KNIGHTS I-3: Nine Cards of De...

By oaxygenknight

1.4M 49.3K 9.4K

Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Epilogue

Chapter 32

20.3K 652 65
By oaxygenknight

Silhouette

"I'll go upstairs first, susubukan kong makahanap ng private room doon," mahinang saad ni Flame habang inaayos ang suot na belt.

Tinulungan siya ni Athelia sa pagsuksok ng mga baril sa belt na 'yon.

"Si Pow Pow, nasaan?" tanong ko kay Chios.

"Don't worry, he's with Third. Umakyat lang saglit si Third sa kwarto para kuhanin ang susi ng kotse. He assigned me and Alpha to take care of the cars. Para ready to go na tayo kapag nakumpirma na natin ang hinala," mahabang paliwanag niya.

Tumango ako bago isuksok ang punyak sa buhok. Nilagay ko rin sa magkabilang gilid ko ang dalawang baril.

Lumingon kami sa hagdan nang makita si Third habang buhat si Pow Pow. "We need to move fast, the mayor went out for some transactions."

Kahit madilim ay nakita ko ang bahagyang pag-angat ng tingin ni Pow Pow sa akin.

"Ate?" tawag niya sa akin.

Lumapit ako sa kanilang dalawa ni Third habang naghahanda ang ibang kagrupo namin.

"He keeps on calling your name," mahinang sabi ni Third.

Kinuha ko si Pow Pow mula sa kaniya, agad namang yumakap ang bata sa akin.

"Masama ba pakiramdam mo, Pow?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling siya. "Gusto ko lang ikaw makita at 'saka si kuya Third na magkasama."

Napa-poker face ako nang wala sa oras, sabayan pa ng tawa nilang dalawa ni Third.

"Sisipain na kitang bata ka, e. Kanina ka pa maraming sinasabi, kiss mo nga ako!" asar na saad ko.

Agad niya akong hinalikan sa pisngi bago ituro si Third. "Siya rin, kiss."

Nanlaki ang mga mata ko. Nanunudyong tinaas ni Third ang isang kilay na para bang nanunukso.

"Tigilan mo nga ako! May trabaho pa tayo!" agad kong sagot.

Sumama ang timpla ng mukha niya at 'saka padabog na kinuha sa akin si Pow Pow. "I'll take care of him."

"Paano kung may bakbakan? Mahihirapan kang lumaban kasi buhat mo siya, ako na lang," pagtanggi ko.

Seryoso niya akong tinapunan ng tingin. "I can handle him more than you can, Silhouette."

Lumikot ang mga mata ko, natatawang kinamot ko ang batok.

"Oo nga pala, boss nga pala kita. Sensya na, minsan kasi nakakalimutan kong boss kita, may mga pagkakataon kasi na mas magaling ako sa 'yo, you know," pagmamayabang ko.

Pinitik niya ang noo ko bago halikan 'yon. "We need to move, baby, zip your smart mouth for an hour."

Sumimangot ako at inis na lumayo sa kaniya. Himala, hindi niya ako pinasama sa kaniya ngayon, sina Perzeus at Thunder ang kasama niya.

Naglakad papalapit sa akin si Athelia at Caspeia. "We need to back up Flame, siya ang nakatoka sa paghahanap ng secret room dito. We'll serve as her guide."

Tumango ako habang tinatanaw sila Third. "Anong gagawin nung tatlong lalaki?"

"To back us up," nakangising sagot ni Caspeia.

"Ha? Back up na nga tayo ni Flame tapos back up din natin sila? Edi sana sila na lang sa pwesto natin, tapos nagkape na lang tayo sa kusina," inis na sagot ko.

Natawa silang dalawa. Ginulo ni Athelia ang buhok ko. "Ang cute mo talaga! Ofcourse, they'll be watching outside the mansion. Baka biglang dumating ang mayor, at marami ring alarms dito. Baka may mangyari pa kapag nakahalata ang ibang body guards sa ginagawa natin."

Napatango tango ako. "Gano'n pala, akala ko tren tren chutchut ang dating nila, e. Ano, game na."

Tumango sila kaya sinundan na namin si Flame papaakyat.

"Third gave this to me, he told me that this device can detect the direction of a room na walang masyadong hangin na pumapasok or lumalabas. Ibig sabihin, tagong-tago ang room na 'yon at technology lang ang nakakapagpagana. I'm sure na ang kwartong 'yon ang tinutukoy natin," paliwanag ni Flame habang naglalakad.

Luminga ako sa paligid para alamin kung may iba bang nakamasid sa amin, mukhang wala naman.

Hindi kami puwedeng magsama-sama sa isang lugar dahil delikado, hindi namin mamamalayan kung may tao bang paparating o kung may nagbabantay man sa security room.

"Caspeia, ikaw na lang ang magbantay kay Flame. Athelia, go to the security room. Make sure na walang makakapasok na ibang tao roon. The securities are still awake, they're just roaming around," bulong ko.

Sumaludo si Athelia at Caspeia bilang sagot. Naunang maglakad si Caspeia at Flame habang sa ibang direksyon naman nagpunta si Athelia.

Walang yabag na nilibot ko ang hallway para magsilbing look out. Agad akong nagtago sa isang sulok nang may mapadaang security.

Papunta ito sa direksyon kung saan naglakad sila Flame, kaya nang lampasan niy ako, agad ko siyang hinila sa buhok.

Akmang mumurahin niya na ako pero malakas ko siyang sinapak sa mukha.

Iniuntog ko rin ang ulo niya sa pader bago siya isiksik sa pinaka-sulok ng pasilyo na 'to, kung saan walang makakakita sa kaniya.

Mabilis akong naglakad palayo at nagmasid pa rin. Pero mukhang kamalas-malasan nga naman dahil nakasalubong ko pa ang malanding sawa.

"Why are you still up?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

"Pake mo?" sagot ko.

"You're suspicious, darling, tell me, balak mo bang magnakaw?" Medyo tumaas ang boses niya kaya naalarma ako.

"Kung magnanakaw lang din naman ako, ako na ata ang pinakamagandang magnanakaw at ikaw ang pinakapangit na ninakawan," sagot ko.

Hindi makapaniwalang tumawa siya. "I really hate your guts! Ang kapal ng mukha mo!"

"Pakibalitaan ako kung may nakita kang tao na manipis ang mukha, sabihin mo kinakamusta ko siya, favor lang bitch," walang emosyon na sabi ko.

"What? Me, a bitch?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, mukha ka kasing aso na may galis," diretsyong sabi ko.

Napanganga siya. "Sa lahat ng hayop, ako ang pinakamaganda!"

Nanatili akong walang reaksyon. "Sa lahat ng hayop, ikaw lang ang ańimal," matigas na saad ko.

She was about to slap me nang biglang yumanig ang buong paligid. Natumba sa sahig ang babaeng kaharap ko pero nagawa kong mabalanse ang sarili kaya nanatili akong nakatayo.

"I knew it! May plano- Ahh!"

Hindi ko na pinatapos ang babaeng 'to, iniitsya ko na siya para mahulog sa hagdan. Napakaingay.

Agad kong tinakbo ang direksyon kung saan may naganap na pagsabog. Narinig ko ang paghangos nila Flame sa likuran ko.

Inabot niya ang mga files na nakuha niya. "Confirmed, they're really doing an underground business."

Napamura ako. "Tara na, tangina, baka mamaya bombahin na tayo dito."

Continue Reading

You'll Also Like

57.8K 718 34
Ianne Velasquez, one of DLSU Lady Spikers. Because of her mischievous friends, she even got close, she always there to support and cheer, her one and...
1.1K 110 21
[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil p...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
196K 8.1K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.