Win Back The Crown

Von Brave_Lily

148K 5.8K 349

(COMPLETE) BOOK 1 She's Disha, a girl who loves partying, hanging out with friends. But in just a single acci... Mehr

Prologue
Chapter 1: Unexpected Death
Chapter 2: The Emperor
Chapter 3: In The River
Chapter 4: She's The Headline
Chapter 5: It Was Her
Chapter 6: Hyun
Chapter 7: What's their real motive?
Chapter 8: Where's the Prince?
Chapter 9: Painful Night
Chapter 10: Weyla
Chapter 11: Xu'en
Chapter 12: Xu'en's Father
Chapter 13: Preparation
Chapter 14: The Festival
Chapter 15: Dream
Chapter 16: She's Back
Chapter 17: The Queen's Son
Chapter 18: Emperor Wei Jin Hang
Chapter 19: Haya
Chapter 20: The Man in the Mask
Chapter 21: Save Him
Chapter 22: Garden
Chapter 23: Outside The Palace
Chapter 24: The Thief
Chapter 25: King's Anger
Chapter 26: A Mother's Love
Chapter 28: Lady Violet
Chapter 29: Lady Violet II
Chapter 30: The Plan
Chapter 31: Escape
Chapter 32: Ginoong Chiao Bei Kang
Chapter 33: Find Her
Chapter 34: Danger
Chapter 35: The Truth Must Reveal
Chapter 36: Hunt
Chapter 37: The Bandits
Chapter 38: The Shaman
Chapter 39: Tears and Pain
Chapter 40: The Queen's Comeback
Chapter 41: Betrayal
Chapter 42: The Beginning
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: The Night Of Judgment
Chapter 45: My Real Identity
LAST CHAPTER
Epilogue
ANNOUNCEMENT

Chapter 27: General's Heart

2.3K 97 4
Von Brave_Lily

Madilim na ang paligid at patuloy pa rin ang mga kawal kasama ang mga tagapagsilbi at ang Hari sa paghahanap sa Reyna at sa Prinsipe. Hindi pa rin nila matukoy kung nasaan ang mga ito.

"Kamahalan, narito na po ako. Nabalitaan kong nawawala ang mahal na Reyna at ang mahal na Prinsipe. Paano po ito nangyari?" tanong ng Heneral. Pagod pa ito galing sa labas. Hinahanap niya pa rin si Haya kaya ngayon niya lamang nalaman ang nangyayari sa loob ng Kaharian.

"Nagkaroon kami ng alitan ng Reyna dahil nasigawan ko ang Prinsipe. Hindi ko naman sinasadyang masigawan ito dahil hindi maganda ang inasal ng Prinsipe sa kaniyang ina kanina. Dahil sa inis niya iniwan niya ako para sundan ang Prinsipe. Tapos ngayon silang dalawa na ang hinahanap namin." paliwanag ng Hari. Para siyang batang nagpapaliwanag sa nakakatandang kapatid niya kahit magkasing-edad lang naman sila. Napabuga na lamang ng hangin ang Heneral dahil sa sitwasyon.

"Saan po ba siya huling nakita?" tanong ng Heneral.

"Sa may kusina ng palasyo. Tapos sa may bakuran ng Prinsipe din." sagot ng Hari. Mukhang alam na ng Heneral ang kinaroroonan ng Reyna. Minsan na siyang dumaan sa may butas ng bakuran ng Prinsipe noon. Nakita niya ito nang utusan siya ng Inang Reyna na palihim na mag-imbestiga sa mga nangyayari sa paligid ng Prinsipe. At patuloy pa rin niyang binabantayan ang tahanan ng Prinsipe sa tulong ng mga tapat na kawal ng kaharian.

"Pauwiin niyo na po ang mga tagapagsilbi at pabalikin mo na rin ang inyong nga kawal sa kanilang mga lugar. Tapos na ang paghahanap natin, Kamahalan." nagtataka namang napatingin ang Hari sa kaniya.

"At bakit?" tanong nito.

"Alam ko na kung nasaan ang iyong mag-ina. Hayy, isa ka ng ama, Kamahalan, ngunit wala ka pa ring alam sa pagiging ganap na ama at asawa sa iyong mag-ina. Sige na, ihahatid na kita sa kanila. Kailangan pa bang ako ang makahula sa kinaroroonan nila? Hayy, wala ka pa ring pinagbago, Heung. Ikaw pa rin ang dating prinsipeng pagong kung mag-isip na nakilala ko." mahinang natawa ang Heneral habang casual na lumabas at pasimpleng kumuha ng gasera sa tabi.

Naiwan namang hindi makapaniwala ang Hari sa kaniyang narinig. Lutang pa rin ito sa kaniyang isip nang hilain niya ang isang kawal. Nataranta naman ang kawal dahil sa ginawa ng Hari.

"A-Ano po iyon, Kamahalan?" nauutal nitong tanong.

"Itigil niyo na ang paghahanap. Maaari na kayong bumalik sa inyong ginagawa. Maraming salamat sa tulong." utos ng Hari.

"P-Po? Paano po ang mahal na Reyna at ang-" pinutol ng Hari ang kaniyang pagsasalita.

"Wag na kayong mag-aalala. Sige na, bumalik na kayo. Alam na namin ang kinaroroonan ng aking mag-ina kaya magsibalikan na kayo at magpahinga pagkatapos." saad nito sa kawal na siya nitong sinunod agad.

"Ngayon din po, Kamahalan." nauna na ang kawal.

"JI. WANG. CHU!" galit na tawag ng Hari sa Heneral. Nagsitakbuhan ang lahat dahil sa takot gayun din ang Heneral ngunit mas nasasahayan pa ito sa ginawa nitong pang-iinis sa Hari.

Hinabol ng Hari ang Heneral kaya tumakbo rin ng mabilis ang Heneral. Nais niyang ibalik ang dating Hari kahit na sa maikling oras man lang. Gaya ng dating sila noong mga bata pa sila. Lalo na no'ng hindi pa siya nailuklok sa puwesto nito bilang Hari. At mas lalo na no'ng nagkakilala na sila ng mahal nitong Reyna. Handa na niyang kalimutan ang lahat. Handa na siyang bumitaw at ipaubaya ng lubusan sa Hari ang mahal niyang Reyna.

Napag-isip-isip niya ring kailangan na niya ng anak tulad sa Hari. At humigingi na rin sa kaniya ang kaniyang lolo na dating Heneral ng pangdigmaan ng isang apo. Tsaka may tao na ring bumihag sa puso niya. Isang babaeng napakaganda, mala-anghel ang tinig, mabuti sa kapwa gaya ng Reyna na nakilala niya, at misteryoso.

Pamilyar sa kaniya ang babae bumihag sa puso nito at may nangyari sa kanilang dalawa isang buwan na ang nakakalipas. Birhen ito at siya lamang ang nakabiyak sa pagkababae nito, kaya nais niyang panagutan ang babae sa ano mang mabuo sa kaniyang sinapupunan. At handa na siyang umibig muli.

"Anong nangyayari sayo at bigla-bigla mo na lamang akong tinatawag sa aking pangalan? Nakalimutan mo na bang ako ang iyong Hari?" inis na saad ng Hari.

"Kamahalan, alam ko naman iyon. Pero maaari bang bumalik na muna tayo sa dati kahit ngayon lang? Nais ko lamang makausap si Prinisipe Heung ng kahariang ito, maaari ba, mahal na Hari?" halata sa ngiti niya ang galak na nararamdaman niya. At hindi naman maitatanggi ng Hari na sobrang saya nito kaya hahayaan niya na muna ito.

"Mukhang ang saya mo ah. Ano't sobrang liksi mo ngayon? May nakita ka bang babae sa daan na napakaganda? Ha? Kwento mo naman!" saad ng Hari. Hindi ito isang pagpapanggap niya kung hindi pinapakita niya lamang ang dating siya, ang totoong siya na ngayon niya lamang pinakita magmula no'ng naging Hari siya.

Napangiti na lamang ang Heneral nang pagbigyan siya nito. Inakbayan niya ito sabay gulo niya sa nakalugay na buhok ng Hari. Inis naman siya nitong tinignan ng Hari kaya natawa naman ito.

"Hahahaha, hindi ka pa rin nagbabago, Kamahalan." saad nito at muli na naman siyang tumawa.

"Alam mo, hindi nakakatawa. Sabihin mo na lang kaya ang dahilan kung bakit ang saya mo ngayon? Pananabikin mo ko tapos hindi mo rin pala sasabihin sa akin. Kahit kailan talaga napakadaya mo." naiinis na naman ang Hari.

"Isang magandang sikreto pero hindi ko ito ipagkakait sayo." biglang nagningning ang mga mata ng Hari. Para siyang bata kaya hindi siya maiwasang asarin ng Heneral magmula pa noon.

"Noong nakaraang buwan lamang nagkaroon ng inuman sa bayan. Inimbitahan ako ng dalawang kawal sa isang sikat na bahay-aliwan. Hindi ko naman matanggihan dahil hinila na nila ako sa loob. Nagkasiyahan ang lahat hanggang sa dumating ang mga babaeng binayaran nila upang aliwin kami, ang mga kiseang. Hahaha, hindi ko inaasahang darating ako sa puntong iyon, kaya nagpaalam na ako agad." kwento niya.

"Iyon lang 'yon? Hindi ka nagsaya? Ang tanda-tanda mo na wala ka pa ring napipili." sabi ng Hari.

"Aba't- sinong tinatawag mong matanda? Baka nakakalimutan mong parehas lamang ang edad nating dalawa. Tsaka hindi pa naman ako tapos sa kwinikwento ko." saad naman ng Heneral.

"Eh di, sabihin mo na. Masyado mo kong binibitin sa iyong kwento." reklamo naman nito.

Muli siyang nagsalita at kwinento na niya sa Hari ang mga bagay na hindi niya inaasahan noong gabing iyon. Habang papalabas siya noon ng bahay-aliwan may nakita siyang babae nakatakip ang kalahating mukha ng tela. Nagkatitigan silang dalawa at doon niya lamang napagtanto na sobrang lakas ng tibok ng puso nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kaya sinundan niya ito nang sinundan. Pagliko niya nadatnan niya ang babae na puwersahang hinahawakan ng dalawang lalaki. Alam niyang nahihirapan ang babae kaya tinulungan niya ito.

Natakot ang dalawang lalaki nang malaman nilang ang Heneral ng hukbong sandatahan ang nasa kanilang harapan kaya agad silang nagsitakbuhan. Hinila na ng Heneral ang babae palayo sa aliwang iyon hanggang sa nakalabas na sila. Hindi naman magkamayaw ang nararamdaman ng babae sa lalaki. Paano kung makilala siya nito? Anong gagawin niya? Ito lamang ang tumatakbo sa isipin nito. Isang sikreto ang pagpunta niya dito at dapat hindi siya makilala ng Heneral. Pero napasok siya sa isang gulong hindi niya matatakasan.

Isang malaking pagkakataon at ngayon lamang ito mangyayari sa buong buhay niya. Matagal ng ganito ang ginagawa ng babae. Patagong susulyap at palihim na lalapit sa Heneral makalapit lamang siya. Masakit man sa kaniyang tiisin ang lahat na hindi siya maalala ng Heneral limang taon na ang nakakalipas hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na makilala siya nito muli. Sa bawat oras na napapahamak ito lagi siya nitong naililigtas. At sa muling pagkakataon ay iniligtas na naman siya ng Heneral.

Bilang gantimpala ay isinuko niya ang kaniyang katawan sa Heneral noong huling gabing nagkita sila. Hindi naman inaasahan ng Heneral ang bagay na iyon. Sagrado iyon pero bakit niya ibibigay. Litong-lito ang Heneral pero dahil sa kalasingingan ay nangibabaw sa kaniya ang tawag ng laman. At sa gabing iyon ay may nangyari sa kanila.

Nang magising ang Heneral doon niya lamang napagtanto ang lahat. Isang mantsa ng dugo ang nakita niya sa puting higaan nila. At doon niya napag-isipang kailangan niyang hanapin ang babae at gawin ang tama bilang isang lalaki, ang gampanan ang responsibilidad.

"Hindi ko inaasahang makakahanap ka na rin ng katapat mo. Masaya ako para sayo, matalik kong kaibigan." nakangiting bati ng Hari sa kaniya.

"Hayaan mong tulungan kitang mahanap ang anghel na hinahanap mo at bibigyan ko kayo ng basbas." muling saad ng Hari. Napangiti naman ang Heneral.

"Aasahan ko iyan, Kamahalan." saad nito.

Tumigil na sila sa paglalakad. Nasa tapat ngayon sila ng isang entrada kung saan patungo sa dating naging tirahan ng Reyna. Nagtataka namang tumingin ang Hari sa kaniya.

"Narito na tayo, Kamahalan. Ikaw na ang bahalang lumakad papasok sa loob. Sa tingin ko ay nagpapahinga na ang iyong mag-ina. Ikaw na ang gumawa ng hakbang mula rito. 'Wag mo ng aawayin ang mahal na Reyna. At sana matutunan mo na ring mahalin ang iyong nag-iisang anak. Maniwala ka sa kanila dahil ikaw ang ama. Walang maling ginawa ang Reyna noon, kaya sana magawa mong ibalik sa dati ang takbo ng palasyo. Aasahan ko ang pagbabalik mo, Kamahalan." saad ng Heneral at tuluyan na nga niyang iniwan ang Hari.

Ngumiti na lamang ang Hari at tumalikod na ito paharap sa loob ng entrada ng tarangkahan. Habang tahimik na binabagtas ang daan naaalala niya naman ang mga sandaling pinagsisisihan niya na ngayon, ang saktan ang mahal niyang Reyna. Hindi niya pinapahintulutan ang Reyna na lumabas ito para makita ang anak nilang may sakit. Kahit nagmamakaawa na ito, lumuhod sa harap niya at umiyak ng maraming beses ay hindi niya ito pinapansin. Minsan pa ay hinayaan niya lamang itong saktan ng dalawa nitong concubine na si Lady Shiya at Lady Violet.

Naging manhid ang damdamin niya at para na siyang isang malaking bloke ng yelo sa sobrang tigas. Nang dahil sa kasalanang hindi niya alam kung totoo ba o hindi. Pero ngayon ay nagsisisi na siyang hindi pagbigyan ang Reyna na makapagsalita. Handa na siyang buksan muli ang kaso at pagbayarin ang mga taong nasa likod ng mga ito.

Marahan niyang binuksan ang pinto. Nakasindi pa rin ang mga ilaw sa paligid at sa loob ng bahay. Nang nakapasok na siya sa loob ay bumungad na sa kaniya agad ang mag-ina nitong mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niyan ang dalawa at gano'n na lamang ang naramdaman niyang ligaya nang makita niya ang mga ito. Nagsisisi siyang hinayaan niyang mangyari ang nakalipas. Kung hindi nangyari ang pagtataksil baka mas masaya pa ang buhay nila ngayon at higit pa sa ganitong kalagayan.

"Mahal na mahal kita, Reyna ko. Ibabalik ko sayo ang lahat-lahat. Hayaan mo sana akong makabawi sa inyong dalawa. Hinding-hindi ko na kayo bibitawan pa muli." pangako ng Hari sa Reyna sabay halik nito sa noo nilang dalawa.

Someone's POV

"Panginoon, isang magandang balita. Ang iyong anak ay nagdadalang-tao na. Binabati ko po kayo!" rinig kong saad ng doktor sa aking ama. Napairap ako.

"Maraming salamat sa pagbati." tugon ng aking ama. Alam kong pakitang-tao lamang ang kaniyang ginagawa. Umalis na rin ang doktor at kami na lamang ang naiwan sa loob.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi?" malamig na turan ng aking ama. Napaiwas na lamang ako ng tingin.

"Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang balitang ito sa kaharian?" sabik niyang saad.

"Wala akong pakialam." matigas kong sagot.

"A-Anong sabi mo?" lumapit ang aking ama at marahas niyang hinawakan ang pisngi ko na parang madudurog na sa sobrang higpit.

"Hindi siya ang ama ng dinadala ko." sagot ko. Ngayon, maglalakas-loob na akong ipaglaban ang karapatan ko. Ilang taon akong nagtiis at hindi ko hahayaang masayang ang lahat ng pinagpaguran ko. Ngayong nagbunga na ang bagay na nais kong mangyari sa aming dalawa hindi ko na hahayaang may humadlang pa sa akin na makasama siya.

"A-Ano?! Sabihin mo nga sa akin ang totoo, sino ang ama ng dinadala mo?!" sigaw ng aking ama.

"Wala kang pakialam sa ama ng dinadala ko! Sawang-sawa na ako sa lahat ng mga pinapagawa mo sa akin. Bakit hindi na lang ikaw ang umagaw sa trono ng Reyna tutal ikaw naman ang may nais dito?" saad ko.

"Lapastangan!" sigaw niya at kasabay no'n ang paglapat ng kamay niya sa mukha ko.

"Wag na 'wag mo kong pagsasalitaan ng ganiyan. Anak lang kita. At lahat ng nais ko ay dapat mong sundin kahit pa kapalit nito ang buhay mo." marahas niya muling hinawakan ang pisngi ko ng pagkahigpit-higpit. Tinignan niya ako sa mata na puno ng galit at pagkainis.

"Kapag nalaman ko kung sino ang ama ng batang 'yan ay agad ko itong ipapapatay. Nasasaiyo naman iyon. Kilala mo ko, anak ko, marami akong mga mata sa paligid. Kung nais mo pang mabuhay ito, susundin mo ang ipag-uutos ko." napatingin ako sa kaniya nang tumayo siya.

"Sabihin mo sa Hari na nagdadalang-tao ka na. At subukan mo lang sabihin sa kaniya ang katotohan ikaw rin ang magdurusa." huling saad niya bago niya ako iwan.

Napabuga ako ng hangin. Ano bang akala niya sa akin? Kung nabubuhay lamang ang aking ina baka hindi ganito kamiserable ang buhay ko. Tama bang sundin ko ang nais niya? Paano ang kalayaan ko? Paano ako? Paano kami...ang mahal kong Heneral?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

99.5K 3.5K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
180K 7.4K 51
Being a hero doesn't mean, Good Image, Noble attitude, It means, doing something great without expecting something in return.
5.1K 556 74
In a world marked by sacrifice and suffering, In a realm where magic and power reign, In a place where perfection appears within reach, There lies a...
1.8K 121 11
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...