Cerchio di Demoni (Del Fuego...

By mughriyah

75.6K 2K 326

COMPLETED [WARNING: R-18] Cams, the bravest, strongest and smartest in the family. She lost her parents at a... More

Cerchio di Demoni
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 26

1.3K 33 4
By mughriyah

One...

Two...

Three...

Bull's eye.

A smirk plastered on my face when I always hit these fake people on their foreheads. Ikinasa ko ang baril habang nakatingin sa natitira pang pekeng tao na gawa lang sa kariton.

"That's enough, love." Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Creed na naka itim na t-shirt at shorts habang nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako at binaba ang baril ko. "Gusto kong mas gumaling pa, e," sagot ko at lumapit sa kanya. Nahihirapan pa nga akong maglakad dahil sa nangyari kagabi dahil talagang masakit ang—nevermind.

"You are the best. Take some re—oh shit!"

Muntikan na akong matumba dahil nanlabo na naman ang mga mata ko. Mabuti na lang at bigla akong naagapan ni Creed. What the fuck is happening to me?

"Ayos lang, nahilo lang ako," sabi ko dahil masyado nang nag-aalala ang mukha niya.

"Stop fooling me. You're not okay. Dadalhin kita sa CD—"

"Bukas na. Ayokong makita si Satana, Creed." I took a breath and sat on the wooden chair. Nasa likod na kami ng mansyon niya ngayon.

"You're not oka-" Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya kaya natigilan siya.

"Creed, remember this. I will always be fine as long as I'm with you. You are my medicine so please, believe me, I am okay," I said.

Mahina siyang bumuntong-hininga at hinalikan ang noo ko. Pumasok kami sa loob. Kakatapos lang namin mag-almusal at niyaya ko na siya kanina na mag practice akong bumaril. Hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin.

"Creed, kilala mo ba 'yung Boss? Gusto ko na siyang makilala," I whispered. Nasa sofa kami at nanonood ng t.v. Nakaupo siya sa dulo ng sofa at naka higa naman ako sa hita niya habang pinaglalaruan niya ang kulay green kong buhok.

"You'll meet him soon," tipid na sagot niya.

"Pero kilala mo siya?" tanong ko ulit.

Tinitigan niya ang mga mata ko. "Kilala mo siya, Amara," sagot niya.

Isa ba sa mga members ng CDD? Pero hindi naman nila kaboses 'yung Boss, e. Kahit si Creed hindi ko iisiping siya ang Boss o si Taurus dahil hindi nila kaboses.

"Creed, nasaan 'yung pamilya mo?" tanong ko. Ang dami kong tanong.

"They're in their house. My parents are busy with my brother's wedding," sagot niya kaya napaayos ako ng upo.

"Huh? Ikakasal na ang kapatid mo?" tanong ko. Nakakabigla lang. Ilang taon na kaya ang kapatid niya?

"Yeah. Parang gusto ko na nga rin sundan si Kuya, e," seryosong sagot niya kaya napakunot ang noo ko pero nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay natawa ako at hinampas siya.

"What? Doon din naman ang bagsak natin," sabi niya.

Hindi na ako sumagot pero nagtaka ako nang tumayo siya. "We should go there," aniya kaya mas lalo akong nagtaka.

"Saan?" tanong ko.

"Dress up. Make yourself prettier. I love you, love," he whispered and kissed my lips.

Hindi na ako nakasagot dahil tinalikuran na niya ako. Pumunta ako sa kwarto at kinuha ang-hindi ko alam kung anong kukunin ko dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Nag jeans na lang ako at green long sleeve polo. Paglabas ko ay nakakunot-noong nakatingin sa akin si Creed.

"What on earth are you wearing?" tanong niya.

Nagtaka din ako dahil naka ibang jeans na siya at black long sleeve polo. "Ano ba? Saan ba tayo pupunta? Wala ka naman sinabi, e, tapos 'yan nagrereklamo ka," sambit ko.

"Dress, Cams. Ba't naka jeans ka ba?" masungit na tanong niya kaya umikot ang mga mata ko.

"Huwag mo akong sungitan d'yan, ah. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa 'yo," inis na sambit ko at malakas na sinarado ang pinto.

It still hurts down there. He was so wild last night but sexy at the same time.

Pagkatapos kong maisuot ang kulay green na sleeveless dress ay lumabas ako. Ngumiti siya nang makita ako at ipinulupot na ang kamay niya sa bewang ko.

"Creed, sabihin mo nga. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nasa kotse na niya kami.

"I'll introduce you to my family, love," nakangiting sabi niya kaya natigilan ako.

Ipapakilala niya na ako sa pamilya niya? Pero hindi pa ako handa. Gusto kong kami munang dalawa ang nakakaalam ng relasyon namin dahil hindi pa maayos ang lahat. Tinitigan ko siya dahil halatang sobrang saya niya ngayon na ipapakilala na niya ako sa pamilya niya.

Hindi 'to pwedeng mangyari...

"Creed, stop the car," sambit ko.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"I said stop the car," pag-uulit ko.

"But why?" tanong niya pa.

"Creed, look. Hindi pa tayo safe. Marami pang gustong pumatay sa atin. Ayokong malaman ng iba o ng kahit sino ang tungkol sa atin. Naiintindihan mo ba ako?" paliwanag ko.

Hindi siya nakasagot. Hindi naman kasi si Ryder ang nasa number one sa listahan ng mafia na gustong patayin dahil si Creed talaga. Kapag nalaman ng lahat na nagpalit sila ng katauhan ay si Creed na ang tatargetin nila at ayokong paikutin nila ang isa sa aming dalawa para makuha siya o ako. Alam kong gagamitin ako ng kalaban para makuha si Creed at hindi ako papayag do'n.

"I don't get it, Cams. Why are you saying that? Kaya kitang protektahan," mariing sambit niya kaya napailing ako.

"Creed, please. Mahal kita. May tamang panahon para ipakilala mo ako pero hindi sa ngayon," mahinahon kong sinabi kaya hindi na siya nagsalita.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa isang mansyon. Maraming sasakyan at mukhang maraming tao sa loob. Nasaan ba talaga kami?

"This is my parent's house," malamig na sabi niya.

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang braso niya. "Galit ka ba sa 'kin?"

Hindi siya tumingin sa akin. "Hindi ako galit. Hindi ko lang maintindihan kung bakit wala kang tiwala sa akin. Let's go inside." Bumitaw siya sa akin at naglakad na kaya wala akong nagawa kundi sundan siya.

Nagulat ako dahil ang daming tao at ang iingay. Nagulat din yata sila nang makita kaming dalawa ni Creed.

"Oh my God!" sabi ng isang babae na mapula ang labi pero bumagay sa kanya. Maikli at kulot ang buhok niya at aaminin kong sobrang ganda niya.

"Wait. Nakikita niyo ba ang nakikita ko? Si Creed may kasamang babae?" tanong naman ng isa pang babae. Okay. Magaganda silang lahat.

"Nakikita ko rin, Frida. May kasama nga siyang babae!" sabi naman ng lalaking maputi. Pamilyar ang mukha niya dahil parang nakita ko na siya.

Saan ko nga ba siya nakitーoh shoot. Artista 'to, ah? Hindi ko alam ang pangalan niya pero nakikita ko na siya sa t.v.

"Hi, who are you?" tanong ng babaeng mapula ang labi.

Who's this bitch?

"I'm Hezikaia, by the way," nakangiti niyang sabi at pumulupot naman ang kamay ng isang lalaki sa bewang niya.

"Camreigh," tipid kong sabi.

"Girlfriend ka ni Creed?" sunod na tanong ni Hezikaia.

Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko ipinahalata. "Hezikaia, stop asking too much questions. She's just a friend," malamig na sagot ni Creed kaya natahimik kaming lahat.

"Weh!" sigaw ng babaeng tinawag na Frida.

"Hi, I'm Sorrel! I like your hair color!" The girl winked at me. She looks like a living barbie doll.

"Aina Franchini," nakangiti namang sabi ng babaeng matangkad at maputi. Kung titingnan siya ay mukhang mabait. Mabait nga ba?

"Hindi ka naman girlfriend ni Creed 'di ba? Hi, I'm Xanthus." Napanganga ako nang kinuha ni Xanthus ang kanang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

Mabilis akong napatingin kay Creed at naka-igting na ang panga niya sa galit. "What the fuck, Houghton!" sigaw ni Creed at kukuwelyuhan sana si Xanthus pero agad ko na siyang inawat.

"Ano ba?" mariin kong bulong sa kanya. Mabilis ang bawat paghinga niya pero unti-unti na niyang kinalma ang sarili.

"Creed, calm your fucking balls. Don't make a fuss here, you asshole," sabi ng lalaking nasa tabi ni Hezikaia.

"Kuya, he kissed Amara's hand!" sigaw ni Creed kaya napapikit ako.

Napakamot si Xanthus. "Sorry na, pare, okay? Sabi mo kasi kaibigー"

"Enough," malamig na sambit ng kuya niya.

"Hi, don't mind them. Ganyan talaga ang mga boys dito. Hindi 'yan nag-aaway. I'm Trina. Nice to meet you," sabi ng babae.

Tinanguan ko lang siya.

"Tama na 'yan, Creed. Hindi mo naman siya girlfriend 'di ba?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Hezikaia kaya mahinang napamura si Creed.

"Where's Kuya Slade?" Pinakalma ni Creed ang boses niya.

"There he is!" sigaw ni Frida kaya napatingin kaming lahat sa pumasok.

Siya nga si Slade. Ang nakita ko noon sa mall. Nanliit ang mga mata ko sa babaeng hanggang balikat niya lang. She looks like a goddess what the fuck. Kulot ang mahaba niyang buhok at maputi. Sobrang aliwalas ng mukha niya at parang napaka inosente tingnan.

Ngumiti si Slade. Ipinakilala niyang nililigawan niya 'yung kasama niyang babae na si Absinthe.

Nagpakilala ang ibang babae at lalaki sa kanya hanggang sa napatingin sa akin si Slade at tinanong kung sino ako.

"A friend of mine," malamig na sagot ni Creed. Nakakainis. Bakit kailangan niyang maging malamig? Galit nga talaga siya sa akin.

Mukha namang mabait si Absinthe pero tinatamad na akong ngumiti dahil pakiramdam ko ay magka-away na kami ni Creed.

"Camreigh," malamig kong pagpapakilala kay Absinthe. Naiinis ako kay Creed.

Pumunta sila Slade at Absinthe sa mga magulang nila Creed para ipakilala ni Slade ang babaeng nililigawan niya. Biglang lumabas si Creed kaya napabuntong-hininga ako at sinundan siya.

"Creed, ano ba!" sigaw ko.

"Amara, I don't get you. Naiinggit ako kay Kuya kasi ipapakilala na niya 'yung kasama niyang babae tapos ikaw hindi kita pwedeng ipakilala. What the fucking fuck. Just what the fuck." Inihilamos niya ang dalawang palad niya sa mukha.

Hindi ako nakasagot. Nainggit rin naman ako kay Absinthe dahil ipapakilala na siya ni Slade. Gusto ko rin makilala ako ng pamilya niya pero hindi pa talaga sa ngayon. Siguro mas mabuting kami munang dalawa ang nakakaalam ng kung akong meron sa amin.

"I'm sorry..." mahinang sabi ko.

Tumitig siya sa akin at bumuntong-hininga. Hinawakan niya ang bewang ko at niyakap palapit sa kanya. "Sige, Amara... hindi muna kita ipagsisigawan pero ibubulong ko na lang sa 'yo..." Nakagat ko ang labi ko dahil sa pagbulong niya. "Sa akin ka lang..." Tumaas ang balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya.

"Weh? Magkaibigan pero nagyayakapan. Sana all."

Agad kong naitulak si Creed nang may biglang nagsalita. Nagsalubong ang kilay ko dahil nakita ko si Frida na nakangisi sa amin.

"What the fuck, Frida?" galit na tanong ni Creed.

"Oh bakit?" natatawang tanong ni Frida. "Don't worry, guys. Hindi ko sasabihin sa kanila." Kumindat siya at tinalikuran na kami.

Bumalik kami sa mansyon niya. Sinabi niyang bukas na ang kasal ni Hezikaia at Pris at gusto niyang pumunta kami sa kasal ng Kuya niya.

Kinabukasan ay may inilapag si Creed sa kama kaya napatingin ako roon. Binuksan ko ang malaking box at nakita ko ang kulay violet na gown. Tumingin ako sa pinto dahil itatanong ko kung kanino 'to.

"Creed?" tawag ko sa kanya. "Creed!" tawag ko pa kaya binuksan niya ang pinto at napalunok ako nang makita siya.

"Why, love?" malambing na tanong niya.

Wala siyang suot sa pang-itaas kaya kitang-kita ang maputi at malaki niyang katawan. Naka-tuwalya lang din siya sa pang-ibaba. "I-i-i-itatanong ko lang sana kung kanino 'tong gown,"

"You're cute when you're stutttering. What the hell, Camreigh. What did you do to me? I'm so in love." Lumapit siya sa akin kaya tumayo ako.

"T-teka nga! 'Wag ka nang lumapit, Creed! Kanino 'tong gown?" tanong ko kaya pumameywang siya.

"That's yours," sagot niya.

"Ito ba ang susuotin ko sa kasal ng Kuya mo?" tanong ko pa.

"Ahuh. Good morning. I love you!" mabilis na sambit niya at mabilis akong hinalikan sa labi at lumabas.

I just shook my head because that was so cute. I did not expect that he would act like that. Napangiti ako. Nakilala ko siya na malamig at seryoso at nang makita 'yung kanina ay nakakapanibago sa akin.

Ganito rin kaya siya sa iba?

Sana sa 'kin lang.

Lumabas ako ng cr pagkatapos maligo at sinuot ang gown. May kumatok sa pinto kaya sumigaw ako. "Creed, I'm not yet done! Mamaya ka na pumasok dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko!"

"Ah, Ma'am. Hindi po ako si Mr. Del Fuego."  Napakunot ang noo ko nang makita ang isang babae.

"Sino ka?" tumayo ako.

"Ako po si Eunice, ako po ang mag-aayos sa inyo,"  nakangiting sabi niya kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"Sinasabi mo bang magulo ako kaya mo ako aayusin, ha?" tanong ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Naku! Hindi po, Ma'am! Ang ibig ko pong sabihin ay me-make up-an kita," sabi niya.

Ah, okay.

Umupo ako at humarap sa malaking salamin. Makalipas ang ilang oras ay natapos na siya. I was shocked when I finally saw my face. Nakita ko na ang mukha ko kapag may make up at hindi ko alam na may mas igaganda pa pala ako. Curly ang kulay green kong buhok at nagustuhan ko naman ang hitsura ko ngayon.

Mukha tuloy akong mabait. Lumabas ako ng kwarto. "Nasa kotse na po si Mr. Del Fuego," sabi ni Eunice kaya lumabas na ako.

Paglabas ko ay nakita ko si Creed na naka tuxedo. Damn. He's freaking hot as always. Nakatulala siya sa akin kaya nang nakalapit ako ay tinapik ko siya.

"Are you okay?" I asked.

"H-huh? Yeah..." sagot niya at binuksan ang pinto kaya mahina na lang akong natawa at pumasok sa kotse.

Mabilis siyang umikot at pumasok na rin. "Ang ganda mo..." he whispered.

Napangiti ako. "Ako lang 'to." Nagkibit-balikat ako.

Pagdating namin sa simbahan ay napakaraming tao. Kulay asul ang mga mata niya dahil hindi siya pwedeng makilala lalo na at maraming media.

I was just smiling while looking at Pris and Hezikaia. Titigan pa lang nila sa isa't-isa ay mararamdaman mo na ang pagmamahal. Sana sa simbahan din ang bagsak naming dalawa ni Creed.

Pagkatapos ng kasal ay pumunta kami sa venue. Maraming nagsisiyahan at nag message pa ang kabigan ni Pris at Hezikaia sa kanila. Tahimik akong umiinom.

Saglit kong naisip si Lolo at Lola dahil hindi pa ako nagpapaalam sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at ti-next si Lola.

"Hey, love. Are you okay?" tanong ni Creed.

Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala. Lumipas ang maraming oras at ang iba ay lasing na. Medyo lasing na rin ako pero kaya ko pa naman. Narinig ko pa ngang kumanta si Absinthe.

"Creed, uuwi na ako. Baka nag-aalala na sila Lolo at Lola sa akin." Tumayo ako kaya tumayo rin siya.

"Ayaw mo ba talagang ipakilala kita kay M-"

"I'm sorry, Creed. May tamang panahon para r'yan. Mauuna na ak-"

"Sa tingin mo pauuwin kita mag-isa? I am now your boyfriend," sambit niya at hinawakan ang kamay ko pero mabilis kong tinanggal 'yon.

"Uuwi na kayo, Cams?" tanong ni Hezikaia.

"Yeah. Congratulations sa inyo," sabi ko at tinalikuran na sila.

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kaya hindi ko makausap ng maayos si Creed.

Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong sinagot 'yon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Hell-"

"Cams! Oh my God, Cams! Umuwi ka na ngayon dito sa mansyon ng Lolo mo!" sigaw ni Grace kaya agad na dumapo ang kaba sa dibdib ko.

"B-bakit? Anong nangyari?" kinakabahang tanong ko.

"Cams!" Humagulgol si Grace at nabitawan ko na ang cellphone ko.

"Creed, bilisan mo!" sigaw ko at hindi na mapakali. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Natatakot ako sa hagulgol ni Grace.

May mga nakaparadang sasakyan sa harap ng mansyon namin at alam kong sasakyan 'to ng CDD members.

Nagkatinginan kami ni Creed at mabilis na pumasok sa loob.

Binuksan ko ang double door at tumaas ang balahibo ko nang makitang duguan si Lola at nakahandusay sa sahig.

Lumunok ako at tinapangan ang sarili. Naririnig ko ang iyak ni Grace habang ang CDD members ay tahimik lang.

Namuo ang mga luha ko habang papalapit kay Lola. Ngayon na lang ulit ako natakot ng sobra. Takot na takot ako...

Nang nakalapit ako ay pinagmasdan ko si Lola. Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko at napaupo. "L-lola..." Nanginig ang mga labi ko at ang mga kamay ko habang hinahawakan siya.

"Lola!" malakas kong sigaw at humagulgol saka siya niyakap. "L-lola, no... no please... don't do this. Wake up, Lola. Nagmamakaawa ako... hindi ko kaya, Lola... hindi ko kaya..." humihikbi kong sambit habang tinatakpan ang dibdib niyang may tama ng baril.

"Lola, I'm begging you... W-wake up... ako na lang... ako na lang, g-gumising ka, La... ako na lang..." Mahigpit ko siyang niyakap at hindi na ako tumigil sa paghagulgol.

"Lola, 'wag ganito... w-wake up... don't leave your granddaughter please... hindi ko kaya, Lola..."

Lord, why did you take her? Kinuha niyo na ang mga magulang ko, bakit kinuha niyo pa pati ang Lola ko? Kung panaginip lang 'to, gisingin niyo na ako sa bangungot na 'to. Hindi ko kayang mawala si Lola... hindi ko na kaya.

"Lola, please!" sigaw ko habang mahigpit siyang niyayakap. "I love you so much, Lola. Susundin na kita. Makikinig na ako sa 'yo just please... please wake up..." Pahina ng pahina ang boses ko habang umiiyak. Sobrang sakit. Sa pangalawang pagkakataon ay wala na naman akong nagawa para iligtas ang pamilya ko.

No, please. Don't do this to me.

"What happened?" narinig kong tanong ni Creed.

Huminga ako ng malalim at tila ba naging isang demonyo ulit ako. Wala akong nararamdaman kundi galit. Dahan-dahan kong binitawan si Lola at tumingin sa CDD members. "Anong nangyari?" malamig at seryoso kong tanong.

"W-we came here para sunduin ka dahil gusto naming humingi ng tawad sa pag-iwas namin sa 'yo pero... pero ito ang naabutan namin." Kwento ni Pisces.

Lumapit ako sa mga body guards at pinagsasampal sila kaya inawat ako ni Creed. "Ang tatanga niyo! Putangina, bakit niyo pinabayaan si Lola?" sigaw ko sa kanila kaya napayuko lang sila.

"Calm down, Ama-"

"Shut it!" sigaw ko at tiningnan sila Libra. "Nasaan si Lolo?" kinakabahang tanong ko.

"Nasa ER siya. Dinala siya ni Taurus at Cancer sa ospital dahil naabutan namin siyang may tama ng baril. Cams, I'm sorry. Hindi namin naprotektahan ang pamilya mo," sagot ni Grace.

Napahilamos ako ng palad sa mukha ko at napaupo. Malakas akong humagulgol dahil warak na warak na ang puso ko. Nabubuhay na lang yata ako sa mundong 'to para iyakan ang mga bangkay ng mga taong mahal ko.

Hindi ko alam na 'yung pag-alis ko sa mansyon ay huling pagkikita na pala namin ni Lola. Putcha... ang sakit sakit sakit. Kung may mas sasakit pa rito, patayin niyo na lang ako.

Lord, why are You so cruel?

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
333K 17.5K 66
Iniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The cha...
13.3K 312 44
Haliya Wedden Mercedez who is the CEO of a record production and artist management company that she brought to existence by herself at a very young a...