siya ng lamp." Paliwanag ng nurse.

Ang isang nurse naman, minonitor lang ng kung anong aparato si Grace tapos ay umalis na din.

Hindi pinalagpas ni Denzel ang pagkakataon at kinuha ang baby niya sa crib tapos ay nilapit kay Grace.

"Hello, Grazel Jay."

Continue Reading

You'll Also Like

45.2K 414 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...
7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
538K 19.8K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...